Until He Returned – Kabanata 12

Kabanata 12

Date

Sinubukan kong mag ensayo sa skateboard. Pinapa akyat ko iyon sa gutter habang tumatakbo. Medyo nakakaya ko na. Ilang araw na rin kasi akong ganito ang ginagawa tuwing umaga. Hinihingal na ako kaya inapakan ko ang dulo ng skateboard kaya umangat ito. Dinampot ko iyon agad saktong pag bosina ng isang sasakyan na nasa likod ko.

“Oh, ang aga mo yata?” Tanong ko habang hinihingal.

Narinig kong bumukas ang gate ng aming bahay nang dumating ang sasakyan ni Vaughn. Nag park siya sa harap ko kaya tumabi ako kay Pierre na kakalabas lang sa gate namin.

“Excited ako, e.” Kumindat si Vaughn sa akin.

Napatingin ako sa sarili ko. “Hindi pa ako nakakapag bihis. At maliligo pa ulit ako.” Sambit ko.

“Maaga pa, Vaughn.” Malamig na sinabi ni Pierre nang tumalikod ako para bumalik sa loob ng bahay.

Hindi ko alam kung ano ang plano ni Vaughn pero niyaya niya akong mag mall. Manunuod daw kami nitong isang movie na galing sa isang book. Pumayag naman ako dahil mamayang gabi pa ang punta ko sa bahay namin. Doon na naman ako matutulog ngayong gabi. May bagong laro kasi sa Xbox at gusto dawng laruin ni Charles iyon kasama ako. It’s probably really boring to be an only child. Hindi naman only child si Charles pero tuwing naiisip kong siya lang ang nasa bahay boring parin iyon.

“I-I’ll check on the details, dad.” Dinig kong sambit ni Hendrix sa cellphone niya.

Pinagmasdan ko siyang umiinom ng kape habang kaharap ang laptop sa sala namin. Pumasok si Pierre at Vaughn sa sala nang nagtatawanan. Nag angat agad si Vaughn ng tingin sa akin nang nakitang umaakyat ako sa hagdanan na bahagyang nakatitig kay Hendrix.

Diretso na ako sa kwarto dahil ayaw kong paghintayin si Vaughn. Nakuha lang ni Hendrix ang atensyon ko dahil nitong mga nakaraang araw ay halos laptop lang ang inaasikaso niya para sa accounts ng business ni papa. Nagsisimula na siyang i-train para sa business na iyan. Ayaw kasi ni Pierre ng negosyo kaya siya kumuha ng kursong Chemical Engineering tulad ng kay Vaughn. Kung nagkataon at siswertehin kaming tatlo, sabay kaming gagraduate sa susunod na taon. Limang taon kasi ‘yong course nila, samantalang apat lang iyong sa Business Ad na tulad ko.

Naligo ako at medyo nahirapan sa pagbibihis. This is a friendly date. I’d like to call it a friendly date. Wala naman kasing namamagitan sa amin ni Vaughn at ayaw kong lumagpas sa linyang iyon. I’m content of what we have right now. Kung mayron man kaming kinabukasang dalawa ay gusto ko sanang dahan dahanin lang iyon.

Hindi ko namalayang dalawang oras pala ang ginugol ko sa pagbibihis! Naisipan ko kasing magsuot ng dress. Halos hindi ko na kasi maalala kung kailan ako huling nag suot nito. Puro kasi pullovers, cropped shirts, shorts, pants, at sneakers ang mga sinusuot ko dahil na rin sa mga hobby ko tulad ng skateboarding at pagsasayaw.

Inayos ko ang anklet sa aking paa bago lumabas ng kwarto.

“Always remember that you got this chance because we allowed you to have it. Don’t waste it, Vaughn. At wag na wag kang magkakamali-“

Natigil si Pierre sa pagsasalita nang narinig niya ang yapak ko pagbaba ng hagdanan. Nag angat ng tingin ang seryosong si Hendrix at pumangalumbaba siya sa akin.

