Kabanata 32
Be Friends
Balik eskwela na. Second sem na ng pagiging first year ko dito sa school at ramdam ko na ang pressure galing sa mga major subjects. Kailangan pala naming gumawa ng proposal para sa baby business namin. Gumawa kami ng grupo nina Hannah, Julia, Erin, Claudette, at Liza.
Naisipan naming cakes and pastries ang pagtutuonan namin sa business. Marunong kasi kaming mag bake lahat at may mga resources na. Iyon na lang siguro iyong gagawin namin. Proposal pa lang naman ito kaya hanggang estimate na lang muna kami.
Tumatambay kami sa benches ng school habang nililista namin ang lahat ng mga pwede naming gawin. Narinig ko ang bungisngisan ni Hannah at Julia. Nilingon ko sila ngunit binalik din agad ang tingin sa mga hand outs. Nang hindi ko na kinaya ang bungisngisan ay nag angat na ako ng tingin.
Naaninag ko agad ang mga mata ni Elijah na diretsong nakatingin sa akin. Kasama niya si Josiah at Azi na nauuna sa paglalakad sa kanya. Parang nag tatalo ‘yong dalawa ngunit tumatawa. Patungo sila sa amin.
Kinagat ko ang labi ko at tumingin ulit sa mga hand outs.
“Hello, girls!” Tumatawang sambit ni Azi. “Anong ginagawa niyo?”
Umupo siya sa tabi ko at dinungaw ang mga hand outs. Sinagot siya ni Erin tungkol sa pag bibrainstorming namin.
“Wala na kaming pasok. May pasok pa kayo?” Tumaas ang kilay ni Azi sa akin.
Si Elijah ay nasa gilid niya at mukhang nag hihintay rin ng sagot. Sa kasamaang palad ay tumango ako. May isang klase pa kami na major ngayon at may quiz daw. Masyado na talagang hectic ang sched ngayon.
“Sayang naman!” Tumawa si Azi at tumayo. “Mag g-gym ako, ikaw dude?” Sabay lingon niya kay Elijah.
“Later.” Sagot ni Elijah.
Pupunta siya ng gym? Paano ‘yon? Hindi ba pareho sila ng gym ni Cherry? Paano pag nandon din siya.
“You coming with me, Klare?”
Para bang narinig niya iyong mga iniisip ko. Hindi ko na siya kailangang sabihan. Alam niya na may issue ako don. Wala naman akong planong pigilan siya kung pumunta siya ng wala ako.
“Hmm. May class pa kami, e.” Utas ko.
“Si Hannah daw mag g-gym na rin!” Tumatawang sambit ni Liza.
“Uy, ano ka ba!” Sabi ni Hannah at pinatahimik na si Liza.
Sumulyap si Elijah kay Hannah at nag taas siya ng kilay. Inilipat niya rin naman ang tingin niya sakin.
“I will wait.” Aniya.
“Kay Hannah?” Singit ng tumatawang si Julia.
Sasagot na sana ako pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Okay, moment nila ito.
Ngumisi si Elijah at umling sa kanila. “Kay Klare.”
“Aray! Pahiya. Sorry.” Nahihiyang sambit ni Julia.
“Ano ba, Julia. Nakakahiya.” Malungkot na sinabi ni Hannah sa kay Julia.
Kinagat ko ang labi ko. Dammit! Bakit ba kasi…
“Cherry will be there later, siguro, kaya ayaw ni Elijah na may ibang babae. Am I right, Elijah?” Tanong ni Erin.
“I will be with Klare later, Erin. Hihintayin ko matapos ang klase niyo.” Matamang sinabi ni Elijah.
“Klare doesn’t need to do gym. Payat na siya.” Utas ni Erin.
Dammit! Bakit ganito ang usapan? Hindi na ako kumibo. Alam kong gusto ni Erin si Hannah para kay Elijah. Mukhang mas gusto niya si Hannah kumpara kay Cherry.
“Si Hannah na lang isama mo.”
Kumunot ang noo ni Elijah at nag igting ang bagang.
Bago pa may mura at masasakit na salita na lumabas sa bibig niya ay kailangan ko na siyang pigilan.
