Kabanata 17
In Love
Kinakalma ko ang aking sarili. Ganon din ang ginawa ni Elijah. Humilig siya sa kanyang upuan at pumikit. Humupa na ang kanyang mga luha, ganon rin ako. Hinayaan ko siyang kumalma. Hahayaan ko siya kung kelan niya ako iuuwi sa bahay. Lagpas na ng tatlumpong minuto sa ngayon. Paniguradong nag aalala na ang mga kapatid ko.
“Elijah, can I borrow your phone?” Marahan kong sinabi.
Tumango siya at nilagay niya sa kamay ko ang kanyang cellphone.
Mabuti na lang at saulo ko ang numero ni Pierre at Hendrix. Nag iisip pa ako kung sino ang tatawagan ko sa dalawa. Nang nakapag desisyon akong si Hendrix na lang dahil siya naman ang sinusunod ni Pierre ay agad kong tinype ang kanyang numero.
Nilingon ko si Elijah na ngayon ay nakatingin sa labas at kinakagat ang kanyang labi.
“Hello?” Medyo iritadong tono ni Hendrix. “S-Sino ‘to?”
“Rix, this is Klare.” Sagot ko.
“Klare!” Tumigil siya sandali.
Mas narinig ko ang mga nag uusap usap sa background. Naririnig ko ang boses ni Jack at iba pang mga kaibigan ni Hendrix doon. Mukha atang nagtutulungan sila sa paghahanap sa akin.
“Asan ka? Kaninong numero ito? Are you okay?”
“Rix, pwede magkita na lang tayo sa bahay? Uuwi rin ako. Doon na lang tayo magkita.”
“Sinong kasama mo? Bakit ka umalis?”
Dinig na dinig ko ang pagkakataranta sa boses niya. Pumikit ako at nalamang kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo.
“I’m with Elijah. He’ll take me home soon. Okay?”
Narinig ko ang buntong hininga ni Hendrix sa kabilang linya. Para bang may naintindihan siya sa sinabi ko.
“Okay. Bilisan mo. We’ll go now.” Aniya.
Binaba ko ang cellphone at nilapag ko sa dashboard ng kanyang sasakyan. Tahimik na ulit kaming dalawa. I refuse to say anything. Natatakot akong magkamali sa pagsasalita ko. Natatakot akong dahil sa sobra sobra niyang pagbubukas ng sarili niya sa akin ay konting kalabit ko lang sa kanya, masasaktan ko ulit siya.
“Another minute, Klare. Then we’ll go…” Aniya.
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung gusto ko bang umalis o hindi. Ngunit ayaw kong sabihin iyon sa kanya. Natatakot akong pagnalaman niya iyon ay mas lalo lang lumala ang malala naming sitwasyon.
“I, uh… err…” Nangapa ako ng salita.
Napagtanto kong nakalimutan ko ang dapat kong sabihin. Sinarado ko na lang ang bibig ko at pinisil ko na lang ang mga daliri ko.
“Hindi kita pinipressure. I’m not asking you to say something. I just want you to know.” Aniya. “Don’t worry.”
Tinanong niya ako kung in love pa ba ako sa kanya kanina. Hindi ba iyon tanong? Or maybe he’s trying to make me comfortable with the silence. Gusto niyang malaman pero ayaw niyang nangangapa ako ng salita habang ganito kaming dalawa.
Suminghap pa siya bago tahimik na pinaandar ang makina ng sasakyan. Pinihit niya ito at pinaandar patungo sa tulay.
“Saan nga ang bahay niyo, Klare? Hillsborough?” Tanong niya.
“Oo.” Sagot ko habang pinagmamasdan siyang nag dadrive.
Hinayaan niya akong pagmasdan siya sa gitna ng gabi. I missed him so damn much. Takot na takot akong mawala siya sa akin ulit. He loved me back, still. Nandito si Selena para lang pagtakpan na mahal niya na ako. It’s all a mess. Hindi tama iyon. Dapat ay pinakawalan niya na lang si Selena para hindi na ito masaktan. His decisions were all wrong. Ngayon mas dumami na ang mga taong masasagasaan naming dalawa para lang mangyari kami.
“You’re right. Selena is a nice girl.” Sinabi ko nang napagtanto ang katotohanang iyon.
Hindi siya nagsalita. Tumingin ako sa malawak na high way. Wala na masyadong mga sasakyan dahil madaling araw na.
“She truly loves you, Elijah.”
Dahil kung hindi niya mahal si Elijah, bakit pa siya sumama at nagbaka sakali? Dapat ay iniwan niya na lang si Elijah. She did not deserve him. He’s too much of an ass to her. Pinili niyang manatili sa tabi ni Elijah kahit walang kasiguraduhan ang lahat. I’ll give her that.
“She sacrificed a lot-“
“Klare, this isn’t your farewell speech to me, is it?” Malamig niyang sinabi.
“No. I’m just thinking aloud.” Sinabi ko.
Hindi na siya ulit nagsalita. Habang papalapit kami nang papalapit sa Hillsborough Pointe ay mas lalo niyang binagalan ang kanyang pagtakbo. I know, Elijah. If only I can ask you to stop para lang magkasama muna tayo.
These feelings are scary. I’m so scared to even cross the line. I’m scared to touch the world that shouldn’t belong to me.
“Saan ba?” Tanong niya nang nalagpasan na namin ang guard house.
“Diretso lang tapos left.” Sabi ko.
Sinunod niya ang sinabi ko. Nang lumiko kami sa aming street ay nakita ko agad ang sasakyan namin. Hindi pa nila ito pinapasok sa garahe. Naroon din sa labas ang dalawang body guard na nakatingin sa sasakyan ni Elijah.
“Dito lang.” Sabi ko at mabilis na bumaba.
Lumiwanag ang mukha ng dalawang bodyguard sa harap at nagkatinginan sila. Nakita ko ang tumatakbong si Pierre galing sa loob at si Hendrix na kalmadong humalukipkip. Narinig ko rin ang pagkabog ng pintuan ng driver’s seat. Nilingon ko si Elijah na bumaba rin.
“Hendrix, sorry.” Aniya at nilagpasan ako. “Lasing si Klare nang naabutan ko-“
Tumama agad ang kamao ni Pierre sa mukha ni Elijah. Kumalabog ang puso ko at napasigaw ako sa reaksyon ng kapatid ko.
“Pierre!” Sigaw ko sabay pagitna sa dalawa. Nasa likod ko si Elijah.
Dammit! Ayokong may ganitong sitwasyon. I want them calm but I understand Pierre’s reaction. Kinabahan ang dalawang ito. Malalagot sila kay papa kung wala silang maisagot kung nasaan ako. It was my damn fault! Hindi kay Elijah!
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Elijah sa aking balikat na para bang hinihila niya ako papunta sa kanyang likod.
“Come on, don’t insult me. Ayaw kong pinoprotektahan mo ako.” Bulong niya.
“Are you mad?” Sigaw ko at hinawi ang kamay niya.
Pierre is fuming mad. Kalmado si Hendrix habang may binubulong kay Pierre. Nakita kong medyo dumugo ng kaonti ang mukha ni Elijah dahil sa suntok ni Pierre. Okay. Kahit na mas malaki ang katawan ni Elijah sa kapatid ko, natamaan parin siya ng kanyang kamao tapat sa kanyang mukha.
“Pierre! Calm down!” Sabi ko.
May binubulong si Hendrix sa kanya na mukhang nagpapakalma rin. Mabilis ang hininga niya at matalim na tinitigan si Pierre.
“What are you doing, Elijah?” Mariing sinabi ni Pierre.
“Hey, hey!” Sigaw ni Hendrix nang mabilis na namang tumungo si Pierre sa aming dalawa para manuntok.
Nilagay ni Elijah ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa. He wasn’t going to fight back, I know.
“Pierre!” Sigaw ko at sinalubong ang galit na si Pierre.
“Bakit mo ninanakaw ang kapatid ko?” Umalingawngaw ang kanyang tanong.
Elijah chuckled. Now, I want to punch him straight. That will piss Pierre more, asshole!
Malutong na nagmura si Pierre at umambang itutulak ako kung hindi ako aalis sa harapan niya. “May girlfriend ka! Anong plano mo? Paglaruan ang dalawa? Your ex and your present, huh?”
“Pierre, tingin mo papayag ako? Stop it! We’re just friends! He’s just being nice!” Sabi ko.
“Naabutan ko siyang nasusuka at lasing na lasing kanina.” Seryosong sinabi ni Elijah. “Anong pinainom niyo sa kanya?”
Napatingin ang nanliliit na mata ni Pierre sa akin. “Anong pinainom ni Vaughn sayo?”
“Tequila, Margarita and… Porter.” Sagot ko.
Kumunot ang kanyang noo.
“No, don’t blame Vaughn, Pierre. Ininom ko yon lahat. I got sick so I went to the bathroom and E-Elijah found me there. Tinulungan niya ako, that’s all.” Sabi ko.
Tumikhim si Pierre, tumalikod, at nakapamaywang habang tinitingnan akong mabuti. Nakita kong naglakad si Hendrix patungo kay Elijah.
“Sorry sa suntok ni Pierre, Elijah. Salamat sa paghatid kay Klare. Klare, sana ay tumawag ka ng mas maaga para hindi na kami nag alala.” Lingon ni Hendrix sa akin.
“Sorry. It’s my fault. Elijah offered me his phone kanina pa lang pero hindi ako tumawag. I’m sorry.” Sabi ko.
Mas lalong nanliit ang mga mata ni Pierre sa akin.
They both know that I still have feelings for him. Sana lang ay wag na muna silang manghimasok sa aming dalawa ni Elijah. I’m confused and it’s all a mess again. Noon, nagkahiwalay kaming dalawa dahil sa mga taong nasa paligid namin. Kaya ngayon, gusto ko ‘yong kaming dalawa na lang muna ang mag ayos sa aming mga gusot. Kahit na gustong gusto kong agad-agad na tumakbo sa kanyang mainit na bisig, hindi ko iyon magawa. We still need to heal. Make other people accept. At marami pang iba… The right thing to do right now is to be his friend. Pareho naming ayaw mawala ang isa’t-isa kaya gagawin ko ito. Kung sakali mang malalagpasan ulit namin ang linya, then we’ll find out what’s next for us.
“It’s late. You need to go, Elijah. Matutulog na rin kami.” Sabi ni Hendrix at sumenyas sa mga bodyguard.
Mabilis na pumasok ang driver sa loob ng sasakyan namin at pinarada iyon sa aming garahe. Ang mga bodyguard naman ay pumasok na rin sa bahay.
“Alright. Good night.” Ani Elijah at pinatunog ang kanyang sasakyan.
Naglakad pabalik si Hendrix sa aming bahay. Naglakad din si Pierre pabalik doon ngunit hindi niya ako nilulubayan sa kanyang titig. Matikas na naglakad si Elijah patungo sa sasakyan. Nang humarap siya sa akin para buksan ang kanyang pintuan ay tumitig siya sa akin.
“Klare, come on.” Wika ni Pierre.
“Yeah.” Naglakad ako ngunit ang titig ko ay kay Elijah parin.
Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Pinanood niya akong pumapasok sa aming bahay. Pinanood ko rin siya hanggang sa unti-unting sinarado ng bodyguard ang aming gate. Nagkakarera ang puso ko nang sinarado na ang gate. Dammit! I’m still so in love with him! So in love with him!
“Klare.” Malamig na utas ni Pierre.
Napatalon ako at mabilis na pumihit para pumasok na sa loob ng bahay. Sinundan ako ni Pierre kahit na mabilis ang lakad ko. “I get that you’re still into him… pero may girlfriend siya…”
Pinanood kaming dalawa ni Hendrix. Sinusundan ako ni Pierre. Gusto kong ipaliwanag sa kanila na sa oras na hiwalayan ni Elijah si Selena, maaaring ibalik na ulit siya sa New York at magkakalayo kami. Iyon ang meron sa kanila ni Selena.
“Yes, Pierre. May girlfriend siya. And we are just friends. What’s wrong with friends?” Hinarap ko ang kapatid ko.
Coz I will never be like my mother. I will settle for friendship. Kahit na sabihin na nating wala naman talagang Selena para kay Elijah, ayaw ko paring pumasok sa sitwasyong iyon. Hanggang sa hindi pa sila naghihiwalay, friendship lang ang maibibigay ko kay Elijah. That’s all!
“You know that’s not friendship, Klare. You know that…”
Umiling ako. “Hindi ko gagawin ang pagkakamali ni mommy at papa, Pierre. Don’t worry.” Sabi ko at mabilis na pumasok sa kwarto.
Sa sumunod na araw ay medyo naging masayahin ang turing ni Pierre sa akin. Siguro ay naguilty siya sa nangyari kagabi. Wala naman siyang dapat ika-guilty. Alam ko ang punto niya. Alam ko kung bakit over protective siya. Kaya ko nasabi ang mga sinabi ko kagabi dahil gusto kong malaman niya na alam ko kung ano ang ginagawa ko. Elijah is tempting but I know where I stand.
“What are your plans for today?” aniya habang umiinom ng tsokolate sa aming hapag.
“Pupunta ako kina Elijah. May plano sina Erin at Selena para sa birthday niya this Monday. Tutulong ako.” Mabilis kong sinabi.
“Oh? Ilang taon na siya ngayong Monday?” Tanong niya.
“Twenty two.” Sagot ko.
“Invited ba kami sa birthday niya?”
Ngumisi ako. “Kung hindi mo siya sinuntok kagabi, most probably invited ka.”
Namutla siya sa sinabi ko. Para bang natatakot siyang maalala ko kung ano ‘yong nangyari kagabi. Natatakot siyang mapag usapan ulit namin iyon.
Pinindot ko ang kanyang ilong. “Now you’re stunned!” Humalakhak ulit ako.
“You mad at me?” He stuttered.
“Nope. Alam ko naman ang punto mo. At gusto ko lang rin malaman mo ang punto ko.”
Biglang naging maingay nang narinig ko ang papasok na mga kaibigan nila sa aming bahay. Naunang pumasok si Vaughn na nakalahad agad ang mga braso para sa akin dahil sa pag aalala.
“Ba’t di ka nag text kagabi? Kung hindi sinabi ni Hendrix na kasama mo ang pinsan mo ay siguro patay na ako ngayon sa pag aalala!” Aniya sabay yakap sa akin.
Ngumisi ako at tumingala sa kanya. “I got sick so…”
He frowned. “Kaya nga mas lalo akong nag alala.”
“Dude, pinainom mo kasi ng marami!” Baling ni Pierre sa kanya.
“Well, that’s because you didn’t watche her close enough.” Singit ni Hendrix habang nagbabasa ng dyaryo.
“Pinainom kasi ng Porter ni Jack.” Baling ni Pierre kay Jack.
“You were busy with Cherry, Pierre.” Ani Jack.
“Boys, can you not? Wag nga kayong magsisihan!” Umiling ako. “I’m okay. Hindi ko kailangan ng bantay.” At si Elijah naman ang kasama ko.
Oh dammit! Napainom ako ng tubig sa iniisip ko. Now this is hard.
“She’s a big girl. She can handle herself.” Ani Vaughn.
“Yes. At ikaw ang ipapapatay ni daddy pag bigla siyang nawala?” Nag taas ng kilay si Pierre.
“Ako ang papatay pag nawala siya.” Ani Hendrix sa kalmadong boses habang umiinom ng kape.
Seriously? Now I feel like a caged animal. Ang daming issues pero natatawa na lang ako sa kanila. They’re so overprotective. Imbes na magalit ako ay natatawa na lang ako. Thank God for my brothers!
“Saan ka pupunta? Di ka ba manonood ng game? Semi Finals na.” Ani Vaughn nang nakitang naghahanda ako para sa lakad ko.
Busy silang lahat kaya ang driver ang maghahatid sa akin patungong Xavier Estates sa bahay nina Elijah. Siguro ay ngayon kami magpaplano dahil wala rin sina Elijah para sa semi finals ng tournament.
“Nope. May gagawin kami ng mga pinsan ko. Good luck!” Ngisi ko kay Vaughn.
“Baka matalo kami kasi wala ang good luck charm ko.” Ngiti niya sa akin.
“We’ll probably win. Wala kang distraction.” Singit ni Hendrix.
“What’s wrong with you, Rix?” Tumawa si Vaughn at bumaling kay Hendrix.
Ngumisi si Hendrix at umiling. Hinayaan ko silang mag asaran na lang. Sumama na ako sa driver palabas ng bahay at agad na kaming nagtungo sa Xavier Estates.
Nang pinatigil ko ang sasakyan sa labas ng bahay nina Elijah ay nakatanggap naman ako ng mensahe galing kay Vaughn.
Vaughn:
I’m serious, Klare. Baka matalo kami kasi wala ka.
Napangiti ako. Safe. May bagay na pwede namang madali lang pero bakit sa mahirap ka parin sumusugal? Bakit mas pinipili natin ang mapanganib kesa sa ligtas?
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]