“Ako na naman ba ang maiiwan sa bahay ngayon?” Tanong ni Hendrix.

“Bakit? Saan pupunta si Pierre?” Napatanong ako kay Hendrix.

Tumayo si Vaughn nang nasa sala na ako sa harap nila. Ngumisi ako sa kanya at bumaling agad kay Hendrix. Sumipol si Pierre at mabilis na hinubad ang kanyang t-shirt.

“Pupunta lang akong school.” Aniya at umakyat sa hagdanan.

“See.” Sambit ni Hendrix.

“Bakit? Wala ka namang summer classes, a?” Tanong ko ngunit hindi niya na ako pinansin.

Nagtaas ako ng kilay at tumingin kay Vaughn na malaki ang ngisi.

“Let’s go?” Aniya.

Tumango ako. “Sure.” Bumaling kay Hendrix at, “Rix, alis na kami.”

Tumango si Hendrix habang nakatingin parin sa laptop. So workaholic. “Make sure naihatid mo na si Klare sa Montefalco Building around 6:30PM, Vaughn.”

Ngumisi na lang ako sa pagiging bossy niya at sumunod kay Vaughn palabas ng bahay namin. Pinag usapan namin kung gaano ka over protective ang mga kapatid ko patungong downtown.

Ito ang unang pagkakataon na lalabas kami na kaming dalawa lang. Ngayon lang din kasi ako pinayagan ni Hendrix. Minsan na akong niyaya ni Vaughn noon ngunit hindi pumayag ang mga kapatid ko. Wala rin naman iyon sa akin dahil madalas ay wala akong ganang lumabas noon at magpakita sa mga tao.

“Your brothers should really loosen up. I’m glad they did. Tingnan mo, nakakalabas ka na ngayon kasama ko.” Humalakhak siya pababa kami ng Mastersons Avenue.

“May rason siguro kung bakit hindi nila ako pinapayagan pag nagyayaya ka.” Pang aasar ko.

“And what reason is that? I’m a good, good boy.” He grinned.

Nagkibit balikat lang ako at nagtawanan kaming dalawa.

Hindi naman talaga kami ganon ka close ni Vaughn. Nag uusap kami, oo, pero madalas ay natatahimik ako tuwing nandyan ang mga kapatid ko. Barado rin siya madalas lalo na pag si Pierre ang nagsasalita. Nag ti-text siya sa akin ngunit sadyang hindi lang ako pala text na tao.

Napalunok ako nang naalala ang mga text namin noon ni Elijah. Well, hindi na ako pala text ngayon.

“Saan tayo una?” Tanong ko pagkapark niya sa Centrio Mall.

Sumakay kami ng elevator at dumiretso sa ikatlong palapag ng mall kung nasaan ang mga sinehan.

“Manonood na tayo ng sine?” Tanong ko.

Umiling siya. “Medyo punuan ngayon dahil hit ang movie na gusto kong panoorin natin kaya bibili muna tayo ng ticket bago kumain.”

Tumango ako. He’s thoughtful. Mukhang nag iisip talaga siya sa mga maaaring mangyari sa lakad naming dalawa.

Tama siya. Punuan nga kaya kahit na alas onse pa lang kami dito ay iyong pag alas kwatrong ticket na lang ang nakuha namin.

“Grabe, pagkatapos nating kumain mag Time Zone muna tayo or maglakad-lakad.” Aniya habang binubulsa ang ticket.

Tumango ako. “Kahit ano. Saan tayo kakain?”

“Where do you wanna eat?”

Ngumuso ako at tumigil sa paglalakad. Sinuyod ko ang mga kainan sa buong mall. Hindi ko alam kung saan kami dapat kumain. Tinuro ko na lang ang Pepper Lunch na malapit sa kinatatayuan namin.

“Yes, ma’am.” Tawa niya.

Magkaharap kaming dalawa sa mesa. Nang binigay ng waiter sa akin ang menu ay agad akong naghanap ng pwedeng makain.

“Eto na lang ‘yong akin. Sayo?” Sabay pakita ko sa kanya sa menu.

Hindi siya nakatingin doon. Titig na titig siya sa akin. Naisip ko tuloy kung may dumi ba sa mukha ko, o may tao ba sa likod ko at napagkakamalan ko lang na ako ang tinititigan niya. Lumingon ako ngunit walang tao sa likod.

“You’re really beautiful, Klare.” Aniya.

Ngumisi ako. “Mambobola.”

Tumawa siya. “Ikaw talaga, kailan ba kita binola?”

“Ngayon ngayon lang, Vaughn.” Sabi ko at hindi matanggal ang ngisi ko.

“Mukha ba akong mambobola sayo, Klare? Wala akong maalalang binola kita.”

Nagtaas ako ng kilay habang umiinom sa baso ng tubig na nilapag ng waiter. Ngayon ko lang narealize na ganito pala ako makitungo sa ibang lalaki. Buong buhay ko, pinalibutan ako ng mga lalaking pinsan ko. Ngayon naman, pinalibutan ako ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung paano makitungo sa ibang lalaki na hindi ko relative. Ni hindi ko na maalala kung paano ako nakitungo kay Eion noon.

“Well, probably I think ganon ang mga lalaki. Mambobola.” Tumawa ako sa katotohanan.

Montefalco boys for example. Nakita ko kung paano sila maglaro sa mga salita nila. Si Elijah lang ang hindi gaanong nagsasalita ngunit nilalapitan ng mga babae. Maybe because of his face, physique, and his attitude. Mas pipiliin mo talaga iyong nakangisi, tahimik, at patitig titig lang kumpara sa mga maporma, maingay, at madiskarte. Or is it just me?

“Labas ka rin minsan kasama ko. Mukhang puro mambobola ang kilala mo, a?” Tumawa siya.

Umiling ako. Yes, Vaughn is right. Hindi naman siguro ganon ang lahat ng lalaki. I have Pierre and Hendrix for example. Hindi ko alam kung paano dumiskarte si Hendrix. He’s sometimes warm, sometimes cold, sometimes funny, sometimes serious while Pierre is most of the time cold and angry. Maaring nakita ko na si Hendrix na nakihalubilo sa mga babae, si Pierre din naman pero masyado akong bulag sa mga lakad nila kasama ang ibang babae. Ayoko namang maisip nilang nakekealam ako sa kanilang buhay kaya hindi ko na lang din sila pinipilit na magsalita.

Kumain kami ni Vaughn at puro asaran lang ang nagawa namin. He’s a good friend. Naiisip ko tuloy kung bakit naghiwalay sila nong ex niya noon.

“So… nakailang boyfriend ka na?” Tanong niya nang naglakad lakad kami sa mall para magpalipas oras bago manood ng sine.

Kinagat ko ang labi ko. I’m not sure… Naging boyfriend ko ba si Elijah? I shouldn’t count him right?

“Hmmm. Wala pa.” Nag aalinlangan kong sagot.

“Wala pa? Tama ba ang dinig ko?” Nangingiti niyang sinabi. “You’re kidding.”

“I’m not. Totoo.”

Tumango siya. “Kung ganon, ilan na ang nabasted mo?”

Napatingin ako sa kanya habang hinahawakan ko ang pullover na nakahanger sa harap ko. Naisip ko si Eion ngunit nahihiya akong umamin na may nabasted na nga akong lalaki. Nahihiya akong ihayag na ganon ang ginawa ko.

“H-Hindi ko siya binasted. I-I mean…” Nangapa ako sa mga salita. “Hindi lang talaga nag work. Nawalan ako ng feelings sa kanya along the way…”

“Oh that’s scary. You mean, nang nanligaw siya ay may feelings ka na para sa kanya pero habang nanliligaw siya, nawala mo ito? You were probably just infatuated.”

Nagkibit balikat ako habang tinitingnan pa ang ibang damit na nasa hanger. “Naging crush ko siya ng ilang taon. Simula pa ata ng high school?”

“Well, that’s probably still infatuation, Klare. Madalas kasi, naiinlove ang mga tao sa mga gestures ng kanilang crush habang nag di-daydream sila. Do you daydream a lot about him noon?”

Nagulat ako sa sinabi ni Vaughn.

Hindi ako sigurado kung matalino ba siya o masyado niyang pinag isipang mabuti ang mga bagay na tungkol sa love life.

“Hmmm. Well, hindi maiiwasan yan.” Uminit ang pisngi ko.

“See? So that means wala ka pang first love kung infatuated ka lang sa lalaking iyon.” Tumawa siya.

Uhm… No. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. I did not want to talk about it. Tama na siguro na may mga taong nakakaalam kung ano man iyon. Hindi ko na kailangan ng simpatya o pag unawa ng ibang tao.

“What’s your point?” Nagtaas ako ng kilay at ngumisi.

I want this conversation and date to be light. So light that I’ll forget how it’s heavy for me.

“Point is, you’re so pure, Klare.” Aniya at hinawakan ang barrette na naka ipit sa buhok ko.

Halos mapatalon ako sa pagkakahawak niya rito. Kumalabog ang puso ko. Masyado ba akong guilty? Kasi sa paghawak niya non ay pakiramdam ko malalaman niyang hindi na ganon ka puro ang puso ko. Nagmahal na ako, nasaktan, at nawasak. I’m not here to find someone who will fix me. I can fix myself. Nagagawa ko ngunit tulad ng ibang bagay, kailangan ito ng proseso at mahabang panahon. Iba iba nga lang ‘yong time frame sa bawat tao. May ibang agad naghihilom, may iba namang sa sobrang lalim ay natatagalan.

“Your heart is so pure. Hindi pa nagmamahal at maaring hindi pa nasasaktan.”

“I’ve been hurt so many times, Vaughn. Believe me.” Ngumisi ako.

Ngumisi siya at tinitigan ako sa aking mga mata. “Yes, I know. Your family.” Aniya. “Pero hindi pa iyan tumitibok ng husto, that’s for sure.”

Iyan ang hindi ko kayang sagutin. Hindi ko alam kung tibok ba iyong pinaramdam sa akin ni Elijah noon ko kalampag at sabog. Masyadong maliit na salita ang tibok para ipaliwanag kung ano ang naramdaman ko noon para sa kanya.

And I hate that I am always thinking about him. Nangungumpara at nagbabalik tanaw. Sana ay matigil ko na ito. I am trying but am I really trying hard? How do I try hard? Paano ko masasabing sinasagad ko na ang sarili ko para makalimutan siya? Gusto kong sagarin. Gusto kong disiplinahin ang sarili ko. Pero paano?

I didn’t want to use anyone. Siguro ay ang magagawa ko na lang ay iwasan siya.

“You love hair clips?” Tanong ni Vaughn nang napansin ang hinawakan niya kanina sa buhok ko.

I don’t really love hairclips but I love this particular barrette. Tumango ako kahit taliwas iyon sa iniisip ko.

“Bibilhan kita ng isa.” Aniya.

Umiling ako. “Naku! Wag na!”

“Hindi… talaga. We are killing the time. Maybe you should stay outside this store para masurpresa kita.” Halakhak niya at pumasok sa isang store na puno ng accessories.

Sinubukan kong sumunod para pigilan siya ngunit pinigilan niya ako. Tumawa na lang ako at umiling. Should I buy something for him, too? Nahihiya ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

“Tadaa!” Aniya at ipinakita sa akin ang kulay yellow na hairclip.

Mas maliit ito sa barrette na suot ko. Ngumisi ako hinawakan ang maliit na bato sa gilid.

“I like it. Thank you!” Sabi ko.

“Wait!” Aniya at mabilis na tinanggal ang barrette sa buhok ko.

Nalaglag ang panga ko sa inosente niyang galaw. Naglahad agad ako ng kamay at naghintay na ilagay niya roon ang barrrette na kinuha galing sa buhok ko. Nakita ko ang kulay violet na butterfly sa palad ko habang sinusuot niya sa akin ang binili niya.

“There.” Nag angat ng labi si Vaughn at humalukipkip siya sa harap ko para iexamin ang mukha ko. “Bagay na bagay.”

“T-Thank you.” Sabi ko at nilagay ang barrette na butterfly sa loob ng bag ko.

“You’re so beautiful, Klare. You deserve the world.” Pabulong niyang sinabi.

Uminit ang pisngi ko. Positibo akong pulang pula na ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

“Salamat, Vaughn.” Sagot ko.

Nanood kami ng sine. Ang movie ay tungkol sa isang panibagong mundo kung saan nahahati ang mga tao sa limang grupo. Ilang beses akong umiyak at hindi ko alam kung bakit. Nakakaiyak naman kasi talaga iyong mga pangyayari. Madilim kaya hindi napansin ni Vaughn na umiiyak ako. Nahihiya din akong humikbi kaya kinimkim ko na lang ang paminsan minsan kong pag tangis.

“Nag enjoy ka ba?” Tanong niya sa akin pagkatapos ng movie.

Tumango ako at ngumisi.

Masaya at magaan siyang kasama. Walang problema at walang hadlang. Magaan ang loob ko pagkauwi ko. Ito siguro ang pakiramdam pag nagkaroon ang tao ng isang relasyon o na hindi bawal. Don’t get me wrong. Hindi ko iniisip na may relasyon kami ni Vaughn ngayon pero parang nararamdaman ko na ang pakiramdam ng isang normal na paghahatid sundo o paglabas nang walang halong takot. It’s all refreshing to me.

Napangiti ako habang tinatanggal iyong seatbelt ko. Nasa tapat na namin ang Montefalco Building.

“Bakit ka nga pala di makakauwi?” Tanong niya.

“May bagong game kasi kaming lalaruin ng kapatid ko. At… wala din siyang kasama, e. Nagkaroon kasi ng trip si daddy, sumama si mommy, ngunit ayaw ni Charles. Kaya silang dalawa lang ni manang.” Paliwanag ko.

Tumango siya. “O sige. See you tomorrow, then?” Aniya.

Ngumisi ako. “See you. Thank you sa lahat. Nag enjoy ako, sobra, Vaughn.”

“Surely may second time? Kasi nag enjoy ka, e. Kung walang second time, ibig sabihin hindi ka nag enjoy, diba?”

Nagtaas ako ng kilay at tumawa. “Surely.” At lumabas na ako sa kanyang sasakyan.

Umikot ako para tumayo sa aming parking lot. Kakawayan ko na sana si Vaughn nang biglang may sasakyang nag high beam sa tabi ko. Naka park na ito kanina pa at kumalabog ang pintuan nito. Narinig ko ang ingay ng mga susi na mukhang hinagis. Nilingon ko kung sino ang lumabas galing sa driver’s seat at nakita kong nakahalukipkip si Elijah at nakahilig sa pintuan ng kanyang sasakyan. Bahagya siyang nakanguso at nagkasalubong ang mga kilay. Mas nadepina ang kanyang biceps dahil sa paghalukipkip. Anong ginagawa niya dito?

“Bye, Vaughn. Thanks for today!” Sabi ko nang nakitang nakababa ang salamin ni Vaughn.

“Thanks din, Klare. Date ulit tayo next time.” Aniya bago umalis.

Tumalikod ako at nakita ko si Elijah na ganon parin ang posisyon. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya ng magandang gabi o lalagpasan. What the? Kahit yon ay hindi ko alam kung alin ang dapat!

“Uhm… Pasok na ako sa loob.” Sabi ko at halos tumakbo patungong elevator.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: