Until He Returned – Kabanata 13

Kabanata 13

Just Fight

Nang humarap ako sa labas ng elevator pagkapasok para pindutin na iyong mga numero at para maisarado ko na ang pintuan ay tumambad sa akin si Elijah na nakahawak sa kabilang side. Nakatayo siya sa harap ko at madilim ang kanyang tingin. Mas lalong nadedepina ang kanyang mga pilikmatang nagpapatingkad sa matalim niyang tingin sa akin. Pinigilan niya ang pintuan na magsarado.

Kumalabog ang puso ko at napaatras ako sa elevator. Dahan dahan siyang pumasok at suminghap bago pinindot ang 3rd floor at sinarado ang pintuan.

Calm down, Klare. Ito na ata ang pinakamabagal na byahe ko sa elevator. Hindi pa tumutungtong ng 2nd floor at ilang beses ko na siyang narinig na suminghap. Kumalabog ang puso ko nang narinig kong suminghap siya para magsalita.

“Who’s that boy?” Malamig ang kanyang tono.

Nag angat ako ng tingin sa kanya ngunit diretso ang tingin niya sa mga numero ng elevator.

Kung maka ‘boy’ siya ay parang hindi niya ka edad si Vaughn, a?

“Vaughn Aguirre. Remember? ‘Yong sa court?” Tanong ko.

“Oh, the prick…” Tumikhim siya, pumikit, at tumingala na para bang nahihirapan.

Nakita kong gumalaw ang kanyang adam’s apple dahil sa paglunok at nag igting ang kanyang bagang.

“Don’t call him that, Elijah. Wala siyang ginagawang masama sa’yo.” Sabi ko.

Dumilat siya at bumaling sakin. “Where have you been?”

Napangiwi ako sa mausisa niyang tanong. Wala namang meron sa kung saan kami nagpunta ni Vaughn pero kung makapagtanong siya ay parang may malaking sekreto ako. “Ba’t ka nagtatanong?”

“I just want to know.” Aniya at naghintay sa sagot ko.

“Ba’t ka nagtatanong? And why are you here, anyway?”

Tumunog ang elevator na siyang hudyat na nakarating na kami sa ikatlong na palapag. Ngayon, aakyat na naman ako na kasama siya. Bakit siya nandito?

Sumunod siya sa akin sa pag akyat ko sa ikaapat na palapag. Mabilis kong binuksan ang pintuan at umalingawngaw agad sa akin ang tawanan ng iilang mga lalaki sa sala. So he’s not alone. Pumunta siya dito dahil nandito ang mga pinsan ko? Bakit parang may lumubog sa puso ko nang napagtanto ko iyon. Narinig kong pumasok siya sa isang guestroom sa likod ko. Nilingon ko ngunit nakita kong wala na siya roon. Bahala siya!

Dumiretso ako sa sala para halikan ang pisngi ng nakatalikod na si Charles. Tumalon si Josiah nang nanalo siya sa nilalaro nilang NBA. Halos itapon ni Charles ang joystick sa irita sa maingay na si Josiah at sa nag to-talk shit na si Damon.

“Pangit ng Lakers! Baho niyo!” Ani Damon.

Matalim kong tinitigan si Damon sa kanyang sinabi.

“Uy, Klare!” Hupa ng tawa niya.

“I hate Miami Heat.” Ani Charles sabay halukipkip.

“Wala yan sa team, nasa naglalaro ‘yan.” Sabay tawa ng malakas ni Josiah na agad kong sinapak.

Ayaw kong makitang medyo na fu-frustrate ang kapatid ko. Yes, it’s part of being a boy ngunit ang makitang medyo iritado siya ay nagpapairita sa akin.

“Where’s Elijah, Klare?” Tanong ni Josiah. “Nasa baba ‘yon, a? Di mo ba siya nakita? O baka umuwi?” Tanong ni Josiah sa akin.

“Ah, di, nasa guest room.” Sabi ko sabay iwas ng tingin.

Kumalabog ang pintuan sa guestroom at narinig ko ang malulutong na mura ni Azi habang lumalapit sa amin.

“Next, javelin throw tayo, Charles?” Anyaya ni Damon habang tumatayo sa harap ng Xbox.

“Shut up, Kuya. Madaya ka.” Ani Charles.

“Tayo na lang, Joss. Boxing.”

“Sige!” Sabi ni Joss at silang dalawa ang tumayo sa harapan.

“What the fuck did you do?” Bulong ni Azi sa akin sabay hawak sa aking braso.

Napalingon ako sa pinsan ko at sumalubong sa akin ang medyo magulo niyang buhok.

“Ano?” Tanong ko.

“The mad fucking man is fantasizing about beating someone. Halos mapunit niya ang mga kumot niyo sa inis niya.”

Nalaglag ang panga ko at umatras kina Josiah at Damon na parehong nagbo-boxing sa harap namin. Nanonood si Charles at natatawa siya sa ginagawa ng dalawa.

“I don’t know. Wala akong ginawa.”

What’s his problem? Buong akala ko ay cool lang siya at hanggang tanong lang siya. Hindi ko naman alam na grabeng pagpipigil ang ginawa niya sa elevator para lang hindi ko makita na sasabog na ang kanyang mundo.

“Buti pa bumalik ka sa guestroom at ayusin mo ‘yong mga ginusot niyang mga kumot namin. Para may magamit pa kayo mamaya.” Umirap ako kay Azi.

“We’re not sleeping here.” Aniya.

Nagulat ako sa sinabi niya. May namuo na kasing teorya sa utak ko na dito sila matutulog. Naisip kong inimbitahan sila ni Charles dahil wala si mommy at daddy. Nang malaman kong nagkamali ako ay… damn… kung masaktan man ako ulit, kagagawan ko na iyon. You know why this is all forbidden, Klare. Double forbidden, at that.

“Then why are you all here? Just go home, Azi. Magbobonding kami ni Charles.” Sabi ko.

“Hinihintay lang namin si Rafael. We’ll go out tonight. Around 12 midnight.” Ngumisi si Azi at alam ko agad kung anong ibig sabihin ng ‘going out’ niya.

Bakit nila isasama si Elijah? He’s taken. Hindi ko alam kung may girlfriend ba si Josiah ngayon pero sanay akong lumalabas siya kahit na may mga girlfriend siya. Elijah is going steady with his girlfriend. Bakit nila siya isasama? Allowed ba siya na luamabas nang hindi kasama si Selena? Why do I care? Bahala sila sa buhay nila kung anong gagawin nila. That’s their problem.

“Drop your fucking hand.” Malamig at napapaos na sambit ng boses ni Elijah bago niya sinarado ang pintuan sa kwarto.

Nagtawanan si Josiah at Damon dahil sa kanilang laro habang napatalon naman si Azi at mabilis na binitiwan ang braso kong kanina niya pa hinahawakan.

Naka itim na black sleeveless shirt lang siya ngayon. Kanina nang nagkita kami sa labas ay naka longsleeve siyang nitupi patungong siko. Siguro ay hinubad niya ang suot niyang iyon. Kitang kita ko ang kanyang tribal tattoo sa pecks at ang panibagong tattoo malapit sa braso patungong likod.

“Magpapaluto ako kay manang.” Sabi ko at iniwan sila doon para pumuntang kusina.

Alam ko namang nagluto na si manang. Kinailangan ko lang ng excuse para makawala sa kanila. Tumulong na lang ako kay manang sa paghahanda sa mesa habang nagtatawanan parin sila at naglalaro. Alas otso pa lang ng gabi, alas dose ang dating ni Rafael galing kung saan. Kung ganon, medyo matagal pa sila dito bago umalis.

“Kumain na kayo…” Sabi ni manang sa kanila.

Nakaupo na ako sa mesa at tinitingnan na ang mga luto ni manang na madalas kong ma miss. Kumpara kasi sa chef nina Pierre at Hendrix ay di hamak na mas masarap ang mga luto sa bahay na ito. Homemade na homemade ang dating at palagi akong nabubusog.

“Sarap talagang tumambay dito sa inyo, Klare. Bukod sa downtown lang ay masasarap pa ang pagkain!” Ani Josiah habang nilalantakan ang menudo na niluto ni manang.

“You should stay here, ate, para medyo tumaba ka naman. Masyado ka ng pumapayat.” Sabi ni Charles. “Hindi ka ba kumakain don? Or they’re not feeding yo, ate?”

Natawa ako sa sinabi ni Charles, “I told you, Charles, you should visit our home sa Hillsborough. You’ve meet Pierre and Hendrix, right? Mababait naman sila. Hindi nila ‘yon magagawa sa akin.”

“Yes, but, but they look cold sometimes.” Nag angat ng medyo mapanuring mata si Charles. Hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kapatid ko.

Yes. They’re most of the time intimidating and cold. Ayaw kong mangumpara pero tuwing nasa mga Montefalco ako, tawanan, hiyawan, at kasiyahan ang nadarama ko. Tuwing nasa mga Ty naman ay madalas tahimik at seryoso. Pero anong magagawa ko kung ang kasiyahang gusto ko ay hindi na nagkakasya sa akin at ang tahimik at seryosong lugar ang kinailangan ko para maghilom?

“You look cold, sometimes, Charles. But you’re warm to your ate.” Ani Elijah sabay inom ng tubig.

Tumango si Charles at Azi. Nagulat ako nang sinabi iyon ni Elijah nang hindi kami nag aaway. Medyo kumalabog ang puso ko ngunit kinain ko na lang ang pagkain ko para hindi mahalata.

“Do not judge the book by its cover.” Ani Azi at nagkibit balikat bago kinain ang isang malaking fried chicken.

“Do I look cold? Probably why girls hate me, huh?” Ani Charles.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Who could hate you? Sabihin mo sakin.”

Umiling si Charles. Tumawa si Damon. “That’s because you don’t know how to kiss-“

“Dame!” Inirapan ko si Damon bago ako bumaling kay Charles. “Sino, Charles?”

Kumunot ang noo niya. “Ate, you are creeping me out. Don’t be overprotective. It’s my problem. I’m here for advice.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng kapatid kong binata na yata. Kinagat ko ang labi ko at nawalan agad ng gana sa pagkain. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa kung sino mang babaeng tinutukoy ni Charles. Naiirita ako at pakiramdam ko ay mawawala siya sa akin dahil sa mga babaeng bumabagabag sa kanya. I hate this feeling!

Nagtawanan sina Azi at nagsimula sa kanilang mga estupidong payo. Panay na lang ang irap ko sa kanilang mga sinasabi. I’m not sure if they’re all good influence or not!

“Say if the girl is like ate Klare, Kuya Joss, how would you make the first move.” Ani Charles.

Humalukipkip ako at umirap nang tumingin si Josiah sa akin. Nagtawanan sila at nagbulungan. Pinanood ni Charles ng mabuti si Josiah habang umuubo.

“Hi Klare! May nakita akong isda sa fish pond kanina, it’s so cute, naalala kita.” Ngumisi si Josiah.

“WHAT? Are you saying na mukha akong isda?” Iritado kong sinabi.

Tumawa silang lahat. Umunit ang pisngi ko nang nakita kong tumawa rin si Elijah.

“No! See!” Sabi ni Josiah kay Charles. “See, Charles? Na bother ang ate Klare mo sa sinabi ko. Thus, nakuha ko ang attention niya. That’s how you get the attention of the girl.”

“Niloloko mo ako, Kuya.” Ani Charles.

Hindi ko parin pinapatawad si Josiah sa sinabi niya. Kahit na ilang beses niyang pinaliwanag sa akin na art lang iyon at hindi ibig sabihin non na mukha akong isda. Nakakabanas naman. Napatingin ako kay Elijah na nakangisi habang pinaglalaruan ang baso niya. God, this is embarrassing!

“Hay naku, Joss! You should stop teaching him your moves! Hindi ‘yan bagay kay Charles!” Sabi ko.

“How bout you, Kuya Elijah? How do you do it?” Baling nI Charles kay Elijah.

Umiling si Azi. “Wala siyang ginagawa, Charles. Tumatayo lang siya at mabilis na tumatakbo palapit sa kanya ang mga babae.”

Umiling na lang ako at tumayo para ilagay ang plato ko sa sink. Nagpatuloy sila sa asaran at kwentuhan. Kinuha ko rin ang plato ni Charles nang nakitang tapos na siyang kumain. Halos tapos na naman silang lahat kaya lang wala pang tumatayo dahil sa kwentuhan. Kahit na pinigilan na ako ni manang sa ginagawa ko ay tinulungan ko parin siya sa pagliligpit habang nagkukwentuhan pa ang mga pinsan ko.

“Kayong lahat mga bad influence kayo kay Charles. This is so sad.” Sabi ko sabay kuha sa mga baso.

Bumalik ako sa kanila at nakita kong naroon pa ang plato ni Elijah at Josiah. Lumapit ako sa kanila at naamoy ko agad ang pamilyar niyang bango. Nagpatuloy ako sa pagkuha ng plato habang pinapagalitan na ni manang.

“Hayaan mo na ‘yang mga ‘yan dyan! Minsan ka na nga lang pumupunta dito, iniisip mo pang magliligpit. Makipag usap ka na lang dyan sa mga pinsan mo.” Aniya.

“Manang, hayaan mo na po. Hindi ko po ito nagagawa sa Hillsborough o sa Davao.” Paliwanag ko.

Pagkatingin ko sa mesa ay natagpuan ko agad ang mga mata ni Elijah. May kung ano sa mga titig niya na nagpapatunaw sa mga binti ko. Minsan natutunaw na parang yelo, minsan naman ay naninigas na parang estatwa. Damn, his eyes.

Nagpatuloy sila sa paglalaro pagkatapos naming kumain. Nakaupo lang ako sa sofa habang pinapanood si Azi at Josiah na nag boboxing gamit ang Kinect. Sinusuntok nila ang ere sa harap para makasuntok ang mga character nila sa screen. Tulog si Damon sa kabilang sofa habang si Charles naman ay panay ang tawa sa dalawa. Si Elijah ay nakangising nanonood sa karakter ni Azi na bugbog saradong si Pacquiao.

“Fuck! Fuck this shit!” Paulit ulit na mura ni Azi habang tumatawa lang si Josiah sa pagsuntok sa ere.

Sa sobrang frustrated ni Azi ay tinulak niya na lang si Josiah sa tabi niya. Humagalpak kami sa tawa. Hindi niya na ata kayang makipagsuntukan sa ere kaya sinuntok niya na ng totohanan si Josiah.

“Ayoko na!” Hinihingal na sinabi ni Josiah. “You’re not sport, dude!” Aniya.

“Sige na, last round!” Hamon ni Azi kahit na hinihingal na rin siya at pinagpapawisan na. Kanina pa ang dalawang ito, a?

Nakita kong humilig na si Charles sa sofa at nagsimula ng pumikit. He’s sleepy. Sasabihin ko na sana sa kanya na matulog na ngunit nahagip ng tingin ko ang nakakunot noo na si Elijah habang may binabasa sa kanyang cellphone.

Kinagat niya ang kanyang labi at hinimas niya ito gamit ang kanyang index finger. Natulala siya sa kanyang cellphone bago pumindot roon.

May nagtext sa kanya? Sino kaya? Siguro si Selena? Ano kaya ang tinext ni Selena? Bakit kaya nakakunot ang kanyang noo? Bakit kaya iniwan niya si Selena sa bahay nila? Ano kaya ang ginagawa nila ni Selena kung nandoon sila sa bahay nila? Binaha ako ng mga tanong. Hindi ko iyon nagustuhan. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. PInanood ko na lang ang asaran ng dalawa kong pinsan.

It’s already 11. Isang oras na lang at darating na si Rafael at aalis na sila. Humikab ako. Dapat ay tulog na ako kaninang alas nuwebe pero heto ako at dilat parin para samahan ang mga pinsan ko.

“Charles…” Dinig kong tawag ni Elijah sa kapatid kong nakahiga na sa sofa.

Bahagyang gumalaw si Charles.

“Lipat ka na sa kwarto mo. Sige na, aalis na kami maya maya.” Ani Elijah.

Tumango si Charles at tumayo.

Humagalpak sa tawa si Josiah nang natalo ulit niya si Azi. “Ayoko na! You suck, dude! Maliligo na nga lang muna ako!” At umalis na siya patungong guestroom.

“You’ve got to be shitting me. Nanalo ako kanina! Asan na ‘yong pustahan natin.” Ani Azi at sinundan niya si Josiah.

Ilang murahan pa ang narinig ko hanggang sa binigay na ni Josiah ang pera niya at nagbigay rin ng pera si Azi.

“Damn pointless!” Ani Josiah at pumasok sa kwarto.

Naghubad si Azi ng kanyang t shirt at dumiretso sa common bathroom namin para doon siguro maligo. Kinuha ko ang joystick at naghanap ng magandang lalaruin. Halos panlalaki lahat ng laro doon. Sinubukan kong maglaro ng Left 4 Dead. Nagulat ako nang kinuha din ni Elijah ang isang joystick. Napatingin ako sa kanya.

“We’ll be allies, Klare.” aniya.

Tumango ako at kinabahan.

Dammit, Klare! Why are you overreacting! He’s just being normal!

Naghintay kaming magsimula ang laro. Nang nagsimula na ay ako iyong babaeng character, siya naman iyong isa sa mga lalaki. Pamilyar ako sa laro kaya hindi ako nahirapan sa controls at sa mga maaring gagawin. Napansin kong kahit na nauuna ang character niya sa paglalakad ay lagi niyang binabalikan ang character ko para protektahan. Okay… Okay… Just stop right there, Klare.

“Drop that gun and try this one.” Aniya sa akin nang nakitang pangit ang baril ko.

“Okay.” Sinunod ko ang payo niya.

We’re normal friends. I should stop thinking too much. Kung anu ano man iyong mga nangyari, I should just stop and help myself.

“Baby…” Aniya.

Kumalampag ang puso ko nang narinig ang sinabi niya. Iyon na siguro ang pinaka nakakakilabot na salitang narinig ko simula nang umalis siya. I missed it so damn freaking much na nanginig ang kamay ko habang naglalaro.

“Baby, I’m gonna protect you. Stop walking in that direction. I need you close to me so I can protect you.”

Umawang na ang bibig ko. Hindi ko siya matingnan. Nagpatuloy ako sa paglalaro kahit na blurry na ang aking pangingin sa mga luhang nagbabantang tumakas sa mga mata ko. Kahit ang mismong boses niya tuwing binabanggit ito ay nagpapatakbo sa puso ko. May mga demonyo akong nararamdaman sa tiyan ko. Demonyong minsan na akong tinraydor.

“Masyadong maraming zombies, Elijah. This is a suicide mission.” Sabi ko at nagulat ako dahil buo pa ang boses ko kahit dinig na dinig ko ang kalampag ng puso ko.

“Just fight.” Aniya.

Kinagat ko ang labi ko. Noon pa man, siya na talaga itong nagtutulak sa akin na lumaban sa gitna ng sakit at pighati. Simula pa lang, siya na talaga ang pursigido. Hindi ko maiwasang hindi lagyan ng kahulugan ang nilalaro naming ito. Hindi ko alam kung ganito rin ba ang nararamdaman niya at mas mabuti na rin sigurong hindi ko alam. Tama na iyong alam ko sa sarili ko na naaalala ko siya sa bawat paghinga ko. Kahit anong pilit ko sa sarili kong mag move on ay hindi ko nagagawa. Siguro, ang tanging sulusyon na lang ay ang maglokohan kami ng sarili ko. Siguro ay iisipin ko na lang talaga na nakapag move on na ako kahit na ‘yong mismong paghinga niya ay nakakaapekto sa akin.

My feelings for him haven’t changed a bit. Kung ano man ay siguro mas lumakas pa ito. That’s bad news for me. May girlfriend na siya. At kahit na wala ay hindi parin kami matatanggap ng pamilya namin. This is all fucked up. I should just stay away. But how will I stay away when I can’t? At ilang beses ko nang nasabi sa sarili ko na hindi ko lang talaga ginagawa ang lahat ng makakaya ko? Should I leave for Davao now? Should I tell papa that I need a summer there and just leave him and my family here? Para lang malayo kaming dalawa?

Ngumuso si Elijah nang namatay ang character ko. Una siyang namatay dahil sa pagpoprotekta sakin. Nang nakita kong bumagsak siya ay hindi na ako lumaban. Hinayaan ko na lang na matabunan ang character ko ng mga walang hiyang zombie sa screen.

“You should fight more, Klare.” Singhap niya.

“Masyadong maraming zombies.” Paliwanag ko.

“I don’t care. Just fight. I want you to fight.” Aniya at nagkatitigan kami.

Kinagat ko ang labi ko at dahan dahang tumango.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: