Until He Returned – Kabanata 30

Kabanata 30

Again

Nilingon ko si Elijah. Pinapanood niya ang pag park ng sasakyan ni Vaughn sa harap namin. Mabilis na lumabas si Jack at Andrei galing sa sasakyan.

“Uy!” Sabay kaway ko sa kanila.

“Klare! We missed you!” Ani Jack sabay salubong sa akin. “Wala pa rin ba sina Pierre?”

“Wala pa, e. Isang linggo pa.” Sabi ko.

Napatingin si Jack sa likod ko. Ganon rin si Andrei na nasa likod niya. Lumabas si Vaughn galing sa driver’s seat at ngumiti sa akin.

“Di ka na nagreply!” He pouted.

“Hindi ko namalayan yung cellphone ko!” Sagot ko nang narealize na hindi ko na nga pala ito pinapansin dahil kasama ko na naman si Elijah.

Nagkatinginan silang dalawa ni Elijah. Naaalala ko tuloy na medyo hindi maganda ang huli nilang pagkikita noon sa Foam Party. Ngayong naaalala ko na lahat, hindi nga pala maganda ang lahat ng mga nangyayari pag magkasama ang dalawa. Binasag ko ang nakakabinging katahimikan na bumalot sa amin.

“Nga pala. Kasama ko ang mga pinsan ko. Nasa loob ‘yong iba. Pasok kayo?” Anyaya ko sa kanila.

“Sure!” Halakhak ni Jack.

Naunang pumasok si Jack at Andrei. Hinintay ko ang pagpasok ni Vaughn sa loob ngunit naghintayan lang kaming dalawa doon habang si Elijah ay nasa likod ko.

“Mauna ka na, Vaughn.” Sabi ko habang tumitingin siya sa likod ko.

“Okay.” Medyo matabang niyang sinabi at pumasok na rin.

Nilingon ko si Elijah at naabutan ko siyang madilim ang titig kay Vaughn. Kinalabit ko siya.

“Hey, stop it. We’re on cousin’s mode now.” Bulong ko.

“I’m on cousin’s mode, Klare.” Sarkastikong sinabi ni Elijah.

Oh yeah! Nakalimutan ko. Kahit pinsan siya ay sobrang protective niya nga pala sa akin. Now what? Bahala na nga.

“I’m not going to hang around you, okay?”

Suminghap siya. “Okay.” at pumasok kami sa loob.

Nakita ko ang gulat na mukha ni Claudette at ang unaffected look naman sa mukha ni Azi. Medyo nailang si Jack, Andrei, at Vaughn nang makita ang dalawang nakaupo sa sofa. Iminuwestra ko sa kanila ang kabilang sofa na walang nakaupo. Sumalampak na si Elijah sa gilid ni Claudette habang pinapanood akong pinapaupo sina Vaughn, Jack, at Andrei.

Naghalakhakan si Jack at Vaughn.

“Ngayon lang tayo nahiya!” Tawa ni Jack.

Nag asaran silang tatlo at napagtanto kong medyo awkward talaga ang pangyayaring ito. Kahit na alam kong medyo kilala na naman nila ang mga pinsan ko ay naisipan kong ipakilala ko na lang sila sa isa’t isa.

“Eto nga pala ang mga pinsan ko, Eto si Azi.” Sabay turo ko sa walang pakealam na si Azi. “Si Claudette, ta’s si Elijah.” Sumulyap si Claudette sa kanila.

“Eto nga pala friends nina Hendrix at Pierre. Si Jack, Andrei, at Vaughn.” Sabi ko.

Tumango si Azi sa kanila. Hindi ko matagalan ang awkward moment kaya imbes na magtagal doon ay umalis ako para kumuha ng pagkain nila. Pagkabalik ko ay ganon parin naman. May sariling usapan sina Vaughn, Jack, at Andrei. May sariling usapan din si Elijah at Azi.

Nilapag ko ang mga pagkain at hahayaan ko na lang na kumuha sila imbes na isa-isahin ko ang pag bigay sa kanila.

“Bumisita kami kasi babalik na sina Andrei at Jack sa Davao sa Biyernes.” Ani Vaughn.

Tumango ako. “Enrolment na ba sa Ateneo de Davao?”

“Oo, e. Actually simula pa last week kaso tinatamad pa akong umuwi.” Ani Jack.

Tumango ako at napansin ko ang tumatagal na tingin ni Jack kay Claudette.

“Kumain muna kayo.” Sabi ko.

Nakita kong humikab si Azi at binitiwan ang joystick.

“Labas tayo, Elijah?” Ani Azi.

Great! Iyong mga nandito pa ay ang mga anti social kong pinsan. Well, Azi’s just anti social to boys. He’s not interested pag hindi babae.

“Patio lang kami, Klare? Do you have beer here?” Tanong ni Azi.

Ngumuso ako. “Beer? It’s still early.”

Umiling ako ngunit tumayo na si Elijah at Azi patungong patio. Tatayo na rin sana si Claudette ngunit may sinabi sa kanya si Jack dahilan kung bakit hindi siya natuloy. Sinagot niya ang bawat tanong ni Jack sa kanya habang pinagsasabihan ko naman si manang ng mga beer na kailangan ni Azi at Elijah.

Binuksan nila ang pintuan sa patio at umupo sila doon. Nakatingin si Elijah sa akin kahit na nandoon siya at nakita kong kinuha niya ang kanyang cellphone.

Kinuha ko rin ang aking cellphone at naghintay sa maaari niyang itext nang tumabi ako kay Claudette.

“Oh? So you know how to bake?” Halakhak ni Jack. “Since business major ka naman, siguro magandang mag negosyo?”

Nanliit ang mga mata ko kay Jack. Sinasagot naman ni Claudette ang bawat tinatanong ni Jack. Napatingin ako sa luminga lingang si Azi sa patio. Tumawa si Elijah at binatukan niya ito bago itinuro ang naiwan nilang si Claudette doon. Ngayon, silang dalawa na ang nakatitig sa amin sa sala.

If Jack’s hitting on Claudette right now, he’s done.

Kumalabog ang puso ko nang tumayo si Vaughn at umupo sa tabi ko. Hindi na ako lumingon sa patio para tingnan kung nakatingin parin ba si Elijah at Azi sa amin pero alam ko na ganon nga. Nakisali si Andrei sa pagtatanong kay Claudette habang humihingang malalim naman si Vaughn sa tabi ko. Humilig siya malapit sa akin at tumunog ang cellphone ko.

Elijah:

I want to punch him right now.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagtatype.

Ako:

OA ka. We’re not even that close. Don’t worry.

Napatingin si Vaughn sa cellphone kong mabilis kong binaba. Huminga siya para magsalita pero tumunog ulit ang cellphone ko.

Elijah:

Siya ba ang katext mo kanina pagkababa mo?

Hindi muna ako nag reply dahil nakakahiya kay Vaughn.

“Enroled ka na rin?” Tanong ko kahit na sinabi niya na sa akin ang sagot nito kanina.

“Oo. Kailan ka nag enrol?” Tanong niya.

Sinubukan kong mag reply habang nag sasalita kay Vaughn. It’s weird and rude at the same time. Dapat ay hindi ko na ito gagawin ulit!

Ako:

Oo.

“Nong first day pa lang.” Sabi ko.

“I figured. Dapat kasi nong first day rin ako mag eenrol kasama mo. I want to ask you out again.” Ngiti niya.

Dahan dahan akong tumango at tumunog ulit ang cellphone ko. Kumunot ang noo ni Vaughn sa cellphone ko kaya mabilis ko itong tinago. Elijah can wait. I need to fix this.

“When? I’m kinda busy kasi sa mga last days ng May.” I lied.

“Oh? How about pagkabalik nina Pierre at Hendrix. I’m guessing busy ka dahil sa mga pinsan mo. Pagkabalik mo dito sa Hillsborough, you won’t be busy anymore?”

“Uh, well. Probably? Hindi pa kita masasagot ng tungkol don ngayon because I’m not quite sure of my schedule yet.”

Humalakhak si Vaughn. “Schedule. You’re too busy, miss.”

Umiling ako. “Hindi naman masyado pero ganon talaga sa mga Montefalco. Marami kaming activities.”

Tumango siya. “I can’t snatch you out from your sched?”

“We’ll see, Vaughn. But I can’t promise anything.”

“Ouch!”

Ngayong sinasabi niya sa akin ito. Napagtanto kong kailangan ko na nga pala siyang kumprontahin. Kung ano man iyong panliligaw na binubuo niya ay kailangan ko siyang pigilan doon. Which is better, Klare? Telling him that you’re not ready for anything or just silently rejecting all the dates he’ll offer? Hindi ko alam pero base sa nangyari sa amin ni Eion noon, kailangan ko talagang magpakatotoo.

Binuksan ko ang bibig ko para magsalita ngunit nauna siya sa pagsasalita.

“Iniiwasan mo ba ako, Klare?” Tanong niya.

Nangapa ako sa isasagot ko dahil sa tanong niya. “H-Hindi!” Sabi ko.

Shit! Humilig pa siya lalo para bumulong. He wanted privacy. I want privacy too. Ayaw kong naririnig kami nina Jack at Andrei pero hindi ko na siya maputol.

“Kasi tingin ko oo. I’ve been texting you a lot. Hindi ka naman nag rereply. I’m pretty sure your line is postpaid though. And Pierre says nag rereply ka naman sa kanya.”

Napalunok ako sa tanong niya. Hindi ako preparado sa tanong na ito kaya nangapa ako ng salita. “Hindi, Vaughn. I’m just too busy.” Halos hindi ako makatingin sa kanya.

Humalakhak siya. “Talaga? Prove it to me, then. Let’s go out.”

Na korner yata talaga ako ni Vaughn. This is really hard.

“Kung sana lang pwede pero kasi sobrang busy.”

Nangapa ako ng mga events na maaaring makakapag pabusy sa akin kasama ang mga Montefalco. Sa huli ay naisip ko na sana ay umamin na lang ako na may iba na akong gusto at ayaw kong mag selos ang lalaking iyon. Pero wala naman akong maisasagot kay Vaughn sa oras na mag tanong siya kung sino ang ibang lalaking gusto ko.

“Konti na lang iisipin ko nang iniiwasan mo talaga ako.” Nanliit ang mga mata niya.

Humalakhak ako para matabunan ang kaba ko. “Hindi. Talaga. Sige, wag kang mag alala, sa oras na free na ako, ako mismo mag yayaya sayo.”

Bago pa siya makapagsalita ay tumayo na ako at kinuha ang mga baso. Nilagay ko sila sa tray para ibalik sa kusina. Maaari namang maghintay ako kina manang para don pero desperada akong makaalis. Guilty ako sa mga sinabi kong pag papaasa kay Vaughn. Batid ko rin na kailangan ko nang masabi sa kanya ang katotohanan sa lalong madaling panahon.

“Tulungan na kita.” Ani Vaughn sabay hawak sa tray.

“Huwag na.” Sabi ko ngunit nag pumilit siya.

Sumulyap ako kay Elijah na nakatingin sa aming dalawa. Ngumiti ako nang medyo ilang sa kanya bago bumaling kay Vaughn at pumuntang kusina.

“Naku, sana hinayaan niyo na lang ‘yan don.” Ani Manang sa kusina habang nilalapag namin iyon sa sink.

Naghahanda sila ng tanghalian namin kaya umalis din sa manang patungo sa dining room. Kami na lang ni Vaughn ang nasa kitchen. Nag kunwari akong babalik na ngunit pinigilan niya ako.

Hinanap niya ang mga mata kong hindi makatingin sa kanya. Nang sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na tumingin ng diretso sa kanyang mga mata ay nakita ko ang paniningkit ng kanya.

“Talagang iniiwasan mo ako, a? May nagawa ba akong mali? That night?” Tanong niya.

Umawang ang bibig ko para magsalita. Ngumiti si Vaughn at humakbang palapit sa akin. Napahilig ako sa counter. Nilingon ko ang likod ko at hindi na ako makaatras. Kinulong niya ako sa gamit ang kanyang dalawang braso na nakahawak sa counter.

Bago ako makapagsalita ay may narinig akong padabog na pagbagsak ng baso sa counter. Sabay kaming lumingon sa lalaking naroon sa bar na umiinom ng tubig. Si Elijah! Oh dammit! No scene, please?

Umayos si Vaughn sa kanyang pag tayo at medyo nahiya sa ginawa niyang pagkulong sa akin.

“Nice earrings, Klare.” Malamig na sinabi ni Elijah habang umiinom ng tubig.

Uminit ang pisngi ko. He’s not here to make a scene! He’s here to piss me off!

Sumimsim siya sa tubig na iniinom at tumalikod para ilagay ulit ang pitsel sa ref. Mabagal pa sa pagong ang bawat kilos niya. Pinasadahan niya pa ang bawat drawer sa ref. Pinanood namin siya ni Vaughn habang ginagawa iyon.

“Continue your little chitchat. Wag kayong mahiya sa akin.” Ani Elijah kahit nakatalikod siya.

Napabuntong hininga si Vaughn, yumuko, at nagsalita.

“May nagawa ba akong mali sa gabing iyon? We were just dancing, right? Bakit bigla kang…” Mas lalong humina ang boses niya. “Umalis kasama ang pinsan mo.” Muwestra niya kay Elijah.

“May… may importante kasi kaming gagawin. Uh… Yon.” Sabi ko sabay ngiti.

“Sure? O baka may nagawa akong masama sayo? Klare, I… I don’t want you mad at me.” Aniya.

Humalakhak si Elijah habang may tinitingnan sa ref. God, he’s crazy! Nilingon namin siya ni Vaughn. Sinarado niya ang ref at ngayon naman ay kinuha ang isang low-fat milk at nag salin sa kanyang baso.

“You only got local beers. You don’t have whiskey or any hard liquors in here.” Kibit balikat ni Elijah.

Nakita kong nag igting ang panga ni Vaughn habang tinitingnan si Elijah na masayang nagsasalin ng low fat milk. Dammit, Elijah!

“I’m not mad at you, Vaughn.” Napatingin si Vaughn sa akin.

Mahinahon ulit ang boses niya at humakbang siya palapit sa akin para marinig ko. “Kung ganon bakit parang iniiwasan mo ako? Kahit anong tanggi mo, nararamdaman ko parin, Klare. Hindi ako manhid.” Sabay angat niya sa baba ko para makapag angat rin ako ng tingin.

“Hands off.” Ani Elijah habang sumisimsim naman ngayon sa low fat milk na sinalin sa kanyang baso.

Napalingon si Vaughn kay Elijah. Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga sa pangalawang beses. Kalmado ang ekspresyon ni Elijah ngunit kitang kita ko ang pag kuyom ng kanyang kamaong itinago niya na ngayon sa bulsa.

“What?”

Nilapag ni Elijah ang kanyang baso. Oh no. This is not effing good!

“Elijah…” Saway ko.

“I said, hands off my cousin.” Kalmadong sinabi ni Elijah.

“Kung ayaw mong makita na hinahawakan ko siya, you may leave.” Medyo iritadong sinabi ni Vaughn.

Mabait si Vaughn. At hindi ko siya masisisi kung iritado na siya ngayon kay Elijah. Simula pa lang ay nagkakainitan na ang dalawa. Sa court, sa bar, ngayon naman ay dito. Hindi ko nga alam kung paano nagawa ni Vaughn na maging kaswal parin kay Elijah hanggang ngayon.

“Really want me to leave?” Hamon ni Elijah.

Tumango si Vaughn.

“Well, then…” Lumipat ang tingin ni Elijah sa akin. “Let’s go, Klare.”

“What?” Sigaw ni Vaughn. “Kinakausap ko siya.”

Naglalakad na si Elijah palabas ng kusina at pumihit siya para harapin kaming dalawa ni Vaughn.

“Elijah!” Pigil ko sa maaari niya pang sabihin. “Susunod na ako. Give me sa sec, okay? Go ahead.”

Kinagat ni Elijah ang kanyang labi at tumango bago dumiretso paalis.

“What the heck is wrong with him, Klare? Anong problema niya sa akin?” Tanong ni Vaughn.

“He’s just kinda protective, Vaughn. Sorry. Tara na. Lunch na.” Anyaya ko at dumiretso na palabas.

Dammit! Gustong gusto ko nang sabihin kay Vaughn ang totoo. Mapagkakatiwalaan ko ba siya? Eion… tapos ngayon si Vaughn. Can I really trust them?

Umupo ako sa tabi ni Elijah habang kumakain kami ng tahimik sa long table. Tumatawa si Andrei, Jack, at Claudette habang si Azi naman ay parang lawin na nag aantay kung kailan magsasalita para pumagitna sa dalawa. Nakatingin si Vaughn sa akin sa bawat subo ko kaya medyo naiilang ako. Sinigurado ko namang walang aksyon si Elijah habang kumakain kami.

Nagpalipat lipat ang tingin ni Vaughn kay Elijah at sa akin. Damn… Kung magka IQ sila ni Claudette, by now, maaring alam niya na kung anong meron?

“How about Friday, Klare? Bago umuwi sina Pierre at Hendrix?” Pursigidong sinabi ni Vaughn sa harap ng lahat. He’s talking about our second date.

Tumunog ang cellphone ni Elijah. Tumigil siya sa pagkain at sinagot niya ang tawag na iyon nang hindi umaalis sa mesa.

“Yeah…” Aniya sa matigas na ingles. “Friday? ‘Kay, Dame. Congrats!” Ngumiti siya.

Nagkatinginan kami ni Claudette. Nalaglag ang panga ni Claudette. She figured something out habang ako ay nganga parin. May naiisip na ako pero hindi ko pa maproseso sa utak ko.

Binaba ni Elijah ang kanyang cellphone at tumingin siya sa akin.

“Can’t date on Friday. We’ll have family dinner with Eba Ferrer’s family.”

“WHAT?” Sabay naming sigaw ni Claudette.

Naguluhan si Vaughn, Jack, at Andrei sa pinag usapan pero wala na akong panahon na magpaliwanag sa kanila. Masyado akong masaya dahil sa mangyayari! Si Damon at Eba ay maayos na? Hindi ko alam pero mukhang ganon na nga! And we’ll have a new Montefalco! Oh wait? Alam na ba ni Dame na may anak siya?

“Sorry, Vaughn. Family thing.” Sabi ko kay Vaughn.

Tumango si Vaughn.

“I’m glad I’m your family.” Tawa ni Elijah.

Sumulyap ako sa kanya at nag taas siya ng isang kilay habang umiinom ng tubig. Nagtaas rin ako ng kilay sa kanya.

“O sige, Klare, I’ll just wait for your text then?” Ani Vaughn.

Tumango ako kay Vaughn at narealize na kailangan ko na talagang sabihin sa kanya na hindi ako interesado.

Napatingin ako sa aking cellphone at nakitang may iilang messages na si Elijah sa akin doon simula pa kanina.

Elijah:

Klare, I’m jealous. Do something.

Kinagat ko ang aking labi at binasa pa ang ibang message.

Elijah:

Why are you so close to each other?

Elijah:

Saan kayo pupunta?

Elijah:

Am I being too clingy? I’m not clingy. I’m just protective.

Elijah:

Oh hell. I’m not going to sit here and wait for you.

Elijah:

Klare Montefalco, what the hell are you doing with that boy?

Mabilis akong nag type sa ilalim ng mesa. Maingay pa si Claudette at Azi sa pag uusap tungkol sa kay Damon at Eba.

Ako:

I’m Klare Ty. I’m not a Montefalco anymore.

Nakita kong nagtype rin si Elijah sa tabi ko. Naghintay ako na matanggap ko ang mesahe galing sa kanya.

Elijah:

You will be a Montefalco again.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: