Until He Returned – Kabanata 14

Kabanata 14

You Tell Me

Nag iwas ako ng tingin sa kanya nang napagtanto kong masyado na kaming natagalan sa pagtitig. Nanuot ang sakit sa aking puso nang sinampal sa akin ng sariling pag iisip ang mga katotohanan sa sitwasyong ito. Una, ang ibig niyang sabihin ay ‘yong laro, hindi ang totoong buhay. Pangalawa, may girlfriend siya. Pangatlo, bumibigay na naman ako.

Tumikhim siya para magsalita.

“Is your hairclip new?” At hinanap niya ang aking tingin.

Halos ma estatwa ako sa kinauupuan ko. Hindi naman kami malapit sa isa’t-isa. Nasa kabilang sofa siya. Nakatingin siya sa hairclip sa aking buhok. Hindi ko alam kung paano niya nasabing bago ang hairclip ko gayong suot ko na ito kanina pa.

“Tagal na ‘to.” Sabay hawak ko sa hairclip ko.

I’m not a good liar. Pero siguro ay hinubog na akong ng mahabang panahon ng pagpapanggap at panlilinlang sa sarili ko at sa aking pamilya noong hindi pa umalis si Elijah patungong New York.

“Uh-huh…” Aniya at nilapag ang joystick sa mesa katabi ng aking purse. “Kaya ba ‘yong binigay ko ay nasa loob lang ng bag mo at di mo na sinusuot? Is that new or old? I’m just asking, Klare. Why lie to me?”

Kumalabog ulit ang puso ko. There’s no way I can lie to him. Dapat ay alam ko na ang katotohanang iyan. Kahit ang pinaka madidilim kong sekreto noon ay naramdaman niya.

“Vaughn gave it to me.” Halos hindi ako makahinga.

Lumagapak ang tingin ko sa aking mga daliri. Bakit ako na gi-guilty? Bakit pakiramdam ko ay mali na tumanggap ako ng regalo kay Vaughn? Naiirita ako sa sarili ko at kay Elijah. I blame him for making me feel this way! Paano niya nagagawa iyon? Juggling two girls at once? Kaya niyang kunin ang loob ko habang sila pa ni Selena.

Nag angat ako ng matatalim na tingin sa kanya. He’s making me feel shitty inside. I dislike it!

Tumango siya habang titig na titig sa akin. Mabilis na natunaw ang kaonting galit na namuo sa aking puso. Naka dekwatrong upo siya ngayon habang pinagmamasdan ako. Pumikit ako at sinisi ang sarili sa pagiging mahina pag dating sa kanya.

“Pang ilang date niyo na iyon?” Tanong niya.

I can’t believe he asked me that. “Una.” Seryoso kong sagot.

“I assume you prefer his hairclip than my barrette?” Normal lang ang tono ng boses niya na para bang normal ang pag uusap naming ito.

Well, I guess it’s really normal. Ako lang ang naglalagay ng malisya dito. Ako lang talaga siguro. Wala yata akong karapatang magalit. He meant well. He wants to be my friend. He wants to know the details of the date. Iyon lang ‘yon. Hindi ko na kailangang maghukay pa ng ibang ibig sabihin sa mga salita niya.

“Sinuot niya sakin ‘to kanina.”

Tumango siya at humilig sa mesa para halughugin ang bag ko. Kumunot ang noo ko sa kanyang ginagawa. Nang nakita kong kinuha niya ang barrette sa loob non ay naisipan kong baka bawiin niya ito.

Bumagsak ang puso ko nang naisip na baka ito na ang huling pagkakakita ko sa barrette na ito. Knowing Elijah, he would probably throw it or just lose it. Gusto kong magmakaawa na ibigay na lang niya iyon sa akin at hayaan na lang ako na mag alaga non ngunit naisip ko rin na kung mawawala iyon sa akin ay pwedeng isang hakbang na ito para makalimot.

Sinuri niya ang disenyo ng barrette. Tumayo siya at handa na akong pigilan siya sa pagtapon nito kung saan pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin.

Naka pout siya at kunot ang kanyang noo nang tumayo siya sa harap ko. Tumingala ako dahil hanggang ngayon ay nakaupo parin ako. Pinapanood ko ang kamay niyang inaayos ang barrette at ang mga mata niyang nakatingin sa hairclip sa buhok ko.

“What are you doing?” Tanong ko.

Marahan niyang kinuha ang hairclip sa buhok ko at nilapag niya iyon sa mesa. Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang aking buhok. Halos mapapikit ako sa ilang libong alaala at pakiramdam na naramdaman ko nang ginawa niya iyon. Tumingin siya sa akin habang ginawa niya iyon ng dalawang beses bago nilagay ang barrette sa buhok ko.

Hindi ko na nakayanan. Lumabas na sa bibig ko ang tanong na bumabagabag sa aking utak simula pa kanina. “You said you want us to be friends, Elijah. We’re friends, right?” Just friends, right?

Tumango siya. “Yes. We are friends.”

Napatalon ako nang narinig kong bumukas ang pintuan ng common bathroom namin. Bahagya siyang pumihit at nakita namin ang sumisipol na si Azi. Naka tuwalya siya at nag iwas ng tingin sa aming dalawa.

Napatalon din ako nang narinig kong bumukas ang pintuan ng guestroom at lumabas si Josiah doon. Umatras si Elijah sa kinatatayuan niya at bumalik siya sa pagkakaupo.

“Uy! Left 4 Dead! Laro tayong apat!” Ani Joss at mabilis na ginising si Damon.

Hindi ako makapag concentrate sa laro. Si Elijah at ako, magkaibigan. Iyon lang ang tanging pabalik balik sa utak ko ngayon. That’s all we’ll ever be, probably. I guess I’m okay with that. I guess I’m content with that. Dahil kumpara sa wala ay tatanggap na lang ako basta meron. Kung iyon na lang talaga ang natitira sa aming dalawa ay tatanggapin ko iyon. For whatever reason, naiisip ko paring mahal niya ako. Ang parehong mga galaw niya at pananalita niya ay nagpapahiwatig na may namamagitan parin sa aming dalawa.

“Let’s go, dude! Antok na ako! Fuck! Akala namin di ka na dadating!” Ani Josiah at nakipag high five sa bagong dating na si Rafael.

“Sorry. I told you 12 midnight pa ako, diba? Let’s go?” Ani Rafael at hinintay na tumayo ang mga pinsan ko.

Ngumuso ako at pinatay na ang Xbox habang nagsisitayuan na sila. Saan kaya sila pupunta? Party, maybe? Bumaling ako kay Elijah na ngayon ay may suot ng longsleeve na tinupi hanggang siko habang sinusuot niya ang kanyang relo at tumitingin sakin.

“Wanna come with us, Klare?” Tanong ni Azi nang nakita kong nauna na si Rafael sa paglabas ng bahay.

Sumunod si Damon at si Josiah naman ay inaayos pa ang sintas ng kanyang sneakers.

“Saan ba kayo?” Tanong ko.

“Party, beerpong, and many more?” Humalakhak siya.

“No thanks, Azrael.” Ngumiwi ako.

“Why don’t you ask me, Azi, if I wanna come?” Nagtaas ng kilay si Elijah kay Azi.

“Shit. You’re not staying, dude.”

Nanlaki ang mga mata ko at nag iwas ako ng tingin sa dalawa.

Tumawa si Elijah. “I shouldn’t… talaga…” At nauna na sa paglalakad palabas ng bahay.

Nagpaalam si Azi at Josiah sa akin. Humiga ako sa kama nang maraming iniisip. Friends? Or whatever this is… I’ll be okay. Elijah is fucking up my fucked up system again. Naalala ko iyong mga sinabi niya at pakiramdam ko talaga may namamagitan pa sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay gusto niya akong lumaban. Ngunit paano ako lalaban kung may girlfriend naman siya? Lalaban ba ako kung wala? Magagalit ba ang pamilya namin pag lumaban kaming dalawa? I cannot stand another war. Ayoko ng may magalit pa sa pamilya ko. That means it’s better this way then? To just be friends with him?

Lumipas pa ang ilang araw at medyo nakuha ko na kung paano ilipat ang skateboard patungo sa gutter at pabalik sa kalsada. Hinihingal na ako nang may sasakyang nagpark ulit sa harapan ko. Nakangisi na ako agad nang nakitang sasakyan ito ni Vaughn.

“Hi, miss!” Aniya.

Dinampot ko ang skateboard ko at kumaway sa kanya.

“Nandyan ba sina Pierre at Hendrix?” Tanong niya.

Tumango ako.

“Good. Samahan mo muna ako sa Malunggay Bread Shop, bibili lang ako ng makakain bago pumasok sa inyo.”

“Okay.” Sabi ko at mabilis na binuksan ang kanyang pintuan. “Can I bring this, though?” Sabay pakita ko sa skateboard.

“Yup.”

Mahilig kasi kaming tatlo ni Hendrix at Pierre sa Malunggay Bread Shop. Mahilig silang kumain don at mahilig naman akong mag skate sa parking lot nila. Malapit lang iyon sa bahay, dalawa o tatlong minuto lang ang drive patungo doon. Pero ngayon mukhang aabot ata kami ng limang minuto dahil medyo mabagal ang pag di-drive ni Vaughn.

“Isasama ka ba ng kuya mo sa Friday?” Tanong niya.

“Saan ba?” Kumunot ang noo ko.

“Lifestyle District. May party don, a? Beerpong at billiards, the likes. Dinig kong pupunta silang dalawa.”

Umiling ako. “Hindi nila nasabi, e. Pero kung ako lang ang maiiwan sa bahay, siguro sasama ako.”

“Well, that’s great!” Ngumisi si Vaughn at mabilis na pinatakbo ang sasakyan para mag park sa labas ng Bread Shop.

Pagkalabas namin ay nanghahalina agad ang malawak nilang parking lot. Gusto ko sanang mag skate imbes na pumasok sa loob para samahan si Vaughn. Tatanungin ko na sana siya kung pwede ba pero ngumisi siya at kumindat.

“You wanna stay? Alright, stay and wait for me.” Aniya at dumiretso sa loob ng bread shop.

Malaki ang ngisi ko at nagsimula nang mag skate. Habang ginagawa ko iyon ay naisip kong next week na nga pala ang birthday ni Elijah at wala pa akong naiisip na ireregalo ko sa kanya. Kailangan ko ba siyang regaluhan? At ano naman ang ireregalo ko sa kanya? I should ask Pierre and Hendrix kung ano ang magandang iregalo sa isang lalaki.

Halos mahulog ako sa gutter nang nakita ko ang Trailblazer ni Elijah sa harap ko. Patungo itong parking lot ng bread shop. Tumigil ako sa pags-skate at mabilis na inapakan ang dulo ng skateboard ko para sana damputin na ito ngunit tumigil ang sasakyan sa harapan ko at naaninag ko ang ngiti ni Selena sa front seat.

Lumagpas ang tingin ko sa nakatinging Elijah sa loob ng sasakyan ngunit hinarangan ng ulo ni Selena ang titig ko.

“Hi, Klare! Sinong kasama mo? Pierre or Hendrix?” Tanong ni Selena.

“Uhm… Si… Vaughn.” Sabay turo ko sa sasakyan ni Vaughn.

“Oh!?” Makahulugan siyang ngumisi at tumango.

“He-He’s inside the bread shop. May binili lang at babalik na ulit kami sa bahay.”

Dammit! Kung bakit ba kasi medyo malapit ang Hillsborough at Xavier Estates!

“Ej, park the car. We’ll eat here.” Ani Selena.

Mabilis na pinark ni Elijah ang kanyang chevy sa gilid ng sasakyan ni Vaughn. Kumalabog ang mga pintuan sa paglabas nila. Ngiting ngiti si Selena nang sinalubong ako at mariing hinawakan ang aking braso.

“It’s almost his birthday. Meeting tayo soon. i’ll just text you.” Kumindat siya at nilingon ang nakapamulsang si Elijah.

Naiinggit ako. Naiinggit ako! Do I need to shout that fact? NAIINGGIT AKO! Envy is wrong. The feelings are wrong. I should stop but the urge to stop is just too weak. Kailangan ko pa atang mamatay sa sakit bago ko matigil ang kahibangang ito. Iyon ay kung hindi pa ako namamatay sa sakit.

“Let’s go, Ej.” Sabay hawak ni Selena sa braso ni Elijah.

Bahagyang lumayo si Elijah sa kay Selena at may binulong siya rito. Ngumisi si Selena. Nag igting naman ang panga ni Elijah.

“Ikaw talaga!” Humalakhak si Selena at nagpatuloy sila sa paglalakad habang nakatingin naman ako sa dalawa.

Nakakatulala silang dalawa. Iyong mga kulot sa dulo ng buhok ni Selena habang sumasayaw ito sa kanyang paglalakad ay nakakainggit. Iyong kurba ng kanyang katawan at kung paano niya dalhin ang shorts at ang racerback na suot ay nakakainggit. I guess this is all really toxic for me. Kung hindi ako naiinggit sa taong may girlfriend niya ay kinaiinggitan ko naman ang mga katangian niya. Siguro ay dahil na rin sa alam kong walang hadlang sa kanilang dalawa, alam kong madali lang sa kanila ang mahalin ang isa’t-isa.

Bumuntong hininga ako nang nakitang nilingon ako ni Elijah sa malayo. Nakatingin si Selena sa menu habang siya naman ay titig na titig sa akin.

“Hey!” Ani Vaughn na nakarating na pala galing bread shop.

“Hey…” Bumaling ako sa kanya.

“Nandon pala ‘yong pinsan mo at si Selena. Ganon ba talaga ‘yong pinsan mo?”

Nagtaas ako ng kilay. “Bakit?”

“Dinadala niya yata ang galit niya sa labas ng court, e. Death stare attach ‘yong ginawa niya sa akin. I’m cool with him. Lalo na nang pagkatapos ng laro ay nanalo kami. Bakit niya dinadala sa labas ng court ‘yong galit niya? Tsss.” Umiling si Vaughn.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi lang ito tungkol sa court, I know.

Pinanood ko ang pagpasok ni Vaughn sa sasakyan. Papasok na rin sana ako sa loob nang nakita siyang lumabas at ngumisi.

“I know you like it here.” Aniya.

Umiling ako. Yes, damn, I like it here but not now!

“Can I teach you to Ollie?”

Nagulat ako sa sinabi niya. “Tinuruan na ako ni Pierre. Medyo marunong na ako.”

Umiling siya at kinuha ang skateboard ko.

Sumakay siya rito at pinakita sa akin kung paano gawin ang Ollie sa isang perpektong galaw. Nalaglag ang panga ko nang bumalik siya sa akin pagkatapos niya pinatungtong ang skateboard ko sa gutter at gumawa pa ng tatlong tricks pagkatapos.

“Now, I can’t do that.” Sabi ko at tumawa.

“Do just the Ollie, Klare. I’ll watch.” Aniya at humalukipkip.

Uminit ang pisngi ko. Lagi niya naman akong pinapanood na nag s-skate ngunit pakiramdam ko ay iba itong ngayon. Napatingin ako sa loob ng bread shop at nakitang nakatingin parin si Elijah sa akin. Dumating na ang kanilang mga order at nagsimula nang kumain si Selena.

“Alright.” Sabi ko habang kinakabahan.

He’s watching me. Sana ay magawa ko ito ng maayos!

Sumakay ako sa skateboard at mabilis ko itong pinalipad para tumungtong sa gutter. Mabilis din ang pintig ng puso ko.

“Well done, Klare! Ngayon, pababa. I promise, bibilhan kita ng ice cream pag nagawa mo!” Aniya.

Binaba ko ang skateboard sa isang mabilis at malinis na galaw. Pumalakpak si Vaughn at mabilis niya akong pinuntahan sa kinatatayuan ko para yakapin. Tumawa ako at hinayaan siyang yakapin ako.

“Ngayon may utang ako sayong icecream. What flavor do you want?” Nag taas siya ng kilay at binitiwan ako.

Hindi ako agad nakasagot dahilan kung bakit kinaladkad niya ako sa loob ng bread shop. Nagulat ako nang pagkapasok namin ay si Elijah na lang ang naroon. Where’s Selena? I don’t know.

“Vaughn, Double Dutch.” Sabi ko nang pumasok si Vaughn sa loob ng breadshop at pinaghiwalay kami ng salamin ng pintuan.

Si Elijah ay nasa labas, ilang dipa lang ang agwat naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit di ako sumunod kay Vaughn sa loob. Pinili kong doon sa labas at nilingon ko si Elijah.

“Where’s Selena?” Tanong ko sa kanya.

Pumikit siya na para bang nahihirapan sa ginagawa. Kumunot naman ang noo ko.

“You okay?” Tanong ko.

“You tell me.” Mariin niyang sinabi.

Luminga linga ako at nakitang wala parin doon si Selena. Nasa loob pa si Vaughn at kaming dalawa parin ang narito sa labas.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko.

Nag angat siya ng tingin at halong frustration at galit ang nasa mga mata niya. I understood why. There’s no way I can deny. Kahit na wala pa siyang sinasabi sa akin ay alam ko na. Hindi ako bulag, hindi ako tanga. At wala akong balak na mag tanga tangahan sa aming dalawa.

“I can give you friendship but promise me you’re not going to cross the lines. Selena is a nice girl. You should be nice to her. And I’m not a mistress. I’m not going to be like my mother for you, Elijah.”

Laglag ang kanyang panga nang iniwan ko siya doon. I finally said it! Paalis ako, malakas ang pintig ng puso ko, naging matapang ako sa pagkakataong ito, pero bakit sa mga mata ko parin namumuo ang mga luhang ito?


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: