Kabanata 34
Kapal Mo
Sumunod ako kay Elijah patungong locker room. Kinabahan ako. Ano kaya ang sasabihin niya? Ano ang hindi ko sinasabi sa kanya? Inayos ko ang buhok ko pagkapasok ko ng locker room. May dalawang locker room, sa girls at boys. Pumasok si Elijah sa boys, ako naman ay nasa lobby pa lang ng locker room.
Dahan dahan akong pumasok sa boys’ locker room. Uminit pa ang pisngi ko nang may isang lalaking umalis pagkapasok ko. May mga benches sa locker room na iyon, tulad ng sa girls’.
Nakita kong nakahalukipkip si Elijah habang nakatayo sa gilid ng locker room sa paghihintay sakin. Kaming dalawa na lang ang nandito.
“Anong di ko sinasabi?” Tanong ko.
Lumapit siya sa akin. Kinabahan agad ako. Sinarado niya ang pinto ng locker room na siyang ikinagulat ko. Alright, calm down now, Klare. Ginawa niya lang iyan para walang makakita sa inyo.
“Binasted mo si Eion?” Tanong niyang malamig sa akin.
Ngumuso ako. Tama ang hinala ko. Iyon nga ang hindi ko pa sinasabi. Kanino niya naman ito nalaman? Kay Cherry? Alam kaya nI Cherry kung bakit ko binasted si Eion?
Umupo si Elijah sa bench sa harap ko. Tiningala niya ako habang naghihintay siya ng sagot ko. Uminit ang pisngi ko sa atensyong binigay niya sakin.
“Oo-” Bago ko pa natapos ay hinila niya na ang kamay ko.
Napaupo ako sa tabi niya. Naghuramentado ang puso ko sa ginawa niyang galaw. Dammit, Elijah! Mahigpit parin ang hawak niya sa pulso ko. Pinulupot niya ang braso niya sakin. Pareho kaming pawis kaya nahihiya ako.
“Elijah…” Sabi ko.
“Nahirapan ka ba?” Bulong niya.
Sinandal niya ang kanyang baba sa balikat ko. Hindi ako halos makagalaw sa posisyon naming dalawa. Should I be grateful na nasa loob kami ng locker room at walang nakakakita sa amin? Alam kong pinili niyang dito sa loob dahil alam niyang ayaw ko pang malaman ng ibang tao ang kung anong meron kami.
“Uh… M-Medyo.” I couldn’t lie.
Nahirapan ako sa mga sinabi ko kay Eion. Mahirap iyon lalo na’t ako naman talaga ang nagpahiwatig sa kanya.
“Na guilty ako.” Bumagsak ang tingin ko. That’s the truth.
“Sayang ba?” Pabulong niyang tanong.
Nilingon ko siya ng bahagya.
Sobrang lapit na namin sa isa’t-isa. Pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa. Pinagmasdan ko ang mga kamay namin. I don’t want to let him go. Sana ay pwedeng ganito na lang kami palagi.
“Hindi. I told him the truth.” Sabi ko. “Sinaktan ko siya.”
Natahimik siya. Hininga niya lang ang naririnig ko habang pinagmamasdan ko ang mga kamay naming dalawa.
“I’m sorry, baby.” Bulong niya.
Umiling ako. “Ba’t ka nag so-sorry? Iyon naman talaga ang dapat gawin ko diba? Hindi ko siya pwedeng paasahin. Hindi ko lang talaga maalis sa isip ko na ako ‘yong nanakit sa kanya. Crush ko talaga siya noon. Pinaasa ko siya tapos ako lang din naman pala ang mananakit.”
Pumikit siya at dinampi niya ang kanyang ilong sa pisngi ko. Tumindig ang balahibo ko. Dammit! I’m not going to move! Nanigas ako habang ginagawa niya iyon.
“Will it be wrong if I tell you that I’m happy?” Bulong niya.
Hindi ako umimik. Dammit! I’m sad for Eion. But I want him to be happy. Ayaw kong maging selfish kaming dalawa. Masama iyon. Nasaktan ko ang isang tao. But I would rather get hurt, or hurt anyone… wag lang si Elijah ‘yong masaktan.
“That’s bad, Elijah.” Simple kong sinabi.
“I know, baby.” Bulong niya. “I’m bad.”
Tumindig ang balahibo ko. Ginalaw galaw niya ang pinagsalikop naming mgda daliri. Tiningnan ko ulit iyon. Nilalaro niya ang mga daliri ko. Nababaliw na naman ang mga demonyo sa tiyan ko.
“I want to court you, too.” Aniya.
Hindi na ako makalunok sa mga sinabi niya. Parang tumigil ang sistema ko sa pag galaw.
“Huh? Paano?” Natawa na lang ako.
Ni hindi nga kami malayang mag usap tungkol sa damdamin namin, iyong courtship pa kaya. Paniguradong mandidiri ang mga pinsan namin. Paniguradong mandidiri ang mga taong nakakakilala sa amin. Paniguradong malaking eskandalo iyon sa pamilya namin.
“Buy you flowers everyday, date you anywhere, post cheesy lines on your Facebook wall. I want all of it.”
Nobody would really want us together. Si Claudette ay gusto kaming dalawa dahil lang mahal niya kaming pareho. Kung hindi niya kami ganon ka mahal ay maaaring hindi niya maiintindihan iyon.
Hindi ko masisisi ang ibang tao. Ni hindi ko rin naman kasi maintindihan kung ano ang nangyayari sa amin ni Elijah. How did we get here? Paano niya ako nagustuhan? Hindi ba siya kinilabutan? But then again, baka naman pareho kami ng naramdaman. Iyong alam mong hindi tama pero nagugustuhan mo parin.
“Hmmm. Don’t try to pull those stunt, Elijah. They will surely hate us.”
Tumikhim siya. “Mag date kaya tayo? Pumunta tayo ng Dahilayan.”
Tumawa ako sa anyaya niya. “May makakakita satin doon.”
Kahit na nasa kabilang lalawigan pa ang Dahilayan, alam ko paring may makakakita sa aming dalawa.
“We’ll not hold hands. We’ll just talk.” Bulong niya.
“Hmmm.” Tumango ako.
Biglang bumukas ang pintuan. Tumayo agad ako kahit na pinigilan niya ako. Halos hindi ako makatayo ng maayos dahil sa pag hila niya sa akin. Kinabahan agad ako. Mabuti na lang at lalaki ang pumasok. Hindi namin siya kilala. Nagulat lang siya nang may babae sa loob ng locker room. Hindi siya umimik. Dumiretso lang siya sa kanyang locker.
“I-I’ll change, Elijah.” Sabi ko at dumiretso na sa kabilang locker room.
Ngumisi si Elijah habang pinapanood akong umalis. Dammit! Just look at him! Ni wala siyang planong itago talaga ito. Kung hindi ko igigiit na kailangan namin itong itago ay baka noon pa lang ay patay na kaming dalawa sa pamilya namin.
Dumiretso ako sa girl’s locker room. Naaninag ko ang pawis na si Cherry doon habang pinupunasan ang kanyang buhok.
“Akala ko umalis na kayo? Saan ka galing?” Usisa ni Cherry.
“Ah. Sa CR lang.” Sabi ko sabay kuha sa damit ko sa loob ng locker room.
Tumango siya. “Heard the news nga pala. ‘Yong tungkol kay Eion. Felt sorry for him, though.”
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. It’s awkward to talk about it. Sumulyap ako sa kanya.
“Sinabi niya sayo?” Tanong ko.
“Yup. Uh, actually, no. Hindi niya sinabi pero nagyaya siya sa mga friends namin ng inuman. Elijah also got invited, I heard. Sila ng mga pinsan mong sina Josiah.”
Tumango ako.
“And I figured that you broke his heart. Ang alam ko kasi nag pa arrange daw siya ng flowers para sayo. Inisip ko na ngayong araw mo siya sasagutin. He wants to get wasted tonight so I figured that’s what happened.”
Tama ang hinala ko. Hindi nga maingay si Eion tungkol sa nangyari sa amin. He probably wouldn’t even share my reason.
“Anyway, uwi na ako, Klare. Sasama siguro ako sa yaya ni Eion sa amin mamaya. Uhm, so if your cousins are coming, I hope you won’t come.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Umismid siya sa akin.
“I’m Eion’s friend, too. Medyo nairita ako sayo kasi pinaasa mo siya. Pinalabas mo, hindi ba, na nagseselos ka sa akin kaya mo siya binasted?”
Umiling ako. “No, Cherry.”
“I’m sorry, Klare. I really care for Eion. Kaya sana, mamaya, out of respect, wala ka.” At umalis na siya doon sa locker room.
Tumunganga ako habang nag bibihis. Oo, kuha ko kung bakit ganon ang trato ni Cherry sa akin. Blame me all you want. Dapat ay ihanda ko na ang sarili ko dito. Kumakalat na iyong balita. Kinakabahan na ako.
Umalis na kami ni Elijah sa gym. Hinatid niya ako sa bahay. Inakyat niya pa ako bago siya umalis.
“Uh, sasama ka ba mamaya sa kina Josiah? Hindi ba may inuman kayo kasama sina Eion?” Tanong ko sa kanya.
Umiling siya. “Sa bahay lang ako.”
Kumunot ang noo ko. “Hindi ba sila ma we-weirduhan sayo kung di ka sasama?” Tanong ko.
Umiling siya.
“Elijah, pwede ka namang sumama. Live a normal life.” Aniya.
Ngumisi siya. “I want to text you the whole night. ‘Yang night out na ‘yan, distraction lang sakin.”
Bumuntong hininga ako. Alright, then. Hindi naman sa gusto kong sumama nga siya sa kanila. Ayaw ko lang na maweirduhan pa lalo ang mga boys sa kanya. Lalo na ngayong nawiweirduhan na rin si Erin sa kanya.
Umuwi na rin siya sa kanila. Pagkatapos kong maligo ay napag isip isip kong mag study na lang habang naghihintay sa mga text niya.
Elijah:
What are you doing?
Kinagat ko ang labi ko habang nag tatype.
Ako:
Study. Ikaw?
Elijah:
Naks. Sige, mag s-study rin ako. Kumain ka na ba?
Bago pa ako makapag type ay may malakas na katok na sa pintuan ko. Narinig ko ang boses ng mga pinsan kong babae. Kumunot ang noo ko at binuksan ko ang pintuan ng kwarto.
Nakita kong galit na galit si Erin na pumasok habang pinipigilan ni Claudette.
“Erin…” Paos na sinabi ni Claudette habang padabog na sinarado ni Erin ang pintuan.
“Anong nangyari-“
“Anong nangyari?” Ulit ni Erin sabay harap sa akin. “BINASTED MO SI EION?”
Nalaglag ang panga ko. She’s really mad. Pulang pula ang kanyang pisngi at ramdam ko ang pagkakairita niya sa akin.
“What happened, Klare?” Tanong niya.
“Erin…” Sabay hila ni Clau sa kanyang braso.
“No, Dette, stop it. I want to hear it from her. God! Hindi ba ilang taon kang nahumaling kay Eion? At ayan na, nasa harap mo na siya, ayun na, e, pinaghirapan natin iyon. Anong nangyari, Klare?” Tumaas ang boses niya.
Kinabahan ako. Natatakot akong marinig o malaman nina mommy at daddy na nag sisigawan kami dito.
“Erin, calm down.” Sabi ko.
“I can’t calm down! I can’t believe you! God! Klare! Ikaw na itong may mahabang buhok! Crush mo, naging crush ka, tas iniwan mo! What the fuck?”
“Erin, hindi mo kasi naiintindihan. Infatuation lang lahat-“
“Infatuation mong mukha mo!” Sigaw niya sakin. “What’s with you? I don’t get it!”
“Erin, hindi e. Talagang iba ‘yong feeling-“
“So ganon? Pinaasa mo lang ‘yong tao! Tumulong kami nina Julia, Klare! They were disappointed, too! The love story of the year turned out to be the wasted story of the year now!”
“Erin, ano ba ang gusto mo? Sagutin ko siya kahit na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya?”
“How can you be unsure of your feelings? Halos ipilit mo nga ang sarili mo sa kanya noon tas ngayong nanligaw siya, binasted mo? How could you? Dammit, Klare! Didn’t know you were a heartbreaker!”
Nag iwas na ako ng tingin. Alam kong kahit anong paliwanag ko ay hindi niya pakikinggan. Kung ano ang gusto niya, iyon lang ang lalabas sa bibig niya.
“I can’t believe you, really, Klare.” Umiling si Erin.
Dinig na dinig ko ang disappointment sa tono ng kanyang pananalita.
“You don’t deserve Eion.” Utas niya.
“Erin, tama na.” Ani Claudette.
“Hindi, e. Naiirita talaga ako. Paasa ka!” Sigaw ni Erin sa akin. “Bakit? Sige nga. I won’t buy your excuse. Hindi pwedeng infatuation lang. Ano, Klare?”
Kinabahan ako sa sinabi niya. Paano kung malaman niyang may mahal akong iba? At paniguradong maghahanap siya kung sino iyon.
“‘Yon lang talaga. Infatuation lang ang naramdaman ko.” Sabi ko.
“Bullshit! Ang kapal mo!” Sigaw ni Erin at umalis na agad sa kwarto ko.
Luminga linga si Claudette sa akin at sa pinto. Tumikhim siya at nilapitan niya ako. Yumuko ako.
“Sorry about her. Actually, iyon din kasi ang naramdaman ni Chanel. Nagulat sila sa ginawa mo. Akala nila ay kayo na kanina.” Paliwanag niya.
Tumango ako.
“Sorry bout that. Magiging okay din ito.” Malungkot siyang ngumiti sa akin. “But I’m proud of you. Akala ko gagawin mong panakip butas si Eion para maiwasan si Elijah.”
I can’t do that to Elijah. Hindi ko ata kaya.
“Sundan ko lang si Erin. Maayos din ito. Don’t worry. Call Elijah.” Aniya.
Tumango ako at pinanood siyang umalis ng kwarto ko. I want to say thank you to her pero huli na ang lahat. Nakaalis na si Claudette.
Mabilis parin ang pintig ng puso ko. Umupo na lang ako sa kama at dinial ang number ni Elijah. Sinagot niya agad iyon sa unang ring. Humiga ako sa kama.
“Klare…” Namamaos ang boses niya.
Pakiramdam ko ay nakahiga rin siya sa kama. Kinagat ko ang labi ko. Ayokong mag alala siya pero kailangan niyang malaman ito.
“Pumunta dito sina Erin. Nagalit siya kasi binasted ko si Eion.” Sabi ko.
Hindi agad sumagot si Elijah. Binalot kami ng matinding katahimikan. Paano na lang kaya kung malaman niyang si Elijah ang mahal ko? How would she feel? She’ll probably freak out. At maaring hindi lang ang mga singhal niya ang aabutin ko.
“Inaway ka ba niya?” Narinig ko ang medyo mariin niyang tanong.
No way. Don’t tell me you’re going to defend me! Hindi pwede iyon! Kung ano man ay mag bibigay lang iyon ng duda sa kanila.
“Hindi naman. Pinagsabihan lang. Hayaan na lang natin. Huhupa din ito.” Sabi ko.
“Are you upset? Shall I go there?” Tanong niya.
“I-I’m not. Okay lang, Elijah. I’m okay with the phone calls.”
Hindi na naman siya umimik. Kinagat ko ang labi ko at hinintay ang sasabihin niya.
“I don’t want you upset, Klare.” Pabulong niyang sinabi.
“Okay lang naman ako. Let’s just sleep tonight.” Sabi ko.
Sa pagod ko ay hindi ko na lang namalayan na naidlip na ako. Ni hindi ako nakapag paalam ng maayos kay Elijah. Nanaginip na lang ako ng mga bagay na nakapag paiyak sakin. Pagkagising ko ay wala na akong maalala. Nagising na lang ako ng may luha sa mga mata.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]