Kabanata 15
Start A War
Bumagabag sa akin ang lahat ng sinabi ko kay Elijah. Mabuti na lang at dahil sa pamamalagi ko sa Hillsborough Pointe, medyo distracted ako. Nag aayos ako ngayon para sa party na sinabi ni Vaughn. Kasama nga sina Pierre at Hendrix doon at ayaw nila sana akong sumama kaso hindi na nila ako napigilan.
“Ready?” Pumasok si Pierre sa kwarto ko habang sinusuklay ko ang medyo mahaba kong buhok. Dapat ay magpagupit na ako.
“Yup.” Tumango ako at tiningnan ang cellphone kong tumunog dahil sa isang text.
Nagulat ako nang may text si Erin doon.
Erin:
See you tomorrow sa bahay nina Elijah. We’ll plan out the surprise.
Pupunta ako kaya nireplyan ko agad si Erin. Nag angat ako ng tingin sa kay Pierre na nakaupo sa kama ko habang medyo iritadong tinitigan ang kanyang cellphone. Naka dark blue polo shirt siya at faded pants. May ball cap din sa kanyang ulo at mukhang handang handa nang umalis.
“Pierre, anong magandang ibigay para sa isang kaibigan?” Tanong ko.
Nag angat siya ng tingin sa akin. “Hmmm. Para san ba? Birthday? Nothing? Kasal?”
Ngumiti ako. “Birthday. Okay ba ‘yong jewelries?” Napatanong ako.
Naisip ko kasi na halos lahat ng binigay ni Elijah sa akin ay mamahaling alahas. Hindi alahas ang barrette na ibinigay niya ngunit maihahalintulad ko parin ito sa ganon.
“What kind? Earrings?” Tanong niyang nakakunot ang noo.
May hikaw si Elijah. Hindi ako marunong pumili ng hikaw panlalaki. Madalas ay ‘yong maliit ang sinusuot niya kumpara kay Pierre na madalas ay ‘yong maitim na bilog.
“Say… watch-“
“Wait up… Earrings isn’t a good suggestion, by the way. Para kanino ba? Para sa isang babae o isang lalaki?”
Nagulat ako sa kanyang sinabi. “Bakit? Anong meron sa mga hikaw?”
“Is it a boy or a girl, Klare?”
Mas lalo lang akong nagulat nang hindi niya sinagot ng diretso ang tanong ko. Imbes na sagutin ko siya sa kanyang tanong ay mas lalo akong nagtaka kung anong meron sa hikaw.
“Why not earrings, Pierre?”
Tumikhim siya. “Coz it’s bad.”
“Bakit nga bad?” Tanong ko.
“We’ll, I guess it’s okay. Kung babae ang bibigyan mo. Or I mean, ikaw naman ang magbibigay.” Nalilito niyang sinabi.
“Why? What’s with earrings and girls?” Nilingon ko na siya.
Tumayo siya at medyo naging uneasy sa tanong ko sa kanya. Nilagay niya ang kanyang cellphone sa bulsa bago ako sinagot ng seryoso.
“Pag lalaki ang nagbigay ng earrings sa isang babae, that means he wants you…” Nagulat ako nang pumula ang kanyang pisngi.
“Oh? So that means if you want this girl, Pierre, you’ll give her an earring?” Medyo naguguluhan kong tanong.
Mabilis siyang umiling at dumoble ang pagpula ng kanyang pisngi. What’s up with my brother? Pumikit siya habang umiiling parin.
“Want, Klare. You know… want to…” Nagpatuloy siya habang iminimuwestra ang kama. “You know… want to do ‘it’ with you.”
“Wait- What?” Halos natatawa kong sinabi. “Ganon ba iyon?”
Hindi ko alam kung bakit lumalaki ang ngisi ko habang nakikita siyang nahihirapan. Kung isa ito sa mga Montefalco ay siguro kanina pa nasabi ang buong punto. Pero dahil si Pierre ito, at gaya ng sabi ni Claudette, his ideas are primitive, kaya hindi niya ito nasabi agad.
Hindi ko alam na may mga meaning pala ang mga jewelries. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga binigay ni Elijah na barrette at anklet sa akin? And why do I dwell on that thing? I just want to find him a decent gift for his birthday!
“Kaninong birthday ba iyan, Klare?” Tanong ni Pierre sa loob ng sasakyan.
Siya ang nasa front seat habang nag da-drive naman si Hendrix. Humalukipkip ako at nagkabuhol ang itim na chain necklace na sinusuot ko.
“For a friend.” Nag iwas ako ng tingin.
“Is that friend… a former cousin?” Tanong ni Pierre kaya agad akong tumingin sa kanya.
Nakita ko rin ang mga mata ni Hendrix sa rearview mirror. Ngumuso ako at tumango.
“Well, dapat ay hindi mamahalin ang ibigay mo. Just give him a tee shirt, cap, whatever, Klare. Wag yang may mga malisya.” Ani Pierre na para bang kilala na agad kung sino ang bibigyan ko.
Pagkarating namin sa Lifestyle District ay maingay na agad. Nakalatag ang mga billiard tables at mga pingpong tables sa labas at sa loob ng mga bar. Marami akong mga kilala at kinabahan agad ako tuwing naiisip kong maaaring nandito ang mga pinsan ko.
“You look so pretty, Klare!” Tumatawa si Vaughn nang sinalubong ako.
May sumalubong kay Hendrix na isang petite at cute na babae. Si Pierre naman ay dumiretso sa mga nag be-beerpong. Pinadausdos ni Vaughn ang kanyang kamay sa aking baywang. Lilingunin ko sana ang ginawa niya ngunit tinulak niya na ako patungo sa billiards table kung nasaan naroon sina Jack at iilang pamilyar na mukha.
Nginitian ko ang maiingay na nag bibilliards. Pinakilala ako ni Vaughn sa mga Engineering na ka tropa niya. Isang babae lang ang naroon sa kanilang table. Pinanood ko silang nagbiruan at nag iinuman. Nilingon ko si Pierre na ngayon ay nag lalaro ng beer pong habang sa tabi niya naman ay si Cherry. Lumalim ang dimple ni Cherry at hinawi ang maiksing buhok habang binubulungan ng kung ano si Pierre.
“What do you want, beer or shots?” Tanong ni Vaughn.
Nilapit niya ang kanyang mukha para mas marinig ko siya. Umugong kasi ang malakas na trance music galing sa Stereo ng buong lugar.
“Shots.” Sagot ko dahil madalas ay hindi ko maatim ang beer.
Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan sa harap ng kanilang billiard table habang umaalis siya para kumuha ng shots. Pagkaalis niya ay binigyan ako ni Jack ng isang imported na beer. It says ‘Porter’.
“Try it, Klare! Masarap yan!” Kumindat si Jack sa akin bago uminom sa kanyang bote.
Uminom din ako doon at napapikit ako. Hindi ito ang unang pagkakataong uminom ako nito. Parehong si Rafael at Elijah ay mahilig sa mga imported na liquors kaya naman madalas ang iniinom ng mga pinsan ko ay iyong mga tanyag sa ibang bansa.
Luminga linga ako at nakitang kabulungan na ni Hendrix ang petite na babaeng nakita ko kanina. Mahaba ang maitim na buhok ng babaeng ito at kumikinang sa kaputian ang kanyang binti na kitang kita dahil sa suot na skater skirt. Mahilig talaga si Hendrix sa mga petite. As for Pierre, ewan ko. Hindi ko siya madalas makitang pumorma sa mga babae.
Nagkatinginan kami ni Cherry na bahagyang ngumiti sa akin. Unlike Hannah, she’s probably over him. Good for her.
“Hey! Umiinom ka na ng beer, kala ko shots?” Vaughn chuckled.
“Binigay ni Jack.” Kinuha ko sa kamay niya ang nakikita kong margarita at ininom.
Nalaglag ang kanyang panga nang diretso ko itong ininom nang hindi nagugusot ang mukha. Ngayon ko lang napagtanto na ito yata ang unang pagkakataong nakita niya akong uminom. Sa Davao, kuntento na ako sa juice dahil natatakot si Pierre at Hendrix sa sasabihin ni papa pag pinainom nila ako. Hindi rin naman heavy drinker ang dalawa kong kapatid kaya madalas ay maaga kaming umuuwi noon.
Hindi maalis sa mukha ni Vaughn ang gulat pagkatapos kong nilapag ang glass sa mesa. Ngumiti ako sa kanya.
“Umiinom ka?”
“Hindi mo pa ako nakikitang umiinom ng whiskey, Vaughn. I’m not all good.” Tumawa ako.
“Sorry but you’re a saint to me.” Umiling siya.
Umiling din ako. “I’m a Montefalco. Mas malala pa dyan ang kaya kong gawin.”
“Former Montefalco.” He corrected.
Umalis siya para kumuha pa ata ng isa pang shots. Pumalakpak ako nang nakitang nanalo si Jack sa billiards. I can do beer pong, too. Kahit na hindi ako ganon ka galing. I can even play poker dahil walang Montefalco na hindi alam kung paano iyon laruin. But this isn’t the place to brag about that. Natatawa lang talaga ako sa ipinakitang reaksyon ni Vaughn nang ininom ko ang lady’s drink na iyon.
Lumipat kami sa pag bi-beerpong ni Pierre nang naka tatlong shot na ako ng tequila. I guess the Montefalco blood is wearing off, huh? Medyo namanhid ang labi ko sa pag inom ko ng pang apat na shot.
“Go, Pierre!” Sigaw ni Cherry sa malayo habang nag co-concentrate ang kapatid kong i-shoot ang pingpong ball sa mga baso.
Nilingon ko si Cherry na agad napawi ang ngiti. Hindi naman sa nagiging possessive ako sa kapatid ko pero ayaw ko siya para kay Pierre. Narinig ko ang maingay na tawanan ng mesa nina Hendrix. Kasama niya ang kanyang mga kaklase noon at maging iyong petite na babaeng kanina ko pa napapansin.
Mas lalong lumakas ang music habang lumalalim ang gabi. Open space ang party sa Lifestyle District kaya nang tumingala ako ay nakita ko ang mga bituin sa langit. Wala ba talaga ang mga pinsan ko dito? Nagsimula ako sa pag iisip. They wouldn’t miss a big party like this!
“Tingnan mo ‘yong lalaking ‘yon.” Sabay turo ni Vaughn sa lalaking nagsasayaw sa dancefloor kasama ang isang mahiyaing babae. “I think he’s drunk.”
“Yeah. I think the girl’s in trouble.” Dagdag ko habang pinagmamasdan naming dalawa ang mga tao na sumasayaw.
Hindi ko kayang panatilihin ang titig ko sa dancefloor dahil nangati ang kamay ko sa pagtext kay Claudette.
Ako:
Hi, Clau! Nasaan ka? Nasa Lifestyle District ka ba?
Nagulat ako nang mabilis siyang sumagot sa text ko.
Claudette:
Wala. The boys are out for poker. Busy si Erin sa pag tulong kay Selena para sa birthday ni Elijah. For the foods and all. Why? Sumali ka?
Ako:
Yup. I’m with my brothers. Ang dami kasing tao, akala ko nandito kayo.
“Sinong ka text mo?” Tanong ni Vaughn habang dinudungaw ang cellphone ko.
“Pinsan ko.” Sagot ko.
Tumango siya at inabutan ulit ako ng isa pang shot ng tequila. Palagi siyang gulat tuwing inuubos ko ito at sumisipsip ako ng lemon.
“Don’t look at me like that.” Saway ko.
“The other side of Klare Desteen Ty!” Aniya sa natatawang boses.
Isang oras ang nakalipas ay nakaubos ako ng lima pang shot ng tequila hindi kasama doon ang dalawang bote ng Porter na binigay sa akin ni Jack. Mas lalong umugong ang music doon kaya hinila ako ni Vaughn na sumayaw. Pierre’s eyes darted on me.
Tumawa ako kay Vaughn at nakipagsayaw sa kanya sa gitna ng maraming tao. Pumipikit na ako dahil umaalon na ang paningin ko. Hinahayaan ko ang sarili kong sumayaw base sa tono ng music na umaalingawngaw ngayon. Naramdaman ko ang isang kamay ni Vaughn sa aking baywang habang tumatawa. Dumilat ako at tiningnan siya.
“And you dance so well. Is there anything that you can’t do?” Aniya.
“You’re crazy, Vaughn! Everyone can dance!” Sabi ko.
“Hindi lahat magaling.” Aniya habang sinisigawan na ako para marinig ko iyon sa gitna ng umaalingawngaw na trance music.
Masayang kaibigan si Vaughn. Masarap siyang kasama. Ngunit may linya sa aming dalawa na hindi ko alam kung mabubura ba. I want to open my heart to someone else… for someone new. Ngunit ayaw ko rin nang may pinapaasa ako sa feelings kong hindi pa naman buo. Gusto ko lang ng ganito kami, at sana ganito lang rin muna ang gusto ni Vaughn. Natatakot akong magmahal muli, pero mas natatakot akong baka hindi na ako makakapagmahal ulit. Ng iba.
Tumatawa si Vaughn habang sumasayaw sa harapan ko. Nakahawak parin ang kamay niya sa baywang ko at hinayaan ko ito doon. Tumatawa rin ako sa kanya kahit na hindi ko na alam kung anong tinatawa tawa ko. Alam kong nakapasok na talaga ang alak sa sistema ko.
Humawak ako sa kanyang braso nang medyo nayanig ang ulo ko sa pagsasayaw. Damn, this isn’t good!
“Wait lang, Vaughn. Bathroom break lang ako.” Sabi ko sa kay Vaughn na tumigil sa pagsasayaw at tumango.
Mabilis akong naglakad palayo para pumasok sa loob ng Comfort Room ng Lifestyle District. Dumaan pa ako sa iilang mga lalaking naninigarilyo at nag vi-vape kaya mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko. Nasusuka ako ngunit ayaw kong sumuka.
Papasok na ako sa bathroom nang bigla akong nahilo. Halos mapamura ako nang nangatog ang binti ko at hindi ko na masuportahan ang sarili kong timbang.
Dinakma ako ng isang kamay sa braso. Agad kong nilingon ang lalaking nakatayo sa gilid ko. Unfocused ang mga mata ko nong una ngunit nang nakita ko kung sino iyon ay nanlaki ang mga mata ko. There’s no time to look drunk, Klare. We need to sober up coz Elijah’s here.
“What are you doing?” Naririnig ko ang bakas ng galit sa kanyang boses.
“Going out with my brothers?” Nagtaas ako ng kilay.
May kung ano sa tiyan kong gustong lumabas. Pakiramdam ko ay pati ang mga intestines ko ay gustong lumabas. Napahawak ako sa aking bibig. Oh my God! Nasusuka ako! Nanlaki ang mga mata niya at mabilis niya akong kinaladkad palayo doon.
Nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay pinasok niya ako sa isang hindi mataong CR at doon ako nagsuka. Nasa likod ko siya habang ginagawa ko iyon. Masyado na akong distracted sa alcohol sa aking sistema na hindi ko na nagawang mahiya sa kanya. I think I drank too much tequila or beer?
Binigyan niya ako ng tissue na agad kong pinunas sa aking bibig. Doon lang ako medyo nahiya nang bumuti na ang pakiramdam ko. May pumasok na dalawang babae sa loob at napatili nang nakita si Elijah sa gilid ko.
“You done?” Hindi niya ininda ang tili ng mga babae.
Hindi ko na alam kung napatili ba sila dahil may lalaki sa CR o dahil may gwapong lalaki sa CR?
“Yeah…” Pinikit ko ang mga mata ko.
“Let’s go.” Galit niyang sinabi at naglakad palabas ng CR.
Tumili pa ulit ang mga babaeng nasa labas. Sumunod ako kay Elijah nang wala sa sarili. Umiiling lang ako sa mga bulong bulungan ng mga babae. Naka simpleng grey tshirt lang naman siya at itim na pantalon. What’s so good about him? Maybe his looks and his aura?
“Uh, I need to go back.” Sabi ko nang napagtantong patungo siyang parking lot ng Lifestyle District, paalis sa lugar.
“You’re not going back.” He turned to me.
“‘Yong mga kapatid ko, mag aaalala. Tsaka si Vaughn, mag aalala-” Sabi ko.
Napalunok ako nang naramdaman ulit ang pamimilipit sa intestines ko. Hindi pa ako tapos sumuka. Kailangan ko pang sumuka ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
Nag igting ang kanyang panga at mabilis niyang binuksan ang kanyang sasakyan para kumuha ng tissue doon. Hinawi ko ang tissue nang medyo humupa ang nararamdaman sa tiyan ko.
“You’re not going anywhere now.” Aniya at kinaladkad niya ako sa loob ng kanyang sasakyan.
Bago pa ako makagalaw ay nasa gilid ko na siya at pinapaandar niya na ito palayo doon.
“Elijah…” Kinabahan ako at nangapa sa lock ng kanyang pintuan.
Tumikhim siya nang nakaliko na kami paalis ng Lifestyle District.
“Elijah!” Sabay tingin ko sa kanya na ngayon ay diretso ang titig sa kalsada habang kinakagat ang kanyang labi. “Where are you taking me!? Kailangan kong bumalik don! Si Pierre, Si Hendrix-“
“At si Vaughn! Vaughn, fucking Vaughn again! Fucking call Vaughn and tell him you’re with me!” Aniya sabay lagay ng kanyang cellphone sa aking kamay.
Kumalabog ang puso ko. “You’re not going to start a fight with me, Elijah…” Sabi ko.
Kinagat niya ang kanyang labi at tinigil niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng Kauswagan Bridge. Bumaling siya sa akin.
“No. I’m gonna start a war. With anyone who gets in the way.”
Kinilabutan ako sa lamig ng pagkakasabi niya. May bumagsak sa kalooblooban ko. Alam ko… Alam ko kung anong meron dito. Alam na alam ko kung ano ang ibig sabihin niya. At natatakot akong maulit ang lahat ng iyon. I don’t want to go through that pain again.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]