Until He Was Gone – Kabanata 36

Kabanata 36

Tiwala

Napigilan ko si Elijah sa mga plano niyang pagsabihan si Erin. He wouldn’t calm down about it. Masyado na rin niyang pinupuna ang mga galaw ni Erin. Naguguluhan siya kung ano ang gusto niyang gawin: kung pagbabatiin niya ba kaming dalawa o pagsasabihan na si Erin.

“Dito ka, Klare.” Sabay lahad niya sa katabing upuan ni Erin.

Hindi iyon pinansin ni Erin. Kakatapos lang ng mga speeches ng President at iilang importanteng tao sa school. Fireworks display na ang susunod. Iyon ang inaabangan namin bilang hudyat na iilaw na ang mga Christmas lights ng mga puno at simula na ang Xavier Days.

Simula pa lang kanina ay hindi na sumasama sina Julia, Liza, at Hannah sa amin. Siguro ay napahiya ng husto si Hannah sa pag tanggi ni Elijah kaya kinailangan niyang mag lie low.

Lumunok ako at nag offer naman ako ng fries na binili ni Elijah para sa akin. Nag offer ako kina Azi, kumuha sila at ngayon, mag ooffer naman ako kay Erin.

“Fries?” Sabay lahad ko non sa kanya.

Tumingin siya sa fries na nilahad ko. “No, thanks.” Aniya at nagpatuloy sa panonood sa mga taong nasa stage.

“Asan na ang girls, Erin?” Tanong ni Josiah sabay tapik sa likod ni Erin.

Nasa likod namin sina Josiah, Azi, at Rafael. Nasa gitna naman ako ni Elijah at Erin. Tahimik lang ako habang pinapanood ni Elijah ang bawat galaw ni Erin.

“Wala. Syempre…” Hindi niya na dinagdagan iyon.

“Si Elijah kasi, tinanggihan pa si Hannah! Sayang ‘yon dude! Busy ka ba bukas?” Tanong ni Azi.

“Oo…”

“Good. Kasi busy din ako dito sa school.” Sumipol at tumawa si Azi.

“Raf, patulan na lang natin yung marathon bukas?” Yaya ni Josiah kay Rafael.

“Anong gagawin mo, Elijah?” Usisa ni Erin.

Humarap siya kay Elijah. Nilingon ko naman siya. Ni hindi niya man lang ako tiningnan. Diretso ang titig niya kay Elijah.

“School stuff. Bout you, Erin? Going out with the girls?” Tanong ni Elijah.

“Maybe. Ayaw niyong makipag hang out, e.” Sumimangot si Erin.

Sumulyap si Elijah. “Kasama ba si Klare?”

He’s trying his luck. Hindi ako pwede bukas. Alam niya iyon. Dahil bukas kami pupuntang Dahilayan. Kaming dalawa lang ni Elijah. Mas mabuti raw na bukas imbes sa weekends. Wala masyadong tao pag weekdays, e.

“U-Uh. If she wants to come.” Nagkibit balikat si Erin.

“Why don’t you invite her instead? Imbes na maghintay na pumunta siya?” Medyo mariing sinabi ni Elijah.

Hindi umimik si Erin. Unti-unti niya akong tiningnan. Yumuko na lang ako. “May lakad din naman ako bukas. Okay lang.” Sabi ko.

“Okay.” Sabi ni Erin at tumingala na sa madilim na langit.

Dinig ko ang buntong hininga ni Elijah sa gilid ko. Tawanan naman ang nasa likod. Alam kong sinusubukan lang ni Elijah na magkabati kami ni Erin.

Nagsimula na ang fireworks. Nakatingala na kaming lahat habang pinapanood na sumasabog sa ere ang nag titingkarang mga kulay ng ilaw. Sinamahan pa ito ng isang tugtog kaya panay ang hiyaw ng mga estudyanteng na nonood.

Bigla kong naramdaman na humilig si Elijah sa akin. Nilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ko para makabulong…

“Sorry, baby. I’m just trying my luck.”

Tumango ako. Kahit na mahinang mahina ang boses niya ay dinig ko iyon.

“I love you.” Pahabol niya tsaka siya tumingala.

Lumipat ang paningin ko sa kanya. Nakatingala lang siya at nanonood ng fireworks. I really love you too, Elijah. This is such a sick love. Kung meron mang ganon.

Kinaumagahan ay nagising na lang ako sa alarm clock ko. Alas kwatro ng madaling araw ay nagbibihis na ako. Nagpaalam na ako kay mommy na maaga ako ngayon. Buong akala niya ay para sa Xavier Days at may kinalaman ito sa pagiging All Star dancer ko. Alam kong mali pero hinayaan ko siyang paniwalaan iyon.

