Kabanata 11
Taking Sides
Lumipas ang mga araw at nanatili ako sa bahay namin kasama ang mga kapatid ko. Lumalabas lang ako tuwing may game sila at umuuwi rin naman agad kami. Nakakalabas din ako tuwing pumupunta ako sa Montefalco Building para bisitahin si Charles at makipagbonding kay mommy at daddy. Masaya ako at kahit papaano ay napapasaya ko si mommy, daddy, at Charles dahil sa presensya ko. Nakakuha ako ng iilang imbitasyon galing sa mga pinsan ko. Anila’y mag luluto lang daw ng barbecue kina Josiah o di kaya ay manonood ng sine ngunit hindi ko nagawang mapaunlakan.
I didn’t want to complicate the things. Alam kong ayaw ni Erin na lumalapit ako dahil nakikita niya ang bawat reaksyon ni Elijah tuwing nandoon ako. Kahit na ilang beses mang sabihin ni Elijah na friends kaming dalawa ay hindi sila makumbinsi. Iniisip ko tuloy kung nahahalata ba iyon ni Selena. He’s in a relationship at hindi ko hinangad na sumawsaw sa dalawa at magpadala sa sarili kong pakiramdam.
Tinulak ko ang skateboard at sinakyan ko ito habang mabilis na tumatakbo. Tinulak ko ulit to gamit ang aking paa. Gusto ko talaga ang pakiramdam na sinasalubong ang hangin. It makes me feel free and peaceful.
Sumipol si Vaughn sa likod ko. Kanina’y pinapanood ako ng magkakaibigan na nag s-skate habang naghihintay sila sa oras. Tahimik ang paligid sa aming village habang nag skateboard ako pabalik kina Pierre.
“Ikaw na naman ang maiiwan sa bahay kung di ka sasama sa game. Sama ka?” Tanong ni Pierre sa akin.
Tumango ako at pinulot ko ang skateboard ko. “Magpapahatid din ako pagkatapos ng game niyo sa building. May usapan kami ni Charles na mag laro ng Kinect mamaya, Pierre. Doon na rin ako matutulog ngayong gabi. Alam na ni Hendrix ang tungkol dito.” Paliwanag ko.
Tumango si Pierre at marahang dinribble ang bola.
“Hindi ka dito mag di-dinner?” Tanong ni Vaughn sa akin ng nakanguso.
Umiling ako. “May usapan kami ng kapatid ko.”
Napatingin si Pierre kay Vaughn. Narinig kong humalakhak si Jack sa likod habang sinusuot ang kanyang high cut na sapataos pambasketball. Nagkibit balikat ako at pumasok sa bahay para iligpit ang skateboard.
Sumama ako sa game nila. Nakatingin ako sa labas habang nagdadrive si Hendrix para sa amin ni Pierre at Jack. Panay ang tanong niya sa akin kung ihahatid niya na lang ba daw ako kina Charles ngayon o talagang manonood pa ako ng game.
“May practice sa banda si Charles tuwing hapon kaya tuwing gabi ko lang siya makaka bonding. Sasama lang muna ako sa inyo.” Paliwanag ko kay Hendrix.
“Pero pwede ka namang maghintay doon, a?” Wala sa sariling sinabi ni Hendrix.
Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulak na pumunta na sa Montefalco Building. Tsaka ko lang napagtanto kung bakit nang nakita ko na kung sino ang makakalaban nila.
“Oh…” Bulong ko sa sarili ko nang nakita ang nakalagay sa board. “Knights Versus Chevaliers.”
Grupo nina Pierre at Hendrix ang Chevaliers habang sa mga pinsan ko naman at kanilang mga kaibigan ang grupong Knights. Oo, narinig ko kay Pierre na kasali ang mga pinsan ko sa tournament na ito. Hindi ko pa sila nakikitang naglalaro sa court, ngayon pa lang.
“This should be easy.” Bulong ni Pierre sabay lagpas sa pagkakatulala ko.
“Bakit, Pierre? Kilala mo ba ‘yong nasa Knights?” Tanong naman ni Vaughn na pinapanood ang kapatid kong bored na humalukipkip.
“Oo.” Sumulyap siya sa akin. “Nakalaro ko na sila ilang beses, Vaughn.”
