Until He Returned – Kabanata 25

Kabanata 25

Honesty

Nagkatinginan kaming dalawa. Ang lapit-lapit namin sa isa’t-isa. Tinititigan ko siya habang iniisip ko ang sinasabi ng tattoo niyang nakasulat di umano sa mga simbolong hebrew na ang ibig sabihin ay ‘Love is war. I am your soldier’.

Bumagsak ang mga mata niya sa labi ko. Napangiti ako. He wants another kiss. At alam niyang winawala ko ang usapan para matigil kaming dalawa. Umupo ako ng maayos. Huminga siya ng malalim nang napagtanto iyon na ‘yon. Tumingala siya, pumikit, at paulit ulit na kinagat ang labi.

“Why are you not wearing my earrings, by the way?” Tanong niya at bumaling sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Bakit iyon ang naging tanong niya? Sana ay hindi na lang. Ayaw kong sagutin iyon ngayon.

“You didn’t like it?” Kumunot ang kanyang noo.

Umiling ako. “I love it, Elijah. Uh…”

Hinawakan niya ang hikaw na suot ko at umambang tatanggalin iyon. Dammit! Why now? Should I be honest?

“Wala namang problema sa’yo ang anklet at ang barrette, a? You don’t like it, Klare?” Nagtaas siya ng isang kilay.

Binaba ko ang kamay niyang nakahawak sa tainga ko. Pumikit ko at napagdesisyonan na sasabihin ko sa kanya ang totoo.

“Kasi may sinabi sa akin si Pierre.”

“Uh-huh?” Nag hintay siya sa idudugtong ko.

“Masama daw ‘yong meaning ng lalaking nagbibigay ng earrings.”

Tumango siya. “Bakit daw?”

Uminit ang pisngi ko. Sana ay tinikom ko na lang ang bibig ko. Pinanood ko ang kanyang mga matang nag hihintay sa maaari kong sabihin. “I think we need to go, Elijah. Mag iisang oras na ata tayo dito.”

Tumagilid ang kanyang ulo at para bang mas nagtaka siya sa isusunod ko. Humalukipkip siya at pinanood ako.

“Let’s go.” Anyaya ko.

“What is it, Klare? Anong sinabi ni Pierre sayo? Will that mean we won’t be together? I’m gonna throw that fucking earrings. Tell me.”

Nagulat ako sa inisip niya! I knew it! Hindi nga niya alam. Kung kaninong albularyo o ermitanyo man nalaman ng kapatid ko ang tungkol sa ibig sabihin ng earrings ay ewan ko na sa kanya. Nakakahiyang aminin ito kay Elijah pero maiintindihan niya naman siguro na maaaring misunderstanding lang ang lahat.

“No, no… It’s not about that, Elijah.” Sabi ko sabay iling.

“E, ano?” Naghintay pa siya sa sasabihin ko.

“Sabi ni Pierre, ibig sabihin daw nun ay… uh…”

Nagtaas pa lalo siya ng kilay sa anticipation.

“Gusto mo raw makasama yung binigyan mo non… sa ano… sa isang gabi.”

I’m not sure if my choice of words were good. Basta iyon lang ang mga unang pumasok sa utak ko.

Tumagilid ulit ang kanyang ulo. God, he’s so damn sexy. Nag iwas ako ng tingin at nahiya sa topic namin. Sana ay tumahimik na lang talaga ako.

“You mean I want to make love with you?” Diretso niyang sinabi.

“Uh. Kinda like that. Pero sabi lang ‘yon ni Pierre. Lika na. Labas na tayo.” Sabay amba ko sa pagbubukas ng pintuan.

Hinawakan niya ang braso ko at pinigilan sa paglabas.

“Ba’t ka nahihiya?” Tanong niya.

Nilingon ko siya. “Hindi ako nahihiya.” Hindi naman ako makatingin sa kanya.

“We’ll do that eventually.” Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko at hinawi ko ang kamay niya para lumabas na. Humahalakhak siya habang lumalabas sa kanyang sasakyan. Damn, the pervert asshole!

Umiling na lang ako at nilagpasan siya sa paglalakad.

“Just kidding. But. Yes?”

Yes mong mukha mo, Elijah. Gaaaah! Naiinis ako sa pag huhuramentado ko. Pakiramdam ko ay pulang pula ang pisngi ko pagkapasok ko ng bar.

Nagulat ako nang may narinig akong nabasag pagkapasok ko sa bar. Mabilis akong nilagpasan ni Elijah para daluhan si Josiah. Bahagyang nagkagulo sa party at sa gitna ng maingay na music ay natigil sa pagsasayaw ang mga tao sa isang banda dahil sa nangyari.

“Klare, let’s go out!” Utos ni Chanel sa akin habang inaalalayan ni Brian ang lasing na lasing na si Erin.

Hinila ako ni Claudette ngunit nanatili ang tingin ko sa loob.

Nakita kong pinipigilan ni Elijah si Josiah. Si Azi ay nasa gilid ni Rafael na bahagyang umaamba ng suntok. Nakita ko naman si Eion na umaahon galing sa pagkakahiga. Nasuntok ata siya ni Josiah.

“What the hell happened? Bakit ganon ang nangyari kay Eion?” Sigaw ko kay Claudette nang nakalabas na kami.

Hindi ko talaga alam kung anong meron kay Erin at Eion ngunit ang makitang nagkaganon si Eion ay hindi ko matanggap. Kung ano man iyong nangyari sa kanila, dapat ay hindi na nakealam sina Josiah at Rafael. Mag isa si Eion at kahit na malaki naman ang katawan niya, hindi ko kayang isipin na papatulan siya ng matangkad na si Rafael.

“Wait, Clau!” Sabi ko sabay hawi sa mahigpit na kamay ni Claudette.

Nakita ko si Silver sa tabi niya na nagpapaliwanag. Iritado si Claudette kay Kuya Silver kaya hindi niya alam kung kanino siya babaling, sa akin o sa kanya.

“Wala akong sinabi kay Eion na nandito si Erin. Nagulat na lang ako na pumunta siya dit-“

“I told you not to come here!” Sigaw ni Claudette. “Sabi ko sayo huwag muna diba kasi hindi pa maayos si Erin!?”

“Clau, I’ll go back.” Sabi ko at mabilis niya akong hinawakan ulit.

“Elijah’s going to kill me if you go, Klare. Stay right here.” Mariin niyang sinabi.

Nag angat ako ng tingin kay Kuya Silver at naghintay ng paliwanag. “Anong nangyari? Kaibigan ko si Eion. Alam kong may bangayan sila ni Erin pero hindi ko hahayaan na bugbugin siya ng mga pinsan ko!”

“Hindi siya bubugbugin, Klare. Matino pa naman si Damon at Elijah. They won’t let that happen.” Ani Claudette. “Bumalik ka na sa loob, Silver. We’re fine here. Puntahan mo na si Eion.”

“Clau, don’t get mad, please.” Ani Kuya Silver sa isang mahinahon at nagmamakaawang boses.

“I’m not mad. Bumalik ka na lang doon!” Utos ni Claudette. “Kailangan ka ng kapatid mo.”

“Clau, please, don’t get mad at me…”

Nagpatuloy silang dalawa sa pagtatalo tungkol sa pagiging galit ni Claudette. Ilang minuto na ang nakalipas ay napagtanto kong hindi pa sila lalabas. Anong ginagawa nila sa loob at bakit hindi pa sila lumalabas?

Tumakbo ako sa loob nang masyado nang naging preoccupied si Claudette kay Kuya Silver. Nakita ko kaagad ang nakatayo na si Eion. Dumudugo ang kanyang labi habang pinipigilan ni Elijah si Josiah na manuntok ulit.

“Let’s go, Joss. Or I’ll drag your ass out.” Ani Elijah. “Come on, Azrael!”

Hinila ni Azi si Josiah habang si Rafael naman ay umaamba ng suntok kay Eion. Mabilis kong dinaluhan si Eion. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Elijah nang nakita niya ako roon. Natigilan siya at muntikan niya nang mapakawalan si Josiah.

“Elijah, sige na, ilabas mo na si Joss.”

“Klare, don’t go near that asshole!” Sigaw ni Josiah sa akin.

“Just go, Joss. You’re drunk.” Sabi ko dahil kitang kita ang pamumula ng mestizo niyang mukha. “Raf, too. Please?”

May tinumbang upuan si Rafael bago siya tumalikod at sumunod kina Josiah. Hinatid ni Elijah si Azi at Josiah sa pintuan ngunit nakita ko ang pag amba niyang bumalik.

“Eion, are you okay?” Tanong ko sabay angat ng tingin sa pisngi niyang duguan.

This is one bloody night. Medyo hindi na maka focus ang kanyang mga mata. Siguro ay lasing na rin ito.

“Sorry sa mga pinsan ko. One for all, all for one. We heard you broke Erin’s heart so medyo mainit ang dugo nila sa’yo. Sorry. I, uh, we need to go-” Umamba akong aalis ngunit hinawakan niya ang aking kamay.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Mahigpit na mahigpit ito. Kahit na kinakalas ko ay hindi ko makalas.

“Klare…” Aniya.

“Let’s go.” Dinig kong sinabi ni Elijah at siya na mismo ang marahas na kumalas sa kamay ni Eion.

Kinaladkad ako ni Elijah palayo kay Eion. Hindi na ako lumingon kay Eion. Natatakot ako. Natatakot ako na may nararamdaman parin siya para sa akin hanggang ngayon. That’s impossible. Erin can make him forget. At isa pa, hindi naman ganon ka lalim ang mga nangyari sa amin noon. Ito ba ay dahil pinaasa ko siya masyado noon? Now, I feel so guilty about it. About Erin.

“You are so damn good in thinking about others, Klare. I wish you only have to think about me.” Ani Elijah bago kami lumabas sa bar.

“Elijah, dumudugo ang mukha ni Eion. Mali ang ginawa ni Josiah.” Paliwanag ko sa kanya.

Nakita kong nag hihintay na si Azi at Claudette sa labas ng sasakyan ni Elijah. Naisip ko tuloy kung nasaan na si Kuya Silver at bakit wala na siya doon. Siguro ay tuluyan na siyang nataboy ni Claudette? O baka naman nataboy ni Azi?

“What happened, Azi?” Mariing tanong ni Elijah at dumiretso sa loob ng kanyang sasakyan.

Medyo nalito na naman si Azi kung saan ako uupo kaya dumiretso na ako sa likod sa tabi ni Claudette. Pumasok si Azi sa front seat at nagsimulang magpaliwanag. Halata sa boses niya na lasing na rin siya. Lasing ata silang lahat.

“Sumasayaw si Erin kasama ‘yong isang lalaki at bigla na lang siyang hinila ni Eion. He was drunk. She was drunk, too. Kaya nag away na naman ang dalawa. Kinaladkad ni Eion si Erin palayo sa lalaki kaya nasuntok ni Josiah.”

“Silver’s fault. Pumunta siya, e. Kaya pumunta rin si Eion. I told him hindi pwede.” Paliwanag ni Claudette.

Nanahimik kami sa loob ng sasakyan. Iniisip ko na lang si Eion at Erin. Whatever happened between them, sana nga ay labas na ako doon.

“What’s for tonight? Saan kami matutulog?” Bumaling si Azi sa akin at ngumisi.

“Guest room ang boys. Pwedeng sa kwarto ko ang girls.” Utas ko.

“Boys… including?” Iminuwestra niya si Elijah.

Uminit ang pisngi ko. “Of course.”

“Okay. Better clear than blurry.” Humagikhik siya at napagtanto kong gusto ko siyang suntukin.

“Shut up, Azi.”

“I am gonna.” Ani Azi.

“Shut the fuck up.” Tawa ni Elijah habang pinapark ang sasakyan sa gilid ng sasakyan ni Rafael.

“Bakit red masyado lips natin, Elijah? Did someone suck it?”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Azi. What the hell? Tinapunan siya ni Elijah ng t-shirt at agad siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto.

“Oh come on.” Ngumisi si Claudette at umiling. Nilagpasan niya kaming tatlo at dumiretso sa elevator ng building.

“Fuck you, dude.” Ani Elijah. “My lips are always red.”

“No. Hindi talaga. Parang may kakaiba. Parang nakatikim.”

“Shit! Shut up, Azi!” Hindi ko na mapigilan kaya sinapak ko siya.

Pakiramdam ko ay pulang pula ang pisngi ko sa elevator. Ni hindi ko matingnan si Elijah. Alam niya iyon kaya panay ang sapak niya sa pinsan naming masyado nang lasing para ma filter ang bunganga niya.

“I’m gonna shut up, now.” Ani Azi nang nakapasok na kami sa loob ng bahay.

Mabilis akong dumiretso sa aking kwarto nang di nililingon si Elijah na papasok na rin sa guest room. Humahalakhak ang hysterical na si Azi at panay ang mura ni Elijah.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay nakita ko na ang isang maliit na matress sa baba ng bed. Tulog na si Erin doon sa baba samantalang si Chanel ay inaantok nang humihiga sa kama. Si Claudette ay nakaupo sa gitna ng kama ko.

“A-Ako na lang sana ang sa baba.” Sabi ko kay Chanel.

Umiling siya. “Mahuhulog si Erin dito sa taas. She’s too drunk.” Hikab niya.

Tumango ako. “Let’s sleep.” Sabi ko sabay tanggal sa aking racerback.

“Can I use your shower?” Tanong ni Claudette at mabilis na pumunta sa aking banyo.

Tumango ako at umupo sa aking kama.

Tulog na agad si Chanel. Narinig kong bumukas ang shower sa aking banyo. Pinagmasdan kong mabuti ang aking kwartong miss na miss ko na. Nostalgic. Pumikit ako at inamoy ang pamilyar na bango nito. Naaalala ko lahat, naaalala ko kung paano kami nagsimula ni Elijah, naaalala ko na siya ang parati kong kasama dito. At hindi ko na maaalala ang mga gabing mag isa ako dito. Para bang lahat ng naaalala ko ay iyong mga alaala na lang na kasama ko siya.

“Gagamit ka rin?” Tanong ni Claudette ilang sandali ang nakalipas.

Tumango ako at kukunin ko na sana ang tuwalya ko nang may nakita akong message sa aking cellphone.

Sumulyap ako kay Claudette na naglalagay ng lotion sa kanyang binti.

“Okay lang kayo ni Kuya Silver?” Tanong kong wala sa sarili dahil sa mensaheng babasahin ko.

Elijah:

I miss sleeping with you.

Huminga ako ng malalim at nireplyan siya.

Ako:

I miss sleeping with you too.

“We’re okay. As in okay. We’re friends.” Nagkibit balikat siya at hindi siya lumingon sa akin.

“Hindi mo pa sinasagot? Bakit?”

Napatingin siya sa akin. “I kinda like someone else.”

Ngumuso ako. “Oh? Kamukha niya ba si Taeyang o si Channing Tatum?” Humalakhak ako nang naalala ko iyon.

Ngumiti siya at hindi sumagot. Sino kaya ang kamukha ng lalaking gusto niya?

“So, babastedin mo si Kuya Silver?”

“Gusto ko siyang maging kaibigan, Klare, pero ayaw ko ng umaasa siya sa akin.” Ani Claudette.

Tumango ako.

“I know you know how it feels. Siguro ganon ang naramdaman mo noon para kay Eion.” Aniya.

“Just be honest with your feelings. Sabihin mo kay Kuya Silver.”

Nagkibit balikat siya. “Being honest gets you nowhere sometimes. It’s better to just pretend.”

Nagulat ako sa kanyang sinabi. May pinaghuhugutan?

“Nakakatamad mag pretend, Clau. I wish there’s no need to pretend.” Sagot ko.

“It probably depends on the situation. In my case, it’s better to pretend, Klare.” Ngumiti siya at kinuha ang kanyang Beats para makinig na naman siguro sa mga Kpop. “Tulog na tayo, Klare. Mag aaral pa ako bukas para sa midterms.”

Oh? So Claudette is taking summer classes? Hindi ko alam ‘yon. Tumango ako at tumayo para maligo nang nag vibrate ulit ang cellphone ko.

Elijah:

Can’t sleep. I can’t stop thinking about your lips.

Tumingala ako at pumikit. Kaya ko naman sigurong hindi tumili, diba? Natutulog sila but… damn it, Elijah Montefalco!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: