Until He Was Gone – Kabanata 37

Kabanata 37

Offer

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakarating ako sa Dahilayan Forest Park. Nag punta kami dito kasama rin ang mga pinsan ko noong summer ngunit ngayon ay malaki ang pinagbago nito. Maraming nadagdag na bago at mas lumawak ang landscape.

Papasikat pa lang ang araw pagkarating namin. Tahimik gaya ng inaasahan namin. Weekdays kasi kaya wala gaanong turista. Niyakap ko ang sarili ko. Masyadong malamig. May fogs pa sa di kalayuang bukid.

“Want to try the ziplines?” Natatawang sinabi ni Elijah.

Ilang beses ko na iyong nasubukan at alam kong ganon rin siya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nagsasawa sa thrill at sa tanawin na hatid nito. Unti-unti akong tumango.

“Sorry, baby, there’s nothing new.” Aniya.

“Okay lang. ‘Nong una ko ‘tong sinubukan si Charles ang partner ko. ‘Nong pangalawa si Erin. This will be better with you.”

Nagtaas siya ng kilay sa akin at tinitigan niya ako.

Kabado tuloy ako sa mga titig niya. Gusto kong luminga linga para makita kung may kilala ba kami. But now, I need to let it go. Gusto kong maging masaya kasama siya.

“Alright. All rides, then?” Tumatawa siya at dumiretso na sa counter para bayaran.

“Wag namang all rides, Elijah. I’m not fond of zorbing. The Zipzones will do.” Sabi ko.

“Alright, baby.” Aniya at inakbayan ako.

Napatingin ako sa kamay niya sa balikat ko. Mahigpit ang akbay niya na para bang may aagaw sa akin. Inabot niya sa babaeng nasa counter ang pera niya at may ni fill up siyang form kaya kinalas niya ang pagkakaakbay niya sakin.

Shall I pay him? No? Dammit! It’s so weird! Kung sa mga pinsan namin ay patayan ang makalibre tapos sa kanya ay libre ako halos lahat.

“Mr. and Mrs. Montefalco?” Nakangising sambit ‘nong babae.

Tumawa si Elijah habang nanlalaki ang mga mata ko.

Nakita ko sa form na nakalagay ang kumpletong pangalan namin:

Elijah Riley V. Montefalco

Klare Desteen L. Montefalco

“Ay hindi po ba?” Nagulat ang babae sa panlalaki ng mga mata ko.

“Okay lang, miss.” Sabay kuha ni Elijah sa mga bracelet na dapat ilagay para maka pasok kami sa mga zipzones nila.

Hinila niya agad ako palayo sa babaeng tinawag kaming Mr. and Mrs. Now, I’m scared. Hindi ako makapaniwalang tinawag kaming Mr. and Mrs.! That’s all because we have the same family names!

“Baby, what’s up?” Natatawang tanong ni Elijah sa akin.

Sinimangutan ko siya. “Hindi ka ba nabo-bother? She thought we are married.”

Nagkibit balikat si Elijah. “Ano ngayon? Nagulat lang ako kasi akala niya kasal na tayo, e ang babata pa natin. Do I look like 20s or something?” Humagalpak siya sa tawa.

Umiling ako.

He’s crazy. Hindi niya talaga naiintindihan na nakaka bother kaming dalawa.

“Tara na, we’ll try the shortest.” Sabay hila niya sa akin.

“You are crazy!” Sabi ko.

“I know…” Ngumiti siya at nagpatianod na ako sa hila niya.

Panay ang sigaw ko sa shortest zipzone. Maging sa pangalawa ay sigaw ako nang sigaw. Hindi parin talaga nawawala ang thrill sakin nito. May takot kasi ako sa heights. Kaya pagkatapos ng dalawang zipzone ay nanginig agad ang kamay ko.

Tumatawa na si Elijah habang pinapanood akong kabado para sa pinakamahaba, pinakamatayog, at ang pinagmamalaking zipline dito sa Dahilayan.

“You look constipated.” Tumawa siya.

Hinampas ko ang braso niya.

Sumakay kami sa sasakyang magdadala sa amin doon sa longest zipline. May nakita akong mga ATV sa labas. Tinuro ko iyon kay Elijah.

“Di ba gusto mo sumakay doon?” Tanong ko.

Iyon lagi ang sinasakyan ni Elijah, Rafael, at Damon tuwing pumupunta kami dito. Well, as for Azi, hindi iyon sumasakay ng ATV dahil muntik na siyang nahulog sa bangin nong una niyang sakay. Ayaw nong magkaroon ng sugat ang kanyang makinis na balat. Gay and vain at the same time.

Hinawakan niya ang nakaturo kong kamay at binaba niya ito.

“Sasakay ka ba don pag sumakay ako?” Tanong niya.

Napatingin ako sa mga mata niyang nakatuon lang sa akin. Umiling ako. Pwede rin pero umiling ako.

“Then we’ll just do the things you want to do, Klare.” Aniya.

Ngumuso ako. “Gusto ko rin namang gawin iyon.”

Umiling siya. “Hmmm. Malayo tayo sa isa’t-isa sa ATV. Besides, it will give me a heart attack, Klare. Ayokong magaya ka kay Azi. Baka sa sobrang pag aalala ko sayo, ako pa ‘yong mahulog sa bangin.” Tumawa siya.

I guess he’s right. Ayaw ko talaga sa mga disgrasya na iyan. Ewan ko ba. Simula ata nang nadisgrasya si Elijah at Azi noong birthday ko ay natatakot na ako sa mga maaring mangyari.

Hinawakan niya lang ang kamay ko. May kasama naman kami sa loob ng sasakyan ngunit isang buong pamilya sila at mukhang walang pakealam. Ninanamnam lang nila ang tanawin sa labas. Ang mga pine trees at ang magandang Forest Park ay nakakarelax nga namang tingnan.

“Ang OA mo palang boyfriend.” Tumawa ako habang iniisip ang pagiging masyadong over protective niya sa akin.

Napaawang ang bibig niya. Para bang may mali sa sinabi ko at natigilan siya.

Tumaas ang kilay ko at naghintay ako sa sasabihin niya.

“Boyfriend.” Aniya at ngumisi siya.

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko na naman mapigilan ang mga barriers ko sa pag balik. I need to stop. I need to stop thinking for a little while. Naiisip ko na naman kasi ang katotohanang mag pinsan kaming dalawa. Pareho kaming Montefalco at iisa ang dugong nananalaytay sa amin.

Bumagsak ang tingin ko sa dalawang kamay naming magkahawak. Malaya nga kami dito pero binibigyan ko parin ng kadena ang sarili ko. This is forbidden. Masakit pala iyong alam mo sa sarili mo na mali ang ginagawa mo pero ginagawa mo parin. Masakit. Bakit masakit? Kasi kayang kaya mo iyong labanan pero hindi mo ginagawa. Nakakawalang respeto sa mga prinsipyo ko. Kaya naman kung magalit ang mga pinsan ko sa ginagawa namin ni Elijah ay maiintindihan ko.

“Baby, give your thoughts up for me this time please? Just this day.” Inangat ni Elijah ang baba ko.

And how could I hurt him? Paano ko sasaktan ang lalaking mahal na mahal ko? I would rather get hurt than see him hurt. Mas lalo akong masasaktan pag nakita siyang nahihirapan. Paano ko ba iyon maiiwasan? Paano ko siya hindi masasaktan? Isa lang. Hindi siya masasaktan pag hindi niya na ako mahal. Pero paano ko ipapatigil ang pagmamahal niya sa akin? It would kill me. I’ll break, for sure. But it is essential.

Tumango ako at ngumisi. Ngumiti din siya sa akin at hinila na niya ako palabas ng sasakyan.

Nakarating na kami sa longest zipline ng Dahilayan. Aakyat pa kami bago makasakay. Nahirapan ang pamilya na nakasama namin sa pag akyat dahil takot iyong lalaking anak niya. Tumulong pa nga ako sa pangungumbinsi na hindi naman nakakatakot. Naaalala ko kasi si Charles sa kanya. ‘Nong una ay takot din si Charles dito.

“Ikaw, di ka natatakot?” Nanunuyang tanong ni Elijah nang nasa taas na kami.

KItang kita ko kung gaano ka tayog ang tower. Hindi na ako makalakad ng maayos sa panginginig ng mga binti ko sa takot. Ang mga pine trees ng Forest Park ay matataas ngunit mas matayog pa sa kanila ang tower at ang zipline na ito.

“Tumigil ka nga.” Saway ko sa kanya habang ginagalaw ang kamay kong nanginginig.

“Aw. Klare’s scared.” Humagalpak siya sa tawa at niyakap niya pa ako galing sa likuran.

“Tumigil ka nga!” Sabay layo ko sa kanya.

Tumawa na lang siya. “We’ll be together, anyway.”

Inirapan ko siya. Ewan ko sayo, Elijah. Wag mo akong biruin ngayong takot ako.

Seryoso ako habang nilalagyan at tinatalian ng mga lubid. Naka prone position ang pagsakay sa zipline kaya seryoso akong ginawa iyon hanggang sa nakabitin na ako. Ni hindi ko na nililingon si Elijah kahit na naririnig ko ang halakhak niya sa gilid ko. Dammit! Pagkatapos nito, I’m really going to strangle him!

“Ready?” Tanong ng mga lalaking nag ayos sa amin sa likod.

Si Elijah lang ang sumagot pero sabay kaming pinakawalan. Tumili pa ako at pumikit. Ayaw kong tingnan ang nasa baba dahil natatakot ako sa mga pine trees. Tumatawa lang si Elijah sa kabila. Nag isip na lang tuloy ako ng mga paraan kung paano ko siya kukutusan mamaya pagkatapos nito.

“Open your eyes, Klare!” Aniya.

Kalaunan ay unti unti kong dinalat ang mga mata ko. Kitang kita ko sa baba ang kagandahan ng Forest Park. Malawak at walang tao. Kahit na nakakatakot ay hindi ako nagsising binuksan ko ang mga mata ko.

Nang natapos iyon ay bumaba na kaming dalawa ay agad akong niyakap ni Elijah. Tumatawa siya habang ako naman ay kinukurot siya.

“Kainis ka…” Sabi ko habang hinahawakan niya ang ulo ko at idinidiin niya iyon sa dibdib ko.

“Ouch!” Aniya sabay hawak sa kamay kong pinangkurot sa kanya. Humagalpak ulit siya sa tawa. “Pikon.”

Mataas na ang araw kaya medyo may tao na. Hindi nga lang talaga tulad sa weekdays. Madalas ay turista ang narito kaya hindi ako nangangamba. Nagyaya siyang pumasok kami sa Forest Park para maka upo doon at makakain ng snacks o kahit ano.

Pumasok kami pero hindi kami agad umupo. Namasyal kami doon at tiningnan ang tanawin. May mga life size na statue ng mga hayop. Nag papicture kaming dalawa sa mga hayop.

“Huwag mo ‘tong gawing profile picture, a? Magtatanong sila kung sino kasama mo dito.” Sabi ko.

“Okay. I’ll just make that my laptop wallpaper.” Tumawa siya.

Sinapak ko naman. “Gago! Baka makita ito ng mommy at daddy mo.”

“They don’t check my things, Klare. Masyado silang busy para don.”

“Kahit na.” Naningkit ang mga mata ko sa kanya.

“Alright, whatever you say.” Ngumisi siya.

Sobrang daming pictures ang kinuha namin. At dahil kaming dalawa lang naman ay puro selfie lang ang nagawa namin.

Natabunan ng matatabang ulap ang araw kaya medyo dumilim at hindi na masyadong mainit. Mag pipicture pa sana ako sa malawak na landscape nang hinila ni Elijah ang kamay kong nakahawak sa cellphone at niyakap niya ako galing sa likod. Kumalabog ang puso ko at nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang ginawa.

Pinag salikop niya ang dalawang kamay namin habang yakap yakap niya ako. Nilagay niya ang ulo niya sa leeg ko at nakaharap kaming dalawa sa malawak na view ng buong Dahilayan Adventure Park.

“I love you, Klare. I’m in love with you. So damn much.” Wika niya.

Napalunok ako sa sinabi niya. Pinagmasdan ko lang ang braso naming dalawa na parehong kulay pula sa parehong jacket na sinusuot namin.

“I’m in love with you, too.” Marahan kong sinabi.

“I wish I could change the circumstances. I wish I could change everything.” Bulong niya.

Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi niya. Dahil alam ko sa sarili ko na imposible ang hinihingi niya, at imposible talaga kaming dalawa. Ang tanging posible na lang sa ngayon ay ang tumigil siya sa pagmamahal sa akin. Iyon na lang talaga ang hihintayin ko. Dahil imposibleng humingi ng tulad ng gusto niya.

“I wish I could, too.” Sabi ko.

Tumayo lang kami doon nang magkayakap habang pinagmamasdan ang malawak na tanawin. Naiiyak ako sa sitwasyon namin. Bakit pa nagkaganito? Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko sa Panginoon. Kung bakit ba namin minahal ang isa’t-isa gayong mag pinsan kami? O kung bakit pa kami ginawang mag pinsan kung mamahalin namin ang isa’t-isa?

“Run away with me.” Bulong niya.

Kinagat ko ang labi ko at bumagsak ulit ang tingin ko sa mga kamay namin. Pinaglalaruan niya ang mga daliri ko.

“Please, baby.” Dagdag niya.

Naaalala ko si Peter Pan sa sinabi niya. ‘Yong anyaya niya kay Wendy na sumama sa kanya sa mundong parang panaginip.

“Elijah, don’t tempt me, okay?” Bulong ko pabalik sa kanya.

“I want to tempt you. I want to run away with you.” Aniya.

Umiling ako. Hindi ako makapaniwalang kaya niya ngang talikuran ang lahat para sa akin. Masama iyon para sa kanya. Masama para sa aming dalawa. Masasaktan ang mga pamilya namin. Oo, magiging masaya kami sa piling ng isa’t-isa pero mahihirapan kami sa sitwasyon.

But here is the truth. Hindi forever ang panaginip. Nagigising din tayo sa mga iyon.

“Elijah, it’s scary.” Sabi ko.

“Don’t be scared. I’m here.” Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

Mas lalong piniga ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Walang umimik sa aming dalawa habang dinadama namin na magkayakap kami. Ito na ata ang pinakamahabang yakapan namin. Ang sarap ng pakiramdam na hindi niyo kailangang mag tago sa ibang tao. Ang sarap sa pakiramdam na kaya niyong ipakita sa lahat kung ano talaga ang nararamdaman niyo.

“I actually want to offer to take your pictures.” Narinig ko ang isang seryoso at pamilyar na boses ng lalaki sa likod namin.

Kumalabog ang puso ko at agad kaming lumingon sa likod. Kinalas ko ang yakap ni Elijah sa akin at lumayo ako sa kanya. Naubos yata ang dugo ko sa mukha. Nanlamig ang mga kamay ko at nakita ko ang nakakagat labi at nakataas ang kilay na si Pierre Ty. Naka kulay violet V-neck t-shirt siyang may nakalagat na ‘MENTAL’ at naka khaki shorts siya. Ang dalawang kamay niya ay nasa likod habang pinapanood niya kami.

Kumunot ang noo ni Elijah at hinila niya ako sa likod niya.

“Nakita ko kayo sa malayo. Nag se-selfie. I figured you want pictures taken by someone else.” Nagkibit balikat si Pierre at tumingin sa akin.

Nagtatago na ako sa likod ni Elijah sa sobrang kaba ko.

“So I want to offer.” Dagdag niya.

“Thanks but we don’t need the help. Let’s go, Klare.” Sabi ni Elijah.

Tumango ako at sumunod sa kanya patungo sa clubhouse kung nasaan ang restaurant nila.

Dammit! Now we’re done! Tahimik kaming dalawa habang palayo kay Pierre. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong bumalik kay Pierre at mag makaawang wag niyang sabihin kahit kanino ‘yong nakita niya. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakapamulsa na at nakatingin sa aming dalawa.

“Elijah, baka magsumbong siya.” Nanginginig ang boses ko nang sinabi ko iyon.

“Wala siyang kaibigan sa mga pinsan natin.” Aniya. “And don’t be scared. Kung anong mangyari, I’ll stand with you.” Sabay hawak niya sa kamay ko nang papasok kami sa restaurant.

“Elijah, Kilala nina Joss at Eion si Hendrix Ty. Kuya siya ni Pierre.” Nag aalala kong sinabi.

“Boys don’t usually spread the news, Klare. Unless he’s gay.” Ngumisi siya.

Sinimangutan ko naman siya.

Humalakhak siya. “There. Stop worrying, okay? Kumain na lang tayo.”

Naglahad siya ng upuan. Umupo ako doon. Kinakalma ko ang sarili ko. Pinapanood niya naman ako na para bang mababasag ako any moment.

“Hey, baby, it’s okay.” Sabi niya.

Tumango ako at huminga ng malalim. “Bathroom lang ako saglit.” Sabi ko nang medyo huminahon.

Dahan dahang tumango si Elijah.

“Order anything for me.” Sabi ko at dumiretso na sa bathroom para iwan siyang mag order ng pagkain.

Mabuti naman at kumalma ako sa loob ng bathroom. Naisip kong sa oras na makita ulit namin si Pierre sa Dahilayan ay makikiusap akong wag sabihin kahit kanino ang nakita niya. At maaring hindi rin maniniwala ang mga tao kung sasabihin niya ang nalaman niya. Hindi naman siya kaibigan ng kahit na sino sa grupo namin kaya okay lang siguro.

Bumuntong hininga ako bago lumabas ng bathroom. Nadatnan ko agad ang table namin na hindi lang si Elijah ang nakaupo. Nalaglag ang panga ko nang nakita kong may kasama na siya doon. Isang pamilyar na umaalong buhok ng babae. Namukhaan ko agad ang built ng katawan niya kahit medyo nagkalaman siya kumpara nong high school.

Sumulyap si Elijah sa akin at sumenyas siyang lumapit ako sa table. Umiling ako at ipinakita ang cellphone ko sa kanya. Mag titext ako. No. I won’t go near Gwen Marie Ramos, his ex. Pierre Ty is one thing, and Gwen is another. Magkaibigan si Erin at si Gwen, kumpara kay Pierre, mas kidlat kumalat ang balita kay Gwen. I would rather starve outside and wait for them to finish ‘catching up’ than stay.

Umiling si Elijah ngunit wala na siyang nagawa. Bago pa lumingon si Gwen sa kinatatayuan ko ay tumakbo na ako palabas doon.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: