Kabanata 28
Get Back Together
Kabadong kabado ako nang dumating na ang araw ng enrolment. Unang araw pa lang, gusto ko nang ma enrol na agad nang sa ganon ay hindi na ako magpabalik balik pa sa school. Isa pa, ito rin ang sinabi ko kay Eion. Ngayon kami magkikita. Mas lalo lang akong kinabahan. Mabuti na lang at nalaman ko kay Claudette na hindi sila ngayon mag eenrol nina Erin.
“Hintayin mo na lang kami.” Ani Pierre sa cellphone ko habang nag liligpit ako ng gamit pagkatapos kong kumain.
“It’s okay, Pierre, sasama ako sa inyo pag mag eenrol kayo.” Sabi ko.
“Sinong kasama mo? Si Vaughn?”
Ngumuso ako sa tanong niya. Nagyaya nga si Vaughn ngunit magkaiba naman ang kurso naming dalawa. Magkakahiwalay parin kami kaya tinanggihan ko muna siya. Isa pa, Elijah will probably get pissed. Kaya nga sinabi ko rin ang lahat ng tungkol sa gustong mangyari ni Eion para wala siyang pangamba. I won’t keep secrets anymore. I want to be honest with him.
“Hindi. Ako lang.” Sagot ko kay Pierre.
Bumuntong hininga siya. “Bakit? Sana sinama mo si Vaughn. Ayaw kong naiisip na mag isa kang mag eenrol.”
Napangiti ako. “It’s okay. I’m a big girl. Kung tratuhin mo ako ay parang bata.”
“Or baka naman may kasama kang maging sa akin ay dapat mong ilihim?”
Ngumuso ako sa sinabi niya. Probably yes. “No, Pierre. Ako lang talagang mag isa.”
“Okay.” Buntong hininga niya ulit.
“Kumusta kayo diyan? I missed you and Hendrix. Tumawag si papa sa akin kahapon, nangungumusta. Masaya daw kayo diyan kasama ang relatives.”
“Yup. Wish you were here, though.”
Natahimik ako sa malungkot na pagkakasabi ni Pierre. Kung sana ay tanggap ako ng kanilang pamilya ay hindi ako mag dadalawang isip na pumunta roon.
“Kumusta ang lola niyo, Pierre?” Tanong ko.
“Our ama, Klare. Lola mo rin siya.” Ani Pierre.
Hindi na ako nakipagtalo. I don’t think I’m allowed to call her that but I really want to.
“She’s good. Pero madalas siyang magkasakit ngayon. And she’s a little bit grumpy.” He chuckled.
“You should take care of her.” Sabi ko nang napagtantong matanda na nga pala ang ama. Hindi mo kasi iyon mamamalayan tuwing nagsasalita siya ng malupit. Tingin mo ay malakas na malakas pa siya. Kaya ang marinig na nagkakasakit na siya ay nakakagulat para sa akin.
“Do me a favor, please? Pasyalan mo naman ang bahay natin. It’s been two weeks and I heard hindi ka pa raw pumapasyal sabi ni manang?”
“Sorry. Sige, papasyal ako pagkatapos ng enrolment, Pierre.”
Nakatitig si mommy sa akin habang nasa cellphone ako at inaayos ko ang sarili ko sa salamin. Pagkatapos naming mag usap ni Pierre ay binaba ko na ang cellphone ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at humugot ako ng malalim na hininga.
“My, baka hindi po ako dito mag lunch.” Sabi ko.
Tumango si mommy. “Sa school ka mag lu-lunch?”
Nilagay ko na agad ang bag ko sa aking balikat. This is it. This is one of my ways. Ito pa lang ang unang hakbang. Sana ay mapansin ito ni mommy at huwag niya agad akong husgahan.
“Siguro po. O sa labas. Kasama si Elijah at Azi.” Sabi ko at hindi ko na tiningnan ulit ang kanyang mukha.
“Oh… Okay…” Aniya at nakita kong nagpatuloy siya sa pagliligpit sa mesa.
Hindi na rin siya tumingin sa akin. I trust my mom. Kung ano man ang nasa isip niya ngayon, hindi siy magpapadalos dalos. Gusto kong unti-untiin ito. Alam kong iniisip niyang si Elijah at Selena parin hanggang ngayon kaya hindi siya magdududa. Balang araw, sasabihin ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Sa ngayon, uunti untiin ko muna.
Mabilis akong nakapunta sa school. Hindi pa gaanong mahaba ang pila dahil maaga pa at kaonti pa lang ang estudyante. Sa mga freshmen ay mahaba na ang pila. Mabuti na lang at inagahan ko para mas mabilis akong matapos.
Sa huling parte ng enrolment ay nakatanggap ako ng message galing kay Elijah.
Elijah:
Just got home from the gym. You done?
Bago ako makapagreply sa kanya ay nabasa ko naman ang message ni Eion.
Eion:
Can I fetch you? Kumain tayo sa labas.
Nag angat ako ng tingin sa mga estudyanteng pumipila kasama ko. Tinanggap ko ang class schedule ko sa registrar bago ako nag reply kay Eion.
Ako:
Can we meet here instead? May kasama na kasi akong mag lunch.
Umupo ako sa benches habang nag hihintay ng reply kay Eion. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nagpapasalamat ako dahil kaonti pa lang talaga ang tao. Kung magkikita kami ni Eion mamaya sa isang lugar, siguro mas maganda kung sa mga sixth floor ng building para walang tao. Ayaw kong may makakitang ibang tao sa amin.
Eion:
Oh. Sige. Where are you?
Mabilis akong nag type ng message. Pinag usapan na namin ito ni Elijah. Ayaw ko sanang isama siya kaso hindi ko siya mapigilan. Nangako siyang hindi siya makikisawsaw. Gusto niya lang marinig kung ano ang pag uusapan namin ni Eion. Hindi ko alam kung tungkol na naman ba ito sa trust issues niya o talagang totoong gusto niyang malaman kung ano ang sasabihin ni Eion sa akin.
Ako:
Sa Aggie Building, 6th floor na lang tayo mag kita.
Pagkatapos kong makakuha ng Okay kay Eion ay saka ko pa lang sinabi kay Elijah. Hindi parin kami pwedeng makitang magkasama ni Elijah kaya mas mabuti kung umiwas na lang kami. Magkahiwalay kaming pupunta sa 6th floor. I just wish he won’t butt in kung may mali mang sabihin si Eion.
Elijah:
Nasa school na ako. See you there.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at namataan ko kaagad ang kanyang sasakyan na nagpapark. There he is. Kung bakit kailangan naming magtago ng ganito ay hindi ko alam. Wala naman ang mga pinsan ko at wala naman ako masyadong kilala ngayon. Pero para na rin maiwasan ang komplikasyon, kailangan naming gawin ito.
Umakyat na ako sa building gamit ang ramp. Sinabihan ko siya na gamitin niya ang hagdanan para hindi kami makitang magkasama. Siguro rin ay matatagalan pa siya lalo na pag may makakita sa kanyang mga babae. You know him…
Bumuga ako ng hininga nang nakarating na ako sa 6th floor. Umihim ang malakas na hangin. Naalala ko kaagad nang nag makaawa si Elijah sa akin sa mismong lugar din na ito. Humakbang ako papalapit sa isang lalaking nakatingin sa mga matatayog na building sa labas. Sinasalubong ng kanyang mukha ang hanging umiihim. Humigpit ang hawak ko sa sling ng bag ko habang papalapit ako sa kanya.
“Eion.” Sabi ko.
Bumaling si Eion sa akin. Hinihipan ng hangin ang medyo magulo niyang buhok at kitang kita ko ang repleksyon ko sa kanyang mga mata. He looked tired.
Natatakot ako sa maari niyang sabihin sa akin. Ganunpaman ay sinubukan kong magpakatatag habang kaharap siya. I know Elijah’s around us. I’m pretty sure now.
“Sorry again sa mga inasta ng mga pinsan ko noong Foam Party.” Sabi ko nang di ako makahagilap ng mga salita.
“Do you know why I broke up with Erin?”
Kumalabog ang puso ko. Kahit na magdasal ako ngayon na sana ay mali ang iniisip ko, kulang iyon, dahil alam ko kung saan patungo ang usapang ito. Hindi ako nag aassume, I’m just simply being realistic.
“I don’t know, Eion. Pero kung ano man ‘yon, dapat ay sa inyong dalawa lang iyon. I’m here because we’re friends-“
Pinutol niya ako. “‘Yan ang hirap sayo, Klare, e. You speak like a saint.” Aniya.
Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya hindi ko nadagdagan ang sasabihin ko.
“‘Yan ang mahirap sayo.” Dagdag niya.
Tinikom ko ang nakaawang kong bibig. Hindi ko alam kung bakit siya nahihirapan sa akin. Then again, wala ako sa posisyon niya kaya talagang hindi ko iyon mararamdaman.
“‘Yon bang imbes na dapat ay magalit ka sa akin ay okay lang sayo!”
Nag angat ako ng tingin sa kanya. “Eion, hindi ako magagalit sayo. Bakit ako magagalit sayo? Ikaw ang dapat na magalit sa akin, hindi ba? I will understand. Pero sana ay mapatawad mo na ako sa nagawa ko sayo noon. I don’t know what’s your point right now but I’m here to be your friend. I want to be here as a friend. Gusto ko sanang… gusto ko sanang mag kaayos kayo ni Erin. You see… she’s a wreck without you-“
“You tell me, Klare. I need our closure.” Mariin niyang sinabi.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Anong closure pa ba ang iniisip niya? Hindi ko alam. Matagal na panahon na iyon at masyadong maraming nangyari sa buhay ko na nahihirapan na ako kung paano iyong noon.
“What closure do you need, Eion?” Matigas kong sinabi.
“Noon sinabi mo sakin ayaw mo sakin dahil may mahal kang iba. Sino ‘yon?”
Kumalabog ang dibdib ko sa tanong niya. Uh-oh. Hindi ko inasahan na ganito ang magiging tanong niya. Hindi ko inasahan na ibabalik niya ang usapang ito.
“That was a long time ago, Eion.” Sabi ko.
“Sino, Klare?” Humakbang siya palapit sa akin.
Mas lalong kumalabog ang puso ko. Damn it! Kung nandito na nga si Elijah, isang kalabit na lang sa lalaking iyon ay baka magpakita na iyon dito. I don’t want that to happen!
“Ano pa ba ang halaga non sa iyo?” I spat. “Kung mahal mo talaga ang pinsan mo, hindi mo na iisipin iyon! Hindi mo na ako iisipin! Hindi deserve ni Erin na gawin mo siyang option dahil lang sa hindi ka pa nakakalimot sa akin, Eion!”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
“I want to know, Klare. Sino ang lalaki? Dahil bakit hanggang ngayon, mag isa ka parin! Bakit wala paring iba?”
Umiling ako at mas lalong kinabahan. “Kung nag dadalawang isip ka kay Erin dahil bumabagabag ‘yan sayo, Eion. Then, I’m sorry but I think you deserve Josiah’s punches.”
Linagpasan ko siya. Sa sobrang gulat niya sa sinabi ko ay wala na siyang naging imik. Ayaw ko sanang sabihin iyon ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pagkaliko ko sa hagdanan ay nakita ko kaagad ang nakapikit na si Elijah at nakahilig sa dingding. Nakakuyom ang kanyang kamao. Lumapit ako sa kanya at umambang hihilahin siya doon para makaalis na kami kahit na naroon ang nanlalaking mga mata ni Azi sa aming harap.
Nang naramdaman ako ni Elijah ay dumilat siya at mabilis niya akong hinila patungo sa kanyang dibdib.
“Thank you.” Bulong niya.
Sumalampak ako sa kanyang dibdib habang hinahaplos niya ang aking buhok. I want us to go! Paano kung sumunod si Eion at maabutan niya kami dito na ganito? Oo nga’t nandito si Azi para pagtakpan ang kung ano mang meron sa amin ni Elijah ngunit kailangan parin naming maging maingat.
“Elijah…” Nag angat ako ng tingin sa kanya ngunit nanahimik din ako nang narealize ko na may kausap na si Eion.
“‘Yon ba ‘yon, Eion?” I heard Erin’s voice.
Nagulat ako. Gusto kong tumingin pero hindi ako pinapakawalan ni Elijah sa kanyang mga bisig.
“Elijah, let’s go. Nandito pala si Erin.” Bulong ni Azi.
Nalaglag ang panga ko habang nakikinig kay Erin at Eion.
“‘Yon ba ‘yong hindi matanggal sa utak mo?” She cried.
Tinakpan ko ng kamay ang aking bibig habang nakikinig sa kanila.
“Kung sino ang mahal niya noon kaya ka niya binasted?”
Walang imik si Eion habang humahagulhol si Erin.
“Pwes, sasabihin ko sayo. But will you please… please… let’s get back together, Eion.”
Oh my God! Humigpit ang yakap ni Elijah sa akin.
“Damn, Erin.” Aniya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay.
“Pwes, si Elijah!” Sigaw ni Erin. “Siya ang mahal niya noon, okay? Siya ‘yong nagpalito kay Klare. Now what?”
“Oh shit.” Bulong ni Azi. “Let’s go, Klare.” Sabay hila ni Azi sa akin.
“Elijah.” Sabi ko sabay hila kay Elijah.
Pumikit ako at narealize na sinabi lang naman ni Erin sa ibang tao ang sekreto namin. Sinabi niya iyon para lang bumalik sa kanya si Eion. I couldn’t believe it! I just couldn’t believe it!
Habang bumababa kami ng marahan ay naririnig ko ang boses ni Eion.
“Impossible. Pinsan niyo siya. At may girlfriend na siya, hindi ba?”
“Yes. May girlfriend na siya ngayon. Hindi niya na mahal si Klare, Eion. Pero noon, oo, si Elijah ang dahilan. Mahal nila ang isa’t isa noon!” Hagulhol ni Erin.
Kinagat ko ang labi ko habang nalulunod na ang mga boses ni Eion at Erin sa katahimikan habang papalayo na kami. Hinihila ako ni Azi sa kamay ni Elijah habang iritado at wala sa sarili si Elijah na kumakapit sa kamay ko.
“Dude, papunta tayong parking lot. You two can’t hold hands. Especially na may ibang tao na ang nakakaalam sa nangyari sa inyo noon.”
Napatingin si Elijah sa akin. Binitiwan ko ang kamay ni Elijah. Napaawang ang kanyang bibig sa ginawa ko.
“I-I’ll see you both outside? Maghihintay na lang ako sa labas. Pick me up there.” Sabi ko.
Nakatitig si Azi sa akin. Si Elijah naman ay nakatingin kay Azi habang tumatango sa sinabi ko. Sinapak siya ni Elijah. Kumunot ang noo ko sa ginawa ni Elijah kay Azrael.
“What, dude?” Ani Azi habang bumabaling kay Elijah.
Kumunot ang noo ni Elijah kay Azi. “You are falling for her, aren’t you?”
Nalaglag ang panga ni Azi. “Ano? Baliw ‘to! We are cousins! Tara na nga!” Ani Azi at humalakhak. “Idiot! Move your ass or you’ll get caught. Stop being so Klaresick!”
“What?” Iritadong sinabi ni Elijah.
Ngumuso ako. “Sige na. I’ll see you outside.”
Pumihit ako para lumabas na sa school ngunit bumagabag parin sa akin na sinabi ni Erin ang tungkol sa nakaraan namin ni Elijah kay Eion! Ibig sabihin nito, maaaring papanoorin na rin ni Eion ang bawat galaw namin ni Elijah. Mas dadami ang mag babantay!
Pumikit ako. I can’t believe it! Magagawa iyon ni Erin?
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]