Until He Returned – Kabanata 31

Kabanata 31

Be Careful

Marami ang gumulo sa isip ko. Unang una ay ang pagpaparamdam parin ni Vaughn para sa akin. Sobrang guilty ako dahil hindi ko kaagad na amin sa kanya na may ibang gusto na ako at hindi ako interesado. I liked him, yes. Ngunit hindi parin talaga nito mapapantayan ang nararamdaman ko para kay Elijah. It’s way, way different. Pangalawa, sa wakas ay naging maayos na si Eba at Damon! Salamat naman at may mommy at daddy na si Xian. Gusto ko na tuloy makita ang batang iyon at matitigan ng mabuti. Pangatlo…

Napatingin ako sa tumatawang si Azi at Elijah. May pinag uusapan silang nakakatawa na hindi ko alam. Sinusulyapan ko ang nag aayos na si Claudette habang naghihintay sa kanya.

Pangatlo… Elijah wants me to be a Montefalco again. How? Hindi ko maiwasan ang paglipad ng isipan ko sa sinabi niya. We’re still so young at ni hindi pa kami tanggap ng sarili naming pamilya pero naroon na siya sa stage na iyon?

“I’m done.” Ani Claudette pagkatapos lagyan ng pink lipstick ang kanyang labi.

Tumango ako at tumayo.

Kanina lang ay sinabi ko kina Vaughn na kailangan naming umalis dahil mukhang may party na magaganap. Nauna silang umalis sa amin kaya kaming apat na lang ang natitira sa bahay. Hindi ako sigurado kung party nga ba pero alam kong magkikita kita kaming lahat sa Lifestyle District. Something about Damon throwing a party.

“Stag Party?” Tumawa si Claudette habang nakatingin sa kanyang cellphone.

Nakita kong kumunot ang noo ni Elijah habang pinapanood si Claudette.

“Not till 10.” Ani Elijah.

So there is a bachelor party. Ibig sabihin ba nito ay hindi kami pwedeng mga girls?

“Ibig sabihin magpapakasal si Damon at Eba?” Tanong ni Claudette.

Doon lang nag sink in sa akin ang lahat. Oo nga! Magpapakasal silang dalawa!

Tumawa na parang baliw si Azi dahil sa sinabi ni Claudette.

“Quit it, Azi.” Ngiti ni Elijah. “Yes.”

Wow! I can almost hear the wedding bells! Kailan kaya? At ang mangyayari bang family dinner ngayong Biyernes ay pamamanhikan na?

Tahimik ako habang pumapasok sa sasakyan ni Elijah. Pumasok rin si Claudette at si Azi naman sa front seat. Nilingon ko ang bahay naming iniiwan ko na naman.

“Hatid si Klare, ta’s ihatid mo kami sa bahay, Elijah.” Natatawa pang sinabi ni Azi. “I need my car. And I need to call Kuya.”

“Anong oras tayong magkikita sa Lifestyle? Or are we girls even invited?” Tanong ko.

“Of course. 10pm pa ‘yong Stag Party, Klare.” Sagot ni Elijah.

Then that means mga lalaki lang nga ang pwede mamayang alas diyes. Well they can have all the girls they want. Hindi ko maalis ang tabang sa mga iniisip ko kaya tumahimik na lang ako.

“Saan ba ‘yong Stag Party ni Dame, Elijah?” Tanong ni Claudette.

“Not yet sure. The Site? I don’t know.” Ani Elijah.

Sumulyap si Elijah sa akin sa rear view mirror. Hinayaan ko siyang panoorin ako habang tumitingin kay Claudette. Hindi naman napipigilan ni Azi ang kanyang tawa.

“Damon is fucked.” Tawa niya dahil sa nalalapit na pagkatali ni Damon.

“It’s not funny, Kuya.” Ani Claudette.

“I can’t imagine it, Dette. Hearts and rainbows coming out of his ass while saying the magic words!” Humagalpak sa tawa si Azi.

“Shut it, Azi. Gago!” Ani Elijah kahit na may ngiti rin sa kanyang labi.

“Balang araw, sana mag makaawa ka nga sa babaeng love mo.” Ani Claudette sa kanyang kapatid.

“I will. ‘Yon ay kung ayaw niya sa akin.” Kibit balikat ni Azi.

Lumabas na ako sa sasakyan ni Elijah nang nakarating na kami sa building. Nang nag angat ako ng tingin sa kanyang bintana ay sinalubong ako ng kanyang mga mata. Nakababa na ang salamin sa bintana niya at nakatingin na rin si Azi sa akin.

“Shall I fetch you again later? Ilang oras ka bago maging ready?” He asked.

Umiling ako. “I think magpapahatid na lang ako kay Daddy.”

Tumango siya nang naliwanagan na hindi kami pwedeng magkasabay pumunta ng Lifestyle District dahil naroon ang mga pinsan namin.

“Alright. I’ll text you. See you there.” Ani Elijah.

Tumango ako at kinawayan sila habang papaalis.

Pagkaakyat ko ay nalaman ko rin kay mommy at daddy ang lahat ng tungkol kay Damon at Eba. Huli na raw nang nalaman ni Damon na may anak na sila ni Eba.

“Dapat ay sinabi ni Ms Ferrer na may anak na sila. Damon has the right to know.” Ani daddy.

“No. Eba’s decision was right. Ayaw nating i judge si Damon na pinakasalan niya lang si Eba dahil may anak na sila.” Anaman ni mommy.

Hindi ko na kailangang magpaalam sa kanila tungkol sa party. Alam na nila ang mangyayari ngayong gabi. Excited na rin sila sa Biyernes. Doon lang din raw ipapakilala ni Eba si Xian sa buong pamilya. The newest addition to the Montefalcos!

Nagkasalubong ang mga mata namin ni daddy pagkalabas ko ng kwarto pagkatapos kong magbihis. Kanina pa sila nag uusap ni mommy sa dining table. Charles was nowhere to be found. Siguro ay naglalaro na naman ng basketball.

“You done?” Tanong ni daddy sa akin.

“Yup.” Sagot ko at naghintay na tumayo siya para maihatid niya na ako sa Lifestyle District.

“Sinong maghahatid sayo mamayang gabi? Si Elijah?”

Nakita ko ang medyo pag tagilid ng ulo ni mommy. Hindi siya makatingin sa akin.

“I-I don’t think so, dad. Siguro si Chanel. May stag party po at kasama ang mga boys. Or, I’ll go home before 10.” Sagot ko nang di makatingin kay daddy.

Tumango si dad at naglakad na palabas ng bahay. Sumunod ako sa kanya ng walang imik. Kinabahan ako sa tanong niya kanina. Alam ko naman na sanay sila na si Elijah lagi ang naghahatid sa akin pero pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi ko alam na magagawa pa nilang banggitin ang pangalan ni Elijah ng ganon.

“Ayaw ko talaga sa mga party na ito but since you have your cousins and we need to celebrate, then I’m fine.” Ani Dad nang nakita na namin ang Lifestyle.

Lumabas ako ng sasakyan at alam kong pinapanood ako ni daddy paalis doon. Nagpaalam na ako sa kanya at ayaw kong magtagal. Natatakot akong magtanong siya ng tungkol sa amin ni Elijah. Natatakot ako dahil alam kong sasabihin ko sa kanya ang totoo at hindi ako sigurado kung matatanggap niya ba iyon o hindi.

Pagkapasok ko sa open area ng Lifestyle District ay namataan ko kaagad ang mga pinsan ko. Maingay sila at nag tatawanan. Mga limang table siguro ang sinakop nilang lahat kasama na roon ang iilang kaibigan ni Damon.

Mabilis pa ang lakad ko noong una. Napatingin si Elijah sa akin habang nakahalukipkip sa isang table. Hindi ko alam kung didiretso ba ako sa kanya o dapat akong lumayo. Humina na lang ang lakad ko nang nakita ko si Erin sa kanyang table kasama si Eion.

Lumingon agad ako sa kabilang table kung nasaan si Eba. Nakatingin si Eba sa akin kasama ang kanyang malaking ngiti. Lumapit ako sa kanya.

“Hi!” Bati ko.

“Upo ka!” Mahinahong sabi ni Eba at pinaupo niya ako sa tabi niya.

Maingay sila at nagkakainan pa. Ang mga lalaki sa kabilang table ay nag iinuman na, ganon rin sina Elijah sa table nina Erin. Pumapasyal si Damon sa bawat table at ilang beses ko siyang nakitang nakipagkamayan sa kanyang mga kaibigan.

“Congrats! Nagulat ako!” Sabi ko.

Kahit hindi naman talaga kami sobrang close ni Eba ay magaan ang loob ko sa kanya. Siguro ay dahil nasubaybayan ko sila ni Damon. Narinig ko noon kung paano siya kantahan ni Damon sa kanyang cellphone, nakita ko rin noon kung paano medyo nabago si Damon galing sa pagiging playboy hanggang sa pagseseryoso, naabutan ko rin siyang nagsusuka noon sa CR, at sa huli ako rin ang nakakita ng anak nila ni Damon.

“I thought you will never forgive my cousin.” Sabi ko.

Medyo napawi ang ngiti niya. “It’s hard not to forgive him.”

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyong dalawa ni Dame pero I’m glad you’re back together.” Sabi ko.

Inaasar na si Damon ni Azi at Josiah sa table nina Erin. Tawang tawa sila sa mga hirit ni Azi tungkol sa pagkakatali ni Damon.

“I really want to meet your baby, Eba. Saan siya nag s-stay?” Tanong ko.

“Sa mommy at daddy ko. Ngayong Friday dadalhin ko na siya. Natatakot kasi akong mabigla siya. Sanay siyang kaming dalawa lang. Ngayong nandito na si Damon, medyo gulat pa siya.”

Tumango ako. “Talagang magugulat siya dahil marami kaming tita at tito niya.”

Naisip ko tuloy na bumili ng regalo para kay Xian. Hindi ko pa alam kung ano ang mga gusto niya ngunit maghahanap parin ako ng regalo.

“Kayo lang ang may Stag Party? Guess what?! Magkakaroon din ng Party si Eba! ‘Yong kami lang mga girls!” Ani Erin sabay tayo at tungo sa amin ni Eba.

Tumawa si Eba at medyo gulat pa sa sinabi ni Erin.

“We’ll plan it out! May plano na kami ni Chanel. We can have it on Wednesday!” Palakpak ni Erin. “Klare? You in!?”

Medyo naaasiwa akong ngumiti. “Sure!”

Bumagsak ang tingin ko sa kay Eion na nakatitig sa akin habang nagsasalita si Erin. They’re back together! Dahil ba iyon sa sinabi ni Erin sa kanya? Nakita kong bumaling si Eion kay Elijah at pabalik naman sa akin. Dammit! He’s watching us.

Napatingin ako sa cellphone ko habang nagsasalita si Erin at Chanel tungkol sa party ni Eba ngayong Wednesday.

Elijah:

Can I date you instead? I don’t wanna go to that party.

Napangiti ako. Pasimple ka, Elijah. I know you like that party!

Ako:

Liar. I know you want to be in that party.

Nag angat ulit ako ng tingin at nakita ko si Elijah na may binabasa sa kanyang cellphone. Nahagip ng tingin ko si Eion na pinapanood ako at bumaling ulit kay Elijah. Shit! He’s really watching us! Uh-oh! Napainom ako ng tubig at nagsimulang pumansin sa mga pagkain. Titigilan ko muna ang pagsulyap kay Elijah para matigil si Eion.

Ilang sandali ang nakalipas ay umingay na dahil dumami na ang tao sa Lifestyle District. Mas dumami rin ang kaibigan ni Damon. Madalas na ring umaalis si Eba para ipakilala siya sa mga kaibigan ni Damon.

Elijah:

I want to be in that party with you. I want to see your jealous face.

Umirap ako sa sagot ni Elijah at nag type habang kumakain.

Ako:

Sanay na ako na marami kang babae.

Bigla kong narinig ang tili ni Chanel sa likod. Hindi ko alam kung anong meron pero napatingin ako sa kanila.

“Si Selena nasa Davao pa pala, Elijah? At hindi mo sinabi sa kanyang ikakasal si Dame?” Ani Chanel.

Holy cow! What’s going on?

Tinitigan ko si Chanel habang may kausap sa cellphone. Tumalikod si Chanel kaya bumagsak ulit ang tingin ko sa nakatitig na si Eion sa akin. What the fuck? Binalik ko ang tingin ko sa plato at mabilis na nagtype ng text kay Elijah.

Ako:

Please be careful. Eion is watching.

“Oh? Nasa cellphone siya! Nasa Davao pa pala ta’s di mo sinabi!? She didn’t know, Ej.” Maarteng sinabi ni Chanel.

“Sasabihin ko na sana ngayon, Chan.” Ani Elijah.

Napainom ako ng tubig habang nakikinig sa kanila.

“Oh, heto!” Sabi ni Chanel. “Mag usap kayo! Invite her!” Ani Chanel.

Dammit! Okay, calm down Klare. Bahagya kong nilingon si Elijah. Nagkasalubong ang kanyang kilay habang tinatanggap ang cellphone ni Chanel. Tumunog ang susi na nakasabit sa kanyang jeans habang tumatayo siya at tumatalikod para makipag usap kay Selena. Kumalabog ang dibdib ko.

Uminom ako ng beer sa harap ko habang umuupo na naman si Eba sa tabi ko at kinakausap si Damon.

“Klareyyy!” Sigaw ni Erin sabay kalabit sa akin.

Nilingon ko siya at nagulat ako nang kasama niya si Vaughn, Jack, at Andrei.

They’re here?

“Oh! Vaughn, Jack, Andrei!” Sabi ko sabay tayo. “Nandito kayo?”

“Yeah! Namukhaan ko ang isang ‘to. Kaibigan mo ‘to diba? So I told them you’re here.” Kumindat si Erin sa akin.

“We got bored so… Nasa Irie’s lang kami.” Sabay turo niya sa Irie’s.

Lumakas ang music hudyat na lumalalim na ang gabi. Tumingin ako sa wrist watch ko, alas nuwebe na. Nakita ko rin na nagyaya na si Andrei kay Jack na lapitan ang mga babaeng sumasayaw na rin sa dancefloor malapit sa Microphone Hero.

“Wohooo!” Sabay palakpak ni Erin dahil umiingay na ang buong bar.

Nilingon ko si Elijah na tinatakpan ang kanyang isang tainga para marinig si Selena sa kabilang linya. Parang pinipiga ang puso ko habang pinapanood iyon. Napatingin ako sa nanliliit na mga mata ni Eion. Pumikit ako at nang dumilat ay nakita ko ang nakalahad na kamay ni Vaughn sa akin.

“Let’s dance, Klare!” Anyaya ni Vaughn sa akin.

“I… I’m kinda tired.” Tanggi ko.

Ngumuso si Vaughn, clearly unpleased with my rejection.

“Klare? What’s wrong? Sige na! Sayaw na kayo! Lovelife potential na ‘yan!” Ani Erin sabay tulak sa akin kay Vaughn.

Nakita kong binaba ni Elijah ang cellphone ni Chanel at binalik niya ito sa may ari bago umupo at pinanood ako. Parang nanonood ng tennis match si Eion kung magpabalik balik ng tingin sa akin at kay Elijah. Bumaling na ako kay Vaughn at tumango.

“Okay, Vaughn. Let’s dance.”

Makikipagsayaw ako sa kanya dahil sasabihin ko na sa kanya ang totoo. That I’m in love with someone else. I’m sorry, Vaughn. I’m so sorry. Sa lahat ng taong nasaktan at masasaktan namin ni Elijah. This is a selfish decision. Magagawa ko ba talaga ito para lang maging masaya ako? Masasaktan ko ba talaga ang ibang tao para lang makamit ang gusto ko? No. Kaya kong masaktan para lang sa mga taong mahal ko… ang hindi ko kaya ay ang masaktan ko ulit si Elijah.

Makita lang siyang masaya, going to hell will be worth it.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: