Kabanata 34
Infinity
“We’ll see each other tomorrow, Pierre.” Sabi ko habang naghihintay ako sa labas ng Pryce Plaza Hotel.
Lumabas si Daddy sa aming sasakyan kasama si Charles at si mommy ay nasa kanyang cellphone din tulad ko.
Ngayon ang dating nina Pierre galing Davao. Hindi nga lang ako maka diretso sa bahay Hillsborough dahil sa family dinner na kakabilangan ko.
“Your mom called dad, Klare. Nanghingi siya ng oras.” Ani Pierre sa tonong medyo bugnot.
“Oras na ano?” Tanong ko kahit alam ko na kung ano ito.
Kahapon ay kinausap ako ni mommy na baka daw papayag si papa na sa bahay na lang muna ako. Hindi dahil sa nalalapit na kasalan nina Eba at Damon kundi gusto niya naman na sila naman ang makasama ko ngayon. Isa at kalahating taon na rin na kasama ko ang mga Ty at ngayon nanghihingi siya na kami muna.
Wala na namang karapatan si papa na pigilan ako dahil nasa tamang edad na ako kaya ako ang kinausap ni mommy. Hindi ko naman siya matanggihan ngunit nakiusap ako na sana ay hindi sa lahat ng oras ay doon ako sa kanila. I want to be fair. I love my brothers too.
“Oras na diyan ka muna sa bahay na ‘yan. This is what I don’t like. Sinasabi ko na nga ba na sa oras na babalik ka sa bahay na ‘yan ay malaki ang posibilidad na hindi ka na babalik sa amin!”
Umirap ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Pierre. He’s as possessive as papa.
“Pierre, listen… Hindi ako isang bagay na pag aari nino. I have my own choice too. I love you and I love the Montefalcos too. Hindi naman ibig sabihin na pag sa kanila ako natutulog ay hindi na ako babalik sa inyo.”
He sighed, defeated. “Alam ko… Pero ayoko lang talaga ng ganon, Klare. What are you doing anyway? Bakit hindi ka excited na makita kami? Vaughn’s coming tonight.”
“Pierre, may family dinner.” Paliwanag ko habang nakikita ko ang sasakyan ng mga tito ko na nagpapark sa tabi ng sasakyan namin. “Naalala mo ba yung sinabi kong ikakasal na si Eba at Damon? Eto yung dinner.”
“What are you wearing?”
Nagulat ako sa tanong ng kapatid ko kaya pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko. “Simple white dress and sandals, Pierre. That’s all.”
“Hay naku! O sige, I will wait for you. Possible ba na ngayong gabi ay magkikita tayo?”
“Bukas na lang. Baka matagalan ang dinner na ito. Please?”
Pagkatapos ng medyo iritadong pamamaalam ni Pierre sa akin ay naaninag ko na ang paglabas ng mga pinsan ko. Pormal na pormal ang mga damit namin. Tumatalon talon si Erin sa kanyang bubbly dress habang papunta sa akin. Sumunod si Chanel at Josiah sa kanya. Inaayos ni Josiah ang kanyang relo at tumingala siya sa malaking buwan sa langit.
“Kayo pa?” Tanong ni Erin sa akin sabay tingin kay Charles na nakababad sa kanyang iPad.
“Yup.” Tango ko.
Kumalabog ang pintuan ng sasakyan nina Azi nang lumabas siya. Pareho silang pormal ni Josiah. Parehong naka puting longsleeve na nakatupi hanggang siko. Nag high five silang dalawa at nagbatian. Nagbatian din ang mga magulang namin.
“Nandyan na ba si Kuya Stephen?” Tanong ng daddy ni Azi sa dad naman nina Josiah.
“I don’t know. Kuya Lorenzo, sinong nandito na?” Tanong ni Tito Benedict, ang daddy nina Josiah, Erin, at Chanel.
“Kami pa lang. Dapat ay nauuna tayo. Nakakahiya naman sa mga Ferrer kung sila pa ang maghintay.” Ani dad.
Nagmano ako sa mga tita at tito kong pormal na pormal. Nagpasya silang pumasok na sa loob ng Pryce Plaza hotel ngunit kami nina Charles, Erin, Claudette, Josiah, Chanel, at Azi ay naroon parin sa labas.
Napansin ko kaagad ang Trailblazer ni Elijah na papasok sa hotel. Sinusundan ito ng dalawang maiitim na benz ng mommy at daddy nina Rafael at Damon.
“Kailan dumating sina tito Stephen, Joss?” Tanong ni Azi.
“Nong Wednesday. Ang alam ko namanhikan na sila kagabi sa bahay nina Eba. Ngayon, family dinner na lang. I heard binibilisan ang wedding. Shot gun.” Kindat ni Azi.
“That’s bad.” Sabi ni Erin.
Kumunot ang noo ko ngunit hindi ko maalis ang titig ko sa lumalabas na si Elijah. Tinutupi niya ang kanyang longsleeve patungong siko. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya habang papalapit siya sa amin.
“Why bad, Erin?” Tanong ni Chanel.
Hindi ko na nasundan ang pinag uusapan nila dahil namangha na ako nang lumabas si Damon, Rafael, Tita Dana at Tito Stephen sa kanilang sasakyan. Pormal na pormal sila at parang importanteng mga tao. Isa-isa kaming nagmano sa kanila.
“Nagpabook na ba ang mommy at daddy mo, Elijah?” Tanong ni Titp Stephen kay Elijah.
“Opo. They’ll be here a week before the wedding.”
Hindi ko alam iyon, ah? Ibig sabihin uuwi ang buong pamilya niya. I’m sure pati si Kuya Justin at ate Yasmin ay uuwi rin.
“How about Knoxx, Azrael?” Tanong naman kay Azi.
“He’ll be here next week, tito.”
“Gumraduate na iyon, hindi ba?”
Tumango si Azi at pumanhik na kaming lahat sa loob ng hotel.
Isang malaking function room ang kinuha nina Damon para sa gabing ito. Hindi na naman talaga kailangan ng ganito dahil magkikita kita naman kami sa kasal pero kagustuhan din ito ni Tito Stephen. Gusto niyang magkakilala ng maigi ang dalawang pamilya. Nga naman, si Xian din kasi ang first born na apo dapat ng yumao kong lolo at lola. Napayuko ako nang napagtantong I’m not really blood related to Xian or my lolo and lola. I’m not a Montefalco.
May mga round tables para sa amin at ang mga magulang namin ay nakaupo sa isang mahabang presidential table sa harap. Katabi ko si Erin at Claudette sa malaking table na inuupuan naming lahat ng pinsan ko.
Nagtatawanan ang mga boys at ang kukwentuhan at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsulyap kay Elijah habang nagsasalita siya kay Azi. Nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya kaya ngumingiti siya. Kumakalabog naman ang puso ko at yumuyuko na lang. Ayokong makahalata si Erin.
“Sino kayang susunod na ikakasal?” Tanong ni Erin, kumikinang ang kanyang mga mata habang pumapangalumbaba.
“Josiah?” Halakhak ni Claudette.
“Impossible.” Ani Erin.
“Well, Damon was impossible too.” Ani Claudette.
“Wala namang girlfriend si Kuya. Baka si Elijah.” Tumingin siya kay Elijah. “Dapat pumunta si Selena sa kasal, e. Sayang talaga!”
Hindi na ako nagsalita. Ayaw kong may mapulot siya sa mga galaw ko. Nanahimik ako doon hanggang sa dumating na ang kapamilya nina Eba.
Nakatingin kami sa pintuan habang halos naka itim ngunit nakangiti ang mga pumasok sa function room. Malaki ang ngisi ng isang lalaking medyo matanda na kasama naman ang babaeng maganda at naka-bun ang buhok.
“That’s Eba’s dad.” Ani Damon.
Nagkamayan ang dalawang pamilya. Naroon din ang mga tito at tita ni Eba na isa-isa namang pinapakilala noong daddy niya sa mommy at daddy ni Damon. Tinawag kami ni Tito Azrael kaya lumapit kaming lahat.
Batid ko rin ang mga pinsan ni Eba, mayroong may mga anak na at mayroon ding ka edad namin. May mga mas bata pa. Humahalakhak na ang mga lalaki sa likod ko.
“Ganda nong may mahabang buhok.” Bulong ni Josiah sa likod.
“Tahimik ka nga diyan. Ang landi mo.” Ani Chanel.
“She’s got a nice rack, Joss.” Bulong ng natatawang si Azi.
“Mas maganda ‘yong mukhang suplada.” Dagdag ni Rafael.
Napatingin iyong mukhang suplada sa likod ko, kung nasaan ang mga boys. Naka floral heaven top siya at skater skirt.
“Nice kicks.” Ani Azi sa supladang pinsan siguro ni Eba.
Ngumiti ang suplada at pumula ang kanyang pisngi.
“Nice kicks ka dyan.” Ngiwi ni Claudette.
Nilingon ko si Elijah na humahagikhik habang binubulungan ng kung ano si Azi. Gusto ko siyang kausapin kaya lang weird iyon sa paningin nila kaya pinigilan ko ang sarili ko.
“Well, and these are our children. Kilala niyo na si Rafael, ‘yong kapatid ni Dame.” Tumawa si tito Stephen. “This is Josiah.” Hinila ni tito si Josiah at ipinakita niya sa buong pamilya ni Eba. “Josiah, Chanel, and Erin, mga anak ni Attorney Benedict Montefalco and her wife Liezl. I’m sure you know Benedict?” Tumawa ang dad ni Damon.
Tumango ang daddy ni Eba maging ang mga tito at tita niya. Isa sa mga pinakamagaling na lawyer si tito Benedict. Siya rin iyong tumulong sa akin na mailipat ang apelyido ko sa Ty noon.
“This is Klare… and this is Charles Montefalco, children of Lorenzo and Helen.” Dagdag ni tito habang ipinapakita kami.
Uminit ang pisngi ko dahil nakatingin silang lahat sa amin ni Charles. Tumango ang daddy ni Eba.
“Ito naman ang mga anak ni Azrael at Claudine.” Ngumiti si tita Claudine habang hinihila si Claudette na halos carbon copy niya. “Azrael and Claudette. May isa pa silang anak nasa Manila. Uuwi iyon dito sa kasal.”
Pinanood ko ang mga kamag anak ni Eba. malaki rin ang pamilya nila at may mga lalaki din siyang pinsan pero hindi kasing rami ng pinsan kong lalaki. Mas marami yata silang babae.
“And this is Elijah, Exel and Beatrice’s son. May mga kapatid ito nasa States. Si Justin at Yasmin. I believe uuwi rin sila sa kasal.”
Tumayo si Elijah sa harap ng daddy ni Eba at nakipagkamayan. Nahagip agad ng paningin ko ang mga babaeng pinsan ni Eba na nagbulung bulungan habang tumitingin kay Elijah.
Nag iwas na lang ako ng tingin. May pangamba sa akin na hindi ko malaman. It’s one of those insecurities. Natatakot akong mapansin nila si Elijah. Wala naman akong magagawa, talagang kapansin pansin siya. Kailangan kong masanay na ganito. He’ll forever be that attractive.
Biglang nagpakita si Eba na may dala dalang isang baby. Kakagaling niya lang sa iyak at medyo nangingiwi ang kanyang mukha.
“Baby!” Sabi ni Chanel at sabay sabay nilang dinumog si Xian.
Nagtago si Xian sa balikat ni Eba. Tinatahan siya ni Eba at pinipilit na pansinin ang mga pinsan kong nagpapapansin.
“Kamukhang kamukha niya si Damon!” Ani Erin.
Tumango ako. Kaya nga nakuha ko agad na anak siya ni Damon, e.
Ilang sandali ang nakalipas ay nagsiupuan na kami at nagkainan. Panay ang tawanan at kulitan nilang lahat.
Malapit na rin pala talaga ang wedding ni Eba at Damon. Iyon ang Sabado bago magpasukan. Beach Wedding ang napili ni Eba kaya pupunta kaming lahat sa Midway, 45 minutes kung galing ka dito sa Cagayan de Oro.
“Shut gun, masyado.” Napangiwi ang isang tita ni Eba.
Ngumiwi rin si Erin. “Ayan na. Sabi na, e.”
“Ma walang galang na, Stephen pero ‘tong pamangkin ko, hindi pwedeng pinapakasalan lang dahil naanakan.” Dagdag ng tita ni Eba.
Nakita kong dumalo si Eba sa kanyang tita at mukhang nahihiya siya sa inasta nito. Napatingin kaming lahat kay Damon.
“Sabi na, e. Ganun ang maiisip ng mga tao. Just because may anak na sila, ayun na agad ang dahilan.” Umiling si Erin.
Ngayon ko lang narealize ang sinabi ni Erin. May posibilidad nga na ganon ang isipin ng mga tao sa kasal na ito dahil minamadali ni Damon.
“Sorry, tita, pero hindi po ganon. Papakasalan ko si Eba dahil ayaw kong umalis ulit siya nang di nagpapaalam sa akin. I want to tie the knot. I love her.” Ani Damon.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya kahit hindi naman para sa akin. Nanggigil si Erin at nagtago siya sa kanyang mga kamay. Tumawa naman si Claudette at naririnig ko na naman ang panunuya ni Josiah at Azi sa likod.
Humupa rin ang pagtatalong iyon at nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan. Hanggang sa nagkayayaan na si Azi at Josiah na pormahan ‘yong supladang pinsan ni Eba.
“Si Elijah.” Ani Azi. “Si Elijah na naman yata ang tinititigan. Ikaw na pumorma!” Aniya kay Elijah.
Ngumuso ako at dinungaw ang cellphone ko.
“Azi, bakit mo pinagkakanulo si Elijah sa ibang babae?” Ani Erin. “May girlfriend na siya.”
Halos masamid sa sariling pagsasalita si Azi dahil sa paalala ni Erin sa kanya. “Ikaw na lang Joss! Hindi ko na type.” Halakhak ni Azi.
“Elijah, kelan kayo huling nag usap ni Selena?” Tanong ni Erin.
Kinabahan agad ako doon. Bakit siya nagtatanong? Anong isasagot ni Elijah? Magsisinungaling ba siya?
“Why, Erin? Hindi siya makakapunta sa wedding. Baka umalis na siya papuntang States non.” Ani Elijah.
“Invite her. Move her flight or something.” Ani Erin.
“That’s hard. Masasayang ang pera niya.”
“Do something. You have the money.”
“Oo nga, Ej. Mukha pa naman siyang interesado nong tinawagan ko siya? I feel bad for her.” Ani Chanel.
Oh my God. What now?
“May work siya doon at gusto niya na ring umalis. I’ll let her.” Ani Elijah.
Tumunganga lang si Erin sa kanya at nagkibit balikat si Chanel. Nagtama ang tingin namin ni Claudette habang inaayos niya ang naka half ponytail niyang buhok.
“Bathroom break, Klare?” Anyaya niya sa akin.
Tumango ako at tumayo kasama si Claudette.
“Sama kami.” Kinuha ni Erin ang kanyang purse at tumayo na rin si Chanel.
Kumalabog pa lalo ang naghuhuramentado kong puso. Ganitong ganito iyong nangyari noong Christmas. Ganito ‘yong pakiramdam ko noon. Kasama ko silang tatlo patungong CR. Lutang ako habang naglalakad kaming apat patungo sa CR. Pinupuna ko ang puti at malinis na dingding ng hallway ng hotel para maalis iyon sa utak ko. Pinasadahan ko ng tingin ang french windows at mga painting sa gilid habang papalapit kami sa pintuang kinakatakutan ko.
“Klare…” Ani Erin bago kami makapasok sa pintuan ng CR.
Bumuhos sa akin ang alaala ko noon. Iyong barrette na binigay ni Elijah at tinapon nila dahil sa pandidiri sa aming dalawa. Halos manginig ako sa takot. I don’t want that to happen again.
“Hmm?” Nilingon ko si Erin.
Nakatingin siya sa paa ko at nakakunot ang kanyang noo. “Galing kay Elijah yung infinity anklet mo diba?”
Nanlamig ako. Pakiramdam ko ay namumutla na ang mukha ko sa takot ngayon. Nakita kong dinungaw ni Chanel ang anklet sa paa ko.
“Oo. ‘Yong binigay niya nong debut ko.” Matapang kong sinabi at pumasok ako sa loob ng CR.
Pumasok din si Chanel at Erin. Inaayos na ni Claudette ang kanyang buhok at kinakabahang tumingin sa akin.
“Suot mo parin hanggang ngayon?” Tanong ni Erin.
“Oo…” Napapaos kong sagot.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]