Kabanata 16
Own Me
Nag concentrate ako sa pag ayos sa aking pakiramdam. Kailangan kog mag isip ng magagandang bagay para lang di ako masuka. Kahit na iniisip kong mas mabuting isuka ko na ang lahat ng ito. Tutal ay nasa isang tulay naman kaming wala masyadong tao.
Inangat ni Elijah ang aking baba at pinunasan niya ng tissue ang aking mukha. Napatingin ako sa kanyang mga matang walang pinagbago. Ang makapal niyang eyelashes ay nagbibigay buhay sa expressive niyang mga mata. Tuwing tumitingin ka sa kanya habang nakatitig siya ay pakiramdam mo malulusaw ka.
Hinawi ko ang kamay niya at nag iwas ako ng tingin. Lumakas ang pintig ng aking puso nang narinig ko siyang tumikhim dahil sa ginawa ko.
“Sorry.” Utas ko at kinagat ko ang sarili kong labi. “I’m not comfortable.” Bulong ko.
Yes, I am not. Kumakalabog ng husto ang puso ko kahit maling mali iyon. May girlfriend siya at hindi tama na nandito kaming dalawa. Siguro ay tingin niya magkaibigan parin ang turing niya sa akin ngunit hindi ko magawang isipin na ganon nga. I know that we are crossing the lines of friendship, if there ever was a line in between us.
“You were never comfortable with me.” Malamig niyang sinabi.
Buti alam mo, Elijah. So let’s just go back, okay? Hindi ko iyon masabi sa kanya dahil natatakot akong manginig ang boses ko pag nagsalita ako.
Inisip ko na lang ang cellphone kong nasa loob ng purse ko sa table namin ni Vaughn. Kung tatawagan ako ni Pierre o Hendrix ngayon, walang makakasagot. Kinakabahan tuloy ako kung anong magiging reaksyon ng dalawa.
“Can you call your brothers?” Aniya sabay bigay ulit sa akin ng kanyang cellphone.
Kumunot ang noo ko. “Bakit? Let’s just go back. They’ll worry.”
“Tell them I’ll bring you home in thirty, Klare.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Gusto niyang makasama ako ng trenta minutos pa? Bakit? I don’t understand his need for me. May girlfriend naman siya at bakit imbes na si Selena ang inaatupag niya ay narito siya sa harapan ko para mangidnap. This isn’t fair for me. This isn’t fair for Selena.
Tumikhim ako at binigay ko sa kanya ang kanyang cellphone.
“Elijah, ibalik mo na lang ako sa Lifestyle District.” Sabi ko.
“Just thirty minutes, Klare.” Lumingon siya sa akin.
Nakalagay ang kanyang kamay sa manibela at kagat kagat niya ang kanyang labi habang tinitingnan ako gamit ang bigong mga mata.
Nag igting ang panga ko at medyo nag alab ang galit sa kalooblooban ko. Naiinis ako dahil mukha siyang bigo ngunit unfair naman ang kanyang ginagawa. I need to make him understand. I need him to do what is right. Kailangan niyang makuha na hindi talaga tama ang pagmamahal sa akin dahil may girlfriend siya.
“Elijah, I know you’re an ass, pero hindi ko inakalang ganito ka grabe.” Nag iwas ako ng tingin habang sinusubukang i filter ang mga sasabihin ko sa kanya.
“Trust me, mas malala pa ang kaya kong gawin.” Naghahamon niyang sinabi.
Hindi ko alam kung pareho ba ang ibig naming sabihin. Pareho man o hindi ay ipagpapatuloy ko ang pagsasalita ko.
“What do you really want, Elijah? Anong gusto mong mangyari? Sabihin mo.” Nilingon ko siya.
Nakahalik siya sa kanyang braso. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata at yumuko siya na para bang nagpipigil.
“Klare, I am so jealous…” Nabasag ang boses niya.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya ngunit mas lalo lang atang umusbong ang galit sa damdamin ko. “You can’t say that, Elijah. Paanong nagseselos ka kung may iba ka namang mahal-“
“Selena is a really nice girl, Klare.”
“I know that.” I swear nangatog ako dahil sa galit. I want to slap him hard but I couldn’t. “Hindi mo na kailangang ipangalandakan iyon sa akin, Elijah. You look so good together. You should just get fucking married.”
Mabilis ang hininga ko at nag iwas ako ng tingin sa kanya. Oh shit! I think I lost my grip. I can’t do that! I shouldn’t! It’s wrong!
“But she isn’t you…” Dagdag niya.
Kahit anong sabihin niya, pakiramdam ko hindi huhupa ang galit ko. Paano ko nagustuhan ang isang gagong katulad niya? Hindi ko alam. Siguro ay sadya akong nahumaling sa pag ibig na bawal kaya labis na lang ‘yong naramdaman ko para sa kanya.
“Baby, look at me…” Nanginig ang kanyang boses.
Mabilis din ang kanyang hininga at marahan niyang hinawakan ang baba ko para lingunin siya pero hindi ako nagpadala. Tumingin lang ako sa labas.
“Baby, look at me… please…” Mas lalong nanginig ang kanyang boses dahilan kung bakit parang kinukurot ang puso ko. Why do I cry for this asshole? Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Narinig ko ang pagsinghap niya. Para bang kinakalma niya ang sarili niya. Hindi ko parin siya magawang tingnan. I just want us to go. Walang rason na makakapagpabago sa isip ko.
“Elijah, ibalik mo ako sa Lifestyle District.” Utos kong hindi niya sinunod.
“I’ll take you home, baby. Give me a sec.” Aniya.
Kinagat ko ang labi ko at hindi ko parin siya tiningnan. Tinuon ko ang pansin sa mga pribadong sasakyan na dumadaan sa tulay na ito. Narinig ko ang ilang beses niyang pagsinghap.
“Klare, I tried to move on.” Simula niya.
Halos wala akong marinig. I swear, walang makakapagpabago sa isip ko. I want to cut him off right there. Sigurado naman kasi akong hindi talaga ako susugal dito. I will not be like my mother. Never.
“Hindi ko kaya pero sinubukan ko, alright? Selena was there for me. I lost my faith in love but she made me believe.”
Nalaglag ang panga ko. I think I don’t want to hear this. I don’t want to hear anything.
“Nang tinulak mo ako palayo…”
Oh dammit! Nangilid ang luha ko kahit wala pa naman siyang dinudugtong.
“Pakiramdam ko kahit gaano kita ka mahal, it will never be enough for you. You will never choose me-“
“How will I choose you, Elijah? Sa gitna ‘yon ng ating pamilya. Can you hear yourself? You made me choose with only two options! You or our family! Mag pinsan tayong dalawa at alam ko kung bakit ganon na lang ang galit ng pamilya natin sa atin. I perfectly understood everything.” Bumaling ako sa kanya.
Kuminang ang kanyang mga mata sa nagbabadyang mga luha. Matapang ko siyang tinitigan ng diretso. I was to blame but I didn’t want him to blame me. Stupid, isn’t it? Alam kong kasalanan ko kung bakit siya nawala sa akin. At nang bumalik siya, wala akong ginawa kundi lumayo at subukang mamuhay ng hindi siya inaabala. I tried my best pero hindi ko nagagawa. Ganun pa man ay hindi ko parin pinilit ang sarili ko sa kanya. I know my place and my place isn’t with him.
“I know, baby.” Malambing niyang sinabi.
Fuck that baby thing! Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil nangilid ang luha ko.
“I understand you, too. Kaya nga umalis na lang ako. Dahil alam kong firm ang desisyon mo sa ating dalawa. I know you so well and I admire you for all the decisions you made. I don’t blame you for anything. Alam ko kung bakit hindi ako ang pinili mo, sadyang hindi ko lang matanggap.” Tumikhim siya.
Hindi na ako nagsalita. Natatakot akong may masabi akong mas malala pa sa huling nasabi ko. Hindi ko na rin alam kung bakit pa kami nag uusap ngayon.
“Sa New York, sinubukan kong alisin ka sa sistema ko. All I do is useless, Klare. Kaya sinabi ko sa isang tao ang lahat ng problema ko in the hopes that I will forget. Because there’s no other way but to forget. Your choice was absolute.”
Hindi ako nagsalita. Isa lang ang naintinidhan ko, may sinabihan siya tungkol sa problema naming dalawa at tingin ko kilala ko kung sino iyon. It’s Selena, right?
“She was there for me everytime I needed company. It’s fun to be around her, Klare.”
Hindi ko alam kung gaano sinasaksak ang puso ko habang naririnig ko siyang sinasabi ito. Pinaawang ko na ang bibig ko para mailabas ko ang hangin na nagbabara sa lalamunan ko. Isang kalabit na lang ay tutulo na ang mga luha ko. Kitang kita ko ang titig niya sa gilid ng aking mga mata. Tulala ako sa harap at hindi ko siya matingnan.
“I like her.”
Tumulo ang luha ko at pinunasan ko ang pisngi ko. I don’t care if you see me crying. Bahala na ito. Tumango ako at hindi parin siya nililingon.
“Four months ago, I thought I should just settle for the second best. Dahil kahit anong gawin ko ay hindi tayo pwede. At alam kong hindi kita makukumbinsi na piliin mo ako. I didn’t need to settle, Klare. Pwede namang wala akong tanggapin na ibang babae, diba? But I refuse to be miserable. I want to forget. I want to forget you!” Tumaas ang tono ng kanyang boses.
Nakakabinging katahimikan ang bumaling sa aming dalawa. He liked Selena. Iyon ang totoo. Pumikit ako at huminga ng malalim.
“Akala ko nakalimutan na kita.” Aniya.
Nakapikit parin ako na para bang tinatanggap ko lahat ng sinasabi niya. I can feel his frustration. Sa bawat salita at tikhim niya ay nararamdaman ko ang pagkabigo niya.
“Nang nalaman kong anak ka sa labas ng mommy mo isang buwan ang nakalipas, Klare. Nag desisyon akong umalis ng New York to comfort you. I forgot that I found Selena. Nakalimutan ko lahat ng nangyari sa loob ng dalawang taon. All I can see is your pain. Nabulag ako sa pagmamahal ko sayo. Ulit. Damn, baby, I couldn’t forget you.” Aniya. “I broke up with Selena.”
Napatingin ako sa kanya. Umiling siya sa akin.
“Ngunit sinabi niya sa akin na nakalimutan na kita. Alam niyang nakalimutan na kita. Tutulungan niya akong kalimutan ka ulit. I was out, Klare. I know exactly that I belong to you and only you. Ngunit nang nalaman kong sinabi lang iyon ng mommy at daddy ko dahil sa akin dahil alam nilang may iba na akong mahal, napagtanto kong hindi nila ako papauwiin ng Pilipinas na mag isa! They thought I’m completely over you, Klare. Kaya nandito si Selena. Because I want to be here for you na walang nagdududa na may ginagawa ulit akong pagkakamali.” Pumikit siya.
Nalaglag ang panga ko sa mga katotohanang bumuhos sa akin. Umiling ako kay Elijah at nakita ko ang pagmamakaawa sa kanyang mga mata.
“Elijah, that’s so wrong.” Sabi ko nang nanginginig ang boses.
“I know…” Sabi niya at dahan dahang nilalapit sa akin ang kanyang kamay.
“Elijah, nasasaktan mo si Selena…”
“I know, baby…”
Hinawakan niya ang braso ko ng marahan. Tumindig ang mga balahibo ko at agad kong hinawi ang kamay niya. Pumungay ang kanyang mga mata at ramdam ko ang takot niya.
“Elijah, you’re doing everything wrong again. Everything is so wrong again.” Sabi ko.
“Alam ko. Just… just don’t stay away from me. Kahit na magkaibigan lang muna tayo. Kahit na ano, Klare. Just don’t stay away…” Mariin niyang sinabi.
Umiling ako at nanlaki ang mga mata niya.
“I will fuck things up. I will fail you everytime. Mabibigo kita sa mga desisyon ko at natatakot akong mawala kita dahil sa pagmamahal ko sayo.” Aniya at kinuha niya ang kamay ko.
Sinubukan kong pumiglas ngunit pinagsalikop niya na ang mga daliri namin. Pumikit siya at tumikhim na para bang nabunutan siya ng tinik dahil sa ginawa niyang galaw.
“If you’re falling for Vaughn, I want to be there… Kahit kaibigan, Klare. Please, baby, kahit kaibigan.” Nabasag ang boses niya at narinig ko ang paghikbi niya.
Kinurot ang puso ko sa bawat luhang lumandas sa mga mata niya.
“Klare, kahit kaibigan lang. Kahit na ano, Klare.” Aniya.
Nanginig ang kanyang balikat at mabilis siyang humilig sa dibdib ko.
“Please, tell me, Klare that you’ll take me again. Please, Klare. Hindi na kita pinsan. Wala na akong pinanghahawakan. And I’m so damn scared that I’ll lose you. I promise… I’ll try my best to not get jealous everytime. I promise I’ll try to keep it to myself, baby. I’ll try everything. Just…”
Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa pagiyak. Hinawakan ko ang likod niya habang umiiyak siya sa aking hita. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako ngunit nasasaktan rin. I should stop feeling good about this situation because it’s wrong. Mali na ginawa niya iyon. Mali na may ginamit siyang tao. Maling mali na nagkasakitan kaming dalawa.
“Bakit di mo agad sinabi ‘to sa akin, Elijah? You look so inlove with her. Tuwing nakikita ko kayong dalawa, wala akong maisip kundi kung gaano niyo ka mahal ang isa’t-isa. Bakit ngayon lang?”
Bumuntong hininga siya at umayos sa pagkakaupo. Hinilig niya ang kanyang ulo sa kanyang upuan at pumikit. Ilang sandali pa bago siya kumalma ng tuluyan.
“Kailangan kong palabasin iyon, Klare. Sa oras na malaman ng mga parents ko at parents nating hiniwalayan ko si Selena nang dumating ako dito, they would now about my feelings. And I’m freaking scared they’ll get in the way again.”
Kinagat ko ang labi ko.
“You’re too selfish, Elijah. Your decisions are too selfish.” Sabi ko.
Bumaling siya sa akin. “I know. And I’m so in love with someone so selfless like you.”
Lumapit siya sa akin. Bahagya akong nag iwas ng tingin. Kumalabog ang puso ko nang naamoy ko ang bango ng kanyang katawan. Naramdaman ko rin ang init ng kanyang hininga. Hinilig niya ang kanyang noo sa aking leeg. Dammit, Klare! Just dammit! I missed him so much! I miss him so freaking much. At natatakot akong kayang kaya ko nang baliin ang bawat desisyong nagawa ko noon. Natatakot ako sa bigat ng pag ibig ko para sa kanya. Natatakot ako ng sobra sobra para sa aming dalawa.
“Please tell me you’re still in love with me, Klare.” Bulong niya.
Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ko ang pagsasalita. Kumalabog ang puso ko. Baka alam niya na kung ano ang nararamdaman ko. Alam kong naririnig niya ang kalabog ng puso ko ngayon.
“Please be selfish with me, baby. I want you to be selfish with me. I want you to own me.” Bulong niya.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]