Kabanata 10
Angelus
Isinama ko si Claudette sa Sweet Leaf. Pareho naman kaming walang pasok ngayon. Tahimik ako habang mabilis na naglalakad patungo doon. Mabuti na rin at tahimik din si Claudette sa gilid ko.
Sa totoo lang, hindi naman talaga kami sobrang close ni Elijah kahit noong mga bata pa kami. Hindi siya tulad ni Josiah na sweet sa mga girls. Boys lang ang lagi niyang kasama at para sa kanya ay alien ang mga girls. Kaya nung umalis siya patungong States ay mas naging close ko na si Azi. Wala na kasi siyang pinsan na laging kasama nung umalis si Elijah. At nang bumalik siya ng Pilipinas noong grade 5 ako, hindi kami nag usap buong taon. Hindi ko talaga siya feel noon. At wala namang pakealam ang mga pinsan ko kung nag uusap kami ni Elijah o hindi. Really, sa dami naming Montefalco, hindi na namin masundan kung sinong magkasundo at sinong hindi. Nang nag high school ako ay doon pa lang kami nagsimulang mag usap para mag away. Palagi. At alam iyon ng lahat! Kaya kung mag away man kami ngayon, hindi na sila magtataka!
“Bilis mong maglakad.” Utas ni Claudette.
Hindi ako kumibo. Sa labas pa lang ng tea house ay nakikinikinita ko na ang pag aakbay at pambubulong ni Elijah sa isang maputi at makinis na babae. High cheek bones, naka parehong uniporme namin, kulot kulot ang buhok at properly manicured ang mga kuko sa kamay. Again, this girl isn’t some cheap whore!
“Klare!” Napatayo si Erin at umupo sa dulo ng sofa sa tea house para makaupo din ako sa tabi niya.
“Alis na muna kami.” Ani Rafael at Josiah.
“O, san kayo?” Tanong ko nang tumayo ang dalawa.
“May pasok kami sa Biology.”
Tumango ako at hinayaan silang umalis na dalawa.
Bumaling ako kay Erin nang hindi tinitingnan si Elijah at ang babaeng pinupulupot niya sa kanyang braso. Dammit!
Umubo si Erin at tiningnan si Elijah. Ngumuso nguso pa siya na para bang may isinisenyas kay Elijah. Nang sa wakas ay nagkasalubong ang tingin namin ni Elijah ay agad siyang bumitiw.
“This is Karen.” Tumingin siya sa babae.
Nilagay ng babae ang kaonting buhok na tumakas sa kanyang tainga bago naglahad ng kamay sa akin.
“Klare Montefalco and Claudette Montefalco.” Ani Elijah.
Tinitigan ko na lang ang kamay nung Karen. Nakataas ang kilay ko at hindi ako nahiyang hindi iyon tanggapin. Siniko ako ni Erin pero hindi ko parin inangat ang kamay ko. Imbes ay si Claudette ang tumanggap ng kamay niya.
“Nice meeting you.” Sabi ni Claudette. “Girlfriend ka ni Elijah?”
Humalakhak si Elijah at Karen. “Hindi…” Nahihiyang sagot ni Karen.
“Didn’t know being a friend involves hugging and almost kissing.” Bulong bulong ko sa gilid namin ni Erin.
Natahimik silang lahat. Dinig na dinig ko ang mga pinag uusapan ni Azi at ni Damon sa gilid dahil sa pananahimik namin.
“Shhh… Hinaan mo pa boses mo ang tahimik nila.” Sabay tingin ni Damon sa amin.
Kumunot ang noo ko.
Bumuntong hininga si Elijah at hinarap ako. Kita kong iritado na siya. “Well, Klare. Your ideas of friendship seem primitive.”
Umirap ako sa kawalan. “It’s not primitive, Elijah. It’s knowing the boundaries between a friend… and a lover.” Umirap ako sa kanya at bumaling kay Erin na naabutan kong nagkakasalubong ang kilay. “So… yung date namin ni Eion?”
Unti-unting tumango ang nakangising hilaw na si Erin at napalitan ng excitement ang kanyang mukha. Hinayaan kong maglampungan ang dalawa habang si Claudette naman ay nakikinig na rin sa amin ni Erin.
“Nanood kayo ng sine? Tapos?” Inuunahan ako ni Erin sa mga sinasabi ko.
Sinabi ko sa kanya ang lahat at sinugurado kong malakas ang boses ko na kahit sina Damon ay napapatingin sa akin.
“Ayun! Maganda ang pinanood namin! Grabe! Pero ang cold niya parin. Okay lang, mas lalo akong naattract!” Tumawa ako.
Narinig kong gumalaw ng kaunti si Elijah sa pagkakaakbay niya sa kay ‘Karen’. Nagbubulung bulungan parin ang dalawa pero hindi ko na pinansin.
“Oh, tapos, tapos? Hinatid ka niya kina Elijah? Tapos?” Excited na mga tanong nI Erin sa akin.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag baling ng tingin ni Elijah sa akin.
“Hinatid niya ako at niyaya ulit para sa isa pang date.”
“Oo…” Tumango si Erin at naghintay pa ng susunod na sasabihin ko.
“Umalis siya, pumasok ako sa loob…” Sabi ko.
Napawi ang kanyang ngisi. “WHAT? Hindi nasundan yung halik sa hotel?”
Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang sinabi. Napatingin ako kay Claudette na nanlalaki din ang mga mata. Si Erin lang ang sinabihan ko sa pangyayaring iyon pero ngayon, alam na ata ng lahat ng tao sa loob ng Sweet Leaf dahil sa ibinulalas niya!
“Ano yun, Erin?” Malamig na tanong ni Elijah.
His hands were completely off the girl. Nakasalikop na iyon ngayon sa kanyang harap at para bang may isang bagay siyang gustong malaman kay Erin.
“They kissed! Nung birthday niya. Si Eion at si Klare.” Tumango at kinilig si Erin.
Sumipol si Damon. “Saan banda? Sa lips ba?”
“No. Way.” Sabi naman ni Azi. Hindi ko alam kung hindi ba siya makapaniwala sa narinig o dahil ayaw niya sa nangyari.
“Mga tsismoso!” Umirap si Erin at bumaling sa akin.
Hindi ko naman maalis ang titig ko sa ngayon ay nag aapoy na mga mata ni Elijah. Nanliliit ako sa kanyang titig. Wait a minute… bakit?
“The asshole won’t stop until he gets to your panties.” Humalakhak si Elijah at nag taas ng kilay.
“Anong sabi mo? Hindi ganun si Eion!” Medyo iritado kong sinabi.
Humalukipkip siya at humilig sa sofa. Nakatoon ang mga mata ng babae sa kanya. “Sige, defend him, Klare.”
Nanliit ang mga mata ko, “What the hell is your problem, Elijah? Bakit ang possessive mo?”
Nanlaki ang mata ni Elijah sa sinabi ko. “Hindi lang ako ang possessive dito, kahit ikaw, diba? Remember?”
“Oy! Oy! Ano yan!” Hinila ni Erin ang braso ko dahil medyo humihilig na ako sa table para sigawan si Elijah.
God! What is wrong?
Tumigil sa pag uusap si Damon at Azi at ngayon ay kinakausap na si Elijah sa mababang mga boses.
“Siya yung may problema dito, Erin.” Sabi ko.
“Oo pero wag masyadong high blood, teh. Nagsuntukan si Rafael at yung ex ni Chanel noon nung nalaman naming may iba siyang babae, it’s normal for them to be possessive!” Aniya at tinutukoy ang mga pinsan namin.
“No. He talks shit about Eion. ALL THE TIME.” Sabi ko.
“I don’t! Sinasabi ko lang naman ang totoo!” Singit ni Elijah.
Ginapangan na ako ng sukdulang pagkainis. Hindi ko na kailangan ng opinion niya tungkol kay Eion tulad ng hindi niya pangangailangan ng opinion ko sa mga kinakasama niyang babae.
“Na ano? Masamang tao si Eion? That I shouldn’t date him? Just because of that night? Elijah, will you look at yourself? Hindi ba may Hannah ka? May Annabelle pa? Ngayon who’s this Karen, here? You are even a bigger asshole than Eion, Elijah! So stop being unfair!”
Nakita kong nalaglag ang panga ni Karen sa sinabi ko. Hindi man lang niya nilingon si Karen. Nag igting ang bagang niya habang tinitingnan ako.
“Erin, alis muna kayo.” Sabi ni Azi.
Tumango si Erin sa kanya at tumayo na. Maging si Claudette ay tumayo na rin. Hinila nila ako pero hindi ako nagpadala. Nakaupo parin ako at matamang tinitigan ang galit na si Elijah.
May biglang dumating na magandang babae. Tumayo si Damon at nung una ay akala ko papaupuin nila sa sofa, ngunit nagulat ako nang tumayo si Karen.
“Let’s go, Karen.” Suplada iyon.
Ni hindi niya binalingan ang kahit isa sa mga lalaki kong pinsan. Niyaya niya lang na umalis ang kaibigan niya yatang si Karen.
“Uh.” Nilingon ni Karen si Elijah.
Ugh! Stupid girl! Hindi niya ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko maraming babae si Elijah at bakit imbes na siya ang magalit ay concerned pa siya sa pagkakabadtrip ni Elijah? Ganyan na ba katanga ang mga babae ngayon?
“Elijah, I gotta go. May duty pa ako mamayang gabi. See ya around.” Sabay halik niya sa pisngi ni Elijah.
Duty? Nursing student? Ni head to foot ko iyong kasama niya at nakitang naka all white nga ito. Malamang nursing nga!
Hindi man lang nilingon ni Elijah nang tumayo si Karen. Nakitaan ko si Karen ng panghihinayang sa mukha. Don’t worry, girl, makakahanap ka pa ng mas deserving.
“Padaan?” Mataray na sinabi ng kasamang babae ni Karen.
Mataas at straight ang kanyang brown na buhok. Medyo chinita siya at payat. Niyayakap niya ang isang matabang libro at ang pinsan ko ay nakalaglag panga na humaharang sa kanyang dadaanan.
“Damon!” Sigaw ni Claudette.
“Oh! Sorry…” Mabilis na umupo si Damon at pinadaan ang umiirap na babae.
Umirap din ako at bumaling kay Elijah na ngayon ay nakataas na ang isang kilay sa akin.
“Happy now?” Aniya. “At least ako, marami lang akong nasasabi kay Eion? E, ikaw? Nakekealam ka na!”
“Nakekealam ako kasi nanloloko ka na, Elijah! Ano ba? Inuubos mo ba ang lahat ng babae dito sa syudad natin?” Medyo tumaas ang boses ko. Naramdaman ko ang pag hila ni Erin sa akin. Naitayo niya ako pero di ako nagpatianod.
“Why are you so freaking hard on me? Why don’t you burn Azrael’s ass instead, huh? Mas grabe pa siya sakin at bakit ako-“
“Dude,” Tumawa si Azi. “Chill naman. Wag ako.”
“Kasi nakikialam ka rin sa akin? Why can’t you just be happy for me? Sa wakas! I got Eion’s attention! Support ka na lang!” Sabi ko at hinila na naman nina Clau at Erin.
“I don’t wanna be happy for you.” Malamig niyang sinabi at nauna pa siyang umalis sa amin.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumabas na siya ng tea house. Bahala siya sa buhay niya! Tumawa si Azi at si Erin.
“Pushing the asshole button again, Klare? World War na naman ba? Just like the old times?” Ani Azi.
Umiling ako habang unti unting pinipiga ang puso ko. Sa di malamang kadahilanan, ang bigat bigat nito. Nakalimutan na nina Erin ang nangyari. Syempre, ganun naman kasi kami ni Elijah, noon. Though hindi tungkol sa lovelife ang pinag aawayan namin. Tungkol lang sa kung anu anong mga bagay. Kaya normal sa mga pinsan ko na naririnig kaming dalawa na nag aaway.
“Always… Always… Always walking out!” Sabi ko habang naghihilamos sa CR malapit sa gym.
Nagkataon na barado iyong CR sa third floor at second floor kaya dito ako sa gym nag CR. Narinig kong umalingawngaw ang buong gym. May laro ngayon. Hindi ko lang alam kung sino ang kalaban ng varsity team dito. Which reminds me na kailangan na rin pala naming mag practice sa All Stars, iyong dance troupe slash cheering squad na sinalihan ko. Actually, pinili kami, hindi ko iyon sinalihan. Kailangan naming mag practice para sa isang show off. Hindi naman iyon contest pero dapat paring pagbutihin.
Lumabas ako ng CR na nakabusangot parin ang mukha. Biglang tumunog ang bell na hudyat ng Angelus. Kaya imbes na maglakad ako ay tumigil ako at nakinig sa prayer. Buong eskwelahan ang tumitigil pag naririnig iyan. Nakikita ko ang mga babaeng naglalakad sa foot bridge na tumigil din nang narinig iyon.
Tumigil ako at may kaharap akong isang lalaking naka jersey. Titig na titig siya sa akin habang hinahawakan niya ang kanyang gym bag at tumitigil din. Nag iwas ako ng tingin. Chiniti siya at tumitindig ang mukhang malambot niyang buhok. Nakataas ang kanyang noo habang sinusuri ako.
Huminga ako ng malalim nang natapos ang prayer.
“Pierre!” Sigaw ng isang mas matangkad na lalaki sa likod. Tumatakbo siya patungo sa lalaking nasa harap ko.
Sinulyapan ko siya at nakita kong si Hendrix iyon. Ang sikat na basketball player na crush na crush naman ni Erin.
“Kuya.” Malumanay na sinabi nung lalaking nakaharap ko at tinalikuran niya ako. Mukhang may sinenyas siya sa kanyang kuya kaya napatingin silang dalawa sa akin.
Weird. Nag iwas na lang ako ng tingin at umalis doon sa CR. Next class? Kaklase ko si Eion!
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]