Until He Was Gone – Kabanata 33

Kabanata 33

May Hindi Ka Sinasabi

Umiiyak ako sa comfort room ng katabing building. Fifteen minutes na lang ay may klase na kami. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Erin, Claudette, Hannah, Julia, at Liza. Anong ginawa ko kay Eion? Anong mga sinabi ni Eion? Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin na binasted ko siya.

Nakikini kinita ko na ang mga tanong ni Erin. Bakit ko binasted si Eion? Hindi ba gusto ko naman siya? Wala akong maisasagot.

Oo, sinabi ko kay Eion na may iba akong gusto. Iyon ay dahil para matigil na siya. Medyo kumalma na ako nang naghilamos ako. Kailangan kong sabihin ito kay Elijah. Kaya lang mag aalala lang iyon at baka pumunta pa iyon dito sa school.

Biglang may nagmamadaling pumasok na babae. Mahaba ang kanyang buhok at medyo kulay brown iyon. Payat siya at namumutla. Hindi niya man lang ako tiningnan, dumiretso na siya sa isang cubicle at sumuka.

Nag aayos ako ng buhok. Natigilan ako nang nakita siyang nag suka. Narinig ko pa ang hikbi niya habang nagsusuka siya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ugali ang makealam kaso namumukhaan ko siya.

“Miss, ayos ka lang ba?” Tanong ko habang tinitingnan siya.

Tumunog ang flush at nilingon niya ako. Nakita ko na ito ‘yong babaeng nurse na sinasabi nilang kinahuhumalingan ni Damon. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita niya ako. Gulat na gulat siya kaya inayos niya ang sarili niya.

“Ayos lang ako.” Aniya at mabilis siyang tumakbo palabas.

Tumunog ang sahig dahil sa pagbagsak ng isang I.D. Pinulot ko iyon. Tatawagin ko na sana ngunit wala na talaga siya. Nakalayo na ata.

Sumusuka siya? May nakaing masama? Umiiyak pa iyon ah? Ano kayang problema? Hindi kaya… Hindi kaya?

Tiningnan ko ang I.D. niya at binasa ang pangalan na nakasulat doon. Eba Ferrer, BSN-II. Eba Ferrer. Siya ang kinahuhumalingan ni Damon. Sumusuka at umiiyak. Hindi kaya buntis iyon? Napalunok ako sa mga naiisip ko.

Pagkarating ko sa classroom ay magulong magulo ang utak ko. Iniisip ko si Eion, at si Eba. Hindi ako nagkamali, inusisa agad ako nina Erin at Hannah kung ano ang nangyari sa amin ni Eion.

“Bakit ka namumutla?” Tanong ni Erin ng nakakunot ang noo.

“Hindi naman.” Sabi ko.

Mabuti na lang at dumating na agad ang professor namin. Hindi ko na kailangang sagutin ang mga tanong nila. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin na tinanggihan ko si Eion. Mananahimik na lang muna ako. Sasabihin ko rin sa kanila pag ready na ako. Hindi rin naman maingay si Eion. Siguro ay hindi niya ipangangalandakan na nabasted ko siya o nag away kaming dalawa.

Maagang natapos ang klase dahil quiz lang ang aming ginawa. Pinaulanan agad ulit ako ni Erin ng mga tanong. Ginawa kong excuse si Eba Ferrer para umalis. Hahanapin ko lang si Eba o di kaya si Damon para mibigay ko itong I.D.

“Saan ka pupunta oy?! Yung chika mo!” Ani Erin.

Kumaway ako nang nakalayo na. “Hahanapin ko lang si Damon.”

Itetext ko lang si Elijah na uuwi na ako pagkatapos kong mahanap si Damon. Tinext ko rin si Damon. Mabuti na lang at nasa school pa rin naman pala siya. Naaninag ko si Damon at si Rafael kasama ang iilang mga kaibigan nila. Naroon din si Chanel kasama ang boyfriend niyang si Brian.

Kumunot ang noo ni Damon. “Bakit?” Tanong niya sa akin.

“Kilala mo ba si Eba Ferrer?” Tanong ko.

Nagdilim ang kanyang titig. Hinila niya pa ako palayo sa mga nag uusap niyang kaibigan. Weird. “Bakit?” Tanong niya.

“Kasi nagkasalubong kami sa bathroom. Naiwan niya ito.” Sabay lahad ko sa I.D.

Tinitigan niya ang I.D. na iyon bago siya suminghap.

“Kilala ko siya pero di ko ‘yan ibibigay sa kanya. Mabuti pa ikaw na lang ang mag hanap sa kanya. May klase siya ngayon. Idunno. Sa Xavier Hall siguro.” Nagkibit balikat siya.

Kumunot ang noo ko. “Bakit ayaw mong ibigay sa kanya? Nag away kayo?”

“None of your business, Klare.” Aniya.

Ngumuso ako at tinalikuran niya ako. Okay. Nasa gitna pa ako ng ganitong sitwasyon pagkatapos kong mamroblema kay Eion. But I cared for Damon… No, actually, I cared for the girl. Kung totoo nga ang mga iniisip namin na si Eba iyong kinahumalingan ni Damon nitong mga nakaraang linggo, ibig sabihin ay mayroon ngang namagitan sa dalawa. I’ve seen Damon for the past weeks. Iyong narinig ko pa lang siyang kumanta ng I Won’t Give Up, malaking achievement na iyon. Ibig sabihin, may kung ano talaga sa babaeng ito.

Hinanap ko ang babae sa Xavier Hall ngunit sarado ang mga classrooms doon. Ang alam ko, dito madalas nag kaklase ang mga nursing students.

Tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad iyon. Bumalot sa akin ang boses ni Elijah.

“Klare, are you done?” Buntong hininga niya.

Kinagat ko ang labi ko. “Sorry. Pauwi na ako. Nasan ka?” Tanong ko.

“Nasa bahay niyo. Shall I fetch you?” Tanong niya.

“No, no, naglalakad na ako pauwi.”

Ilang blocks lang naman galing sa school ay makakarating na sa aming building. Nilagay ko na lang ‘yong I.D. ni Eba sa bag ko at inisip na ibibigay ko na lang iyon sa kanya next time.

Naaninag ko agad si Elijah na tamad na nanonood ng T.V. sa sala pagkapasok ko. Naka itim na sleeveless lang siya at mukhang ready ng mag gym. Naka mute ang TV dahil nag tu-tutor ang tutor ni Charles sa kanya. Nakita kong hindi makapag concentrate ang batang teacher sa kakatingin kay Elijah. Tumama ang titig ni Elijah sa akin at umayos siya sa pagkakaupo.

“Ba’t naka on ang TV?” Tanong ko agad tsaka kinuha ang remote para patayin.

Rule iyan sa bahay na pag nag tu-tutor ay dapat nakapatay ang T.V. Siguro ay nasa kwarto si mommy kaya hindi niya napansin. Nanliit ang mga mata ko kay Elijah.

“What? Teacher Rissa said it’s okay.” Paliwanag niya. “Naka mute naman ‘yon.”

Mas lalong nanliit ang mga mata ko nang narealize na alam niya ang pangalan ng teacher o tutor ni Charles. “Nag s-study si Charles kaya kailangang patay ‘yong TV.” Umirap ako at dumiretso sa kwarto.

Dinig ko ang paliwanag ni Charles na namatay din nang nakapasok na ako sa kwarto. Teacher Rissa. Maganda pa naman ang teacher niyang iyon. Oh God! I’m really over thinking things! Kahit na ayaw kong mag selos ay hindi ko talaga kayang pigilan ang damdamin ko. I need to calm the fuck down.

Napatalon ako nang kumatok si Elijah sa pintuan ko. Calm down. Okay?

“What? Nagbibihis ako!” Sabi ko kahit hindi pa naman talaga ako nag bibihis.

“Okay, then I’ll wait here.” Sabi ni Elijah sa labas.

Mabilis akong nag bihis. Naka leggings at racerback ako. Hindi ko naman alam kung ano talaga ang gagawin ko sa gym. Siguro ay talagang mag i-aerodance na lang ako. Hindi naman ako bagay sa lifting, e. Siguro ay cardio na lang ang gagawin ko.

Pagkatapos kong magbihis at mag ayos ng mga gamit ay binuksan ko na ang pinto. Naroon nga si Elijah na nakataas ang kilay. Hindi ako tumingin sa kanya. Imbes ay dumiretso na ako sa paglalakad.

“Let’s go.” Sabi ko.

Sumunod naman siya palabas ng bahay. Kinakabahan na naman ako. Palagi naman, e. Lalong lalo na pag tahimik kaming dalawa. Marami akong gustong ikwento sa kanya. Iyong nangyari sa amin ni Eion, iyong si Eba Ferrer at kung anu ano pa.

“Tahimik mo.” Puna niya.

Nilingon ko siya at nakita kong nakangisi na siya.

Oh, dammit! Whatever. Lumabas agad ako sa elevator at dumiretso sa sasakyan niya. Nag hintay ulit ako sa front seat dahil ayaw niya na namang buksan ko iyon. Pinatunog niya ang sasakyan tsaka pinagbuksan niya ako ng pinto. Nagkatinginan lang kaming dalawa nang pumasok ako. Pumasok rin siya sa driver’s seat.

Ngumuso siya habang pinapaandar ang sasakyan. I should really stop staring at him.

“Nag seselos ka kay Teacher Rissa?” Tanong niya.

“Nope.” Sagot ko agad habang nakatingin sa labas.

Suminghap siya at biglang kinuha ang kamay ko sa lap. Nilingon ko agad siya. Hinawakan niya ang kamay ko habang hinahawakan niya rin ang kambyada. Nang bitiwan niya ang kambyada ay pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa.

Hindi ako makahinga sa ginawa niya. Nanlalaki ang mga mata ko. Sumulyap siya sa akin at ngumisi.

“Tinanong ko lang ‘yong pangalan niya. Gusto ko lang manood ng TV kanina. Sobrang boring kaya pag wala ka.” Aniya. “Stop with the jealous thing.”

Bumuntong hininga ako.

God. I think I’m going to really kill if Elijah will like another girl. Paano na ito ngayon? Hindi ko alam.

“Sorry.” Sabi ko.

“Ba’t ka nga pala natagalan?” Tanong niya habang natatraffic kami.

“Uhm…” Naisip kong ikwento na lang muna sa kanya ang tungkol kay Eba. Iyon rin naman kasi ang sagot sa tanong niya. “Kilala mo ba si Eba Ferrer?” Tanong ko.

“Uh… Yeah?” Patanong ang sagot niya sa akin.

“Paano mo siya nakilala?” Tanong ko.

“Damon.” Simple niyang sinabi. “Bakit?”

“Nagkasalubong kami kanina sa Comfort Room. Naiwan niya ‘yong I.D. niya. sa CR. Hinabol ko kaso di ko na siya makita. Nilapitan ko si Damon kaya lang ayaw niyang ibigay ito kay Eba. Ako na lang daw-“

“That ass is messing with my girl.” Bulong niya habang nililiko ang sasakyan.

“Hindi. Okay lang naman sa akin kung ako ang mag bibigay. Inisip ko lang na baka magka away ang dalawa kaya ayaw niyang ibigay ‘yon.” Sabi ko.

Ngumuso siya.

“May something ba sa kanila? Siya ba ‘yong kinakantahan ni Dame ng I Won’t Give Up? At anong nangyari sa kanila? Bakit ganon?” Ang dami ko namang tanong.

Nag kibit balikat si Elijah. “I don’t know. Ang alam ko lang ay ka fling niya iyong si Eba. That’s all.” Aniya at kinalas ang kanyang seatbelt pagkatapos mag park.

Tumunganga ako at tumango sa sinabi ni Elijah. Kinalas niya rin ang seatbelt ko dahil masyado akong busy sa pag iisip sa dalawa.

“She’s… vomiting. ‘Nong nagkita kami sa CR, sumusuka at umiiyak siya.”

“WHAT?”

Nagulat ako nang natigilan si Elijah sa sinabi ko. Tumango ako ng dahan-dahan sa kanya.

“Gago talaga ‘tong si Damon.” Ani Elijah. “She’s probably pregnant.”

I knew it! Pero hindi ko naman kayang isipin na ganon nga. Magkagalit ang dalawa at buntis si Eba. Binuntis ni Damon si Eba. At mukhang walang plano si Damon sa kanya!

“May nangyari na sa kanila?” Tanong ko out of innocence.

Of course, Klare, dammit! What an idiot!

Tinitigan ako ni Elijah. Nag iwas na lang tuloy ako ng tingin at uminit ang pisngi ko.

“Yup. May nangyari na sa kanila. Let’s go now, Klare. We’ll hush about this. Let them deal with it. But I’ll open this up to Damon. Okay?” Aniya.

Tumango ako at nahiya sa tanong kong iyon.

Dumiretso na kami sa building kung saan ang gym ni Elijah. Sa itaas pa iyon ng building. Kinakabahan tuloy ako tuwing naiisip na nandito si Cherry. Inisip ko rin na sana ay sinabi ko kay Elijah ang nangyari kanina sa amin ni Eion. Kaya lang ay nasa loob na kami. Siguro ay pagkatapos na lang ng pag g-gym.

Nang pumasok ako sa gym niya. Namukhaan ko agad ‘yong mga instructors. Kilala na si Elijah doon kaya hindi na sila nagulat na nandoon kami.

“Galing na dito si Josiah.” Sabi nang instructor niyang si Sandra.

Nakita ko rin iyong instructor na muntik ng makaaway ni Elijah noong una akong tumapak dito. Nasa malayo siya at busy sa pag tuturo sa isang babaeng may maiksi ang buhok. Nakita kong si Cherry iyon. Kumaway agad siya nang nakita kaming dalawa.

Nilingon ako ni Elijah at nakaawang ang bibig niya. Ngumiti ako sa kanya. It’s okay. I’ll try hard to stop being so jealous.

“Sa aerodance lang ako.” Sabay turo sa dancefloor.

Nag ri-ready na ang ibang sasayaw. Nakita ko na rin ang babaeng instructor nila na may kulot na buhok, maputi, at sobrang ganda ng katawan.

“You sure? Pwede naman tayong magkasama don.” Sabay turo niya sa lifting section.

Umiling ako. “Okay lang ako sa aerodance.”

Actually, okay lang talaga ako. Alam kong dinala niya ako dito para hindi na ako mangamba tungkol kay Cherry. Na wala dapat akong ipagselos sa kanila dahil wala siyang gusto sa babaeng iyon. I get it. Ramdam ko iyon kay Elijah. Ang hindi ko lang maalis sa isip ko ay ang malaking insecurity ko sa lahat ng babaeng hindi niya pinsan. Dahil pwedeng pwede sila kay Elijah at ako, hindi.

Tumango siya at mukhang nag aalala. I assured him again. Dumiretso na ako sa dancefloor. Kinawayan ko siya habang naglalakad siya patungong lifting. Nakita kong malaki na ang ngisi ni Cherry sa kanya.

Okay. Whatever. Lumakas ang music dahil malapit ng magsimula ang aerodance. Medyo marami kami at madalas ay babae.

Natuwa naman ako. Na mimiss ko na rin ang mga routines. Ngayong second semester kasi, bukod sa Xavier Festival days ay wala ng okasyon para sumayaw kami ng All Star. Magandang pampa kondisyon din sa akin itong aerodance para hindi ko makalimutang ang pag galaw.

Tuwing break ay nililingon ko si Elijah. Umaligid sa kanya si Cherry ngunit hanggang tingin na lang siya. May isang break pa akong nakitang lumapit na talaga si Cherry sa kanya at nakipag usap. Hinayaan ko na lang sila. Kailangan kong matuto na huwag masyadong maging possessive sa kanya. I believe in him. I know he’s in love with me. Sapat na iyon para mapanatag ako.

“Klare…” Tawag niya sa kalagitnaan ng pagsasayaw.

Tumigil ako sa pagsasayaw at tiningnan siya. Pinasadahan niya ako ng tingin. Pawis na pawis siya at nakikita ko iyong tattoo niya sa kanyang pecs.

“Yep?” Nilapitan ko siya.

Tinagilid niya ang kanyang ulo. Para bang may iniexamin siya sa akin.

Pinunasan ko ang pawis sa noo ko at nag taas ako ng kilay sa kanya.

“Bakit?” Tanong ko.

“May… hindi ka sinasabi sakin.” Aniya.

Kumunot ang noo ko. “Ano?”

“Magkita tayo sa locker room.” Wika niya at dumiretso na doon.

Pinagmasdan ko siyang umaalis patungong locker room. Nandoon ang bag na dala niya kanina. Anong hindi ko sinabi? Iyong kay Eion ba? Nilingon ko si Cherry na ngayon ay busy sa pakikipag usap sa kanyang gym instructor.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: