Until He Was Gone – Kabanata 16

Kabanata 16

 

 

Kumakain ako ng cereals habang nakatingin sa pinapanood ni Charles na cartoons. Sunday ngayon at bukas na iyong outing. Kakagising ko lang. Tinanghali na naman ako kasi hindi ako nakatulog kagabi.

Dammit!

“Ate, you have muta,” sabi ni Charles sa akin.

Nginiwian ko na lang siya. Ayaw kong mahulog sa bitag niya at kung totoo man iyong sinabi niya ay wala akong pakialam. Nilagay ko ang mga paa ko sa table at nginiwian na rin ako ni Charles.

“I said you have muta—”

Habang sinasabi niya ulit iyon at iniirapan ko siya ay narinig kong bumukas ang pintuan.

Hindi ko iyon inalala. Nanatili akong nakatitig sa aming flatscreen hanggang sa tumakbo si Charles at sinalubong kung sino ang dumating.

Umingay sa bahay dahil sa kanila at halos mag-scramble ako sa pagkakataranta lalo na nang ang unang bumungad sa paningin ko ay ang naka-polo shirt na black na si Elijah. Ngumisi siya sa akin.

Holy shit!

Ba’t ‘di pa ako naliligo!?

Tumayo ako at tumalikod habang tinatanggal ang muta sa mga mata. Inayos ko rin ang buhaghag kong buhok. Ugh! Sino ba kasing pasimuno sa pagpunta nila rito?

“Klareee!” Narinig ko ang sigaw ni Erin.

Lumingon agad ako at nakita kong nagkalat na ang mga pinsan ko sa bahay. Sina Azi, Erin, Rafael, at Elijah ang nandito.

“Anong meron?” Inaayos ko pa rin ang mukha ko.

Naaasiwa ako kasi umupo pa si Elijah sa sofa at nakatingin pa rin sa akin. Umalis ako roon at dumiretso sa kusina. Kumunot ang noo ni Erin sa pag-alis ko.

“Naatasan tayo ni Ate Chanel na mag-grocery ngayon para bukas,” aniya.

“Grocery?” napatanong ako.

“Oo.” Ipinakita niya ang listahan na pinadala ni Chanel at binasa. “Pork, hotdog, chichirya, tissue-“

“Hay naku! Ba’t dinamay n’yo pa ako?” Umirap ako.

“Oh come on! Kung miserable ako, dapat ikaw rin!” Tumawa si Erin at inirapan din ako.

Umiling na lang ako at dumiretso sa kuwarto. Nang nasa likod na ako ng pintuan ay huminga ako nang malalim at halos matunaw sa kinatatayuan ko. Biglang maingay na kinatok ni Erin ang pinto at humagalpak sa tawa.

“Make it fast! Ginugutom ako! Kakain tayo sa labas!”

Kinuha ko agad ang tuwalya ko para makaligo na at makapagbihis. Nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan. May dalawang message doon. Una ay iyong good morning ni Eion, at ang pangalawa at ang bago ay galing naman kay Elijah.

Kinagat ko ang labi ko at binuksan ang mensahe. Halos lumipad ang kaluluwa ko. What the freaking shit is really happening with me?

Elijah:

You look good in the morning.

 

Imbes na tumunganga roon ay dumiretso na ako sa bathroom at nagdasal na sana ay kasamang malunod sa tubig ang kung anong bumabagabag sa akin.

Mabilis akong nagbihis. Pinili ko ang isang sheer sleeveless top at pants. Inayos ko ang buhok ko at lumabas na lang sa kuwarto pagkatapos.

Naabutan kong nakatunganga na silang lahat sa TV. Si Elijah lang ang nag-angat ng tingin paglabas ko. Nagkatinginan kami. Ngumuso siya.

“L-Let’s go.”

Nilingon ko si Erin.

Tumango si Erin at tumayo na. “Let’s go boys!”

Ilang beses pa akong bumuga ng malalalim na hininga. Para bang nahihirapan akong huminga nitong mga nakaraang araw. O baka naman nakakalimutan ko lang huminga? Pinilig ko ang ulo ko at iniwan ang lahat ng pag-iisip na iyon.

Sumakay kami sa sasakyan ni Rafael. Buti at naisipan nilang ‘wag mag-convoy dahil aksaya lang iyon ng gas. Nasa front seat si Azi habang si Rafael ang nagda-drive. Si Erin ay nasa pinakalikod habang ako ay nasa gitna.

“Elijah, tabi na kayo ni Klare para magkabati kayo,” sabi ni Erin.

Napatingin ako sa labas. Ayoko ng awkward moment pero talagang ipinagkakanulo ako maging ni Erin.

“You don’t have to tell me. Tatabi ako sa kanya, Erin.”

“Whoa, whoa. Patawarin mo na, Klare.” Tumawa si Azi.

“Ano? Hindi naman kami nag-away,” sabi ko.

What the? Sinabi ko ba iyon? Nilingon ako ni Elijah. Umandar ang sasakyan pero ‘di pa rin nila kami tinigilan.

“Anong hindi? Obyus kayong dalawa ‘pag nag-aaway, e. Sigawan dito, sigawan doon,” sabi ni Azi.

“Magkabati na kayo. We don’t want Elijah shitting on Eion’s face while on the island,” sabi ni Erin. “Baka masira lang ang diskarte ni Eion dahil sa galit ni Elijah sa iyo. At isa pa, ayaw din namin ng sigawan.”

“Bati na naman kami,” sabi ko nang matigil sila.

Hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa daanan. Alam ko kasing nakatingin si Elijah sa akin.

“What can you say, Elijah? Bati ba kayo? O one sided lang na bati ito?” usisa ni Erin.

“I don’t wanna be friends with her,” natatawang sinabi ni Elijah.

Nilingon ko agad siya nang nanlalaki ang mga mata.

Dammit!

He can’t say that in front of our cousins!

“Aww! You’re too stubborn. Ano ba kasing pinag-aawayan ninyo? Nakalimutan ko na,” sabi ni Erin.

Titig na titig si Elijah sa akin. Para bang naaaliw siya sa mukha ko.

“Erin, tumigil ka na nga. I said, we’re good. Hindi naman siguro siya tatabi sa akin kung galit pa siya ‘di ba? Halos mandiri ‘yan sa akin ‘pag galit iyan!” sabi ko.

“Ohhh.” Tumawa si Rafael.

“Yeah!” Tumaas ang isang kilay ni Elijah. I want to slap his smirk off! “Yeah, she’s right! Bati na kami.”

Mabilis akong lumabas sa sasakyan nang nakarating na kami sa mall kung saan kami mag-go-grocery. Una raw iyong pag-go-grocery bago kami kakain ng pizza. Nagki-crave daw kasi si Erin dahil sa pagbubuntis niya sa mga bulate sa tiyan kaya ‘yon. Gusto rin ng boys kaya sige na nga!

Dahil Sunday, maraming tao sa grocery. I wouldn’t be surprised if I see Eion here. Kanina pa kasi kami nakakakita ng mga kilala namin.

“Hi Azi!” Kaway ng isang babae habang nasa gilid ako ng tinutulak ni Elijah na cart.

Si Erin iyong basa nang basa ng mga sugo ni Chanel habang si Azi at Rafael naman ay nambababae. Thank God, hindi gumagana si Elijah ngayon. Humahalakhak lang siya sa gilid ko.

Tumigil kami dahil may mga kinuha si Erin doon. Front seat kami sa pambababae ni Azi at Rafael sa harap namin. Humalukipkip si Rafael habang kinakausap iyong pinakamatangkad sa kanila.

“Hi, baby!”

Napailing ako sa sinabi ni Azi. “Ipakilala mo naman ako sa friend mo.”

Nakita kong ngumiwi ang babaeng nag ‘hi’ sa kanya dahil mas nagustuhan ni Azi iyong namimili ng grocery na kasama niya.

“Ah! This is Cherry,” sabi ng babae.

Napatalon agad ako sa pagkakabanggit ng babae nung pangalan. Naaninag ko ang isang babaeng may maiksing buhok, maputi, naka-polka dots na loose tee at short pants lang. Ngumisi siya kina Azi at Elijah.

“Azrael Ian Montefalco The Third.” Naglahad ng kamay si Azi.

