Until He Was Gone – Kabanata 9

Kabanata 9

No Say

“Kina Elijah ka magpapahatid?” Tanong ni Eion nang papalubog na ang araw at pasakay na kami sa sasakyan niya.

Nilingon ko ang papalubog ng araw sa bintana ng carpark at tsaka tumango kay Eion. Alam kong gusto niya ng dahilan kung bakit ako doon magpahatid imbes na sa building na lang namin.

“Malapit lang yung bahay nila dito. Tsaka, may usapan din kami ni Erin na magkita doon.” I lied.

HIndi ko alam kung bakit nagsinungaling ako. Hindi rin naman siguro siya nangangailangan ng dahilan dahil pinsan ko naman si Elijah at wala namang masama kung pupunta ako sa bahay ng pinsan ko. Siguro ay hindi naman talaga si Eion itong kailangan ng dahilan kundi ako.

Tumango siya at pinaandar ang sasakyan. Ang tanging naging laman ng utak ko ay kug nag date nga bang talaga si Elijah at Hannah. I want to know. Panay ang tingin ko sa cellphone ko at wala namang nag text ni isa sa kanilang dalawa. Bakit ko ba naiisip kung nag date ba sila? Syempre, Elijah should be greatful na binigyan ko siya ng pagkakataong makadate ang isa sa pinaka magandang kaibigan ko! She’s even prettier than Gwen, mind you!

“May inaantay kang text?” Medyo seryoso ang tonada ng boses ni Eion nang papasok na kami sa exclusive na subdivision nina Elijah.

Umiling agad ako. “Wala. Tiningnan ko lang kung nag text si Erin.”

Ni text ko na rin ng totohanan si Erin. Sinabi kong nasa Kina Elijah ako ngayon. Nasa katabing subdivision lang naman kasi ang bahay nila kaya mas madali siyang makakapunta doon.

“Asan ba ang kina Elijah dito?” Tanong ni Eion.

Nakalimutan ko siyang bigyan ng direksyon! Madali lang kasing mahanap dahil malapit lang sa gate at malaki ang kanilang bahay.

“Ayan!” Sabay turo ko sa isa sa pinaka malaking bahay sa subdivision na ito.

Tumango siya at itinigil ang sasakyan.

Bukas ngunit naka dim ang lights ng bahay. Hindi mo makikita ang buong garahe galing sa labas dahil sa matatayog nitong mga haligi kaya hanggang tingin na lang ako sa gate.

“Thanks!” Sabi ko sabay kalas sa seatbelts ko.

“No problem.” Tinitigan ako ni Eion. “Did you have fun?”

Kumalabog ang puso ko sa tanong niya. “Syempre!”

Gumuhit ang ngisi sa labi niya. “Next time ulit?” Nag iwas agad siya ng tingin.

This time, I’m sure nahihiya siya sa pagyaya niya sa akin. Pumula ang kanyang pisngi at mas lalo iyong pumula ng tinitigan ko siya.

“Ayaw mo?” Medyo iritado niyang tanong at mas lalo pang inilayo sa akin ang paningin.

Humahalakhak na ako at mabilis na nagsalita. “Syempre, gusto!”

“Why are you laughing?” Ginawa niya ang lahat para tumingin sa akin pero kitang kita parin ang pamumula ng pisngi niya.

“I’m not.” Mas lalo akong tumawa at mabilis akong bumaba sa sasakyan niya.

Nagpatuloy siya sa kanyang madilim na ekspresyon hanggang sa nakababa ako. Nakita kong umiling siya at ngumisi sa akin.

“Good night, Klare.” Umiiling iling siya hanggang sa umalis na ng tuluyan.

Nakangiti pa ako nang tumalikod at hinarap ang gate ng bahay nina Elijah. Pinindot ko ang doorbell sa gate at automatikong bumukas ito. Tight ang security nila sa bahay nila at may mga katulong din sila. Syempre, kung may ari ka ng isa sa pinakamalaking palm oil company sa Pilipinas, kailangan mo ng ganitong seguridad. Si Kuya Justin ay walang interes sa negosyo nila kaya sa labas ng bansa siya nag tatrabaho. Si Ate Yas naman ay nag aaral at nagpapaka independent na rin sa US kahit na hindi na naman talaga niya kailangan nun.

“Wala pa si Elijah, Klare. Kumain ka na ba? Anong gusto mong lutuin ko?” Sinalubong ako ng isa sa pinaka matagal ng naging katulong nina Elijah.

“Wag na po, auntie. Busog pa po ako. Hihintayin ko na lang dito sa sala si Elijah.” Sabi ko at kinuha ang throw pillow sa sofa, at umupo.

Tumango siya, “Juice?”

Tumango ako at kinuha ang iba’t ibang magazine sa ilalim ng kanilang center table.

Naubos ko na lang iyong mga magazine sa kakabasa at mas naging aware na ako sa mga nangyayari sa showbiz ay hindi parin dumadating si Elijah. Naubos ko na rin ang isang pitsel ng orange juice at wala parin siya!

“Klare, ipapahanda ko na ba ang guest room o sa kwarto ni Elijah ka matutulog?” Tanong ng katulong.

Umiling ako. “Paki ready na lang po ng taxi. Siguro after 30 minutes at wala pa si Elijah, papasukin niyo na yung taxi dito para makauwi na ako.”

Nakita kong nagdalawang isip pa siya. “Tatawagan ko na lang siya. Hindi safe ang mag taxi ng gabi. Tsaka, pwede namang magpasundo na lang.”

Umiling ako. “Ah! Di bale, pwede namang si Erin, auntie. Pero paki alert na lang din ng guards pag kailangan ko ng taxi kung wala si Erin.”

Tumango siya at umalis na rin.

Ilang minuto pa akong naghintay. Kumalam na ang sikmura ko. Tumayo ako at nag stretch. Napagdesisyunan kong maghanap ng pagkain sa kusina nina Elijah nang biglaang bumukas ang pintuan. Bumulagta sa akin si Elijah na naka polo’ng hinihila ng babaeng magulo ang kulot na buhok at naka dress ng maitim at maiksi. Naka paa na siya at sinasakyan niya na si Elijah na para bang sabik na sabik siya sa kanya. Tumilapon ang itim niyang heels sa sahig at nakita kong pumulupot na ang kanyang mga matataas na binti sa baywang ni Elijah.

Hindi ko kinaya. Para akong lobo na unti-unting lumalaki at puputok na ngayon din!

“WHAT THE HELL?” Sigaw ko at halos basagin ko ang vase sa table nila.

Mabilis na binitiwan ni Elijah ang babae at agad bumaling sa akin gamit ang gulat na mukha. Medyo nahulog pa iyong babae na nakatingin parin sa labing pulang pula ni Elijah at hindi man lang nirespeto ang presensya ko!

“Where’s Hannah?” Nanginginig ang boses ko habang lumalapit sa kanila.

Doon pa lang ako tiningnan ng babaeng iyon. She’s a freaking slut! No! I need to calm down! Sa totoo lang, kitang kita ko ang mamahalin niyang pumps at maganda rin siya. Hindi siya cheap. Kulot ang kanyang buhok at medyo foreign ang features ng kanyang mukha. Nang tinitigan ko siya ay nakita ko pa ang kulay green niyang mga mata.

Elijah groaned. “We’re done with the date.”

“Sino siya?” Nanliit ang mga mata ko at tiningnan ang babae.

“Where’s the fun here, Elijah? Akala ko ba you are free tonight?” Medyo malambing ang tono ng babae.

Uminit ang pisngi ko. Nakatitig at nakakunot ang noo ni Elijah sa akin habang titig din ako sa babae.

“Can you leave?” Ani Elijah.

Sumakit ang puso ko nang ilang segundong akala koy ako ang kanyang sinabihan pero nang bumaling siya sa babae at inulit iyong sinabi niya ay gumaan ang pakiramdam ko.

“Leave.” Ulit niya.

Nakita ko ang pagkaka offend sa mukha ng babae. Ngumiwi siya at tumingin sa akin.

“May girlfriend ka?” Tanong niya.

Umiling at pumikit si Elijah. “She’s my cousin.”

“Oh! Well, next time then.” Anang babae at hinalikan si Elijah sa labi.

Suminghap ako nang binuksan ng babae ang pintuan at kinuha ang kanyang mga sapatos sa sahig. Inayos niya ang kanyang sarili at isang pasada lang sa daliri ay umayos agad ang kanyang buhok. Damn! Of course she’s beautiful! Kung inuwi siya ni Elijah sa bahay nila, she must be damn beautiful!

“May taxi sa labas. Naghihintay.” Ani Elijah at sinarado niya agad ang pinto.

Bumaling siya sa akin. Umiling at naglakad patungo sa kitchen nila. Syempre, tumungo din ako doon nang nakasunod sa kanya.

“What the hell happened? Who is the bitch, Elijah? Nasaan si Hannah? What happened to her? Iniwan mo ba siya para sa bitch na iyon!”

“JESUS, KLARE! May pangalan si Annabelle! Will you stop asking me damn questions?”

May kinuha siyang kulay brown na maiinom sa ref at nilagok ang isang shot noon bago nilapag sa counter. Malayo ako sa kanya pero hindi ko parin maalis ang paghuhuramentado at pag kakainis ko!

“Mabuti pa si Anna freaking Belle, naaalala mo ang pangalan pero si Hannah? Jana pa ang tinawag mo sa kanya!” Sigaw ko.

Honestly, what’s wrong with me?

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha sa inasta ko, “We’ve met before! Sa New York! What is your freaking problem? Huh? I don’t know, Klare. I don’t know.” Umiling siya at lumapit sa akin.

Umiling din ako at unti-unting umatras. What is my problem? Hindi ko rin alam. Hindi ko alam!

“Dahil ba wala ang parents mo? Wala si Kuya Justin? Ikaw lang dito may karapatan ka ng magdala ng babae? At dito pa kayo mag milagro?” Matabang kong sinabi.

Tumigil siya sa harapan ko. “Ano yun sayo?” Matama niyang sinabi. “Would you rather see me kissing your friend than someone else-“

“JERK!” Sinampal ko siya.

Nanginginig ako sa picture na ibinigay niya sa utak ko. Hannah? Kissing Elijah? No. Way. Nakikita kong sumasayaw ang kanyang mahabang buhok sa mga braso ni Elijah!? Just no effing way!

Kumislap at pumula ang mga mata ni Elijah nang bumaling sa akin galing sa pagkakasampal ko. Nag igting ang bagang niya. Lumipad naman ang kamay ko sa labi ko. Nagulat ako sa sinabi ko! Nagulat lang ako!

“Kung ayaw mo? Edi ano, Klare? Ayaw mo ako sa ibang babae, ayaw mo yung kaibigan mo? Edi ano? Ano ang gusto mo? What? Pag may kahalikan ako susugod ka at mag eeskandalo na lang kasi hindi pwede kahit sino?”

“YES! Hindi pwede kahit sino! Hindi pwede, Elijah! Hindi pwede! Hindi pwede, hear me? Hindi pwede!!!” Namamaos kong sigaw sa mukha niya.

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

Ilang sandali na lang maiiyak na ako. WHAT THE HELL DID I JUST SAY? Hindi ko alam. Lahat ay blanko sa utak ko.

“You. Have. No. Say. On. Who. I. Fucking. Date!” Aniya at agad akong nilagpasan.

Nag ugat ang mga paa ko sa sahig. Hindi ko siya nilingon kahit na dinig ko ang kalabog ng kanyang paa paakyat ng hagdanan at kahit ang padabog niyang pagsarado ng pintuan ay dinig na dinig ko. Tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko iyon mapigilan. Mabilis din ang pintig ng puso ko. What the hell is happening with me? Basta ang alam ko lang, walang filter kong sinabi ang nararamdaman ko.

Gusto kong si Hannah pero ayaw kong nakikita silang naghahalikan? Can’t they get to know each other first? Date first? And not take it to the next level? Kasi hindi pa ako ready!

That night, I didn’t know what the hell is my problem. Basta natulog na lang ako ng mabigat ang puso. Kumatok si mommy sa sumunod na araw.

“Klare?” Mahinahon niyang binuksan ang pinto ko.

“Hmm?” Kinukusot ko ang mga mata ko.

“Simba tayo mamayang hapon. By the way, tumawag si Elijah kaninang alas sais ng umaga.”

Mabilis akong bumangon sa kama at tiningnan kung anong oras na! Alas diyes!

“Anong sabi?” Tanong ko.

“Tinanong kung nakauwi ka daw ba? Galing ka sa kanila?” Tanong ni mommy.

“Yup.” Buntong hininga ko.

“Pero… di ka niya hinatid pauwi?”

God, I really don’t want this conversation. Umiling na lang ako at bumalik sa kama. I need to pretend that I’m still sleepy. Mabuti na lang at iniwan din ako ni mommy at di na siya nagtanong pa.

The next days were even worse! Syempre, unang bungad sa akin sa school ay si Hannah na kinikwento sa akin kung gaano siya kinilig sa kanilang date ni Elijah. Kinilig? I can’t imagine! Hindi ko iyon maimagine dahil sa tumambad sa akin nang umuwi siya! Kung tunay nga iyong pagpapakilig ni Elijah sa kanya, bakit niya inuwi ang isa pang babaeng iyon?

Hilaw ang mga ngisi ko habang kinikwento niya. Mabuti na lang at tinanong niya ako tungkol sa date namin ni Eion. Nalungkot siya nang sinabi ko ang nangyari.

“Mabuti ka pa… Niyaya ka ni Eion sa isa pang date, samantalang ako? Hindi.”

Kinagat ko ang labi ko, “Aww. Uh, baka ititext ka lang niya?”

Ngumuso si Hannah at tumingala. “I don’t know, Klare. Di pa siya nag titext hanggang ngayon.”

Damn asshole! Buong akala ko si Josiah o si Azi ang maaaring magwagi sa Asshole of the Year award, iyon pala, may isang humahabol at mukhang di na mauungusan pa!

Tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong kinapa ang bag ko para kunin iyon at nakita kong si Erin ang tumatawag.

“Hello?” Sagot ko.

“Hello, Klarey. Wherefor art thou?” Naririnig ko ang ngiti sa boses niya.

“School. Bakit?”

“Nasa Sweet Leaf kami ngayon. Walang class until 4PM, e. Chill muna. Punta ka dito?”

Binalingan ko si Claudette na may Chupa Chups sa bibig. Nakatingin siya sa akin na para bang alam niya agad na pinsan namin ang kausap ko.

“I wanna hear about your date with Eion.” Dagdag niya.

Ngumisi ako. “Uh, sinong nandyan?”

She giggled. “The boys, syempre.”

“Sino?” Tanong ko ulit.

Bumuntong hininga siya, “Si Azi, Josiah, Rafael, Damon, and Elijah.”

Oh! Wag na lang. Thanks!

“I’m busy, eh. Si Clau na lang?” Sabi ko.

Nagtaas ng kilay si Claudette sa akin.

“WALANG BUSY BUSY, GIRL!” Humagalpak si Erin. “You should see this! May babae si Elijah!” Bulong niyang excited.

“B-B-Babae?” Bulong ko rin. “Si Annabelle?” Tanong ko. What a name!

“Who’s Annabelle? Si Karen!” Ani Erin. “Sinong Annabelle?”

WHAT? Another one?


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: