Until He Returned – Kabanata 22

Kabanata 22

All In

Masayang masaya sina mommy at daddy nang nalaman nilang sa kanila muna ako titira hanggat wala pa sina Pierre at Hendrix. Sa sobrang saya nila nang tinawagan ko sila ay nagawa pa nilang anyayahan sina Pierre at Hendrix sa bahay naming sa gabing iyon.

“Dahan dahan, a?” Sabi ni Hendrix nang lumabas kami ni Vaughn para mag skateboard.

“Okay lang wag siyang magdahan-dahan. Sasaluhin ko naman siya pag nahulog.” Humagalpak si Vaugn sa tawa.

Umiling ako at ngumisi sa mukha ni Hendrix na hindi malaman kung iritado o papatay nang tao.

Kung makapagbiro naman kasi si Vaughn ay walang preno. Madalas ay binabalaan ako ni Hendrix na huwag masyadong maging malapit sa kanya. Naiisip ko tuloy kung nagiging protective si Hendrix sa akin o sadyang kilalang playboy lang si Vaughn kaya nag aalala siya para sa akin.

“Huwag mo masyado biruin si Hendrix, baka mag away kayo.” Sabi ko nang nakalayo na ako at nakahabol siya.

Tumatawa parin siya at hinihingal sa paghahabol sa akin. “Ayos lang ‘yon. Di naman ako nagbibiro.”

Tumigil ako sa pag s-skateboard at napatingin ako sa kanya. Ayokong maging assuming pero nararamdaman kong pumuporma siya sa akin. Nagdasal ako na sana ay nagbibiro na lang siya. Na sana ay totoong playboy na lang siya dahil sa ngayon ay wala akong maisusukli sa nararamdaman niya para sa akin kung meron man.

Tumawa siya at tinuro niya ang mukha ko. “You’re so funny, Klare.”

Ngumuso ako. Nagbibiro siya, diba? “Huwag ka ngang mag biro ng ganyan, Vaughn.” Sabi ko.

Sinakyan ko ulit ang skateboard. Pagkasakay ko ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko para alalayan ako kahit na maayos naman ang pagkakasakay ko. Hindi naman ako mahuhulog.

Napatingin ako sa kamay naming dalawa. Napatingin ako sa nakangisi niyang mukha. Bago ko pa mabitiwan ang kamay niya ay napatalon na kami sa ingay ng bosina sa harap naming dalawa. Mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa kamay niya nang namukhaan ang sasakyan at nakilala ang plate number. Halos makita ko ang mukha ni Elijah nag alit sa tinted nitong salamin.

Why is he here?

Unang lumabas ang nasa front seat na si Azi, sumunod si Chanel na nasa likod. Anong meron?

“Hi!” Bati ni Chanel sabay beso sa akin. “Narinig naming na uuwi ka?”

Nagulat ako dahil sa binalita ni Chanel. Napatingin pa siya kay Vaughn at nginitian niya ito. Humalukipkip naman si Azi habang tinitingnan si Vaughn.

“Yup. Uh, pano niyo nalaman?” Tanong ko.

“Si tita kasi.” Paliwanag ni Chanel at medyo bumusangot ang kanyang mukha.

Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri at pinaglaruan niya ito. Hinintay kong dagdagan niya ang salita niya.

“Pinagpaalam kasi kita kay Tita na pumunta tayo ng Foam Party sa Lifestyle kanina. Tapos sinabi niya okay lang daw kasi sa bahay ka daw nila matutulog for the mean time ngayong wala ang mga kapatid mo? Mamaya pa ‘yong 10pm. Tapos gusto ni Erin na kung sana ay mga alas sais ay nasa bahay na ninyo tayo para makapag bonding.” Suminghap siya.

Tumango ako.

“Nandito kami para…”

Natigil siya nang bumagsak ang pintuan ng sasakyan sa driver’s seat hudyat na lumabas na si Elijah. Naka wayfarers siya at humalukipkip sa gilid ng kanyang Chevy para panoorin kami. Kumalabog agad ang puso ko. Dammit! Bakit ganon? Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko.

“…para sana sunduin ka. Kasi baka mamaya ka pa ihatid ng mga kapatid mo.” Ani Chanel.

Tumango ako. “Ngayon nila ako ihahatid. Binigyan lang ako ng isang oras para magskate board.”

“We still have 30 minutes, Klare.” Ani Vaughn sa likod ko.

Umayos sa pagkakatayo si Elijah at lumapit sa amin. Habang papalapit siya ay parang tambol ang puso kong kumakalabog. Damn! Ganito ba talaga palagi? Tuwing lalapit siya sa akin ay maghuhuramentado ba talaga ako palagi? Sana hindi. I want to be comfortable with him too. This feeling is driving me insane!

“May gamit ka bang dadalhin?” Malamig niyang tanong sa akin.

Hindi ako makatingin sa mata niyang natatabunan ng wayfarers. Nahihiya ako. “Meron. Nasa loob.” Tumalikod ako dahil hindi ko kaya ang bigat ng naghuhuramentado kong sistema.

“I’ll get it for you.” Aniya.

Mabilis akong lumakad pabalik ng bahay. Sumunod naman si Azi. Narinig kong nag offer si Chanel kay Elijah na ilalapit niya ang sasakyan sa bahay namin. Pumayag si Elijah at binigay ang kanyang susi kay Chanel. Kasabay ko sa paglalakad si Vaughn na may dala ng skateboard ko at si Azi na bumubulong sa akin.

“Kakagaling niya pang Surigao. Pagod ‘yan. Don’t push his buttons. Or make someone else push his buttons. We don’t want a mad ape for today-“

“Anong sinasabi mo, Azi?” Malamig na utas ni Elijah sa likod namin.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung may alam ba si Azi o sadyang nahahalata na kami ni Elijah. Kung may alam man siya, mapagkakatiwalaan ko naman siguro ang isang ‘to. Hindi kasi ako naniniwalang nakakaramdam siya. Kasi alam kong manhid siya noon pa.

“Klare, am I going to spend the last 30 minutes saying goodbye?” Humalakkhak si Vaughn.

Ngumiti ako at pumasok sa bahay. Nakita kong nagulat si Pierre sa presensya ng mga pinsan ko. Tinawag niya agad si Hendrix kaya lumabas ang kapatid ko.

Tinanggal ni Elijah ang kanyang wayfarers nang pumasok siya sa bahay namin at dumiretso kay Hendrix. Tinapik siya sa likod ni Hendrix at binati.

“Sinabi ni tita na sa Montefalco Building daw muna si Klare ngayon.” Ani Elijah.

Seryoso ang tono ng boses niya. Buong buo at matikas. Bakit kaya manghang mangha ako sa mga bawat galaw niya kahit gaano iyon kaliit?

“Alam ko. Tumawag rin siya sa akin. Ihahatid namin siya ngayon.” Ani Hendrix.

Tumango si Elijah at nagkibit balikat. “Kunin ko ang bagahe niya para ihatid don. In case na matatagalan pa kayo. Papunta rin kasi kami ng mga pinsan ko doon.”

“Hindi. Ihahatid na namin siya ngayon. Sorry, can’t let her ride with you. At least give us that time, Elijah.” Ani Hendrix.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ng kapatid ko. Kung makapagsalita sila ay para bang napaka importante ko at ayaw nilang mawalay ako sa kanila. Nakakahiya! Gusto kong magtago sa hiya.

“No problem. I’m taking her luggage. Just make sure you’ll take her there. Naiintindihan ko. I’ll have her later.” Ani Elijah at tumalikod kay Hendrix para kunin ang luggage ko.

Halos tumakbo ako para magtago dahil sa sinabi niya. Hindi man lang siya sumulyap sa akin. Medyo seryoso siyang umalis at sinama niya si Azi. Iniwan niya kaming tahimik sa loob ng bahay. May lumitaw na ngiti sa labi ni Hendrix at sinulyapan niya si Pierre na nakasimangot.

“Let’s go, bro. Ihahatid pa natin si Klare.” Aniya sabay tulak sa likod ni Pierre.

“Okay. Whatever.” Ani Pierre at sumunod sa kuya niya.

“Sama kami!” Ani Jack.

Hinayaan ni Pierre at Hendrix na sumama ang mga kaibigan nila. Kung sabagay ay boring ang bahay pag wala ang dalawa kaya sumama sila sa paghahatid sa akin. Kandong ko ang skateboard sa loob ng sasakyan ni Hendrix. Sa harap namin ay ang sasakyan ni Elijah.

“Your cousins are tight.” Ani Vaughn. “Punta kayo mamaya sa foam party?”

“Most probably.” Sagot ko.

“Paparty ka mamaya, Klare?” Medyo iritadong tanong ni Pierre.

“Yup.” Tumango ako sa kanya.

Tumaas ang kanyang kilay. “Huwag masyado. I don’t like party girls.” Aniya.

“I’m not a party girl, Pierre. ‘Yong mga pinsan ko siguro.”

Hindi siya tumigil sa pagtitig sa akin. Kumunot ang noo ko sa titig niyang nagtatagal. Umiling siya at tumingin sa labas pagkatapos ng ilang sandal. He’s weird. We’ll, he’s always like that.

“Ilang araw ba kayo sa Davao, Hendrix?” Tanong ni mommy sa kapatid ko nang nakapasok na kami sa bahay.

Nagulat ako kasi walang pag aalinlangang pinapasok ni mommy ang dalawa kong kapatid na si Pierre at Hendrix. Sa sobrang saya niya ay medyo gumaan ang loob niya sa dalawa. Naroon si Elijah, Azi, Claudette, Josiah, at Chanel sa aming sofa, kumakain ng fries na niluto ni mommy.

“Higit isang buwan po.” Pormal na sagot ni Hendrix.

Binuksan ni mommy ang kanyang bibig upang makapagsalita pa ngunit tinikom niya ulit ito. Ano kaya ang sasabihin niya at bakit nagbago ang isip niya?

“I’m so glad you’re here, Klare.” Aniya sabay yakap sa akin.

Ngumiti ako at niyakap siya pabalik.

“Dito na lang kayo mag dinner, Pierre at Hendrix.” Ani daddy na nasa likod ni mommy.

“Hindi na po, tito. Naghihintay rin po ang mga kaibigan naming sa labas.” Sabi ni Hendrix.

“Oh? Papasukin niyo dito para dito na mag dinner.” Ani daddy at sumenyas sa aming katulong.

Nilingon ni Hendrix si Pierre na medyo nakasimangot parin. “Call Jack, Vaughn, and Andrei, Pierre.”

Tumango si Pierre at tumalikod para tawagan ang tatlo nilang kaibigan.

Kinagat ko ang labi ko nang nakitang nag aayos na si manang ng hapag. Hindi kami magkakasya sa dining table namin. Narealize kong baka nga hindi na muna kakain ang mga pinsan ko kasi hindi pa naman sila kumpleto. Binilang ko ang mga platong nilapag ni manang at nakitang pito lang ang nilagay niya. May tinanong si daddy kay Hendrix atsaka niya pa lang dinagdagan ng tatlo.

“Mauna na kaming kumain, Dette? Sa roofdeck ba kayo kakain? Pinag order ko na kayo ng pagkain at pinagluto nong request ni Erin.” Ani mommy. “Is she okay, by the way?”

Kumunot ang noo ko at napatingin kay mommy. “Ba’t mom? Anong nangyari kay Erin?”

Ngumiti si mommy sa akin. “Broken hearted daw?”

My jaw dropped. Broken hearted? Hindi ko alam kung anong meron kay Erin at Eion. Hindi ako sigurado kung sila na ba ngunit kung sila na nga ay natapos na ito ngayon. Gusto kong magtanong pa ngunit pumipigil sa akin ang katotohanang medyo hindi maganda ang posisyon ko upang magtanong dahil may nakaraan kami ni Eion.

Nagkatagpo ang tingin naming ni Elijah. Pinapanood niya ako habang naglalakad at umuupo sa hapagkainan. He should stop staring at me. Sinubukan kong tumulong kay manang sa paglalagay ng kutsara ngunit tuwing naabutan ko si Elijah na nakatingin sa akin ay nabibitiwan ko ang kutsara.

Napatingin ako kay Pierre na nakatitig sa flastcreen namin at kay Hendrix na may kausap sa cellphone. Sumulyap ulit ako kay Elijah at pumikit nang padarag kong nabitiwan ang tinidor at bumagsak ito sa sahig. Fuck!

Sumulyap pa ulit ako ng isang beses sa kanya at nakita kong naglaro ang ngiti sa kanyang labi. Hinawakan niya ang kanyang labi para siguro mapigilan ang tuluyang pag ngisi. Dammit! Why am I suddenly being clumsy?

Kinuha ko ang baso para ilagay ulit sa tabi ng mga plato ngunit tinanggihan ako ni manang.

“Baka maubos ang baso natin, Klare. Umupo ka na lang.” Aniya.

Mas lalong lumaki ang ngisi ni Elijah kaya napa upo ako habang humahataw ang puso ko. Damn, asshole! Lutang na lutang ako habang nakaupo. Lumabas si Charles sa kanyang kwarto at hinalikan niya ako sa pisngi.

“Am I going to see you more this time? I miss your morning face, ate.” Ngumisi si Charles.

“I don’t miss my morning face, Charles. I hate my morning face.” Ngisi ko.

Sumimangot siya at umupo sa harap ko. Tinitigan niya ako. Nginitian ko naman ang gwapong kapatid ko. Sa mga lalaking Montefalco ay siya lang ang medyo chinito. Kahit ganon ay lumilitaw parin ang pagiging Montefalco ng kanyang katawan at bone structure.

“Wala ng mga tissue, manang? Naku! Kailangang mag grocery. Pano na ‘yan?” Dinig ko si mommy sa kusina.

Ilang sandal ang nakalipas ay pumasok sina Vaughn, Jack, at ang isa pa nilang kaibigan. Nahihiya si Jack nang nakita niyang naroon ang mga pinsan ko. Panay tawanan pa sina Josiah at Azi sa isang commercial na nagpapakita ng sexy’ng babae.

“Meet the parents ba, Vaughn?” Dinig kong sinabi ni Jack nang lumapit sila sa hapagkainan.

Napatingin sila kay Hendrix na hindi masyadong masaya sa narinig kay Jack. Nakatayo sila sa gilid ko kaya inanyayahan ko silang umupo. Tinuro ni Pierre ang mga pinsan ko, umiling ako at sinabi kong mamaya pa sila.

Umupo silang lahat bago lumabas si mommy at daddy galling sa kitchen. Nakangisi si daddy habang nagbibuiruan sina Jack.

“Eto po ang mga kaibigan ko na naging kaibigan na rin ni Klare, tita. Ito si Jack, Andrei, at si Vaughn.” Ani Hendrix.

“Nice meeting you. Salamat sa pag aalaga sa anak ko habang nasa kanila.” Ngiti ni mommy isa isa sa kanila.

“My pleasure.” Sagot naman ni Vaughn.

Nakita kong nag igting ang panga ni Elijah habang mariing nakatingin sa TV. I know he’s suppressing his feelings right now. I hope we can really do this. I need us to buy more time. Siguro ay mabuti na rin na nasa poder ako nina mommy at daddy ngayon at mailalakad ko ang tungkol sa amin ni Elijah ng mas mabilis. I should plan about that one but right now, I’m in a very problematic situation. I don’t want to make this hard for Elijah.

“Ganon? Salamat talaga sa inyo.” Ani mommy nang nakatingin kay Vaughn.

Hindi mapigilan ni Jack at Andrei na tumawa at kantyawan si Vaughn sa sinabi. Tumawa rin si Vaughn kasama nila. Umiling ako at pinagmasdan silang hindi magkamayaw sa kakatawa.

“Shhh. Nakakahiya kina tita at tito.” Saway ni Hendrix saka pa lang sila medyo tumahimik.

“Bakit? May nanliligaw ba dito sa anak namin?” Nagtaas ng kilay si mommy.

“Sana ay wala?” Nakangiting sinabi ni Daddy.

“This is worse than the Tys, eh?” Hagalpak ni Andrei.

“Siya po, o!” Sabay turo nila kay Vaughn.

“Hala, hindi ah!?” Sabi ko sa kaba. “Hindi naman nanliligaw si Vaughn.”

Tumawa si Vaughn. “Kayo talaga! Huwag kayong ganyan. Let’s just eat, I guess.”

Salamat naman at medyo hindi agresibo si Vaughn dito. I can see that Hendrix isn’t pleased. Wala namang imik si Pierre. Pinagmamasdan niya lang akong mabuti. Si Charles ay pinagmamasdan sina Vaughn ng nagtataka.

“Kung manliligaw po ba ako, pwede po ba?” Sa gitna ng katahimikan ay biglang nagtanong si Vaughn.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang mapangahas na tanong. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa harap nina mommy at daddy. Mas lalong hindi ko inaasahan na kaya niya iyong sabihin ng seryoso!

“Vaughn!” Ani Hendrix na mukhang galit na.

Ngumisi si mommy at napatingin kay daddy. Hindi ko naman malaman kung saan nakatingin si daddy, kung kay Pierre ba na nasa kabilang dulo o lagpas doon at sa mga pinsan ko na.

Kumalabog ang puso ko sa maaaring sabihin ni daddy. Will he throw them out? Because I’m sure Charles and Hendrix didn’t like it!

“I’m not going to lie but I don’t like the idea.” Maarteng sinabi ni Charles sabay tingin sa akin.

“Manliligaw lang naman. It will all depend on Klare sa huli.” Ani daddy at uminom ng tubig.

Sa huli ay sumulyap ako kay Elijah sa gitna ng nag uusap kong mga pinsan. Nag taas siya ng kilay sa akin at may pinindot sa kanyang cellphone. Sino ang ka text niya?

Bago pa ako makapag isip ng kung anu-ano ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Dahan dahan koi tong nilabas at tiningnan sa ilalim ng mesa. May nakita akong isang number na wala sa contacts. Naghuramentado ulit ang sistema ko lalo na nang nabasa ko ang mensahe.

Unknown number:

Well I don’t mind a little competition. I’m not gonna fold. I’m all in. Kahit tagilid, Klare. I’m all in.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: