Until He Returned – Kabanata 21

Kabanata 21

Unwanted

Ayokong nakakasakit ng ibang tao. Ayaw kong may tinatapakan kaming dalawa ni Elijah sa relasyon na ito pero natitibag na ng pagmamahal na ito ang mga prinsipyo ko. Takot na takot na rin akong mawala siya ulit. Takot na takot na akong isugal siya para sa kahit na ano.

Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas nang mabilis niyang hinila ang braso ko. Nanlaki ang mga mata ko nang inipit niya ang pulso ko sa dingding at ang kabilang kamay niya ay bumagsak malapit sa mukha ko.

“I’m desperate, Klare. You run again, I’ll chase you down. Wala akong pakealam kung malaman ng mga magulang natin ang nangyayari. Let’s decide. Alin sa dalawang desisyon ang gusto mo, you run away or we’ll do this pretend thing.” Seryoso ang kanyang tono.

Sobrang lapit niya na sa mukha ko. Nalalasing ako sa titig niya at hindi ako makapag isip ng tama. Mabuti na lang at nasa labas halos lahat ng tao at medyo nagkakagulo parin, kung hindi ay baka may makakita na sa aming dalawa. Nag iwas ako ng tingin kay Elijah. Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko siya kayang tingnan nang nahihirapan.

Totoong ayaw kong may nahihirapan para sa amin pero kinakain ako ng takot kong mawala ulit siya sa akin. I hate him for that and I hate myself for thinking that it’s okay. That it’s okay to pretend.

Hinawakan ko ang kanyang braso. Kitang kita ko ang panginginig ng kamay ko habang nagtutungo ito sa mainit niyang bisig. Huminga siya ng malalim habang tinitingnan ang kamay kong hinahaplos ang kanyang braso. I miss him. I miss him so much. I can’t afford to lose him again.

“Baby, stop clouding my mind. Let’s decide now.” Mahinahon niyang sinabi na tumunaw sa lahat ng kakayahan kong mag isip ng matino.

“I don’t know what to do.” Inamin ko sa kanya.

I am torn. Always torn between him and my family. At natatakot ako sa aking sarili ngayon dahil mas nangingibabaw sa akin ang pagmamahal ko sa kanya.

“Tell mo more, Klare.” Malambing niyang sinabi at inilapit niya ang katawan niya sa akin.

Dammit! Wala na akong masabi! Naghuhuramentado na ang buong sistema ko. Gusto ko na lang siyang yakapin ng sobrang higpit at huwag na siyang pakawalan ulit. Gusto kong ikulong siya sa aking braso hanggang sa mapagod ako.

Nag iwas ako ng tingin sa kanyang mabibigat na mata. Binitiwan ko ang braso niya ngunit bago pa bumagsak ang kamay ko ay hinawakan niya na ito at hinalikan. Pinipiga ang puso ko sa tuwa. Is it possible? To get hurt while you are happy?

“We’ll have it your way, Klare.” Ani Elijah.

Umiling ako. “I can’t run.”

“Uh-huh…” Malambing niyang sinabi habang hinahalikan ulit ang likod ng kamay ko.

Alam kong nakadungaw siya sa akin. Nakatingin lang ako sa dibdib niya. Hindi ko maangat ang tingin ko. Natatakot akong mahalikan ko siya at may makakita sa aming dalawa.

“What to do now?” Bulong niya sa akin.

Tumindig ang balahibo ko sa bulong niya. “We’ll… We’ll buy our time, Elijah.” Sabi ko.

“Yes, baby, we will.” Aniya. “If you want me to back off, I will. If you want me to pretend that we’re cool and we’re friends, I will. We’ll buy our time. We’ll take this slow. I don’t want to lose you again.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Malayong malayo sa Elijah noon na walang pakealam kung may makahalata sa aming dalawa. Mas maingat na siya ngayon. Kaya siguro nang dumating siya dito galing New York ay halos mapaniwala akong totoong naka move on na siya. He’s trying real hard to suppress his feelings. At ngayon mas lalo pa naming itatago ito. Ngayong aalis si Selena at maiiwan si Elijah, lahat ng mga mata ay sa aming dalawa ulit. Maghihintay na naman sila kung sino ang unang gagalaw sa aming dalawa, kung sino ulit ang lalagpas sa linyang kami na rin mismo ang gumuhit.

Ganong takot ang naibigay ko kay Elijah kaya ngayon ay kaya niya ng magsakripisyo at magkimkim ng nararamdaman. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot.

“Okay.” Iyon lang ang tangi kong nasabi.

Ayaw ko sa ideya ngunit iyon lang ang kaya kong sabihin sa ngayon. We needed this. Kailangan namin ng panahon bago namin aminin sa mga magulang namin ang lahat. Kailangan ko ring ipaintindi ang mga pinsan ko. Kailangang maintindihan kami ng pamilya namin.

“Thank you.” Buntong hininga niya.

Nag angat ako ng tingin. Nakita ko ang mga mata niyang punong puno ng emosyon habang tinititigan ako. Sa kauna unahang pagkakataon simula nang umalis siya at nagkalayo kami, pakiramdam ko ay nasa tamang lugar ako. I feel at peace in his arms. I feel at home with his gaze.

“Klare, we need to go.”

Pareho kaming napatalon nang narinig namin ang boses ng kapatid ko. Nakahalukipkip si Pierre at nakataas noo habang tinitingnan ang posisyon namin ni Elijah. Kinalas ni Elijah ang kanyang mga kamay na ang kukulong sa akin sa dingding. Umatras siya ng bahagya at tumango naman ako kay Pierre.

Naglakad ako patungo sa kapatid ko. Ni hindi ako tiningnan ni Pierre. Nanatili ang kanyang titig kay Elijah. Hinila ko ang braso niya para lang makaalis kami doon.

Nasa loob ako ng sasakyan namin habang tinitingnan ko ang regalo ni Elijah sa akin. He’s probably innocent. Wala siyang alam tungkol sa meaning ng hikaw. Should I wear this? Ngumiti ako. I will allow myself to be happy. Just for this night. Even just for tonight. Kahit na maraming masamang nangyari ay nagawa ko paring mapangiti. Iyon ang nagagawa ni Elijah sa akin.

Naisip ko si Selena. Naisip ko ulit kung paano pag wala ako. Paano kung wala ako dito, mamahalin niya kaya si Selena? Nagseselos ako tuwing naiisip ko iyon. Kahit na may karapatan naman talaga siyang magmahal ng iba ay hindi ko kakayanin iyon. He liked her. Kinagat ko ang labi ko. Then again, I liked Vaughn too. But I’m pretty sure I can’t love him the way I loved Elijah. Siguro ay pareho kami ng nararamdaman ni Elijah. Siguro ay pareho naming niloko ang aming sarili para lang makalimutan ang isa’t-isa.

“What’s that?” Kinuha agad ni Pierre ang box na nasa kamay ko.

Mabilis ko itong binawi. Laglag ang panga niya habang tinitingan ang box na nasa kamay ko ulit.

“Sinong nagbigay niyan?” Aniya.

“Ano ‘yan?” Tanong ni Hendrix habang nag dadrive. “Regalo? Who else, then? Tss.”

Tinitigan ako ni Pierre. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. I know what he’s thinking pero hindi ko naman alam kung iyon din ba ang nasa isip ni Elijah. Maybe I should just keep this. I can’t wear it. Aabangan ako ni Pierre araw-araw kung susuotin ko ito.

Sa sumunod na mga araw ay mas naging magaan ang loob ko. Narinig ko kay Pierre na umalis na daw si Selena at nag tungo na sa Davao.

Wala akong sinasabi sa dalawa ngunit pakiramdam ko ay alam nila kung ano ang pinaplano namin ni Elijah. Nagpapasalamat ako at hindi sila gaanong nagtatanong tungkol doon. Kahit na madalas ay tinititigan nila ang bawat galaw ko, mas mabuti na iyon kesa sa babatuhin ako ng mga tanong na ako mismo ay walang sagot.

Nagbabasa ako ng magazine sa sala nang biglang sumalampak si Pierre sa sofa at humugot ng malalim na hininga. Kumunot ang noo ko sa kanya.

Narinig ko sa likod si Hendrix na may kausap sa cellphone. Siguro ay si papa ang kausap niya.

“Yes, dad…” Aniya. “Hindi ba talaga pwede?” Mahinahon niyang sinabi. “I know… I know…” Napatingin si Hendrix sa akin.

“Anong meron, Pierre?” Tanong ko sa kapatid kong umirap.

“Ama wants us there.” Umirap ulit siya.

Tumango ako at kinagat ko ang labi ko. “Tatlong linggo na lang pasukan na, a?”

“Kaya nga. Nalaman niya na sa Cagayan de Oro kami nagpalipas ng summer kaya ngayon binabawi niya na kami. She wants us in her ancestral house.” Umirap pa ulit siya.

Napangiti ako sa kanyang pagsusuplado. “You hate Davao now?” Nagtaas ako ng kilay.

Nagkasalubong ang kilay niya. “No, I don’t. I just… hate not being here.” Lumiit ang boses niya sa huling sinabi.

Tumigil si Hendrix sa pagsasalita. Hudyat iyon na tapos na ang usapan nila ni papa. Alam ko na agad kung ano ang gagawin ko. Sasabihin ko na sana kay Hendrix nang biglang nagpakita si Vaughn, Jack, at ilan pang kaibigan nila sa aming pintuan.

Nakipag high five si Hendrix sa kanila. Tumayo si Pierre at ganon din ang ginawa. Nag asaran sila hanggang sa bumaling ulit si Hendrix sa akin. Hinintay ko ang kanyang pagsasalita nang biglang tumabi si Vaughn sa akin sa sofa.

“Missed you, Klarey!” Sabay kurot niya sa ilong ko.

Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi ko parin maalis ang bagabag sa aking sistema dahil sa balitang dumating. Bumaling ako kay Hendrix para magsalita ngunit naunahan niya ako.

“Will you be fine alone here?” Aniya. “For a month?”

Ngumiti ako. “Huwag mong kalimutang may bahay pa ako downtown. I can always be with my family, Hendrix, while you’re gone.”

“What gone? Saan kayo pupunta, Hendrix?” Tanong ni Vaughn.

“Pinapauwi kami ng Davao, Vaughn.” Aniya.

“Ano? Bakit naman? Isasama niyo ba si Klare?” Sumulyap si Vaughn sa akin.

Umiling ako. “Nope. Sila lang.”

“Bakit parang masaya ka?” Naiiritang sinabi ni Pierre.

Kumunot ang noo ko sa kanya. “I’m not happy. I’m just stating a fact, Pierre.”

Nanliit ang mga mata niya. “Can I stay, Kuya?”

“Bakit hindi kasama si Klare?” Tanong ni Vaughn. “Not that I want her to go, pero ba’t di siya kasama?”

Bumagsak ang tingin ko. Yes, I’m probably happy that I won’t be going with them. Hindi ako masaya na mawawalay ako sa kanila ngunit alam kong mas malulungkot ako kung sumama ako. Isang taon ang nakalipas, sinubukan akong ipakilala ni papa sa Ama o Lola nina Pierre at Hendrix. Isang restaurant sa Davao ang pinasarado ni papa sa araw na iyon para lang maging eksklusibo para sa amin ngunit sa malayo pa lang, nang nakita niya ako, ay mabilis siyang bumalik sa sasakyan.

“Back off, Vaughn. Klare will stay. Dad’s orders.” Ani Hendrix.

Tumango si Vaughn at ngumisi. “Pwede naman kaming mag bonding kahit wala kayo, diba? Pwede parin kaming bumisita?”

“Of course, Vaughn.” Sabi ko. “Kaya lang sa Montefalco Building na siguro muna ako tutuloy. This house is cold without them.”

“We’ll make it warm.” Halakhak niya.

“Try, Vaughn.” Seryosong sinabi ni Hendrix.

Natawa ako. Alam kong nagbibiro lang si Vaughn. Tumawa rin si Vaughn at inasar si Hendrix.

Ayaw ng Lola nila na sa akin. Iyon ang alam ko. Hindi na rin sumubok si papa na ipakilala ulit ako sa kanya. Ang sabi niya ay hindi ko na kailangan ng dagdag sa stress. Tingin ko naman ay magiging malupit ang Lola sa akin. I know coz I’ve seen the looks of their other relatives faces. They didn’t like me. They were all cold and terrifying. Alam kong kailangan ko silang harapin balang araw, ngunit sa panahong iyon ay minabuti kong manahimik. Wala pa akong lakas na harapin sila noon.

“Gusto mo bang, err, dalhin ang ibang gamit mo sa Montefalco Building?” Tanong ni Hendrix.

“‘Yong iba siguro. ‘Yong madalas kong sinusuot. Kailan ang alis niyo?”

“Tomorrow morning.” Tikhim niya. “Eroplano.”

Tumango ako at naintindihan na kailangan ko na ring mag alsabalutan. I can’t stand this house without them. I needed a warm place to stay. Miss na miss ko na rin sina mommy at daddy. Ilang beses na nila akong sinabihan na sa bahay tumuloy ngunit palagi kong tinatanggihan dahil halos araw-araw naman akong naroon.

Tumunog ang cellphone ko habang nag liligpit ng gamit sa kwarto. Pumasok si Hendrix at tinulungan akong buksan ang luggage ko. Pumasok rin si Vaughn at humiga sa kama.

“First time ko itong makapasok sa kwarto ni Klare.” Ani Vaughn at nakangisi siyang nakatingin kay Hendrix.

I can only imagine Hendrix face.

“Hello?” Sagot ko kay papa sa cellphone.

“Klare, I’m sorry.” Bigo ang kanyang tono. “Gusto sana kitang papuntahin dito sa Davao. Let you stay somewhere else. But I figured you’d be lonely without your brothers.”

“Okay lang, pa. I’ll stay here. Kina mommy na lang muna ako. Besides, I miss them.” Gusto kong magtiwala siya sa aking magiging maayos ako.

“I’m really sorry. Dito ka sana sa bahay pero pupunta rin si Mama dito. She’ll see you and I don’t want her to hurt you.”

I understand that he’s just protecting me. Paano ko siya kukumbinsihin na maayos ako sa desisyon niyang ito. There is nothing to worry about me. I’ll miss my brothers but surely, I can live without them.

“It’s okay, pa. I’m fine here. Gusto ko rin dito, e. Kailangan rin nina Hendrix at Pierre na makipagbonding sa mga Ty. Masyado na silang dumidikit sa akin.” Halakhak ko.

Narinig ko rin ang halakhak ni papa sa kabilang linya. Guminhawa ang pakiramdam ko nang narinig ko siyang tumawa.

“Okay, Klare. You take care. I’ll call your mom and dad tomorrow. Ayaw ko talagang iwan ka sa kanila… pero wala akong magagawa.”

“Yes, pa.”

As much as I want to be wanted, I’m still the unwanted child for their family. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong sapat na sa akin na tanggapin ako nina papa at ng mga kapatid ko. I also want to know more about my lola. But if she wouldn’t let me, I won’t force her.

“Is this all?” Tanong ni Hendrix habang nilalagay ang ilang sapatos ko sa luggage ko.

Tumango ako at binaba ang cellphone. “Thanks, Rix.”

“Klare, skate tayo sa labas? Kelan ka aalis?” Tanong ni Vaughn habang umuupo sa kama ko.

Napatingin ako kay Hendrix. “I’ll give you an hour, Vaughn.”

“Yes!” Sigaw ni Vaughn sabay kuha sa skateboard ko.

I think I’ll bring my skateboard too.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: