Kabanata 6
First Moves
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Galit ako at kinakabahan habang nasa loob kami ng taxi ni Claudette. Ni hindi na ako nag abalang mag paalam sa mga kaibigan ko sa pag aalala ko. May bakas parin ng make up ang mukha ko pero nakapagbihis na ako ng shorts at simpleng t-shirt.
“Anong sabi? Kailangan daw ba ng b-blood transfusion or anything?” Nanginginig na ang boses ko.
Panay ang tingin ni Claudette sa cellphone niya. Marami siyang nititext. “Ewan ko.”
“Hindi ba type O si Azi? Pati si Elijah? Type O din ako.” Utas ko.
Napalunok si Claudette at nilagay ang cellphone sa kanyang tainga.
“Mom, kumusta?” Napaawang ang bibig niya habang nakikinig sa cellphone niya. “Kasama ko si Klare papunta na kami sa ospital. Pababa na ang taxi.”
Pumikit ako at sinisi ang sarili ko. Dapat hindi ko sila hinayaang umalis, e! Dapat pinigilan ko sila! I should have known! Hindi ko alam kung iniwan ba ni Elijah ang kanyang sasakyan o hiniram iyon ni Kuya Justin kaya silang dalawa ang sumakay sa sasakyan nina Azi! Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga nakakapagmaneho ng maayos si Azi pag lasing! Isa pa, bakit sila nag dadrive gayung lasing sila? Kumulo ang dugo ko pero nangibabaw ang pag aalala ko.
“Klare, tumama yung sasakyan namin sa puno sa Lim Ket Kai.” Kinagat ni Claudette ang kanyang labi at binaba ang cellphone. “Nasa ER parin sila hanggang ngayon.”
Huminga ako ng malalim at tinabunan ang mukha ko ng aking mga palad. I can’t calm down!
“Duguan daw si Kuya Azrael.” Ani Claudette.
“Si Elijah?” Tanong kong mabilis.
“Konti lang daw. Pasa yata.” Aniya.
Konti lang? Pasa? Oh God! What if my internal bleeding or something? Nang bumaba kami sa taxi ay mabilis na akong tumakbo patungong ER. Tumambad sa akin ang mommy at daddy nina Claudette. Niyakap nila ako at si Claudette. Naroon din ang daddy ni Josiah na may kausap sa cellphone.
“Ang tigas ng ulo ng Azrael na iyan!” Sabi ng daddy ni Azi. “Sabing wag nag da drive ng lasing!”
Nag init ang gilid ng mga mata ko.
Walang umiiyak sa amin. Ako lang ata talaga ang may mababaw na luha dito pero mababaw pa ba ito kung ang iniisip ko ay ang kalagayan ng dalawa kong pinsan? Isa pa, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari! Hell, it’s my birthday! Hinayaan ko silang umalis kahit na pwedeng doon na lang sila matulog sa suite! Pero sinabi kasi nilang may party silang pupuntahan!
“Tita, I’m sorry.” Pumiyok ang boses ko.
Niyakap ako ni tita. “Klare, wag kang umiyak. They are both okay naman. It’s not your fault. Sila ang may kasalanan.” Ani Tita.
“Azi is stupid.” Singit ni Knoxx.
“Mom, pwedeng pumasok.” Ani Claudette habang isa-isang nagdatingan ang mga pinsan namin. Kita ko si Damon at Rafael na papasok ng ospital.
“Pwede. You both go…” Sabi ng mommy ni Claudette.
Mabilis kaming pumasok na dalawa. Nadatnan ko na nakangisi na si Elijah habang nilalagyan ng band aid ang kanyang baba at kanyang mukha.
“Miss, bungi na ba ako?” Tanong niyang nagpatawa sa nurse.
Nakita kong namimilipit sa sakit si Azi habang nilalagyan ng cast ang kanyang kanang kamat at ginagamot naman ang duguan niyang noo.
Malumanay na lumapit si Claudette sa dalawa habang ako ay naugatan na ng mga paa sa sahig. Nakakairita! Lalo na nang narinig kong tumawa si Elijah! How can he be so damn okay with all that happened? Bakit natatawa pa siya sa nangyari habang kanina ay halos mamatay ako sa kakaisip sa kanila?
Nagmartsa ako patungo sa kanilang dalawa. Agad kong nakuha ang atensyo niya. Unti unting napawi iyong ngisi niya nang nakita ako. Gusto ko silang saktan pero di ko magawang saktan si Azi dahil namimilipit pa siya sa sakit! Si Elijah ang pagbubuntungan ko kasi kanina pa siya tawa nang tawa!
“Hmp!” Sabay sapak ko sa balikat niya.
“Aray!”
Sinapak ko ulit siya ng ilang beses ng pasalit salit na kamay hanggang sa pinuntirya ko ang baba niyang may band aid.
“What the fucking fuck, Klare!?” Natatawa niyang sinabi habang nakaekis na ang kanyang mga braso. “Masakit na, tama na nga!”
Hindi ako tumigil. Imbes ay nanginig pa lalo ang sistema ko at mas lalo lang akong nag ngitngit sa galit! “Bwisit kayo! Nag alala ako!” Sabi ko.
“Miss, baka po dumugo ulit iyong sugat ng pasyente. Calm down, po.” Sabi ng babaeng nurse na may di kalayuang edad sa amin.
Binaliwala ko siya at pinagpatuloy ang pananapak sa ulo ni Elijah. Patuloy din ang pag sangga niya sa sapak ko.
“What? This is great!” Tumawa siya nang tumigil ako para huminga ng malalalim. “I live in this accident for you to kill me?” Nag taas siya ng isang kilay.
Nanginginig ang mga labi ko habang matalim siyang tinititigan. Narinig kong sumipol si Azi pero di ko siya binalingan.
“Ang masamang damo matagal mamatay.” Tumawa si Azi.
Nakataas parin ang kilay ni Elijah sa akin. Namumuo na ang luha ko at tinititigan ng diretso ang mga mata niya.
“Why were you worried, Klare?” Tanong niya sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Tumunganga lang ako sa mga mata niya.
“Come here.” Aniya at naglahad ng kamay.
Kumalabog ang puso ko. Imbes na maestatwa ako doon sa kinatatayuan ko ay unti unting sumusunod ang mga paa ko sa utos ni Elijah. Nakita kong nag igting ang bagang niya pero pumungay ang kanyang mga panga.
Nang nahawakan niya na ang baywang ko ay agad niya akong hinila patungo sa inuupuan niyang kama.
“Don’t get upset.” Malambing niyang sinabi.
Napatalon ako at parang nag balik sa sarili nang nakita kong pumasok ang daddy ni Elijah at sina Josiah at Knoxx sa loob. Mabilis akong lumayo sa kanya at bumaling kay Azi. Siya naman ngayon ang pinag buntungan ko.
“At ikaw naman? Bakit ka nag drive, e, hindi ba-”
“Hep, Klare! Let’s just be thankful that we’re alright at sa puno ko lang nabangga iyong sasakyan imbes na sa ibang sasakyan pa! Nakatulog ako sa byahe. Paano ba naman kasi, nakahiga at tulog din si Elijah! Wala akong makausap kaya mas lalo akong inantok-” Paliwanag ni Azi.
“I don’t care! Dammit!” Sabi ko at nilingon si Elijah na ngayon ay kinakausap nina Josiah at ng kanyang daddy. “Kasalanan niyo parin! Dapat di na kayo nag drive pa!”
Nang napansin niyang nakatingin ako ay binaling niya ang mga mata sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit balisa ako. Gusto ko ng umuwi at magpahinga. Gusto ko lang pumunta dito para tingnan kung maayos ang dalawa at maayos naman, thank God!
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong may lalaking madilim ang tingin na nakatayo sa pintuan ng ER. Bakit siya nandito? Not that I didn’t like it! Pero ang alam ko ay inaantok na siya at medyo nakainom na.
“Klare.” Kinagat ni Claudette ang kanyang labi at bumaling sa akin. “I’m sorry.” Nilingon niya si Eion na naroon parin sa pintuan at nakatayo.
Nilapitan siya ni Josiah at nag usap sila, maaring tungkol sa nangyari sa dalawa kong pinsan.
“Kanina kasi tinawagan ko si Eion kasi nag aalala ako. Sasama na ako kay Kuya Knoxx pabalik doon para doon na matulog. I know you’re tired so pinasundo na kita sa kanya.”
Parang natigil ako sa paghinga ko sa sinabi ng pinsan ko. Oo, inaantok na ako at pagod na ako sa lahat ng nangyari pero gusto ko dito.
“Klare, you go.” Ngumisi si Azi at kumindat sa akin.
“Oo nga, Klare. Sumama ka na. I will check Elijah and Kuya Azi kahit na di nila deserve ang care dahil kasalanan din naman nila ito.”
Ngumiwi si Azi sa sinabi ni Claudette.
“I’ll be back sa hotel. Okay?” Aniya.
Nilingon ko ang ibang pinsan ko na abala sa pakikipag usap sa isa’t-isa at ang mga tito kong nasa cellphone.
“Damn, dad’s going to kill me for his Fortuner.” Humalakhak si Azi.
Humikab ako at doon ko namalayang medyo pagod na nga ako dahil sa lahat ng nangyari. Sinulyapan ko isa-isa ang mga pinsan ko hanggang sa kay Claudette.
“Alright, I’ll go.” Sabi ko at nilagpasan ng tingin ang kanyang tainga para makita ang nakatingin kong pinsan sakin.
He smirked. Para bang kanina niya pa ako hinihintay na tingnan siya. Kinunot ko ang noo ko at kinalma ang sarili bago ako nag iwas ng tingin. Hindi ko magawang mag paalam sa kanya at hindi ko alam kung bakit. Dumiretso na lang ako sa nag aantay na si Eion sa pintuan.
Tinanggap ko ang buong ekspresyon niyang may halong ngisi at puyat. Kinakausap pa siya ni Josiah ngunit na sakin ang buong mata niya.
“Sorry. N-Nahingan ka pa ng pabor ni Clau.” Sabi ko sabay tingin sa nanginginig kong kamay.
What the hell is happening to me?
“It’s okay, Klare. Sigurado ka bang gusto mo ng umuwi?”
Nag angat ako ng tingin kay Eion. Narinig ko naman ang halakhak ni Josiah sa gilid.
“Or you still wanna stay until later? I can wait.” Ani Eion.
Naka puting v-neck t shirt lang siya at naka checkered shorts. Nasa magkabilang bulsa niya ang kanyang mga kamay. Magulo ng kaonti ang buhok, para bang ginulo niya ito. Kuminang ang silver niyang relo sa kanyang pulso. Mapupungay ang kanyang mga mata at kumikislap ang mga ito. Alas dos na ng madaling araw kaya pare pareho kaming puyat na.
“No… Sige. Balik na tayo ng hotel.” Sabi ko at di na lumingon.
“Bye, Klare! Love you!” Tumatawang sinabi nI Josiah nang nag paalam ako sa kanya at kay Claudette.
Nakapagpaalam na ako kay Azi kanina at busy naman si Knoxx at ang mga tito ko sa pag uusap kaya hinayaan ko na lang sila doon. Bumuntong hininga ako.
“Pang apat na buntong hininga mo na iyan.” Sabi ni Eion habang nag dadrive siya pabalik sa Xavier Estates.
“Sorry. Kinabahan kasi talaga ako sa mga nangyari. At sa birthday ko pa.” Hindi ko na napigilan ang sentimento ko. “Uhm… Tsaka, di ka ba lasing o inaantok?” Tanong kong bigla.
Ngumisi si Eion.
Tumapat ang ilaw ng posteng dinadaanan namin sa mga mata niya. Damn, he really is so good looking! Lalo na pag ngumingisi! Hindi siya madalas ngumingisi pero iyong bawat ngisi niya naman ay nakakataba ng puso!
“Hindi naman ako lasing. Inaantok lang, medyo.” Aniya.
Tumango ako. “Good.”
“Bilib ako sa bonding ninyong mag pipinsan.” Nilingon niya ako. “May mga pinsan din ako, but we don’t bond that much.”
“Ah! Nasanay kasi kami mula bata pa.”
“Bakit hindi sa school niyo nag aral si Knoxx noong high school at grade school?” Tanong niya.
“Lagi kasi silang nag aaway noon ni Azi over petty things. Kaya ayun, pinaghiwalay ang magkapatid.”
Tumango siya. “Maybe Knoxx is just too uptight for Azi’s games.” Ani Eion.
“Oo. Tama ka. Kaya nga nakakainis! Lalo na si Elijah! Nung pumasok ako sa ER naabutan ko siyang nakikipaglandian sa nurse at tumatawa pa!” Humalukipkip ako.
“Talaga? Nakakatakot kaya iyong nangyari! I heard nasira daw ang buong harap ng sasakyan.”
“Oo. Nahati daw. Tsk.” Umiling ako.
“Magkaugali si Elijah at Azi.”
Nilingon ko siya. “No…” Sabi ko ng diretso. “Azi is a slut while Elijah’s just… a flirt.” Ngumuso ako sa sinabi ko.
Tumawa siya. “Not what I meant. I mean, iyong pagiging care-free nilang dalawa.”
Tumango ako. Bakit iyon agad ang sinabi ko? Hindi ko alam.
Nanghumupa na ang tawa niya ay pinalibutan kami ng nakakabinging katahimikan. Ngayon, naiinis ako kung bakit sa isang malayong hotel pa ginanap ang debut ko!
“Ikaw? Ba’t di ka sa school ko nag aral noong high school?” Tanong niya.
“Hmmm…” Nilingon ko siya at agad kumalabog ang puso ko.
Kinakagat niya ang labi niya habang nililiko ang sasakyan. Dammit! He’s so…
“Err… Kasi sa school na iyon nagkakilala si Mommy at Daddy. Kaya doon ako pinag aral. Tsaka ang limang Montefalcos, my titos, doon din nag aral ng high school. Sa college, sa Xavier na kaya college lang din ako lumipat.”
Tumango siya. “High school sweethearts pala ang mommy at daddy mo?”
“Yup. Hindi lang iyong akin, actually. Elijah’s mom and dad were high school sweethearts din. Matatag iyong relationship nila. Sila lang hanggang sa nagpakasal.”
Tumango siya at pinatay ang makina ng sasakyan nang nasa tapat na kami ng hotel. Hindi ko ineexpect na magkakaroon kami ng usaping ganoon ni Eion. Buong akala ko ay tahimik lang ang magiging byahe namin pauwi pero mukha atang marami akong sinabi ngayon.
Kaya nang pumasok kami ng hotel ay natameme na ako. Wala din siyang kibo kaya hinayaan ko na lang. Humikab ako ng dalawang beses habang naglalakad kami sa corridors ng mga suites hanggang sa dumating kami sa suites namin.
“Siguro tulog na sila ngayon.” Sabi ko sabay tingin sa room ng girls at boys.
Tumigil kaming dalawa sa tapat ng pintuan namin ni Erin. Tumango siya at tiningnan ako. Bumaba ang tingin niya sa ilong ko… sa labi ko… Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya tsaka kinusot.
“Good night, Klare.” Buntong hininga niya.
“Good night, Eion. And… Uhmm…” Uminit ang pisngi ko.
Hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin ng pagtingin niya sa mga labi ko o talaga bang tinitingnan niya iyon pero… Lumapit ako sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at bahagya siyang umatras pero huli na ang lahat. Hinalikan ko siya sa pisngi!
Ginapangan ng init ang sarili kong pisngit. I’m blushing, I know!
“Thank you.” Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang hindi pa napapawi ang pagkunot ng noo niya.
Halos dumugo ang labi ko sa kakakagat ko at sa kaba ko. Shit! Ayaw niya ng ganun? Na offend ko ba siya?
“I really don’t like it when girls do the first move, Klare.” Aniya habang umiiling.
Lumagapak sa sahig ang tingin ko. I knew it! Ito ang dahilan kung bakit laging astang galit siya sa akin noon! Ito! Ayaw niya ng ganito! Ayaw niya iyong alam ng lahat na may gusto ako sa kanya! He wanted privacy! Ayaw niyang binubulgar ko ang feelings ko sa kanya sa harap ng mga kaibigan namin o sa harap ng mga pinsan ko! Gusto niya iyong kaming dalawa lang ang nakakaalam.
“I-I’m sorry.” Sabi ko nang bigla kong naramdaman ang malambot niyang labi sa pisngi ko.
Hindi ko man lang namalayan na lumapit siya para halikan din ako! Na estatwa ako. Lalo na nang nakita kong pumula ang kanyang pisngi at huminga ng malalim.
“I want the first moves.” Aniya bago ako tinalikuran. Bago ako nalusaw sa kinatatayuan ko!
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]