Kabanata 35
Trouble
Ang akala ko ay madali lang magmahal. Mukha namang madali iyon sa iba. Lalo na pag may nakikita akong mga lovers na dumadaan sa harap ko. It looks so easy. Naisip ko tuloy kung paano kaya ‘yong mga babaeng ayaw ng mahal nila? O paano naman kaya ‘yong mga lalaking ayaw naman ng babaeng minamahal nila? It’s hard for them too.
Bumuntong hininga ako at dumungaw na lang sa mga hand outs ko. Sana ngayon ay mas mahigitan ko pa iyong score ko last time.
Kaya lang ay distracted ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para ipirmi ang utak ko sa school kung ganito naman ang sitwasyon.
“Let’s go. Gusto ko munang pumunta sa canteen.” Ani Erin sabay hila kay Julia at Liza. Nakatayo na si Hannah dahil gusto niya rin dawng uminom ng malamig na softdrinks.
Gusto ko rin sanang uminom ng Thirsty kaso alam kong ayaw ni Erin na kasama ako. Alam ko. Dahil ilang beses na itong nangyari sa linggong ito. Mabuti at busy kami sa school kaya hindi ko masyadong namamalayan. Tsaka ko lang talaga namamalayan tuwing ganito na ang nangyayari.
Napapaisip ako. Wala rin naman talaga akong kawala sa galit ni Erin o ni Chanel. Oo, medyo may tampo rin si Chanel sa akin. Aniya’y siya daw iyong tumulong kay Eion sa paghahanap sa akin sa buong campus nang binigyan niya ako ng malaking bouquet. Inisip daw niyang magiging masaya ako. Hindi niya matanggap na sinayang ko ang pagkakataon.
Pero totoong wala rin akong kawala sa galit nila. Una sa lahat, kung sinagot ko si Eion at nagsinungaling na lang sa sarili ko tungkol kay Elijah, mangingibabaw parin iyong nararamdaman ko para sa isa. I know, I’m a fool. I’m crazy. Kung ano man ang nangyari sa konting logic na binigay sa akin ng Panginoon ay hindi ko na alam. I’m now really convinced that it’s all because of the demons inside my stomach. Siguro ay talagang na udyok nga ako ng demonyo dito. Kaya tingin ko, kung sinagot ko si Eion, at malaman nilang hindi ko siya mahal, magagalit parin sila sa akin.
Pangalawa ay ang sitwasyon ngayon. Hindi ko siya sinagot, nagalit parin sila. Just the same for the two choices I can make. Naniniwala akong pinili ko lang ang daang mas mahirap ngunit mas mabilis.
“Claudette!” Sabay higit ni Erin sa kamay ni Claudette.
Humigpit ang hawak ko sa mga hand outs ko. Ganito palagi ang eksena. Sa huli ay si Claudette ang maiiwan o aalis ng malungkot para sa akin.
“I’m not thirsty, Erin.” Ani Claudette.
Gusto ko sanang kausapin si Erin. Hindi naman talaga ako iyong tipong magiging pipi sa ginagawa niya sa akin ngunit naintindihan ko iyon. She got disappointed with me. She cared for Eion, too. At natural lang na magalit siya sa akin. She’s been with me for years at nakita niya kung paano ako nagkandarapa sa kay Eion. Nagulat siya at tinanggihan ko si Eion.
“Oh well, whatever!” Aniya at umalis na silang apat nang hindi kami kasama ni Claudette.
Hindi naman talaga nila ako niyayaya. Hindi sumama si Claudette kasi naawa siya sa akin. Dahil nitong mga nakaraang araw, ganito ang nangyayari.
“Sinabi mo na ba kay Elijah ang tungkol dito?” Tanong niyang bigla sa akin nang kaming dalawa na lang sa benches.
“Sinabi ko lang sa kanya na galit si Erin sa akin.”
“Dapat ay sinabi mo rin sa kanya na halos hindi ka niya pinapansin, Klare.” Ani Claudette.
Umiling ako. “He’s scaring me. Ayokong magalit siya kay Erin sa oras na sabihin ko iyon.”
Yes, I’m scared. Natatakot ako sa mga maaaring gawin niya o sa maaring sabihin niya sa oras na malaman niyang ganito.
Tinitigan ako ni Claudette. Naka tali ang itim na buhok niya ngayon at bangs lang ang takas sa pagkakataling iyon. Nakakatakot ang mapanuri niyang mga mata.
“He’s madly in love with you.” Aniya at humilig siya sa akin.
Luminga linga ako at siniguradong walang tao. Mabuti naman at ang susunod na crowd ay sa malayo pa. Mahilig talaga kaming umupo sa benches malapit sa Loyola House. Bukod sa malamig ang hangin dito ay wala pa masyadong tao bukod sa mga dumadaan patungo sa klase nila sa building di kalayuan.
Hindi ako umimik.
“I’m sure, isang salita mo lang ay may magagawa na siya-“
“Claudette, please don’t tell him.” Putol ko sa kanya.
Tumango siya. “Hanggang ngayon, hindi ko parin maintindihan kung paano kayo nangyaring dalawa. Hindi ko maimagine ang sarili ko na nagkakagusto kay Josiah, or Kuya Justin…”
Tumingin na lang ulit ako sa aking mga hand outs. Hindi ko siya matingnan ng diretso. Umismid na kasi siya at mukhang kinilabutan.
“I know. Hindi ko rin naman naintindihan nung una.”
Naging malamig din ang turing ni Eion sa akin. Hindi. Siguro ay naging mas malamig. Ni hindi niya ako tinitingnan tuwing nagkakasalubong kami. Kahit kasama ko sina Erin, Julia, Liza, Hannah, at Claudette ay halos hindi siya lumingon sa amin.
“Hi, Eion!” Kumaway si Liza nang nakasalubong namin si Eion isang araw.
Sinundan ko siya ng tingin. Ano ang magagawa ko para mag kaayos ulit kami? Wala. Kailangan ko lang lumayo. Kailangan ko lang talagang dumistansya sa kanya.
“Ano ba ‘yan, di tayo pinapansin ni Eion!” Sabi ni Liza sabay tingin sa akin.
Ngumuso ako. Guilty’ng guilty ako.
“Namamansin naman ‘yon minsan.” Dagdag ni Hannah.
Yes, probably when I’m not around.
“Paano ba naman kasi, sino ba kasing masisiyahan sa mga paasa pero mambabasted pala? Tss.” Umirap si Erin at hinawi ang buhok niya.
Kumunot ang noo ko. Inaamin ko. Nanakit ako kay Eion at tanggap ko kung saktan ako ni Erin. Gusto kong mangatwiran na talagang hindi ko lang mahal si Eion. At wala siyang karapatan na husgahan ako o pangunahan ako sa kung sino ang gusto ko. Then again, I don’t have the right, too. Dahil wala namang alam si Erin tungkol sa nangyayari sa akin. Wala naman siyang alam sa tunay na dahilan kung bakit ko tinanggihan si Eion. Imbes na mangatwiran ay nanahimik na lang ako.
I don’t want to lack filter and matured civility just because of this situation. Kailangan kong mag timpi dahil may kasalanan ako at may hindi alam si Erin.
Nagpatuloy lang sa paglalakad si Eion at binalewala kaming anim.
Naging usap usapan na rin sa mga kaibigan ko ang pambabasted kay Eion. Kahit na walang nag kumpirma ay kumalat parin ito. Hindi naman iyon sinabi ni Eion. Wala ring lumabas sa kina Julia, Hannah o Liza. Ngunit may mga nakakita sa ginawa naming dalawa sa SEP benches. Iyong pagsipa ni Eion sa mga bulaklak at ang pagyaya niya ng inuman sa mga kaibigan niya. That alone is a confirmation. Maraming nag tanong sa akin pero hindi ako umiimik. I don’t want to confirm anything.
Nalaman ko sa meeting ng All Star na hindi pala kami sasayaw sa opening ng Xavier University Festival days. Ayon sa moderator namin, nakaline up na daw ang program. Mass, speeches, at fireworks lang daw ang naroon sa opening ng engrandeng celebration. Syempre, engrande ito dahil fiest ni St. Francis Xavier. Ito ang pinakahihintay ng mga estudyante tuwing Disyembre.
“Klare…” Malamig na tawag sa akin ni Chanel pagka adjourn ng meeting.
“Hmm?” Nilingon ko siya.
Halos magulat ako dahil pinansin niya ako. Hindi kasi siya namamansin. Though I’m not sure which is better. Iyong namamansin pero nagpaparinig katulad ng ginagawa ni Erin, o iyong hindi talaga ako tinitingnan man lang tulad nang ginawa ni Chanel.
“XU Days na malapit. Anong plano nina Elijah? Outing ba?” Tanong niya.
Of course, I would know Azi or Elijah’s plans for the short vacation. Kaya lang sa pagkakataong ito, may plano nga si Elijah, ngunit hindi para sa aming lahat. Kinagat ko ang labi ko.
“Wala silang plano, e.” Sabi ko.
Tumango siya at nilagpasan ako.
Tiningnan ko lang siya na bumaba sa Social Sciences building. Sumunod din naman ako. Dumidilim na rin kasi at umalis na ang mga kilala ko sa All Star. Hindi ba kami pwedeng mag sabay na lang sa pagbaba? Kailangan talagang mauna siya?
Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdanan. Ganon rin ang ginawa niya. Nang nakababa kami ay lumiko siya patungo sa pintuan ng building. Narinig ko agad ang ingay mula doon. Nagtatawanan na ang mga pamilyar na boses.
“Muntik ng manapak si Sir kay Azi! Ayan kasi ang loko nang aasar!” Tumatawang sambit ni Josiah.
“I bet pag iinitan ka non, Azi! Lagot ka!” Tumatawang sambit ni Erin.
Naroon sila sa labas ng Social Science building. Ang mga pinsan ko at ang iilan sa mga kaibigan ko. Nakaupo sila sa gilid at maging sa hagdanan palabas. Pare pareho kaming naka uniporme. Nakita ko agad ang mga mata ni Elijah na tumama sa akin. Pinapalibutan siya ni Josiah, Rafael, at Azi.
Wala si Damon. At hanggang ngayon hindi ko parin naisosoli ang I.D. ni Eba. Nag aalala tuloy ako kung nakakapasok pa ba iyon ng campus.
“Umuwi na nga tayo! Gumagabi na!” Anyaya ni Chanel pagkatapos hagkan si Brian na nag hihintay din sa kanya sa gilid ni Rafael.
Si Damon lang ang kulang sa amin. Nandito rin ang barkada ni Brian. Tatlo pang lalaki na kaibigan rin naman nina Josiah. Nandito rin sina Hannah, Julia, at Liza. Nag uusap silang tatlo at nakikita kong kinukulit nila si Hannah tungkol sa isang bagay.
Tahimik na lang ako at tumayo doon sa gilid. Nitong mga nakaraang araw, napansin ko na tahimik na talaga ako. Siguro ay dahil na rin hindi naman ako pinapansin ni Erin o ni Chanel.
“Last class na bukas, opening na ng XU days!” Humikab si Azi. “Panigurado maraming chics. Gagala ako dito. May ticket ba kayo sa horror house?” Sabay tingin niya kay Rafael.
“Ayaw kitang bigyan.” Nanliit ang mga mata ni Rafael. “Last year, nag reklamo ‘yong gumanap na white lady kasi hinawakan mo raw ‘yong boobs niya-“
“Hoy! Hoy!” Tumayo si Azi at para bang natatawa at naooffend sa paratang ni Rafael. “Hindi ah! Nagulat ako kaya tinulak ko siya! Damn, man! Halos maihi ako sa takot last year! Fuck you!”
“Fuck you, din! So desperate!” Umirap si Rafael.
Nagtalo ang dalawa. Nagtawanan kami. Hindi ko maiwasang hindi ngumisi. Kung sana ay bumalik sa dati ang lahat. Nahagip ng paningin ko ang mga titig ni Elijah. Napansin kong kanina pa niya ako tinititigan. Iniiwasan ko na nga siya dahil natatakot akong masyado kaming mahahalata pero siya itong hindi tumitigil sa pag titig.
“Anong plano sa XU days? Don’t tell me we’ll stay idle sa tatlong araw na walang pasok?” Tanong ni Chanel.
“Chanel, may mga projects kasi.” Utas ni Claudette.
“Oh, screw the projects. We’ll have fun.” Sabi ni Chanel habang pinaglalaruan ang kanyang buhok.
Tumayo nang bigla si Elijah. Napatalon ako. Nakatingin parin siya sa akin. Umatras ako sa kinatatayuan ko. He’ll come near me. It will be really weird. O sakin lang iyon weird?
Nag iwas ako ng tingin at bumaling kina Claudette. Alam kong sinisikap niyang wag kaming pansinin pero hindi niya maiwasang tumitig sa gitna ng tawanan ng mga pinsan ko. Tumingin ako kay Erin at nakita kong nanliit ang mga mata niya. Kinabahan agad ako.
“Hey…” Pabulong niyang sinabi.
“Oy! Si Elijah, classmate namin ‘yong si Annabelle sa isang subject. ‘Yong half american na ka fling nito noon? Nasabi ko na sa inyo?” Biglang sabi ni Azi.
Annabelle? Ito ‘yong dinala niya sa bahay nila ah? ‘Yong naabutan kong kahalikan niya?
“Shut up, Azi!” Sigaw ni Elijah kay Azi.
“Damn the man really lost all of his balls. Nahuli kong nakahawak sa kanyang hita ‘yong si Annabelle!-“
“SHUT UP!” Sabay lapit niya kay Azi.
Nag ekis agad ang braso ni Azi. Natatawa itong umatras nang sugurin siya ni Elijah at umambang susuntukin ng pabiro.
“Chill, dude!” Tawanan nila.
Alright. Hindi ako makatawa. Nakahawak si Annabelle sa hita ni Elijah? Sa klase nila. Oh God! Alright, Klare. Calm down. Calm down, please. You can’t show your feelings.
Pinilit kong ngumisi. Sumulyap ako kay Claudette. Nakita kong nakanguso siya habang pinagmamasdan ako.
“Bakit? Kinikwento ko lang naman ang nangyari. Besides, wala namang magseselos dito.” Patawang sinabi ni Azi.
“Just shut the fuck up.” Ani Elijah na mukhang naiirita na.
“Alright, alright.” Ani Azi sabay laki pa ng ngiti. “Calm the fuck down.”
“Ayoko!” Biglang umalingawngaw ang boses ni Hannah.
Nanginginig siya at para bang may pinipilit silang gawin sa kanya. Pinalibutan siya ni Julia, Liza, Erin, at Chanel. May binulong sila kay Hannah at parang diring diri si Hannah sa kanila.
“Hannah, just try. Mauunahan ka. He won’t reject you. We promise.” Dinig kong sinabi ni Chanel.
Ano iyon? Anong itatry ni Hannah?
Bumaling si Elijah sa akin at kita ko ang humihinging tawad na mga mata niya. Yes, that bothered me. Annabelle. Iyong maganda at foreigner niyang kaibigan na hinahawakan ang hita niya sa klase nila. Dammit! What a picture.
Bumuntong hininga ako. Sana ay kaya kong paiwiin lahat ng nararamdaman ko sa isang hininga lang. I need to really calm down.
“May iniingatang image si Elijah. Nag papaimpress siguro.” Tumatawang sambit ni Rafael.
“Isa ka pa, Raf. Shut the fuck up. Go home, you’re stoned.” Tumatawang sinabi ni Elijah at tumabi ulit sa akin.
Nakapamaywang niya akong pinanood. Nag iwas lang ako ng tingin sa kanya. Dammit, Elijah! Kung ako sila, mahahalata ko na talaga ngayon ang kung anong meron sa ating dalawa kung hindi ka tumigil.
“Hey, sorry for that.” Bulong niya sa akin.
DAMMIT! Gusto kong tumakbo na lang. Isang kalabit na lang at paniguradong may makakaalam na.
“Why are you sorry for Klare?” Dinig kong angal ni Azi sa likod.
Humataw ang puso ko sa kaba. Para akong tumakbo ng ilang milya. Hindi ko nga lang alam kung nailigtas ba ako nang itinulak ng mga kaibigan ko si Hannah kay Elijah. Kitang kita ko ang medyo naiirita at namumulang si Hannah nang tumama siya sa dibdib ni Elijah. Malakas ang pagtama niya. Napaatras si Elijah ngunit napigilan niya ang pagbagsak nilang dalawa.
Tumatawa si Julia at Liza. Sila iyong tumulak sa kanya patungo kay Elijah.
“Guys! I hate you!” Sabi ni Hannah at nilingon ang dalawang tumatawa. “Sorry, Elijah.” Aniya kay Elijah na ngayon ay binitiwan ang hawak hawak niyang balikat ni Hannah para suporta.
“Uh, it’s okay.” Nilingon agad ako ni Elijah.
Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mag kunwaring natutuwa. Tumayo lang ako doon at tiningnan silang dalawa na ganon ang posisyon. Hinawakan ni Elijah ang batok niya, umiling ng bahagya, at mariing pumikit.
“Elijah, may sasabihin si Hannah sayo. Importante. Hear her, please?” Ani Chanel sa likod ni Hannah.
Nakita kong kinagat ni Hannah ang kanyang labi at pinisil niya ang kanyang kamay. Pumula ng parang kamatis ang kanyang pisngi. Is she going to confess? What?
“Ano ‘yon?” Dumilat si Elijah at dinungaw ang nakayukong si Hannah.
“Uh, p-p-pwede ba tayong l-lumabas sa Xavier Days?”
Nalaglag ang panga ko. Tumunganga ako sa harap nilang dalawa. Ilang dangkal lang ang layo ko sa kanila. Literal niyang niyaya si Elijah sa harap ko. Walang gumalaw sa aming lahat. Kahit na ang nagtatawanang sina Josiah at Rafael ay natigilan at nakiusisa sa isasagot ni Elijah.
Si Claudette lang ang gumalaw. Dinig ko ang buntong hininga niya nang hilahin niya ako palayo doon.
“Gutom na ako, Klare. L-Let’s go? Mauna na tayo?”
Halos hindi niya ako mahila. I want to hear Elijah. Gusto kong manatili kahit na maari akong masaktan. Nahirapan siya sa paghigit sa akin palayo doon. Wala rin namang pumigil sa amin dahil hindi naman ako kinakausap ni Erin o ni Chanel kaya hinayaan nila kaming lumayo.
Kahit na nakalayo na kami ay narinig ko ang buntong hininga ni Elijah.
“I’m sorry, Hannah. I’m not free.” Ani Elijah.
“Where them balls at?” Natatawang sinabi ni Azi sa malayo. Kinanta niya pa iyon.
Patawad pero halos mag bunyi ako. Okay lang sakin kung saan man ako dalhin ni Claudette ngayon. Hindi ako magrereklamo. Elijah rejected Hannah! Buong akala ko ay hindi niya iyon tatanggihan.
“Sorry, Klare. Kailangan kitang ilayo doon-” Hindi pa natatapos si Claudette sa kanyang sinasabi ay may humila na agad sa kabilang kamay ko.
Hinihingal si Elijah na sumunod sa amin.
“See. I knew it.” Binitiwan ni Claudette ang kamay ko.
Tumigil kaming tatlo sa may madilim na na parte ng school. Humalukipkip si Claudette habang tinitingnan si Elijah na umaambang itatakas ako.
“Elijah, would you calm the fuck down? Walang aagaw kay Klare sa’yo dito. Wag mo siyang kaladkarin.” Ani Claudette.
Nilingon ni Elijah si Claudette. “She’s upset, Clau. Just leave us alone.” Aniya.
“Oh my God!” Tumingala si Claudette bago niya hinarap ulit si Elijah. “Who would get upset after that? Tinanggihan mo si Hannah! She’s probably happy right now. Calm the effing down and stop being over protective!”
Kumunot ang noo ni Elijah sa kanya. Agad nagpaliwanag si Claudette.
“I’m with you both! Ang gusto ko lang ngayon ay kung pwede wag masyadong magpahalata? Especially you, Elijah. Erin is determined to hunt down the girl you are currently dating.”
“I don’t care about Erin-“
“Hindi maganda ang relasyon ni Erin at ni Klare ngayon.” Sabi ni Claudette.
“Clau…” Pigil ko.
“Oh stop protecting Erin from Elijah. At ikaw naman Elijah, wag kang masyadong OA. Klare’s not made in fucking China. She won’t break easily. Have faith in her. Kaya niyang magpigil ng damdamin kaya ikaw magpigil ka rin. Dahil sa oras na malaman ito ng lahat, hindi ko na alam…” Umiling siya.
Bumuntong hininga ako. “They won’t find out.” Sabi ko sa sarili ko.
Kailangan kong sabihin iyon para paniwalaan ko. Ayaw ko. Ayaw kong malaman nila. I’m scared.
“Alright. I’ll try.” Sabi ni Elijah bago bumaling sa akin. “I’ll try.”
“Mabuti.” Sabi ni Claudette.
“Let’s go home?” Anyaya ni Elijah sa akin.
Tumango ako at tumingin kay Claudette. “Thanks, Clau. Sorry for the trouble.”
Malungkot siyang ngumiti.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]