Until He Was Gone – Kabanata 11

Kabanata 11

Hindi Ikaw

Sa mga sumunod na linggo ay naging busy ako. Hindi lang dahil finals na, kundi dahil na rin pag papractice namin sa All Stars. Kahit Sem Break ay dadalaw ako sa school sa susunod na Sabado dahil show off na nun at mukhang Finals ng basketball team namin versus isang school sa Cebu.

Ngayon ang last practice namin para doon. Dahil sa susunod na week ay finals na kaya di bale nang mapagod ako ngayon, ang importante ay ma perfect namin ito.

“Dana! Chin up!” Sigaw ng trainor namin.

Binigay na rin ang modified na uniform namin. Kung noon ay longsleeves ito, ngayon ay may isang longsleeve na lang at ang kabila ay sleeveless. Asymmetrical na ito ngayon kaya kinakabahan ako. Kaonti lang kasi ang bumabagay nito.

“Bagay sakin?” Tanong ng isang kasama ko.

Isinuot niya iyon. Susuotin ko rin sana para tingnan kung bagay na ngunit siniko ako ng kasama kong bading at ngumuso sa nakahalukipkip na lalaki sa may pintuan ng covered court, kung saan kami nagpapractice.

“Ayeee!” Hiyaw ng lahat.

Gaya ng sabi ko, alam halos lahat ng mga kaibigan ko ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Eion. Kung noon ay tahimik lang sila dahil wala naman itong ginawa kundi ang magsuplado at maging snob sa akin, ngayon ay makakapal na ang mukha nilang pinagkakanulo ako dahil alam nilang lumilevel up na kaming dalawa.

Kinagat ko ang labi ko at umiling na lang nang ginulo ng iba ang buhok ko dahil sa gigil.

Nilingon ko ang nakabusangot na mukha ni Eion sa malayo. Nakahalukipkip siya at nakasandal doon.

“My God! Nasabi ko na bang ang gwapo niya? Grabe! Ang gwapo ni Sarmiento! Mana sa kuya!” Sabi ng isang senior.

Tumawa ako at tumayo galing sa pag iindian sit sa sahig. May usapan kami na ngayon gawin iyong date. Pagkatapos ng practice ay ihahatid niya ako sa building namin at maghihintay siyang matapos akong maligo at magbihis para pumunta kami sa isang coffee shop at mag usap doon.

Alas tres ang usapan namin at insaktong alas tres siyang dumating.

“Uy! Mamaya ah? Sa Lifestyle District? Sama ka?” Ani Liza sa akin.

Tumango ako.

“Oo nga! Pupunta sina Josiah, Erin, at Chanel doon. Punta ka rin! Make sure!” Anang isa pang kaibigan ko. “Yayain mo na rin si Eion.”

Nagkayayaan kasi yung mga kakilala namin na lumabas mamaya. Inuman lang naman, chill. Pinangakuan ko sina Liza, Julia, at Hannah na pupunta ako dahil next week ay magsusunog na kami ng kilay para sa finals.

“O-O, sige.” Sabi ko sabay lingon kay Eion na ngayon ay naghahanda na sa pag alis namin.

Naghiyawan ulit ang mga kaibigan ko lalo na nang nakalapit na ako kay Eion. Ngumisi ako ng tipid dahil ayaw kong makita niya na gusto ko iyong panunukso nila sa amin. Tumalikod siya at sumunod naman ako sa kanya.

“Sorry sa mga kaibigan ko.” Sabi ko.

“Okay lang. Sanay na ako sa panunukso nila. Lalo na tuwing magkaklase tayo.”

Uminit ang pisngi ko. Buong akala ko ay hindi niya iyon nahahalata. Syempre palagi naman siyang walang pakealam pag tinutukso kaming dalawa, e.

“Sorry talaga.” Ulit ko.

“Okay lang talaga. Alam ko naman na sa oras na dumikit ako sayo, mas lalo lang nila tayong pag iinitan.”

Medyo madalas na kasi kaming magkasama ni Eion. Simula nung bangayan namin ni Elijah ay hindi na ako gaanong sumasama sa mga pinsan ko. Si Eion ang naging kasama ko. Hindi ko naman siya mayaya pero siya na mismo ang gumagawa ng paraan.

“Sasama ka ba mamaya sa Lifestyle District?” Tanong ko.

Tumango siya. “Oo, hmm, si Kuya kasi pupunta.” Aniya.

“Whoa! Ako rin.” Sa totoo lang wala naman talaga akong plano dahil sa mga pinsan ko, pero sige na nga… pupunta ako.

Pumasok ako sa sasakyan niya. Pumasok din siya doon. Napansin kong medyo pormal siya ngayon. Naka t-shirt at naka itim na jeans, saan kaya kami pupunta?

Nang nagdrive siya patungo sa building namin ay gumuho ang mundo ko nang naabutan ko ang sasakyan ni Elijah na nakapark doon. Kumunot agad ang noo ko. Lalo na nang nakita ko siyang kausap ang security guard namin.

“Sandali lang.” Sabi ko kay Eion at agad akong lumabas.

Nakita kong dalawang beses akong nilingon ni Elijah habang nag uusap sila ng guard. May sinabi siya at sabay silang tumingin sa akin. Lalagpasan ko sana para umakyat na sa taas at makaligo at makapag bihis na ngunit hinarangan niya ako. Sumulyap siya sa sasakyan sa likod ko.

Naka dark blue at puting stripes ng polo shirt siya at naka dark blue jeans din. Nang lumapit siya sa akin ay naamoy ko agad ang mamahaling pabango niya. To hell with that!

“We’re taking Charles to the shooting range today.” Aniya.

“Huh?” Nakuha niya ang buong atensyon ko.

“Gusto niyang pumunta roon.”

“Then, take the spoiled brat there, ba’t ako kasama?” Nilagpasan ko siya at umakyat na ako.

Ilang sandali ay naabutan niya ako.

“Anong ginagawa ng Eion na iyon sa labas? Bakit di pa siya umaalis?” Medyo mariin niyang tanong.

Pinindot ko ang elevator nang nas second floor na kami. Kahit na hanggang third floor lang naman ito ay ginawa ko parin dahil medyo pagod ang mga paa ko sa kakapractice kanina.

“May date kami-“

Tumawa siya at pumasok sa elevator.

He’s absolutely driving me nuts! Gusto ko siyang harapin at kumprontahin pero alam kong useless iyon dahil magtatalo lang kami. Ayaw kong maabutan kami ni mommy na nagtatalong dalawa.

Nang bumukas ang elevator sa third floor ay mabilis akong umakyat sa fourth floor. Akala ko maabutan ko si mommy pero iyon pala, si daddy ang naghahanda kay Charles. Ready’ng ready na siya. Simula sa sneakers niya, sa t-shirt niya, sa khaki shorts at sa bag niyang Spiderman.

“Yey! Ate’s here!” Sigaw niya sabay talon.

Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang kapatid kong excited na excited na pumunta sa shooting range. Bakit kailangan ko pang sumama? Syempre dahil ako ang ate? Hindi ba pwedeng si Elijah na lang o di kaya isama na rin si Azi?

“Where’s Azi?” Tanong ko kay Elijah habang nag ki-kiss kay dad.

“Tulog. Sabi niya mamaya daw gising siya kaya dapat siyang matulog ngayon.”

“How bout Josiah?”

“Dating.” Simple niyang sagot.

Great! Just great!

“Tito,” Sabi ni Elijah sa daddy kong nanonood ng TV. “Hindi po ata makakasama si Klare-“

“What, ate?” Singit ng medyo galit na si Charles.

Binugbog niya ang tiyan ko gamit ang dalawang kamay. Sinangga ko iyon. Tumulong pa ang tumatawang si Elijah sa pag sangga.

“Why, Klare? May lakad ka?” Tanong ni dad.

Kinagat ko ang labi ko at pinagmasdan si Charles.

“Diba sabi mo noon na sasamahan mo ako, ate? Come on! This is one of those Saturdays na wala akong Kumon!” Aniya.

I guess I’m defeated. Kahit na nababanas ako kay Charles madalas ay mahal ko parin ang kapatid ko. He’s my bestfriend and my worst enemy. Kaya lagi siyang mananalo. Sana lang ay maiintindihan ni Eion ang paliwanag ko. We can just meet later sa Lifestyle District kung gusto niya.

“Alright.” Buntong hininga ko.

Humalakhak si Elijah sabay nakipag high five kay Charles. Nilingon ko siya at naabutan ko siyang nakangisi. Last time I checked magkaaway tayo? Wag mo akong ngisingisihan ng ganyan!

Bumaba ako sa building at naabutan kong tulala si Eion sa sasakyan niya. Kinailangan ko pang tapikin iyong bintana niya para makita niya ako. Binaba niya iyon nang nakitang hindi pa ako nagbibihis.

“Hey, nautusan ako ni daddy kay Charles.” Nagkamot ako ng ulo.

Hindi siya kumibo. Hinintay niya lang ang idudugtong ko.

“Can we meet later na lang? We can have tea or dinner somewhere in Lifestyle District! My treat!” Pahabol ko.

Pakiramdam ko namumutla na ako ngayon. I didn’t like the way he frowned. Hindi ko naman ito gusto pero hindi ko kayang tanggihan si Charles. Even if he’s a mini-ass sometimes.

“Alright.” Ngumisi siya at nag iwas ng tingin. “Akala ko pa naman masosolo kita.” Bulong niya.

Narinig ko iyon pero hindi ako makapaniwala kaya… “Ano yun?”

“Nothing, Klare. See you later then. Makikipagkita na lang siguro muna ako kina Damon. We’ll meet later. Text me kung nakarating ka na doon.”

Tumango ako pero hindi ko parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Eion.

“Alright.” Sabi ko at pinanood ang kanyang pag alis.

Mabilis akong naligo at nagbihis ng damit na diretso na mamayang gabi. Naka yellow spaghetti strap ako at naka long skirt na kulay itim. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko sa sala si Charles at Elijah na nanonood ng Adventure Time. Tutok sa TV ang kapatid ko samantalang si Elijah naman ay sinusundan ako ng tingin.

Shit! Bakit para akong lumulutang? Sumulyap ako sa kanya at hindi man lang siya natakot na makita ko siyang nakatitig sa akin.

“Saan si dad?” Tanong ko.

“Umalis, nag grocery kasama mommy mo.” Utas ni Elijah.

Kumuha ako ng baso at uminom muna ng tubig bago lumingon sa kanila. Nakahilig si Elijah roon at yakap niya ang throw pillow habang tinititigan ako at nilalaro ang kanyang labi.

“Uh, let’s g-go?” Dammit!

“Alright.” Sabi niya at agad tumayo at pinatay ang TV.

“Aww!” Angal ni Charles na agad napalitan ng kasiyahan. “We’re going! We’re going!” He chanted.

Pinaliwanag sa akin ni Charles na ayaw daw muna ni daddy na maglaro siya ng airsoft. Kailangan daw muna niyang ma experience kung paano humawak ng real guns at tumutok nito sa target.

“Elijah, is this even safe? Paano kung itutok niya sa akin tapos kalabitin niya?” Tanong ko.

“He won’t. Your brother is not dumb, Klare.”

“Bata pa siya!” Paliwanag ko.

Umiling siya at tumawa.

God! So much for my concern about my brother! Hindi talaga naiintindihan ni Elijah ang mga detalyeng iyon. Hay! Boys!

“Are they even allowed?” Ang dami kong tanong habang kinalabit niya iyong car alarm sa kanyang kamay.

“Oo. Remember? Kaibigan kami nI Kian.” Si Kian ang isa sa mga kaibigan nga ni Elijah na anak ng may ari ng shooting range kaya alam kong di magiging problema.

Tumango na lang ako at nagulat ako nang binuksan ni Elijah ang likod ng Trailblazer at iminuwestra sa akin pagkatapos pumasok sa loob ni Charles.

Hindi ko na kailangan magtanong dahil sinagot na agad ako ni Elijah.

“Isasama ko si Marinela.” Aniya.

Naging ‘O’ ang bibig ko. Wow! That was a big blow!? “Marinela? Yung classmate mo noong highschool?”

Ngumisi siya. “Yup. Magpinsan sila ni Kian tsaka magaling siyang humawak ng baril. She can teach Charles.”

“Wala ba silang mga tao doon para tumuro? Ikaw? Hindi ka ba marunong tumuro? Marunong kang humawak ng baril, ah?”

He smirked, “She’ll be a better teacher.”

Marami pa akong gustong sabihin pero…

“Come on… Naghihintay na siya sa kanila. Susunduin ko pa. Siya sa front seat, Klare, hindi ikaw.”

Nilunok ko na lang lahat ng bagay na gusto kong sabihin at pumasok na sa loob.

“Why are you here?” Tanong ni Charles sa akin.

Pumasok na si Elijah sa driver’s seat. Nakakabanas talaga siya!

“Bakit di mo tanungin ang Kuya Elijah mo?” Medyo matabang kong sinabi.

“Remember your teacher, Charles? Si Teacher Marinela? Sasama siya sa atin. Kukunin natin siya nagyon!”

“YEHEYYY! Talaga, ate?” Excited na tanong ng kapatid ko.

WHY AM I HERE? Hindi ko alam? Siguro taga punas ng pawis ng kapatid ko o taga bigay sa kanyang ng juice doon sa shooting range? Hindi ko alam! Sising sisi ako! Sana ay sumama na lang ako kay Eion at nag usap na lang kami buong hapon hanggang sa pumunta kami ng Lifestyle District mamaya!

“Mabilis lang tayo, ah? Pupunta pa ako ng Lifestyle District mamaya.” Sabi ko.

“Oh? Akala ko di ka sasama?”

“Magkikita kami ni Eion doon. We’ll have dinner.” Sabi ko.

“We’ll have dinner after the shooting, Klare. Diba, Charles?” Aniya sa excited na si Charles!

“Yes! Ice Castle, Kuya! You promised!”

OH MY GOD! Ano ba itong nasamahan ko?

“Why don’t you three just have your dinner and enjoy tapos magtataxi na lang ako papunta sa Lifestyle District?” Sabi kong naiirita na.

“Ate, ang KJ mo! Kasama ka kaya!” Sabi ni Charles.

“Oo nga, ate, ang KJ KJ mo!” Humalakhak si Elijah.

How would he feel kung isasama ko siya sa dinner namin ni Eion? I bet he’ll be on asshole mode! Gusto ko iyong ipoint out sa kanya pero hindi ko kaya. Ugh! Nakakainis talaga!

Tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng bahay nina Marinela. Kilala ko ang chinita ay maputing ito. Classmate sila ni Elijah noong high school at close friend pa ito ni Gwen na ex niya. Kung bakit sila magkasama ngayon, hindi ko na alam? Hindi ba nakakabitter kung ikaw ang ex tapos may kasamang kaibigan mo iyong ex mo? Hindi ba betrayal iyon? Dahil surely, hindi ko matatanggap kung ako iyong nasa posisyon ni Gwen. Or maybe this is really just an innocent and friendly companion?

“This is Ate Marinela, Charles.” Naglahad ng kamay ang mahiyaing si Marinela.

Naka black tube top siya at naka mahabang skirt din tulad ko. Dammit! She’s sexier!

“Hi Ate Marinela! You are so pretty!” Sabi ni Charles.

Aba’t kahit kailan ay hindi ko pa narinig ang kapatid kong bigkasin iyon sa akin! Nakakainis! Nakakapagselos!

“O diba? Pretty ng teacher mo?” Tumawa si Elijah. “So, you know my cousin-“

“Of course, Klare!” Ngumisi ng hilaw si Marinela sa akin.

HIndi na siya naglahad ng kamay. Good. Dahil ayaw ko ng maranasan iyong nangyari sa amin ni Karen!

“So? Let’s go?” Yaya ni Marinela.

Naligo ako ng pang iirap nang dumating kami sa medyo mainit na lugar na ito. Hindi ako umiirap dahil naiinitan ako, iyon ay dahil si Elijah at Marinela lang ang nag uusap the whole time! Maging si Charles ay nagagawa pang sumabat sa kanilang dalawa.

“Miss, mag tatry ka?” Sabi nung lalaking naka grey na mukhang nagtatrabaho din dito.

Umiling ako at umupo na lang sa upuan kung saan nakikita kos ilang tatlo na nakapwesto na sa mga tables kung saan may nakalatag na mga baril.

WHATEVER!

Nagsimula na lang akong tumingin sa cellphone ko. Selfie, tapos picture ng place, at may kasama pang caption na: Third wheeling. Mukha silang happy family.

Nakunan ko kasi na nagtatawanan ang tatlo habang nasa gitna si Charles at nahihirapan sa pag aassemble sa parts ng baril. Pero silang tatlong may headphones at mukhang genuinely happy. At ako naman ay umuupo dito at sumusuka ng mapait na ampalaya.

“Juice?” Sabi nung nakatayong lalaki.

“Please.” Sabi ko.

Nagulat ako nang nag text si Eion!

Eion:

Seems fun. Sana sinama mo ako.

Nanlaki ang mga mata ko. He saw my post? Tama. Sana sinama ko siya pero alam kong magagalit lang si Elijah. Mali. Dapat ako na lang iyong sumama sa kanya.

Ako:

Sana sumama na lang ako sayo.

Hindi ko namalayan na nakalapag na pala iyong orange juice ko sa harap. Nagulat na lang ako nang nakatayo na si Elijah doon at nakababa na ang headphones at umiinom pa sa juice ko. Kumunot agad ang noo ko.

“Bakit ka umiinom sa juice ko?” Tanong ko.

Ngumisi siya. “Inuuhaw ako, e. At bakit ka mukhang Biyernesanto diyan? Come on! Loosen up! Try!” Sabi niya at pinakita ang baril na hawak.

TRY? DAMMIT! Sa galit ko ngayon? You are probably my favorite target!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: