Kabanata 5
Bakit May Kapalit
Kabadong kabado ako nang tinanggap ko ni Eion ang kamay ko para magsayaw na kami. This is harder than I thought! Mahirap pala pag naka gown ka na at heels tapos pinagpapawisan ka pa sa kaba habang isinasayaw ka sa harap ng maraming tao. Well, hindi naman talaga ganoon ka daming tao. We have around 50-80 guests right now kasama na ang mga relatives, friends, at mga kasama ni daddy sa trabaho.
“Ang lamig ng kamay mo.” Ani Eion habang isinasayaw niya ako.
Kumikislap ang mga mata niya habang nginingitian ako. Dapat akong magulat kasi nakangiti siya pero masyado akong abala sa pagiging kabado dahil sa mga matang nakatutok sa amin. Saka lang ako kumalma nang umupo na ako sa harap para makinig at manood sa programme na konti lang ng alam ko.
“She deserves the best. And no one is the best for me.” Nakangisi si Daddy nang sinabi niya iyon sa lahat habang ako naman ay parang waterfalls na na tumutulo ang luha ko.
Pagkatapos ng makabagbag damdamin niyang speech ay ipinakita ang video sa screen iyong mga pictures ni mommy noong buntis pa siya sa akin. Ipinakita rin doon ang mga videos ko noong bata pa at kung anu-ano pa. Hanggang sa nag grade school ako kasama ang mga pinsan kong sina Erin at Claudette. Sina Chanel, Damon, Rafael at Knoxx naman ay older sa amin kaya medyo malalaki na sila sa pictures. Naipakita din ang pictures noong nag highschool kasama ang mga kaibigan kong sina Liza, Hannah, Julia at iba pa. Hanggang sa nag college at mga pictures at videos naman na kuha ni Silver Sarmiento.
Enjoy na enjoy ako sa lahat ng nangyari dahil hindi ko inaasahan ang bawat part sa programme. Pagkatapos ng video ay gulat na gulat ako nang may inihandang sayaw pala ang mga pinsan kong lalaki. Tuwang tuwa ako roon lalo na’t bihis na bihis silang lahat sa kanilang mga dark tux. Ang mga babae naman ay naghanda ng mga kanta. Samantalang ni reveal naman ng mga kaibigan ko ang iilan sa sekreto ko at mga ugali kong kahit ako ay di ko napapansin. Hindi ata nawalan ng luha ang mga mata ko.
Nang kumain na ay saka pa ako kumalma. Kasama ko si Eion sa pagkain kaya kahit gutom ako ay di ako makakain ng maayos dahil sa kahihiyan ko sa kanya. Nakatingin ako sa kanya habang sinusubo ang pagkain. Wala siyang pakealam. Hindi siya tulad ko na kabadong kabado kahit na kumakain dahil sa kanya.
“Stop staring, Klare.” Nag angat siya ng tingin sakin.
Napatalon ako at agad tiningnan ang sarili kong pagkain. “I’m sorry.”
He smirked.
Kaya mas lalo akong kinabahan at kumain na lang ng tahimik. Ang sumunod na parte ay ang 18 candles ng mga kaibigan kong babae. Sinabi nila sa akin kung ano ang wish nila at nakakahiya dahil halos lahat ay nag wi-wish ng lovelife.
“You’re pretty, matalino, mabait, talented. Naaalala ko pa noon nang pinakanta tayong lahat ng teacher natin sa P.E. para sa music na subject, Klare. Ang buong akala namin sa sayaw ka lang magaling pero gulat ako nang maganda din pala ang boses mo! Seriously? Wala bang bagay na hindi ka marunong?” Tumawa si Hannah.
Napangiti din ako.
“Wish ko for you, Klarey is love life.” Humagalpak ng tawa si Erin. Baliw! “Sorry, tito, tita.” Aniya sabay tingin sa mga tao. “Kahit weird si Claudette ay nagka boyfriend na siya noong high school.” Nagtawanan sila. “Pero itong si Klare kahit M.U. wala akong makita. Anong meron at bakit hindi siya nag kakaboyfriend? Meron namang manliligaw. Mapili ang isang ito kaya sana…” Nanliit ang mga mata niya. “Magmadali na iyong lalaki diyan na gusto niya. Coz Klare will only settle for the best.”
Hindi ko na napigilan ang tingin ko at hinanap agad nito si Eion sa harap. Nakita kong nag igting ang anga niya habang nakatingin sa sahig. Oh my! Masyado naman kasing madaldal itong si Erin!
“Alam ko kung bakit hindi siya nagkakaboyfriend.” Ani Chanel sabay tingin kay Erin. Tumawa si Erin nang paupo na dahil ngayon, si Chanel na ang nagsasalita at nakahawak ng kanyang kandila. “She’s too close to the boys. Dapat mag lie low na muna siya sa mga pinsan naming lalaki. Kahit sino naman sigurong lalaki ay manginginig pag nakitang napapalibutan ng lalaki ang babaeng gusto niya diba?”
“Edi kung natatakot siya, his ass doesn’t deserve Klare!” Narinig kong sinabi nI Elijah sa likod na nagpatawa sa lahat.
“Elijah naman! Zip your mouth, baka maging bato pa ang grasya ngayong gabi!” Ani Chanel at bumaling kay Eion tapos sa akin. “Happy birthday, couz. I love you so much little girl. Ay, di ka na little girl. You’re eighteen!” Hinagkan ako ni Chanel at hinalikan.
Nagpalit ako ng gown at ang nakataas kong straight na buhok ay binaba na ngayon ng artist. Hindi na iyong pink ball gown ang suot ko, ang champagne long gown na na may magandang sequins. Ngumiti ako dahil ito talaga ang gusto kong suotin kaso ayaw ni mommy. May konting kulot ang buhok ko ngayon dahil kinulot siya ng artist. If only I can keep it that way. Straight kasi ang buhok ko at medyo kulay brown ang natural na kulay. Mas maganda sana tingnan kung kulot sa dulo.
Nagsimula na ang 18 roses. Una si dad, sunod ang kapatid ko. Natuwa ako sa kagwapuhan ni Charles ngayong gabi. Ang cute ng black tux niya, para siyang maliit na Montefalco. Sumunod ang mga pinsan kong panay ang pangungulit sa akin habang nagsasayaw isa-isa at pagbibigay sa akin ng roses.
Lumapit si Kuya Justin na nasa bibig niya ang rose. Tumawa ako dahil para kaming magsasayaw ng Tango!
“Happy birthday Klare.” Wika ni Kuya Just.
“Yung gift ko sayo Klare, walang nakalagay na pangalan kasi nakalimutan ko.” Ani Rafael. “It’s a book called Fifty Shades of Grey.” Sinapak ko siya at tumawa na lang siya sa akin.
“Uuwi na ako ng Manila bukas. Grabe itong birthday mo, ah? Halos isang buwan akong absent sa school!” Tumawa si Knoxx sa akin. He looks like Azi ayun nga lang mas dark at smoky ang kanyang mga mata kumpara sa malumanay na mata ni Azi.
“Good evening, Klare.” Bati ni Damon. Nanliit ang mga mata ko habang isinasayaw niya ako. Hindi maalis ang ngising nakakapanindig balahibo sa kanyang labi. Talagang bagay sa kanya ang tux. Siguro ay dahil sa kanilang lahat, siya ang madalas kong nakikitang naka tux. “Mas lalo kang gumanda ngayong gabi.”
Yumuko si Josiah at naglahad ng kamay nang siya na. Nasilaw ako sa cross earrings niya sa magkabilang tainga. “Sa totoo lang, ayaw ko pang magkaboyfriend ka. I mean, look at Ate Chanel! Kung tingnan mo parang mag papakasal na. And Claudette is crazy. Wag mong sabihing si Erin na lang ang makakasabay namin dito?”
“I can see that he’s pressured.” Panimula ni Azi. Tumambad sa akin ang medyo magulo niyang buhok na pinasadahan niya ng kanyang daliri bago hinawakan ang kamay ko. Kumpara kay Knoxx na may clean cut at itim na buhok, si Azi ay may kulay brown at magulong buhok. “Si Eion.” He chuckled. “Wag kang mag alala, pagkatapos nitong birthday mo ay magpaparamdam na iyan.” Aniya at yumuko pagkatapos ng isang minuto naming pagsasayaw para ipasa ako kay Elijah.
Seryoso ang mukha ni Elijah. Nasilaw din ako sa mukhang buhay niyang diamond earring. Para bang nagsasayaw ito dahil sa ilaw ng dancefloor. “Damn, you look so good.” His voice was husky.
Tumawa ako. He looks good in tux, too. But then again, the Montefalcos are all good looking. Nahagip ko ang titig na titig niyang mga mata sa akin. Tinitigan ko rin siya at kinuha ang lahat ng detalye sa mukha niya. The fold on his lower lips make it seem like his lips were pouting. At sa bawat pag kisap ng kanyang mga mata ay mas lalo kong nakikita na hinahighlight ng kanyang pilikmata ang gilid ng mga mata niya. Hindi niya na kailangan ng eyeliner para madepina ang expressive at malalim niyang mga mata. I looked away.
“You look so good, too.” Halos namamaos kong sinabi.
“How come we always fight when we were younger?” Naitanong niya.
Hindi ko parin maibalik ang titig ko sa kanya. “I don’t know. Binubully mo ako palagi.”
“Di ah?” He chuckled. “Nililigtas pa nga kita sa mga nang aaway sayo.”
My eyes darted on his. “Oo. Kasi gusto mo ikaw lang yung nambubully sa akin.”
Nakita ko ang paglunok niya at ang pag igting ng mga panga niya sa sinabi ko. “Si Azi din naman, ganun ang turing sayo.” He looked away.
Nang pinalitan siya ni Jim na kaibigan ko ay hindi ko maintindihan kung bakit humahataw ang puso ko. Nilingon ko si Elijah, likod niya na lang ang nakikita ko dahil pabalik siya sa kanyang upuan bago ako kinausap ni Jim at nasa kanya na ang atensyon ko.
Nang naubos na ang seventeen roses mas nag dim na ang lights. Nakita kong tumayo si Eion at unti unting lumapit sa akin. Pumalakpak ang lahat at malaki na ang ngisi ko.
Tinanggap ko ang nakalahad na kamay ni Eion at nagsimula kaming sumayaw. Seryoso ang kanyang mukha habang isinasayaw ako. Gusto kong magsalita pero heto na naman ako at nakikipag debate sa sarili kung anong pwede kong sabihin sa kanya.
Binuksan ko ang bibig ko upang makapagsalita pero naunahan niya ako, “You are so beautiul, Klare.”
Kumalabog ang dibdib ko.
“Pero… bakit mo ako gusto?”
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Alright! Alam ko naman na hindi malabo na alam ni Eion na gusto ko siya dahil kalat na ito pero ang kumprontahin ng ganito? Hindi ko inaasahan!
“I-I-I… I don’t know… I mean…” Nangapa ako ng mga salita. “Gwapo, matangkad, basketball player, matipuno, matalino, w-what’s not to like?”
Bumuntong hininga siya.
Para akong sinasalang sa lie detector test habang mabilis na ni-click ng mga alipores ng kanyang kuya ang mga camera sa paligid. Walang alam ang lahat na may pinag uusapan kaming maselan dito.
Tumango siya at nag iwas ng tingin.
Gusto ko sanang magtanong kung gusto niya rin ba ako pero kinagat ko ang labi ko. Ayaw kong masira ang moment na ito dahil lang atat akong malaman iyon. Obvious na hindi niya ako gusto doon sa party ni Kuya Justin. Pumayag lang siya kasi kaibigan ko siya at kaibigan niya rin ang mga pinsan ko.
Natapos ang programme at umalis na ang mga oldies. Syempre, ang mga kaibigan ko at mga pinsan ko ay hindi pa umalis dahil may after party na naman. Magsasayawan pa at mag iinuman. Kasama ko si Erin na pumunta sa suites namin para mag bihis ng mas maikling dress ngunit nang bumalik kami ay halos may tama na silang lahat.
“Chivas Regal.” Tumango si Erin habang tinitingnan ang mga har liquors na inihanda ni daddy para sa mga kaibigan at mga pinsan ko.
Hindi niya siguro inaasahang ganito ang mangyayari. Buti na lang at halos silang lahat ay dito matutulog sa hotel. May tatlong suites kaming kinuha. Ang isa ay para sa mga kaibigan kong babae, ang isa ay para sa mga kaibigan kong lalaki at ang huli ay para sa mga pinsan kong dito matutulog tulad ni Erin at Claudette.
Nagsayawan kami. Kitang kita ko na ang mga boys, kasama si Eion ay naroon sa tables at nag iinuman. Naka-loose na ang kanyang neck tie habang nag uusap sila sa gitna ng ingay.
“Come on, boys!” Sigaw ni Julia at pinag hihila ang mga kaibigan namin para maisayaw silang lahat.
Nang nakita kong tumayo na ang mga pinsan ko at lumapit sa mga uhaw sa lalaking kaibigan ko ay umupo na lang ako at pinagmasdan silang lahat. Ayun na at nakikipagsayawan na naman si Josiah at Azi. Dirty dancers. Natawa ako nang pinaligiran si Elijah ng mga babae. Hindi niya na kailangang pumorma, kusang lumalapit ang babae sa kanya.
Napatalon ako nang tinapik ako ni Kuya Justin at Rafael.
“We’re going, Klare. May party iyong kaibigan ko. Tingnan namin kung dito kami makakatulog.” Aniya.
Binubuga niya na sa hininga niya ang whiskey. Mukhang malabo na na dito sila matulog dahil mukhang lasing na rin sila.
“Ingat, kuya.” Sabi ko at tinanguan nila ako.
Dinampot muna nila si Knoxx at Damon sa dancefloor na nakikipagsayawan sa mga babae bago umalis. Nilingon ko si Eion at si Jim na nag uusap habang nagsasayawan na ang lahat. Nilapitan ko agad sila kahit na kinakabahan ako.
“Dito kayo matutulog?” Tanong ko kay Jim kahit na gusto kong malaman kung dito ba matutulog si Eion.
“Oo.”
Tumalon ang puso ko! Sa loob ng isang oras ay humupa ang sayawan at halos di na madilat ng girls ang kanilang mga mata kaya dumiretso na kami sa mga suites.
“Alis kami, bitin, e. Party muna kami.” Paalam ni Josiah bago sila umalis ng natirang lalaki kong pinsan.
Hinayaan ko na sila dahil abala pa ako sa mga kaibigan kong ang lalakas na ng boses na para bang di sila magkakarinigan kung di nila lalakasan. Tinulungan ako ni Claudette dahil helpless na si Erin. Isa pa iyang si Erin, nang dumating kami sa girls na suites ay dumiretso siya sa closet at nag pictorials.
“Dito muna kayo, boys, kwentuhan muna tayo!” Anyaya ni Hannah.
Mukha rin namang walang planong umalis ang boys hanggang sa makatulog na. Kaya nagkagulo kami sa iisang kwarto.
“Klare, hatid ko lang si Erin sa kwarto. Mukhang wala na talagang pag asa ito.” Ani Claudette habang tinutulak na si Erin palabas ng suite.
Tumawa ako at tumango.
Hindi ko na maitsura ang mga kaibigan ko. Ang mga girls ay nakaupo o di kaya ay nakahiga na sa kama. Ang mga lalaki naman ay nakaupo sa sofa. Si Eion ay pinipikit na ang mga mata pero nakaya parin nilang mag kwentuhan.
Thirty minutes nang nagkwentuhan kami ng kung anu-ano bago dumating sa lovelife ang usapan.
“Klare! Crush na crush ko talaga ang pinsan mo!” Ani Hannah.
Ngumisi ako at alam agad kung sino ang tinutukoy niya.
“Yung nagsasayaw kami at nahahawakan niya yung baywang ko? Kinikilabutan ako! Tapos kanina, binaba ko ang kamay ko galing sa balikat niya hanggang braso, grabe, big arms! Grabe! Ni stalk ko siya sa Facebook!” Kinikilig siya nang sinabi ito.
“Naku! Wag na kayong umasa sa mga pinsan ko. Yung okay sa kanila ay si Kuya Justin lang atsaka medyo si Rafael, the rest, assholes.” Tumawa ako.
“I don’t think Josiah is an asshole.” Ani Julia.
Hindi ko alam kung paano ginagawa ni Josiah’ng malinis ang pangalan niya kahit sa totoo ay siya itong pinaka makati sa kanilang lahat!
“Mag paplan out ako ng date niyo ni Eion, Klare, kapalit sa pag paplano ng date para samin ni Elijah!” Sabi ni Hannah sabay tingin kay Eion.
Ngumiwi si Eion at kinabahan ako. Tumawa ang mga kaibigan ko at nag tilian. “Ayeeee! Uyyyy!” Sigaw nila.
Uminit ang pisngi ko. “Ano ba, wag kayong ganyan!” Sabi ko kahit na naghuhuramentado na ang damdamin ko.
“Bakit may kapalit, Hannah? I would date Klare at mas gusto ko iyong walang kapalit. Hindi ko naman kailangan ng plano mo para sa date namin.” Tinitigan ako ng diretso ni Eion.
Nanlaki ang mga mata ko. I don’t know if he’s drunk or what pero tumawa sila at tinulak tulak at pinaliguan ng kantyaw si Eion.
“Weeeh! Lumalakas ang loob pag nakainom!” Tawanan nila.
Uminit pa lalo ang pisngi ko. Hindi ko na alam kung ngingisi ba ako o tatakbo.
“Sa totoo lang, bagay na bagay kayong dalawa!”
Umalingawngaw na naman ang panunuya nila sa amin. Umiling ako sa mga sinabi nila. Nagulat ako dahil akala ko ay maiirita na si Eion dahil sa lahat ng ito ngunit imbes ay nakangisi pa siya. He really is drunk.
Biglang pumasok si Claudette. Maputla siya at diretso niyang nakuha ang atensyon ko kahit na walang pake ang mga kaibigan ko sa pagpapakita niya.
“Klare, talk to you for a sec.” Dinig ko ang pagiging seryoso niya sa mga tawanan ng kaibigan ko.
Tumayo ako at sumama sa kanya sa labas. Hinintay niyang maisarado ko ang pinto bago siya bumuntong hininga. Mas lalong pumutla ang kanyang mukha.
“Bakit? Anong nangyari kay Erin?” Diretsong tanong ko.
“Not Erin, Klare. Chanel called, naaksidente si Azi at Elijah. Wasak ang harap ng Fortuner ni Azi. Si Azi ang nag dadriive, si Elijah ang nasa front seat. Nasa ospital sila ngayon.”
Naramdaman ko ang paglamig ng pisngi ko at ng kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung makakagalaw ba ako sa kinatatayuan ko.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]