Until He Was Gone – Kabanata 15

Kabanata 15

I Don’t Like It

Kabadong kabado na ako. Punong puno ang gymnasium ng mga taong may dalang mga balloons na kulay blue. Nakakabingi ang ingay dahil sa finals ng basketball. Magulong magulo na kami sa backstage dahil kabado at excited na rin ang mga kasama ko.

“Picture!” Sigaw ni Chanel sabay hila sa akin.

Sa aming mga magpinsan, kaming dalawa lang ang kasali sa All Star. Inakbayan niya ako at nag pose kaming dalawa para ma picturan ni Erin. Nagpapicture din si Erin sa amin at sa mga kaibigan niyang kasama namin.

“Sige na, sige na! Alis na ako! Pwesto na ako dun!” Ani Erin bago umalis.

Nilingon ako ni Chanel at tinapik niya ang legs ko, tsaka tumawa.

“Sexy! Mas maiksi pa yung sayo kesa sakin!” Aniya.

Tumawa ako.

“Next week, ah? Magpaalam ka sa mommy at daddy mo para makasama ka kina Brian.” Aniya na tinutukoy ang boyfriend niya.

Tumango ako. “Oo. Papayagan naman ako nun kasi kasama ko naman kayo.”

“Great! Marami tayo!” Pumalakpak si Chanel.

Naka dark blue at puting kombinasyon kami ng short-skirt na sobrang iksi at sikip, at naka asymmetrical na tight top. May nakalagay sa pisngi naming facepaint sa initials ng school: XU.

“Ladies and gentleman…”

“Eto na! Eto na!” Sigaw ng mga kasama ko.

“The Xavier University All Star Dancers!” Sigaw ng host.

Nag dim ang lights sa gitna at umilaw ang mga disco lights kasabay ng pagsisimula namin. Iginala ko ang paningin ko sa taas ng bleachers at nalula sa dami ng taong naghihiyawan.

“MONTEFALCO!” Dinig na dinig ko ang sigaw ni Josiah kung saan.

Umiling ako at ngumisi habang pinagpapatuloy ang pagsasayaw. Nahagip ng paningin ko ang seryosong nakatitig na lalaki sa may harap. Naroon siya kasama ang ibang players na nagkakatuwaan siguro ay dahil sa maiksi naming damit.

Medyo na conscious ako kasi di maalis ni Hendrix ang tingin niya sa akin. Pinaglaruan niya ang bola sa kanyang kamay habang tinitingnan ako. Di niya man lang sinusulyapan ang kasamang kumakausap sa kanya.

Mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa excitement sa harap pero napapawi ito dahil sa pagkakaconscious ko kay Hendrix. Mabuti na lang at na distract ako nang humiyaw lalo ang audience nang lumipad na kami sa ere.

Pagkatapos ng presentation ay marami agad ang bumati sa amin dahil perpekto ang nagawa namin. Picture dito, picture doon. Iyon ang paborito kong part. Kahit na pawis kami at halos tunaw ang make up ay nagagawa parin naming mag picture.

Kinalabit ako bigla ni Chanel na may dalang camera. Ngumisi siya at sinenyas na pipicture-an ako. Sumenyas din siya sa likod niya kaya tinaas ko ang kilay ko sa pagtataka. Tumuro siya sa likod niya at ngumisi ng malaki.

Nagulat ako nang bumungad sa akin si Eion na medyo mukhag galit ngunit pumupula ang pisngi. May dala siyang flowers. Bago pa ako naka react ay kinaladkad na agad ako ni Chanel patungo kay Eion. Itinulak niya pa ako kaya napahawak si Eion sa magkabilang braso ko para pigilan ang pagkatumba ko.

“Oppps! Sorry!” Tumawa siya at kinuhanan kami ng picture habang ganun.

“Chanel!” Sabi ko sabay ngiwi sa pinsan ko na ngayon ay ngiting ngiti at panay ang picture sa aming dalawa ni Eion.

Stolen shots, dammit!

“Umayos kayo!” Saway niya.

Kinagat ko ang labi ko at nilingon ang nakakunot noong si Eion. Nakakahiya sa kanya! Baka isipin niyang nagpapaka cheap ako at hinahayaan ko ang pinsan kong ipagkanulo sa kanya.

Umaliwalas ang kanyang mukha at inilahad sa harap ko ang mga bulaklak. “For you. Galing mo dun.” Aniya.

Uminit ang pisngi ko at tinanggap ang bulaklak. “AYYY!” Tumili si Chanel.

Nakita iyon ng ibang kaibigan namin kaya tumili na rin sila para sa aming dalawa. May mga nanggugulo pa at nagpapapicture na rin sa amin ni Eion. Ang gulo-gulo kaya kinabahan ako at baka mabadtrip si Eion sa nangyayari.

Nilingon ko siya pero mukha namang hindi. Nakikipag kwentuhan siya sa nakikiusyusong mga kaibigan ko habang ako naman ay nalulunod ulit sa camera. Kalahating oras pa kaming nandoon bago ako nakawala. May pahabol pa si Erin nung paalis kaming dalawa ni Eion.

“Sa bahay niyo ako magbibihis! Doon na daw tayo magkikita para mapag usapan yung trip! Okay? Don’t be late! Kayong dalawa!” Sigaw niya habang sinusundo na siya ni Brian.

Tumango ako at bumuntong hininga. Kung ganun ay marami pala talaga kaming pupunta ng Camiguin. Bukod sa mga kaibigan ni Chanel, mga pinsan ko, kasama pa ang buong barkada ni Josiah (kung saan parte si Eion). Balita ko rin ay isasama ni Erin ang mga kaibigan namin kaya ang dami naming pupunta doon!

“Sorry, ah?” Sabi ko kay Eion, tinutukoy iyong nangyaring kaguluhan.

“Walang problema.” Aniya.

Biglang sumigaw ang mga tao sa gymnasium. Mukhang mainit ang laban ng mga teams, ah? Gusto ko sanang manood kaso nagugutom na ako.

Kaya niyaya ko siyang pumunta muna sa canteen. Nagyaya siyang mag dinner sa labas, kaso, I know better. Pag ganitong may event sa school ay lahat ng kainan sa labas maraming tao. At ayaw ko na ring lumayo dahil uuwi lang din naman kami. May pagkain naman sa bahay pero ayaw kong… ayaw kong makaistorbo dun lalo na’t alam kong sigurado ay maraming tao roon.

“Sigurado ka bang okay lang sayo dito?”

Ngumisi ako sa tanong niya. “Oo. Tsaka, di naman ako ganun ka gutom.”

Tumango siya at nilibre ako ng mga pagkain. Habang bumibili siya at nasa table ako at naghihintay ay ang daming lumalapit sa akin para tanungin kung kanino galing ang bulaklak na dala ko. Nakakahiyang sagutin pero kailangan.

“Kay Eion.” Sagot ko sa kaklase ko noong highschool.

Kita ang gulat sa mga mata niya. “Well, totoo pala yung balita na nagkakaigihan kayo? Akala ko talaga noon hanggang tingin ka lang, e! Sabagay, kaibigan sila nina Knoxx at Josiah, diba?” Aniya. “Nanliligaw na ba?”

“Huh? Hindi, ah!” Sagot ko agad.

“Ay? Ganun! Pero malapit na yan!”

Hindi naman sa nagmamadali ako pero habang minamasdan ko si Eion na nagdadala ng pagkain patungo sa akin ay naisipan ko kung nanliligaw ba siya. Hindi ba nagtatanong naman ang nanliligaw? Pero surely, itong mga ginagawa niya ay parang nanliligaw na siya, diba? Pero ayaw ko siyang pangunahan.

Kumain kaming dalawa ng tahimik habang naglalakbay ang utak ko. Nanliligaw ba si Eion o hindi? Pwede ba akong magtanong o hindi? Hindi ko alam. Natatakot ako sa mga magiging reaksyon niya sa bawat moves ko. Natatakot akong maudlot kung ano man itong napipinto.

“Hi Eion!” Malambing na sinabi ng isang babaeng may maiksing buhok, doe-eyed, at naka shorts at t-shirt lang.

Kilala ko ang isang ito, ah? Ang alam ko ay classmate ito nina Eion noon sa highschool. Ni hindi ako tiningnan ng babae. Si Eion lang ang kanyang nginitian. Nagulat ako sa ngiti ni Eion pabalik sa kanya. Ngumingiti si Eion sa akin pero hindi ganun ka liwanag. Iyong tipong alam mong matagal na silang magkakakilala.

“Di ka ba manonood ng game?” Tanong nung babae.

Umiling si Eion. “Patapos na! Ikaw? Nandun si Hendrix, a? Yung crush mo!”

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Eion habang nginingitian at binibiro iyong babae. Am I being too emotional or what? Nanliliit ako dito habang dahan dahang isinusubo ang pork chop ko. Hindi ko naman talaga ugaling magpapansin pero parang awkward ang sitwasyon ko ngayon dito.

Humagalpak ang babae. “Selos ka lang, e! Kaya ayaw mong manood sa game niya!”

Nagulat ako sa sinabi nung babae. Selos? Nagseselos si Eion? Hindi ko pa ata nakikita si Eion na nakikipag biruan ng ganito! At sinasabi pa nung babae na nagseselos siya. Uminom ako ng tubig.

“Ba’t ako magseselos?” Tumaas ang kilay ni Eion.

Tumawa ang babae at inirapan si Eion.

At dahil masyado akong nagmamasid sa dalawa ay naubo ako sa pag inom ng tubig. Dammit! In a wrong, wrong time! Nilingon nila ako. Nakita kong nag hugis bilog ang bibig ng babaeng kausap niya.

“Who is she?” Tanong nung babae.

“Uh, Ah, by the way, Cherry, She’s Klare.” Sabi niya.

“Hello!” Kinawayan ako ni Cherry.

Ngumisi ako habang pinupunasan pa ng tissue ang bibig. Damn! Nauubo pa ako!

“Girlfriend mo?” Nagtaas ng kilay si Cherry.

“Hindi.” Mabilisang sagot ni Eion.

“Oh!” Makahulugan ang ngisi at pagtango ng dahan dahan ni Cherry. “Nililigawan?”

“N-No.” Ani Eion.

Para akong nabagsakan ng langit sa sagot ni Eion. There you have it, Klare Montefalco! The answer to your question! Hindi siya nanliligaw sa iyo at mukhang hindi talaga siya manliligaw! Hindi ko alam kung ngingisi ba ako pero kailangan kong ngumisi at magkunwaring nagbibiro si Cherry.

“Okay, then. See you around, Eion!” Sabi ni Cherry at patalon talong umalis.

“Uyy! Sino yun?” Tanong kong matabang.

“Ah! Wala. Classmate ko noong highschool.” Sabi ni Eion.

“May crush ata iyon sayo, e.” Sabi ko.

Dammit! Nakakatabang talaga ito!

“Wala, a? Si Hendrix ang crush niya.”

Hindi ko alam kung natural pa ba ito pero nababanas ako. Nababanas ako dahil narinig ko mismo sa bibig ni Eion na hindi niya ako nililigawan. Alam ko. Wala pa naman siyang sinasabing liligawan niya ako o nililigawan niya ako pero medyo masakit palang marinig iyon.

Kaya tahimik ako sa pagkain namin at sa pagpasok namin sa kanyang sasakyan. Wala akong masabi. Naiirita na lang ako sa sarili ko.

Mabilis din naman kaming nakarating sa building namin. Hindi naman kasi kalayuan kaya bumaba agad ako pagkapark niya. Kating kati na ako sa suot ko. Gusto ko ng magbihis.

“Klare, ba’t ang tahimik mo?” Napatanong bigla si Eion habang binibigay ulit sa akin iyong bouquet na naiwan ko pala sa loob ng sasakyan niya.

“H-Ha? Wala. Hindi naman, ah?” Tumawa ako sa tonong pahisterya.

Kumunot ang noo niya.

Hinintay kong makarating sa third floor ang elevator. Tahimik kaming dalawa. Ito ata ang unang pagkakataon na makakapunta siya sa loob ng bahay namin. Pero hindi naman magmumukhang espesyal dahil nandito naman ang lahat.

“I think you’re really mad at me.” Ani Eion.

Nilingon ko siya at nginitian habang umaakyat na kami patungong fourth floor kung saan naroon ang bahay namin. “I’m not, Eion.”

Binuksan ko ang pintuan at nakita kong walang katao tao sa bahay. Siguro ay nasa kwarto sina mommy, daddy at Charles. Napabuntong hininga ako at nilapag ko ang flowers sa table.

“Nasa rooftop siguro sila.” Nilingon ko si Eion at naabutan ko siyang ginagala ang paningin sa buong bahay.

Tiningnan niya ang bawat frame, ang bawat detalye, ang bawat mukha kong nakabalandra sa saang sulok.

“Let’s go?” Sabi ko.

Gusto ko ng magbihis, pero una sa lahat ay ihahatid ko muna si Eion sa taas. Tumango si Eion at sumunod sa akin sa pag akyat sa roofdeck ng bahay.

Tama ang hinala ko. Naroon silang lahat. Dinig na dinig ko ang ingay na ginagawa ni Erin at Josiah. Tinuro pa ako ni Chanel nang nakita akong dumating. Ni hindi ko kilala ang iba sa mga naroon! Hula ko ay extended friends ni Chanel at Brian kaya di ko na pinagkaabalahan. Nakita kong naroon sina Hannah, Julia, at Liza na mga kaibigan ko. Ngumisi agad ako.

“Uyyyy!” Hiyawan nila nang nakita si Eion sa likod ko.

Hinanap agad ng mga mata ko si Elijah. Nakita kong nakaupo siya roon sa tabi ni Azi. Naabutan ko siyang nakangisi ngunit nang nagtama ang mga mata namin ay napawi ito. Oh God! Parang mas lumala yata ang kung anong nasa tiyan ko!

“Uy! Nakita niyo ba ang pictures nila kanina? Bagay na bagay sila!” Panggugulo ni Chanel habang winawagayway ang camera sa ere.

Pinagkaguluhan nila iyong camera. Tumawa na lang ako. Natuwa na rin si Eion dahil marami siyang kilalang kasama kaya nawala siya sa gilid ko. Panay ang high five niya sa mga kaibigan nila ni Josiah. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Boys. Ganun nga talaga siguro ang mga lalaki. Kasi kung lahat ng lalaki ay madaling espilingin at parating sweet, mas masaya at mas maganda siguro ang mundo ngayon. Pero dahil kokonti, o baka naman, wala na masyadong ganun ngayon, ganito na lang muna ang mundo sa ngayon: full of uncertainties, doubts, and insecurities. Pero hindi ko na dinibdib iyon.

Nagtama ulit ang paningin namin ni Elijah. Kumunot ang kanyang noo at binagsak ang paningin niya sa kanyang cellphone.

Mas lalo akong nairita. Gusto ko ng dibdibin lahat ng nangyayari. See? Boys will be boys? Laging may ibang girls! Laging may ibang ka text! Laging ganun! Umirap ako sa hangin at nilingon na lang si Erin.

“What? No fun! No fun!” Sigaw ni Azi kung saan.

Hindi ko na siya nilingon dahil alam ko kung sino ang kausap niya. Nag uusap pa sina Chanel at Brian tungkol sa tutuluyan namin sa Camiguin at sa mga dadalhin naming pagkain. This will surely be a good trip! Ang dami namin, e!

“Where are your balls, dude? Lost it?” Humagalpak sa tawa si Azi. “Parang last month ata pang flavor of the week ang mga babae mo tapos ngayon? Ayaw muna? What happened?”

Napalingon ako sa kay Azi na kausap si Elijah. Umiling na lang si Elijah sa pinsan kong puro kalandian ang iniisip. Well, Azrael, it’s not actually flavor of the week. Mas saktong tawag dun ay flavor of the day! I’ve seen him jump from one female to another in just one day!

Nagkasalubong ulit ang tingin namin ni Elijah. Ngumuso siya. Gusto kong umiwas sa tingin niya pero may nag uudyok saking tumitig sa mga mata niya. Ipinakita niya ang cellphone niya sa akin. Nag kunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan.

Tiningnan ko ang sarili kong cellphone at nakita kong may message siya doon.

Elijah:

You look tired. I don’t like it.

Nanuyo ang lalamunan ko. Nakita ko pang nanginig ang kamay ko sa pagkakahawak ko ng cellphone ko. Mabilis akong nag reply.

Ako:

Yup. Exhausted sa sayaw.

Nakita kong dumungaw siya sa kanyang cellphone habang maingay na angkukwento si Azi sa tabi niya. Shit! This is really not good! Why are we even texting?

“Uyyy!” Umalingawngaw ang tawanan nang lumapit si Eion sa akin.

Pinaupo pa siya sa tabi ko. Imbes na iyon ang pagkaabalahan ko ay mas hindi ako natatahimik dahil sa simpleng text ni Elijah. What the freak is happening to me?

“Hey, Klare, you mad at me?” Bulong ni Eion nang napawi ang ingay ng mga kasama ko.

“Huh?” Tumingin ako sa likod niya dahil nawala si Elijah sa paningin ko dahil sa kanya.

Kumunot ang noo ni Eion at lumingon sa likod ko.

“Hey!” Agad kong sigaw sabay hawak sa kamay niya. Ayaw kong malaman niya na tinitingnan ko si Elijah! “I-I’m not mad, Eion! Ba’t naman!?” Tumawa ako.

“Mukha ka kasing galit. Are you jealous?” Bulong niya ulit sa akin.

Kitang kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. Kitang kita ko na bumagabag ito sa kanya. Pero nakalimutan ko na… Ano iyon? Asan ako? Sino ka? Anong pangalan mo?

Napabuntong hininga ako at napatalon nang biglang tumayo si Elijah, Azi, at Rafael.

“Tapos na ba yung usapan? Uuwi na kami. Inaantok na kami, e.” Sabi ni Rafael.

Nilingon ni Eion ang mga pinsan kong umaambang umalis. Tumayo na rin ang iilang kaibigan ko at mga kaibigan ni Chanel para na rin umalis.

Habang nakatoon ang atensyon ni Eion sa mga umaalis naming kaibigan ay nakatoon naman ang atensyon ko sa nag text sa akin. Nangatog na ang buong sistema ko habang binabasa ang mensahe niya.

Elijah:

I don’t wanna sound possessive but I have to tell you that I’m jealous.

Dumiretso ang titig ko kay Eion dahil ayaw ko sa dulot sa akin ng mensaheng iyon. Hindi ko maintindihan ang paghuhuramentado ko at natatakot ako.

“I’m not mad, Eion.” Pag uulit ng nanginginig kong boses.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d