Kabanata 30
I Know
Inuwi ako ni Elijah sa bahay. Wala pa sina mommy at daddy. Siguro ay hindi pa tapos ang party. Alas onse pa lang naman at gaya ng sabi ni daddy, uuwi ako bago mag alas dose. Wala ulit kaming kibuan. Masyado rin kasi akong maraming nasabi kanina.
Alam kong walang plano ang mga pinsan ko na matulog sa bahay namin ngayong gabi. Syempre dahil bukas, pupunta pa kami ng Divine Sheperd, kung saan nailibing ang Lolo namin. Doon kami magpapalipas ng undas kaya ang alam ko ay ihahatid lang ako ni Elijah sa loob ng bahay at uuwi rin siya agad. Masyado namang weird kung dito siya matutulog kahit wala naman sa plano. At pakiramdam ko, kung iyon ang magiging desisyon niya, hindi ako makakatulog sa kaba.
Pumasok ako sa kwarto at sumunod naman siya. Hindi ko siya matingnan habang siya ay parang pinapanood ang lahat ng galaw ko.
“I’ll just make sure you’ll sleep.” Aniya.
“Matutulog naman talaga ako.” Utas ko habang kinakapa ang zipper ng damit ko sa likod.
Oh no, no, no! Don’t tell me I need his help! Hindi ko na sinabi pero siya na mismo ang nagtanggal ng zipper pababa sa gitna ng likod ko.
“Uh, thanks.”
Mabilis kog kinuha ang pajama, t shirt, at tuwalya ko. Dumiretso na ako sa bathroom. Kinabahan ako doon. Ni hindi ko na siya tiningnan man lang. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng mag shower.
Hindi siya aalis hanggat hindi ako nakakalabas, diba? Ni hindi ko alam kung aalis ba iyon? At hindi ko rin alam kung gusto ko ba siyang umalis o hindi.
Pagkatapos ng shower ay nagpalit na agad ako ng damit. Lumabas ako at nakita ko siyang nakaupo parin doon sa kama ko. Naka puting t shirt na siya. Hinubad niya na ang seven colors na jacket. Naka puting t shirt at naka army pants parin siya. Sinundan ulit ako ng mga titig niya. Suminghap siya nang umupo ako sa kama. Nakatingin parin siya sa akin kaya tiningnan ko na rin siya.
“Anong oras ka uuwi?” Tanong ko.
Hindi siya agad sumagot. Imbes ay tumayo siya at kinuha ang comforter ng kama ko. Umayos ako sa kama. Tinabunan niya ang tuhod ko ng comforter at umupo siya sa gilid ko. Iyon lang ang ginagawa niya pero hindi alam kung bakit umaalog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Pinipigilan ko ito pero hindi parin umaamo.
“You really sure we won’t tell anyone?” Tanong niya gamit ang malulungkot na mga mata.
Tumango ako.
Ngumuso siya at tumango. “Matulog ka na.” Aniya.
Umiling naman ako. Kumunot ang kanyang noo sa aking pag iling.
Humiga ako sa kama nang nakatingin parin sa kanya.
“Hihintayin kong makauwi ka.” Utas ko sabay pakita sa cellphone ko.
Tumango siya at ngumisi. “Okay. We’ll sleep together.”
Tumango ako. Tumikhim siya at tumayo. Kinuha niya ‘yong jacket niya at tiningnan muna ako bago binuksan ang pintuan sa kwarto. Lumabas siya ngunit hindi niya agad iyon sinarado. Paunti unti niya iyong sinarado habang nag tititigan kami.
“Good night, Klare.” Dinig kong sinabi niya bago siya tuluyang umalis.
Nang nakauwi na si Elijah ay nakatulog din ako sa antok at pagod. Iyon lang ang hinintay ko. I want him home safe.
“Ate!” Sigaw ni Charles habang nagtatatalon sa aking kwarto kinaumagahan.
Oo nga pala. Pupunta kami ngayon sa libingan ng lolo ko. Paniguradong magpapapicture na naman si Azi sa lapida niya. Iyon kasi ang kanyang nakagawian. Taon taon, tuwing undas, simula nang namatay si lolo, nag papapicture siya sa lapida. Natutuwa kasi siya dahil pangalan niya ang naroon: Azrael Ian Montefalco Sr.
“Matuluyan ka sana!” Tumatawang sambit ni Erin sa kanya habang humihiga sa tabi ng lapida at nag papapicture.
Sikat si lolo dito sa syudad. Syempre, isa siya sa may malawak na lupa sa buong lalawigan. May ipinangalang street sa kanya sa isang lalawigan. A.I. Montefalco. Kilala ang buong pamilya kaya pagkarating namin sa sementeryo ay marami rin kaming kilala sa mga taong naroon at bumibisita sa patay.
Naroon na si Elijah, Azi, at Damon kasama ang kani kanilang mga magulang. Well, except for Damon. Ang daddy nina Damon at Rafael ay parating nasa Manila. Silang dalawa lang ang nakatira dito. Inoferran si Damon na mag Maynila para doon mag aral. Buong akala ko nga ay aalis na siya ngayong second sem pero nagulat ako nang hanggang ngayon ay nandito pa rin siya.
Tumama agad ang tingin ni Elijah sa akin. Kitang kita ko ang tingin niya galing sa mga mata ko pababa habang nakaupo sa niset up na mga upuan at mesa. Madalas ay dito kami nag oovernight. Iyon ang nakagawian. May mga kaibigan din kami sa paligid na dito rin nag oovernight sa sementeryo ngunit ngayon, mukhang malabo yata ito. Makulimlim ang panahon. Mukhang may bagyo kaya hindi kami pinayagan.
“Klare, light this candle.” Sabi ni mommy sabay limang kandila sa akin.
Sa libingan ni lolo at lola, may nakalibing ding ibang relatives namin. May mga bulaklak na doon at nag squat kami ni Charles para sindihan ang kandila na binigay ni mommy sa akin.
Hinintay namin na dumating sina Josiah, Chanel, at Erin. Umupo ako sa tabi ng tahimik na si Claudette habang hinihintay ang kanilang pamilya.
“Samin tayo!” Giit ni Azi.
Malapit lang kasi dito ang bahay nila. At paniguradong masisiyahan si Erin kasi matutupad na ‘yong wish niyang swimming sa swimming pool ni Azi.
“Hindi ka pa ba nauumay sa kaka overnight?” Tumatawang sinabi ni Damon.
“E, ikaw? Di ka pa ba nauumay sa palaging pagiging absent tuwing may overnight? Alam kong sa ospital ka nag papalipas ng gabi. Ewan ko anong meron sa ospital!”
Napangiwi si Damon kay Azi. “Wala ka ng pakealam doon!”
Nagbangayan pa sila. Tawa lang kami nang tawa ni Elijah at Claudette hanggang sa dumating na sina Chanel, Erin, at Josiah kasama ang mommy at daddy nila. Mabilis akong nag mano kina tita at tito. Napangiwi si Tito pagkatapos kong mag mano at agad bumaling kay mommy.
“Helena.” Matamang tawag ni tito kay mommy. “Is it safe to just bring her here?”
Tumama ang mga mata ni mommy sa akin at agad siyang lumayo. Sumunod si tito at daddy sa kanila at doon sila sa malayo nag usap.
“Tara kina Azi!!!” Tumawa si Chanel. “Sorry po, lo. May bagyo. Mahal ka po namin.” Aniya sa lapida.
Nagtawanan kami.
“Maiintindihan ‘yan ni lolo. Understanding ‘yan.” Tumawa si Elijah at sumulyap sakin.
Ngumiti ako.
Malayo kaming dalawa pero di ko maiwasan ang pag aalburuto ng mga mananap sa tiyan ko. Dammit, Klare! Anong meron? Wala naman, ah? Nagtatawanan naman kayo! Ni hindi ikaw ang kausap niya pero bakit ganyan ka?
“Dad, sa bahay kami mag oovernight.” Paalam ni Azi sa kanyang daddy niya.
Tumango si tito at tumingin kay Elijah.
“Don’t drive the car, Azrael. Ako ang mag dadala ng sasakyan natin. Makisakay ka kay Elijah pauwi sa bahay. Dito na muna kami ng mga tito niyo. Take Claudette.”
Tumango na parang aso si Azi.
Iyon ang pagkakaiba nila ni Knoxx. Pareho silang pasaway ngunit si Azi ay dakilang sunod sunuran sa kanyang ama. Habang si Knoxx ay rebelde at hindi napapasunod nino.
Pinayagan ako ni mommy at daddy na makapag over night. Iyon nga lang, biglaan at wala akong damit. Ani Erin ay hindi raw siya mag s-swimming dahil may period siya kaya nag plano siyang manood na lang kami ng horror movies. Wrong Turn, daw. Hindi ko kaya ang mga ganon. Okay lang ‘yong horror na may nagpapakitang mga aswang at white lady, ngunit ‘yong mga patayan at kainan ng atay ay hindi ko na kaya.
Ngumingiwi na ako patungo sa sasakyan. Dumiretso si Azi sa frontseat. Umismid si Elijah sa kanya.
“Dude sa likod ka.” Ani Elijah.
“What?” Hindi iyon naintindihan ni Azi.
“Si Klare sa front seat.”
Nagmura si Azi at napatingin sa akin. Lumipat siya sa likod at tumabi na lang kay Claudette.
“Di ko kayo maintindihan. Madalas patayan ang away, madalas din parang mamamatay kayo pag wala ang isa.”
Hindi ako umimik. Hindi rin umimik si Elijah. Maging si Claudette na siyang kasama namin ay wala ring kibo. Kung wala si Azi ay magiging tahimik ang byahe ngunit dahil nandyan siya, hindi niya kami pinatahimik.
“Handa na ang guest room. ‘Yong pinakamalaki! Kina Klare kasi mahahati tayo sa mga kwarto kasi maliliit at tama lang ang guest room, pero samin?” Humagalpak siya. “This will be good.”
Ang tinutukoy niyang good ay ang malaking guestroom nila na may tatlong king size bed na magkadikit dikit. Naka set up na rin ang napakalaking flat screen para sa panonood namin ng movie at nag handa rin sila ng pagkain. And of course, liquors. Hindi iyon mawawala. Damn, boys. Lalo na’t nandito na si Rafael.
Sa malaking guestroom nina Azi kami nag siksikan. Kahit na may kwarto si Azi at Claudette ay mas pinili parin nilang makipag siksikan doon. Iyon nga lang, hindi naging mabuti ang usapan. Noong una ay nakahiga pa kaming lahat at nanonood ng Wrong Turn.
Si Josiah ay kumakain ng pop corn habang si Chanel ay nakasandal sa kanya. Si Azi naman ay nakahiga sa tiyan ni Erin. Si Claudette ay pinapagitnaan ni Damon at Rafael. Naka upo ako sa dulo ng kama at niyayakap ang mga tuhod ko. Si Elijah naman ay nasa kabilang dulo at nakahalukipkip na naka tingin sa flatscreen.
Why the positions? Nakakatawang isipin na ganito kami kalayo sa isa’t-isa. Tahimik kaming lahat at sumisigaw lang sila tuwing nagpapakita na ‘yong mga cannibal na panot at nag tatakbuhan na.
“Eww! Eww!” Sigaw nang sigaw ang maarteng si Azi. “Look at your taste, Erin. What the shit?”
“Tumahimik ka diyan. Ang ingay mo!”
Normal naman kaming lahat. Normal kaming magpinsan. Normal na normal. Ayaw kong isipin na may abnormal sa amin kahit alam kong meron at kasalanan ko iyon.
Tumunog ang cellphone ko at agad agad kong binasa ang mga mensahe. Kanina pa pala may message si Eion. Binasa ko muna iyon.
Eion:
What you doin? Bumisita ba kayo sa lolo mo?
Nireplyan ko siya. Ako:
Sorry, late reply. Yup. Nasa kina Azi kami ngayon. Di makakapag overnight dahil sa bagyo.
Binuksan ko naman ang bagong message galing kay Elijah. Sumulyap muna ako sa kanya na nakatingin sa akin bago ko iyon binasa.
Elijah:
Pwedeng tumabi?
Ngumuso ako at agad nag type. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Wala namang alam ang mga pinsan ko pero parang na gi-guilty ako kung tatabi siya sa akin.
Ako:
I don’t know.
Nakita kong dumungaw siya sa cellphone niya. Agad siyang hinampas ng unan ni Azi.
“Dude! Stop texting!” Ani Azi.
Tumayo si Elijah at lumayo kay Azi. Dumaan siya sa harap at alam kong pupunta siya sa akin. Imbes na sa kanya ako tumingin ay sa mga pinsan kong titig sa flatscreen ako tumingin. Si Claudette lang ang nakatingin sa kanya. Hindi siya pinansin ng iba. Halos mapamura pa si Rafael nang dumaan siya sa harap.
Umupo siya sa tabi ko. Gumalaw ako para bigyan siya ng space. Gumalaw kaming lahat. Dammit! Why is this awkward for me?
Umupo siya sa tabi ko at tinitigan niya ako. Nakatingin lang ako sa flatscreen. Don’t tell me he’ll stare like this forever?
“Stop staring.” Bulong ko.
“Oh, okay.” Aniya at humilig siya sa balikat ko.
Naghuramentado ang sistema ko. Damn the internal turmoils! Alam kong walang alam ang mga pinsan ko pero pakiramdam ko malalaman nila. Alam kong hindi sila mag iisip ng masama sa ginagawa ni Elijah ngunit hindi ko mapigilang mag isip ng masama sa nangyayari.
Kinuha ni Elijah ang phone niya at nag text. Hindi ko tiningnan kung sino ang tinext niya. I’m sure it won’t be me. Magkatabi naman kaming dalawa. Pero nagulat ako nang tumunog ang phone ko at nabasa ang message niya.
Elijah:
You smell so good.
Halos itapon ko sa flatscreen ang cellphone ko. Hindi ko talaga alam kung nagustuhan ko ba iyong tinext niya o hindi. Basta ang alam ko, gusto kong basagin ang phone ko.
Ako:
Stop making everything awkward.
Elijah:
It’s not awkward. You’re just paranoid.
“Ano ba kayo? Undas ngayon, pakitigilan iyang pag titext niyo sa mga love life niyo!” Sigaw ni Erin nang nahalata ang madalas na pag tunog ng mga cellphone naming dalawa.
“Sorry.” Sabi ko at binaba ang cellphone ko.
“Bitter.” Tumawa si Chanel.
“Sagutin mo na si Eion, Klare, para matapos na ang lahat!” Humagalpak si Erin.
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi. Tumikhim si Rafael at tumayo.
“Ayoko na nga. Nakita ko na naman ito!” Aniya at kinuha ang biniling Jagermeister sa tabi niya.
Binuksan niya ang slide in na pinto patungo sa malaking balkonahe ng guestroom nina Azi. Umuhip ang malakas na hangin. Umuulan sa labas pero hindi uulanin ang balcon dahil hindi open.
“Inuman na tayo!”
Nagalit si Erin dahil panira daw iyon sa bonding moment naming mag pinsan. Kaya lang ay pumayag si Azi at Josiah kaya sumunod na rin ang ibang boys. Si Elijah lang yata ang nanatiling nasa higaan.
“Elijah, lika na!” Tawag ni Azi galing sa labas.
“Don’t like.” Ani Elijah at sumandal ulit sa balikat ko.
“Hay, i hate boys!” Sigaw ni Erin at nagyaya kay Chanel na kunin iyong lasagna sa baba.
Lumabas silang dalawa. Sinarado naman ni Azi ang pintuan sa balkonahe kaya kaming tatlo na naman ang nasa loob ng kwarto. Tumayo si Claudette at lumabas nang di nag papaalam.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Elijah. Nag angat din ng tingin si Elijah sa akin.
“Uminom ka kasama ng mga boys. Weird kung parati kang nandito.” Sabi ko.
Umiling siya. “Paglalaruan na naman ni Azi ang phone ko. He really wants me to hook up with Cherry.”
Medyo napangiwi ako sa kanyang sinabi. I don’t like it. Kung pwede lang ay itago ko si Elijah sa akin ay ginawa ko na.
“Then, give me your phone.” Sabay lahad ko ng kamay.
Ngumuso siya at tumango sabay bigay sa akin ng phone niya. “But I want to text you while I’m in there.”
Ako naman ngayon ang naguluhan. Gusto ko rin ng ganon. Pumangalumbaba siya sa akin habang nakatukod ang kanyang siko sa kama. Ang isang braso niya naman ay nasa baywang ko. He’s locking me on the bed. Kinabahan tuloy ako at baka may makakita sa amin. Mabuti na lang at may kurtina naman ang sliding door na salamin. Kaming dalawa lang naman sa room ngayon.
“Okay. Wag mong ipahawak kay Azi.” Sabi ko.
Ngumisi siya at tumango nang biglang may pumasok sa kwarto.
Mabilis ko siyang tinulak ngunit hindi siya tuluyang nalayo. Alam kong ganon dahil wala naman talaga siyang intensyong itago ang kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa. And it’s freaking scary.
Tumaas ang kilay ni Claudette at nag iwas ng tingin sa amin. Kinuha niya ang cellphone niya sa tabi ng kama ko. Dahan dahang umupo ng maayos si Elijah at pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok.
“Don’t worry. I know.” Ani Claudette.
Alam ko iyon. May duda ako. Ngunit nagulat parin ako. Tumayo si Elijah at nakakunot noong tinitigan si Claudette.
“Dito lang ako sa kanila, Klare.” Aniya at umalis na patungo sa balcon.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Claudette kaya di na lang ako kumibo. Ngunit siya mismo ang hindi na nakatiis.
“I get it. Naramdaman ko iyon. And I understand, I’m with you both. I know it’s bad. Really bad. But I wanna know, Klare, bakit?”
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]