Until He Returned – Kabanata 29

Kabanata 29

 

 

Kumain kami nina Elijah at Azi sa Lefty’s. May ka-text si Azi habang nag-o-order si Elijah ng pagkain.

“Apat,” ani Azi sa waiter na naglalagay ng mga plato.

Pinili namin dito kumain dahil malayo ito sa siyudad. Now that Azi’s here, tingin ko ay pinagkakatiwalaan siya ni Elijah sa sekreto namin. It’s probably safe to be around him.

“Sinong darating, Azi?” tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin galing sa kanyang cellphone. Humilig siya at umambang bubulong sa aking tainga. Inilapit ko naman ang aking tainga sa kanyang bibig. “Dette Dette.”

Tumango ako at napagtantong okay lang kasi si Claudette lang naman pala.

Ngumuso si Azi habang nakatingin sa katabi kong si Elijah.

“Now you’re not going to accuse me of hitting on her, Elijah. Damn, mad ape!” Umirap siya kay Elijah.

“I won’t, Azi. If you stop brushing your lips against her ears,” iritadong sinabi ni Elijah.

Humagalpak sa tawa si Azi. “Bullshit! We’re not going to lose our friendship over Klare.”

“Tumigil ka nga, Elijah. You’re being paranoid. Azi’s my cousin.”

Tumawa ulit si Azi. “See? I’m her cousin. You’re not. You’re her… uh… well… friend?”

“Fuck you, dude,” iritadong sinabi ni Elijah habang hinihila ako palapit sa kanya.

Ngumuso ako at medyo hindi pa komportable na ganito kami ni Elijah kahit na may tao. It’s weird. Kinagat ko ang labi ko habang nag-aangat ng tingin sa mga mata niyang buong-buo ang atensiyon sa akin.

“We need to be more careful now, Klare. Pati si Eion ay may alam na,” sabi niya sa akin.

Tumango ako. “Iniisip pa rin ni Erin na kayo pa ni Selena. I think that’s still a good sign.”

Tumango si Elijah.

Napatalon ako nang may biglang humalik sa pisngi ni Azi bago umupo sa kanyang tabi. Nakahinga lang ako nang malalim nang nakitang si Claudette pala iyon. Bumagsak agad ang tingin ni Claudette sa kamay ni Elijah na nakahawak sa kamay ko. Instinct na siguro ang dahilan kung bakit kinalas ko ang kamay ni Elijah na nakahawak sa akin. Umayos si Elijah sa pagkakaupo at binati niya si Claudette.

“You enrolled, Klare?” tanong ni Claudette.

“Yup,” sagot kong medyo naaasiwa.

Tumango siya at bumaling kay Elijah. “What are your plans, Elijah? Babalik ka bang Surigao?”

“Uh, nope. Dito na lang muna.”

Tumango si Claudette at bumaling ulit sa akin.

Dumating ang mga order na sisig at buffalo wings. Binalot kami ng matinding katahimikan hanggang sa nag-ingay na si Azi kung gaano siya kagutom. Tahimik si Claudette kaya hindi na rin ako masyadong nagsalita.

Nilagyan ni Elijah ng pagkain ang aking pinggan. Ngumuso ako habang ginagawa niya iyon. Nararamdaman ko ang titig ni Claudette sa aming dalawa. Now what?

“I really hate buffalo wings, ya know, nakakabading daw ito, e,” ani Azi.

“Bakit, Azi? Nababading ka na ba?” Halakhak ni Elijah.

“What the fuck, dude? Parang ‘di tayo lumaki ng sabay kung makapagsalita ka.” Nakakunot ang noo niya.

Bumaling si Elijah sa akin nang nakangisi bago niya ako tinanong.

“What do you want, baby? Juice or soda?”

Nararamdaman ko ang matulis na tingin ni Claudette sa aming dalawa. I think we’re doing something really wrong right now.

“Juice,” napapaos kong sinabi.

Padarag na binitiwan ni Claudette ang kanyang kutsara at uminom ng tubig.

“I. Get. It,” aniya at hininaan ang kanyang boses.

Napatingin kaming dalawa ni Elijah sa kanya. Kumalabog ang puso ko. Bumaling siya kay Elijah at kumunot ang kanyang noo.

“Hindi ko alam kung anong meron, Elijah, pero dammit, you and Selena are still together, right? Anong plano n’yo at bakit kayo ganito?”

“Easy there, Dette,” pigil ni Azi.

“Hindi, Kuya, bakit ganito? Klare, you’re not going to be a mistress for him,” sabay turo niya kay Elijah. “I know your history. Maniwala kayo. Bilib na bilib ako sa inyong dalawa pero hindi ganito. Huwag ganito.”

“Dette, wala na kami ni Selena,” simpleng sinabi ni Elijah.

“What?” iritadong sinabi ni Claudette.

Napatingin ako sa labas. Ayaw kong tingnan ang reaksiyon ni Claudette habang nagsasalita si Elijah. “Wala na kami. Hindi ako papabalikin nina Mommy at Daddy ng Pilipinas hanggang hindi pa ako nagkaka-girlfriend.”

Natahimik si Claudette. Ilang sandali pa bago siya nakapagsalita.

“What will happen if they find out about this, Elijah?”

Napatingin si Azi sa akin. Napatingin din ako kay Claudette. Hindi kay Elijah na sagot ang hinahanap ni Claudette. Alam ko dahil sa akin din siya nakatingin.

“We’re buying our time, Clau. Ipapaliwanag ko ito nang unti-unti kina Mommy at Daddy. At sana na rin sa inyo… kina Rafael… at kay Erin.”

Tumango siya. “But what if biglang lalabas ang katotohanan? What about Selena? Pa’no kung isiwalat niya ang lahat ng ito?”

Huminga ako nang malalim. “We’re going to gamble, Clau. We’ll trust Selena.”

“Hell hath no fury like a woman scorned, Klare. Remember that.” Nanliit ang mga mata niya.

Kinabahan ako sa sinabi ni Claudette. Selena won’t let that happen. Respeto ang maibibigay ko sa kanya dahil mahal niya si Elijah at kaya niyang pakawalan ang mahal niya. At alam ko naman ang gagawin ko ‘pag ganoon nga ang nangyari, e. I will stand by my decision. And my decision is Elijah.

***

Makalipas ang isang linggo ay hindi na ulit kami nagkita ni Elijah. Hanggang text lang kami dahil nga magiging weird naman kung parati kaming magkasama. Inisip din niya na tuwing magkasama kami ay kailangan naroon sina Azi at Claudette. We can’t be alone. Maraming magdududa.

“My, aalis po ako. Bibisitahin ko lang ang bahay namin sa Hillsborough,” paliwanag ko kay mommy.

“Okay. Papahatid ka sa Dad mo?”

“Huwag na po,” sabi ko. “Makokontak ko naman po ang driver namin.”

Sumang-ayon si Mommy sa sinabi ko. Nagpaalam na rin kasi ako kay Pierre na pupunta ako sa aming bahay para bumisita. Nagulat nga iyon kasi naantala ang pagbisita ko. Kaya naman ay ipapadala niya raw ang driver nila para kunin ako. Hindi na naman kailangan dahil pupunta rin doon sina Elijah, Azi at Claudette. Kaya lang ay pinilit niya ako.

Dinampot ko ang aking skateboard at inayos ko ang aking hikaw, iyong hikaw na bigay sa akin ni Elijah. Kumalabog ang puso ko. Pagkatapos ng isang linggo ay magkikita ulit kami. Naaalala ko pa ang mga text niya kung gaano niya na ako ka miss at ngayong magkikita ulit kami, nakaka-excite. Dammit! It’s hard not to lose control sometimes.

Pumasok ako sa aming sasakyan habang kandong ang skateboard. Naka-bun ang buhok ko at inisip kong tuturuan ko si Elijah ngayon na mag-skate.

Napatalon ang dibdib ko nang may nakita akong mensahe sa aking cellphone. Napawi ang ngiti ko nang kay Vaughn pala iyon. Dammit, Klare! What’s that supposed to mean?

Vaughn:

I’m finally enrolled! Ang haba ng pila. Where you at, miss?

 

Ngumuso ako at mabilis siyang ni-reply-an habang tumitigil ang sasakyan. Habang nagre-reply ako ay binubuksan ko ang pintuan at lumalabas ako.

Ako:

Wala ako sa school.

 

Nag-angat ako ng tingin kay Elijah na ngayon ay nakakunot ang noo. Nasa labas pala siya ng bahay at naghihintay sa akin. Nilagay ko sa aking bulsa ang cellphone at nakita kong sinundan niya ito ng tingin.

“Where’s Clau and Azi?” tanong ko.

“Nasa loob,” sagot ni Elijah.

Tumango ako at ipinakita sa kanya ang aking skateboard.

“Wanna try?”

“‘Pag ikaw ang magtuturo,” aniya.

Ngumisi ako at tumango ulit.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Naabutan ko si Claudette na nakatayo sa gilid ng piano at tinitingnan ang bawat frame na naroon sa aming bahay. Si Azi naman ay nakaupo sa sofa at nakalagay ang paa sa table habang namimili ng laro sa Xbox.

“Elijah, laro tayo,” ani Azi.

Umupo si Elijah sa sofa.

Binati at kinumusta agad ako nina Manang dahil matagal na akong hindi nakakabisita. Pagkatapos noon ay dumiretso na ako kay Claudette na nakatitig sa isang picture nina Hendrix at Pierre na parehong naka-sailor outfit.

“Only got one picture here, Clau,” sabi ko sabay turo sa isang picture ko noong birthday ko.

Tumango siya. “I can see that,” Hinawi niya ang kanyang buhok bago bumaling sa akin. “Must be hard to be Chinese.”

Kumunot ang noo ko at bumaling kina Azi at Elijah na nagtatawanan. “Ba’t mo nasabi?”

“You have… some different family rules right? Chinese is strictly for Chinese only?”

Nagulat ako sa sinabi ni Claudette. Dumiretso siya sa sofa kung saan nakaupo si Azi. I know that rule pero hindi iyon kailanman naging pasakit sa akin. Siguro na rin ay dahil hindi naman ako tulad nina Pierre at Hendrix na pinalaking ganoon.

Kumunot ang noo ko kay Claudette at bumaling ako sa picture na tinitingnan niya kanina.

“Come here, Klare.” Tawag ni Elijah habang nakahilig sa sofa at nakikipaglaban kay Azi sa flatscreen.

Tumango ako at dumiretso sa tabi niya. Nakatuon ang kanyang buong atensiyon sa screen ngunit siniko niya ako.

“Not there, baby,” aniya.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya ngunit diretso pa rin ang tingin niya sa screen.

Kinalas niya ang kanyang kamay na nakahawak sa joystick at nilahad niya ang kanyang hita.

“Come on, sit here. You’re my good luck. Walang ganito si Azi.” He chuckled.

“Baliw!” Sapak ko ngunit naghuhuramentado na ang puso ko.

Napatingin ako kay Claudette na ngumunguso at tumitingin sa screen.

“Sige na,” malambing na sinabi ni Elijah at hinila niya ako sa kanyang hita.

Natunaw ang binti ko habang lumalapit sa kanya. Umayos siya sa pag-upo. Pinaupo niya ako sa sofa sa gitna ng kanyang mga hita bago ako kinulong sa kanyang braso. Nagpatuloy siya sa pagpipindot ng joystick.

“Yes!” sigaw ni Azi nang nanalo siya.

Nagbuntong-hininga si Elijah. “Round two.”

Napahawak ako sa kanyang binti habang ginagalaw niya ang joystick.

Fuck shit. Baka mamaya langgamin tayo rito,” bulong ni Azi.

Humalakhak si Claudette. “Di ko kayang tingnan. Kumakalabog puso ko ‘pag tumitingin ako, e.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Claudette. “Uh…” Hinawi ko ang kamay ni Elijah at kumawala.

“Good job, Dette!” sarkastikong sinabi ni Elijah.

Tumawa sina Claudette at Azi habang ako naman ay nagkunwaring pupunta sa kusina. Nakakahiya!

“Alam n’yo namang mahirap siyang… dammit, you two. Next time, ‘di ko na kayo isasama!” iritadong sinabi ni Elijah.

Ilang sandali pa bago ko naisipang lumabas galing sa kusina. Kumalma na ako at dala-dala ko na iyong juice at cake na hinanda ni Manang. Nag-angat ng tingin si Claudette sa akin at nakangiti pa rin siya. Hindi pa rin siya nakaka-recover sa nangyari kanina. Dammit!is this so awkward?

“Kami naman ni Kuya, Elijah,” ani Claudette.

“Oh yeah? I won’t hold back this time, Dette!” Humalakhak si Azi.

“Kain muna kayo,” sabi ko habang nilalapag ang mga juice.

Pinapanood ako ni Elijah habang ginagawa ko iyon. Nanginig na naman ang kamay ko. Dammit! should stop, alright! Pamilyar na sa akin ang panginginig na ito. Dapat ay tumigil ako. Mamaya makabasag pa ako ng baso.

“Klare, why don’t you teach me how to skate, instead?” ani Elijah.

“Uh… Sure!” sabi ko sabay atras nang bahagya.

“Yeah. Alone time.” Tumawa ulit si Azi.

Uminit ang pisngi ko sa pagpuna ni Azi.

Lumabas na ako ng diretso sa aming bahay at dinampot ko na ang skateboard ko habang minumura ni Elijah si Azi. Tumatawa naman sina Azi at Claudette habang naglalaro. They are enjoying this so much. I’m not. It’s too awkward!

Ngayon, mas lalong naging awkward dahil kaming dalawa na lang ni Elijah at papanoorin niya akong mag-skate.

“I think na-try mo na ito?” sabi ko.

“Uh yeah. Sa New York. Pero ‘di ko trip. Why don’t you teach me?” Ngumisi siya.

“It’s easy.” I lied. “Sakay ka lang ta’s tulak mo sa paa.”

Ginawa ko ang sinabi ko. It’s easy like this. Pero siyempre kung gusto mo na ng tricks ay mahirap na iyon. Sinalubong ko ang hangin habang ginagawa ko iyon. Niliko ko ang skateboard para bumalik sa kanya. Nakita kong nakapamulsa siyang pinapanood ako sa malayo. Bumalik ako sa kanya.

“Subukan mo?” sabi ko.

“I’ll take off my shirt first. Don’t like sweating on my T-shirt,” aniya.

“Uh… Well… Okay.”

Fantastic! Ngayon mas lalo akong maaasiwang tingnan siya dahil sa kanyang katawan at nakabalandrang tattoo.

Kinuha niya sa kamay ko ang aking skateboard. Mabilis kong binitiwan ang skateboard nang nahaplos niya ang kamay ko. Kumunot ang kanyang noo at nag-iwas ako ng tingin.

“Hold this for me, please?” aniya at binigay niya sa akin ang kanyang mabangong T-shirt.

“Okay,” sabi ko.

Dammit, Klare! Stop being stupid! Dapat ay magseryoso ako rito at huwag nang pansinin ang kung anong nararamdaman ko sa kanya ‘pag ganito kami.

“Ganito ba?” tanong niya habang inaapakan ang skateboard ko.

Namangha ako nang matikas at walang kahirap-hirap niyang sinakyan at niliko ang skateboard ko. Tumawa siya pagkaliko ng skateboard.

“Ang hirap!” Huminga siya.

“Talaga? San ang mahirap sa’yo roon?” bulong ko sa sarili ko.

Nang nakabalik siya sa akin ay mabilis kong dinampot ang aking skateboard at sinakyan ito ulit para ipakita na kaya kong iliko-liko ‘yong skateboard.

“Now what?” aniya.

“Watch, Elijah,” sabi ko.

Niliko-liko ko iyon habang lumalayo sa kanya. Nang pabalik na ako ay nakanguso na siya at seryosong nakatingin sa akin. Ngumisi ako sa kanya at nagdasal na sana ay magawa ko ang ilang tricks para makapagpasikat sa kanya.

Nang nagawa ko nga ay nakita kong may naglarong ngiti sa kanyang mukha. Kinagat ko ang aking labi at napagtantong masyado kong siniseryoso ang pagpapasikat sa kanya kaya dumiretso na ako. Nagulat ako nang nilahad niya ang kanyang braso at sinalubong ako habang nag-i-skate.

Tumama ako sa kanyang dibdib at marahan niya akong niyakap.

“Nakakainip pala. Can’t stand watching you skate, Klare. Nakakainip tingnan na malayo ka at mabagal ang pagdating mo papunta  sa akin,” bulong niya sa akin.

Thank God he’s hugging me tight. Siya na mismo ang sumusuporta sa akin kaya hindi ako nakaluhod ngayon. Dahil pakiramdam ko ay luluhod talaga ako sa pamamanhid ng aking tuhod dahil sa sinabi niya.

And he smells so nice. Niyakap ko siya pabalik at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

“Tinuturuan kasi kitang mag-skate kaya ganoon,” sabi ko.

“I know. But I can’t help it, baby. I can’t help but be possessive,” bulong niya. “I want you so bad for myself.”

Kinagat ko ang aking labi. I’m so in love with him, really. Kung paano ko siya naitulak noon palayo sa akin ay hindi ko na maintindihan ngayon. I will never do that to him again.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya nang namataan ko ang isang pamilyar na sasakyan.

“Sina Vaugn at Jack, nandito,” sabi ko.

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.