“It’s okay, Erin. Tatry kong mag aerodance. Tsaka… hindi ba may class ka pa mamayang six, Hannah?” Nilingon ko si Hannah.
Tumango siya. “Oo. Sorry.” Pumula ang kanyang pisngi.
Sorry, Hannah. Nakaka guilty tingnan na nabibigo ang kaibigan mo para lang sa sarili mo. Alam kong crush niya talaga si Elijah. Who wouldn’t like him anyway? He’s an ass pero kung ikukumpara sa mga pinsan kong walang ginawa kundi mambabae ay siya ang pinaka matino. He’s pretty muscular and hot, too. Iyan ang dahilan kung bakit talo ng titig niya lang ang mga pinopormahan at kinakausap na babae ni Azi. Not that Azi’s not hot or muscular. I don’t know. May kung ano lang talaga sa kanya.
Tumango si Elijah sa akin at hinila niya na si Azi at Josiah.
“Alis na kami.” Sabi ni Josiah.
Tumango kami at kinawayan na sila.
Nilingon ko agad ang hand outs ko. Kahit na wala namang pumapasok sa utak ko habang binabasa ko ang paragraph. Paulit ulit ko itong binasa at mas lalong nawalan iyon ng kahulugan. Si Hannah ay titig na titig sa kanila nang paalis. Para bang nanghihinayang siya sa pag alis nila.
“Klare, pagsabihan mo nga ‘yang si Elijah.” Sabi ni Erin sa akin.
Nag angat ako ng tingin. “Bakit?”
“Ayaw ko sa Cherry na iyon. Ngayon ko lang kasi nalaman na masyadong flirt ang isang iyon.” Sabi ni Erin.
“Huh?” Nagkasalubong ang kilay ko.
“Nakita ko siya kanina sa Engineering Building na nakikipag landian kay Hendrix Ty.” Umirap si Erin.
Crush ni Erin si Hendrix. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ayaw niya kay Cherry. Ang sinabi sa akin ni Eion ay crush ni Cherry si Hendrix. Ngunit ang alam ko naman ay crush din ni Cherry si Elijah. Marami siyang crush and it’s normal and okay.
“Ta’s she’s flirting with Elijah. Naiirita ako sa kanya. Kaya dapat si Hannah ang pag tuonan ng pansin ni Elijah, hindi si Cherry.” Aniya.
“Erin, hayaan mo na lang si Elijah. Kung gusto niya naman ako, dapat ay tinitext niya na ako gabi-gabi. E, hindi. Kaya…”
“May tinitext siya gabi-gabi. Sino ‘yon, Klare?” Diretsong tanong ni Erin sa akin.
“I don’t know.” Sagot ko agad.
Ako ‘yong parating katext ni Elijah. Guilty ako pero hindi ko sasabihin. Araw-araw akong mamamatay sa guilt nito.
“Si Cherry ba? I bet si Cherry? I heard na nag drunk call daw siya kay Cherry weeks ago?” Humalukipkip si Erin sa akin.
“Siguro. I don’t know.” Sagot ko.
“Kasi ikaw ‘yong close kay Elijah, please find out what’s really happening between Cherry and him.” Aniya.
Tumango ako. “I’ll try.”
“Pero, Erin, mukhang mali naman yata kung pipigilan natin si Elijah. Kung gusto niya si Cherry ay hayaan na lang natin siya.” Ani Hannah.
Ngumuso ako at nagpatuloy sila sa pagtatalo sa lovelife ni Elijah. Ayaw kong makealam. Ni hindi ako kumikibo sa gilid.
“Erin, hayaan na natin si Elijah. It’s his choice. Besides, kung gusto niya rin si Cherry, siguro ay sila na ngayon. At mukhang hindi pa niya pinopormahan ‘yon.” Ani Claudette.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Tumango naman si Erin at hinawi niya ang kanyang buhok.
“I’m just really curious.” Buntong hininga ni Erin.
Nanliit ang mga mata ni Claudette.
“Hindi na kasi siya nambababae tulad ni Azi at kuya Joss.” Dagdag niya.
“Hindi naman talaga sobrang babaero si Elijah. Hindi naman ‘yon pumoporma.” Giit ni Claudette.
“No. Something is different. Kung noon ay nag eentertain siya ng dates. Kahit hindi girlfriend. ‘Yong dates lang talaga. Marinela, Karen, and all the pretty girls out there, nai date niya noon. Pero ngayon… weird. Something’s off.”
“Masyado kang nag o-over think, Erin.” Sabi ni Claudette.
Nagkibit balikat si Erin. Ngunit tulala parin siya.
“I don’t know. Soon, I’ll find out.” Aniya.
Kinabahan agad ako. Halos mapunit ko ang hand outs ko sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanila. Soon, she’ll find out, huh? Paano ko ‘to itatago? Hindi naman nag eeffort si Elijah na itago kaming dalawa. At pag masyadong inisip iyan ni Erin, paniguradong may mapapansin na agad siya sa treatment ni Elijah sa akin. Sigurado akong ang tanging nakakapagpigil sa utak niya na mag isip na may kung ano sa amin ni Elijah ay ang pagiging mag pinsan namin.
Bumungisngis silang lahat at tumayo. Nag angat ako ng tingin dahil kami na lang ni Clau ang nakaupo sa benches. Anong meron? May makahulugang titig sila sa akin kaya luminga linga ako sa paligid.
“Claudette, let’s go!” Sigaw ni Erin.
Lumayo na sina Hannah, Liza, at Julia. Si Erin naman ay binabalikan si Claudette na nakatingin sa akin.
“Don’t make stupid decisions. I will help you both. So please, Klare.” Umiling si Claudette bago siya nagpahila kay Erin.
Tumatawa silang lumalayo sa akin. Tumayo ako at naisipang sumama sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako iniwan. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang sinabi ni Claudette.
“Hi, Klare.” Malamig na sambit ng isang pamilyar na boses sa aking likod.
Napatalon ako nang nakita ang isang malaking bouquet ng mga rosas ang hawak ni Eion. Sobrang laki nito kaya pinagtitinginan kami ng mga estudyante.
Now, I get it. Lumayo silang lima sa akin dahil nakita nila na paparating si Eion at may dalang mga rosas para sa akin. They want us to be alone.
“O, Eion. Ang laking bouquet niyan.” Tumawa ako para maiwasan ang kaba.
“Para sa’yo.” Aniya sabay bigay sa akin.
Nilapag ko ang mga gamit ko sa benches at kinuha ang bouquet. “Thanks.”
Gusto ko sanang mag tanong kung ano ang okasyon at kung bakit niya ako binigyan nito pero nalaman ko din nang nagsalita siya.
“A-Alam kong nagseselos ka kay Cherry.” Yumuko siya.
Mas lalong nadepina ang pag ngiti ng kanyang mga mata. Kahit sa school uniform ay hindi ko maipagkakaila na matipuno at gwapo si Eion. Ang kanyang matangos na ilong, pulang labi, magulong buhok, at maputing kutis ay nananaig kahit na may pagka suplado siya.
He struggled for words. I know. Dahil alam kong hindi naman talaga siya vocal sa kanyang pakiramdam. Nitong mga nakaraang araw lang siya naging vocal sa akin.
“Sorry dahil don. Alam naman niyang may gusto ako sayo at nililigawan kita. Nahihiya lang ako sa’yo kasi hindi pa naman talaga kita tinanong non na liligawan kita.” Pumikit siya. “I’m really sorry, Klare.”
Huminga ako ng malalim. Gusto kong magsalita pero nagpatuloy siya.
“Alam ko ring iniisip mo na nililigawan lang kita dahil alam kong may gusto ka sakin. No. Inaamin ko noong una kitang makita, nagandahan ako sayo, pero hindi sumagi sa isip ko na liligawan kita. Nang nalaman ko na may crush ka sakin. Binalewala ka iyon.” Ngumisi siya sa akin.
Ngumiti rin ako ngunit may halong lungkot iyon. Tiningnan ko ang bawat bulaklak sa bouquet. Matingkad ang mga kulay nito at hinog na hinog. Pinili niyang naka uniform kaming dalawa sa loob ng school namin niya ako bigyan ng ganito imbes na nasa labas kami at may ibang venue.
“Pero kalaunan ay naisip ko talaga kung bakit mo ako nagustuhan. I’m not really friendly with you, pero bakit?” Umiling siya. “Iyon ang simula ng pagkakacurious ko sayo.”
Ngumiti ulit ako. I can’t help it. Ngunit nagui-guilty ako. Gusto kong umiyak at ngumiti. Ngumiti dahil naaalala ko ang lahat ng pagpapapansing ginawa ko. Naaalala ko na siya ‘yong gustong gusto ko. At anong nangyari ngayon at bakit may ibang gusto na ako? Anong nangyari sa akin?
“Kaya ngayon, Klare, I need to say this to you.”
May mga taong natitigilan sa malayo para tingnan kaming dalawa. Malayo sila at hindi nila naririnig ang pinag uusapan namin.
“KLARE! HABA NG HAIR MO!” Sigaw pa ng isang kaklase kong dumadaan sa foot bridge ng SC building at Agriculture building sa taas naming dalawa.
Tumingala ako at nakita ko ang iilan sa mga kaibigan ko sa isang subject.
“Klare, I have fallen in love with you.” Ani Eion na siyang nagpabalik sa akin ng tingin ko sa kanya.
Napaawang ang bibig ko. I’ve seen this coming. Ngunit hindi ko alam na mahirap pala ito. Mahirap siyang tanggihan pero kailangan. I liked him, yes. Ngunit sa kasamaang palad ay masasabi kong iba ‘yong pagkakagusto ko sa kanya sa pagkakagusto ko kay Elijah. The love I feel for Elijah is just too intense. Na masasabi kong infatuated lang ako non kay Eion. Tanging paghanga lang ang naramdaman ko para sa kanya. Nagustuhan ko lang siya dahil sa sobra sobrang pag di-daydream na may gusto rin siya sa akin. At ngayong nagkatotoo na ay namulat ako sa panaginip na iyon at nalaman na hindi… hindi siya… hindi iyong feeling na iyon ang ‘love’.
Nangilid ang luha ko sa aking mga mata. What happened to me? Ano ang nangyari at bakit ako na in love sa pinsan ko? Bakit kailangan kong tanggihan ang lalaking nagustuhan ko buong buhay ko?
Umiling ako kay Eion.
“Will you be my girlfriend?” Ngumisi siya.
Siguro ay naisip niyang umiiyak ako dahil mahal ko rin siya. Hindi. Umiiyak ako dahil naiinis ako sa sarili ko at naaawa ako sa kanya. I lead him on. I am to blame!
“Sorry, Eion.”
Bumagsak ang kanyang mukha. Tumulo ang mga luha ko. Hindi ko nagustuhan na kailangan kong bitiwan ang mga bulaklak at iwan siya doon.
“Sorry, Eion. I… I’m really sorry. I can’t be your girlfriend.” Sabi ko sa nanginginig na boses.
Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makatakas ang hikbi. Namula ang mga mata ni Eion at nakita ko ang galit. Nasa bench na ang malaking bouquet.
“Klare, you’re joking.” Aniya.
Umiling ako.
“Klare, nagseselos ka lang noong una mo akong tinanggihan sa Camiguin. At ngayon, iniwasan ko si Cherry, ginawa ko ang lahat para hindi ka magselos. You’re joking.” Tumawa siya.
Umiling ulit ako.
Kung sana ay nagpapatawa nga lang ako. Kung sana ay joke lang iyong naramdaman ko kay Elijah.
“Sorry. May iba akong gusto.” Lumiit ang boses ko.
“No. No. Ako lang ang lalaking nakaaligid sayo. I’m sure, wala. You want to break my heart for revenge?” Giit niya.
Umiling ako. “Eion, I’m in love with someone else. Madly in love with someone else. Hindi kita ginagantihan.”
“Wha-” Ginulo niya ang buhok niya at tiningnan akong mabuti.
Gusto kong mag makaawa na patawarin niya ako. Ngunit ako mismo, alam kong hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
“Eion, let’s just b-be friends.” Nanghihina na ako.
“Hindi ko kailangan ng kaibigan.” Malamig niyang sinabi at sinipa niya ang bouquet sa gilid ko.
Napapikit ako sa ginawa niya. Umalis siya ng nagmamadali. Oh my God. This is toxic.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]