Kabanata 17
Irereto
Dalawang Hiace na van ang dala namin. Ang dami kasi namin. Kaming magpipinsan, tatlong kaibigan namin ni Erin, iilang kaibigan ni Josiah at ni Chanel. Halos puno na ang isang van ng mga friends nina Josiah at Chanel.
“Cousins stay together.” Sabi ni Rafael habang tinitingnan si Damon na mukhang badtrip. “Gusto mong magpaiwan, edi dito ka na lang!” Aniya.
Matalim siyang tinitigan ni Damon at inirapan.
“Face it, she doesn’t like you.” Utas ni Rafael sa kapatid niya.
“Uy, ano yan?” Usisa ni Erin.
“Iyong nurse, pinipilit niya. Tsss…”
“Nurse? Uy! Bad yang namimilit, Damon. Rape iyan.” Tumawa si Erin.
Nakita kong nagtalim din ang paningin ni Damon kay Erin.
Kung sino man iyong nurse na tinutukoy ni Rafael na mukhang nagugustuhan ni Damon ay maswerte. Paano ba naman kasi, siya iyong tipong hindi sweet. Iyong alam niya kung ano lang ang gusto niya sayo at kung hindi mo iyon maibibigay ay wala kang kwenta para sa kanya.
Well, I just hope he’s serious now.
“Sorry, I’m late!” Utas ni Eion sabay high five kay Josiah.
“Okay lang, bro. Hinihintay pa natin si Kian, e. Wala pa din siya.”
Nagtama ang paningin namin ni Eion. May nakasabit na earphones sa kanyang balikat. Nakikinig na naman siya ng music. Ngumisi ako nang nakita ang ngisi niya.
“Claudette, pumasok ka na sa loob.” Sabi ni Azi sa kapatid niyang nakikinig ng K-Pop o kung ano mang pinapakinggan niya diyan sa malaking headphones niya.
Nakatingin siya sa akin gamit ang mahiwaga niyang mga mata. May kung ano sa mga mata niya na nawi-weirduhan ako. Para bang may sinusuri siya sa akin. Nagmumukha tuloy itong mata ng mga pusa.
“DETTE DETTE!” Tinanggal ni Azi ang headphones niya.
Kumunot ang noo ni Claudette at tiningnan si Azi.
“Sabi ko pumasok ka na sa loob. Malapit na tayong umalis. Find your place there.” Aniya.
Ngumiwi si Claudette at papasok na sana pero pinigilan ni Erin. “Ako yung malapit sa bintana, ah?”
Nagkibit balikat si Clau at pumasok na nang tuluyan. Kaya ayun at naisipan na rin naming pumasok sa loob. Si Clau, Erin, Chanel at Brian ang nasa hulihan. Si Josiah at Azi ang nasa front seat at driver’s seat. Ang hindi nakakapasok ay si Elijah, Rafael, Damon, sina Hannah, Julia, at Liza na lang.
Nasa bintana na ako nang van at nanonood na lang sa madilim pang langit. Oo. Aalis kami ng madaling araw kaya reasonable lang na late si Kian.
Humikab si Elijah at pumasok na. Naestatwa agad ako nang naramdaman ko ang kamay niyang tinukod niya sa upuan ko. Ibig sabihin mag tatabi kami?
“Hep, Hep, Elijah! Dito ka sa harap namin! Wag kang KJ!” Sabi ni Erin.
“What’s wrong?” Tanong niya kay Erin nang nakakunot ang noo.
“Si Eion, dyan. Ikaw, dito ka.” Paliwanag ni Chanel.
Uminit ang pisngi ko. They are still at it.
“Dude, drop it.” Tumawa si Azi. “Klare won’t be a Montefalco forever, she’ll eventually change her last name.”
Nalaglag ang panga ko. Sinapak ni Elijah si Azi kaya napahawak si Azi sa ulo niya.
“Klare is just exploring her world, dude. Kung makapagsalita ka akala mo naman maglalakad na sila patungong altar!” Nag igting ang bagang niya.
Kita ko na medyo iritado siya ngunit hindi iyon makita ng mga pinsan ko. Tumatawa si Rafael sa labas habang si Josiah ay humahagikhik sa driver’s seat.
“Alam mo? I’ve been so protective with Ate Chanel and Erin pero narealize ko ring bahala sila sa buhay nila kaya hayaan mo na.” Ani Josiah.
“Aww, you’re so sweet.” Tumawa si Chanel sa likod.
“Well, I bet your ass is jealous with all the shit that comes out of your mouth, Josiah. Ang sabihin mo di mo kaya si Brian. Tsss.” Diretsong sinabi ni Elijah.
“Ang sinasabi mo ba ay kaya mo ako?” Narinig ko ang boses ni Eion na umalingawngaw sa labas.
“Oh my God…” Bulong ko sa sarili ko.
Nilingon siya ni Elijah. Nagawa pa niyang lumabas sa van. Natahimik kaming lahat. Pinipitik na ni Josiah iyong manibela at narinig ko ang buntong hininga ni Azi.
“Uh-oh.”
“Hala. Away?” Rinig ko si Chanel sa likod ko.
Nilingon ko siya at nakita kong nanlaki ang mata ni Erin at tumitingin lang sa labas.
“What do you think, Eion?” Natatawa ngunit may galit na tanong ni Elijah.
Kumunot ang noo ni Eion at nag igting din ang kanyang bagang.
“Azi, pigilan mo.” Dinig kong sinabi ni Erin.
“Klare! Pigilan mo…” Sabi naman ni Claudette.
NIlingon ko ang nakangusong si Claudette. Hindi siya kumibo. Nagpatuloy lang siya sa pagnguso kay Elijah at Eion. Huminga ako ng malalim.
“O! Nandito na si Kian!” Tumawa si Azi at sinalubong si Kian.
Sigurado akong hindi niya iyon sinigaw dahil excited siya sa pagdating ni Kian, kundi para maistorbo ang nagkakainitang dalawa.
“Come on, Klare!” Tinapik ni Claudette ang upuan ko nang nakitang medyo kumalma si Eion at Elijah pero hindi parin natitigil ang mainit na titigan ng dalawa.
“Elijah!” Sigaw ko.
Agad agad siyang lumingon sa akin. Umawang ang kanyang bibig. Kinabahan agad ako. Gusto ko siyang makatabi na hindi. Gusto ko siyang makasama na hindi. Hindi ko maintindihan kaya mas mabuti nang wala.
“Dito ka na sa harap namin.” Sabi ni Erin.
Tumango ako. “Oo nga. Dito ka na sa likod ko. Sumakay ka na.” Malamig kong sinabi.
Tumikhim siya at pumasok sa loob. Sinunod niya ang gusto ni Erin. Sinunod niya ang gusto ko. Pagkasakay niya ay agad namang sumakay din ang mga kaibigan ko. Nangingiti si Hannah nang sumakay siya kasunod kay Elijah. Ibig sabihin ay magtatabi sila.
Hindi ko na sila nilingon sa likod. Sapat na ang marinig na naghihiyawan sila para malaman kung bakit. Pumasok si Eion at tumabi sa akin. Tumabi na rin si Rafael at Damon sa amin. Si Kian ay nasa front seat naman ng kabilang van.
Masaya ang isa at kalahati o dalawang oras na drive patungong port ng Camiguin. Nasasabi kong masaya dahil maingay silang lahat sa kung anu-anong pinag uusapan o kinakanta. Tahimik lang ako dahil tahimik lang din si Eion sa tabi ko.
Kahit na maingay ay hindi ko mapigilang antukin. Madaling araw kasi kaya ayun, nahuhulog ang mga mata ko.
Nauntog ako sa salamin dahil hindi ko namalayang inaantok na pala ako. Dammit! Ang sakit kaya nawala ng kaonti ang antok ko.
“You wanna sleep?” Ngumisi si Eion sa akin.
Nakita kong bakante ang balikat niyang nilalahad sa akin. Pero nararamdaman ko rin na may nakatitig sa likod.
“You can sleep here.” Sabi ni Eion sabay tingin sa balikat niya.
Saka ko na lang namalayan na natutulog na ako sa balikat niya noong nasa port na kami. May marahang tapik sa kamay ko kaya napatalon ako. Naramdaman kong tumigil na sa pag andar ang van.
“Sorry nagising kita.”
Wala ng tao ang loob ng van. Nasa labas na silang lahat at may dalang bags na. Kami nI Eion na lang ang naroon.
“Sasakay na tayo sa barge. Isasakay din itong van kaya kailangan muna nating bumaba.”
Tumango ako. Ayaw kong magsalita dahil kakagising ko lang at nahihiya ako kay Eion. Kinagat ko ang labi ko at nilikom ang mga gamit ko.
“Ako na.” Aniya sabay kuha sa gym bag ko.
Tumango na naman ako.
He smirked. Pinikit pikit ko ang mata ko at tiningnan siyang mabuti.
He’s really cute when he smiles. Lalo na pag nakikita ang perpekto niyang puting ngipin at nangingiti din ang mga mata. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok at naamoy ko agad ang bango niya. He smells sweet, too.
“You’re adorable, Klare.” He chuckled.
Mas lalong uminit ang pisngi ko. Lumabas kaming dalawa at sinalubong ko ang nangingiti kong mga pinsan. Nakakaguilty tuloy. Nginuso pa ng kaibigan kong si Julia ang bag kong dala dala ni Eion.
“Development.” Siniko niya ako.
Ngumisi ako.
“More than that. Ang masasabi ko lang ay hindi lang development ang nangyayari. Malapit na talagang maging success iyan! They kissed, you know.” Humalakhak si Erin.
Kaya ayun at pinaulanan ako ng mga kaibigan ko ng tanong habang naglilinya kaming lahat patungong barge.
Malaki laking barge itong nasakyan namin. Mabuti na lang at alas sais na at maliwanag na. Enjoy sumakay sa barge nang ganito dahil marami kang makikita. Bukod sa magandang tanawin ay kung suswertehin ka ay makakakita ka rin ng dolphins. At ang masasabi ko ay isa ito sa swerteng trip ko patungong Camiguin dahil nakakita at nakapag picture pa ako ng dolphins.
Enjoy na enjoy kami. Nakikita ko ring na eenjoy si Eion kasama ang mga kaibigan niya. Nilingon ko si Elijah na kausap si Damon at naninigarilyong si Rafael. Mukhang seryoso ang usapan ng tatlo.
“Ako kaya? Kelan ako magkakaroon ng development kay Elijah?” Hannah sighed.
Nilingon ko ang maganda kong kaibigan. Naka ponytail ang mahabang buhok niya ngayon. Sumasayaw ito kasama sa paggalaw niya ng kanyang ulo. Mas lalo nitong nahahighlight ang makurba niyang likod at ang tindig niya ay mas lalo namang nakakahighlight sa cleavage niya. She’s really beatiful. Iyon ang masasabi ko. Inside and out.
“Wala bang ibang nanliligaw sa’yo?” Tanong ko.
Napansin ko ang pagkalas ni Clau sa kanyang malaking headphones. Suddenly, she’s attentive.
“Ano ka ba! Syempre, iba parin pag iyong crush mo na!” Sabi ko.
I know Elijah’s not interested. Kasi kung interesado siya ay matagal niya ng pinormahan si Hannah.
“Kanina nagtatama na yung mga braso namin, e. Tsaka kinakausap niya naman ako.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Tulog ba ako the whole time? Bakit hindi ko iyon napansin? Kinagat ko ang labi ko.
“A-Anong pinag uusapan ninyo?” Nanginginig ang labi ko.
Dammit. Why the serious hell is this bothering me anyway?
“About sa school and stuffs.” Ngumisi si Hannah at namula ang kanyang pisngi.
“Whoa! Development!” Tumawa si Julia.
“Tulungan mo pa siya, Klare!” Sabi naman ni Liza.
Nanuyo ang lalamunan ko at tumingin kay Elijah. Nag uusap parin sila ni Damon at Rafael. Nakahawak siya sa steel bar ng barge at tumitingin sa papalapit samin na isla. Nakaupo naman kami dito at naghihintay na dumaong pagkatapos ng kalahati hanggang isang oras na byahe.
“Oo nga, Klare. Close kayo ni Elijah. Tulungan mo siya. Ikaw lang yung makakatulong.” Malamig na utas ni Claudette.
Tinikom kong mabuti ang bibig ko. May kung anong bumigay sa dibdib ko. Iyong pakiramdam na unti unti siyang sumasakit at bumabagsak sa parehong pagkakataon. Iyong pakiramdam na may kung anong gap sa tiyan mong alam mong di mo mapupunan?
“Ayaw mo ba sakin para sa kanya?” Nakita kong namutla ang kaibigan ko.
Umiling agad ako. “Huh? Bakit mo nasabi-“
“Do you like Cherry better? Sabi kasi ni Erin na mukhang may gusto si Cherry Salvador kay Elijah.” Pinaglaruan ni Hannah ang kanyang kamay.
“Huh-“
“And besides, baka para sayong sayo si Eion ay irereto mo na siya kay Elijah para-“
“Hey, Hannah. Hindi ako ganyan, ah!” Sabi ko agad.
Alam ko ang ibig sabihin ni Hannah. Alam ko. Okay siya sa akin para kay Elijah. Okay. Pero ang punto ko dito ay kung ayaw naman ni Elijah sa kanya, hindi ko siya pipilitin. Ayaw kong mamilit sa mga tao. Ang hirap naman nito!
Tumawa si Hannah. “Joke lang yun! Ano ka ba! Sineseryoso mo! Okay naman kami ni Elijah pero crush na crush ko talaga siya!”
Nagtawanan sila.
Ako lang ata iyong hindi natawa. Shit! Bakit siniseryoso ko ang lahat? Nakatitig lang ang mala pusang mga mata ni Claudette sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ngumisi lang siya sa akin. Nilingon ko ulit sina Julia, Liza, at Hannah.
“Sige, I will try again.” Sabi ko na ang tinutukoy ay ang pag rereto kay Elijah at Hannah.
“Wow! Talaga? O sige!” Tumawa si Hannah.
Napatingin ako kay Elijah na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Hawak hawak niya ang kanyang cellphone na para bang may katext siya. Bumagsak ulit ang sistema ko. May ka text siya? Hinalughug ko ang bag ko ng hindi ipinapakitang nag papanic. Dinampot ko ang cellphone ko at nag angat ulit ng tingin sa kanya.
He smirked. Ako ba iyong tinext niya? Kinabahan ulit ako. Mabuti na lang at nakaupo ako dahil siguradong pagtumayo ako ay di ko na mapipigilan ang pagkakatunaw ng binti ko.
Elijah. Ako nga ang tinext niya!
Elijah:
Like you better with the girls. Pakiiwasan si Eion habang nakatingin ako. Don’t like what I’m feeling everytime you two are together.
Bumuga ako ng hininga at hinayaan ang mga kaibigan kong mag usap habang nag tatype ako ng reply kay Elijah. WHAT AM I SUPPOSE TO SAY? I don’t know!
Ako:
What can I do?
Shit? Am I really asking that? Ahhh! Gusto kong sabunutan ang sarili ko pero ayaw kong pagdudahan ng mga kaibigan ko.
Humilig si Elijah sa steel bar at inangat ang cellphone niya sa pagbabasa ng message ko. Hindi ako nakuntento kaya nireplyan ko pa ng isa.
Ako:
Anyway, I’ll keep you busy. I’m sure of that.
Irereto ko siya kay Hannah. But will I really like it? Or… what? Why am I even asking myself that? What the f?
Kinagat kagat niya ang kanyang labi habang binabasa ang mga mensahe ko. Tumunganga siya ng ilang segundo bago nag type ng reply. Pinaypayan ko na ang sarili ko. Hinintay kong makitang matapos siyang magtext. Nakita kong mabilis lang iyon. Maiksi siguro ang reply niya.
Nag angat siya ng tingin sa akin at humalukipkip. Nakatitig ako ngayon sa mga mata niyang kahit malayo ay kitang kita mo ang ekspresyon. Halos hindi ako makahinga hanggang sa tumunog ang cellphone ko.
Nislide ko agad at binasa iyon.
Elijah:
Yes, I’ll be very busy Klare. Busy watching you.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]