Kabanata 40
As Long As I Can
Hindi ko alam kung saan ako mangangapa ng salita habang hinihintay si Ate Yasmin na dugtungan ang kanyang sinabi. Ngumunguso siya sa screen na para bang nahihirapan sa sasabihin.
“Klare, may relasyon ba kayo ni Elijah?” Tanong niya.
Para akong sinakluban ng langit at lupa. Alam ko na ito ‘yong itatanong niya pero umasa akong nagkakamali ako. Laglag lang ang panga ko at ilang segundo akong ganon habang pinapanood siya sa screen.
“A-Ate, we’re cousins!” Katwiran ko.
“That’s why.” Nagseryoso siya.
Nanginginig ang labi ko. “Ate, p-paano mangyayari ‘yon?” Natawa ako.
Napatalon ako sa biglang kumatok sa kwarto ko. Naka lock ang pinto kaya hindi makakapasok.
“Wait lang!” Sigaw ko.
“Klare? What’s taking you so long?”
Oh shit! Si Elijah pa talaga! Dammit!
“Elijah, N-Nag…” Pumikit ako. “bibihis pa ako.”
Bumaling ako sa kay Ate Yas na ngayon ay tulala sa isang bagay na hindi ko nakikita. Narinig kong umalis si Elijah. Hinayaan niya akong ‘magbihis’.
“My brother is honest, Klare. Kilala mo si Elijah. Kung hindi niya gusto, hindi niya gusto. Kung gusto niya, makikita mo ‘yon. And for the past weeks, I’ve heard him mention your name hundred times tuwing tumatawag ako. Kung wala kayong relasyon, then tell me, may nararamdaman ba siya sayo?”
Umiling ako. I’m still sure I’ll deny this.
Kumunot ang kanyang noo at umiling din siya. “That’s good kung ganon.”
“Ate, pinsan ko po siya-”
“Kaya nga mas lalong hindi pwede, Klare. Hinding hindi pwede kayong dalawa.” Diretso niyang sinabi. “Klare, I’ll be honest. I’m not buying your statements. Alam ko kahit hindi ko tinatanong si Elijah. I came straight to you kasi alam kong sa oras na tanungin ko siya nito ay baka mawalan ako ng communication sa kanya. I can see that he’s… fiercely in love with you.”
“P-Po?”
Nangingilid sa mga mata ko ang luha. Dammit! Klare! Dammit! This is what you get! Stop being so emotional about this. Ito naman ay kasalanan mo. Hindi ako huminga para mapigilan ang luha ko.
“Tuwing sinasabi ko sa kanyang tulungan ka niya sa ibang lalaki, he would get mad at me. At palagi siyang pumupunta sa inyo. Palagi siyang natutulog sa bahay niyo.”
Pinunasan ko ang luhang lumandas sa mga mata ko. Sana ay balewalain ito ni Ate Yasmin. I’m freaking scared.
Malungkot niya akong tiningnan. “Kumatok siya kanina, hindi ba? He’s always concerned about you. Always you. Klare here, Klare there. No room for other topics. Klare in the gym, Klare’s assignment, at kung anu-ano pa.”
Humihikbi na ako. Buking na talaga yata kami. Si Ate Yas ang pinaka close kay Elijah, syempre, dahil sila ang madalas na nag uusap. Kahit na palagi naming kasama ang ibang pinsan namin ay hindi nila kami napapansin. Ngunit itong si Ate Yasmin na malayo at hindi gaanong close, siya pa iyong nakapansin. Maaring dahil sanay na ang mga pinsan kong makita kaming close ni Elijah. At si Ate Yas, naninibago pa.
“Then I asked him kung ano ang binigay niya sa birthday mo? He told me it was an anklet. Infinity anklet. Klare…” Tumikhim si Ate Yas. “You think I won’t figure out?”
Nararamdaman ko ang metal sa paa ko. Iyong anklet na binigay ni Elijah na nakasabit ngayon sa paa ko. Parang alam nito na siya ang pinag uusapan namin.
“Kung ano man ang meron sa inyong dalawa. Please, stop it. It’s bad. It’s forbidden! Magkadugo kayong dalawa! Ito ang kauna-unahan sa history ng mga Montefalco na magkakaganito! Maging sa side ni mommy ay walang nangyaring ganito!” Tumataas ang boses ni Ate Yas.
Mas lalo na lang akong binalot ng takot at hiya. What will I do now? Sasabihin ko ba kay Elijah? Oh shit! I shouldn’t! Then what shall I do?
“Incest ‘yan, Klare. It’s against the Bible. It’s against everything. It’s taboo. At hindi ko matanggap iyon para sa kapatid ko. What more sa mommy at daddy mo? Kay mommy at daddy? They will freak out!”
Malakas na akong humikbi. This is even worst than Pierre’s statements. Mas malakas ang saksak nito kesa sa mga sinabi ni Pierre sa Dahilayan.
“You are a really nice girl. Pero hindi kita matatanggap para sa kapatid ko. Please, Klare. Magpinsan kayo! Hindi ka ba nandiri? Hindi ka ba kinilabutan? Kasi ako? Kinikilabutan ako sa inyo! I can’t imagine it! I don’t want this for my brother. Give him up!” Tumulo ang luha ni Ate Yasmin.
Nakita kong pinunasan niya ito ng tissue. Pumula ang kanyang ilong at humagulhol siya. Natigil ako sa pag iyak. Nagulat ako sa pinakita niyang emosyon para sa aming dalawa.
“You know what? ‘Nong nakita ko ‘yong picture niyo sa Camiguin, don ako nakasigurado, e. Klare, save him please. Don’t do this to him. Kung ano man ‘yong nararamdaman mo, phase lang ‘yan. You’ll forget it someday. Kayong dalawa. Para sa inyo din naman ito. Itigil niyo ito ngayon, makikinabang kayo bukas. Before anyone else finds out, please stop it with my brother. I don’t believe in incest love. I think that’s just lust!”
Tinakpan ko ang mukha ko dahil hindi ko na kinaya ang pagbuhos ng luha ko. I don’t want to hear it. I don’t want to hear anything. I want to shut down. Kung pwede lang ay mapag isa na lang muna ay ginawa ko na.
Humikbi ako nang humikbi. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas para magsalita.
“Ate, papatayin ko muna ang iPad. Sorry.” Sabi ko.
“Okay, Klare. Sana naman ay maintindihan mo ‘yong point ko. Let Elijah go. Kayo rin ang makikinabang pag dating ng panahon.”
Biglang naputol ang linya. Hula ko ay si Ate Yasmin na mismo ang pumutol non. Halos isumpa ko ang araw na pinakamamahal ko. Parang kanina lang ay ang saya saya namin ni Elijah. Ngayon ay buking na kami at heto ako at umiiyak.
Ano ang gagawin ko? Naiinis akong isipin pero alam kong may punto si Ate Yasmin. Tama siya. Phase lang itong lahat. Bata pa kami ni Elijah at maaring marami pa kaming makikilala. Makakapili naman ako kung susugal ba ako at madudungisan naming dalawa ang pangalan namin o tumahimik na lang at maghintay na humupa ang damdamin namin sa isa’t-isa. And this decision is not for Elijah, sa akin ito. Because whatever happens, Elijah will always choose me. He’ll choose me over anything. I can’t let him do that! He’ll be destroyed. Kaming dalawa ang masisira pag hinayaan ko iyon.
But. Fuck. I love him.
I am in love with him. I am in love with my cousin.
Humiga ako sa kama at umiyak na lang. Hindi ko alam kung lalabas pa ba ako dito o hindi. Biglang may kumatok sa pintuan ko.
“Klare?” Sigaw ni Erin sa labas. “Klare? Anong ginagawa mo? Nagluto kami ng fries, gusto mo?”
Lumunok ako at nagdasal na sana ay hindi manginig ang boses ko. “Erin, maliligo lang ako. Lalabas din ako!”
I should be happy, right? Kasi sa wakas ay mukhang nakikipagbati na si Erin sa akin ngayon. Pero paano ako sasaya kapag ganito?
Humiga na lang ako sa kama. Medyo humupa ang luha ko dahil sa pagkatok ni Erin. Mahapdi na ang mga mata ko. Gusto ko na lang umidlip ngunit marami ang pumapasok sa isip ko.
Elijah. What shall I do? Run away with him? I want to. So bad. Gusto kong makasama na lang siya sa isang lugar na walang makakakilala sa aming dalawa. Ate Yas is right, sa oras na malaman ito ni daddy ay paniguradong lagot ako. I can’t imagine! My cousins will get mad at us! Kahit na sabihin kong ako ‘yong may kasalanan ay ipagtatanggol ako ni Elijah. At anong mangyayari sa aming dalawa? God, he’s just nineteen! Ni hindi pa kami gumraduate ng college! What are we going to do if we’ll run away? Mag tatrabaho para mabuhay kaming dalawa?
Shit! I can’t imagine it! Hindi ko kaya! Kinagisnan na namin ang ganitong buhay at hindi ko siya kayang makita na naghihirap para sakin. Para lang sa pagmamahal niya sa akin.
Can I risk? Should I risk? Or should I take the perfect and safe path? Alin sa dalawa, Klare? Alin?
Kailangan ko bang mag desisyon ngayon? Pupuwede bang saka na lang? Pwede bang manatili muna dito sa gitna ng dalawang desisyon? Pwede bang manatili na lang sa gitna palagi?
Nagising ako sa init ng kamay na dumapo sa aking pisngi. Unti unti akong dumilat para makita ang malungkot na mga mata ni Elijah. Naka upo siya sa gilid ng kama ko. Nanaginip ba ako kanina? Panaginip lang ba ‘yong sinabi ni Ate Yasmin? Nilingon ko ang iPad kong nasa gilid parin. Hindi. Totoo ‘yon. And I need to decide fast.
“Paano ka nakapasok?” Mahinahon kong tanong.
“Charles.” Sagot niya.
Tumango ako.
“Umiyak ka? What’s wrong?” Mahinahon niyang tanong.
Umiling ako. “Wala.”
“Klare, you tell me what’s wrong, alright? We have to be honest here.”
Mariin kong tinikom ang bibig ko. Dammit, Elijah! Stop being so… Nag iwas ako ng tingin. Tumikhim siya at hinaplos ang pisngi ko pababa sa tuyo kong labi. Kumalabog ang puso ko.
Dammit! Oh dammit! How can I resist him? How can I save him from falling hard when I’m also falling deep?
“Klare, tell me. I want to know. Why are you upset? I want to know. Everything. Anong nasa isip mo. Please, tell me, baby.” Malambing niyang sinabi.
I wonder. Kung sasabihin ko ba kay Elijah na hindi ko na siya mahal, na nagsasawa na ako sa kanya, at gusto ko nang itigil ito, titigil ba siya o mamimilit? At tuwing naiisip kong mamimilit siya ay pinipiga ang puso ko. I can’t see him that way.
“Wala. Kanina lang ‘to. Yung mga nangyari.” Sabay iwas ko ng tingin.
“Bakit? Tungkol kay Gwen? Pierre?” Tanong niya.
Tumango ako. “Oo, nagkahalo-halo lang.” I lied.
Marahan siyang tumango. Hindi na siya nag salita pero alam kong nagdududa siya sa mga sinasabi ko. Tumitig lang siya sa akin kaya naisipan kong ibahin ang usapan…
“Umuwi na sila?” Tanong ko na hindi niya na kailangang sagutin dahil biglaang bumukas ang pintuan.
Dammit! Humalukipkip si Elijah at nilingon ang nakabukas na pintuan. Nagpakita ang ulo ni Erin na may dala-dalang sizzling sisig. Kumunot ang kanyang noo nang nadatnang naka upo si Elijah sa kama ko at nakahiga naman ako. Bumangon ako para maupo.
“May sakit ka, Klare?” Tanong niya.
Tumayo si Elijah. Batid kong gusto niyang umalis na muna si Erin dahil gusto niya pang makipag usap sa akin.
Umiling ako. “Wala. Nakatulog ako. Inantok ako, e.” Paliwanag ko.
Nag angat ng tingin si Erin sa kay Elijah na patungo na sa pintuan at umaambang isarado ito.
“Lock the door, please, Elijah. Maliligo lang ako.” Sabi ko.
Luminga linga si Erin sa aming dalawa nI Elijah. Malungkot at madilim naman ang mga mata nang binalingan niya ako dahil sa sinabi ko.
“N-Nasa roofdeck kami…” Pabalik balik parin ang tingin ni Erin sa aming dalawa.
Pumirmi ang kanyang titig kay Elijah na nakahawak sa doorknob at nakatitig sa akin. Dammit, Elijah! You are giving her damn clues!
“Okay.” Hinawi ko ang kumot. “I’ll be there. Give me a minute. Mag sho-shower lang ako.”
Kinuha ko ang tuwalya ko at hindi na ulit sila tiningnan.
“Elijah, akyat na tayo. Hayaan mo na si Klare.” Ani Erin.
“But I think she’s not feeling well. Dito lang siya. Dito lang kami-“
“Elijah!” Oh my God! “Please?”
Nag igting ang bagang ko. Lalo na nang nakitang nalaglag ang panga ni Erin. Suminghap si Elijah at marahang tinulak si Erin palabas. Great! Kung ano man ang meron sa utak niya ay pakiramdam ko’y kinumpirma o dinagdagan lang iyon ni Elijah.
I need him to cooperate. I want this love to work my way. Hindi ko kaya iyong gusto niya. Hindi ako handa. Hindi maari. Yes, I love him. I love him too damn much that I refuse to let him fall.
“Ate?” Kumunot ang noo ni Charles habang tumitingin siya sa labas.
Dala dala niya ang kanyang iPad. Sinarado ko agad ang pintuan nang nakapasok siya.
“What is it, Charles?” Tanong ko.
“I found something.” Humagikhik siya.
“What?” Tanong ko.
“Here.”
Binigay niya sa akin ang laptop at nakita ko ang pamilyar na video noon. Hindi ito ang unang pagkakataong nakita ko ang video na ito. Nakita ko na ito 2 years ago. Ngumuso ako habang pinapanood si Elijah sa video na nagtatali sa malapit nang matanggal na ngipin ni Charles.
“You don’t need a dentist.” Humalakhak si Elijah sa video habang tinatali ang sinulid sa ngipin ni Charles.
Ngumisi ako ngunit nangingilid ang luha sa aking mga mata. Noon, galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa niyang ito. Hindi ko inakalang ngayon ay matatawa na lang ako sa pagiging gago niya.
Grade one pa lang nito si Charles. Musmos pa siya kung tingnan at medyo mahaba pa ang kanyang buhok.
“Doctor Elijah.” Tumawa si Azi na siyang nag vivideo nito.
“I’m scared.” Sabi ni Charles nang nakanganga.
“Don’t be. I’ll be gentle.” Sabi ng gagong si Elijah at humalakhak. “Can you count one to five?”
Nakita ko ang luha ni Charles. Takot siya ngunit kaya niyang mag pauto basta si Elijah. “I can.”
“Very good. Then count now. I’ll be gentle.” Bulong ni Elijah.
Humagikhik si Azi sa background.
“One… two… three… four… fi-” Binunot ni Elijah ang ngipin.
Tumawa ako. Tumawa rin si Charles sa gilid ko ngunit ang batang Charles sa video ay umiyak. Iyon ang oras na pumasok ako sa kwarto. Yinakap agad ako ni Charles habang si Elijah ay ipinapakita sa video ang ngiping nasa sinulid.
“Anong ginawa mo?” Galit na galit kong utas sa kanya.
“Easy. Binunot ko lang ‘yong ngipin-“
Sinapak ko na agad siya. Nakangisi siya habang ginagawa ko iyon. Pulang pula ako sa video habang nasa baywang kong nakayakap si Charles. “Hindi mo na dapat ginawa ‘yon! Matatanggal din ‘yon, e! Dammit! Umuwi na nga kayo! Assholes!” Sigaw ko.
Tumawa si Elijah ngunit napawi iyong tawa niya nang tinalikuran ko siya at dinaluhan ang umiiyak na si Charles.
“Hey…” Hinawakan niya ang braso ko.
Mabilis kong binalibag ang kamay niya. “Don’t touch me!”
“Hey, tumulong lang ako, Klare. Why are you so mad?” Nakita ko ang takot sa mukha niya dahil sa galit ko.
Nilingon ko siya at matalim na tinitigan bago umalis sa room at padabog na sinarado ang pinto. Humagalpak si Azi sa background habang si Elijah naman ay tulala sa pinto.
“Dammit, man! Stop that thing!”
“Ginalit mo na naman!”
“I said stop that thing!” Galit niyang utas at natigil ang video.
Humikbi ako. Bakit? Bakit noong una ko itong nakita ay wala lang sakin? Two years ago, right? Two years. Charles was Grade one then. Pinipiga ang puso ko habang napagtatanto na may kung ano na noon. Hindi na iyon guni guni ngayon. Hindi na iyon bunga ng malikot na imahinasyon. May laman. Kitang kita mo.
“Ate, ba’t ka umiiyak?” Tanong ni Charles.
Ngumisi ako at pinunasan ko ang luha ko. “I’m crying for you. Naaawa ako sayo sa video na ito.” Utas ko sa kapatid ko.
Umiling siya. “No. I find it cool, actually.” Sabi niya at kinuha iyong iPad sa kamay ko bago lumabas.
I can’t let him go. I will keep him. As long as I can.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]