Until He Was Gone – Kabanata 12

Kabanata 12

Sino?

Tinuruan nga ni Marinela si Charles na mag assemble ng baril at itutok iyon sa target. Napatalon ako nang iputok iyon ni Charles ng dalawang beses. Dammit! Wala akong headphones!

Agad akong binigyan nung lalaking nakatayo sa gilid ko ng isang headphone.

“Sorry po, ma’am.” Sabi niya.

Tatanggapin ko na sana iyon nang bigla iyong kinuha ni Elijah sa mga kamay niya.

“Hey, akin yan!” Sabi ko.”

Pinagpalit niya ang headphones namin. Iyong sa kanya na kulay pula ay binigay niya sa akin. Sinuot niya naman ang kulay yellow na binigay sa akin ni manong. May titig pa siyang nanatili doon sa lalaki hanggang sa medyo yumuko iyong lalaki at umalis.

What was that?

“Suotin mo.” Aniya sabay lagay sa kamay kong nakalahad iyong headphone niya.

Bago pa ako makaangal ay sinuot niya na iyong kanya at tinalikuran niya na ako. Pinandilatan ko ang malapad niyang likod at sinuot iyong headphone.

Hindi na hinahawakan ni Marinela ang kapatid ko. Kusa ng kumakalabit si Charles kaya tuwang tuwa si Marinela! Tumalon talon siya!

“Good job, Charles!” Aniya.

Lumapit si Elijah sa kanila at nakisama na rin sa kasiyahan nila. Tuwang tuwa ang kapatid ko. Nililingon niya ako at nang nadatnan niyang nakabusangot ako ay medyo napangiwi din siya.

“Oh, Klare! Please?” Humahalakhak si Elijah at nilapitan ulit ako.

Nag iwas ako ng tingin. Bakit? Hindi ko alam. Para akong nililipad dahil papalapit na siya sakin.

“Pwede bang wag iyang galit mong mukha ang ipakita mo samin?” Naglahad siya ng kamay sa akin.

Tiningnan ko lang ito. I can stand up on my own. Hindi niya na kailangang maglahad ng kamay. Mabilis akong tumayo nang di kinukuha ang kamay niya. Napaawang ang bibig niya at agad niyang itinago ang kamay niya. Nilagpasan ko siya at nilapitan si Marinela at Charles. Mabilis na nag give way si Marinela sa akin.

“Galing mo, Charles!” Sabi ko.

“Picture tayo, ate, please? Take out your phone!” Yaya ng kapatid ko.

Sinunod ko ang gusto niya. Una kaming nag picture dalawa. Pinakuha pa namin iyong target na may butas na malapit sa gitna. Tuwang tuwa si Charles. Sunod ay nag picture sila ni Marinela. Okay. At sunod ay kasama naman si Elijah.

“Si Kuya Elijah at Ate Marinela naman kasama ako, Ate!” Request ni Charles.

Labag man iyon sa kalooban ko ay ginawa ko ang gusto ng kapatid ko. Besides, bakit naman iyon magiging labag sa kalooban ko diba? Hindi pwedeng maging labag yun sa kalooban ko! Mukha namang hindi hitad si Marinela kaya siguro okay lang siya para kay Elijah? Kinagat ko ang labi ko nang tiningnan ang tatlong pictures nila. Hindi pwedeng maging labag to saking kalooban.

“Tayong tatlo naman!” Sabi ni Elijah sabay lapit sa akin.

Ngumisi ng mahinhin si Marinela at naglahad ng kamay. “Ako ang kukuha ng picture niyo.”

Ngumisi din ako at binigay sa kanya ang ang phone ko.

Nasa tabi ko na si Elijah nang binigay niya rin ang phone niya kay Marinela. “Pati akin, okay lang?” Humalakhak siya kay Marinela.

“No problem.” Ani Marinela.

Nahirapan pa siya sa pagpi-picture sa aming dalawa nang may dalang dalawang camera. Sa huling shot ay biglaan akong inakbayan ni Elijah. Hindi ko na alam kung ano ang mukha ko doon. Kung gulat ba o hilaw na ang ngisi?

Bago pa ako makaangal ay kinuha agad ni Elijah ang kanyang cellphone kay Marinela. Nag swipe siya at mukhang sinuyod ang bawat shots. Hindi ko magawang tingnan lahat ng shots dahil may kung anong bumabagabag sa akin.

“Break muna, Charles?”

“O sige, Kuya. I’m starving.” Anang kapatid ko at nilagay sa leeg niya iyong oversized headphones.

Umupo siya doon sa inuupuan ko kanina. Nilapag niya iyong tubig niya at iyong pabaong junkfood ni mommy.

“We’ll have light snacks?” Yaya ni Elijah nang lumapit siya doon sa kapatid ko.

“Yes, please.” Wika ni Charles at pinaglaruan iyong junkfood niya.

Umupo rin si Marinela sa table namin at tumawag ng isa sa mga lalaking nakatayo. Tumikhim ako. Hindi ko alam kung lalapit ba ako doon o mananatili dito?

Nilingon ko ang target, at nakita kong may baril pa sa harapan ko. Nakahawak na ako ng baril, syempre at alam ko kung paano ito iaassemble. Kaya lang, sa tagal na nun ay hindi ko na alam kung asintado parin ba ako hanggang ngayon.

“Pierre, stop it, she doesn’t know anything!” Dinig kong bulong ng isang lalaki sa may pintuan.

Nilingon ko si Elijah at nakita kong busy sila sa pag oorder ng snacks. Lumingon ako sa pintuan at naaninag ko ang isang nakaputing lalaki at nakacheckered shorts na lumapit sa akin. May malaking tsek mark sa kanyang itim na sneakers. May lalaking mas matangkad sa kanya at mas matikas sa likod na parang nabibigo sa ginagawa ng naunang lalaki. Oh! Iyong lalaki sa likod ay si Hendrix Ty.

“I know, Kuya. I just want.” Sabi ng naunang lalaki nang nakatitig sakin.

Kumunot ang noo ko at nilagay ko ang aking headphones at nagsimula akong mag assemble ng baril. Nung una ay fini-figure out ko pa kung paano hanggang sa natapos ko na iyon at nasa gilid ko na iyong lalaki na chinito, at may tayu tayong buhok na mukha talagang malambot kung hahawakan.

“Galing.” Sabi niya.

Hindi ko siya masyadong marinig dahil sa headphones kaya di ako nagsalita.

Tinutok ko ang baril sa target. Bago ko pa iyon tuluyang malebel ay hinawakan niya ang kamay ko galing sa likuran at tinulungan niya ako sa panunutok nito.

“Pierre!” Sigaw na kahit may headphones ay dinig na dinig ko.

“There. Shoot.” Ani Pierre.

Napalunok ako at kinalabit ang baril at agad itong nag bull’s eye. Nawala iyong kamay na nakahawak sa kamay ko at nang lumingon ako ay nakita ko agad ang galit na si Elijah. Nasa likod niya ako na para bang pinoprotektahan niya ako laban kay Pierre. Nakataas ang kamay ni Pierre na para kumalma si Elijah.

Tinanggal ko ang headphones ko.

“She doesn’t need your help! Kaya niyang barilin ka kahit na tumatakbo ka kaya di niya kailangan ang tulong mo!” Mariing sinabi ni Elijah.

Mabilis na lumapit si Marinela. Si Charles ay naroon lang at nanonood. Nakita kong nag igting ang bagang ni Elijah habang tinitingnan ang blankong ekspresyon ni Pierre. Lumapit si Hendrix Ty.

“Elijah, that’s my brother, Pierre.” Pumagitna si Hendriz at pinasadahan niya ang kanyang medyo tumatayo at nag i-ispike ding mas maiksing buhok kumpara sa kapatid niya.

Chinito din si Hendrix. Kung titingnan ay mukha siyang action star ng isang Korean drama. Action star kasi malaman ang katawan niya.

“Wala akong ginawang masama. I just wanted to…” Pierre trailed off.

“Wanted to what?” Galit na utas ni Elijah.

“Stop it, Pierre. He’s got pounds and pounds more than what you’ve got. Just stay there and shut up.” Sabi ni Hendrix sa kapatid niya.

Blanko ang ekspresyon ni Pierre. Nang nilingon ako ni Hendrix ay pumungay ang mga mata niya.

“Sorry, Klare. Makulit ang kapatid ko.” Aniya. Bumaling siya kay Elijah at tinapik niya ang likod ni Elijah.

“Aalis na kayo?” Tanong ni Marinela kay Hendrix nang tumalikod ito.

“Yup. We’ll come back next time, Marinela. Thank you.” At tuluyan na silang umalis.

Parang may bumagabag sa akin nang tiningnan ako ni Pierre habang lumalabas sila sa salamin na pintuan ng range.

“Okay ka lang?” Tanong ni Marinela kay Elijah.

“Yeah… I need a minute with Klare.” Aniya.

Tumango si Marinela at umalis. Naintindihan niya iyon at hindi siya namimilit. I like her. But… not for… him…

Nakita kong kumalma si Charles at kumain ng sandwich sa harapan habang kinakausap si Marinela. Humarang si Elijah sa paningin ko kaya napilitan akong bumaling sa kanya.

“What?” Sabi ko sabay kuha ulit sa baril.

Sige ka! Asshole mode? I’ll shoot you!

“What was that, Klare?” Tanong ni Elijah nang pabulong.

“What was what? Ewan ko? Lumapit lang iyong si Pierre at bigla akong tinulungan-“

“You know guns. Bakit mo kailangan ng tulong?” Bulong niya.

“Yes, I know guns. Hindi ko naman hiningi ang tulong niya.” Utas ko.

“May Eion ka na, you don’t need another man’s attention! Masyado ka na! Ang dami na!”

Nalaglag ang panga ko at hinarap ko siya. Nilagay ko ang baril sa mesa.

Mabuti na lang at malayo kami kina Charles at kahit hindi ako bumulong ay hindi nila maririnig ang pinagsasabi ko. Pinipiga ang puso ko dahil sa inis ko sa kanya. Oo. Ganun ako. Imbes na mag eskandalo pag naiinis ay naiiyak ako. Well, siguro gusto kong mag eskandalo minsan.

“Why do you care? Ni hindi ako nagcomment sa Marinela’ng iyan! Ni hindi kita pinakealaman kahit na this past few weeks ay marami kang babae!”

“I don’t care if you don’t freaking care, Klare! But…” Kinagat niya ang labi niya.

Tinitigan ko iyong mga mata niyang punong puno ng ekspresyon.

“But… what…” Sabi ko.

Hindi siya kumibo. Nag iwas lang siya ng tingin. Gusto ko siyang magsalita! Gusto ko siyang matrigger para may masabi kaya ako ang nagsalita.

“You know what? I don’t get you.” Sabi ko at lalagpasan na sana siya nang bigla niyang pinigilan ako sa mga braso ko.

“I’m not done here. You can’t walk away from me.” Aniya.

“Ha! Ikaw lang may karapatang mag walk out?” Sabi ko. “Alam mo, Elijah? Di talaga kita maintindihan e. Hindi talaga.” Sabi ko.

Yumuko siya. Bigla akong naguilty sa sinabi ko. Lalo na nang kinalas niya ang kamay niya sa mga braso ko. Alam kung kung aalis ako ngayon sa harapan niya at pumunta kina Charles ay hindi niya na ako pipigilan. He’s done with that. Pero hindi ako umalis. Imbes ay nagmukha akong tanga at nanatili ako sa harap niya.

I am so damn afraid… na tatanggapin ko parin siya, lahat ng reasons, kahit hindi ko siya maintindihan.

Pinipiga ang puso ko habang tinitingnan siyang nag angat ang tingin sakin.

“Wala rin akong maintindihan.” Ngumisi siya ngunit bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan.

Hindi ako makapagsalita. Ang taning naramdaman ko ay pagkabigo. Nilingon niya si Charles at Marinela na ngayon ay nanonood na saming dalawa.

“Alis na tayo. Dinner muna tayo bago natin ihatid si Charles.” Aniya.

Kinagat ko ang labi ko at pinagmasdan ko siyang lumapit sa dalawa. Sumunod ako at hindi ako makatingin sa kanya.

“Mag didinner kami sa Ice Castle, sama ka?” Sabi ni Elijah kay Marinela.

Nahihiyang umiling si Marinela kay Elijah. “Mag aaral pa ako sa finals. Pupunta kayo sa Lifestyle District di ba? Hindi na ako magpapatempt. Dito na lang ako. Susunduin ako ni Kuya.”

Hindi namilit si Elijah. “Talaga? O sige, sayang naman. Thank you, ah?”

Nagpasalamat din si Charles, nagpasalamat ako. Honestly, she’s a nice girl. Sobrang nice na nabibitter ako. Why? I don’t know…

Pumasok kami sa sasakyan habang inuulit ulit ni Charles ang chant niyang “Ice Castle, Ice Castle!”

“Marinela is a nice girl.” Sabi ko at nag seatbelt.

“Yeah.” Tipid na sagot ni Elijah habang pinapaandar ang sasakyan.

“You should date her.” Napalunok ako sa sinabi ko.

Nilingon niya ako at tinitigan ng madilim.

“I like her.” Dagdag ko at nag iwas ng tingin.

“I like someone else.”

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa sasakyan. Nilingon ko si Charles na ngayon ay naglalaro na sa kanyang iPad Mini.

“Sino?” Natutuyo ang lalamunan ko nang tinanong ko iyon.

Pero wala siyang sinagot. Hindi na rin ako namilit. Para bang gusto kong malaman pero ayaw ko ring malaman. At siguro ay gusto niya ring sabihin pero ayaw niyang sabihin.

Binalewala ko iyon at pumasok na lang kami sa Ice Castle kung saan kami mag di-dinner.

Nakita kong nag text si Eion sa akin. Binuksan ko ang mensahe niya habang nag oorder ng para sa amin si Elijah.

Eion:

Nasa Lifestyle District na ako. I’m gonna wait for you here for our dinner.

“Elijah.”

Mabilis na tumitig si Elijah sa akin.

“Light meals lang please, may dinner kami ni Eion.”

Nag igting ang bagang niya at tumango siya sakin.

“Ate, are you dating Kuya Eion?” Tanong ni Charles.

“Uh, maybe? Di ko alam, Charles. Bakit?”

“Nanliligaw ba siya sayo?”

“Certainly not.” Sabi ko at ngumisi.

Nag angat ako ng tingin at kitang kita ko ang titig ni Elijah sa akin habang sinasagot ko ang kapatid ko.

“But do you like him?” Tanong ni Charles.

“Y-Y-Yes.” Shit! Nininerbyos ako sa titig ni Elijah!

Kahit na malamig ay pinagpapawisan pa ako dito. Will you stop that stare?

“Why do you like him?” Tanong ng kapatid ko.

“Gwapo siya, at hindi nambababae.” Sabi ko.

Nag angat ako ng tingin ulit kay Elijah at nakita kong nag taas siya ng kilay.

“Kuya Elijah is gwapo and he’s not nambababae.” Nilingon ng kapatid ko si Elijah.

Pareho kaming nagulat sa sinabi niya! Elijah was stunned! At ako? Nag panic!

“Charles, we’re cousins.” Nagpapanic kong sinabi.

Kumunot ang noo ni Charles sa sinabi ko na para bang di niya alam o di niya naiintindihan.

“A-And besides, nambababae si Elijah.” Dagdag ko na siyang nagpabalik sa ngisi ni Elijah sa kanyang mukha.

But really, I am so damn freaking out! This is not good. Really not good.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: