Kabanata 41
Binabantayan
Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso na agad ako sa roofdeck. Naabutan kong nag ba-barbecue ang mga boys at ang mga girls ay naghahanda sa mesa. Gabi na at lumalamig na din. Kitang kita ko ang mga christmas lights na nakahilera sa katabing mas mababang building.
“O, lika na, Klare.” Sabay ngisi ni Claudette sa akin.
Naisip ko tuloy… kung sasabihin ko kaya kay Claudette ‘yong nangyari tungkol kay Ate Yasmin, ano kaya ang maipapayo niya sa akin? Suminghap ako at lumapit sa table. Hindi ko alam. Hindi ko mahinuha. Sang ayon lang si Claudette sa aming dalawa ni Elijah dahil pareho naming mahal ang isa’t-isa. Ang totoo ay talagang hindi niya sana gusto na makaramdam kami ng ganito. Who would like that anyway?
“Okay ka lang?” Tanong ni Claudette.
“Oo naman.” Ngumiti ako at nilatag ang mga baso sa mesa.
Nag angat ako ng tingin nang naramdaman kong may tumititig sa akin. Nakita kong pinapanood ako ni Elijah habang nagtatawanan sila ni Azi. Si Rafael, Azi, at Elijah ay parehong shirtless na pinapaypayan ang barbecue na ginagawa. Kinunot ko ang noo ko ngunit ngumuso siya para mag pigil ng ngisi.
“Di ko parin gets. Saan ka galing kanina, Klare?” Tanong ni Erin sa akin.
Bumaling ako sa kanya at sinagot ko siyang galing akong Limketkai, mag isa, at naghanap ng mabibili. Hindi ko kasi pwedeng sabihing namili ako gayong wala akong dala kanina pagkauwi ko.
“So buong araw ka doon? Sabi ni tita maaga ka dawng umalis patungong school.” Nagtaas siya ng kilay.
“Ah-“
“Erin, what are you? The police? Leave her alone.” Utas ni Elijah sa malayo.
Dammit! Alam kong dinidepensahan lang ako ni Elijah ngunit mahahalata na talaga ako pag nagpatuloy siya.
“Alright, alright, I’m just curious. Pumunta ka ng school tapos sa mall.” Tumango tango si Erin at umupo na sa monoblock chair.
Umupo na rin kami nina Claudette at Chanel habang hinihintay na maluto ‘yong barbecue.
“Hindi ako mag o-overnight, a?” Sabi ni Chanel.
“Hindi rin naman ako pwede.” Sabi ni Claudette. “And Kuya Azrael.”
Tumango ako.
“Ang dami kasing gagawin. Xavier days nga, pero homework avalanche naman!” Tumawa si Claudette.
“Aww. Pwede namang next time na ang homework.” Simangot ni Erin.
Hindi sumang ayon si Claudette sa sinabi ni Erin. Lumapit naman si Azi sa mesa para kumuha ng baso at mag salin ng tubig.
“Buti pa i-try na talaga natin bukas ‘yong horror house!” Tumawa si Azi sabay tingin kay Erin.
“Ayoko nga! Baka makahanap lang tayo ng away don!” Umirap si Erin kay Azi.
Lumapit din si Elijah sa amin at umupo siya sa katabing monoblock chair ko. Inikot niya muna ang silya para bumaliktad saka umupo. Sinandal niya ang braso niya sa likod ng silyang nasa harap niya ngayon. Hindi ko siya malingot. Dammit, he’s shirtless beside me! Lumunok ako at naisip na hindi naman ito ang unang pagkakataon.
Humikab siya at naagaw niya ang pansin ni Chanel na nakatunganga sa cellphone.
“Sige! Lakwatsa pa! Ayan, pagod!” Tumawa si Chanel.
“Worth it naman.” Humalakhak siya.
Diretso ang mga mata ni Erin at Claudette sa kanya. Maging si Damon na umiinom ng whiskey ay napatingin kay Elijah.
“Sino ba talaga ‘yan, Elijah?” Tanong ni Damon.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ng mensahe para sa kanya. He’s really pushing my buttons now. He should stop fueling their curiousity.
Ako:
Stop it. Magdududa sila lalo.
“Nung una ay akala ko si Gwen na, e. Nung nalaman kong nasa Dahilayan kayong dalawa. Baka hindi ka pa nakakapag move on kaya wala ka pang girlfriend?”
Humikab ulit si Elijah at kinuha niya ang kanyang cellphone. Nagkatinginan si Erin at Chanel.
“Elijah, siya ba ‘yong rason kung bakit ayaw mong sumama kay Ate Yas at Kuya Justin?” Nagtaas ng kilay si Chanel.
Anong ayaw sumama? Luminga linga ako sa kanila. Kumunot ang noo ni Elijah at nag text, imbes na sagutin ang tanong ni Chanel.
“My God! Sino ba talaga ‘yan!?” Sigaw ni Chanel nang narealize na hindi talaga nakikinig si Elijah dahil sa katext nito.
Ilang segundo ang lumipas ay bumaling si Elijah kay Chanel at sumagot. “Gusto kong magpasko dito. For the past three years, parating sa ibang bansa.”
“But it’s a good diversion. Hindi ba last year ay sa Singapore kayo nag Christmas? Ang sinabi ni Ate Yasmin ay sa Tokyo naman daw sana kayo this year with your family. That means you are going to be alone this Christmas? Sa bahay niyo?”
Ngumisi si Elijah.
Nakita kong may message na galing sa kanya sa cellphone ko kaya binuksan ko iyon.
Elijah:
Chill. I told you I can’t hide it. I really can’t. I’m trying really hard.
Mabilis akong nag text sa kanya. Medyo nairita pa nga ako.
Ako:
Asan ‘yong trying hard mo diyan? I don’t think you are really trying hard. I want you to shut your mouth.
Halos masira ang screen ng phone ko nang pinindot ko ang send. Nag angat ako ng tingin sa seryosong si Chanel na nakikinig kay Elijah. Lumipat ang titig ko kay Erin na nakatingin sa cellphone ko at sa mukha ko. Oh shit! Am I being paranoid and guilty or what? Binalik ko ang titig ko kay Chanel.
“Kung gusto niyo, pwede tayong sa bahay mag Christmas Party.” Anyaya ni Elijah. “Walang tao.”
Nanlaki ang mga mata ni Josiah sa tabi ni Claudette. “Yes! I like that idea! Alin ba’ng Christmas party? ‘Yong sa family o ‘yong sa friends? Pwede bang sa friends na lang since sigurado akong may plan na sina tito na sa Pryce tayo mag ki-christmas party slash reunion?”
“That means we’ll invite the whole gang?” Excited na sinabi ni Chanel.
“Wow! I like that! Girls.” Tumingala si Azi habang pinapaypayan ang baby back ribs.
“Alright, then! Maglilista na tayo. Tsaka kirngle na rin para sa exchange gifts!”
Kinuha ulit ni Elijah ang kanyang cellphone. Kumunot ulit ang kanyang noo habang binasa ang message. Hinawakan niya ang kanyang batok at ginalaw niya ito pakaliwa’t kanan bago nag type.
“Can you bring your girl there, Elijah?” Tanong ni Chanel. “O kung sino man ‘yan?”
Ngumisi si Elijah habang tinatago ang cellphone. “Bakit ba masyado kayong curious sa love life ko? Ba’t di love life ni Azi or Joss?”
“That’s because it’s called sex life, not love life, para sa kanila.” Tumawa si Erin.
“Hoy! Hindi ako ganyan. Si Josiah lang. I’m a one woman man.”
Umiling ang lahat sa kanyang sinabi. He is fantasizing about being a one woman man, ngunit hindi niya naman ito nagagawa dahil sa tawag ng kanyang instincts. Ngumiti ako habang tinitingnan silang iniinis si Azi.
Kinuha ko ang cellphone ko para basahin ang reply ni Elijah. Nanlaki ang mga mata ko at uminit ang pisngi ko. Oh dammit!
Elijah:
Kung hindi ako nagpipigil baka kanina pa kita niyakap o hinalikan. This is the most of what I can do. I’m sorry.
Dammit! Paano ko ito rereplyan? Binaba ko na lang ang cellphone ko at hindi na nag abalang mag reply. Humalakhak si Elijah sa gilid at tumayo.
“Klare? Bakit?” Taas kilay na tanong ni Erin.
Umiling ako.
Suminghap si Claudette at kinuha ang cellphone niya para mag type. Nilingon ko si Elijah at naabutan ko siyang nakataas ang kilay at nakaangat ang gilid ng labi. Humalukipkip siya at mas lalo lang nadepina ang kanyang braso at ang kanyang tribal tattoo sa dibdib.
Tumunog ulit ang cellphone ko. Nanginig ang kamay ko sa pagkuha. Mabuti na lang at si Claudette iyon.
Claudette:
God. Please stop the texting thing. Halata masyado.
“Bakit ba parang palaging nag titext ang mga tao ngayon?” Tanong ni Erin. “Grabe naman kayo! Share naman kayo ng love life diyan! Hindi namin alam, ah? Nakakapag tampo na.”
Kumunot ang noo ni Chanel sa akin. “Oo nga naman, Klare. You know we liked Eion for you, at medyo nagtampo kami dahil sa ginawa mo pero that doesn’t mean that we don’t want to know who’s the ‘other man’.”
“Chanel, nagtitext kami ng group namin para sa isang project. I don’t think Klare has ‘another man’. Tayo ang laging kasama niya. Walang iba.” Ani Claudette.
Tumikhim ako. Thank God for Claudette. Kasi kung ako ang magsasalita, paniguradong ibabasura lang nila ang sasabihin ko. They will not believe me. Ang iisipin niya ay nagsisinungaling ako o may tinatago.
“Well…” Natulala si Erin. “I guess you are right, Clau.” At nilingon niya si Elijah.
Napaparanoid na talaga ako. This isn’t healthy anymore. Bumabaliktad ang sikmura ko sa usapan namin.
“Tadaaa!” Sigaw ni Rafael nang naluto na ang barbecue.
“Akala ko di na ‘yan maluluto!” Ani Josiah.
“Ang kapal mo, senyorito. Masyado ka, a! Ni hindi ka tumulong!”
“At least ako, tumutulong minsan. Unlike Azi na lumapit lang diyan para maghubad ng t-shirt. Poser lang. Para sabihing tumutulong.”
Nag inisan na naman sila. Nilapag ni Elijah at Rafael ang mga nilutong baby back ribs at barbecue. Ginutom agad ako sa amoy na pinaghalong pepper at sauce. Nilantakan agad namin ang pagkaing nakahain.
Masaya ako ngayon. Mukhang okay na kami ni Erin at Chanel. Pero tuwing naaalala ko ang nangyari sa amin ni Ate Yasmin kanina ay alam kong may taning na agad ang kasayahang ito. Nananalig akong hindi niya sasabihin kahit kanino ang napag alaman niyang relasyon namin ni Elijah. Aasahan niyang gagawin ko ang gusto niya. Oo, gusto ko ring gawin iyon. I want to push Elijah away, if only I can.
Sa oras na malaman ni Ate Yasmin na hindi ko pa nagagawa ang mga gusto niya ay maaring siya na mismo ang maglalayo kay Elijah. Ang imbitasyon niya kay Elijah sa Tokyo ay isa na sa mga hakbang niya para paglayuin kaming dalawa. Hindi niya nga lang masabi kay Elijah.
Pumikit ako nang narealize na gumagawa ako ng maling desisyon. Ang pagkapit ko sa maling desisyon na ito ang ikakasira naming dalawa ni Elijah. But, please? Can I have it just for a little while? Hindi ko naman inaasahang palaging ganito. I won’t wish for forever. Tomorrow is even too much to ask for. Iyong ngayon lang ang gusto ko.
“Wala bang tournament sa Singapore?” Tanong ni Josiah kay Elijah habang kumakain kami.
“Meron. Tinatamad akong pumunta. Gusto kong mag pasko dito.” Ani Elijah.
Ngumisi si Josiah at uminom ng softdrinks. “This is really something, huh?”
“Elijah naman, ang damot mo! Sino ba talaga ‘yang babae?” Tanong ng naiiritang si Erin.
“Wag mo nang alamin, Erin. Ayaw naming mga boys na pinapakealaman kami.” Sabi ni Damon sabay tingin sa akin.
Kumunot ang noo ko sa tingin niyang nagsusungit.
“What do you mean, Dame?” Naiirita kong tanong. “Hindi ako nakekealam sa inyo ni Eba. Gusto ko lang isoli ‘yong ID-“
“Burn the ID, she won’t come back!” Galit na utas ni Damon sa akin.
“Hey, stop it.” Sabi ni Elijah kay Damon.
“O edi sige, di na kita pipilitin. Concerned lang ako! May sakit siya nong nagkita kami at naiwan niya ito-“
“Stop sticking your fucking nose to where it does not belong-“
“Watch your fucking mouth, Damon! Si Klare ang kausap mo, not some of your stupid side dishes!” Sigaw ni Elijah at tumayo siya.
“Oh fuck! Don’t tell me mag aaway kayo?” Sabi ni Chanel.
Medyo nairita ako kay Damon ngunit kinabahan ako sa inasta ni Elijah. Imbes na mag alab ang galit ko sa kay Damon ay bumaling na lang ako sa galit na si Elijah. Gusto ko siyang pakalmahin. Gusto kong hawakan ang kamay niya ngunit batid kong pinapanood kami ni Erin.
“Pwede mo naman siyang pagsabihan ng maayos, Damon!” Sabi ni Elijah.
Nag iwas ng tingin si Damon. Humalakhak ng wala sa lugar si Rafael. “Tinamaan kasi.”
Matalim siyang tinitigan ni Damon kaya tumahimik si Rafael. Bumaling si Damon sa akin at pumungay ang kanyang mga mata.
“Sorry, Klare.” Aniya.
Tumango ako at lumunok. “Sorry din. Hindi ko naman alam kung ano ‘yong buong storya niyo. Gusto ko lang talagang tumulong sa ID. At kung wala na rin naman siya, hindi na ako mag aabala.” Sabi ko.
“You are doing it right, Damon!” Halakhak ni Azi. “You saved yourself from the punches of the-Elijah-I-don’t-give-a-flying-fuck-if-were-cousins-I-can-kill-you mode.”
Napangiwi si Chanel sa dapat ay joke ni Azi. Wala ni isang tumawa. Ang tanging nakita ko lang ay ang nanliliit na mga mata ni Erin sa akin.
Mabilis kong tinype sa cellphone ko ang sasabihin ko kay Elijah. Kumalma at nawala ang tensyon sa amin. Bumalik sa biruan at kwentuhan.
Ako:
Calm down, please.
Mabilis siyang sumagot.
Elijah:
I am calm. Can you eat more? Your plate is bothering me.
Kinagat ko ang labi ko nang nakitang hindi ko pa halos nagagalaw ang pagkain kahit na gutom ako. Ito na yata ang resulta ng masyadong maraming iniisip.
Kinuha ni Elijah ang baby back ribs na malapit kay Azi at nilagyan niya plato ko ng dalawang piraso.
“Thanks.” Sabi ko.
“You’re welcome.” Aniya at kumuha pa ng isang stick ng barbecue.
“Masyado nang marami.” Sabi ko habang sinusubo ang rice.
He chuckled. Parang kinuryente ang batok ko nang nakita ang ngisi niya. Suot niya na ngayon ang kanyang white t-shirt. Nasa likod ng kanyang upuan ang pulang jacket. Naisip ko tuloy kung dapat ko bang kunin ‘yong jacket na para sakin na iniwan ko sa sasakyan niya.
“Just eat, Klare. Kung ayaw mong kulitin kita.” Aniya.
Umirap ako. Ngunit napatalon ako nang may naramdaman paa na tumama sa akin paa sa ilalim ng mesa.
Mabilis kong tiningnan si Claudette na ngayon ay nanlalaki ang mga mata. Nag taas ako ng kilay. Nginuso niya si Erin na sa gitna ng nag uusap at nag bibiruan naming mga pinsan, siya lang itong nakatingin sa amin.
Nang napansin ni Erin na nakatingin ako sa kanya ay kumunot ang kanyang noo at nag iwas na lang ng tingin. Nalaglag ang panga ko. Binabantayan niya ang galaw ko? Galaw namin?
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]