Kabanata 33
Crush
Dumilat ako kinaumagahan pagkatapos ng mahimbing kong tulog. Magaan ang pakiramdam ko pagkagising at wala akong ibang inisip kundi ang nangyari kagabi. Panaginip ba iyon? Hinawakan ko ang aking labi. Hinahagkan ko pa ang aking malamig na unan at inalala ko pa ang lahat ng nangyari kagabi. Simple lang naman iyon pero sobrang napasaya na ako nito.
Kinapa ko kaagad ang cellphone kong nasa tabi ko lang. Nakahanap agad ako ng Good Morning text message na galing kay Elijah. Napangiti ako at nireplyan ko muna siya bago bumangon.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako sa kwarto para kumain. Naabutan ko si mommy na nag aayos ng plato at si manang na naglalapag ng pagkain sa aming mesa. Tumulong ako sa pag aayos ng mesa at napagtantong hindi ko kayang tumingin ng diretso kay mommy.
Pagkatapos ng saya ay guilt naman ang nararamdaman ko. This isn’t good, right?
Kinalma ko ang sarili ko habang umuupo sa mesa. Lumabas si Charles sa kanyang kwarto na kinukusot ang mga mata at agad dumiretso sa isang box ng Kellogg’s. Umupo si daddy sa upuan na medyo pawis pa, mukhang kakagaling niya lang sa treadmill namin. Unti unti akong nag angat ng tingin sa umuupong si mommy sa harap ko. Naabutan ko siyang matalim na nakatingin sa akin ngunit mabilis rin namang nag iwas.
“Klare, nag sisimba ba kayo ng mga Ty?” Mariin niyang tanong.
Tumango ako at kumuha na ng bacon at nilagay sa plato ko.
Normal na Linggo ito para sa amin. Mamaya ay magsisimba ako kasama sina mommy at daddy sa Immaculate Conception Chapel. Bumuntong hininga ako habang sinusubo ang kanin sa aking plato.
“Madalas ba?” Tanong ulit ni mommy.
May pinag usapan si Charles at daddy kaya hindi ako gaanong makapag concentrate sa tanong ni mommy.
“Hindi kasing dalas ng satin, mom.” Sabi ko.
Tumango siya. “Lumabas ka kagabi?”
Natigilan ako. Ilang sandali akong natulala sa aking kanin bago ako nagpatuloy. Stay calm, Klare.
“Yup. Uhm…”
Dammit!
“May… pinag usapan lang kami sandali ng mga pinsan ko.”
Tumango ulit si mommy. “Ba’t di mo pinatuloy? Sino ba? Erin?”
Umiling ako. “We… went to Mcdo, mom. It’s about Eba’s party this Wednesday.”
This isn’t good. I’m lying too much. Kailan pa ba ako natutong magsinungaling? Hindi ba hindi tama iyon? Sa harap pa ng mga magulang ko. This love is so bad. At wala akong magagawa kundi ang punahin na lang ang mga masasamang bagay na nagagawa ko dahil dito. Hanggang puna na lang ako. Wala akong lakas para pigilan ang sarili ko.
That’s the thing about love. You love the other hald selflessly but you may hurt other people selfishly. Ironic and very contradicting. Papaano kaya magmahal ng walang nasasaktan? Maaari ba talaga nating gawing katwiran ang pagmamahal dahil lang may mga nasaktan tayong mga tao?
“I was with Elijah, mom.” Hindi na ako nag isip.
It was useless. Mas marami akong naiisip, mas lalong gumugulo ang utak ko. Lumunok ako sa sarili kong pag amin.
Ilang sandali pa bago nagsalita ulit si mommy. Matama akong tinitigan ni daddy at natigil sila sa pag uusap ni Charles.
“Pupunta ba siya dito today, ate? I need help sa guitar.” Ani Charles.
Bumaling ako kay Charles at umiling. “No, Charles. Maybe tomorrow or sa Wednesday. Your kuya is busy.” Utas ko.
“He’s with?” Tanong ni mommy nang di parin ako tinitingnan.
Ilang sandali pa ulit bago ko siya nasagot at di na ulit ako nag isip sa isasagot ko. “He was alone.”
Nakakaligalig dahil maghapong hindi umimik si mommy sa akin. Tahimik lang din si daddy at si Charles lang ang madalas niyang kausap. Pagkatapos magsimba ay pumasok na lang agad ako sa kwarto.
Ganitong ganito iyong nangyari noon. Ganitong ganito ‘yong naging pakiramdam ko noon. Iyong kasama mo sila pero outcast ka. Gayunpaman ay nagpapasalamat parin ako na kasama ko sila. Kahit na ganito. Tatanggapin ko kung anong maibibigay nila sa akin. I did this to myself anyway. I fell in love with Elijah and these are the consequences.
Pinunasan ko ang luha ko nang may narinig akong katok. Katok pa lang ay alam ko na agad kung sino iyon. Marahas at bulagsak, si Charles iyon.
“It’s not locked, Charles.” Sigaw ko galing sa loob.
Umupo ako ng maayos at naghintay sa kung anong kailangan niya. Nagulat ako nang sinarado niya ang pintuan at umupo siya sa kasama ko.
“It’s so boring, ate.” Aniya sabay kuha sa unan ko at higa sa kama ko.
“Yeah. Lazy Sunday.” Sagot ko habang pinapanood siyang nakatingin sa kisame.
“Kuya Elijah will join a tournament tomorrow? ‘Yong sa Country Village ba ‘yon, ate, na airsoft?”
Tumango ako. “Yup. That’s why he’s busy.” Sabi ko.
“Ba’t di ka na niya sinasama sa lakad niya?” Umismid si Charles.
Gumala ang mga mata ko bago ko siya sinagot. “Lakad niya ‘yon, Charles. Hindi akin.”
“Yeah, I know but you used to be so close.” Aniya.
“We are still close, Charles.” Tinikom ko ang bibig ko.
Tumango si Charles at umupo sa kama ko. “He used to sleep in your room.”
Humataw ang puso ko sa sinabi ni Charles. Hanggang ngayon ay hindi ako sigurado sa ideya ni Charles sa aming dalawa ni Elijah. Masyado pa siyang bata noon at wala pa siyang maintindihan. Now that he’s almost grade 6, I assume that he’s not entirely clueless about the rule of blood and family.
“Sila pa ba nong girlfriend niya, ate?” Nilingon niya ako at misteryoso ang kanyang mukha.
“I guess, Charles.” I still didn’t want to lie.
I wondered if he really liked Selena. Nang dumating si Elijah kasama si Selena, naaalala ko pa ang mukha ni Charles na sobrang saya. He was thrilled. Mukha ngang gustong gusto niya si Selena para kay Elijah.
“Do you like ate Selena for Elijah, ate?”
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung saan siya patungo sa mga tanong niyang ito. “Selena is a nice girl, Charles. Your Kuya Elijah deserves her.”
“Hindi ka ba nagseselos?” nanliit ang mga mata ni Charles.
Nakanganga ako at ilang sandali pa bago ako tuluyang nakapagsalita. “We are cousins, Charles. Kami ni Elijah.” Pagtama ko.
“You’re not cousins, ate.” Iling ni Charles.
Naningkit na rin ang mga mata ko. “What do you mean?”
Suminghap si Charles at naglakad patungong pintuan ko. Buong akala ko ay aalis siya nang hindi ako sinasagot ngunit nagkamali ako, nilingon niya ako bago siya lumabas. “I still remember it, ate. I remember the way Kuya Elijah stares at you everytime. I remember it clearly.”
Sinarado niya ang pintuan at iniwan niya ako roong nakatunganga. Kinabahan ako sa sinabi ni Charles. Ano ang ibig niyang sabihin? His point wasn’t clear to me. May napapansin ba siya sa amin ni Elijah noon? Mukhang meron, base sa mga sinabi niya. Was he okay with it?
Hindi nasagot ang tanong ko sa sumunod na mga araw. Umasta si Charles na parang wala siyang sinabi sa akin. Naging busy siya sa pag iinvite ng mga kaibigan niya sa aming bahay para mag laro ng Xbox o mag jamming. Madalas din siyang lumabas para makapagbasketball.
Hindi ko sinabi iyon kay Elijah. Ang tanging nabanggit ko lang sa kanya ay ang kaalaman ni mommy tungkol sa paglabas ko nong gabing iyon.
“Klare, uwi ka ng maaga. Kukunin ka ng daddy mo?” Nilingon ni mommy si daddy.
Nakahawak na ako sa doorknob namin at aalis na para sa bridal shower na magaganap para kay Eba. Pinlano ito nina Erin. Alam kaya ni mommy na puro babae lang ang naroon sa Bridal Shower? Elijah can’t be there. Pero napag usapan namin ito ni Elijah at tingin ko ay aaligid siya sa Whatever para lang magkita kami.
Nag angat ng tingin si daddy kay mommy. May linabi si mommy kay daddy na hindi ko maintindihan. Tumikhim si daddy at bumaling sa akin.
“I expect Azrael will fetch Claudette. Magpahatid ka na lang kay Azrael dito. He wouldn’t mind.” Ani daddy.
Ngumiwi si mommy sa sinabi ni daddy.
“Pwede naman po akong mag taxi kung gagabihin na ako.” Sabi ko para lang matapos ang pangamba ni mommy.
“No, Klare. It’s safer with Dette and Azrael. Sige na! Enjoy the party!” Aniya at pinakawalan na ako.
Mabilis akong pumasok sa sasakyan ni Damon. Kanina ay nag offer siya na kukunin daw niya ako para sabay na kami ni Eba sa Whatever. Bad mood siya ngayon at medyo tahimik sila ni Eba kaya tahimik na lang rin ako.
Nang nakarating kami sa Lokal, kung nasaan ang Whatever bar ay luminga linga na ako sa paligid sa pagbabakasakaling nandoon si Elijah. Nahirapan ako sa paglabas ng sasakyan dahil sa maiksi kong damit. Ito ang theme na sinet up ni Erin at Chanel para sa bridal shower ni Eba. “Daring girls” aniya.
May pinag usapan pa si Eba at Damon bago lumabas si Eba. Sa pangalawang pagkakataon, pakiramdam ko ay nakikisabad ako sa dalawa dahil sa presensya ko dito. Nang lumabas na si Eba ay nakangiti siya at nagyaya nang pumasok.
Damon wasn’t very happy when he left, though.
Pinanood ko ang pagsayaw ng mga buhok ni Eba habang naglalakad kami sa gitna ng maraming nag iinumang lalaki bago makapasok sa loob ng bar. Nag upa kami ng isa sa pinaka malaki nilang room at doon na nilagay ang mga pagkain.
Maingay sa room nang pumasok kami. Sinalubong si Eba ng mga kulay pulang balloon na hugis hotdog. Maingay sina Erin, Chanel, at iilang kaibigan ni Eba. Namataan ko roon si Marinela at si Karen na minsan ko nang nakilala dahil kay Elijah. Tahimik na lang akong pumasok at pinanood ko silang naghihiyawan.
“Congrats girlllll!” Sigaw nila.
Pansin ko ang mga pagkain sa maliit na table. May isang malaking box pa na mukhang surprise cake yata. Nilapag ko ang gift ko kay Eba sa table kung saan nakalagay ang mga gifts at umupo sa tabi ni Claudette.
Masaya rin si Claudette habang binabati si Eba. Sa suot niyang sobrang fit, yumayakap na sa kanyang katawan at sa buhok niyang naka half ponytail, mas lalong tumingkad ang kanyang mala anghel na mukha. Pansin ko rin ang pulang pulang lipstick ni Erin na mas nagpapatingkad sa kanyang pagkamorena at ang killer heels ni Chanel na nagpatangkad sa kanya.
“Okay guys! Let’s start the programme! Kalma muna kayo!” Ani Chanel gamit ang microphone.
Una naming ginawa ay kumain. Sumunod naman ay ang mga messages na sobrang nakakatawa at green dahil na rin sa theme ng party na ito.
Sumunod ang games na siyang nagpainom sa aming lahat. Tequila shots ang inumin at Maria Went To Town ang laro kung saan hinati kami sa dalawang grupo. Sinoot namin iyong bra, thongs, killer heels, earrings, necklace, at kung anu ano pa at sa huli ay iinom ka ng isang shot ng tequila bago babalik. Nanalo ang grupo namin nina Marinela at nagkaroon din ng simpleng prices.
Dumami ang laro at mas naging madalas ang pag shot ng tequila. Panay rin ang picture nila at upload sa Facebook. Napagtanto kong timing ang pagkakaroon ko ng Facebook sa event na ito.
Ipinakita na rin iyong cake na may malaking penis ng lalaki at hindi matapos tapos ang tawa namin habang hinihipan iyon ni Eba. Pulang pula na si Eba at batid kong medyo lasing na siya. Mabuti na lang at kina Azi ako sasabay ngayon, hindi ko masasaksihan ang pag aalburuto ni Dame mamaya.
“And… the special guests for the night!?” Ani Chanel habang binubuksan ang pintuan at tatlong nakamaskarang lalaki ang pumasok.
Nagsigawan kami nang nagsayawan ang mga lalaki. Umingay din dahil sa pinatugtog na music. Nakita kong tumakbi si Marinela sa likod ng isa pang kaibigan niya nang sinayawan siya ng isa sa mga lalaki. Nagtawanan kami habang sumasayaw ang nakangiti at nakamaskarang mga lalaki. Tinitingnan ko sila at iniisip kung kilala ko ba sila ngunit wala akong maalala. Siguro ay taga ibang school sila o mga kakilala ni Chanel na graduate na.
Mas lalong umingay sa hiyawan nang naghubad sila ng t shirt.
“Easy, girls! Upo muna si Eba!” Ani Chanel at pinaupo si Eba na natatawa.
Piniringan si Eba. Naghiyawan sila sa susunod na laro.
“Kakapain ng bride ang katawan ng boys at pipili kung sino ang groom of the night!” Ani Chanel sa gitna ng tawanan at hiyawan.
Nilagyan ng belo si Eba para magmukhang bride at nagsimula nang mangapa sa tatlong lalaking malalaki ang katawan.
“Naghahanap yan ng katawan ni Damon!” Tawa ng isa sa mga kaibigan ni Eba.
Napili ni Eba ang pinaka matangkad. Nagsayaw sila at halos hindi ko kayang tingnan iyon. Tumatawa na lang kami ni Claudette. Nag karoon din ng tatlong body shots si Eba sa lalaking iyon.
“She’s drunk. Patay tayo kay Dame.” Bulong ni Claudette sa akin.
Kung may anim na akong nauubos na tequila, pakiramdam ko ay doble na kay Eba. Bumaling ako sa nagsasalitang si Chanel.
“Okay, guys, before sila umalis ay magkakaroon din tayo ng chance na mag body shots sa kanila.”
Naghiyawan ang mga kaibigan ni Eba at mabilis na pumila sa harap ng dalawang bakanteng lalaki. May mga pumili doon sa naka kulay maroon na pants, may pumila naman sa naka maong. Tumawa si Claudette at pumila sa nakamaong.
“Lika, Klare!” Aniya sa akin.
Lumingalinga ako sa kanila.
“My God, Klare! Line up!” Ani Chanel at iniirapan ako.
Natatawa lang si Eba sa mukha ko habang marahang pumipila sa likod ni Claudette. Is this really obligatory?
“What you see, what you hear, when you leave, leave it here!” Chant ni Erin. “Lalo na ‘yong mga taken! ‘Yong mga single, okay lang!”
“Ha? Walang picture?” Angal ng isa sa mga kaibigan ni Eba.
“O gusto niyo? O edi, sige na nga!”
Nagtawanan sila at nagsimula sa body shots. Pipili ka ng parte ng katawan ng lalaking napili mo at lalagyan mo iyon ng asin, didilaan, bago uminom ng tequila. Hindi ko iyon gusto. I guess the girls were just pretty drunk to realize that it’s not ‘fun’. O baka talaga nahawa ako kay Pierre? I don’t know.
“I know this guy, Klare.” Siko ni Claudette sa akin.
“Sino?” Sabay tingin ko sa pinipilahan naming lalaki.
“Ito ‘yong varsity ng Engineering. Kilala mo?” Tanong niya. “’Yong matangkad, may dimple, guess who?” Excited na sinabi ni Claudette.
Unti unti kong namukhaan ang lalaking dinidilaan sa leeg ni Karen na pinipilahan din namin. These aren’t typical boys! “Seymour Salvador?” Bulong ko.
“You got it!” Halakhak ni Claudette at nanggigil siyang tumingin sa lalaki.
Oras na para mag body shot ni Claudette. Sabay silang nag body shot ni Marinela. Nilingon ko iyong naka pulang pants na nilalagyan ng asin ni Marinela. Nanliit ang hindi maka tumbok kong mata para isipin kung sino iyon.
“Pwedeng papila sa kabila rin?” Tumatawa ang isa sa kaibigan ni Eba.
Umiling si Erin at iginiit niyang isang lalaki lang daw dapat dahil aalis na sila.
“Ikaw na, Klare!” Hiyaw ni Claudette.
Nagulat ako nang natapos na siyang bigla. Oh my God! Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang asin. Kumuha na ako ng asin at nag isip kung saan ko ilalagay na medyo walang malisya. Madalas ay nilalagay nila sa abs, sa dibdib, sa leeg. Saan ang akin?
Nilagay ko ang asin sa pulso ni Seymour at hinawakan ko ang kamay niya. Narinig ko ang halakhak niya at ang bulong niya sa akin, “Nice girl.”
Pumikit ako nang dinilaan ko ang kanyang pulso at naghiyawan ang lahat. Mabilis kong ininom ang tequila at sinipsip ang lemon. Umalis ako sa harap niya at nagpahinga. What in the world was that? Pinilig ko ang ulo kong punong puno na ng alcohol. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang 11:30 na pala.
Pagkalingon ko sa kanila ay nakaalis na ang mga boys. Thank God! Pero mukhang nalungkot yata sila sa pag alis ng mga lalaki. Nag simula na silang magsayawan at magkantahan. Nakisali rin ako ngunit nang may tumawag na kay Eba at nag anunsyo siyang kailangan niya nang umuwi ay wala na rin kaming nagawa kundi sumunod.
“Sinong maghahatid sayo, Klare?” Nilingon pa ako ni Eba.
Kitang kita ko na sumalampak na si Erin at Chanel sa sasakyan ni Josiah. Nakahilig na ang nakahalukipkip na si Damon sa kanyang itim na Vios at tinititigan ng madilim ang lasing na si Eba.
“Sina… Azi.” Sabi ko sabay tingin kay Claudette.
“Oh? Sabay ka na lang samin?” Anyaya ni Eba.
Ngumiti ako. “Thanks, pero okay lang. Nasabihan ko na rin kasi si Azi.” Sabi ko at nakita kong nag park ang Hilux nina Azi sa tapat ng Lokal.
Tumango si Eba at nagsimulang maglakad patungo kay Damon. Mabilis ring naglakad si Damon para salubungin si Eba.
“Uh-oh.” Ani Clau habang hinihila ako patungo sa kanilang sasakyan.
Naiiwan ang tingin kay Damon na galit at kay Eba na malaki ang ngisi.
“Girls.” Hikab ni Azi. “Pain in the ass.”
Umirap si Claudette at sumakay sa front seat. Sumakay na rin ako sa likod ngunit hindi ko mapigilan ang pag linga. Dumungaw ako sa cellphone ko para tingnan ang mga message ni Elijah.
Elijah:
Baby, you crossed some damn line tonight.
Nanlaki ang mga mata ko at nireplyan siya.
Ako:
Asan ka?
Pinaandar ni Azi ang sasakyan. Diniretso niya iyon palayo sa bahay namin ngunit iniliko niya rin pabalik. Kinikwento ni Claudette sa kanya ang nangyari sa bridal shower at ang mga nakakatawang guests.
“I know right. Kaya ang laki ng panalo ni Joss kanina sa Poker, e. Parehong badtrip si Elijah at Damon.” Sumulyap si Azi sa akin sa rearview mirror at nag taas siya ng kilay. “Getting ready for his wrath, Klare?”
Kumunot ang noo ko. “Paano niya nalaman ‘yong body shots?”
“It’s all over Facebook and Instagram.” Tawa ni Azi.
“Oh Great!”
“He stalked Seymour Salvador on Facebook. Ginagawa niya yon habang naglalaro kami ng poker. Ayun, he lost.” Tawa ni Azi.
Nagulat ako nang nakarating na kami sa Montefalco building ay diniretso ni Azi ang sasakyan, hindi niya iyon tinigil.
“Dammit, mapapahamak ako nito. Bilisan niyo, ah? I give you five minutes, Klare. Your mom called. You should be there in five.”
Noong una ay hindi ko siya maintindihan ngunit nang nakita ko ang nakapark na sasakyan ni Elijah sa rotunda ay halos buksan ko na ang pintuan ng sasakyan ni Azi kahit umaandar pa ito. Nakahilig siya sa kanyang sasakyan at nakapamulsa habang pinapanood kaming papalapit.
Humalakhak si Azi at tinatakot niya ako.
“Galit na galit ‘yan. Brace yourself, Klare. Mad. Ape.” Aniya.
Pagkalabas ko ay lumabas na rin si Azi. Si Claudette ay nanatili sa loob at binaba ang salamin para paalalahanan kami.
“five, Elijah.” Ani Clau.
Tumango si Elijah at bumaling sa akin. Malungkot at pagod ang kanyang mga mata. Napalunok ako at kinabahan dahil sa sinabi ni Azi sa akin kanina. He’s mad. Kitang kita iyon sa kanyag mukha.
“Did you choose Seymour because you think he’s hot?” Salubong niyang tanong sa akin at humalukipkip.
Hindi na ako lumapit sa kanya. Tama lang ang distansya naming dalawa. Nagkaroon pa ng sound effects si Azi na parang kumukulog dahil sa nakakatakot na tanong ni Elijah.
“Hindi ko alam na si Seymour ‘yon. Si Claudette ang nagsabi sakin nong malapit na ako. I joined the line coz Claudette was there.” Paliwanag ko.
Pumikit si Elijah at nakakuyom ang kanyang kamao. He’s really angry. Nga naman, parang nong huli kaming nagkita ay nakiusap siyang huli na si Vaughn ngunit sa sumunod naming pagkikita ay may isang lalaki na naman. Hindi naman kami close o magkaibigan ni Seymour pero mukhang malaking bagay ito para kay Elijah.
His biceps were tensed. Igting din ang panga niya, kitang kita ko iyon nang nag iwas siya ng tingin sa akin. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok at halos marinig ko na ang pagkabigo sa kanyang daing. Sa wakas ay bumuntong hininga siya at marahang hinawakan ang siko ko.
“I’m so mad at you.” Aniya at bumaling siya sa akin, mapupungay ang mga mata.
“Wala naman akong ginagawang masama.” I don’t want him mad.
Hinawakan niya ang kabilang siko ko at hinigit niya ako ng marahan patungo sa kanya.
“I’m so jealous, too. Fuck.” Aniya at nagtataka ako kung bakit marahan parin ang haplos niya sa siko ko kahit na sobrang frustrated niya na.
“Damn, whipped!” Tumawa si Azi sa likod. “Akala ko makakasaksi na ako ng sigawan dito. I was wrong. Fucking love shit.”
“Shut up, Azi!” Sigaw ni Elijah bago bumaling sa akin.
Titig na titig ako sa mga mata niyang pabalik balik na tiningnan ang mga mata ko. Sa bawat galaw ng kanyang mga mata ay mas lalo nadedepina ang mahahaba at makurba niyang pilikmata. Oh what I’d give to have eyelashes like that.
“Do you have a crush on that guy, Klare?” Tanong niya.
Umiling ako. “No, Elijah. I got a crush on you.” Ngumiti ako.
Naglaro rin ang ngiti sa labi ni Elijah.
Narinig ko ang malulutong na mura ni Azrael sa gilid. Nagtawanan na lang kami ni Elijah.
“Crush, huh?” Ani Claudette.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]