Kabanata 26
This Kid
Antok na antok pa ako pagkagising ko. Matagal kasi akong nakatulog dahil sa mga texts ni Elijah. Natulugan ko nga ata siya kagabi dahil sa kanya ang huling text. I should apologize.
Kinusot ko ang mata ko at sinuklay ko ang buhok ko. Maliligo na lang siguro muna ako bago magising ang mga pinsan ko. Ang aircon lang ang naging ingay sa kwarto at ang mahihimbing na paghinga ng mga pinsan ko pagkatapos kong maligo. Maaga pa naman. Alas nuwebe pa at hindi ko inaasahang maaga silang magising ngayon dahil sobrang lasing nila kagabi.
Napatalon ako habang tinutuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalya nang may marahang kumatok sa aking pintuan. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang inaantok pa na si Charles. May inabot siyang papel sa akin. Kumunot ang noo ko at lumabas ng kwarto para tingnan iyon.
“Ano ‘to?”
“Ubos na ang cereals ko. I have try outs later for this Pasarell at the Xavier University gym.”
Napatingin ako sa mga listahan ng mga pagkain at kung anu-ano pang kailangan sa bahay na kailangang bilhin sa grocery store.
“Charles, hindi ka ba makakaalis nang di nakakakain ng cereals?” Tanong ko.
“Are you asking me to go without some breakfast?” Sarkastiko niyang sinabi.
Umirap ako. Damn the Montefalco blood. “No. I’m asking you to eat bacon. Asan sina mommy at daddy?”
“They’re out. Nagluluto si manang ng almusal and I need my cereals, ate.”
Gaah! Tinalikuran niya ako kaya wala akong nagawa kundi tumunganga at tingnan siyang umaalis at kinakamot ang ulo.
“Anong gagawin ko? Anong oras mong kailangan? I still don’t know how to drive, Charles.” Thanks to papa na ayaw akong turuan mag drive dahil kaya naman daw niyang mag bayad ng driver. “And it will take a while kung mag co-commute ako.”
“Kuya Elijah is awake.” Aniya sabay turo sa kung sino man ang nasa kusina.
Nganga ako sa kanyang sinabi. Great! Great! Kaming dalawa ni Elijah ang aalis ngayon para mag grocery para na rin syempre sa senyoritong Montefalco.
“Your ate awake?” Dinig ko ang boses ni Elijah sa kusina.
Mabilis akong naglakad at pinasadahan ng tingin ang aking suot na shorts at t-shirt. I’ll just grab my jacket and we can go. Hindi ko na lang iisipin ‘yong pagiging awkward sa aming dalawa. Hindi ko na lang iisipin na sobra sobra ang pangangatog ng binti ko ngayon dahil aayain ko lang naman siyang mag grocery kasama ko.
Naabutan ko si Elijah na nakasalampak sa upuan ng aming dining table. Bagong gising at may kape sa harap niya. Naka itim na sleeveless siya at shorts. Sumimsim siya sa kape at tumayo pagkakita sa akin.
“M-Mag gogrocery daw muna ako. P-Pwedeng…” Kinailangan kong tumigil para mapigilan ang sarili ko sa pagkaka utal ko. “Pwedeng pa hatid.”
“Sure.” Sabi ni Elijah at ngumiti.
“See, ate? Just go! Maliligo lang ako. Sana pagkatapos, nakarating na kayo. Savemore is near.” Ani Charles at umalis na para maligo.
Umirap ako at naglakad patungong pinto. I can’t believe my mom and dad raised a monster. He used to be so cute. Anong nangyari ngayon? Well, I still love him anyway. Naaalala ko si Pierre sa kanya, harsher version nga lang. He’s kinda like Elijah now. I don’t know if that’s a good thing or bad.
Naamoy ko ang bango ni Elijah sa loob ng elevator. Nagpasalamat ako sa Diyos na naligo muna ako bago lumabas. Dapat siguro ay mas madalas ko iyong gawin. Pagkagising, ligo agad para walang problema pag may mangyaring ganito.
“You smell so damn good.” Singhap niya sa tabi ko.
Or not. Shit!
“N-Naligo ako.” Napapikit ako sa sinabi ko. Bakit ko ba iyon sinabi? Was that even necessary?
“I’m sure.” Aniya.
Tumunog ang elevator at parang may nawalang bigat sa pakiramdam ko. Para akong nakahinga ng malalim pagkalabas namin doon.
Sumulyap ako sa nakangiti sa kawalang si Elijah habang pinapatunog ang kanyang sasakyan. Pinag buksan niya ako ng pintuan at hindi na ako nakipagtalo. Tumango ako at pumasok sa loob. Hinintay ko siyang makapasok para pagsabihan.
“Elijah, dapat siguro huwag masyadong pahalata. We should act like friends. Or cousins. Normal friends or cousins. I think that wasn’t a normal cousin move?” Sabi ko habang pinapaandar niya ang sasakyan.
“Then what’s a normal cousin move?” Nag taas siya ng kilay sa akin.
“Dapat hinayaan mo na lang akong pumasok mag isa sa sasakyan mo. Pano kong nakita ni Kristal ‘yon o di kaya ng guard, baka isipin nila meron na naman tayo.”
Tumango siya. “Okay, baby.”
Kinagat ko ang labi ko. “Okay. And also… I think we shouldn’t talk much around our cousins. Or don’t say anything lalo na pag may kinalaman sa akin.”
“That’s hard.” Aniya.
“This is hard.” Paliwanag ko.
“Okay, baby. I’ll try.” Hinga niya. “So… I’ll text.”
Tumango ako. “You’ll text.”
Bakit ba namin ito pinag uusapan? Natahimik kaming dalawa habang pinapark niya ang sasakyan sa pinakamalapit na Savemore. Sinulyapan ko siya habang inaayos niya ang pagpaparking at hindi ko mapigilang tumitig sa kanyang braso na nakahawak sa manibela. Pano siya naging ganito ka steamy hot sa loob ng dalawang taon ay hindi ko alam? Tinaboy ko siyang matipuno, bumalik siyang mas lumala. How did that happen?
“Come on, Klare.” Aniya nang napagtantong hindi ako gumagalaw kahit nakarating na kami.
Stupid, Klare. Don’t ruin this chance. We need to be careful. Kilala kami sa syudad na ito at alam ng lahat kung ano ang nangyari sa akin. Kahit wala silang alam tungkol sa amin ni Elijah ay alam kong isang pindot lang nila sa cellphone at isang sumbong sa isa sa mga pinsan ko ay mabubuking na agad kami. Kahit kami lang dalawa, kailangan parin naming mag ingat. Kailangan parin namin ng distansya sa isa’t-isa.
Kumuha si Elijah ng isang cart habang nagsimula akong magbasa sa list. Madalas ay puro tungkol iyon sa pagkain ni Charles at sa mga spices. Mayroon ding tungkol sa toiletries. Inuna namin ang mga pagkain. Mabilis kaming natapos dahil maaga pa naman at kaonti pa lang ang nag gogrocery. Sinunod namin ang toiletries.
“Whisper with wings.” Humalakhak si Elijah.
Kumunot ang noo ko. “That’s not mine.” Ngunit bahagyang uminit ang pisngi ko.
“Wala akong sinabi. Binasa ko lang sa listahan.”
Umirap ako sa kanya.
“Ang sungit. Is it that time of the month?”
“Shut up, Elijah. It’s probably that time of the month for my mother.” Sabi ko habang hinahanap ang nasa listahan.
Nakahilig siya sa cart at sumusunod sa akin nang may dalawang matatangkad at magagandang babae ang namimili din ng napkin sa tinigilan namin. Kumuha na lang ako ng lima sa pads na gusto ni mommy nang biglang nag hagikhikan ang magagandang babae sabay tingin kay Elijah.
“How’s life, Ej?” Kindat ng pinakamatangkad na babae.
Oh wow! They know each other?
“I’m good.” Ani Elijah.
Kumuha pa ako ng iilang tissues malapit doon habang nag uusap sila.
“Nandon ba kayo last night sa Foam Party?” Tanong ng isang babae.
“Yup. With my cousins.”
“Oh? Kasi nakita ko si Rafael. Pero ikaw, hindi kita nakita. I thought you were not there.”
“Wala ako sa dancefloor. Nasa bar lang nag chi-chill.”
Umiirap na ako sa kawalan. I suddenly want to call him and show the girls that he’s mine. Kaya lang…
“Elijah, kukuha lang ako ng alcohol. You can stay here habang kukuha ako ng isa.” Matabang kong sinabi.
Pinagmasdan niya akong mabuti. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at agad ng tumalikod.
“Una na kami.” Ani Elijah sa mga babae at siguro ay sumunod sa akin.
“You got my number right? Text please?” Pahabol ng babae.
Para akong nadadapa sa paglalakad ko dahil sa irita. Nakakairita. Nakakairita dahil pwedeng pwede sila ngunit ako hindi pwede para kay Elijah. I just can’t hide the bitterness.
“Alcohol’s here.” Tawag ni Elijah sa likod ko.
Pumihit ako para tingnan na may alcohol nga sa kanyang kamay. Patuloy ang panunuri niya sa akin. Hindi ako tumitingin sa kanya.
“Hey…” Tawag niya nang nilagpasan ko siya at pupunta na sana sa counter para magbayad.
“Let’s go, Elijah. Bilisan natin. Almost one hour.” Mariin kong sinabi.
Hinahawakan niya ng marahan ang siko ko para sumulyap ako sa kanya pero hindi ko ginawa.
“Klare, baby, come on…” Mahinahon niyang sinabi habang palapit na kami nang palapit sa counter.
Pumikit ako. Hindi ako galit sa kanya. Hindi ako galit kahit kanino. Galit lang ako sa sarili ko. Bakit ako nakakaramdam ng matinding selos kahit wala pa naman silang ginagawa? Totoong hindi nito napapantayan ang selos ko noon kay Selena ngunit pinukaw nito ang mga alaalang iyon. Seeing Elijah with other girls can hurt me so much. I want to own him but I can’t. I shouldn’t. We need to learn how to love without possessing each other. Ngunit mahirap pala… mahirap na hindi mo siya maangkin. Nevertheless, we should try not to possess each other.
Hinawakan ni Elijah ang pulso ko at hinarap niya ako sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya at ramdam ko ang mabilis niyang hininga. Para bang natatakot siya sa kinikilos ko.
“You jealous? I’m sorry.” Aniya.
“Nope. Hindi ganon. Hindi dapat.” Sabi ko.
Itinabi niya ang cart at itinabi niya rin ako sa gilid ng mga canned goods section ng grocery. Inaangat niya ang baba ko para mahagip niya ang paningin ko ngunit pinilit kong sa baba parin tumingin.
“Come on, tell me you’re jealous, Klare. Sabihin mo sa akin na gusto mo na sayo lang ako. Sayo lang ako tumingin. Sayo lang ako. Come on!” Marahan niyang sinabi.
“That shouldn’t be the-“
“Hush, Klare. Just tell me you want to own me. Just tell me.” Pinaglaruan niya ang mga daliri ko.
May kung anong kuryente na naman ang naramdaman ko sa likod ko. Napahilig ako sa cart at bahagya itong gumalaw dahil sa paghilig ko.
“Love shouldn’t be possessive-“
“We were never good at following rules, Klare. We make our own. Just damn tell me. I want to fucking hear it from you.” Aniya.
Kinagat ko ang labi ko.
“Naaalala mo ‘yong gabing hinatid ko si Hannah at naghintay ka sa labas, Klare? ‘Yong sinalubong mo ako at sobrang higpit ng yakap mo sa akin non? Naaalala mo ‘yon? That was my heaven, Klare. Noong sinabi mo sa akin na hindi ako pwedeng makipag date ng ibang babae, Klare, langit iyon para sa akin. Make me reach heaven again, this time, please. Tell me you are damn jealous and you want me to just date you alone!”
Napagtanto ko noon na madalas, kahit na sobra sobra na ang pagpaparamdam mo sa isang tao, kailangan parin pala ng mga salita. Ito ang dahilan kung bakit may mga bibig tayo. Ito ang dahilan kung bakit may mga lengwahe at may mga alpabeto, ang pakikipag usap at pagpapahayag ng damdamin. Dahil kung puro pakiramdaman lang, kulang.
“I think I like you more than I’m allowed to like someone.” Sabi ko.
Naglaro ang ngiti sa labi ni Elijah at nag taas ang kanyang kilay. “You really have your own way of saying it.”
Nagkatinginan kaming dalawa. I should really move my ass but I can’t help but stare at him. Ngumuso siya at pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mga labi at kanyang mga matang sobrang expressive. Sa bawat pagkurap niya ay mas lalong na dedepina ang kurba ng kanyang pilikmata. Mabuti na lang at nawala ako sa aking pagkakalasing nang may isang batang biglang pumagitna sa amin para hawakan ang magkabilang binti ko para magtago.
Nagulat kaming dalawa ni Elijah kaya tiningnan namin ang baby, around 1-2 years old lang siya, umiiyak.
“Oh, baby, anong nangyari?” Tanong ko habang nag squat si Elijah sa harap ko para tingnan ang batang nagtatago sa gitna ng aking binti.
Gusto ko ring mag squat ngunit hindi ako makagalaw dahil mahigpit ang hawak niya sa dalawang binti ko at umiiyak siya.
“Mama!” Sigaw niya sa hindi masyadong klarong boses.
“Where’s your momma?” Tanong ni Elijah habang hinahaplos ang ulo ng baby.
“Mama!” Sigaw niya sa akin.
Nagulat ako nang narealize na baka nawawala ang batang ito at buong akala niya ay ako ang mommy niya!
“Come here, baby.” Sabi ko at nagkunwaring ako ang mommy para maihatid ko siya sa customer’s service.
Humarap siya sa akin. Mamasa masa ang kanyang mata dahil sa luha at tinitigan niya ako. Nagulat ako nang nakita ko ang mukha ng batang sobrang cute at pamilyar. Napangiwi siya nang napagtanto niyang hindi ako ang mommy niya.
“We’ll find your momma.” Ani Elijah.
Yayakapin ko na sana ang bata nang bigla kong narinig ang tawag ng mommy niya.
“Xian? Xian?”
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses para tawagin ang kung sino mang mommy na tumatawag sa isang nawawalang baby. Nagulat ako nang tumambad sa akin si Eba Ferrer na mabilis na dumalo sa batang nasa paanan ko.
“Xian, baby… Huwag ka kasing tumatakbo takbo. Sorry, baby.” Aniya sabay tahan sa umiiyak niyang anak.
“Eba?” Sabi ko.
Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako.
Oh my God? Ang baby niya ay kamukhang kamukha ni Damon! Pinasadahan ko ng tingin si Eba at halos walang nagbago sa kanya. Payat na rin siya, mahaba parin ang kanyang kulay brown na buhok, at bukod sa dala dalang anak ay wala siyang pinagbago.
“Nice to see you again, Klare. I need to go.” Aniya ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko.
“Eba! Kamusta ka na!?” Sabay hawak ko sa braso niya.
Sumulyap ako kay Elijah na tulala sa bata. Alam kong may naiisip na siya. This is so damn bad. I will never forgive Damon. Kung may alam man si Damon dito ay baka maaway ko siya!
“I’m… We’re fine.” Aniya habang bitbit niya ang kanyang baby.
“Ang tagal na nating hindi nagkita. Saan ka ba nagpunta? Naiwan mo ‘yong I.D mo sa CR nong huli tayong nagkita. Narinig ko kay Damon na nag drop out ka na daw kaya hindi na ako nag abalang maghanap.” Sabi ko habang sinusuri siya.
“Yeah.” Tumango siya. “Pero okay na ako ngayon. Sige, ah?”
Hindi ko siya pinakawalan. Kumunot ang noo niya sa irita habang tinitingnan ang kamay kong nakahawak parin sa braso niya. Sumulyap siya kay Elijah at nakita kong namutla siya.
“This kid… is a Montefalco.” Seryosong sinabi ni Elijah.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]