“Sino ba ‘yong nasa Knights?” Tanong naman ni Jack.
“Mga Montefalco.” Sagot ni Hendrix.
“Oh? Mga pinsan mo pala iyon, Klare?” Nagtaas ng kilay si Vaughn sa akin. Tumango ako sa kanya at pinagmasdan ko siyang nakipaghigh five kay Pierre bago pumasok sa loob ng gym.
Nakalaro na rin ni Vaughn ang mga pinsan ko. Hindi ko nga lang siya napapansin noon pero kasama siya nina Hendrix nang nakalaro nila ang mga pinsan ko two years ago or so. Transferee din kasi siya tulad ni Pierre sa Xavier University.
Ginala ko ang paningin ko sa bleachers mas maraming tao sa madalas na laman nito. Kita ko kaagad sina Erin, Chanel, Claudette, Hannah, Julia, at Liza sa bleachers na sumisigaw.
Hindi pa nagsisimula ang laban ngunit mainit na agad ang mga tao. Nag sho-shoot na ng mga bola ang mga pinsan ko na pare parehong naka dark blue na jersey. Numero lang ang iba iba sa kanila dahil puro Montefalco ang nasa taas nito.
“Klare, manood kang mabuti.” Ngumisi si Pierre sa akin habang tinatapik ang balikat ko para magpaalam.
“Ano? Manood ng mabuti kung paano natin pababagsakin ang mga pinsan niya?” Humalakhak si Vaughn.
May kung ano sa tiyan kong namilipit sa mga sinabi nila. Pakiramdam ko ay ayaw kong bumagsak ang mga pinsan ko. Ngunit ayaw ko rin namang matalo ang mga kapatid ko. Hindi ko alam pero parang ayaw ko nang manood ng larong ito.
“Iabot mo na lang samin ‘yong extra na mga Gatorade at tubig pag naubusan kami. We’re not like your cousins na maraming fans, Klare. Walang sumusuporta sa amin kundi ikaw.” Matabang na sinabi ni Pierre sa akin.
Tumango ako at nagsimulang maglakad sa bleachers na likod ng bench ng Chevaliers. Gusto ko sanang lumapit kina Claudette ngunit kakailanganin ako ng mga kapatid ko dito.
Kinawayan ko na lang sila nang nakita nila akong naroon. Sumenyas pa si Julia na lumapit ako doon kaya habang nag wa-warm up ang mga kapatid ko ay nagpaalam akong lalapit muna sa kanila at babalik lang pagkatapos.
Nang nakalapit na ako sa kanila ay binalot agad ako ng maiingay na sigaw at tawanan. Ngumisi ako at pinasadahan sila ng tingin.
“Go Eion!” Nakakabinging sigaw ni Erin, halos napapikit ako.
“Ewan ko nga, Hannah.” Narinig kong iritado na sinabi ni Claudette sa likod ni Julia.
“Klare! Kanino ka papanig?” Humalakhak si Julia at hinarap ako. “Alam ko na! Syempre sa mga kapatid mo, diba? Pero hindi mo talaga madedeny, ang hot ng mga Montefalco!” Aniya.
Sumulyap ako sa court at nakitang nag uusap ang mga pinsan ko kasama si Silver, na tumayong coach nila, at si Eion at ilang kaibigan ni Josiah na kasama nila sa team.
What can I say? Should I confirm that they are hot? Ngumisi na lang ako at tumango kay Julia.
“Klare, sino ‘yong mga kasama ng mga kapatid mo? Si Vaughn lang ang kilala ko.” Tanong ni Chanel.
“Uh-“
“Hindi ko nga alam, Hannah! Wag kang umasa!” Mas iritadong sinabi ni Claudette sa kay Hannah na siyang nakakuha ng atensyon ko.
Nagkatinginan kami ni Claudette at nakita kong iritado nga siya sa kung anong pinipilit ni Hannah. Bumaling ulit ako kay Chanel para sagutin siya…
“Mga classmate nila sa Ateneo de Davao, Chan.” Sabi ko bago umakyat ng isang palapag para makalapit kay Claudette at Hannah sa likod.
Dumami pa ang mga babae at nagulat ako nang nakita ko sina Cherry at ang kanyang mga tropa sa malayo. Nandoon rin ang iilang kakilala ko. Siguro ay dahil papalapit na ang championship kaya mas lalong dumadami ang nanonood.
“Anong nangyari?” Tanong ko kay Claudette at Hannah.
Suminghap si Claudette at hinarap ako ni Hannah na medyo nangingilid ang mga luha. “Wala si Selena.” Bulong niya.
Napatingin ako sa paligid. Oo nga. Ngayon ko nga lang rin napansin na wala nga pala si Selena dito samantalang naroon si Elijah sa court.
“I overheard them, Clau. Narinig ko kay Azi at Elijah at ang sabi ni Elijah ay kaya di sumama si Selena ay dahil may misunderstanding na naman sila. At narinig kong sinabi din ni Azi na akala niya ay wala na sila ni Elijah. Wala na ba si Elijah at Selena?” Desperadong tanong ni Hannah.
Nagulat ako sa mga narinig ko kay Hannah. Una sa lahat, bakit big deal sa kanya iyon? Hanggang ngayon ba gusto niya parin si Elijah? Pangalawa, anong misunderstanding ang pinag awayan nila?
“I told you, Hannah. Wala akong alam!” Mariing bulong ni Claudette. “Wag ka ng umasa kasi kilala na natin si Elijah, he’s a type A asshole. Mangmang na lang ang hindi makakaintindi non.” Sumulyap si Claudette sa akin.
“You told me he’s serious with her-” Ani Hannah.
“Yes, he is. That’s what he said. Let it go.” Mariing sinabi ni Claudette.
“Pero Clau-“
Narinig kong pumito ang mga referee. Hudyat na magsisimula na ang game. Nilingon ko kaagad ang bench ng mga kapatid ko at nakita kong naka pwesto na sila sa court habang nakatayo doon si Vaughn at kumakaway sa akin. Sumenyas siya at tinuro niya ang Gatorade sa pwesto ko kanina. Mabilis akong pumanhik para maiabot sa kanya iyon.
Kung ano man ang pinag awayan ni Elijah at ni Selena, hindi ko na alam. Gusto kong malaman kaya lang ano naman ngayon kung may away nga sila? I shouldn’t be like some scavenger. Ayokong mag abang sa mga bagay na nabubulok at aatake pag may pagkakataon. No, I’m better than that. I know what I need to do and that’s what I will do. Sana lang ay makisama sa akin ang tadhana. Two years ago, hindi siya nakisama, sinira niya kaming dalawa. Sana ay ngayon, papanig na siya sa akin, dahil gusto ko na lang subukang kalimutan siya.
Inabot ko sa nakangising si Vaughn ang Gatorade. Uminom siya sa harap ko habang nakatitig sa akin. Ngumisi ako.
“Gago! Ang tagal!” Narinig kong sigaw ni Elijah galing sa harap.
Naroon na silang lahat sa court at si Vaughn na lang ang hinihintay nila para magsimula.
“Vaughn, punta ka na don.” Sabi ko.
Sinarado ni Vaughn ang bote ng Gatorade at ngumisi. “Wala bang good luck diyan?” Kumindat siya.
Tumawa ako. “Good luck!”
“Tambakan ba namin?” Mas lalong lumaki ang ngisi niya.
Kinagat ko ang labi ko. I don’t know what to say.
Tumawa siya at tinalikuran ako bago nag jog pabalik sa gitna ng court. Aguirre, iyon ang nakalagay sa likod ni Vaughn. I’m not stupid. Alam kong nagpaparamdam siya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung nagbibiro ba siya o totohanan na dahil dinadaan niya sa biro ang lahat.
Nag angat ako ng tingin sa court at nakita kong madilim ang tingin ni Elijah sa akin. Mukha siyang badtrip. I’d like to think that it’s because of their misunderstanding.
Nagsimula ang game na mainit na kaagad. Nakuha ni Pierre ang unang score at nagkaroon agad ng foul si Azi. Nagbabasketball ang mga pinsan ko ngunit hindi nila iyon siniseryoso tulad ng mga kapatid ko. Masasabi kong mas magagaling ang team nina Hendrix kumpara sa mga pinsan ko. Tumatawa lang naman ang mga pinsan ko tuwing may laro pero iba ngayon, mukhang seryoso sila sa pagbabasketball. Halos mapasigaw nga ako nang bumagsak si Rafael at Hendrix dahil nagkabanggaan habang nag li-lay up.
“Rix! Get up! Rafael!” Tili ko sa kalabog ng puso ko.
Nahagip ko kaagad ang tingin ni Elijah sa akin habang naglalahad ng kamay kay Rafael. Inirapan niya ako at nagpatuloy sa game.
Aba. Anong problema non?
Nagpatuloy ang game. Gumulong si Vaughn nang nabangga siya kay Eion at Josiah. Tumawa lang siya at mabilis na tumayo.
“Go, Vaughn!” Sigaw ko.
Akala ko ay hindi maririnig dahil maraming naghihiyawan at nagsisitilian ngunit nagulat ako nang ngumiti si Vaughn sa akin at kumindat bago nag free throw. Well, I can shout loud, huh?
Sa 3rd Quarter ay bumagsak si Elijah at Jack nang sinubukan ni Jack na agawin ang bola kay Elijah habang nag li-lay up. Kumalabog ang court sa pagbagsak ni Jack at napangiwi ako dahil alam kong masakit iyon. Si Elijah ay naupo lang sa court at parang walang nangyaring collision. Damn his muscles.
“Jack! Kaya yan!” Sigaw kong halos umalingawngaw dahil walang sumuporta kay Jack. Hindi kasi nila ito kilala.
Nakita kong tumingin ulit si Elijah sa akin habang nakaupo sa court. Nakalahad sa kanya ang kamay ni Damon at ni Azi ngunit wala siyang tinatanggap. Umupo lang siya doon at parang may hinihintay.
Bumuntong hininga ako at umupo sa bleachers pagkatapos kong sumigaw para kay Jack na ngayon ay nakatayo na.
“O? Asan yong akin?” Sigaw ni Elijah sa court.
Yumuko ako at nagkunwaring nagbibilang ng Gatorade sa tabi ko.
“Fucking shout for me!” Aniya.
Napapikit ako at nangatog ang binti ko. Hindi ko kayang mag angat ng tingin kung ano ang nangyayari sa court habang sinasabi ito ni Elijah. Shit! Alam kong bad idea talaga ang pagpunta ko rito.
Nagpatuloy ang game at walang nangyari kanina. Gusto ko na rin sanang kalimutan ngunit tuwing tumitingin ako sa court at nakikita ko ang galit na mukha ni Elijah simula non ay kinabahan na ako.
Hindi nila malagpasan ang dalawang puntos na lamang ng kupunan ng mga kapatid ko. Medyo pagod na sina Pierre pero hindi sila sumusuko. Seryoso silang nagtatalo tungkol sa offense at defense dahil wala silang coach. Hindi na ako sumingit. Pinanood ko lang silang nagtatalo doon.
May biglang kumalabit sa akin. “Ate.” Aniya.
Napatalon ako nang nakita si Charles sa gilid ko. Umupo siya at kumuha ng isang Gatorade sa tabi ko.
“Charles, nandito ka? Wala kang practice?” Tanong ko.
“We’re done with it. Gusto ko lang manood ng game.” Aniya habang iniinom ang kulay blue na Gatorade. “Ba’t dalawang puntos ang lamang ng kalaban? Is it that hard to win?”
“Uh… Sina Pierre at Hendrix ang kalaban nila, Charles.”
Sumulyap si Charles sa akin. I can’t deny the Montefalco blood in his features. Maging ang kanyang aura ay sinisigaw na Montefalco siya. Sa simpleng t-shirt at shorts lang na suot niya ay agaw pansin na agad sa mga kasing edad niyang bata.
“I know. Mahirap ba silang kalaban? Yong mga kapatid mo? Bakit dalawang puntos lang ay hindi malagpasan nina kuya?”
“I-I don’t know, Charles. Maybe. Yes.” Sumulyap ulit ako sa court kung saan mainit na ang laban.
Pwesto agad sina Pierre para sa defense dahil sa mga Montefalco ang bola. Naririnig ko ang sigaw ni Hendrix kay Pierre na huwag maging careless at huwag magpasikat. They’re really at it!
“Calm down, Pierre. This is just a game. We’ll lose if you think this is life and death!” Sigaw ni Hendrix sa malayo habang pinipigilan siya ni Rafael.
Si Pierre ang kaharap ni Elijah na ngayon ay may hawak na bola. Pinapasa niya naman ito kay Azi na kaharap ni Vaughn. Tumakbo si Pierre sa ilalim ng court at may sinenyas kay Vaughn. Pinasa ni Azi ang bola pabalik kay Elijah dahil wala nang nagbabantay sa kanya ngunit tumakbo si Vaughn kay Elijah. Tumalikod si Elijah sa kanya nang sa ganon ay hindi maagaw ni Vaughn ang bola. Pag ikot ni Elijah para mag dribble at kumawala sa bantay ni Vaughn ay nasiko niya ito sa tiyan.
Napaupo si Vaughn sa sahig at ininda ang siko ni Elijah habang walang pakealam na nagdribble si Elijah patungo kay Pierre na agad sumigaw.
“ANG DAYA! BA’T DI NA FOUL!” Ani Pierre dahilan kung bakit na ishoot ni Elijah ang bola at tumabla ang score.
Dinaluhan agad si Vaughn sa court. Mabilis ang pintig ng puso ko dahil nakita kong pumipikit si Vaughn sa sakit. Tumayo rin siya ilang sandali ang nakalipas at mabilis na nilapitan ang binabating si Elijah.
Tinulak niya si Elijah. Halos mapapikit ako sa ginawa ni Vaughn. Please, no. Please, just no, Vaughn.
“Nananadya ka, a!” Dinig kong sinabi ni Vaughn.
Pumagitna agad si Hendrix sa dalawa. Sumali si Rafael sa pag gitna. Si Pierre naman ay nasa likod ni Vaughn. Si Eion ay kinausap si Elijah ngunit nag igting lang ang bagang ni Elijah sa sinabi ni Eion.
“Kung sinadya ko yon, nalumpo ka na ngayon!” Sigaw ni Elijah na mas lalong nagpainit sa ulo ni Vaughn.
Halos magsilapitan na ang mga pinsan kong babae sa court dahil sa nangyari.
“Calm down, Elijah!” Sigaw ni Chanel.
“Be sport, dude! Ang rumi niyong mag laro!” Ani Vaughn habang umiiling.
“Anong sabi mo?” Sigaw ni Damon.
“Dame, shut it!” Sigaw ng coach nilang si Kuya Silver.
“Oh, you want me to say sorry because it’s an accident?” Sarkastikong sinabi ni Elijah kay Vaughn sa court. “Sorry, a? Humaharang ka sa dadaanan ko kaya ka nasiko. Next time, tumabi ka. Dahil baka next time, di lang siko ang makuha mo.” At umalis siya don sa kaguluhan.
Nakita ko ang pag angat niya ng tingin sa akin, pag irap, at pag iling bago sumalampak sa bench at uminom ng Gatorade.
“Hindi sinadya ni Kuya ‘yon. It happens all the time in the court. Tsss.” Bulong ni Charles sa tabi ko. “Di mo ba papagaanin ang loob ni Kuya, Ate? Alam kong alam mong di niya ‘yon sinasadya.” Ani Charles.
Kinagat ko ang labi ko. “Someone’s hurt, Charles. Let’s just stop taking sides. Hindi sinadya ni Elijah ‘yon pero nasaktan si Vaughn. Let’s understand.” Paliwanag ko sa kapatid ko.
“Kuya Elijah got hurt too, Ate. Sinabihan silang madaya at inakusahang sinadya ‘yon.”
Napatingin ako kay Elijah na ngayon ay nakatalikod sa akin. Kitang kita ko ang pag igting ng kanyang bagang. Gumagalaw ang kanyang pisngi sa ginagawa niya. Nilapitan siya ni Josiah at Azi at may pinag usapan sila. Nag angat ng tingin si Azi sa akin bago bumalik sa court. He’s not playing for the overtime. Pinalitan siya ni Josiah. At nakita kong kinuha niya ang kanyang bag at umalis na doon sa bench.
Sinundan ko siya ng tingin. Kumalabog ang puso ko. I shouldn’t take sides pero… I’m really still with him. At natatakot akong palagi akong ganito. Natatakot akong kahit anong gawin niya ay matatanggap ko. Natatakot akong papanig ako sa kanya palagi. Natatakot ako.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]