Until He Was Gone – Kabanata 29

Kabanata 29

Leave It At That

Pinakilala ako ni Eion sa lahat ng kaibigan niya noong high school. Hindi ko maalala ang mga pangalan nila dahil masyado akong preoccupied sa nangyari sa kay Elijah.

“Klare!”

Nakapag picture ako at lahat lahat na. Sa mga kakilala ko at sa mga kaibigan din ni Eion ngunit ang buong utak ko ay hawak parin ng mga impormasyong nalaman ko. Una sa lahat, nag drunk call si Elijah kay Cherry. Kailan iyon nangyari at anu ano kaya ang sinabi ni Elijah? Pangalawa ay nagkasama sila sa gym kanina. Ano kaya ang mga pinag usapan nila?

Napapikit ako. I hated myself for asking too many questions. Hindi iyon tama kasi wala naman akong karapatan. I need to just keep this to myself.

“You okay?” Tanong ni Eion sa akin.

Ngumisi ako at nag angat ng tingin.

Binigyan niya ako ng isang bote ng beer. Nanliit ako bigla. Pakiramdam ko ang pangit pangit ko ngayong gabi. Hindi naman makapal ang make up ko tulad ng gusto ni Elijah. Unique lang ang panlaban ko sa ibang may sexy’ng damit.

Dammit, Klare! Saan mo ba nakuha ang mga insecurities mo sa katawan? Hindi naman ako ganito noon.

“Klare?” Tumaas ang kilay ni Eion sa akin.

Uminom ako sa beer na binigay niya saka siya sinagot, “I’m okay.”

Binalot ng trance music ang buong bar. Madalas ay ‘yong mga sikat na kanta ngayon kaya halos tumalon sa saya ang mga tao. Itong kinatatayuan namin ni Eion ay sinasayawan na rin ng iba kaya pumagitna na kami sa mga taong nakacostume at sumasayaw.

“You’re so…” May dinagdag pa si Eion na hindi ko narinig.

“Ha?” Sigaw ko dahil dumarami na ang tao at lumalakas na ang music.

The party is at it’s peak. Wala na akong marinig kundi ang mga hiyaw ng mga naka costume. Inilapit ni Eion ang kanyang mukha sa akin para makabulong. Halos mapaatras ako dahil sa kanyang paglapit.

His voice was husky as he whispered, “You are so beautiful. Bagay sa’yo ang suot mo.”

Napangiti ako. Nagkatinginan kami sa gitna ng maiingay at sumasayaw na mga tao. Napalingon ako sa gilid nang biglang sumigaw ang pinsan kong si Erin dahil mukhang na out balance ito sa pagsasayaw at umalingasaw na ang alak galing sa kanya. She’s drunk.

“Ohh! Sorry!” Sabay kapit niya sa balikat naming dalawa ni Eion.

Hindi na maka focus ang kanyang mga mata at ngiting ngiti na siya. Hindi na rin maayos ang kanyang sungay.

“Erin, tumayo ka.” Sabi ni Eion nang nakitang nahihirapan na ako sa pagkakasandal ni Erin sa aming dalawa.

“Oopps, sorry sa istorbo.” Tumayo na agad si Erin at sumigaw habang sumasayaw kasama ang mga girl friends niya.

Umiling si Eion at pinagmasdan ang nababaliw na si Erin habang lumalayo sa aming dalawa. Bigla na namang nag hiyawan dahil sa change ng music at iyong mga paborito pa ata ng mga tao. Hinila si Eion ng kanyang mga kaibigan. Tumawa siya at tiningnan ako habang hinihila din ng ibang kaibigan niyang kilala ko rin naman dahil sa All Star group. Nagtawanan kami at nagpatianod sa sayaw.

Habang sumasayaw kami at nagtatawanan ay nakita ko naman si Elijah sa sofa na nakatunganga sa sofa. Tinitingnan niya ang bote na para bang wala na siyang ibang matingnan.

“Oh, nurse Cherry, ba’t iniwan si Elijah?” Tanong ng katabi ko.

Nagulat ako dahil narito na rin pala si Cherry at nagsasayaw. Nawalan na ako sa mood para sumayaw dahil mas gusto ko ng makinig sa sasabihin niya. Ganon ba talaga? Kahit na alam mong nasasaktan ka na sa lahat ng nangyayari ay mas pipiliin mo paring makinig kesa sa mabulag na lang?

“Ayaw niya, e.” Nag kibit balikat si Cherry habang sumasayaw kasama ang girlfriends niya.

Hindi pumayag si Elijah na makasayaw si Cherry? I thought he’d be a gentleman again? Na papayag ulit siya. Napalunok ako at nakinig pa lalo.

“You’re not charming enough.” Nagtawanan ang kanyang friends.

Nakita kong natigil si Cherry sa kanyang pagsasayaw. Tumaas ang kilay niya kaya mas lalo lang nagtawanan ang kanyang mga kaibigan. Para siyang na offend sa kanilang mga sinabi sa kanya. Tumalikod siya doon. Hindi ko tinanggal ang titig ko sa kanya habang nilalapitan ang nakatungangang si Elijah. He looked like a wounded soldier. Mag isa lang siya sa sofa. Syempre, sino ba ang magiging kasama niya roon. Sina Azi, Rafael, at Josiah ay pare parehong nambababae. Well, I don’t know for Damon. It’s either, nandito ang kanyang babae o umalis na iyon dito.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang hinila ni Cherry ang kamay ni Elijah. Hindi niya mapatayo si Elijah sa pagkakaupo. Ngumisi si Elijah at umiling. He didn’t want to dance.

“Come on, Montefalco!” Sigaw ng mga kaibigan niyang kasama ko at nag titilian sa kanilang dalawa.

Umiling pa ulit si Elijah. Nakita kong nahirapan na si Cherry sa paghila sa kanya. Nahagip ni Elijah ang mga titig ko. Nakita kong nag igting ang kanyang bagang. Hindi sana ako titigil sa titigan namin kaso biglang hinawakan ni Eion ang kamay ko at inikot ako sa kinatatayuan ko.

Pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking baywang. Ang lapit na naming dalawa! Ang dating atensyon kong nasa kay Elijah ay ngayon nakay Eion na. Malapit ang mukha namin. Nakangiti siya habang nanlalaki ang mga mata ko.

“YEHEY!” Sigaw ng lahat.

Kumalas ako sa pagkakahawak ni Eion sa kamay ko. Hindi niya pa kinalas ang pagpulupot niya sa aking braso ngunit umismid ako at yumuko.

“Eion, sakit ng paa ko.”

Naapakan kasi ito kanina habang tumutunganga ako kay Elijah. Siguro ay isa sa mga naka high heels na cow girls ang nakaapak na kaibigan naman ni Cherry kaya sumakit ito ng husto.

“Oh? Sabay na tayo.” Aniya.

Imbes na umiling ako ay hinigit niya na ako palayo sa dancefloor. Tumama ang mga mata ko sa sofa na wala ng nakaupo. Nilingon ko agad ang dancefloor kung nasaan na si Elijah, nakatayo at pinapaligiran ng mga kaibigan ni Cherry. He will dance with her, of course, I knew it!

Pinaupo ako ni Eion sa sofa at nagulat ako nang inangat niya ang paa ko at nilagay niya iyon sa kanyang kandungan. Uminit ang pisngi ko sa kanyang ginawa. Kahit na nakasuot ako ng puting stockings at hindi naman kita ang legs ko ay naasiwa parin ako. Lalo na nang nakita ko ang mga mata ng mga nakakakilala sa amin at napapangiting-makahulugan sila.

“Saan ang masakit?” Tanong niya habang pinipisil pisil ang akin paa.

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko alam kung ituturo ko ba sa kanya kung saan ang masakit o babawiin ko ang paa ko. That would be rude.

“WELCOME BACK, ELIJAH MONTEFALCO!” Dinig ko ang sipol na malakas ni Azi sa dancefloor.

Nagtawanan sila. Nilingon ko silang lahat at pinapalibutan na sila ng mga babae ngunit ang bagang lang ni Elijah na patuloy na nag iigting ang napansin ko. Diretso ang tanaw niya sa akin at hindi siya gumagalaw habang pinipilit at piangtutulakan na siya nina Azi, Cherry, at Josiah sa kinatatayuan niya.

Kumunot ang noo ko. Bakit ka ganyan maka tingin sa akin?

“Elijah, move naman diyan!” Tumatawang sinasabi ni Cherry habang sinasayawan na si Elijah sa dancefloor.

“Aray, Eion.” Sabi ko nang napisil nI Eion ang masakit na parte sa aking mga paa.

Napapikit ako at agad kong binaba ang paa ko. Kumunot ang kanyang noo.

“Ano bang nangyari diyan at bakit masakit? Coz of the dancing o naapakan ka ba sa dancefloor?” Tanong niya.

“Damn, man, you are back on the dancefloor but you’re not even moving. Daming chics, o!” Tumatawang sambit ni Josiah.

Medyo humupa ang tawanan nila. Lilingon sana ako dahil naweirduhan ako. Ang dating hiyawan ay nauwi sa nakakabinging katahimikan. Bago pa ako nakalingon ay narinig ko na ang boses ni Elijah sa likod ko.

“Klare, we’ll meet outside in three minutes.” Malamig niyang sinabi.

Kumunot ang noo ni Eion at nag angat ng tingin kay Elijah. “Iuuwi mo na siya? The party’s not yet over, Elijah.”

“Yes, Eion. Iuuwi ko na siya.”

Natigil ako sa paghinga. Bakit niya ako iuuwi? Oo at gusto ko na rin namang umuwi dahil hindi ko nagugustuhan ang mga nararamdaman ko sa party na ito ngunit hindi ko inasahang mag yayaya siyang umuwi. He’ll enjoy the party with the girls. Tinikom ko ang bibig ko nang narinig na humakbang na siya palabas doon.

“Anong nangyari, Klare? He’s at it again. World war na naman kayo? He’s on asshole mode.” Ani Azi sa likod ko.

Di ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam. Bumigat lang ang damdamin ko. May hinala ako kung anong meron kay Elijah pero kikimkimin ko. Kung iyon ang totoo, dapat maisip niya ring ganon rin ang nararamdaman ko. But I know my boundaries. Kaya kong magpanggap na okay lang kahit hindi. Kaya kong magpanggap dahil alam kong wala akong karapatan na manumbat sa kanya.

“Kanina pa iyon, a? He’s been rejecting Cherry-“

“Bakit niya idadamay si Klare? Kung hindi siya natutuwa sa party, edi sana, siya ang umalis. Bakit isasama niya pa si Klare?” Tanong ni Eion.

Nakita kong medyo nairita siya sa ginawa ni Elijah. Hinawakan ni Eion ang kamay ko. Kinabahan agad ako. Dahil alam ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko at wala ng makakapag pabago pa sa isip ko. Coz even if he’s hurting me, I will still choose him. Kahit na anong sakit ang idulot nito sa akin, sa kanya parin ako papanig.

“Stay, Klare. Hayaan mo na si Elijah. He’s just being an asshole and he’ll vent on you.” Ani Eion.

Kinagat ko ang labi ko at unti unti kong kinalas ang kamay ko sa kamay niya. Nakita kong mas lalong nagalit si Eion sa ginawa ko.

“Guess blood is really thicker… than anything else.” Bulong ni Claudette sa gilid.

Hindi na ako lumingon. Iniwan ko na silang lahat doon para lumabas sa club Tilt. Hindi ko alam kung saan nag park si Elijah. Luminga ako para hanapin ang kanyang sasakyan sa paligid. Agad kong niyakap ang sarili ko. Malamig na sa labas. Asan kaya siya?

Umilaw ang kanyang headlights. Nasa harapan ko siya at umaandar na ang kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan ng front seat at nakita ko agad ang pag iigting ng bagang niya. Badtrip talaga siya.

Nagmadali ako sa pagpasok. Mabilis ko rin iyong sinarado. Hindi ako umimik. Humalukipkip lang ako at tumingin sa labas. Yes, I chose him. But that doesn’t mean that everything’s okay between us. Ayokong manumbat ngunit hindi ko maitago ang pagtatampo. I am jealous. Really jealous and insecure, too. I want to tell him but I know it will just make things complicated.

“I’m fucking jealous.” Aniya sabay liko sa kanyang sasakyan at park sa isang street di kalayuan sa Club Tilt.

He wanted to talk. Gusto ko rin iyon. Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. I just want to stay in this moment. At gusto ko ang huling sinabi niya ang huling narinig ko. Gusto ko iyon lang. Walang bukas, walang mamaya, walang susunod na mangyayari. I just want this to linger because I liked it. Hindi naman sa gusto ko na nagseselos siya pero gusto ko na makaramdam siya nong naramdaman ko kanina habang kinakausap siya ni Cherry.

May bukol na namuo sa lalamunan ko. Don’t cry, Klare, please.

“And I can’t keep it to myself.” Dagdag niya.

Naghintay siya sa sasabihin ko pero mas lalo lang akong walang nasabi nang namuo na ang mga luha ko. Stop this silence, Klare. I need to talk, too.

“Elijah, nagseselos din ako.” Sabi ko. “I told you I don’t want you to be with other girls!” Hinarap ko siya.

Nakaawang ang kanyang bibig na para bang hindi niya nakukuha ang mga sinasabi ko.

“I am so insecure! Alam mo iyon? Sobra sobra! Simula pa…” Humikbi ako.

Hindi ko na napigilan ang pag buhos ng mga luha ko.

“Simula pa lang nong nakikita kong nag paparamdam sayo si Hannah o si Cherry. Nong hinatid mo si Hannah at matagal kang umuwi. I wanted so much to shout at you! Bakit ka natagalan? Wala namang traffic, a? What happened along the way-“

Hinawakan niya ang braso ko ngunit hinawi ko ang kamay niya.

You want me to talk, Elijah? I will not stop talking until all my issues are out!

“N-Natagalan ako kasi malayo ang bahay nina Julia. Kailangan pa naming umikot bago makabalik at makapunta sa-“

“Anong sinabi mo kay Cherry at bakit ka nag drunk call sa kanya? May number ka ba niya? Nag titext na ba kayo? God! I sound crazy!” Sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko na dapat sinabi iyon. Masyado na iyong below the belt. Hindi na dapat ako nakikialam kasi hindi naman kami at malabong maging kami. May buhay siya, I need to leave him alone. I need to get my own life! Ang problema dito ay saka lang ako nagkakabuhay pag kasama ko ang mga pinsan ko. At siya, may buhay siya kahit wala ako.

“‘Yong gabi sa rooftop, di ko alam na dinial ni Azi ‘yong number niya kaya napamura ako. Nag text ako sa kanya at nag apologize sa mura ko. That was it, Klare.” Nabasag ang boses niya sa pagbabanggit sa pangalan ko.

Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit hinawi ko iyon. Nanginig ang balikat ko sa pag iyak. Hindi ko siya hahayaang hawakan ako. Dahil alam ko, sa oras na hawakan niya ako makakalimutan ko na naman ang insecurities ko.

“So nagkita pala kayo sa gym?” Hindi ko maitago ang tabang sa boses ko.

“Hindi ko alam na nandon siya. Pag dating ko, nandon na siya.”

Kinagat ko ang labi ko. I hated myself for accepting all his reasons. I hated it. I hated that he’s innocent and I’m insecure!

“Baby…” Halos kilabutan ako sa pagkakasabi niya non.

Nanginginig parin ako sa pag iyak ko. My hair’s a mess and I’m sure pati ang mukha ko ay magulo na rin.

“Baby, can I hold you now?” Bulong niya habang nababasag ang kanyang boses.

I want to hear his side, too. Gusto ko ring malaman kung bakit siya nag seselos kahit na alam ko na naman. Dahil dumikit ako kay Eion. Pero nagseselos din naman ako kasi dumikit siya kay Cherry.

Hinawakan niya ang braso ko. Hindi na ako pumiglas. Maingat ang pagkakahawak niya. Para bang anytime ay mababasag ako kung hindi siya mag iingat.

Inilapit niya ako sa katawan niya. I can feel the warmth of his body. Pumikit ako ng mahigpit sa pag asang maubos na sa pagtulo ang lahat ng luhang namuo sa mga mata ko. Pinulupot niya ang kabilang braso niya sa mga braso kong nakahalukipkip.

“I hate you!” Sabi ko.

“I’m sorry.” Bulong niya.

Hinilig niya ang noo niya sa tainga ko. Hindi ko maidilat ang mga mata ko sa sobrang sarap ng pakiramdam na ganito kaming dalawa. I want to stay like this forever. Kung sana ay pwede. Kung sana ay pwede kami.

“Klare, let’s tell them.” Aniya.

Suminghap ako sa sinabi niya. Para akong nabilaukan. No. No. I don’t want to wake up from this dream. Alam kong sa oras na sabihin naming dalawa ang namamagitan sa amin ay paghihiwalayin lang kami. Maaring ilalayo siya sa akin o ako ang ilalayo sa kanya. That would be devastating. No. I can’t self destruct now that I’m genuinely happy. Kahit na madrama ay kaya ko basta ba may kapalit na ganito.

“No.” Umiling ako.

“But baby, I want to tell them. I’m not scared.”

Umiling ako.

Elijah’s just nineteen and I’m just eighteen. Ano ang laban namin sa mga magulang namin kung paghihiwalayin kaming dalawa? At isa pa, hindi ko kayang biguin si mommy at daddy dahil sa kasalanang ito.

Bumuhos ang luha ko nang napagtanto kung ano lang ang talagang kaya kong gawin sa ngayon. To love him while he’s here, to just cherish this moment, to just be happy now. Iyon lang talaga. Mamahalin ko siya hanggang sa mahal niya pa ako. Sa oras na magsawa siya sa akin ay papakawalan ko siya. Simple. Hindi malalaman ng pamilya naming dalawa. I can be happy now. I can be happy while it lasts.

Tumikhim siya. Nakasandal parin ang kanyang noo sa taas ng tainga ko. Ramdam ko ang mabibigat niyang hininga sa leeg ko.

“Elijah, we can’t. You know that. We really can’t.” Utas ko.

“I don’t care what they say. We need to tell them, Klare.” Aniya.

Umiling ulit ako. I’m serious.

“I can’t stand there pretending that I’m not jealous. That Eion flirting with you is fine with me. I want to just punch him everytime he looks at you. Baby, I can’t keep this secret.”

“Elijah, hindi mo naiintindihan.” Iyon lang ang tanging nasabi ko.

Hindi ko kayang dugtungan ng mga rason ko. Matagal pa bago siya nagsalita ulit. Ganon lang ang naging posisyon naming dalawa hanggang sa tumigil ako sa paghikbi.

“I think we’re just going to have to be secretly in love with each other and leave it at that.” Sabi ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap niya akong mabuti. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang nagugulat niyang mga mata. May mali ba sa sinabi ko.

“In love ka sakin.” Hindi iyon tanong. Para bang sinabi niya iyon sa kanyang sarili para maniwala siya.

Kinagat niya ang kanyang labi at tiningnan akong mabuti. Nagkasalubong ang aking kilay sa sinabi niya. Ilang sandali pa bago siya kumibo. Umiling siya at pumikit.

“I’m sorry, baby, don’t expect me to keep my feelings to myself. It’s overwhelming. I can’t hold it alone. At wala akong pakealam kung may makahalata.”

The secret thing? I think I’ll do this alone. He’s not going to hold back now. Lalo na’t indirectly ko nasabing in love ako sa kanya. He’ll go all out. And I’m damn scared of losing him along the way.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: