Kabanata 36
Who Are You Texting
“You’ll be out again? Really?” Bigong wika ni Pierre nang palabas ako sa bahay namin sa Hillsborough.
Pumayag si papa sa gusto ni mommy na sa bahay muna ako ng ilang buwan. Naintindihan niya iyon dahil sa nalalapit na mga events na mangyayari. Kasal na ni Eba at Damon bukas at ngayong gabi ay may family dinner ulit kami.
“Pierre, I was here the whole day. Pati kagabi.” Ngumiti ako sa kapatid ko.
“Gusto niya atang sumama.” Halakhak ni Hendrix habang nakababad sa kanyang laptop.
Matalim na tinitigan ni Pierre si Hendrix. Umiling na lang ako. Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas nang bumalik sila. Sinisigurado ko namang parati ako sa Hillsborough kahit sa Montefalco Building ako umuuwi. Hindi iyon sapat kay Pierre. Hendrix was open about it, though.
Isang linggo na ang nakalipas nang dumating ang parents ni Elijah at ang kanyang dalawang kapatid. Kumpleto na naman kaming lahat dahil nakarating na rin si Knoxx. Hindi na nga lang kami nagkikita ni Elijah maliban sa mga family events. Halos hindi rin kami makapag usap dahil nakatingin si Erin at Chanel sa amin.
Hindi nga ako makasigurado kung inilihim ba ni Erin at Chanel iyong nangyari kay Josiah dahil madalas kong makita si Josiah na nakatingin sa akin. Sa cellphone ay pinipilit ko si Elijah na mag sorry kay Erin, ginawa niya na ito isang beses at narinig ko iyon. Hindi iyon taos pusong pagso-sorry. Kaya halos hindi rin siya pinansin ni Erin. Hindi na rin sumubok pa si Elijah. He said it’s not worth it.
“You okay?” Tanong ni Pierre habang inaayos ko ang sandals ko sa aming sofa.
Lumebel ang tingin ko sa kanya nang tumayo ako. Nagkatinginan sila ni Hendrix at parang may pinag uusapan sila na hindi ko naririnig.
“I’m good. Bakit?” Tanong ko.
Nilingon ako ni Pierre at medyo namutla siya. Malalim ang hininga ni Hendrix kaya nagtaka ako kung ano iyong pinag usapan nila.
Hindi ko sinabi sa kanila na may nangyayari na naman sa akin at sa mga Montefalco. Hindi ko magawa. Ayaw kong makarating ito kay papa at natatakot akong ihiwalay niya ako sa kanila. Natatakot akong pumangit ang tingin niya sa aking pamilya.
“Nothing. Come on, I’ll drive you.” Ani Pierre at kinuha niya ang kanyang mga susi.
Madali lang iyong naging drive dahil mabilis ang patakbo ni Pierre at malapit lang naman ang bahay na tinutuluyan ng mommy at daddy ni Damon at Rafael. Kung ang magkapatid ay tumutuloy sa isang condo, downtown. Pag umuuwi naman ang kanilang mga magulang ay sa Courtyards sila tumutuloy kaya doon din kami madalas mag tipon tipon ngayon.
Pagkarating ko ay naabutan ko kaagad silang lahat na pinapanood iyong Pre-Nuptial shoot ni Damon at Eba. Maganda ang naging video nila, Pre Nup pa lang. Maraming lugar ang pinag shooting-an at naging bagay ang kantang ‘I Won’t Give Up’ bilang background music.
The video was sweet. Nakakainggit.
Nakaupo ako sa tabi ni Claudette habang nagpatuloy ang video sa flatscreen nila. Si Elijah ay nasa malayong side, nakayakap sa throw pillow at nilalaro si Xian. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya pero alam kong nakatingin din si Chanel at Erin sa akin.
“Let’s eat, guys! Tadaaa!” Ani Ate Yasmin habang nilalapag ang mga cupcakes sa harap namin.
Siya ang nagbake nito. Kumuha agad ang mga boys. Si Erin na nasa tabi ni Claudette ay patuloy na pinapasadahan ng kamay ang kanyang maikling buhok. Oo, nagpagupit siya. Umikli ang kanyang buhok at hindi ko alam pero mas pinatingkad nito ang kanyang mga features.
“Excited na ba kayo bukas?” Maligayang tanong ni Ate Yasmin sa aming lahat.
Naka-bun ang kanyang buhok at may suot siyang over sized jacket habang pinapalakpak ang kanyang kamay dahil sa excitement para sa kasal bukas.
“Excited na ako.” Tawa ni Chanel. “Hindi ako maka get over sa mga gown natin.” Ani Chanel.
“Ako rin!” Nagkasundo ang dalawa.
Kaming lahat ng girls ay ginawang bride’s maid ni Eba. Ang boys naman ay groom’s men. Si Rafael ang naging best man at si Karen naman ang naging Maid of Honor. Ginawa ring bride’s maid at groom’s men ang mga pinsan ni Eba. Si Xian naman ang naging ring bearer. Nakakatuwa nga kasi nagpapractice pa siya.
“Dapat maaga tayong umuwi ngayon para makapag prepare bukas! Maaga pa naman bukas!” Ani Ate Yasmin.
Sumulyap ako kay Elijah na may pinipindot na naman sa kanyang cellphone. Kumalabog ang puso ko dahil alam kong may paparating na naman siyang text. Naghintay ako sa text niya.
Elijah:
I want to sit beside you.
Natulala pa ako sa text niya. Ganon rin ang gusto ko pero natatakot akong may masabi si Erin at baka malaman pa ng lahat. It’s a bad time. Damon’s wedding is tomorrow.
Ako:
But we can’t sit together 🙁 Sorry
“Sinong ka text mo, Klare?” Napatalon ako sa boses ni Erin.
Nakadungaw siya sa aking cellphone at mabilis ko iyong tinago. Napatingin si Ate Yasmin sa amin at si Chanel, nagtataka.
“A…Ah, just a friend. Bakit?” Tanong ko.
Blanko ang ekspresyon ni Erin sa akin. Batid kong nagbabanta siya na kung hindi ko titigilan ang ginagawa ko ay sasabihin niya sa lahat.
“What are you some sort of police?” Utas ni Elijah.
Napatingin si Ate Yas sa kanyang kapatid. Nag iwas ng tingin si Elijah kahit kanino. Narinig ko ang sipol ni Azi sa malayo. Si Josiah naman ay kumuha ng cupcake sa harap namin.
“Elijah…” Biglang tinapik ng kararating lang na si Tito Exel ang balikat ni Elijah.
Nilingon agad siya ni Elijah.
“Just a sec, son.” Ani tito.
Tumango si Elijah at umalis para sumama sa kanyang dad patungong dining room, kung nasaan ang mga magulang namin.
“Magkagalit kayo ni Elijah, Erin?” Tanong ni Ate Yasmin kay Erin.
“No, ate.” Ngiti ni Erin habang nilalagay ang takas na buhok sa kanyang tainga.
Tumango si Ate Yas at tumingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanya.
“Nga pala… natawagan mo na si Selena, Chanel?” Dinig kong sinabi ni Ate Yasmin.
“Out of coverage area na. Baka nag sweitch to roaming na siya at umalis na patungong New York.” Ani Chanel.
“Talaga? Iyon din ang sabi ni Elijah sa akin. Dapat ay pinigilan niyang umalis si Selena.”
Hindi na ako kumibo. Inubos ko na lang iyong kinuha kong cupcake at nagpatuloy sa panonood ng slideshow ni Eba at Damon sa harap.
Nag vibrate ang cellphone ko at nakita kong may text si Elijah doon. Tumayo muna ako at lumabas ng bahay bago iyon binuksan. Ayaw kong may masabi na naman si Erin.
Elijah:
Dad wants me to contact Selena. I said she’s out of the country. Pinagalitan niya ako dahil hindi ko pinigilan. I want… to tell him the truth.
Shit! mabilis akong nagtype ng mensahe ko para sa kanya.
Ako:
Don’t!
Ako:
Don’t tell him, Elijah. Let’s not ruin this event. Kung sasabihin natin, siguro ay pagkatapos na nito. Please. I’m sorry.
Kumalabog ang pintuan, hudyat na may sumunod sa akin sa labas. Naghanda na ako para sa mga patama ni Erin sa akin ngunit nagulat ako nang si Josiah iyong lumabas at nakatitig sa akin.
Guminhawa ang pakiramdam ko at nagpasalamat na ang angelic na mukha lang ni Josiah ang sumalubong sa akin. Nang may nakita akong makahulugang tingin galing sa kanyang mga mata ay kinabahan agad ako.
Tumingala siya at nadepina ang kanyang adam’s apple. Tumayo siya sa tabi ko at suminghap.
“Klare, I won’t pretend.” Aniya.
Pumikit ako. Alam ko na.
“Hindi sinabi ni Ate at Erin sa akin, ako mismo ang nakaramdam. Because they are cold to you, and you are distant to them as well.”
Hindi ko alam kung masaya ba ako kasi hindi naman pala sinabi ni Erin at Chanel iyon pero pareho parin, ngayon, may nakakaalam na naman. I just hope Josiah will keep this too. Sa ngayon.
Suminghap ulit siya na para bang nahihirapan. “Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.”
“You don’t need to tell me something, Joss.” I just want your support. At kung hindi niyo kayang ibigay iyon sa amin, sana ay huwag niyo na lang kaming hadlangan. I don’t wanna be harsh to him. Wala pa naman siyang sinasabing opinion.
“I’m not against. I’m not pro, too. I just want you to know that this will raise hell, Klare. Tito Exel, tito Azrael, tito Stephen weren’t happy about this two years ago. At ngayong nag iba na ang apelyido mo, hindi parin nagbabago ang pananaw nila.”
I know that. Kaya nga nag iingat kaming dalawa.
“Don’t make the same mistakes again. I heard them talk at narinig ko mismo sa bibig ni tito Exel na si Elijah ay nandito kasama si Selena and he was glad he’s over you. You two shouldn’t be together kasi magkasama tayong lumaki at naniwala tayo ng ilang taon na magpipinsan tayo. And you are still a Montefalco to us. You get that? We love you, Klare na nagalit kami kasi nagpalit ka ng apelyido. We love you to much that we refuse to acknowledge that you’re not a Montefalco anymore.”
Nilingon ko si Josiah. I get his point. At kitang kita ko kung saan siya nanggagaling at kung bakit siya tama. Hindi ako bulag. Alam ko kung ano ang pinaglalaban ng mga Montefalco. Erin’s right, she couldn’t accept it. Iyon ang dahilan kung bakit kahit dehado siya kay Eion ay hindi niya parin ako nagawang ipagtulakan kay Elijah.
“If you really love me, Josiah, support me.” Utas ko na parang pinalabas ko na lang sa kabilang tainga ang sinabi niya.
Half open ang kanyang bibig na para bang nahihirapan siyang huminga. “I support you, Klare. But I’m warning you, this will not be easy.”
Ngumiti ako sa kanya. “This will never be easy. But I know it’s going to be worth it.”
Narinig kong bumukas ulit ang pintuan. Napalingon kami sa lumabas doon at nakita ko si Kuya Justin, Knoxx, Rafael, at Azi na nagtatawanan.
“Joss, where have you been! Let’s play!” Sabay wagayway ni Knoxx ng poker chips.
Lumabas si Elijah at napatingin siya sa akin. Nginitian ko siya habang lumapit si Josiah sa mga lalaki. Lumapit din si Elijah sa outdoor table na pinapalibutan ng boys at may tinype agad siya sa kanyang cellphone.
Naglakad na ako pabalik sa loob habang ginagawa niya iyon. Mga titig ni Josiah ay sa akin nakatoon hanggang sa nakapasok ako.
Nag vibrate ang cellphone ko at nakita kong may mensahe agad ni Elijah.
Elijah:
Hindi ko sinabi. We’ll wait. I’ll wait. I love you.
Humugot ako ng hininga at hindi iyon agad na ibuga dahil sa huling sinabi niya.
“Klare?” Nagulat ako at halos mabitiwan ko ang aking cellphone nang bigla itong dinungaw ni mommy.
Mabilis ko iyong nilagay sa bulsa ko. Kumunot ang kanyang noo dahil sa naging reaksyon ko. Nanonood si Erin, Chanel, at Claudette sa amin habang si Ate Yasmin ay nasa kusina na naman.
“We’ll… go home early today. Anong nangyari sayo ba’t para kang nakakita ng multo? Got a prob? Who texted?” Tanong ni mommy.
Siguro ay namutla ako dahil sa naging reaksyon niya.
“Just Vaughn, tita, her friend.” Singit ni Erin habang hinahagkan ang unan sa kanyang dibdib.
Nilingon ko si Erin. Nanatili ang mapanuring titig ni mommy sa akin. Kumalabog ang puso ko.
Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na ulit dinungaw ang cellphone ko. Panay ang tingin ni Elijah sa akin habang naroon kami at iniwasan ko ang mga titig niya sa takot na may makahalata ulit. Naging mas napagmatyag din si mommy sa akin. Halos bawat sampung segundo ay nakatutok siya sa akin.
Masaya ang naging pagtitipon para sa lahat, maliban sa akin. Kahit paano ay nakita ko namang tumatawa si Elijah habang nag popoker sila sa labas. Naunang umalis sina Azi, Claudette, Knoxx, at sina tito at tita. Sumunod naman kami.
Humihikab papasok sa sasakyan si Charles. Si mommy naman ay nakatingin sa akin habang pinagmamasdan akong nagmamartsa palapit sa sasakyan namin.
“Hindi ka nagpaalam kina Erin at Chanel.” Aniya.
“N-Nag paalam po ako.” Sabi ko ngunit hindi siguro niya iyon narinig dahil mahina lang. I’m exhausted.
Nilingon ko ng isang beses ang bahay nina Rafael at Damon at nagtatawanan parin sina Kuya Justin, Elijah, Josiah, Rafael, at Damon habang naglalaro sa labas. May ngiti sa labi ni Elijah habang pinapanood niya ako.
“Klare!” Sigaw ni mommy na siyang nakaagaw ng atensyon ko.
Nang hindi tinititigan si mommy ay pumasok na ako sa sasakyan at tinabihan ko na si Charles. Humihikab na ang kapatid ko at hinilig niya na ang kanyang ulo sa upuan.
Tahimik na nagdadrive si daddy patungo sa amin. Tahimik rin si mommy at medyo hindi ako naging kumportable. Hindi ako sanay na tahimik silang dalawa. Nang malapit na sa amin ay saka pa lang nagsalita si dad.
“Eba’s a nice girl. Nice for Damon.”
“Masyado nga lang silang bata para ikasal.” Ani mommy.
“That’s okay. Kawawa naman si Xian. Tsaka Damon loves the girl.” Ani dad.
Habang nag uusap sila ay dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko sa pagbabakasakaling sa wakas ay marereplyan ko na si Elijah. Marami siyang naging mensahe doon.
Elijah:
You look sad. Are you upset?
Elijah:
I miss you so much.
Mabilis ko siyang nireplyan.
Ako:
Pauwi na kami. Di ako nakapag reply agad kasi si mommy, nagtatanong kung sino ang katext ko.
“Mukhang di talaga makakarating ‘yong girlfriend ni Elijah.” Ani Mommy.
“Nasa New York na siguro.” Ani Dad.
“Ba’t di niya pinigilan?”
Nakarating na kami sa bahay. Ginising ko si Charles. Naalimpungatan siya at mabilis na bumaba ng sasakyan.
“My head is throbbing. I’m so sleepy.” Aniya at lumabas ng sasakyan.
“Klare…” Malamig na utas ni mommy.
“Po?” Tanong ko at tumingin sa nakalingon na si mommy sa akin.
“Bakit di pinigilan ni Elijah si Selena?”
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. “Hindi ko po alam.” Sabi ko.
Dahan dahan kong binalik ang cellphone ko sa aking purse. Bumagsak ang mga mata niya sa purse ko.
“Who are you texting?” Tanong ulit ni mommy.
Pumikit siya at mabilis na lumabas ng sasakyan. Nakalabas na si daddy at si Charles ay nasa elevator na. Kinalabog ni mommy ang aking pintuan.
“Get out of the car.” Mariin niyang sinabi habang tinatapik ang aking salamin.
Mahinahon kong binuksan ang aking pintuan. Ito na ‘yon. Sigurado akong may nararamdaman na siya at hindi niya iyon palalampasin. Nakita kong bumaba na ang elevator ngunit hindi parin pumapasok si Charles dahil nakatingin siya sa naging reaksyon ni mommy. Si daddy ay nasa likod ni mommy.
“Sino ‘yong ka text mo?” Mas mariin niyang tanong.
“Si Elijah po.”
Tumango si mommy at kinalma ang sarili.
“Paki tanong nga sa kanya…” Mabigat na ang bawat bigkas niya sa mga salita. “Bakit hindi niya pinigilan ‘yong girlfriend niyang umalis?”
Matama ko siyang tinitigan at hindi ko kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Hinintay ko lang ang mga idadagdag niya.
“Klare, get your phone and ask him.” Ani mommy.
Hinawakan ni daddy ang mga balikat ni mommy. Naglakad si Charles patungo sa amin.
“Mom, ano yan?” Wala nang bakas ng antok sa kanyang mga mata.
“My…” Pabalik balik kong tinitigan si mommy at daddy. “Dy… please?”
“Oh my God!” Hinilamos ni mommy ang kanyang mga palad.
“Klare?” Nagtatanong ang mga mata ni daddy.
“Dy…” Lumapit ako sa kay daddy sa pag asang hindi niya ako bibiguin. “Dad, si Elijah parin…” Pumiyok ang boses ko.
Pumagitna si mommy sa aming dalawa ni daddy. Galit at pagsisisi ang makikita sa kanyang mga mata. I know this is going to end here. Ito na iyon… kahit anong gawin ko para lang maantala ang pangyayaring ito ay tadhana na mismo ang nagtutulak sa akin.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]