Nanuyo ang lalamunan ko. Si Cherry! Ito iyong ipinakilala ni Eion sa akin!

Tumango lang siya at tinanggap ang kamay ni Azi. Nahagip ako ng paningin ni Cherry. Bumilog agad ang bibig niya nang naalala ako.

“I know you! Ikaw iyong kasama ni Eion, ‘di ba?” sabi niya nang itinuro niya ako.

“Yup!” Ngumisi ako ng hilaw. “I’m Klare.”

“Yes, of course!” Napatingin siya sa gilid ko. Nagtaas siya ng kilay at… “And you are?”

Iyong kaninang nakahilig sa cart na si Elijah ay umayos sa pagkakatayo at nagtaas ng kilay.

“Elijah. Nothing special, actually,” utas ni Azi para kay Elijah.

Nag-igting ang bagang ko.

She likes Elijah! Kita mo iyon sa tingin niyang mula ulo hanggang paa! Of course, who wouldn’t like him anyway? He’s freaking hot with his black polo shirt. Hinuhubog ng fitting shirt na ito ang trimmed niyang katawan. Not that, Azi’s not hot, though. Pinasadahan ni Azi ng palad ang kanyang buhok. Ito na yata talaga ang pinakanagdadala sa kanya ng pogi points.

“Hindi ba classmates tayo sa Logic?” tanong nung babae.

“Uh, I think so.”

Umismid na ako. What are we doing here? Chatting? Hindi ba nag-go-grocery kami?

“Erin, ano pang kailangang bilhin?”

Sinadya kong abutin iyong papel kay Erin na dahilan kung bakit nawalan si Elijah ng eye contact kay Cherry at napatingin sa akin.

Again, with his evil smirk.

“Ah! Ikaw nga iyon! Kasi mailap ka. One time, magpapatulong sana ako sa’yo roon sa isang assignment kasi mukhang palagi kang walang problema sa Logic, pero mailap ka, e.” Malambing na tumawa si Cherry.

“Talaga? Next time, then,” sabi ni Elijah.

May parang tumutusok sa noo ko. Siguro mga ugat iyon? Hindi ko alam. Binasa ko iyong binigay na papel ni Erin sa akin at nakita kong wala pang mga karne at iyong mga tissue na rin.

“Alright. O sige, alis na kami,” sabi ni Cherry at kinaladkad na ang dalawa pang kaibigan palayo roon.

Nalaglag ang panga ni Azi kay Elijah. Umiiling lang si Elijah at tinulak ang cart. Tumatawa na si Rafael dahil may kung anong nagkokonek sa utak nilang tatlo. Umiling ako at bumuntong hininga.

“Hindi ba si Cherry ‘yong crush ni Eion?” Napatingin si Erin sa akin. “Siya ‘yong crush ni Eion! Sabi ni Kuya.” Tinutukoy niya si Josiah.

I’m not surprised! Kung crush iyon ni Eion, medyo halata naman. At sa totoo lang, maganda siya. Doe-eyed at makinis. Kamukha niya si Emma Watson na may mas makapal lang na kilay at mas makurbang katawan.

“Noong high school, Klare,” sabi ni Erin.

“Dude, what the fuck?” sabi ni Azi at sinuntok si Elijah sa braso.

“What the fuck?” Tumawa si Elijah.

“The girl is hitting on you! Obviously! Paano mo iyon nagagawa nang walang effort! I mean, para sa akin, ah? Discouraging kang tingnan, e. Nagtutulak ng cart na may lamang pechay? Seriously, what the fuck is wrong with girls?”

Humagalpak sa tawa si Rafael. “At mag-iisip ka na naman, Azi? Na anong meron si Elijah na wala sa’yo?”

“Yes! Dude! Kung tutuusin…”

Nilingon ako ni Elijah dahil nagkakatitigan kami ni Erin. Ngumiwi siya sa akin. Umiling ako at umirap.

“I’m not jealous, Erin.”

Alam kong nag-alala siya sa sinabi niya tungkol kay Cherry at Eion.

“Kung tutuusin mas attractive ako kay Elijah! Mas mahaba ang buhok ko sa buhok niyang isa at kalahating pulgada lang. I mean? Paano iyan hahawakan ng mga babae while doing the deed? It will frustrate them, man!” Pinasadahan niya ulit ng palad ang kanyang buhok na tunay na mas mahaba ng isang pulgada kay Elijah.

Umiling ako at tinakpan na lang ang tainga. Humagalpak sa tawa si Rafael.

“Stop it, Azi!” saway ni Elijah kahit na dinig ko sa tono niya ang pagkakatuwa.

Grrrr…

“They can grab my hair while doing it. I can even grow facial hair for it to be more enjoyable. Tapos lumalapit sila sa…”

“Stop it, man! Tigil na!” Tumatawang saway ni Elijah. “Raf, samahan n’yo nga si Erin sa meat section. Pupunta kami ni Klare sa may mga tissue at kung ano-ano pa. Mas mabilis tayo ‘pag maghihiwalay tayo. Okay?”

“Yeah!” sabi ni Rafael at hinila na si Azi palayo kay Elijah.

Umiiling pa rin at nagmumura si Azi kay Elijah habang lumalayo ang tatlo. Why am I suddenly alone with him?

Tumalikod ako at umambang pupunta na sa may hygiene area nang bigla niya akong hinila sa braso.

Nilingon ko si Elijah nang nakakunot ang noo. Naabutan ko siyang seryoso akong dinudungaw.

“Is that why you look exhausted last night? Na-meet mo iyong Cherry na crush ni Eion?” malamig niyang tanong.

Of course fucking not!

“Hindi ako pagod kagabi. At kung pagod ako ay dahil iyon sa cheering. You can’t expect me to have all the energy after those routines, Elijah.”

Hinila ko ang braso ko sa kamay niya at inirapan siya bago naglakad palayo.

“Hey! Why are you rolling your eyes at me? Concern lang ako rito.”

Umirap ulit ako sa kawalan. Sumunod siya sa akin kaya nilingon ko siya.

“Why mo mukha mo. ‘Wag mo akong daanin sa concern mo,” sabi ko at naglakad ulit.

“Klare, I’m still talking,” sabi niya at hinila ulit ang braso ko para maharap siya.

Nakangiti ang mga mata niya habang tinitingnan ako. Oh great God!

“Damn, what I’d give to make you jealous because some girl is hitting on me.”

Kinagat niya ang labi niya at pinakawalan ako.

Oh damn!

Naglakad ako palayo… Palayo nang palayo. Kahit alam kong maaabutan din ako ni Elijah. This is freaking hard!

Sumunod siya sa akin. Kabadong-kabado ako habang naghahanap ng kung ano sa listahan ni Chanel.

Bakit ganito? Why would he want me to get jealous because of that?

Nagtatanong ako pero ayaw kong malaman ang sagot. Ayaw ko muna. Sana ay wala na lang akong naging ideya.

Kumuha ako ng tissue para ilagay sa cart. Naramdaman kong tumigil ang cart sa likod at kumuha na rin si Elijah ng ganoon.

Iniiwasan kong mapatingin sa kanya ngunit nang hawakan niya ang kinuha ko, hindi ko na napigilan.

“Ako na ang maglalagay.”

Kita ko ang seryoso niyang mga mata. Halos manginig ako sa pinapakita niya. Please, stop it. I can’t keep up with this conversation.

Binitiwan niya ang tissue na hawak ko.

“I’m just helping out…” aniya.

Hindi na ako kumibo. Kinagat ko ang labi ko at tumingala ulit para sa puwede pang ilagay sa cart.

Natahimik din si Elijah. Sa sobrang tahimik ay nakapagtataka. Naglakad kami patungo sa iba pang kakailanganin. Sa gilid ng aking mga mata ay alam kong hindi siya sa mga produkto nakatingin kundi sa akin.

Nilingon ko siya. Bumaba ang mga mata niya sa aking labi.

“Don’t think his kiss was great. Wait till I go all out, Klare,” aniya sabay kuha noong kailangan.

Nakatingin siya sa akin na para bang hinihintay ang reaksiyon ko. Tinalikuran ko kaagad siya. Para akong lumulutang habang naglalakad. Pumikit ako ng marahan. How will I get through this?

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.