Until He Returned – Kabanata 18

Kabanata 18

I Can’t

Pumasok ako sa loob ng bahay nina Elijah. Naaninag ko kaagad si Erin, Claudette, Chanel, at Selena sa sala na may tinitingnang mukhang mga magazine at picture.

“Sorry, I’m late.” Sabi ko.

Nagkalat ang iilang pictures ni Elijah noong high school, grade school, at mga pictures niya doon sa New York. Mabilis na nag iwas ng tingin si Selena sa akin habang tinitingnan niya isa-isa ang mga larawan ni Elijah.

“Upo ka, Klare.” Sabay tapik ni Claudette sa sofang nasa tabi niya.

Abala sila sa pagtatagpi tagpi ng mga pictures ni Elijah simula pa nong bata pa siya hanggang ngayon. Napansin ko rin ang isang linya ng pictures sa mga kamay ni Selena na silang dalawa lang ni Elijah. Umupo ako sa tabi ni Claudette at pinagmasdan isa-isa ang nakalatag na pictures ni Elijah at Selena.

Unang picture ay group picture. Si Elijah ay nasa gitna at may dalawang tao pa bago si Selena sa loob ng bar. May dala-dala silang mga alak at malalaki ang ngisi nila. Sa sumunod na picture ay si Elijah sa background habang nag li-lift ng kung ano sa gym, habang si Selena ay nakangiting nag si-selfie. Sa sumunod pang picture ay silang dalawa na may kasamang malaking roasted turkey, siguro sa Thanksgiving. May isa pang nasa isang beach sila. Naka board shorts si Elijah at si Selena naman ay naka bikini.

Siniko ako ni Claudette. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kumunot ang noo niya sa akin at para bang may sinisenyas na hindi maganda ang ginagawa kong panonood.

“Klare, tulungan mo na lang ako dito sa high school pictures ni Elijah.” Aniya at binigyan ako ng mga pictures. “Paki hanap ‘yong mga high school pics niya.”

Tumango ako at nagsimula sa gagawin. Hindi ko parin mabitiwan ang pagsulyap sa mga pictures ni Elijah. They started out as friends. Makikita mo iyon sa mga pictures nila. Elijah did try to move on. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap sa sitwasyon namin. Siya na tinulak ko palayo o ako na nagtulak sa kanya palayo. Kung may iba man siyang nagustuhan pagkatapos ko ay hindi ko siya masisisi. But… I can’t hide the pain.

“Ito yata ang first time na masosorpresa si Elijah sa birthday niya. That’s what I know.” Ngumisi si Selena.

Nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga picture niya nong highschool. Sa bawat larawan ay tumitigil ako para matingnan kong mabuti.

“Oo, e. Lagi kasi siyang may bonggang birthday noong mga bata pa kami. Hindi namin siya na sosorpresa dahil laging planado.” Ani Chanel.

“Kaya nga. I want him to remember this day. ‘Yong espesyal ito para sa kanya. Ito ang una. Hindi ito mabubura sa kanyang isipan.” Inspiradong nakangiti si Selena.

Kumirot ang puso ko habang tinitingnan siya. Selena loved Elijah deeply. At nagsisimula na ring mahalin ni Elijah si Selena pabalik. Kung sana ay hindi na lang muna siniwalat sa kanya ang katotohanan sa nangyari sa akin. Kung sana ay pinatagal pa. Kung sana ay hinintay pa ang pag ugat ng kanilang mga damdamin. Kung sana ay wala ako, hindi na sana mahihirapan pa ang dalawa. Hindi na sana mahirap ang lahat.

“Anong mga regalo niyo?” Tanong ni Erin sabay ngisi.

Lumaki lalo ang ngisi ni Selena. Umiling si Claudette habang seryosong nakatingin sa mga pictures sa harap namin.

“Akin ay gym bag. Kahit marami na siyang ganon. Wala kasi akong maisip.” Nguso ni Chanel.

“Perfume lang nga yong akin!” Simangot ni Erin na ngayon ay nakatingin kay Claudette.

“Mines… uh, aviators.” Ani Claudette.

Napatingin si Selena sa akin. Nag kunwari akong nagbibilang ng mga larawang na segregate ko na. “Ikaw, Klare, anong sayo?”

Nag angat ako ng tingin kay Erin na ngayon ay tumigil sa ginagawa niya para hintayin ang sagot ko. Alam na alam ko kung para saan ang titig niya. Kilalang kilala ko na siya. Alam ko rin kung bakit hanggang ngayon ay ayaw niya parin sa aming dalawa ni Elijah. I’m their cousin. Kahit na hindi kami magkadugo ay lumaki parin kami sa paniniwalang iyon. Kahit anong tulak ko sa ideyang incest, para sa kanya o kanila, hindi na iyon mawawala. I understand them too much. I wish I didn’t understand…

“W-Wala. Uh… Di ko kasi alam anong ibibigay ko.” I said awkwardly.

Tumangi si Selena. “You might want to give him a tee shirt.”

“Uh, okay. I’ll see. Tingnan ko bukas kung makakabili ako.” Hindi parin ako makatingin sa kanila.

Pagkatapos naming ikabit ang mga pictures sa mga sinulid ay hinayaan ko na sila sa mga plano nila. Mukhang alam na alam na nila kung ano ang gagawin nila. Nilagay nila ang mga ginawa namin sa isang malaking box habang nag meryenda kami.

“Anong oras ba ang balik ng mga boys?” Tanong ni Erin.

“Isang oras na lang.” Sabi ni Selena. “Dapat ay umalis na kayo bago pa sila makabalik. Elijah will find it weird.”

Tumango si Erin. “Kilalang kilala mo na talaga siya, ano?”

“Of course. We’ve been friends, Erin. Kilalang kilala ko siya. That’s why I’m in love with him.”

May kung anong kumukurot sa puso ko. Dapat ay wala ako dito. Dapat ay wala ako sa larawan ng dalawa. Dapat ay walang Klare sa Elijah at Selena. I’m the wrong part.

“May kinabit ka atang medyo di magandang picture sa highschool ni Elijah, Clau. Tanggalin mo na lang ‘yan.” Ani Erin.

Nilingon ko ang sinulid ni Claudette at nakita ko doon ‘yong picture ni Elijah na kasama ako at ang isang batang bungal na si Charles. Iyon ang tinuturo ni Erin sa sinabi niya.

“This is a good picture, Erin.” Ani Claudette.

“Palitan mo na lang ng group picture. O ‘yong prom picture ni Elijah. Wag yan.” Sabi ni Erin.

Kinagat ko ang labi ko. Kitang kita ko ang pag ngiwi ni Claudette sa kay Erin.

“Erin, come on… This is a good picture. Ito lang yata ang picture ni Klare aside don sa picture natin sa Camiguin na puro group picture naman!” Medyo tumaas ang tono ng boses ni Claudette.

Nanlaki ang mga mata ni Erin. “This is not about who’s the closest to Elijah, Clau! Ang mga picture na ito ay ‘yong mga taong nakapaligid sa kanya. Tayo ang nakapaligid sa kanya!”

“Si Klare ba, hindi nakapaligid sa kanya? Si Charles, hindi?” Sarkastikong sinabi ni Claudette na siyang nakapagpatayo kay Chanel para pigilan si Erin sa paglapit kay Clau.

“Chill, Erin. Claudette is right. Okay lang yan.” Sabi ni Chanel.

“No, ate! Alam kong okay lang yan! Alam ko! Pero mas okay kung ‘yong group picture natin sa prom night!” Paliwanag ni Erin.

Umirap si Claudette at humalukipkip. Hindi ako sanay na kinakalaban niya si Erin. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba ito para sa akin o dahil ba pinaghirapan niyang pagtagpiin iyon at ipapabago lang ni Erin ang lahat.

“I guess… Erin’s right! Mas maganda kung kayong lahat, Chanel. Magpipinsan kayong lahat. Mas maganda kung picture niyong lahat.” Tumango si Selena.

Tinikom kong mabuti ang bibig ko. I get what’s she’s saying, though. Mas maganda nga kung kaming lahat ang nasa picture pero anong masama kung may isang picture na kaming tatlo ni Elijah lang muna? Tutal ay may picture din naman doong sila ni Claudette at Azi?

Tumango ako at tinanggal agad ang picture namin ni Elijah. Nilagyan ko ng glue ang group picture namin nong prom at dinikit ko doon sa pinagkuhanan ko nang picture namin ni Elijah.

“Klare!” Ani Claudette.

“It’s okay, Clau. It doesn’t matter.” Ngumiti ako kahit na medyo nasaktan ako sa pagtatalo nila.

“See? It looks better, Dette.” Ngisi ni Selena sabay kindat sa akin.

Ngumisi rin ako pabalik sa kanya.

Pakiramdam ko ay naglalaro lang ako dito. Pakiramdam ko ay niloloko ko silang lahat. Bumalik na rin sa dati ang lahat. Nakalimutan na iyong pagtatalo kanina ngunit hindi parin maalis sa utak ko.

“So, kita kita na lang tayo dito sa Lunes ng mga alas singko. Alas sais ang dating nina Elijah at Selena. Nakahanda na ang lahat that time. May pagkain na at kung anu ano pa.” Ani Erin.

“Sinong mga kasali?” Tanong ni Chanel.

“‘Yong mga friends natin. Magtetext lang ako sa kanila bukas. Maghihitay tayong lahat sa living room at kakantahan natin si Elijah pagkapasok nila dito.” Ani Erin.

Tumango ako at tumayo. Papatapos na kami at naisipan kong pumunta muna sa CR nila bago ako umalis. Makikisakay lang ako kina Chanel at siguro ay magpapadrop na lang ako sa gate ng village namin.

Pagkatapos kong gumamit ng CR sa kanilang kitchen ay naabutan ko si Selena na umiinom ng kung ano sa counter. Nakatingin siya sa kawalan habang nilalagok ang kulay brown na mukhang whiskey. Sinuklay niya ang kanyang buhok ng kanyang daliri bago ako nilingon. Ngumisi siya sa akin at kinabahan ako.

Lalagpasan ko na sana siya para dumiretso na sa sala ngunit nagsalita siya.

“Klare…” Hinga niya.

Tumango ako at ngumisi sa kanya. Nagdasal ako na sana ay huwag niya nang dugtungan ang tawag niya sa akin ngunit hindi ako dininig ng langit.

Tiningnan niya ang shotglass at humilig siya sa counter para harapin ako. “Gusto talaga kitang makausap. ‘Yong tayong dalawa lang.” Aniya.

Lumunok ako. “Okay. Anong pag uusapan natin?”

Kinalma ko ang sarili ko at hinarap siya. Pinilit kong ngumiti pero bigo ang mga subok ko.

“Alam ko ang tungkol sa inyo ni Elijah noon.” Aniya.

Gusto kong masurpresa pero naunahan na siya ni Elijah sa pagsasabi non. Alam ko kung ano ang mga alam niya. Ang hindi ko alam ay kung hanggang saan ang alam niya. Kung naintindihan niya ba ang ginawa ko o naintindihan niya desisyon ko.

Tumango ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nag hintay ako ng dugtong niya.

“Pinagkakatiwalaan niya ako sa lahat ng mga sekreto niya.”

Now, I wonder if he also told her about what happened that night? Iyong gabi sa tulay? Sinabi ba ni Elijah sa kanya na alam ko na ang tungkol sa kanilang dalawa? Or was that secret just between us. I’m not proud of that secret, though. I’m being unfair to Selena. Wala naman siyang ginawa kundi mahalin si Elijah. Elijah is truly an asshole. Nasaktan niya na ang matalik kong kaibigang si Hannah noon, hindi na ako magugulat kung pati si Selena ay masaktan niya.

“I want you to know na alam ko ang tungkol sa inyo. Ayokong mag isip ka na wala akong alam. Gusto kong malaman mo na alam ko dahil seryoso siya sa akin.” Nabasag ang boses niya. “We started out as friends… Natanggap ko siya bilang siya. Tinanggap niya rin ako bilang ako. We… love each other.”

Nag iwas ako ng tingin kay Selena. Now, I don’t know who to believe.

“I know. Good for you two.” Ngumisi ako.

Ngumisi siya. “Tanggap na tanggap ako ng mommy at daddy niya nong nasa New York pa kami.” Medyo kumalma siya sa sinabi ko. “I’ve never been this happy, Klare. Ngayon naintindihan ko na kung bakit minahal mo siya kahit bawal kayong dalawa.”

Nangilid ang luha sa aking mga mata. I wanted to shout at her! Liar! Hindi ko alam kung bakit nag alab ang galit sa aking puso. I need to calm down! I need to calm the f down! I’m just bitter. You’re just bitter, Klare! Gusto kong sabihin sa kanya na sinabi ni Elijah sa akin na matagal na silang wala! Sinabi ni Elijah sa akin na pinilit siya ni Selena. Sinabi ni Elijah sa akin na kinailangan niya si Selena para lang makauwi sa akin! But then I thought maybe she’s desperate. I’m desperate too!

“Alam ko…” Iyon lang ang tangi kong nasabi.

Nilapag niya ang shot glass. Mainit ang pisngi ko sa pagpipigil ko ng luha. Ngumisi si Selena at humalukipkip.

“Kung sakali bang nalaman mo noon na anak ka sa labas at hindi ka tunay na Montefalco, itutulak mo pa ba siya palayo?” Nakangiti siya nang tinanong niya ako nito.

Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko at nag angat ako ng tingin sa kanya.

“No.” Iling ko.

Nanlaki ang mga mata niya at nawala ang kanyang ngiti. Kinalas niya rin ang kanyang paghalukipkip.

“Kung nalaman ko ‘yon ng mas maaga, hindi ko siya itutulak palayo. Not because I think we can be together, but because I depend on him.” Nabasag ang boses ko. “Hindi ko kinaya ang katotohanan sa pagkatao ko. You wouldn’t understand because you’re not me. Hindi mo alam kung ano yong pakiramdam na ang inakala mong pamilya ay hindi mo pala totoong pamilya. I will need him so much. I needed him so much.”

Nakaawang ang kanyang bibig habang pinapanood akong sinasabi iyon. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Lumandas din ang luha sa kanyang pisngi na agad niyang pinunasan. “Why didn’t you call him, then? Bakit di mo siya hinanap? You didn’t love him enough, Klare. Binasura mo lang siya noon, diba?”

“Dahil nakapag desisyon na ako. Naitulak ko na siya palayo. At wala na akong lakas pang pabalikin siya nang nalaman ko ang katotohanan. I was devastated-“

“Excuses!” Aniya. “You didn’t love him enough! Hindi mo siya ganon ka mahal para ipaglaban siya!”

Nanlaki ang mga mata ko sa sigaw niya. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa usapan na ito pero hindi ko na talaga ata mapipigilan.

“I love him enough to let him go.” Sabi ko.

Ngumisi siya at pinunasan niya ang kanyang mga mata. “Kung ganon, kaya mo ba siyang pakawalan ngayon? Pakawalan para pumunta na siya sa akin? You love him, right? You love him enough to let him go? Now… let him go!” Aniya.

Nalaglag ang panga ko. This is how she’s gonna play this game.

Lumunok ako at inayos ko ang sarili ko. Inangat ko ang tingin ko para lumebel sa kanyang mga matang pulang pula.

“I can’t.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: