Until He Returned – Kabanata 19

Kabanata 19

Happy Birthday!

Parang walang nangyari sa gitna naming dalawa ni Selena pagkabalik namin sa sala. Ni hindi niya ako matingnan nang nag paalam kaming dalawa.

Napabuntong hininga ako habang nagsusuklay sa buhok ko. Hindi ko alam kung pupunta ba ako ngayon o hindi. Kung hindi lang imbitado ang dalawa kong kapatid ay hindi na lang ako pupunta. It will be weird there.

“Ready?” Inaayos ni Pierre ang kanyang buhok habang tinitingnan niya ang repleksyon ko sa salamin.

Tumango ako. “Wala akong gift.”

Ngumuso si Pierre. “Wala rin kaming gift. But it’s okay, I think. We’ll help with their surprise.”

Kahit na inamin ko kay Selena na hindi ko mabitawan si Elijah, hindi ko parin maipapangako na kaya ko iyong sabihin ng harap harapan sa ibang tao. Alam ko ring hindi iyon ipagsasabi ni Selena. Alam kong itatago niya iyon sa kanyang sarili. At sa ngayon, alam ng ibang tao na sila pa rin, pag sumawsaw ako sa dalawa ay ako ang magiging kawawa. Hindi naman ito paligsahan, I can wait for the right time. I’ve been waiting all my life anyway.

Silang dalawa lang ang inimbitahan ni Selena. Buong akala ko nga ay kasama sina Vaughn at Jack ngunit nagkamali ako. Siguro ay hindi niya gaanong ka close si Vaugn at Jack. Paano naman kaya niya naging close ang mga kapatid ko? I wonder.

Naka simpleng itim na t-shirt lang ako at shorts. Hindi talaga ako nakapang party. Sinabi rin naman nina Erin at Chanel na huwag daw’ng masyadong formal kaya ito lang ang suot ko.

“Let’s go.” anyaya ng mga kapatid ko pagkatapos maipark ang sasakyan sa labas ng bahay nina Elijah.

Papalubog na ang araw. Napansin kong naroon na ang mga sasakyan ng mga pinsan ko. Siguro ay kanina pa sila naghahanda. Naka bukas ang double doors nina Elijah at pumasok agad ako. Tumuloy rin ang mga kapatid ko. Nakita ko ang mga pictures na pinagdikit namin noong Sabado sa bawat dingding na pinasadahan ko ng tingin.

Maingay sila at abala sa pag peprepare ng videos. Si Kuya Silver at Claudette ay nakatutok sa laptop sa pag i-edit ata ng video na nirequest ni Selena. Si Erin at Eion naman ay abala sa pag aayos ng cake sa hapag. Naroon na ang mga pagkain at nagulat ako sa engrandeng handaan.

Nag angat ng tingin si Claudette sa akin sa gitna ng maraming tao. Nakipagkamayan si Hendrix sa iilang taong kilala niya roon. This is the biggest house party I have ever been to. Pinaghandaang mabuti ni Selena ang lahat. Of course, Elijah deserved the best.

“Pasok kayo, Klare. Uhm, ilagay niyo lang ang regalo niyo doon sa table.” Ani Claudette at medyo naasiwa sa pagsasalita sa akin.

Tumango ako at nahiya. Wala akong regalo. Sana pala ay hindi na lang talaga ako dumalo.

Umupo ako sa sofa. Mas lalo akong nahiya nang napagtanto kong wala akong ginagawa habang silang lahat ay mukhang may kani kanilang inihahanda.

“Pupunta ba dito sina tito at tita, Clau? How about mom and dad?” Bulong ko sa kanya habang pinapasadahan ng tingin.

“Nope. Bukas pa ‘yong celebration with them. Strictly for friends ito ni Elijah. Iyon ang gusto ni Selena.” Ani Claudette.

“A-Are we invited tomorrow?” Tanong ko.

Nilingon ako ni Claudette aktong kinalabit din ako ni Pierre. “I’m not sure, Klare.” Ngiwi ni Claudette.

Nilingon ko ang nangangailangan ng atensyon na si Pierre.

Syempre dahil umalis na si Hendrix at pumuntang patio para makihalubilo sa common friends nila ni Josiah. Nagtatawanan na sila at nakita kong nag iinuman na kahit na maaga pa naman. Nag taas ako ng kilay kay Pierre.

“This is so corny.” Aniya sabay pakita sa kandilang hawak.

Binigyan niya rin ako ng isa. Tiningnan ko ng mabuti ang kandila at inisip ko kung para saan ba iyon. Lights off ba mamaya at sisindihan namin ‘tong lahat para surpresahin si Elijah? Maybe that was it?

“Why don’t you tell Selena that, Pierre? Tsss.” Masungit na sinabi ni Claudette sa kapatid ko.

Nag igting ang panga ni Pierre at tinitigan si Claudette na ngayon ay nakatitig na sa screen ng laptop ni Kuya Silver.

“We’re done!” Ani Kuya Silver at niyakap niya si Claudette ng patagilid.

Maingay na tumikhim si Pierre at mabilis na umalis sa tabi ko. Kumunot ang noo ko sa inasta niya kaya nilingon ko si Claudette. Nakita kong sinundan ni Claudette ng tingin si Pierre kahit na yakap yakap siya ni Kuya Silver.

“Excuse me.” Aniya at mabilis na tumayo.

Pinanood ko ang mga pinsan kong abalang abala sa kanilang ginagawa. Inisip ko tuloy kung may alam na ba si Elijah sa mangyayari. Surely, Azi can’t just shut his mouth. Tumingin ako sa kay Azi at nakita ko siyang ka chikahan naman ang tatlo kong kaibigan na imbitado rin. Kumaway ako sa kanila at naisipan kong lumapit.

“Klare!” Nagulat si Azi nang nakita niya ako sa gilid niya.

“Hello!” Ngisi ko sa kanila.

“Anong regalo mo kay Elijah?” Tanong niya nang nakataas ang kanyang kilay.

“Got him a watch.” Pilit na ngumisi si Hannah.

Naaalala ko tuloy kung paano niya kinulit si Claudette sa bleachers tungkol kay Elijah at Selena. Nakita niya ang paninitig ko sa kanya kaya bahagya siyang umiling.

“I-It’s just nothing, Klare.” Ngiti niya.

“I got him nothing.” Sagot ko. “Wala akong maisip na ibigay sa kanya.”

“Apir!” Tawa ni Azi sabay pakita ng kanyang palad. Ginawa ko ang gusto niyang mangyari. “Wala rin akong maibibigay sa kanya. Kaya nga inimbitahan ko na lang sina Ramon.”

Babalewalain ko na sana ang sinabi ni Azi pero medyo nagulat ako sa sinabi niya. Bumaling ulit ako sa kanya.

“Ramon, Azi?” Tanong ko.

Tumango siya na para bang ang tanga ko dahil hindi ko agad makuha ang iniisip niya.

“Ramon Ramos?” Kumpirma ko.

“Oo. Bakit?”

Kinagat ko ang labi ko nang napagtantong inimbitahan ni Azi ang kuya ng ex ni Elijah na si Gwen. What the hell? Magarbo pa siyang tumango samantalang laglag ang panga ni Julia, Liza, at Hannah sa sinabi niya.

“That means Gwen and her gang will be here too?” Kumpirma ni Julia.

Magarbo siyang tumango. Ipinagmamalaki niya ang kanyang magandang ideya.

Hinampas ko ang kanyang braso. “Why would you invite his ex? Pakana ito ng current girlfriend niya, Azrael. Why would you invite someone from his past?”

Kumunot ang noo ni Azi na para bang inisip niya pa kung ano ang ibig kong sabihin. He didn’t understand. “Ah! Yes!” Aniya. “Oo nga pala. Pero hindi ko na mababawi.” Nagkibit balikat siya at umalis.

Nagkatinginan kaming apat na parehong laglag ang panga sa sinabi ni Azi. Totoo nga. Dahil ilang minuto ang nakalipas ay nakita ko na ang mga BMW ng pamilya nila. Nakita kong sinalubong ni Azi si Ramon Ramos na tanging lalaki sa grupo at ang lima pang babae, kasama si Gwen.

“Hindi niya inimbitahan sina Gwen para magkagulo. Tingin ko may popormahan siya sa mga kaibigan ni Gwen.” Ani Erin na nasa gilid ko pala.

“I know…” Habang tinitingnan ko si Azi na nakikipag usap na sa isang babaeng maputi at kulot kulot ang buhok.

Nakita ko ang medyo pinag hirapang dress ni Gwen. May dala pa siyang regalo at agaw atensyon siya sa mga kaibigan namin. It’s summer, kaya siguro nandito siya sa Cagayan de Oro. Narinig ko pang siya mismo ang nag disenyo sa kanyang kulay pulang halter top na dress.

Oh this is probably war? I don’t know. Alam ba ni Gwen na may girlfriend si Elijah? Siguradong didistansya siya. Knowing her, she’s classy. Hindi siya desperada. But we don’t know people when they are in love or they want something so bad… it can change them.

“Paparating na sila guys!” Sigaw ni Chanel na umalingawngaw sa buong bahay.

Nahanap ako ng medyo nakasimangot na si Pierre at tumayo siya sa gilid ko. Si Hendrix naman ay nasa malayo kasama ang iilang mga kaibigan. Ang tatlo kong kaibigan ay nasa tabi ko habang nagkalat ang mga pinsan ko para sindihan ang mga kandilang dala dala ng lahat.

“Who’s idea is this? Elijah will find this corny!” Humagikhik si Gwen sa harap.

Kinagat ko ang labi ko. This was Selena’s idea. Sana lang ay huwag niyang sabihin iyon sa harap ni Selena at baka mag away pa ang dalawa. This is still Elijah’s birthday. Gusto ko rin namang maganda ang alaala niya sa kaaarawang ito. Kahit na korni ay maganda parin naman ang ideya. Gwen should just shut up.

“Is this your idea, Erin?” Ani Gwen.

“Oh shut up, Gwen. Just do it.” Tawa ni Erin sa kaibigan niyang si Gwen.

Ngumuso ako at luminga linga sa paligid. Nakita ko si Eion na nakatingin sa akin. Kitang kita ko na diretso ang mga mata niya sa akin kahit na madilim at kandila lang ang umiilaw sa aming lahat. Nginitian ko siya ngunit hindi siya ngumisi pabalik sa akin.

Bago pa ako maka react ay narinig ko na ang mga boses ni Erin at Chanel na nagpapatahimik sa aming lahat dahil pumapasok na sa gate ang sasakyan ni Elijah.

Naka sarado ang pintuan at maghihintay kaming bumukas ito bago kami kakanta. Bubuksan ang mga ilaw pagkatapos ng kanta para makita ni Elijah ang mga larawan niya sa dingding ng living room. Nagreklamo si Rafael na masyado daw itong korni ngunit wala silang nagawa sa surpresang inihanda ni Selena.

Nang narinig namin ang pag pihit ng doorknob ay kinabahan na agad ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro ay masyadong kong inanticipate ang pagdating nilang dalawa.

“Happy birthday to you, Happy birthday to you…” Dahan dahan naming kinanta nang bumukas ang pintuan.

Nag materialize si Elijah sa dilim. Sumunod si Selena na ngiting ngiti sa amin. Nilingon ni Elijah si Selena at kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Baka mahulog ang loob niya kay Selena dahil dito. She did this for him. Nag effort siya. Kaonting kurot ang naramdaman ko sa aking puso. Marami siyang sakripisyo para kay Elijah. She deserved him so much. I don’t. Wala pa akong nagawa para kay Elijah. Sakit lang ang idinulot ko sa kanya.

“Happy birthday to you. Happy birthday to you…”

Hindi ko na makanta ng maayos. This isn’t the time for realizations, Klare. Just continue acting good!

“Happy birthday Ej!” Ani Selena sa likod ni Elijah habang kumakanta pa kami.

Nilingon ni Elijah si Selena nang may ngiti sa kanyang mukha. Bago pa siya makapagsalita ay mariing siniil ni Selena ng halik si Elijah.

Oh shit! Mariin kong pinikit ang aking mga mata.

“Klare…” Bulong ni Pierre sa akin.

“I’m okay.” Bulong ko pabalik sa kanya bago ako dumilat.

Pagkadilat ko ay tapos na ang halikan ng dalawa. Huminga ako ng malalim at bumukas ang mga ilaw. Kinagat ni Selena ang kanyang labi habang kitang kita ko naman ang pamumula ng labi ni Elijah habang ngumingisi sa mga kaibigang bumabati sa kanya.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Naiiyak ako sa mga iniisip ko. Naiiyak ako dahil gusto ko akin lang siya. Naiiyak ako kasi nasasaktan ako sa halik ni Selena. Natabunan na siya ng mga lalaking bumati sa kanya. Sinalubong si Selena ng mga kaibigan at pinsan ko para batiin at tingnan ang mga pictures na ginawa namin noong Sabado.

I couldn’t move. I should move, right?

“Klare, shall we go?” Bulong ni Pierre sabay hawak sa braso ko.

Umiling ako. “We’ll stay.” Sabi ko at tatalikuran na sana sina Elijah nang narinig kong umalingawngaw ang boses ni Gwen.

“Happy birthday, Elijah! I missed you so much! Missed me?” Halakhak niya sabay pulupot ng kamay niya sa leeg ni Elijah.

Nanlaki ang mga mata ni Elijah ngunit nakangiti parin siya.

“Of course, Gwen. Nice to see you.” Aniya.

Ngunit hindi kinalas ni Gwen ang kanyang pagkakayakap. Nakita kong nag taas ng kilay si Selena habang kinakausap siya ni Erin.

“It’s been years at sa wakas nagka girlfriend ka na ulit after me. Ang tagal mong naka recover, ah?” Biro ni Gwen bago kinalas ang yakap kay Elijah.

Humalakhak si Elijah at hindi nagkumento.

Mabilis niyang nahanap ang mga mata ko kahit na nasa gitna siya ng pangkat. Tumalikod ako at piniling pumunta na lang sa labas kung nasaan naroon ang mga boys. May naka set up din kasing mga upuan doon.

“Kainan na!” Tumatawang sinabi ni Damon.

Sa labas kami kumain. Hindi masyadong marami ang kinain ko dahil wala akong gana. Ganon rin ata si Pierre sa tabi ko. Sa round table namin ay kasama namin si Claudette, Kuya Silver, Julia, Hannah, at Liza. Sa kabilang table naman ay sina Erin, Chanel, Selena, Damon, Rafael, at Ramon.

Abala si Elijah sa pakikipagtawanan kasama ang ibang mga kaibigan. Naka long sleeve polo siya na tinupi hanggang siko. Kumikinang ang kanyang wrist watch at pormal na pormal tingnan habang kinakausap ang iilang guests niya.

He looks so happy. I’m happy for him. Kaya lang ay hindi ko talaga maalis sa isip ko na wala akong naidulot na maganda sa kanya. Hindi ko alam kung napangisi ko ba talaga siya noon. Puro sakit lang ang dinanas naming dalawa. It will be easier if we just let each other go. Siya para kay Selena at ako naman maghahanap ng ibang walang sabit. That’s the easier way. We are both free to choose. But why are we choosing each other? Mamamatay ako sa konsensya pag ipagpapatuloy ko siya, masasaktan naman siya pag ako ang gugustuhin niya. This is all fucked up.

“Klare, shots? Don’t worry, I’ll keep an eye on you this time.” Ani Pierre sa akin habang binibigyan ako ng tequila.

Tumango ako at nilagok ko iyon.

Tinatawag na ako ni Erin sa kanilang table. Naroon na rin si Eion sa tabi niya. Gusto nilang nasa iisang table lang kami para mag usap usap. Kanina pa kasi ako umaayaw sa mga offer nila.

Nakatutok silang lahat kay Elijah na ngayon ay nasa table naman nina Gwen.

“Chill, Selena. Ex is ex.” Ani Erin.

“Sana lang ay hindi ganyan ka grabe maka chansing ang ex niya.” Dinig kong sabi ni Selena habang tinitingnan si Elijah at Gwen na nagpapapicture.

Nakapulupot ang braso ni Gwen sa leeg ni Elijah habang nag papapicture.

“She looks drunk. Let it go.” Ani Chanel.

“Still, Chanel.” Ani Selena. “She’s crossing the line.”

Umiinom si Selena ng beer nang bigla siyang nasamid. Dinaluhan siya nina Erin. Alam ko kung bakit siya nasamid. Mas lalo pa kasing inilapit ni Gwen ang katawan ni Elijah sa kanya habang nag pipicture.

“Pierre, bathroom break lang.” Sabi ko.

“You okay? You drunk?” Mabilis niyang mga tanong.

Umiling ako. “That’s just one shot, Pierre. I need to pee.”

Isang beses ko pang pinasadahan ng tingin sina Erin at Selena. Patuloy sila sa pag uusap tungkol kay Gwen. Napatingin ako kay Elijah na ngayon ay nasa table na ng iilang mga kaibigan niya. Nandoon siya pero nakatingin siya sa akin.

Ugh! I need to go. Mabilis ang lakad ko pabalik ng kanilang bahay. Kumalabog ang puso ko. Damn right, Klare! Ganon ganon lang talaga? Pagkatapos ng iilang ‘kasalanan’ niya ay marunong paring kumalabog ang puso mo? Nasaktan ako nang hinalikan siya ni Selena, medyo nasaktan ako nang nakita kong close na close sila ni Gwen, pero pagkatapos ng lahat ng tabang na nararamdaman ko ay titig niya pa lang, kumakalampag na naman ang puso ko. This is how it works for Elijah. God!

Half running na ako patungo sa abandonadong kitchen. Lahat ng tao ay nag iinuman o kumakain sa labas kaya wala nang tao sa kanilang kitchen.

Nag wala ang mga demonyong nang aakit sa akin nang naramdaman ko ang init ng kamay ni Elijah sa braso ko. Alam kong siya agad iyon. Nang naamoy ko ang pabango niya ay alam ko na agad na ganito ang gagawin niya.

“What’s your gift for me?” Natatawa siya nang tinanong niya ako nito.

Hindi ko naman maitago ang galit sa mukha ko nang tiningnan ko siya pabalik. “I don’t have one.”

Pinagmasdan niya akong mabuti. Damn, I’m gonna pee in my pants if he’ll continue this staring shit!

Tinikom niya ang bibig niya habang tinitingnan parin ako. Pinagpapawisan na ako ng malalamig sa kanyang pagtitig. We need to stop this. Kahit na gustong gusto ko. Kahit na nakikiliti ako ng mga demonyo sa tiyan ko. We need to stop. May girlfriend siya. Well, hindi niya tunay na girlfriend pero iyon ang tingin ng mga tao sa kanilang dalawa. We should stay friends until everthings good.

“Sorry.” Aniya. “I’ve been an ass again today.” Pumungay ang mga mata niya.

Buti alam mo. But I’m not going to say that. I’ll just stare back.

“Can you greet me, please?” Aniya.

Kumalabog ang leche kong puso. Will this ever end? Magsasawa ba ang puso ko sa pagkakanda ugaga sa kanya? Hindi ko alam. I don’t even want to bet.

“Nag greet na ako. Kumanta ako kanina.” I said.

Tumikhim siya at pumikit ng sandali.

“I want to hear it.” Aniya.

So help me God. Dahil wala akong regalo ay kailangan ko ‘tong gawin. Hindi naman sa sobrang hirap nitong gawin, pero sobrang hirap nitong gawin habang naghuhuramentado ang puso mo.

“Happy birthday, Elijah.” Sabi ko ng mabilisan.

“I wanna kiss you.” Aniya.

Dammit! Dammit! Dammit! Ginalaw ko ang aking braso para makawala sa kanyang kamay. Bakit niya sinasabi ‘yan? Nagulat siya sa ginawa ko at mabilis kong nakita ang takot sa kanyang mukha.

“I-I’m sorry. Alam kong hindi pwede. Sinabi ko lang ang nasa isip ko.” He stuttered.

Tumango ako at nag iwas ng tingin sa kanya.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: