Until He Was Gone – Kabanata 13

Kabanata 13

He Kissed Me

Pagkatapos naming kumain sa Ice Castle ay masayang masaya na si Charles. Ang tanging hinihiling niya na lang ngayon ay ang makauwi siya at makapanood ng favorite TV show niya. Kaya naman agad na rin namin siyang inuwi sa aming building.

“Bye, Charles!” Sabi ko kasi tumakbo na ang kapatid ko patungo sa elevator.

Bumuntong hininga ako at pinaandar agad ni Elijah ang kanyang sasakyan. Tahimik kaming dalawa habang natatraffic sa kahabaan ng street patungong Lifestyle District. Kinakabahan tuloy ako sa malamang dahilan. Kaya imbes na tumunganga at pagpawisan ng malamig ay dinungaw ko na lang ulit ang cellphone ko.

Nakita ko ang message ni Eion doon.

Eion:

I’m waiting. Are you almost here?

Oh great! Kanina pa siya naghihintay sa akin. Sana bilis bilisan ni Elijah ang pagdadrive. Kaso traffic, e. Ganito talaga pag gabi ng weekends. Nilingon ko si Elijah at nakita kong tamad siyang nagdadrive. Isang kamay lang ang nasa manibela at mukhang malalim ang iniisip.

Ugh! This is so…

“Sino mga kaibigan mo ang naroon?” Tanong ko.

Bumuntong hininga muna si Elijah bago sumagot. “Same friends.”

“Alright.” Sabi ko.

Mabilis na lang akong nagreply kay Eion dahil wala na akong maisip na sabihin kay Elijah.

Ako:

Almost there. Na traffic lang. Sorry.

Nilingon ko ulit si Elijah at naabutan ko siyang tumitingin sa cellphone ko. Tinago ko agad ang cellphone ko at kinunot ang ulo ko.

“Will you mind your own biz…” Bulong ko.

“That’s my business too…” Bulong niya sa bintana.

Pero dinig na dinig ko iyon! Kinagat ko ang labi ko at napahawak sa tiyan na pakiramdam ko ay walang laman. Pero hindi iyon dahil sa pagkagutom ko.

“This is not your business.” Mariin kong sinabi sa bintana ko naman.

“I’m gonna punch that assholes face when we-“

“ANO BANG PROBLEMA MO KAY EION? Do you even know him, Elijah, at kung makapagsalita ka ay parang alam mong may gagawin siyang masama sa akin? Kung may balak siyang masama dapat simula’t sapul, pinormahan niya na ako, diba?”

Hindi siya kumibo. Tama ako. Wala siyang basehan sa mga sinasabi niyang paninira kay Eion! Marahas niyang niliko ang sasakyan niya sa Lifestyle District, feeling ko babangga kami.

“Shit!” Napamura ako sabay matalim na tingin sa kanya.

Why, I wouldn’t question his driving skills.

Bumungad agad sa paningin ko si Eion sa loob ng restaurant malapit sa gate ng Lifestyle District. Mag isa siya doon at halatang kanina pa nag hihintay dahil may baso ng tubig na sa kanyang harapan.

“Dito lang ako.” Sabi ko nang nag park si Elijah para icheck siya ng security guard.

Hindi ko na hinintay na tumakbo pa papasok sa loob ang sasakyan niya. Diretso na akong lumabas at hindi ko na siya nilingon. Nakita kong umupo ng maayos si Eion nang namataan niya ako. Ngumuso siya at alam kong medyo nainip siya sa akin.

“Can’t say you’re late. Wala naman tayong oras na sinusunod.” Aniya.

“I’m sorry. Nakikain pa kasi si Charles tapos hinatid pa namin siya kaya natagalan. Traffic pa.”

Tumango siya. “I know…” Nilingon niya ang sasakyang papasok sa Lifestyle District. “Kung di si Elijah ang kasama mo, siguro magseselos na ako.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Magseselos? What? Does that mean? Nakita niya ang gulat sa mukha ko kaya kinuha niya ang menu at pinagtuonan na lang iyon ng pansin.

“What’s yours?” Tanong niya.

Kaya imbes na inisip ko iyon ay tinuon ko ang pansin ko sa menu. Halos wala akong mabasa sa mga pagkain. Ang tanging naiisip ko lang ay iyong sinabi niya kanina. Magseselos? May gusto na ba siya sakin? Malamang! Niyaya ka niyang makipagdate! Gusto ka niyang masolo! Hinalikan ka niya!

Umorder na kami at kumain. Hindi ko parin maalis sa isip ko iyong sinabi niya kanina.

“So tinuruan niyo ang kapatid mong humawak ng baril?” Tanong ni Eion.

“Yup. Actually, si Elijah lang naman at si Marinela.”

Tumango siya. “Magmamana si Charles kay Elijah niyan, mahilig sa baril.”

“Hmmm. Oo. Idol na idol ni Charles si Elijah.” Kumunot ang noo ko nang naalala ko ang sinabi ni Charles. Dammit!

“Bakit ka nag text kanina na sana sumama ka na lang sakin? Pangit ba ang nangyari doon?”

“Uh, actually, kasi parang date sana pala iyon ni Marinela at Elijah. Thirdwheel lang ako at si Charles naman iyong parang bridge between them. Kaya bored ako.”

Uminom siya ng tubig. “Well it’s okay. Nakabawi naman tayo, diba?” Humalakhak siya.

Tumango ako.

Darn! Iyong ngisi niyang sumasama din ang mga mata? To die for! Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok at pinagsalikop niya ang kamay niya sa kanyang harapan.

“Saan kayo this sem break?” Tanong niya.

“I don’t know? Sa isla? Most probably beach. Mahilig ang mga pinsan ko sa beach. Ikaw ba?”

“Ah? Iyan ba iyong sinabi ni Chanel sa akin? Sabi niya invited ako, si Kuya, tsaka yung ibang friends natin? O may ibang lakad kayo?”

Nagulat ako sa sinabi ni Eion. Hindi ko alam na inimbita ni Chanel halos lahat? “Idunno, maybe? Bakit ikaw? Saan ka?”

“Well, kung kasama ka dun sa sinabi ni Chanel, sasama ako.” Aniya.

Tumango ako. “Magtatanong ako kay Erin tungkol diyan.”

Excited na tuloy akong mag semestral break para makasama sa isang trip si Eion!

Tumatawa kaming dalawa habang umaalis doon sa restaurant para pumunta sa likod ng Lifestyle District kung nasaan ang mga kaibigan kong nag iinuman at nag chi-chill.

“Hi Klare! Uyyy!” Bungad agad iyan ng ilang nakakakilala sa akin.

Hindi naman malapit si Eion sa akin. May distansya sa amin at ang dalawang kamay ay nasa bulsa niya habang ako ay nahihiyang ngumungiti sa bawat kakilala. Kita ko na agad si Erin at Claudette kasama ang mga kaibigan din namin ni Eion na kumakaway sa akon sabay turo sa dalawang bakanteng upuan para sa amin ni Eion. Tumango ako sa kanya at mabilis na tumungo doon. Ganun din si Eion.

Sinalubong si Eion ng isang bote ng beer ng kanyang kaibigan. Nagtawanan sila at nag usap samantalang ako naman ay pinapaupo ni Erin sa kanyang tabi. Nakatitig si Claudette sa akin kaya nag taas ako ng kilay.

“Hinatid ka ni… Elijah?” Mahinahon niyang tanong.

“Uh, yup. Where’s he, by the way?” Tanong ko at iginala ang paningin.

“Ayun oh!” Sabay turo ni Hannah sa pinsan kong tumatawa na kasama si Azi.

Papalit palit sila ng table. Nagmukhang party niya ito dahil sa sobrang sikat niya at sa pagpupunta niya sa iba’t ibang table ng kilala niya. Picture dito, picture doon. Kung maka akbay sa mga babae ay parang walang limitasyon! Napangiwi ako.

“He’s drunk, I think.” Utas ni Claudette.

Umalingawngaw ang tawa ni Erin habang kausap ang ilang kaibigan namin kaya hindi na nagsalita pa ulit si Claudette.

“That fast?” Napatanong ako sa aking sarili.

Isang oras pa lang ata ang lumipas mula nung dumating kami dito at lasing na agad siya? Unless inubos niya ang isang bote ng hard liquor mag isa. Umiling ako at bumaling kay Eion na kakaupo lang sa tabi ko.

“Drink?” Nag offer siya sa akin ng San Mig Light.

Tumango ako at nilagay ko lang iyon sa harapan ko habang nakinig sa mga kwento ni Erin. Palinga linga siya na para bang may hinahanap.

“Oh, stop it, Erin!” Tumatawang sinabi ni Liza. “Ako ang mananalo sa pustahan! Walang Ty na magpapakita ngayong gabi, dito! Kung elite ka, mas dobleng elite iyon.”

“Ty?” Napatanong ko.

“Hendrix Ty!” May nagsabi.

“Saw him kanina sa shooting range.” Sabi ko.

“HA? Ba’t di mo sinabi?” Halos sakmalin ako ni Erin.

“Well, mabilis lang naman sila…” Natigilan ako. Hindi ako sigurado kung sasabihin ko ang buong detalye kaya nagpasya akong manahimik na lang doon. “Kasama niya si Pierre.”

“Second Year Engineering daw yung Pierre Ty, diba? Transferee? I heard from Ateneo de Davao daw iyon!?” Sabi ni Julia.

Nakinig na lang ako sa kanilang mga sinabi. Iba ang mundo ng mga girls, iba rin ang mundo ng mga boys. May kanilang pinag uusapan sila pero minsan ay nakikihalo sila sa amin.

“So, Eion Sarmiento? Ano ba talaga?” Saway ni Erin sabay turo sa braso ni Eion na nakalagay sa likod ng upuan ko.

Uminit ang pisngi ko lalo na nung humiyaw sila. Tinanggal ni Eion ang kanyang braso at tumawa.

“Masyado kayong malisyosa!” He said simply.

“Bakit wala ba iyang malisya?” Humiyaw ulit sila.

“Meron.”

Nagtawanan at nag hiyawan sila sa sagot ni Eion. Tinakpan ko ang mukha ko nang uminit ito. Dammit! Pakiramdam ko pulang pula na ako! Ilang sandali pa bago humupa ang tawanan at hiyawan nila at naghiyawan naman sa kabilang table.

Nilingon namin at nakita kong nakikipag picture si Elijah kasama iyong sikat na sexy’ng batchmate niya. Tinukso silang dalawa at bulgar pang nagpapakita ng motibo ang babae.

“Kainggit naman!” Sabi ni Hannah.

“Uy! Nagpaparinig si Hannah! Klare, tawagin mo si Elijah!” Utos ni Erin.

The hell! Ako pa iyong tatawag sa kanya? The hell!

“Come on! Wag kang KJ! Tawagin mo na!” Sabay yugyog ni Erin sa akin.

Umiling ako. Nagmatigas. Dahil hindi ko talaga siya tatawagin. Umirap si Erin sa akin at tinaas niya ang kanyang kamay.

“Elijah Montefalco, please!” Sigaw niya.

Lumingon si Azi na nasa tabi ni Elijah. Tumawa si Azi at hinila si Elijah patungo sa table namin. Oh God! Oh God! Bakit nagpapanic ako? Nakita kong medyo lasing na nga siya. Nakangisi lang siya at mapupungay ang kanyang mga mata. Mukha pang tuwang tuwa si Azi at Josiah dahil lasing na sa wakas si Elijah. Sa kanilang lahat kasi, siya ang pinaka matagal matamaan.

“Damn, ayoko.” Umatras si Elijah nang nagtama ang paningin namin.

Nag iwas agad ako ng tingin at humarap na lang sa mga kaibigan ko. Silang lahat ay nakatingin sa kanila..

“Wag ka ngang KJ! Isang picture lang naman daw with Hannah!” Sabi ni Azi at kinaladkad si Elijah sa table namin.

Dumating si Rafael at hinila na rin si Elijah sa table namin. Tumili na ang mga girls at nakisali na si Erin sa pagkakanulo kay Elijah at Hannah.

Tumatawa na si Elijah at bumigay rin. Halatang kinikilig si Hannah at pulang pula na ang kanyang mukha nang pinicture-an sila ni Elijah!

“Uyyy!” Hiyawan ng mga kaibigan naming lalaki. “Bagay na bagay!”

Hindi ako makatingin sa kanila. Tiningnan ko na lang ang cellphone ko dahil nakisali din si Eion sa pagkakanulo kay Hannah at Elijah. Nakita kong alas dose na pala ng gabi.

“Hay! Makakauwi na ako nito!” Sabi ni Hannah nang umalis na sina Elijah sa table namin.

Naroon na naman sila sa kabilang table at nakita kong uminom siya ng iilan pang shots na ibinigay ni Rafael. Tawa lang siya nang tawa na parang wala siyang problema.

“Anong oras kang uuwi?” Tanong ni Eion. “Ihahatid kita sa inyo.”

“H-Ha? Uh, within thirty minutes?” Humikab ako.

“What? KJ mo talaga!” Sabi ni Erin.

Hindi tulad ni Erin na sunog baga at walang pakealam, inaantok na ako at hindi naman ako malakas uminom kaya uuwi ako mamaya.

“Teka lang ah.” Sabi ko nang nakita ko ulit na nilagok ng sabay ni Azi at Elijah ang shot na binigay ulit ng tumatawang si Rafael.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Sa table na maraming magaganda, sexy, at mature na babae. Kinalabit ko si Azi.

“What?” Tanong niya sa akin.

Kumpara kay Elijah ay mas focused pa ang kanyang mga mata.

“Nilalasing mo ba si Elijah?” Tanong ko.

“Di ah!” Tumawa siya. “Siya lang itong biglang umiinom ng marami kanina! Ang dami niyang ininom. Pakiramdam ko magpapakamatay na siya.” Tumawa si Azi.

Nanliit ang mga mata ko. “Dala mo sasakyan mo?” Tanong ko.

“Hindi. Nagpasundo lang ako kay Josiah. Alam mo na, hanggang ngayon grounded ako sa mga sasakyan.”

“Sinong mag uuwi kay Claudette?”

“Si Joisah. Bakit?” Kumunot ang kanyang noo.

Sinulyapan ko si Elijah na nakikipag tawanan na doon sa mga babae. “Iuwi mo na siya. Kunin mo yung susi ng sasakyan niya. Ikaw mag drive. Sa bahay na kayo matulog. Isama niyo na si Rafael. Where’s Damon?” Luminga ako.

“He’s… sick…” Nalilitong sinabi ni Rafael.

Sick? Really?

“Nagpaconfine siya sa ospital kahapon.” Ipinagkibit balikat iyon ni Rafael. “Di ko alam anong sakit niya, e.”

Umiling na lang ako at bumaling kay Azi. Surely, hindi malala ang sakit ni Damon kung hindi naman umabot sa kay mommy at daddy ang balita.

“Sa bahay na kayo matulog. Go!” Sigaw ko.

“Ngayon din?” Nagkunot ng noo si Azi.

“Of course! Tingnan niyo nga si Elijah? Lasing na lasing na! Diretso sa bahay, ah? Pag nalaman kong nabunggo ulit kayo, papatayin ko talaga kayo!”

Ngumiwi si Azi. “Alright po… Makapagsalita ito, parang girlfriend.”

Umatras ako nang hinila niya si Elijah. Pinanood ko silang tatlong umalis habang si Josiah ay naroon parin at nakikipagkatuwaan. Bumalik ako sa table namin habang pinagmamasdan na palabas na iyong sasakyan ni Elijah.

Bumuntong hininga ako.

“Nandyan pa ba si Josiah?” Tanong ni Erin sakin.

Tumango ako. “Yup. Siya maghahatid sa inyo ni Clau.” Nilingon ko si Claudette na medyo weird ang paningin sa akin.

Mukha siyang manika na may masamang balak sa akin kaya ngumiwi ako sa kanya. Ngumisi siya. There, better.

Ilang sandali ang nakalipas ay napagdesisyunan naming umuwi na ni Eion. Tulad ko ay hindi rin siya gaanong nakakatagal sa magdamagang inuman. Pareho kaming inaantok na kaya niyaya ko na siyang umalis. Tumango siya at tumayo agad.

“Uy! Diretso sa bahay nina Klare ha? Baka malaman ko di siya nakauwi!” Tumawa si Erin.

Uminit ang pisngi ko! Adik talaga itong si Erin! Nakakahiya tuloy.

“Sorry kay Erin, ah?” Sabi ko nang nasa sasakyan na kami ni Eion.

“Okay lang.” Ngumisi siya.

“Nakakahiya tuloy sayo.” Sabi ko.

“Ba’t ka nahihiya?” Nilingon niya ako.

Napaawang ang bibig ko at tumingin ng diretso sa daanan. Bakit nga ba? Err. Narinig ko ang paghinga niya at paghalakhak niya.

“You’re really cute and adorable, Klare.” Aniya.

Ngumisi ako.

Shit! Parang panaginip ng sinabi niya iyon! Nilingon ko siya at naabutan kong nakangisi siya.

“And you’re really handsome and mysterious.” Sabi ko nang itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

Ngumuso siya at biglaang humilig sa akin. Nalaglag ang panga ko sa paghilig niya. Malapit na malapit na ang kanyang mukha sa akin.

“Oh yeah?” Ngumisi siya.

“Yeah…” Sabi ko.

Unti unti pa siyang lumapit sa akin dumampi ang kanyang labi sa labi ko. Mabilis lang. Malambot iyon at nakakakilig. Halos mawala ako sa sarili ko. Ngunit agad agad akong kinabahan. Lalo na noong nagkasalubong ang tingin namin. Ngumiti siya ngunit di ko magawang ngumisi.

“Good night.” Aniya.

“Good night, din. Thank you, Eion.” Sabi ko nang naramdaman ang unti unting pag iinit ng pisngi ko.

Mabilis akong lumabas sa kanyang sasakyan dala ang bag ko. Dammit it! Pakiramdam ko magkakaheart attack ako! Kinagat ko ang labi ko habang pinipindot ang elevator. OH MY GOD! He kissed me! Sa lips!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: