Until He Returned – Kabanata 23

Kabanata 23

Seduce

Nangatog ang kamay ko nang nilagay ko ulit ang cellphone ko sa bulsa. I know it’s Elijah. Alam na alam ko kung paano siya mag text at miss na miss ko na ang bawat text niya sa akin noon.

Hindi na ako makasunod ng maayos sa mga sinasabi ng mga tao sa hapag dahil sa text na iyon. Ngumingiti na lang ako at hinayaan na mag asaran sina Vaughn at Jack. I should stop Vaughn form all of these. Medyo nag dadalawang isip pa rin ako kung totoo ba iyan o nagbibiro lang siya. Dinadaan niya kasi sa biro ang lahat. Paano ko naman siya pipigilan dito? Should I tell him directly o ipapahiwatig ko iyon sa kanya?

“Taga Davao ka rin pala, Vaughn.” Ani daddy nang kinausap niya na si Vaughn.

Masyado namang rude si Charles. Lagi niyang pinaparinig ang tikhim niya at masyado siyang naging vocal sa hindi niya pag sang ayon kay Vaughn. Alam ko ring napansin iyon ni Vaughn. Mahirap na di iyon mapansin kasi bukang bibig iyon ng kapatid ko.

“I don’t really think some other guys deserve my ate.” Maarteng sinabi ni Charles.

“Charles, don’t start.” Pigil ko.

Hindi naman ako sobrang special para protektahan niya ng ganon. Naiintindihan ko siy dahil ganon rin ang tingin ko para sa kapatid ko. Tingin ko ay wala akong magugustuhang babae para sa kanya. Kaya lang ayaw kong sinasabi niya iyon sa harap ng maraming tao.

“I think so too.” Sang ayon ng supladong si Pierre.

Napapikit ako. Sarap pag untugin ang dalawa. Nakikita ko pa naman ang hilaw na ngisi ni Vaughn. Nahihiya siya dahil lantaran siyang pinaparinggan ng dalawa. Humalakhak si daddy at Hendrix sa sinabi ng dalawa.

“It sucks to be an only girl, huh?” Tawa ni Josiah sa sala nang narinig ang usapan.

“Yeah. It sucks big time.” Sagot ni Claudette.

“I don’t think it sucks for you, though.” Ani Pierre nang di man lang nililingon si Claudette.

Bahagya pa akong nalito sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sinong sinabihan ni Pierre non. Kung ako ba o si Claudette na huling nagsalita. Napagtanto ko na lang na si Claudette nang nakita kong pumula ng parang kamatis ang mukha ng pinsan ko. Walang nakahalata sa mga nasa hapag at nagpatuloy sila sa pag uusap.

“You can’t keep your ate, Charles. She’s twenty. Ayaw ko ring magka boyfriend siya pero it will happen. She’s beautiful and kind. Maraming magkakandarapa.” Ani daddy.

Nakakahiya ang mga puri ni dad sa akin. Uminit ang pisngi ko at sinimangutan ko siya. Humalakhak lang siya nang nakita niya akong ganon.

“Yup.” Sang ayon ni Hendrix sabay tingin sa akin.

Humalakhak si Jack at Andrei sabay tingin sa medyo nahihiyang si Vaughn. Hindi ko na alam kung saan humantong ang usapan. Nag usap na lang si Hendrix at daddy tungkol sa business. Si Vaughn naman ay kinakausap si Jack at sinasaway dahil sa nangyari. Nanahimik na lang ako. This is all awkward. Mabuti na lang at mabilis naman kaming natapos sa pagkain at desididong umalis agad ang mga kapatid ko.

“Pasensya na po talaga. We can’t stay long. Hindi pa kami nakakapag impake at bukas, airplane kami papuntang Davao.” Paliwanag ni Hendrix pagkatapos naming kumain.

Humupa ang tawanan ng mga pinsan ko sa sala at pinagmasdan kong mabilis na nagtungo si Claudette at Chanel sa pintuan. Narinig kong bumukas ito. Si mommy ay pumunta rin doon at napagtanto kong siguro ay dumating na si Damon, Rafael, Brian, at Erin.

“It’s okay, hijo. Naiintindihan namin.” Ani dad.

“Maraming salamat po sa dinner.” Ani Hendrix at nag angat ng tingin sa kararating lang na si Erin na my malaking shades sa mga mata.

Gabi na ngayon at hindi ko ma imagine kung paano siya nakakita sa labas kung suot niya ang shades na iyan. Naiintindihan ko naman dahil inisip kong baka namamaga ang kanyang mga mata. Bakit kaya sila nagkaganon ni Eion.

Lumapit siya sa sofa at hinawakan niya ang balikat ni Josiah. Kinagat ko ang labi ko nang nahagip ko ang titig ni Elijah sa akin. Bakit ang mga mata niya ay laging nakatingin sa akin? Naagaw naman ni Hendrix ang atensyon ko nang tumikhim siya. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ni Erin na high-waist na shorts ay isang maliit o cropped na t-shirt. Napalingon si Erin sa amin na nakatayo na at handa ng umalis at bahagya siyang lumayo.

“Uh, so we’ll go na po.” Sabi ni Hendrix.

“Okay. Klare, ihatid mo sila sa baba.” Ani daddy.

Nagpaalam na rin si Hendrix sa mga pinsan ko. Nahihiyang nagpaalam sina Vaughn, Jack, at Andrei sa kanila samantalang walang imik si Pierre at sumabay na lang sa akin sa paglalakad.

“Gonna miss you.” Bulong ni Pierre sa akin sabay akbay.

Ngumiti ako. “So sweet. Sana ganon ka rin sa ibang babae.”

Sumimangot siya at umirap.

Sumulyap ako kay Vaughn na nakatoon ang titig sa akin. Now this is awkward. Gusto ko siyang kausapin at nararamdaman ko ring ganon rin para sa kanya ngunit pinipigilan niya lang dahil sa mga kapatid ko. Nang nakababa na kami sa building at naihatid ko na sila sa loob ng sasakyan ay binaba ni Vaughn ang salamin para kausapin ako.

“Teka lang, Rix.” Aniya.

“Okay.” Singhap ng kapatid ko sa driver’s seat.

“Sorry kanina, Klare. Naging awkward ba iyon para sayo?” Nakangiti niyang tanong.

I won’t lie so I said, “Yes.”

“Sorry talaga.” Ngumuso siya.

Tumango ako. So I was right? Hindi niya iyon sinasadya. Nagbibiro lang siya. He’s kinda confusing but I’m glad he’s not serious. “It’s okay, Vaughn. No problem.” Sabi ko sabay atras nang pinaandar ni Hendrix ang makina ng sasakyan.

Kinawayan ko sila nang papalayo na. Now, I have to deal with my cousins. Nami-miss ko na rin kasi ang ganitong feeling. Nami-miss ko na ang mukha ng Montefalco Building tuwing gabi. Tumingala ako at tiningnang mabuti ang bahay na kinalakihan ko. I miss it here so much. Mabuti na lang at sa ngayon ay dito ako titira.

Pagkarating ko sa loob ay nakita kong wala na doon ang mga pinsan ko. Sumenyas si mommy na nasa taas na sila at kumakain. Tumango ako at umakyat na rin sa aming roofdeck.

Naaninag ko ang kulay puting lights na nakapaligid sa aming roofdeck na pinaglalaruan ni Azi habang kumakagat sa barbecue. Busog na ako kasi kakakain lang namin ng mga kapatid ko kaya hindi ako sumali sa kanila kahit na inanyayahan ako ni Chanel. Hindi ako nilingon ni Elijah habang kumakain siya. Ngayon, ako naman ang hindi matanggal ang titig sa kanya. Nakakahiya dahil tingin ko kada limang segundo ay lumilingon ako sa kanya.

“So… saan na nga ba tayo?” Tanong ni Chanel kay Erin.

Mukhang may naputol silang usapan bago ako dumating. Nakaupo ako ngayon sa gitna ni Erin at Claudette. Sa harap namin ay si Chanel na inuusisa ang mukhang walang ganang si Erin. Iniikot niya lang ang spaghetti ngunit hindi sinusubo. Hindi niya parin tinatanggal ang kanyang shades.

“That was it. Hindi ko siya maintindihan at hindi niya rin ako maintindihan. I yelled at him, he yelled at me. We were both mad and I’m so fed up…”

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko maimagine na ganon ang nangyari sa kanilang dalawa. “Kayo ba?” Tanong ko.

Hindi siya agad sumagot. Akala ko nga ay hindi niya ako sasagutin. “Hindi na ngayon.”

I think my question was dumb, though. Kinagat ko ang labi ko at uminom na lang ng tubig.

“So hindi ko gets. Ba’t kayo nag away? What’s the cause?” Tanong ni Chanel.

Umiling si Erin. “I really don’t wanna talk about it, Ate. I just want to get drunk and party!” Ngiti ni Erin.

Kaya lang ay kahit nakangiti siya ay batid kong hindi siya masaya. Girls. Amazing. Ganon talaga ang mga babae. Kayang kaya nilang ngumiti kahit na masakit. Kaya ko rin naman. Kayang kaya.

“Nag seselos ako sa mga may magandang lovelife dito!” Ani Erin sabay pasada ng tingin sa mga pinsan ko. “Sayo ate Chan at Brian na matagal na, kay Elijah na kahit long distance ay sila parin… Kay Rafael na medyo-“

“Uy, anong ako? I don’t have anyone, Erin.” Ani Rafael sabay ngisi.

Nakita kong medyo tumagilid ang ulo ni Elijah na para bang nagpipigil siyang sumabat sa sinabi ni Erin tungkol sa kanya. Thank God he can stay quiet. We need it.

“Ah, basta! Naiinis ako kaya sana wag na kayong sumama sa foam party!” Ani Erin sabay inom sa isang beer.

“Whoa whoa whoa! Easy there. I’m going!” Ani Rafael.

“Onga, Erin. Mas masaya pag kumpleto tayo!” Ani Chanel sabay hawak sa kamay ni Brian.

Ngumiwi si Erin. “I hate Claudette, too. I forgot you have Silver Sarmiento.”

“He’s just courting me, Erin.” Defensive na sinabi ni Claudette. “Come on, you’re being bitter. Sino ang gusto mong pumunta sa party?”

“Si Damon, Kuya Joss, Azi, at Klare.” Ani Erin. “Kami lang mga walang love life. The rest, dito na lang kayo.”

“That’s unfair.” Ani Elijah.

Kumalabog ang puso ko. He’s starting!

“Excuse me lang. May love life ako.” Ani Azi.

“Shut up. I know you’re an asshole and you want to be there.”

Tumawa si Azi.

“No way, Erin. Di kami papayag na wala kami don.” Elijah crossed his arms.

Tinanggal ni Erin ang kanyang shades at sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang daliri. “Whatever, then. Nauumay na ako sa away.”

Nagulat ako nang hindi niya man lang pinigilan si Elijah. Akala ko ay seryoso siyang iiwan namin sila dito sa bahay. Of course Elijah won’t let that happen. Hindi nga rin sang ayon si Chanel. She won’t stop drinking beer. Sa gitna ng pag uusap usap namin tungkol sa foam party na galing pala kay Chanel ang tickets ay ilang bote na ang naubos niya.

“That’s why we’re wearing slippers.” Ani Chanel habang tinitingnan ko sa ilalim ang kanyang paa na naka tsinelas nga lang.

Tumango ako. “First time ko ito sa isang foam party. Nong nasa Davao kami, hindi ako pinayagan ni Hendrix na sumama sa foam party.” Sabi ko.

“Nag paparty ka sa Davao?” Tanong ni Elijah.

Ugh! My heart skipped a beat. Is this normal? Parehong kinakabahan ako dahil baka mahalata kami at naeexcite sa galaw niya.

“O-Oo naman. Minsan.” Sabi ko.

“We’ll get wet, Klare.” Paliwanag ni Chanel. “Kaya nga maiiksi at halos shorts lang ang suot namin. You can’t wear your pants there. Mag shorts ka na lang at mag halter top.”

Tumango ako at inisip na kung ano ang susuotin. “I’ll change.”

Napatingin ulit ako kay Erin at pinagmasdan ko ang iilang bote niyang nainom. Dalawa pa lang halos ang naiinom ng mga boys. Nakita kong pangalawa pa lang ni Elijah samantalang kay Erin ay pang anim na. Not good. Tsk.

Naligo ako at nagbihis ng sinabi ni Chanel. Naka tube top ako sa loob ng aking loose na halter top. Maiksi rin ang shorts ko at naka tsinelas lang. Nilagay ko ulit ang anklet ko bago umalis doon sa kwarto at umakyat pabalik sa roof deck. Nine Thirty na at ang alam ko ay alas diyes ang party magsisimula.

Tumama ang mga mata ko sa nag iiwas na tingin ni Elijah. Kitang kita ko ang pagkagat niya sa mapupula niyang labi. Natunaw ang tuhod ko sa simpleng galaw niya. Dammit, Klare!

“Better!” Ani Chanel.

“Masyado atang maiksi ang shorts. Pero kasi naiwan ko ata halos lahat ng okay na shorts sa Hillsborough.”

“That’s okay. My shorts is shorter anyway.” Ani Erin na medyo ngumingiwi.

“Erin, stop the Patron. Ang dami mo nang nainom.” Ani Claudette.

“I drink to forget, Clau. Hayaan mo ako.”

“Why don’t you get some boys, Erin? Stop drinking.” Ani Josiah.

“Yes, I will, Kuya. Hindi ba, Klare? Paramihan tayo ng lalaki ngayon. Since tayong dalawa lang naman talaga ang single, tayong dalawa ang mag bo-boy hunt ngayon!” Medyo lasing niyang sinabi.

“Yo-You’ve got to be kidding me. I don’t do that, Erin.” Sabi ko.

“Oh, bakit? May mahal ka na ba ngayon? Sino? Wala na diba? You should get your self a boyfriend!” Umirap siya.

Tumawa si Rafael at Damon. “Hell yes! This is fun!” Ani Damon.

Napatingin ako kay Elijah na nag igting ang panga. Hindi niya ako matingnan.

“I bet Erin will get more boys!” Ani Rafael. “500 bucks, bra!”

“Sali ako! Thousand? Erin will get more boys kumpara kay Klare!” Tumawa si Josiah.

Mga gago!

“Thousand bucks naman ako para kay Klare. She’ll get more boys.” Kumindat si Damon sa akin. “Damihan mo, Klare. Hati tayo pag nanalo ako.”

“Game, then?” Nag taas ng kilay si Erin sa akin.

“No way. I don’t do that, Erin.” Medyo hilaw kong sinabi.

“Wala ka bang konsiderasyon, Klare? I’m brokenhearted and I want to feel good. This will make me feel good so stop being so conservative!” Ani Erin.

I get that I should make her feel better but this certainly isn’t right! Alam kong maling ganon. Hindi ako tumanggi kina Rafael, Josiah, at Damon. Kayang kaya ko namang umo-o at hayaan na lang na matalo si Damon, diba? At masisiyahan pa si Erin kasi marami siyang makukuhang lalaki.

Dalawang sasakyan ang dala namin. Kay Elijah at kay Rafael. As usual, pinagbabawalan na naman si Azi na mag drive kaya nakatunganga ang sasakyan niya sa parking lot. Si Chanel at Brian ay nauna na gamit ang sasakyan ni Brian. Si Erin, Damon, at Josiah ay sumakay agad kay Rafael. I figured I should go with Rafael. Mas hindi kami mahahalata pag sa kanya ako sasama ngunit bago pa ako makapasok sa kanyang sasakyan ay…

“Klare…” Mariing sinabi ni Elijah.

Sumimangot ako sa tawag niya. Sumimangot rin siya sa akin.

“Get in my car.” Aniya.

Shit! Alright! Nang narinig iyon ni Azi ay mabilis siyang nagtungo sa likod imbes na sa front seat. Umiling ako.

“Sa likod ako, Azrael. Tatabi ako kay Clau. Sa front seat ka na.” Sabi ko at napanood ko ang pag irap ni Elijah.

Freaking maarteng asshole. What’s with him? Kanina lang ay tuwang tuwa siya sa akin at ngayon pumuputok na naman ang butchi niya.

Nakakabingi ang katahimikan naming apat sa loob ng sasakyan. Maingay ang stereo ni Elijah na pinaglalaruan ni Azi ngunit bukod doon ay wala ng nagsasalita.

“This is kinda awkward.” Basag ni Claudette sa katahimikan.

Lumunok ako.

“You try seduce some boys and I’m gonna fracture their bones, Klare.” Ani Elijah na nagpasabog sa utak ko.

Oh dammit! Paano niya nasabi iyon sa harap ni Azi at ni Claudette ay hindi ko alam! So much for pretending! Dammit, Elijah! Just dammit! Gusto ko siyang pagsabihan ngunit ayaw kong dagdagan ang kung ano mang nabuo sa isip ng dalawa.

“Now this is not just kinda awkward. This is super awkward.” Bulong ni Claudette sa kanyang sarili.

Humalakhak si Azi. “Siguro makakakita ako ng live brawl. Swerte ko tonight.”

Hindi ko na napigilan ang pananapak ko kay Azi.

Damn! Sobrang kinakabahan na tuloy ako. Mas lalo akong kinabahan nang tinigil na ni Elijah ang sasakyan at pinark niya na sa Lifestyle District. Malayo pa lang ay dinig ko na ang ingay sa loob. Natabunan ng malaking tent ang open space. At naririnig ko ang ingat ng tao halo sa ingay ng trance music. The party is starting!

Lumabas kami sa sasakyan. Huling lumabas si Elijah na matalim ang titig sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya. I’m not going to seduce anyone, duh! Mabilis kong tinaype sa cellphone ko ang mensahe ko para sa kanya.

Ako:

Keep your shit together. I won’t seduce anyone, okay? Don’t mess this up. Keep quiet.

Nakita kong kumunot ang noo niya habang binabasa ang message. Sumisigaw na si Erin at kumakanta na kasabay sa music na pinaghalong Wake Me Up ng Avicii at Clarity ng Zedd.

Hinawakan ni Erin ang kamay ko at tumalon talon siya habang sinasayaw ako. Tumatawa na sina Josiah at Azi at mukhang may naiispatan ng mga magagandang babae.

“Let’s dance, Klare!” Aniya sabay hila sa akin sa nag aabang na bouncer para maipakita na ang mga ticket namin.

Nag vibrate ang cellphone ko. Bago ako hinila ni Erin papasok ay nabasa ko ang mensahe ni Elijah sa akin.

Elijah:

Really? Coz I think you seduced me too much tonight. Keep your shit together too. I’ll be watching you all night. I won’t blink. So don’t even try.

Now. How to do this? I forgot. Parang gusto ko na lang bumalik sa sasakyan at makasama siya. ‘Yong kami na lang munang dalawa. Dammit, Elijah!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d