Until He Was Gone – Kabanata 31

Kabanata 31

Hindi Lang Ako

Tumunganga pa ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko at hindi ko rin naintindihan ang kanyang tinanong. Suminghap si Claudette at hinarap ako.

“Bakit si Elijah? Bakit…” Umiling iling siya. Para bang nahihirapan siyang gumawa ng tanong sa sobrang daming iniisip. “Bakit siya kung si Eion ‘yong alam kong gusto mo? Paano nangyari ito? Bakit sa pinsan pa natin?”

Nakita kong gulong gulo siya. Pumikit siya at suminghap. PInakalma niya ang sarili niya. Lumunok ako at tumingin sa pumapagitnang unan sa aming dalawa.

“Hindi ko alam. Nangyari na lang.” Iyon lang ang tanging nasabi ko.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Nag simula ako na gustong gusto si Eion. Ilang taon rin iyon na nag kagusto ako sa kanya. Pero simula yata nong debut ko ay napansin ko na ang bawat galaw niya. Hindi naman ako ganon dati.

“Paano? Si Eion, diba, ‘yon? Remember? Niyaya mo siya sa debut mo?”

Tumango ako.

“Well, then, paano nangyari?” Tanong niya.

“I don’t know, really. Hindi ko alam, Clau.” Napaos ang boses ko.

Kung sana ay may maidahilan ako sa kanya ay sasabihin ko agad ngunit wala akong dahilan. Hindi ko alam kung kailan nag simula, paano nangyari, at bakit nagkaganito. Namulat na lang ako isang araw na napapansin ko na siya at unti unti na lang akog nahulog.

“I’m not against the two of you, Klare pero hindi naman sa kinukunsinti ko kayo. Nakita ko kayong lumaki. Yes, I admit that Elijah’s been gone for a long time at nong high school tayo ay hindi natin siya madalas kasama dahil pabalik balik parin siya ng U.S… And I’ve seen you both fight over petty things na akala ko ay hindi na kayo magkakasundo. Why now? What happened?”

Nabigatan ako masyado sa mga sinabi niya. I get her point. Ngunit maging ako man ay hindi pa nakakapag isip ng ganyan ka lalim. I don’t know what happened. Kung sana lang ay may maisagot ako ay isasagot ko na sa kanya.

“Nakita ko siyang madalas na natutuwa pag tinitingnan kang nahihirapan noon. At nakita rin kita nong sinampal mo siya at ginalit sa harap ng maraming tao. Kahit kailan, hindi ko inisip na may mamumuong ganito sa inyong dalawa. Until that day…”

Tumama ang tingin ko sa kanya. Ngayon, ako naman ang nagtataka. Paano niya nahalata? Tumigil siya dahil nagkatinginan kaming dalawa.

“‘Nong practice ng debut mo. ‘Yong pagiging gago ni Elijah tuwing napag uusapan si Eion. But I rejected that idea. It’s impossible. He’s just being overprotective like how Rafael, Josiah, Damon, and Kuya Justin cared for Chanel’s relationships. Pero may napansin ako, hindi naman siya babaero no’n, a? Alam kong pumuporma siya sa mga babae ngunit hindi siya lelebel kay Kuya Azi. At tuwing naiisip kong kung gugustuhin niya talagang pumorma ay mas mahihigitan pa niya si Josiah sa dami ng nagkakandarapa sa kanya. Ikaw rin, Klare, the way you got real angry no’ng nakita mong kasama niya si Karen sa Sweet Leaf. You were so mad at him. Bakit?”

Kinagat ko ang labi ko. So… noon niya pa pala talaga nahalata. Masyado ba kaming transparent sa isa’t-isa? Masyado ba akong halata? Masyado bang halata si Elijah?

“Simula non, napansin ko na lahat ang galaw ninyo. ‘Yong madalas na pagtulog niya sa kwarto mo.” Nakita ko ang pagbagsak ng kanyang mga mata.

Umiling agad ako. “Hindi kami ganon, Clau.” Patuloy ako sa pag iling.

Alam kong sa mga iniisip niya ngayon at sa nadatnan niyang posisyon namin ni Elijah kanina ay gagagawan niya na ng kahulugan ang lahat ng iyon.

Tumango siya. “Sorry. Hindi ko maiwasan ang magtanong. I’ve been keeping this to myself. Gusto kitang kausapin dahil mas madali ‘yon kesa kay Elijah. Dahil alam ko, sa inyong dalawa, ikaw ‘yong mas may control. Palagi kitang nadadatnan na nagpipigil at tumitingin sa malayo pag may hindi gustong mangyari, ngunit si Elijah itong walang pakealam basta ba masabi at magawa niya ang gusto niya.” Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. Nakita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Bumigat ang dibdib ko.

“I’m with you both. I’ll support you because I love the both of you. Nakita ko rin kung paano mo siya iniwasan at kung paano ka niya iniwasan noon. At ngayong nandito na tayo, wala na tayong magagawa. But, Klare, aren’t you scared?”

Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Lumuha siya. Mahinhin at mahinahon lang. Naiiyak rin ako ngunit kailangan kong magpakatatag. Ang makitang umiiyak si Claudette ay masyadong kagulat gulat para sa akin. I’ve never seen her cry before. Kahit no’ng mga bata pa kami. Kahit na ilang beses siyang awayin ng mga kaibigan namin ay hindi siya umiiyak. That’s why Erin is always there to be the bitch for her. Ako lang iyong taga bigay ng lakas loob sa kanya kahit na mukhang hindi niya naman kailangan kasi hindi naman siya emosyonal. Pero ang makitang bumigay siya ngayon ay masyadong nakakahabag.

“I’m scared.” Sabi ko.

Pinunasan niya ang mga luha niya. Ngumisi siya at humiga sa kama. Kahit hindi na siya umiiyak ay nakita kong pula ang kanyang mga ilong.

“Sorry for crying. Talagang natatakot ako para sa inyo. Hindi ko alam.” Umiling siya. “Nakakabaliw pero gusto ko kayong dalawa. Elijah’s an asshole but I’ve seen him… the way he looks at you…” Sumulyap siya sa akin. “At natatakot akong sa oras na may makaalam ay baka paghiwalayin kayo. Masyadong partikular si Dad sa mga ganyan. Maging ang mga tito natin.”

“Sorry.” Sabi ko at humiga na rin sa tabi niya.

Bumukas ang pinto at binalot kami ng maiingay na si Chanel at Erin. May dala silang mga pasta na nilapag nila sa mataas na table sa gilid ng flatscreen. Hindi na kami nag imikan ni Claudette. I know she’ll keep quiet about this.

“Ano na? Matutulog na kayo? Ang lakas ng ulan sa labas! Sarap maligo!” Tumatawang sinabi ni Erin sabay bukas sa sliding door.

Narinig ko agad ang lakas ng ulan at ang lakas rin ng tawanan ng mga boys. Mabilis na pumasok ang naglalaway sa pagkaing si Azi.

“Food!” Sigaw niya sabay diretso sa mga pagkaing kinuha nina Erin.

Sumunod din si Rafael, Damon, at Josiah. Si Elijah ang huling pumasok. Nagkatinginan kami ni Claudette. Nagkibit balikat siya at tumayo agad para kumuha doon sa mga pagkaing dinala ni Erin at Chanel.

Tumayo rin ako para kumuha roon sa pagkain. Nasa likod ko si Elijah habang kumukuha ako ng lasagna at kumain. Umupo naman ako sa dulo ng kama para doon na kumain habang tawa sila nang tawa dahil sa inisan.

“Mamimiss ko talaga ‘tong mga lakad natin. Naiinis na ako sa school.” Ani Chanel.

“Wag mo ngang ipaalala sa akin na malapit na ang pasukan. Maglalaslas na ako nito.” Ani Erin.

“Sana mapunta naman ako ngayon sa mga nursing blocks para makahanap din ng nurse na ka fling, tulad nitong si Damon.” Tumatawang sinabi ni Josiah.

Binatukan ni Damon si Josiah. Parang iritado siya sa sinabi ni Josiah.

“Sayang lang at wala na kayo non! Bakit mo ba ‘yon pinakawalan? Sa bagay, nakakaumay nga naman pag araw araw ay ‘yon ang ulam mo!” Humagalpak sa tawa si Josiah.

Umambang susuntukin na ni Damon si Josiah dahil sa sinabi niya.

Mabuti na lang at pumagitna agad si Elijah. Nakita kong nagulat si Josiah sa pagiging seryosong bigla ni Damon.

“Joss, tama na!” Sabi ni Claudette.

Medyo nagkaroon ng tensyon sa amin. Binitiwan ko ang pagkain ko at hinawakan na ang braso nang nanginginig na si Damon.

“Bro, tama na sa biro tungkol sa kanya, ah!” Iritadong sinabi ni Damon.

“Uy, sorry naman. Chill lang. Akala ko cool pa? Hindi ba ganon ka naman dati?” Ani Josiah.

Hinawi ni Damon ang kamay ko sa braso niya at umalis doon. Bumalik siya sa balkonahe. Gusto kong magyaya sa kanila na matulog pa ngunit mukhang hindi tinantanan ni Elijah si Josiah. Tahimik na nag usap ang dalawa habang kaming mga girls, kasama si Azi, ay nakatingin lang sa flatscreen at nanonood ng isang musical at pambatang movie. Si Rafael naman ang kumakausap kay Damon sa labas.

“Tara!” Sabay tapik ni Elijah sa balikat ng nakatungangang si Azi at tinuro niya ang balkonahe.

Sumulyap si Elijah sa akin nang tumayo si Azi at sinenyas ang cellphone niya. Tumango ako at humiga na lang sa gilid habang chinacharge naman ang cellphone ko. May text messages si Eion doon na ngayon ko lang napansin.

Mukhang pag aayusin nila ang dalawa, a? Kaya hindi pa sila matutulog. Lumabas silang lahat sa balkonahe at agad namang sinarado ni Elijah ang pintuan. Nagkwentuhan tuloy kami tungkol sa nangyari.

“Hula ko, natamaan si Damon sa babaeng ‘yon.” Ani Erin.

“Nope. Damon is Damon. Naniniwala akong once ang isang lalaki ay isang jerk ay habang buhay na siyang jerk.” Utas naman ni Chanel.

“Does that mean Azi will forever be a jerk?” Tanong naman ni Claudette.

“And probably gay shit.” Tumatawang dagdag ni Chanel.

Tahimik lang ako at nagreply sa message ni Eion.

Eion:

Whoa! Inuman? Dami niyo kasing magpipinsan. Ang saya siguro ng ganyan.

Ako:

Yup. Movie marathon.

Tumunog ang cellphone ko sa text ni Elijah. Tinanong niya kung nag usap daw ba kami ni Claudette at mabubuking daw ba kami.

Elijah:

We need to tell them. Wag na tayong maghintay na mabuking tayo.

Mabilis akong nag text. Hindi niya siguro napansin iyong mga comments ni Clau sa posts niya sa Facebook. Kung ayaw ni Claudette sa aming dalawa ay malamang matagal niya na kaming sinumbong.

Ako:

She won’t tell.

Elijah:

Gusto ko na talagang sabihin. Why prolong this? They won’t like it anyway. Ngayon man natin sabihin, o next year, they won’t like it still.

No. He didn’t get me. I know better. I’ve seen Love in movies but I’ve seen relationships in real life. They fall apart. Almost always. Hindi ko sasabihing may exception sa aming dalawa. Sa kanya. At bata pa kami ni Elijah. Marami pang mangyayari. Marami pa siyang makikilala. What if this is just a phase to him? Hindi naman ako bulag. Nakita ko naman kung paano siya mag palit noon ng mga babae. Paano kung nahumaling lang siya sa akin dahil bawal kaming dalawa? Paano kung ngayon lang ito dahil bago lang kami? Paano kung kalaunan ay maghanap siya ng iba?

Yes. I probably have the worst insecurities. Iyon ang dinulot sa akin ng sitwasyon at pagmamahal na ito. Ngunit hindi ko kayang balewalain ang mga posibilidad na iyan. Pero tuwing iniisip kong mawawala siya sa akin ay parang nagigiba ang puso ko.

Ako:

Paghihiwalayin nila tayo.

Elijah:

Hindi tayo maghihiwalay.

Napalunok ako sa nabasa ko. Hindi ako makapaniwala. Pero natatakot akong maghiwalay kami dahil alam kong mali ito.

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Nilingon ko ang mga pinsan ko at nakita kong tulog na ang tatlo. Ala una na pala ng madaling araw. Hindi ko namalayan ang oras. Kaya pala hikab ako nang hikab. Maghapon naman kasi kami sa sementeryo kaya pareho kaming pagod na pagod.

“I’m out!” Tumatawa si Azi nang biglaan siyang pumasok sa kwarto. Humiga siya sa gitna ni Erin at Claudette.

Diretso ang kanyang pagtulog. Narinig ko agad ang hilik niya. Umiling ako at nilapag ang cellphone sa side table. Tumayo ako at pumuntang bathroom. Kailangan ko na ring matulog.

Habang naghihilamos ay narinig ko ang mga boses nila sa labas. Mukhang maayos na si Josiah at Damon. At naririnig ko rin ang medyo mga basag at lasing nilang mga usapan. Thank God, they’re now okay. Lumabas ako ng bathroom at nakitang nakahiga na silang lahat. Nakapatay na rin ang mga ilaw.

Lahat talaga kami ay pagod. Kaya dagdagan ng alak ay tulog agad pagdating sa kama. Si Elijah na lang ang gising. Nakaupo siya sa kama na hinihigaan ko kanina. Kahit na madilim ay alam kong nakatingin siya sa akin.

Naglakad ako patungo roon. Tumayo siya para itabi ako kay Rafael na tulog na tulog na rin ngayon.

“Uhm, magtatabi tayo?” Tanong ko.

Alam ko na ang sagot, syempre. Wala nang space kahit saan. Mukhang nasanay na rin ang mga pinsan namin na kami talaga ang magtatabi kaya heto at binigyan kaming dalawa ng space na magkatabi.

“Would you rather-“

“Nevermind.” Bulong ko bago niya pa matapos ang sinasabi niya.

Kinuha ko ang comforter na nakaipit sa paa ni Rafael at humiga na agad. Tumunganga pa si Elijah sa harap ko kaya tiningala ko siya.

“Di ka pa matutulog?” Tanong ko.

Suminghap siya at unti unting humiga sa gilid ko. Hindi siya umimik. Weird. Wala naman akong nasabing masama. Hindi ko nga lang siya nireplyan kanina.

“You okay?” Tanong ko nang nasa tabi ko na siya.

Hindi naman kami ganon ka siksikan para mawalan ng gap sa isa’t-isa. Hindi parin naman tumatama ang balikat ko sa balikat niya.

“Nabasa ko ‘yong mga text niyo ni Eion.” Malamig niyang sinabi.

“Oh.” Ngumuso ako.

Napatingin tuloy ako sa cellphone ko sa gilid. Hindi na ito nakasaksak sa outlet. Siguro ay tinanggal niya ito nang nagbasa siya sa mga message. Dammit, Elijah! Bakit mo kasi binasa?

“Are you… still flirting with him?” Bulong niya.

Parang tumambling ang damdamin ko sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit.

“Nope. It’s rude to ignore his messages.” Bulong ko pabalik.

“I don’t find it rude.” Aniya sabay tingin sa akin.

Nagkatinginan kaming dalawa. Parang tulad lang sa nangyari noon sa Camiguin. Only that, this is different. We’re much closer now.

“You’re being rude to me everytime you text him.” Aniya.

Kinagat ko ang labi ko. Bago pa ako makapag apologize ay pumikit na siya.

“Sorry, hindi ko sinasadyang pangunahan ka.” Buntong hininga niya.

“Huh?” Kumunot ang noo ko.

“May gusto ka parin ba sa kanya? Naguguluhan ka ba saming dalawa? At nananalo ba siya dahil hindi mo siya pinsan?” Nabasag ang boses niya sa huling sinabi.

Nalaglag ang panga ko. No, Elijah! Of course not! Dammit! Bakit mo iyan naiisip? Kinukurot ang puso ko sa mga sinasabi niya.

Dito ko napagtanto na hindi lang ako ang may insecurities. Hindi lang ako iyong nagmamahal. Hindi lang ako iyong naapektuhan. He’s here. He’s with me. Nasasaktan din siya. May insecurities din siya. At naaapektuhan din siya. Naiiyak ako. Nanginig ang labi ko habang iniisip kung ano kaya ang nasa loob ng utak niya? Paano niya kaya inisip ang lahat ng ito?

Noong nalaman niyang may nararamdaman siya para sa akin, paano niya iyon iniwasan? At bakit siya umamin? Paano naging ganito ka lakas ang nararamdaman niya para sa akin. Elijah is in love with me, too, and he’s damn vulnerable when it comes to me.

Hinawakan ko ang pisngi niya. Nilagay niya ang kamay niya sa kamay ko.

“Baby, answer me please.” Halos hangin na lang ang kanyang boses. “I am in love with you. And I really want to hear that you are in love with me too. Not with someone else.”

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya ito.

“Please, I want to hear it.” Aniya at pumikit siya.

“I’m in love with you, Elijah. Ikaw lang.” Bulong ko.

Bumuntong hininga siya. Para bang sa sinabi ko ay nabunutan siya ng tinik. Naguilty ako sa pag titext ko kay Eion. I really need to tell him straight now. Dapat ay iklaro ko sa kanya na hindi na magiging kami. I don’t want to hurt Elijah.

“Good.” Ngumisi siya at dumilat. “Kahit gusto kong isigaw mo ‘yan, I’ll be content to hear that as a whisper right now.”

Ngumuso ako. Nagkatitigan kaming dalawa. Humalukipkip siya. Pareho na kaming nakaharap sa isa’t-isa.

Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata at kinuha ang isa pang comforter.

“Baby, stop staring. Close your eyes. I’m going to lose my mind if you do that.”

Humalakhak ako.

“And stop that laugh, please.” Humalakhak din siya.

“Asshole.” Bulong ko.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: