Kabanata 39
The Idea
Mahapdi ang mga mata ko nang natuyo ang mga luha dito. Pinaandar agad ni Elijah ang sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa. Pareho naming pinapakalma ang sarili namin.
Ang akala ko ay diretso na kaming uuwi. Nagulat ako nang iniliko niya ito sa Del Monte Clubhouse. Umayos ako sa pag upo at nilingon ko siya. Sumulyap siya sa akin nang nakitang tinitingnan ko siya.
“Mag aalas dos na at hindi ka pa kumakain.” Aniya.
Ni hindi ko namalayan ang oras. Hindi ko naramdaman ang gutom. Tsaka ko lang naramdaman ang gutom nang pinuna niya na ito.
“Elijah, baka nandito si Gwen sa paligid?”
Umiiling na siya kakasimula ko pa lang sa tanong ko. “Tinanong ko siya kung saan sila pupunta ngayon. Sabi niya sa Dahilayan lang sila. They won’t be here, Klare. Don’t worry.”
Gusto kong umangal ngunit kumunot ang noo ni Elijah sa akin at nilagay niya ang kanyang index finger sa labi ko.
“Don’t say a word. Let me decide.” Aniya at binuksan na ang pintuan para makalabas.
Siguro ay sa oras na makita na naman namin si Gwen, tatakbo na lang ako. Suminghap ako at lumabas na lang sa kanyang sasakyan. Dumiretso siya sa loob ng Clubhouse. Nilingon ko pa ang tanawing hindi ko madalas makita. Ang alam ko ay dito palagi si Rafael at Elijah. Pareho nilang hilig pumunta ng Clubhouse para kumain o di kaya ay mag golf. Madalas si Elijah dito kaya kabisado niya ang lahat.
Bukod kay Elijah ay may dalawang tao sa loob. Mukhang mag asawa at nasa middle twenties na. Ngumiti sila sa akin. Nahihiya akong ngumiti pabalik pagkaupo ko sa napiling table ni Elijah. Nasa gilid niya na ang waiter at naghihintay na ng order.
“What’s yours?” Tanong niya sa akin.
Kinuha ko ang menu at namili ng pagkain. “Roast Beef.” Sabi ko.
Si Elijah na ang nag utos ng kung anu-ano tungkol sa pagkain at sa maiinom naming dalawa. Luminga linga na lang ako sa paligid. Masyado na ata akong paranoid.
“Sorry kanina.” Sabi niya pagkaalis ng waiter. “Sorry kay Gwen.”
Umiling ako. “Hindi mo naman kasalanan. Nagulat lang talaga ako kasi nandoon siya. Magkaibigan sila ni Erin. Natakot ako.” Sabi ko.
Nilapag ng waiter ang mga baso ng tubig. Tinitigan ni Elijah ang kanyang baso. Masyado siyang seryoso at mukhang galit. I want him to loosen up, pero paano ko siya papakalmahin kung ako mismo ay kabado parin?
“Did you treat her well? O baka tumakbo ka lang bigla nong nakita mo akong umalis?” Ngumisi ako.
Nag angat siya ng tingin sa akin. Seryoso parin siya. “Ilang minuto lang nang umalis ka, umalis na agad ako.”
“Hindi ba siya nag tanong kung sino ang kasama mo?”
“Nagtanong.”
Nanlaki ang mga mata ko. “What did you tell her?”
“Don’t worry. I didn’t mention you.” Tumikhim siya.
“Pero anong sinabi mo?”
“Someone special.”
Oh great! Now! I’m someone special. Hindi ako nakaangal kahit na nakakatakot ang kanyang sagot. Mabuti na lang at talagang hindi kami nakita ni Gwen sa Dahilayan. Mabuti na lang at pinili kong umalis imbes na lumapit sa kanila sa restaurant.
Dumating ang order namin kaya tumahimik muna kaming dalawa hanggang sa umalis ang waiter. Ginutom ako lalo ng amoy ng roast beef. Nakita ko ang order niyang steak at toasted bread. Hindi talaga siya mahilig sa kanin, ngunit may fries naman para sa aming dalawa.
“Anong ginawa ni Pierre sa’yo?” Tanong niya.
“Wala naman. Nagduda siya. No. Actually, he concluded.”
“Ano ba ang pakealam niya? I don’t like that guy, Klare. Stay away from him.” Aniya.
Tumango ako.
Ganon naman talaga ang gagawin ko. Ngayong alam na ni Pierre at ni Hendrix ang tungkol sa aming dalawa, ang tangi ko na lang magagawa ay ang umiwas sa kanila at magdasal na hindi nila iyon ipagkakalat.
Mabuti na lang at natapos na kaming kumain ay wala kaming nakitang kakilala. Pagod na pagod ako nang pumasok sa sasakyan kaya hindi pa nakakalayo ay nakatulog na ako sa byahe. Nagising na lang ako nang papababa na kami ng Cagayan de Oro. Nilingon ko agad ang seryosong nag dadrive na si Elijah.
“I’m sorry.” Sabi ko.
Hindi talaga magandang matulog pag nasa front seat at kayong dalawa lang ng driver ang bumabyahe. Nakakahiya sa kanya ang ginawa ko.
“It’s okay. I know you’re tired.” Wika niya.
Tumingin ako sa kalsada at napagtanto kong tapos na ang araw na iyon. Tapos na ang aming date. Naging masaya ako. Panandalian. Dahil pagkapasok namin ng Cagayan de Oro, sigurado akong balik ulit kaming dalawa sa dati. Magpipigil ulit ako at mag titiis ulit siya. Tama at hindi ko nga gusto ang ginagawa naming dalawa ngunit anong magagawa ko?
Tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong kinancel. Hindi ko pa nakikita kung sino ang tumatawag ay nawala na agad.
“Sino ‘yon?” Tanong ko.
He sighed. “Si Azi.”
“Ba’t di mo sinasagot?” Nagkasalubong ang kilay ko.
Hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang nagdadrive nang biglang tumunog ulit ang kanyang cellphone. Kinagat niya ang kanyang labi at sumulyap muna sakin bago sinagot ang tawag. Naka loud speaker iyon. Tinikom ko ang bibig ko nang sa ganon ay hindi marinig ng nasa kabilang linya.
“Hello, Azrael.” Aniya.
“Hello, dude. Asan ka?” Napapaos na boses ni Azi.
Mukhang nag dadrive din ang isang ito. Naririnig ko ang mga bosina ng sasakyan sa kanyang background.
“Nasa paligid lang, bakit?” Tanong ni Elijah.
“Ako rin, nasa paligid lang. Bakit di tayo nagkikita kung pareho tayong nasa paligid?” Humagalpak ng tawa si Azi.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagngisi o pagtawa. Humalakhak si Elijah pero hindi kasing lakas at kasing tagal nang ginawa ni Azi.
“Papunta ako kina Klare kasi sabi nina Erin at Chanel ay pupunta sila doon. Pupunta ka ba kina Klare?” Tanong ni Azi.
Nilingon ko agad si Elijah. Bakit pupunta sina Erin sa bahay? Hindi na gaanong pumupunta iyon doon simula nang nagkairingan kaming dalawa, a?
“O sige, pupunta rin ako.” Sulyap ni Elijah sa akin.
“Nasaan ka ba kasi? Who’s your date now? Marinela? Karen? Annabelle?-”
Pinatay agad ni Elijah ang tawag.
Lumunok ako at kinabahan. “Elijah, idrop mo na lang ako sa Xavier. Doon ako maglalakad galing. Hindi tayo pwedeng sabay na dumating. Pwede kang mauna tapos sasabihin ko na lang na galing akong mall or something!” Utas ko.
Hindi iyon sinunod ni Elijah. Imbes ay binaba niya ako sa street malapit sa building namin. Mabilis akong bumaba sa sasakyan niya at nagtago. Pinaandar niya naman ang sasakyan niya at pinark sa tapat ng building namin. Pagkalabas niya ay tumingin pa siya sa akin bago dumiretso sa elevator.
Kinalma ko ang sarili ko. Kailangan ay mag mukha akong kalmado at walang tinatago. Stop being paranoid, Klare. Gusto lang sigurong makipagbati ni Erin at Chanel. Old times. Ganon. Positive thoughts, please.
Nakita kong pumasok si Azi at si Claudette. Iyon ang naging hudyat ko para pumasok na rin sa aming building. Kabadong kabado ako ngunit sa tagal ko nang nagkakaganito ay nasanay na ako. Iyong kabado pero hindi nagpapahalata.
Binuksan ko ang pintuan at narinig ko na lang ang sigawan nilang lahat. Okay. Naglalaro ng NBA 2K14 si Josiah at Damon sa aming sala. Kumpleto ata kami ngayon, a? Nagtatawanan silang lahat. Kinuha ko agad ang I.D. ni Eba Ferrer sa bag ko. Palagi ko itong dala dala. In case na makita ko si Eba ay agad kong ibibigay sa kanya ito.
“Dame…” Sabay abot ko sa nanalong si Damon.
Nilingon ako ni Claudette. Si Elijah at Azi ay nasa dining table at nag uusap. Si Azi ay bumubulong at nag ngingising aso sa isang habang may sinasabi kay Elijah. Nakahalukipkip at nakatingin naman si Elijah sa akin. Bumaling ulit ako kay Damon na ngayon ay hinahawi ang kamay ko.
“Tapon mo na ‘yan. Nag drop na ang isang ‘yan sa school. Di na ‘yon babalik.” Sabi niya.
Nalaglag ang panga ko sa narinig ko. Wait a minute… Hindi ko alam kung alam ba ni Damon na… well, hindi pa kumpirmado ang pagbubuntis ni Eba.
“Kailan kayo huling nag usap?” Tanong ko.
“Nakalimutan ko na.” Naiirita niyang sinabi.
“Dame, answer me honestly. Kailan?”
Bumaling si Damon sa akin at nagtaas ng kilay. “Klare, I told you its none of your fucking business-”
“Damon, watch your mouth.” Singit ni Elijah.
“OH MY GOD! Ngayon nga lang tayo ulit nagkasama ay mag aaway kayo! Please!” Sabi ni Erin.
Nilingon ko si Elijah at nakita kong kumuyom ang panga niya. Not a good sign. I can’t risk this. Hindi ko pwedeng kulitin si Damon sa harap ni Elijah lalo na kung nagiging gago si Damon sa usaping ito. Umatras ako. Papasok na sana ako sa kwarto nang bigla akong tinanong ni Erin.
“San ka galing, Klare? Wala ka sa school kanina, a?” Aniya.
Napalunok ako at nilingon ko siya. “Nasa school ako. Di mo lang ako nakita.”
Sa laki ba naman ng Xavier, imposibleng idedeklara niyang wala ako doon.
Tumango siya. “So ibig sabihin galing kang school? Ba’t di ka nagpakita?”
Hindi ako agad nakasagot. Hindi dahil nahihirapan ako sa pagsisinungaling kundi may tanong sa utak ko. Bakit ako magpapakita kung alam kong ayaw niya naman akong makita?
“Oh, I saw her, Erin. Sa covered courts.” Singit ng hilaw na ngisi ni Claudette.
“Sinong kasama mo? Ba’t di ka sumama sa amin?” Usisa ulit ni Erin.
“Uhm, nagmamadali kasi ako. May kinuha lang ako sa locker tapos umalis agad at namasyal sa mall.”
Ngumuso si Erin at namula. Tumingin na lang siya sa TV namin. Magpapatuloy na sana ako papuntang kwarto nang inusisa naman ni Chanel si Elijah.
“Ikaw, Elijah? Sa mga boys, ikaw lang ang di ko nakita sa school. Where have you been?”
Nakahawak na ako sa doorknob ng pintuan ko. Nilingon ko silang lahat sa sala. Nakita ko ang pagkakabalisa ni Claudette. Para bang nag iisip siya kung ano ang maitutulong niya.
“Oh! Pumunta siya ng Dahilayan.” Tumawa si Erin at bumaling kay Elijah.
“How did you know?” Tanong ni Elijah kahit alam kong may ideya na siya.
“Nagkita kayo ni Gwen, hindi ba? You told her may ‘someone special’ ka na!” Humagikhik si Erin.
Hindi sumagot si Elijah. Nakita kong tumingin si Josiah kay Elijah gamit ang gulat na mga mata.
“Gwen is actually jealous. Gusto ka pa raw niyang makasama kaso nagmamadali ka. At ayaw mo pa raw na sumama siya sa’yo, ah? Sino ‘yon, Elijah?” Tumawa si Erin.
Umiling na lang si Elijah. Now he’s on the hot seat.
“Probably just another fling. Tinatago, e.” Tumawa si Damon.
“Shut up. I’m not like you.” Ani Elijah sa kanya.
“Why yes. You’re worst than me.” Ani Damon.
“Sino, dude? Fuck! We used to be best friends. Kaya lang these past few weeks parang-”
“Shut up, Azi. Best friends my ass.” Tumawa si Elijah.
Parang na offend si Azi sa sinabi ni Elijah. Nagtawanan na lang silang lahat.
“Who’s pussy are you banging this time?” Humagalpak si Rafael.
Napamura ulit si Elijah sa mga tanong nila. Pumikit ako at dumiretso na sa kwarto ko. I don’t need to hear this. Nananalig ako na hindi siya mabubuking. Na hindi kami mabubuking. Unless kung may magsalita. Claudette, Pierre, and Hendrix – tatlong taong nakakaalam sa sekreto namin ni Elijah. Sana ay wala silang sabihin. Sana ay hayaan na muna nila kaming dalawa.
Nakita kong umiilaw ang iPad ko sa mesa. Bago ako nagbihis ay binuksan ko muna ito para tingnan kung anong meron. Nagulat ako nang nakitang kanina pa ako kinokontact sa Skype. Mabilis kong sinagot ‘yong tawag at umupo ako sa kama.
Hinintay ko ang paglo-loading nito at nakita ko kung sino ang tumatawag. Yasmin Montefalco. Si Ate Yas? Bakit siya tumatawag? Video call.
“Hi, Klare!” Kumaway siya sa akin sa video bago pa ako makapag isip ng gagawin.
“H-Hello, Ate! napatawag ka?” Tanong ko agad.
Naisipan kong ilabas na itong iPad at ipakita kay Elijah o kay Chanel dahil sila naman itong nagkakasundo. I think she’s 21 years old now, though I’m not sure.
“Teka lang, tawagin ko lang si Elijah.” Sabi ko.
“No, no, no! Ikaw ang sadya ko.” Aniya.
Humugot ako ng malalim na hininga. Anong meron at bakit niya ako tinatawagan? Hindi naman kami masyadong close nito.
“Ha? Bakit po?” Tanong ko.
Tumawa siya.
Noong una ay naging masaya ang usapan. Kinamusta niya ako sa school, sa mga pinsan ko, at sa pinaka mahirap na subject na naipasa ko. Labing limang minuto na ang tawag. Hindi ko parin makuha kung bakit niya ako tinatawagan gayong hindi naman niya ito ginagawa noon.
“Nakakainggit ‘yong trip niyo sa Camiguin.” Aniya.
“Oo nga, ate. Sayang at wala ka dito.” Sabi ko.
Hinawi niya ang takas niyang bangs. May maliit na clamp sa itaas ng kanyang ulo. Inayos niya ito at sinuklay niya gamit ang kanyang mga daliri ang mahaba at umaalon nitong buhok. She’s so pretty. Ang napansin ko talaga sa kanya ay ang magandang kilay niya at ang mataas niyang cheekbones. Sa pagkakaalala ko ay mukha talaga siyang supermodel sa personal. Magkapareho sila ng mga mata ni Elijah. Kinikilabutan tuloy ako tuwing pinapalo niya ang kanyang pilikmata.
“Oo nga, e. I missed you guys.” Malungkot siyang ngumiti.
Now, I don’t know what to say. Naririnig ko na ang mga kuliglig sa utak ko dahil wala na kaming mapag usapan.
“Nga pala, I called because Kuya Just told me that you and Elijah are the closest now.” Tumaas ang dalawa niyang kilay.
“Po? Hindi naman po. Sila ni Azi.” Hugas kamay ko.
“Know what? I think he’s right! I’ve seen your pics? Nakita kong sweet kayo ni Elijah sa Camiguin. Nakita ko iyong group picture niyo na nakahug si Elijah sa’yo from the back.”
Oh shit! Kalma, Klare. Kalma.
Tumawa ako. “Ah! Nagbibiruan po kami non.”
Dahan dahang tumango si Ate Yas at tinaas niya ang kilay niya. “Kasi, I have this friend named Kaye. She’s actually a family friend. She’s pretty. Taga St. Mary’s nong high school tapos sa De La Salle siya nag college. She’ll be in Cagayan de Oro for Christmas. Gusto ko sanang ireto siya kay Elijah.”
Hindi ako nakasagot. Mabuti na lang at dinugtungan niya agad ang sinabi niya.
“Kaye is a good girl. I think Ej will like her.”
Nanginig ang labi ko. Please, Klare. Hide your feelings.
“Ate Yas, kasi po, si Elijah may mga dinidate ng babae-”
“That’s my point. Lagi siyang naglalaro. I want him to be in a serious relationship now. Well, mas gusto kong kilala-”
Nabanas ako sa sinabi niya. Bakit? “Ate Yas, bata pa naman po si Elijah. And besides, kung gusto niya talagang makipag relasyon ng seryoso, gagawin niya naman po ‘yon. Maybe now is not yet the time. Hindi naman kailangang ipilit sa kanya. May mga option naman siyang babae diyan. Magseseryoso din ‘yan pag may makita na.”
Natigilan si Ate Yas. Tiningnan niya ako. Hindi ko alam kung ano na ang mukha ko ngayon kaya nag angat ako ng labi para ngumisi. Calm down, Klare. Nanatiling normal ang paghinga ko kahit na humahataw ang puso ko.
“Well, I didn’t say that he should date Kaye. I just want them to be friends.” Nagkibit balikat siya at nag taas ng isang kilay sa akin.
Kinagat ko ang labi ko. Okay, Ate Yasmin. I got your point.
“And I want you to help. May ibang babae ba siyang kinakahumalingan?” Tanong niya.
Nagkibit balikat ako. Gusto kong sumagot ng Oo kaso mahihirapan lang ako sa pag eexplain.
“Coz I think meron. Kaya nong sinabi ko sa kanyang makipag friends siya kay Kaye ay hindi niya ginawa. May ibang babae ba siyang gusto?” Matamang tanong ni Ate Yas.
“I don’t know.”
Tumango siya habang tumititig sa akin. “How about you, Klare?” Kumalma ang tono ng boses niya na mas lalong nagpakaba sa akin. “I heard from Silver na binasted mo raw si Eion. Hindi ba crush mo iyon?”
“A-Ate, oo. Kasi… hindi kami nag click.” Diretso kong sinabi.
Ngumisi siya. “Bakit? Sino pala ang gusto mo?”
Dumoble ang kalabog ng puso ko. Wala siyang alam, Klare. Malayo siya. Calm the fuck down now. Please!
“Wala pa, Ate.” Tumawa ako.
Ngumisi din siya ngunit pigil iyon. “You know what? I think Elijah likes someone.” Aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. “Sino naman po? Di naman niya sinabi.”
“Well, I have a hunch.” Ngumiwi siya.
Napalunok ako. “Sino? And… uhm… paano mo nasabi?”
“Well, tuwing tumatawag ako ay paalis siya ng bahay at lagi niyang sinasabing pupunta siya…” She trailed off.
“Saan po?” Matigas kong tanong.
Kinagat niya ang labi niya. “Klare… I want to know… I want you to be honest. I have been thinking about this for a quite long time now. Di ako naniniwala. But I couldn’t let go of the idea.” Seryoso niyang tanong.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]