Kabanata 14
Run
Mabilis parin ang pintig ng puso ko pagkapasok ko sa elevator. Hindi ako makahinga. Hindi ko namalayan na tumigil ako sa paghinga simula nang halikan ako ni Eion.
Hinawakan ko ang labi ko. That was my first kiss. Tumunog ang elevator at mabilis akong tumungo sa hagdanan at nagmadali na rin sa pagpasok sa loob ng bahay. dim na ang lights ng bahay. Buong akala ko ay mag iinuman pa ang mga pinsan ko sa rooftop pero mukhang nagkakamali ata ako, tulog na ata sila.
Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig at huminga bago dumiretso sa kwarto. Nang binuksan ko ang ilaw ay napatalon agad ako sa tumambad saking kama. Gumalaw si Elijah at kinusot niya ang kanyang mga mata.
Dammit! The asshole is sleeping on my bed again! Mas lalo akong kinabahan.
“Ngayon ka lang nakauwi?” Nilingon niya ang relo sa gilid habang kinukusot ang mata.
Nilapag ko ang bag ko sa mesa at tinanggal ang earrings at necklace.
“Magkasunod lang tayo.” Sabi ko.
I can’t take off my clothes here, right? Right in front of him, right? Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig ang puyat niyang mga mata.
“Bakit dito ka natutulog?” Tanong ko habang hinuhubad ang sandals ko.
“Crowded ang guestroom. Nandun si Rafael at Azi.” Aniya.
“What about the other guest room.”
“Why not here?” Namamaos ang kanyang boses.
Because it’s awkward? And why is it awkward, Klare? Umiling ako at kinuha ang pajama at t-shirt ko at dumiretso sa bathroom.
“Okay. Sleep, then.” Sabi ko bago sinarado ang pinto.
Matagal akong lumabas kahit sa totoo lang ay inaantok na talaga ako. Sana ay tulog na siya ngayon. I don’t like him awake while I lie beside him. Bakit? Bakit ba talaga? Ano ba ang problema ko? He’s my cousin for Pete’s sake!
Mabilis kong binuksan ang pintuan at nilingon ko siya sa kama kong natutulog ng mapayapa. Kinagat ko ang labi ko. Natatabunan ang katawan niya ng comforter kong kulay pink at yakap niya pa ang kulay pink ko ring unan. Kelan ba siya nagsimulang matulog dito? Madalas kasi pag nandito ang mga girls, dito sila natutulog sa kwarto ko. Simula noong nagkaboyfriend si Chanel at di na siya madalas sumasama sa amin ay hindi na rin sila gaanong nag s-sleepover. Ang mga boys na lang ang nag s-sleepover.
Pinatay ko ang ilaw at ang tanging natira ay ang lamp sa tabi. Umupo ako sa kama at dahan dahang humiga doon. Pagkahiga ko ay naamoy ko agad ang shower gel ko sa kanya. Nilingon ko si Elijah at ganun parin ang kanyang mukha. Mahimbing ang kanyang tulog. May bigla akong naramdaman sa tiyan ko. This is fucking insane! Stupid!
Pinikit ko ang mga mata ko at inalis lahat ng iniisip ko para makatulog na. Mabuti na lang at hindi rin naman ako nahirapan. Kinaumagahan ay nagising ako nang wala na si Elijah sa kama ko. Tumayo agad ako. Hindi pa ako nagsusuklay ay umalis agad ako sa kwarto para tingnan kung nasaan sila.
Naabutan ko silang tatlong nasa kusina. Nagluluto si Elijah habang si Rafael naman ay nag se-set ng table. Si Azi ay nakatunganga lang sa mesa.
“It’s a Sunday, wala si Manang.” Paliwanag ni Rafael sa akin.
“I know.” Sabi ko. “Nasaan sina mommy at dad?”
“Nagjogging daw kasama si Charles. Gigisingin ka sana nila pero sinabi ni Azi na medyo matagal kang umuwi kagabi.”
Tumango ako at umupo sa harap ni Azi na mukhang inaantok parin.
Nakangisi si Rafael habang nilalapag ang plato ko.
“Klare, di ka marunong magluto?” Tanong ni Rafael.
“Marunong akong mag bake pero hindi magluto ng ulam.” Paliwanag ko.
Nakita kong lumingon si Elijah sa akin pagkasabi ko nun.
Mukha siyang matatawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa doon? Kinunot ko ang noo ko sa kanya. Umiling siya at ngumisi. Oh, why?
Umubo ako at uminom ng tubig sa hapag. Kumunot ang noo ni Azi at nilingon si Elijah. Kinabahan agad ako.
“Nakakain ka ba nung cookies niya nung highschool, Elijah? Ang sarap! Grabe!” Sabi ni Azi with all the feelings.
“Tse! Tumigil ka nga!” Saway ko kay Azi.
“Nope. Di kasi ako mahilig sa sweets.” Paliwanag niya habang nilalagay sa harap namin iyong mga bacon at ham na niluluto niya.
Nagkibit balikat si Azi at tumahimik na lang. Ang totoo, hindi ko rin kasi masyadong binibigyan si Elijah noon ng kahit ano. Like I said, sa lahat ng pinsan ko, siya lang ang hindi ko close. Pag nandyan ang lahat, nakakausap ko silang lahat except sa kanya dahil hindi rin naman niya ako pinapansin kaya nasusupladuhan ako sa kanya.
“So… kumusta kagabi?” Ngumisi si Rafael sa akin.
“Kagabi?” Nagulat ako sa tanong niya.
Umupo si Elijah sa tabi ni Azi at tiningnang mabuti si Rafael.
“Hinatid ka ni Eion, diba?” Kumindat si Rafael.
“Uh, oo.” I sighed. Akala ko kung anong ibig sabihin ng kagabi.
“Nakita ko kayong naghalikan kagabi.” Humagalpak sa tawa si Rafael.
Halos mailuwa ko iyong kinakain ko sa sinabi niya.
“Di ah!” I denied.
“Wag ka ng magkaila! Nasa labas ako kagabi naninigarilyo bago pumasok. Nakita ko kayo. Kausap ko yung guard. Hindi naman kasi tinted ang sasakyan ni Eion. Sa lips pa yun, ah?” Nagkibit balikat siya at humagalpak sa tawa.
Hindi ko maalis ang titig ko kay Rafael. Ayaw kong bumaling kay Elijah. Pero si Azi ay mukhang seryoso.
“Di nga?” Singit ni Azi.
“Oo, bro.” Tumawa si Rafael.
“First kiss mo ba, Klare?” Tanong ni Azi.
Hindi ko talaga kayang tingnan ang katabi niya. At di ko rin kayang sagutin ang tanong niya.
“Naku! First kiss lang yan, ah? Wag mong gaanong seryosohin masyado. Baka di pa maging kayo. O kung maging kayo, mag bibreak din kayo.” Pangaral ni Azi.
“Hanggang doon na lang yun.” Malamig na sinabi ni Elijah sa tabi ni Azi.
Lumagapak ang mata ko sa kanin. Ayaw ko siyang tingnan dahil base sa tono ng boses niya ay galit siya.
“Bakit? Dudurugin mo yung labi ni Eion, Elijah?” Tumawa si Azi.
Nagkaroon ako ng lakas ng loob na mag angat ng tingin sa kanya. Nakita kong matalim ang titig niya kay Azi.
“Joke lang, bro. Ano ba ito! Seriosly, Klare?” Nagseryoso si Azi sa akin. “You can’t kiss Eion! Hindi pa kayo!” Natatawa niyang sinabi.
Naubos ang oras ng pagkain sa pagbibiro ni Azi tungkol sa halik ni Eion. Tahimik lang si Elijah sa gilid. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso siya sa kwarto ko. Pinanood ko si Azi at Rafael na nag lalaro ng bula sa paghuhugas ng plato. Tumayo ako nang di ako mapakali at sumunod na kay Elijah sa loob ng kwarto ko.
Dammit! Ano ba ang iniisip ko at bakit ko siya sinundan? Naabutan ko siyang hinahanap ang kanyang cellphone at kinukuha ang relong hinubad niya siguro kagabi. Nagtama ang paningin naming dalawa. Agad kong sinisi ang sarili ko. Bakit pa ako nagpunta dito? Hindi ko alam!
Bumuntong hininga siya at tumayo pagkatapos kunin ang relo. Isinuot niya iyon sa wrist niya.
“I-I’m sorry.” Bulalas ko.
Tumunganga siya sakin habang inaayos ang kanyang relo. Nasa paa ko ang paningin ko ngayon. Hindi ko siya kayang tingnan habang sinasabi ko ito.
“Ba’t ka nag so-sorry?” Tanong niya at humalukipkip.
Bakit nga ba? Hindi ko alam. Nagsosorry ako dahil sa lahat ng pagtatalo naming dalawa. Nagsosorry ako dahil nitong mga nakaraang araw ay lagi kaming magkagalit at malamig sa isa’t-isa.
“Kasi… lagi tayong nag aaway.” Utas ko.
“Bakit kaya?” Narinig ko ang panunuya sa boses niya.
Nilingon ko siya at nakita kong nakangisi siya. Isang nakakapanindig na ngisi. Iyong tipong may masamang binabalak. Kinabahan agad ako.
Lumapit siya sa akin. Nanginig ang binti ko sa intensity ng kanyang katawan. Nakita ko ang unti unti nitong paglapit. Hindi ako makahinga, hindi ako makatingin ng diretso, at hindi ako makapag isip ng mabuti.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Marahan lang. Halos mapatalon ako sa gulat at sa kung anong nararamdaman. Para akong kinuryente galing sa kamay niya patungo sa batok ko. Tinanggal niya agad ang haplos niya na para bang ganun din iyong nararamdaman. Parang napapaso.
Kinunot ko ang noo ko dahil ayaw kong makita niyang naghuhuramentado ko. Nakita ko ring ganun din siya. Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga habang dinudungaw ako.
“Can you feel it?” Tanong niya.
Nanuyo ang lalamunan ko sa tanong niya. Tumitig pa ako lalo ngunit inalis niya ang mukha niya sa paningin ko. Yumuko siya at lumapit sa tainga ko.
“Run, Klare. Coz I’m done running. I can’t run anymore. And God knows I can’t even walk away…”
Para akong nalagutan ng hininga pagkatapos niya iyong sabihin sa namamaos na boses. Iniwan niya ako sa kwarto na tulala at nalilito.
SHIT! Ano ang ibig niyang sabihin? Nanginginig ako at naiiyak.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]