Madilim pa pagkatapos kong magbihis. Kahit na tanaw sa langit na papasikat na ang araw ay malamig parin at kokonti pa ang sasakyan sa labas. Naghihintay na si Elijah sa labas pagkababa ko sa aming building. Nang nakita kong nakatingin siya sa akin ay dinalaw na agad ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit kabado talaga ako pag kasama kami.

“Good morning!” Napapaos niyang bati sa akin pagkapasok ko ng sasakyan.

Naka kulay red siyang jacket na sumisigaw ng isang popular na brand. May ballcap din siya at mukhang ready sa isa at kalahating oras na byahe patungong Dahilayan Adventure Park. Naka jeans siya at sneakers. Hindi niya pa pinapaandar ang sasakyan. Tinitigan niya pa muna ako.

“G-Good morning! Wala tayong pagkain.” Iyon ang narealize ko.

Dapat pala naghanda ako kagabi. Kaya lang ay baka magtanong si mommy kung bakit ako naghahanda.

Tumango siya. “Drive Thru na lang tayo sa Gateway.”

Tumango ako at inayos ko ang seatbelts ko.

“Malamig don, Klare. You’re showing too much skin.” Sabay nguso sa suot ko.

Umirap ako. Ayaw ko talaga ng may sinasabi siya sa suot ko. Buti at may rason siyang ‘malamig’. Kasi kung ayaw niya lang nito kasi nagpapakita ng ‘too much skin’ ay baka nagtatalo na kami ngayon.

Naka sleeveless floral top naman ako. Hindi naman nakikita ang kahit ano doon. Hindi ko naman siguro hahayaan ang sarili kong magsuot ng nakakabastos na damit. Naka tamang shorts lang ako. Namimiss ko kasi ang mag shorts dahil hindi naman kami pinapapasok sa school pag ganito.

“Suotin mo ito.” Sabay bigay niya sa isa pang mas maliit na pulang jacket tulad ng suot niya.

“Okay.” Sabi ko at sinunod ang payo niya.

Pareho na kami ng jacket ngayon. Naisip ko tuloy iyong mga uso ngayong couple shirts o couple jacket. Damn! This is so weird!

Dumaan kami ni Elijah sa isang fast food para bumili ng breakfast. Doon na lang daw kami kakain sa Dahilayan ng lunch at snacks at kung anu-ano pa. Hindi rin ako sigurado kung tama bang mag dala ng camera kaya hindi ko dinala ‘yong amin. Ganon din ata si Elijah. Tama na siguro ang cellphone naming dalawa. Ayokong mangalap ng maraming ebidensya sa trip na ito.

Pinicture-an ko siya gamit ang cellphone ko. Kumunot ang noo niya at ngumuso habang nag dadrive. Kitang kita sa picture ang matangos niyang ilong at naka pout niyang labi. Hindi ko maiwasang di ngumisi habang tinitingnan ang mga kuha niya.

“Palit naman kaya tayo? Ikaw ang mag drive tas ako yung magpipicture sayo? I’m distracted, Klare.” Humalakhak siya.

Tumawa ako, “What’s wrong? Maganda naman ang kuha mo sa mga stolen shots mo, a?”

“Gwapo dapat. Hindi maganda. Nababadingan ka ba sa mukha ko?” Umismid siya.

Tumawa ako. “It’s just a term. Don’t take it seriously. O baka naman guilty ka? Bading ka talaga?”

Mas lalo lang siyang sumimangot. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok at sumulap sa akin.

Oh dammit! Now, Klare, don’t push his asshole button or he’ll take your breath away. Noon pa man, alam ko na pare parehong gwapo ang mga pinsan kong lalaki. May dugong Espanyol ang lolo namin kaya ipinasa niya sa amin ang matatangos na mga ilong, makikinis na balat, at kung anu-ano pang katangian ng mga Espanyol. Brown pa nga ang kulay ng mga mata ni Josiah at Damon. Natural namang kulay brown ang buhok ko. Pero ngayon ko lang talaga aaminin na sinalo na yata ni Elijah ang kakisigang umambon sa mga pinsan ko. Iyong mga mata niyang nagdadala talaga ng ekspresyon dahil sa mga pilikmatang nakapalibot, matangos na ilong, lower lip na may kurba at palaging nang aakit manghalik, at ang makisig na katawan niyang tama lang sa tangkad. He’s dropdead gorgeous. It’s scary and forbidden.

“Hey, ikaw lang ang kumakain diyan. Subuan mo naman ako.” He pouted.

“Okay po!” Sabi ko at kumuha ng fries para ilagay sa nakanganga niyang bibig.

Ngumisi siya at nginuya iyon.

Madilim ang daan paakyat ng Bukidnon. Kita mo agad ang city lights ng Cagayan de Oro habang paakyat pa lang kami. Natitigilan ako sa paninitig sa madilim na dagat at sa ang gagandahang ilaw galing sa mga building, kabahayan, at pyer.

“Ingat, Elijah.” Sabi ko nang nakita ang mga naglalakihang mga truck na nakakasalubong namin.

“Talagang mag iingat ako. Kasama kita. Kung ako lang mag isa, naka 120kmph na itong sasakyan ngayon!” Tumawa siya.

Hinampas ko ang braso niyang nasa manibela. “Mag ingat ka parin kahit wala ako. Kaya ka nadidisgrasya!”

Umiling siya. “Hindi kaya ako ‘yong may kasalanan sa disgrasya namin ni Azi. Siya!”

“Kahit na.” Kinakabahan tuloy ako sa sinabi niya.

Naiisip ko tuloy kung paano kung madisgrasya kami o madisgrasya siya. Damn, negative thoughts! Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko habang nag dadrive. Pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa.

“Don’t get upset.” Aniya.

“E kasalanan mo! Ayoko sa mga disgrasya na ‘yan!” Sumimangot ako.

Sumulyap siya at ngumisi. “Klare, I can beat the red light with this car kahit malayo pa tayo. Believe me, hindi ko ito ibabangga lalo na pag nandyan ka.”

Kinurot ko ang tagiliran niya. Ininda niya ang sakit at tumawa rin. Mukhang tuwang tuwa siya sa pagkakainis ko. “Beat the red light your face! Just drive safely! Sintukin kita diyan!”

Humagalpak siya sa tawa. “Ohh… Natatakot ako sa suntok mo. Paniguradong masakit ‘yon.”

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay kong nakasalikop sa kanya. Kinagat ko ang labi ko para mag pigil ng ngisi. Niloloko ako ng isang ito.

“Gusto mo suntukin kita?”

Sumulyap siya sakin at ngumisi. Hinigit niya ang kamay ko patungo sa kanyang mukha at hinalikan niya ito. “Try, baby.” Malambing niyang sinabi.

Ngumuso ako. Ayaw ko talaga ng naglalambing siya. Nalulusaw ako. Gusto kong mag tago o di kaya ay kainin na lang ng lupa.

Biglang tumunog ang cellphone niya. Nasa drawer iyon kaya kinuha ko. Nakita kong nag alarm iyon: Date with Klare.

Ngumisi ako. Ang OA talaga nitong si Elijah. Hindi ko inakalang ganito siya ka OA kung… okay, I can’t continue. Pinatay ko iyon at tiningnan ang cellphone niyang may password.

“What’s the password?”

Tumikhim siya at umambang aagawin ‘yong cellphone sa akin. Kinabahan agad ako. I don’t want to be possessive. Kahit na iyon naman ang nangyayari palagi ay nagsisikap parin akong wag siyang angkinin. Tulad ng sinabi ko noon, nandito ako habang mahal niya ako. Sa oras na magmahal siya ng iba ay kayang kaya ko siyang pakawalan kahit na masakit iyon sa akin.

Mariin kong tinikom ang bibig ko. Kinalas niya ang kamay niya sa kamay ko nang inilahad ko ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at sumimangot siya sa akin.

May pinindot siya sa screen nito at pagkatapos ay ibinalik ulit sa akin. Oh? Akala ko ayaw niyang basahin ko kung anong meron sa loob? Itinukod niya ang siko niya sa bintana habang pinaglalaruan ang kanyang labi.

“Hindi ko naman titingnan kung ayaw mo, Elijah.” Sabay lahad ko ulit sa cellphone niya sa kanya.

Umiling siya. “Wala akong tinatago sa’yo. I don’t want you to think like that.”

“Alam ko naman. I mean…” Bumuntong hininga ako. “I believe you.”

Umiling ulit siya. “Just check it, Klare.”

Tumunganga lang ako sa kanya. Alright. I will. Para matahimik siya. At matahimik din ako. Una kong tiningnan ang gallery. Nakita ko iyong mga pictures nila ni Azi at Josiah sa gym. Natatawa na lang ako sa mga pictures nila. Lalo na nang ginaya nilang lima, kasama si Damon at Rafael, iyong The Creation of Adam painting ni Michealangelo. Si Elijah ay nakaturo sa baba ng equipment habang si Azi naman ang nakaturo sa taas ng equipment at ang nasa likod niya ay ang tatlong baliw kong pinsan. Humagalpak ako sa tawa.

“Nasa Instagram ba ito?” Tanong ko sabay pakita sa picture.

“Yup. Raf’s.” Aniya.

Kaninong idea ito? Hindi ko alam. Pare pareho naman kasi silang baliw. Nag scroll down pa ako at nakita ko na iyong mga pictures naming dalawa. Natigil ako sa pag tawa at tiningnan na lang iyon isa-isa. Napadpad naman ako sa video nang kinanta ko ang Tadhana sa bahay. Habang pinapanood ko iyon ay tinanong ko siya…

“Ba’t di mo ‘to pinopost?” Tanong ko.

Sumulyap siya sa akin. Pinanood ko siyang nagdadrive at kumukunot ang noo sa tanong ko.

“Coz I find it hot.”

Nanlaki ang mga mata ko. “What?”

“Ganda mo diyan, marunong kang mag guitar, at malamig pa ang boses mo. I don’t want to post it. Didn’t like the idea.” Seryoso niyang sinabi.

“P-Pero nasa background ka naman.” As if may magagawa ang pagiging background niya para ma post niya ito. Ewan ko kung bakit iyon ang naisip kong rason.

“Mukha akong… mukha akong patay na patay sayo diyan, e.” Ngumisi siya.

Tiningnan ko ulit ang video. Nandoon lang siya, nakatingin sa likod ko, o baka naman sa repleksyon ko sa salamin. Nakayakap siya sa unan at nakahiga sa kama ko. He looked tired.

“Nah. You just look tired and sleepy.” Sabi ko kahit na medyo halata nga iyong paninitig niyang seryoso sa akin.

“Too attentive for a sleepy ass, Klare. Anyone would fall asleep coz of that voice. Pero pinili kong dumilat at manood sayo. You don’t need to be a genius to figure that out.”

Tumikhim ako at naisip na hindi kaya dito pa lang ay may nararamdaman na siya sa akin? I don’t know. Ang naaalala ko lang sa mga panahong ito ay ang pagiging upset ko kay Eion. Ni hindi ko napansin na may ganitong nararamdaman ba si Elijah.

Tinigilan ko ang panonood at ibababa ko na sana ang kanyang cellphone nang may nakita akong mensahe. Kararating lang nito at aksidente ko iyong na open. It was a ‘Good morning’ message from Cherry.

Nakita ko rin doon na halos araw araw siyang nag go-good night at good morning kay Elijah. Be it a GM or not, she’s trying hard to get his attention. Walang reply na galing kay Elijah doon.

Hindi ko na napigilan ang pagtingin sa inbox niyang punong puno ng mensahe galing sa ibang babae at galing sa mga pinsan ko. May galing kay Hannah.

Hannah:

Sorry last night. Nahiya tuloy ako sayo.

Iyon ata ang message niya kahapon. Pagkatapos niyang matanggihan.

Elijah:

I’m sorry too. Just really busy.

Hannah:

Okay. Hope next time.

Hindi na nag reply si Elijah. Nakakita pa ako ng napakaraming mga unknown numbers at mga numbers ng mga kaibigan ko at kaibigan niyang babae na nag titext ngunit hindi niya nirereplyan. Ang tanging nirereplyan niya ay si Azi, tungkol sa gym at basketball, si Josiah, tungkol sa NBA, at ako tungkol sa mga bagay na walang katuturan.

Hanggang sa napadpad ako sa isang pamilyar na pangalan.

“Hey, you okay?” Tanong niya nang narealize na panay na ang basa ko sa mga messages.

Tumango ako.

Nakita ko ang pangalan ni Gwen Marie Ramos. It’s his one and only ex! Napalunok ako bago ko binuksan ang messages. Kaonti lang ang history. Tatlong message lang.

Gwen:

Ej, I’m in CDO. Catch up?

Noong isang araw niya iyan natanggap! That means she’s probably still in CDO now?

Elijah:

Can’t Gwen. I’m quite busy.

Gwen:

Aw. That’s too bad. 3 days lang ako dito. Sayang.

“Hey…” Nilingon na ako ni Elijah.

“Nandito sa CDO si Gwen?” Tanong ko.

Tumikhim siya. “Yup. So?”

Ngumuso ako.

“This is why I don’t like you reading my inbox. Paki delete lahat ng messages except nung sayo, please.”

Ngumisi ako. “I’m not upset. Nagtanong lang naman ako, a?”

Sinulyapan niya ako. Para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko kaya mas lalo kong nilakihan ang ngisi ko. Ang totoo ay na bother naman talaga ako. Syempre, ex niya iyon. Nag iisang ex. Pero okay lang kasi wala namang ginawang mali si Elijah. Tingin ko nga ay determinado talaga siyang kunin ang tiwala ko. Totoong nakuha niya iyon. Kaya kahit nakakaligalig ay balewala iyon. Mas marami akong kailangang problemahin kesa sa ex niyang hindi niya naman pinapansin.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: