Until He Was Gone – Kabanata 8

Kabanata 8

Forgive and Forget

Kuala Lumpur ang tungo ni Kuya Justin. Kahapon pa pala umalis ang kanilang mommy at daddy sa Manila. Mukha atang may inaasikaso sa negosyo nilang Palm Oil. Si Kuya Justin naman ay pupuntang New York via Kuala Lumpur.

“Ang aga mong nagising para ihatid ako?” Napatanong si Kuya Justin habang pumapasok sa likod ng sasakyan ni Elijah.

Inaayos naman ni Elijah ang luggage niya sa loob. Nang pumasok na siya ay agad siyang sumingit sa sinabi ni Kuya Just.

“Not for you, Kuya. For me.” He chuckled.

Sinapak ko siya. “Kuya Just, may usapan kasi kami ni Elijah na idi-date niya iyong kaibigan ko.”

“Ouch! So hindi mo ako ihahatid dahil gusto mo?” Humalukipkip si Kuya.

Nagsimulang mag drive si Elijah at hinayaan niya kaming mag usap na dalawa.

“Nope! Syempre, gusto ko rin! Hitting two birds in one stone.” Kumindat ako.

“Three birds, Klare. And with accuracy.” Napalingon ako kay Elijah.

Tumigil ang sasakyan at agad bumaba si Elijah. Luminga ako at nakita kong nasa subdivision kami nina Azi!

“Thanks, man!” Sabay fist bump ni Knoxx at Elijah.

Nilingon ako ni Elijah nang binaba ko ang salamin para tingnan kung anong meron. Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay napagtanto niya na agad ang gusto kong malaman.

“Uuwi si Knoxx ng Maynila. Driver nila ako today papuntang airport. And you…” Humilig siya sa bintana ng sasakyan habang inaayos ni Knoxx ang kanyang mga gamit sa likod. “Will keep me entertained.”

Bago pa ako atakihen ng kakaibang kuryenta sa katawan ay agad na siyang umalis sa kinatatayuan niya.

“Hello, Klare!” Wika ni Knoxx nang pumasok na. “Akala ko girlfriend na ni Elijah ang nasa front seat kanina, ikaw lang pala!”

Buong byahe papuntang airport ay panay ang pag uusap nila ng kung anu-ano. Mostly about girls. Iyong mga nakilala nila sa party at iyong mga nakaagaw ng atensyon nila!

“You got eight freaking girls in an hour, Elijah! With. No. Sweat.” Ani Knoxx. “Samantalang si Azi ay dalawang beses pang na turn down.

Nakangising nag dadrive si Elijah. Hindi siya kumikibo sa sinasabi ni Knoxx sa likod.

“Syempre, tahimik iyan. E si Azi kilalang notorious playboy.” Ani Kuya Justin.

“You got eight girls?” Napatanong ako kay Elijah.

Umaangat pa lalo ang labi niya sa pagngingisi. Ginalaw niya iyong damit niya na para bang naiinitan kahit naka full naman iyong aircon. Naka kulay itim siyang polo shirt, at khaki shorts. Iyan na rin siguro ang susuotin niya sa date nila ni Hannah.

“They got me, Klare. Hindi naman kasi ako yung naghirap para makuha ang atensyon nila. Sila. Kaya sila yung nakakuha ng atensyon ko.”

“Yabang mo!” Inirapan ko siya at nagtawanan naman si Knoxx at Kuya Justin.

Ngayong aalis na silang dalawa, mas peaceful na iyong pinsan kong naiwan dito. Uuwi si Knoxx sa Maynila, o sa isang probinsya sa Luzon para doon mag aral at pag aralan ang pamamahala ng farm nila doon. Samantalang si Kuya Justin naman ay nagtatrabaho at naninirahan na sa New York. Pwede naman siyang tumira dito pero pinili niya doon. Nandun din kasi ang Ate ni Elijah na si Ate Yasmin.

“Bye, Klare!” Sabi ni Kuya Justin habang niyayakap ako. “Uuwi ulit ako. Hopefully this Christmas.” Aniya.

“Ako din.” Ani Knoxx sabay yakap din sa akin.

Tumango ako at kinawayan silang dalawa habang umaalis papasok ng airport. Hindi na kami pwedeng pumasok ni Elijah kaya doon lang kami at tinitingnan ang dalawa. Ilang sandali ang nakalipas ay narinig ko ang buntong hininga ni Elijah at ang pagtunog ng kanyang mga susi.

“Let’s go back?” Aniya.

Tumango ako at tumalikod na. Nauna akong maglakad. Dinig ko ang mga yapak niya sa likod ko habang patungo kami sa kanyang Trailblazer, Chevy.

Bago ko pa nahawakan ang pintuan ay pinatunog niya na agad ang alarm para mabuksan ko ito.

“Uh, thanks.” Sabi ko at pumasok na.

Pumasok na rin siya at pinaandar agad ang sasakyan. Siya ang unang nagsalita. Good. Kasi wala rin akong masabi.

“So? Kelan iyong date namin ni Hannah?” Mabuti’t nakuha niya ang pangalan ng kaibigan ko.

“Mamaya na nga, diba? Pag uwi natin, magkikita na kayo.”

“It’s almost 12, Klare. Ginugutom ako!” Aniya.

Pinandilatan ko siya. Hindi siya makalingon dahil nag dadrive siya. “Kaya nga, diba? Magkikita kayo sa Aura para mag lunch. Pagkatapos ay manood kayo ng sine. Pagkatapos ay mag usap kayo sa isang coffee shop at ihatid mo siya sa bahay nila-“

“What is this a schedule?” Humalakhak siya.

Medyo nairita ako sa sinabi niya. “Asshole, ganun makipagdate. Palibhasa iyong mga nagagawa ninyo ay puro sa bar nangyayari.”

Kumunot ang noo niya at binalingan ako saglit bago tumunganga ulit sa kalsada.

Iyon ang naisip kong gagawin nila dahil iyon ang naisip kong gagawin namin ni Eion. Iyon nga lang, sa SM kami at hindi sa Aura. Doon kami mag didate para malayo kina Elijah. At isa pa, balak kong pumunta sa kanilang bahay pagkatapos ng date namin ni Eion para kamustahin sila ni Hannah.

“And I expect you’ll be there with us?”

“I won’t.” Umiling ako. “May date din ako with Eion.”

Kinuha ko ang compact powder ko at tiningnan kung okay ba ang mukha ko. Magpapahatid ako kay Elijah sa SM bago siya dapat pumunta ng Aura, downtown.

“You have a what. Klare?” Mariin niyang tanong.

Sinarado ko ng padabog ang powder ko at matama ko siyang tiningnan. Kita ko na mahigpit ang hawak niya sa manibela at bumabalandra na ang ugat sa kanyang braso.

“A date.” Sabi ko.

“You can’t date the boy.” Aniya na halos matawa dahil mukha akong nagpapatawa.

“Bakit hindi? God! I’m eighteen, Elijah. At wag mo siyang tawaging ‘boy’!”

“You’re only eighteen.” Rason niya.

“Kelan ka pa ba naging masyadong over protective sa akin? I get that masyado kayong over protective pero hindi ba tinutukso niyo naman kami ni Eion? So what’s your problem now?”

“Wala akong problema sa kanya hanggang sa binuksan niya iyong bibig niya sa birthday ni Kuya Justin. He’s a jerk.”

“He’s not… He’s just cold.” Paliwanag ko.

Halos matapon ang mga gamit ko sa biglaan niyang pag bi-break. Wala pa kami sa half way ng daan papuntang syudad. Mabilis itong mag drive pero for some reason, mahina ngayon.

“What the?” Nanlaki ang mga mata ko nang tiningnan ko siya.

Pumikit siya at nagbuga ng hininga na para bang kinakalma niya ang sarili niya.

Dinampot niya ang kamay kong kinakapa ang suklay kong nahulog sa baba dahil sa biglaang pagbreak.

“Baby, you don’t deserve the cold. You deserve someone warm and hot…” Ngumisi siya pero hindi ko magawang ngumisi pabalik.

Masyado akong kinakabahan kaya hindi ko kayang ngumisi! Tinitigan ko ang kamay niyang walang kahiraphirap na pumulupot sa kamay ko. Agad kong inalis ang kamay ko. Nalaglag ang panga niya at agad nag seryoso.

“He opened his god damned mouth that night and talked shit, Klare. Anong gusto mong maging reaksyon ko? Tatanggapin ko siya with arms wide open?” Medyo tumaas ang boses ni Elijah.

“Nakalimutan ko na nga iyon pero tumatatak sayo? Forgive and forget, Elijah. I just need to break the ice between us.” Sabi ko. “And you don’t need to like him, anyway. You are just my cousin. You have no say on who I date.”

Tinitigan niya ako. Madilim na titig. May naglakbay na kuryente sa likod ko. Hindi ko pa iyon kailanman naramdaman kaya pinilig ko ang ulo ko para madistract.

“Okay.” Tumango siya at seryoso parin.

I wanted so much to touch his arms and say sorry. Gustong gusto kong pawiin ang lungkot na nananalasa sa mukha niya ngayon. I’m guilty. Iyon ang pabalik balik na nasa utak ko habang nagdadrive siya ng mabilis at matulin pabalik ng syudad. Masakit ba iyong sinabi ko? Hindi naman, a? That was the freaking truth! He’s my cousin… And… well, yes, maybe pwedeng may say siya sa kung sino ang idi-date ko. Pero Eion is a good guy. He’s just cold. Isang pagkakamali lang ay umayaw agad si Elijah sa kanya.

“There you go.” Tamad niyang tinigil ang sasakyan sa gitna ng SM.

“Thank you.” Sabi ko at binuksan ang pintong mabilis ko ring isinara pagkalabas ko.

Ni hindi siya nagtagal o naghintay. Agad niya ring pinaandar ang kanyang sasakyan at bumalik sa downtown kung saan iyong date. Pumihit ako at tiningala ang SM. A date with my ultimate crush! Pero may guilt na dumadaloy sa sistema ko, I can’t seem to forget what he looked like.

Pinipikit pikit ko ang mga mata ko habang hinihintay si Eion sa meeting place namin. Nag order ako ng side dish habang wala pa siya kasi hindi ako mapalagay. Great! May date ako pero lumilipad ang utak ko! Iniisip ko iyong mga mata ni Elijah na nihahighlight nga kanyang mga pilikmata, so sad and so broken.

“Sorry I’m late!” Hinihingal na nag materialize si Eion sa harap ko.

Napatalon ako sa gulat. Ngumiwi siya sa reaction ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang magulo ang buhok niya para mas gumwapo o talagang ganun ang buhok niya. Naka puting t-shirt siya at naka dark blue jeans.

“You okay? Sorry, na late ako ng 30 minutes.” Aniya at umupo habang nag snap ng daliri para makatawag ng waiter.

“Ha?” Dinungaw ko ang wrist watch ko. “Hindi ko namalayan. Okay lang.” Ngumisi ako.

Iyon ang totoo. Hindi ko namalayan na late siya ng thirty minutes. Huminga ako ng malalim at naamoy ko na ang bango niya. Kaya ba siya natagalan ay dahil masyado siyang nag effort sa pananamit at sa hygiene? Oh! Hindi matanggal ang ngisi ko.

“Anong sayo?” Tanong niya.

“Bentou na lang.” Sabi ko agad.

“Dalawa. Tapos Coke at California Maki.” Aniya sa waiter na agad tumugon sa mga order niya. Bumaling siya sa akin. “Sinong naghatid sayo dito? Dapat ako yung sumundo sayo.”

Kumalabog ang puso ko.

“Si… Elijah.” Damn. I remembered him again! “Okay lang. Galing pa kaming airport para ihatid si Azi at Knoxx.”

Tumango siya.

Naiisip ko na na natitibag ko na ang pader sa aming dalawa ni Eion. Hindi na siya gaanong cold hanggang sa may dumating na mga batchmates…

“Uy! Kayo na?” Pambungad ng taklesang taga ibang block na naging classmate ko sa isang subject.

Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Eion. “Hindi!” Umiling siya.

“Sus! Showbiz pa, sige, Eion Sarmiento! Kayo na, e. Kita ko ang sweet niyo sa kanyang debut.”

Eion turned bright red. Nag igting din ang kanyang panga at binalingan ang babae. “Kung magiging kami, malalaman niyo rin naman. Walang rason para maglihim ako.”

Nag hugis ‘O’ ang bibig ng babae at tumango para tantanan kaming dalawa. Natuyuan ako ng lalamunan at pakiramdam ko ay namutla ako lalo na nang nagkatitigan kami ng galit na mga mata ni Eion. Ayaw niya ba ng ganito? Ayaw niya ba na nakikita kaming magkasama in public?

“I-I’m sorry.” Bulalas ko.

Uminom siya ng tubig. Bakas parin sa mukha niya ang pagkakairita.

“Ayaw ko talaga sa mga chismosa.” Aniya.

“Sorry, ayaw mo na ba dito?” Tanong ko nang dumating ang mga orders namin.

“Bilisan na lang natin ang pagkain at umalis na lang dito.”

Ngumuso ako at tumango. Alright. Damn! What a date!

Ayaw ba ni Eion na may makakita sa aming dalawa? Ikinahihiya niya ba ako sa mga tao? Hindi ko alam. Basta ang alam ko at ang sabi niya ay ayaw niyang pinag chi-chismisan kaming dalawa.

Sinunod ko siya. Mabilis akong natapos. Ganun din siya. Nagbayad siya agad ng bill. Gusto ko sanang magbayad din pero natatakot ako at baka ma badtrip siya sa akin. Dumiretso na kami sa second floor kung nasaan ang movie house ng mall.

Inisip ko agad kung ano na kayang nangyari kay Elijah at Hannah? Nang tiningnan ko ang cellphone ko, wala pa namang text na galing sa kanila kaya hinayaan ko na lang. Pumasok na kami sa loob ng sine na may dalang popcorn at drinks. Action na may halong fantasy ang pinanood namin.

Namangha ako sa kagwapuhan ng bida at naiyak sa mga nakakaiyak na scenes.

“Imposibleng true to life story ito dahil fantasy! Hindi naman siguro totoo iyang mga blackmagic-” Sabi kong pinutol agad ni Eion.

“Shhh! Nanonood tayo! Wag kang maingay.”

Umirap ako. “Sungit.” Hindi ko na naiwasan ang pagsasalita ko.

Hindi naman kasi normal sa akin na hayaan ang mga tao sa mga ginagawa nila. Lagi akong may masasabi at laging may kumento. Kay Eion lang ako tumitiklop dahil sa takot kong ayawan niya ako pero sa puntong ito ay hindi ko na iyon napigilan. Kinagat ko agad ang labi ko at nilingon siya kahit madilim ang sinehan.

Nilingon niya rin ako at kitang kita ko ang unti-unting pag angat ng labi niya. He smiled!

“So what kung masungit ako?” Nagtaas siya ng kilay.

Hindi ako kumibo. Wala akong masabi. Mabilis ko na lang na tiningnan ang screen dahil hindi ko rin maalis ang ngisi sa bibig ko.

“Nagtanong ako, pero ang tangi mong sagot ay ngiti? Damn, Klare Montefalco.” Bulong niya sa sarili niya.

Mas lalo akong ngumisi. Hindi ako makagalaw. Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Ito iyong feeling na nanlalamig ako at gusto ko na lang na manatili doon at hindi na matapos ang lahat. Gusto kong tumakbo sa kahihiyan at dahil sa paghuhuramentado ng sistema ko pero gusto ko ring manatili at ikulong na lang ang pangyayaring ito sa mga palad ko, para di ko makalimutan, para lagi kong maalala, para lagi kong maramdaman.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d