Until He Was Gone – Kabanata 28

Kabanata 28

 

 

Nataranta akong kinaladkad nina Erin at Chanel pagkatapos ng araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit may malalaking bagahe sa sala. Naroon din si Claudette na kumakain lang ng cake sa harap ng TV.

“Oh my God! Hindi ko namalayang mamayang gabi na iyon!” sigaw ni Erin pagkatapos niya akong higitin galing sa kuwarto.

Naka-pajama pa ako at inaantok pa. Iyon ang masaya sa sembreak. Enrolled na rin kami ni Elijah kahapon. Pahirapan at kailangan naming maghiwalay dahil ibang year naman kasi siya. First year lang ako at 2nd year naman siya kaya hindi kami gaanong nagkasama habang ginagawa iyon.

T-in-ext din ako ni Eion tungkol sa nangyari at nag-apologize siya sa inasta niya. Okay lang naman iyon. Ang importante ay hindi sila tuluyang nagkagulo noong Pierre na ‘yon.

Wala rin namang gaanong nagtanong kung saan ako nagpunta. Siyempre, siguro nang nakita nilang wala ako at wala rin si Elijah, inisip na nilang itinakas na niya ako para protektahan sa away ng dalawa.

Binusisi ni Erin ang bawat bagahe sa harapan ko. Nagulat ako nang nakakita ako ng panty na may malalaking lace. Para saan ba ito? Hindi ko alam. Maraming iba’t-ibang colors na damit. Costumes.

“Eto!” sigaw ni Chanel habang tumatawa sabay pakita sa isang costume ng witch.

“Harry Potter!” sigaw ni Claudette.

Ngumiwi sina Chanel at Erin sa sigaw ni Claudette. Nagpatuloy sila sa paghahanap ng costume.

“Mamaya na ang Halloween Party?” tanong ko kahit obvious na.

October 31 na ngayon kaya malamang nga ay ngayon ang party. Inirapan na lang ako ni Erin at mas lalo pang hinukay ang mga costume.

“Saan n’yo ba ito nakuha?” Tanong ko sabay busisi na rin sa mga costume.

Ano naman kaya ang susuotin ko? Hindi ko alam. Mukha namang hindi natataranta si Claudette na ngayon ay titig na titig sa TV namin.

“Ate, I will be a tiger for this year’s Halloween!” Nag-roar si Charles habang sinusuot ang kanyang tiger costume.

Ang alam ko, may pupuntahang party rin sina Mommy at Daddy mamaya. Isasama nila si Charles. Isa kasi sina Daddy at ang mga tito ko sa member ng organization na iyon kaya dadalo sila.

“Aww, ang cute-cute mo Charles,” sabi ni Claudette habang tumatakbo ang kapatid ko sa sala at umaaktong tiger.

Natigil si Charles at matalim na tinitigan si Claudette. “I’m not cute. I’m guwapo!” Giit niya.

“You should learn to stop speaking English, Charles. Mas gusto ng girls ‘yong mga hindi inglisyerong boys. We find it gay if you speak in English!” singit ni Erin.

“Kuya Elijah speaks English but Ate Klare still likes him. What’s wrong with that?”

Nalaglag ang panga ko at nagkunwaring naghalungkat pa ng mga damit kahit wala na akong naintindihan sa mga hinahalungkat ko. Napansin ko rin sa gilid ng mga mata ko ang paglingon ni Claudette sa akin.

“E kasi po, he’s from the U.S. and he’s used to it. Ikaw, maghanap ka ng bagong idol mo. Try Daniel Padilla.”

Umirap lang si Charles at tumakbo pabalik sa kanyang kuwarto. Umiling lang si Erin at nagpatuloy sa kanyang paghahalungkat ng mga damit. Napalunok ako at pinagmasdan ang dalawa na mukhang wala paring napapansin. Nilingon ko si Claudette at nakita kong nagkibit-balikat siya sa akin.

Alam ko talagang may alam siya pero hindi ko pa naririnig sa kanya ang inaasahan kong pagtutol.

“Anong susuotin mo, Dette?” tanong ni Chanel.

“I’ll be Haruhi Suzumiya!” Excited na sinabi ni Clau sa amin.

“What?” Umirap si Erin.

Hindi na naman ‘ata niya maintindihan kung sino o ano iyon. Maging ako ay hindi ko maintindihan. Mahilig ako sa anime noong high school pero hindi ko naging bisyo ‘yon tulad ng pagiging addict ni Claudette sa mga iyon.

“Here!” sabay pakita niya sa kanyang cellphone.

May picture doon ng isang babaeng may blue uniform at may kulay orange na headband.

“Cosplay!” aniya.

“Buti pa siya. May napili na,” ani Chanel.

Mas madali sanang mamili kung anime character nga ang pipiliin ko. Sailor-type uniform lang at wig. Kaya lang ay mukhang kapos na kami sa oras.

“Hindi sasama si Hannah sa party dahil umuwi raw sila ng probinsiya ng kanyang dad para sa undas,” ani Erin habang binabasa ang kanyang cellphone.

Pahirapan ang nangyari sa pagpili ng mga damit. Tatlong beses ng nagpalit si Chanel ng kanyang costume. Una dahil hindi kasya, pangalawa ay dahil ayaw ng kanyang boyfriend, pangatlo iyong ngayon. Si Erin naman ay halos papatay na dahil hindi pa rin makapili.

“Meryenda muna,” ani Mommy habang nilalapag ang cake sa center table ng aming sala.

Kumain na lang si Erin. Patuloy naman ako sa paghahanap ng mga damit nang biglang humalukipkip si Mommy sa harap ko.

“May costume ka na para sa party, a,” aniya.

“Ano? Sa’n po?” Napatanong ako.

“Hindi ba last year, hindi ka nakasali dahil umuwi tayong Davao para roon na mag-undas? Pero sinabi mo sa akin na papagawan pa rin kita ng costume for this year’s Halloween?”

Napatalon ako nang na-realize iyon. Ngayon ko lang naalala! Oo nga pala! Nagpagawa nga pala si Mommy noon. Mabilis ko siyang sinundan sa kanyang kuwarto. Naririnig ko ang mga ungol ni Erin dahil naiinggit siya sa akin.

Naabutan ko si Daddy na nagko-computer sa kuwarto nila. Diretso na lang ang tingin ko kay Mommy na ngayon ay paliko na sa walk-in closet nila. Ni-slide ang pinto ng malaking cabinet at tumambad sa akin ang mga damit nina Mommy at Daddy Nakita ko na rin ‘yong costume nila mamaya. Ngumisi ako nang nakitang may tiger hood si Daddy at si Mommy naman ay may tiger dress. Tiger family pala ang peg nila mamaya sa party ng org.

“Here,” aniya sabay pakita sa akin ng puting ballerina dress.

Gusto ko kasi sanang maging White Swan sa movie ng “Black Swan” ni Natalie Portman. Iyon ang ginaya sa dress na ito. Black Swan sana ‘yong ipapagawa ko, kaso hindi nagustuhan ni MommyMas babagay raw sa akin ang white.

“Thank you, po!” sabay yakap ko kay Mommy

Hindi ko inakala na may ganito pala ako kaya ngayon ay tuwang-tuwa ako.

“Just don’t over do the make-up. May artist ka na? Ibo-book ba kita sa—”

“Huwag na po, mom. Si Chanel na lang,” sabi ko.

Hindi na kailangang mag-effort. Isang bar party lang naman iyon kaya hindi na kailangan ng professional artist.

“Klare, ‘wag kayong papagabi. Tell Elijah to bring you home before midnight.”

Tumawa ako sa malamig na sinabi ni daddy. “Dad, parang Cinderella lang?”

“It’s for your safety. At saka pupunta pa tayo bukas sa Divine. Just be home early, okay?” Nag-angat siya ng tingin sa akin.

Tumango ako at niyakap si Daddy. “Yes, po.”

Sa dinami-dami ng mga hinalungkat nilang costume ay demonyita lang pala ang pipiliin ni Erin.

“Anong sa’yo, Ate?” tanong niya kay Chanel.

“I’m gonna be cupid,” aniya sabay laro sa bow and arrow ni cupid. “Ipapakuha ko na ‘to kay Chloe,” aniya.

Si Chloe ang bestfriend niyang bading. Kilalang make-up artist at magaling na stylist iyon dito kaya di na nakakapagtaka kung mayroon siyang mga costume.

“I’ll be the White Swan!” Tumawa ako sabay pakita sa tutu.

Nilapitan ako ni Claudette at tiningnan niya ang magiging damit ko. May matching feathered tiara pa ito. Ang sabi ni Chloe nang dumating siya ay hindi ko raw dapat i-exaggerate ang make up ko.

“‘Yong features mo kasi ay soft. Bagay kung i-exaggerate kaso bongga ang damit mo kaya… basta! Ako na ang magmi-make-up!” Tumawa siya.

Imbes na kukunin niya lang ang mga damit ay siya na lang ang nag-make-up sa akin at kay Claudette. Marunong na naman kasi sina Erin at Chanel na mag-make-up kaya hinayaan niya na lang ang dalawa.

Ngumisi ako nang nakitang natapos ang isang mata ko. Alas nuwebe ng gabi ang party at alas otso na ngayon ngunit hindi pa ako tapos sa make-up. May nakita akong dalawang text galing kay Elijah. Luminga pa ako bago ito binuksan.

Elijah:

Still at home?

 

Elijah:

What’s your costume?

 

Mas lalo lang akong napangisi. Tumunog ulit ang cellphone ko at nakita kong may text ulit siya.

Elijah:

‘Wag masyadong makapal ang make-up, please. I like you bare.

 

Uminit ang pisngi ko. Dammit! Why is this giving me demons in my stomach? Gusto kong itapon ang cellphone ko at magkunwaring walang nangyayari pero hindi ko magawa.

“Klare, pikit ka ulit,” sabi ni Chloe at nilagyan ulit ng kaunting black eyeliner ang mga mata ko. ‘Yon daw ay para ma highlight ang mga mata ko.

Pagkatapos ng make-up ay nakabasa ulit ako ng panibagong message galing kay Elijah.

Elijah:

Should I call now? You’re not answering my texts.

 

Nanginig ang kamay ko sa pagta-type Mali-mali pa ang mga letrang napipindot ko. What is wrong with me? Kaya natagalan na naman ako sa pag-reply.

Ako:

Lapit na. Aalis na kami. Just waiting for Clau. Anong suot mo?

 

Mabilis siyang nag-reply. Alam ko talagang inaabangan niya ang text ko.

Elijah:

I’m a soldier tonight. 🙂 You?

 

Halos mag-hyperventilate ako sa kinauupuan ko. He’s a soldier for tonight? That means he’ll be in army clothes? Humataw ang dibdib ko. Napahawak ako roon dahil mas naririnig at mas napapansin ko ito ngayon dahil medyo tight ang suot kong dress.

“We’re done!” sabi ni Erin at umikot pa sa harap ko.

Great! We have, Haruhi Suzumiya, a demonyita, and a smexy cupid. Bumaba na kami. Malapit lang din sa amin ang Tilt. Perks of living downtown Cagayan de Oro.

Tatlong minuto lang ay makakarating na kami roon. Para nang sasabog ang puso ko sa kaba. Ewan ko kung bakit. Basta ang alam ko, tuwing naiisip kong naroon na si Elijah at naghihintay sa kung ano ang maaaring suot ko ay kinakabahan na ako ng husto.

“Mahaba ang buhok ko.” Malungkot na sinabi ni Claudette.

Ngayon ko lang na-realize na maiksi nga pala ang buhok ng Haruhi Suzumiya na pinakita niya sa akin. Binalewala siya nina Chanel at Erin na parehong tingin nang tingin sa kani-kanilang mukha.

Si Brian ang naghatid sa amin sa Tilt. Nakita ko na agad ang mga bouncers sa labas ng club. Naroon na ang malaking banner ng Halloween party at ang mga pumpkin na decoration.

Kumalabog pa lalo ang puso ko. Elijah and his soldier outfit. Binigay na namin ang mga ticket sa bouncer at pumasok na. Pagkapasok ko ay napansin ko agad na kilala lang namin ang mga tao rito.

“Sina Silver ang host kaya expect na maraming taga-Xavier High School noon,” bulong ni Erin. “Don’t like them. Mga suplado.” Umirap siya sa akin.

Iyon nga ang napansin ko. Maraming mga kaibigan si Eion dito. May nagsuot ng Superman outfit, may nakita rin akong naka-zombie outfit at kung ano-ano pa. Kumaway ako sa mga kilala ko ngunit kaunti lang talaga sila.

“Nandito kaya si Hendrix?” bulong ni Erin.

Hindi ko rin masagot iyon. Sa totoo lang, parang ayaw kong nandito siya dahil panigurado ay isasama niya na naman ang kapatid niyang si Pierre. I don’t know. Pakiramdam ko ay naglalakad na gulo ang dalawa.

“Kuya Josiah’s wearing a vampire costume,” sabay turo ni Erin sa naka-vampire costume nga na si Josiah at may kausap na babae.

Kahit na medyo madilim ay kita pa rin na inaakit niya iyong babae gamit ang ‘kainosentihan’ niya. Luminga ako at nahagip ng mga mata ko si Eion na nasa dance floor at nakiki-picture sa mga kaibigan din nina Josiah. Isa siyang demon ngayong gabi. May sungay rin siyang umiilaw tulad nung kay Erin.

“Hot demon, Klare?” Nagtaas ng kilay si Chanel sa akin.

Ngumisi lang ako. Yup. He’s hot. Siyempre, iyong buhok niyang naiipit sa headband na sungay at ang all-black niyang outfit, hot nga talaga. Hindi masyadong exaggerated tulad na lang ng iba. Pero… luminga ulit ako at naghanap pa ng kung sino.

“Ano ba ‘yang suot mo?” sigaw ni Erin sa sumalubong sa amin.

Naaninag ko si Damon na naka-demon outfit din, si Rafael naman na naka-angel outfit (na may halo sa taas ng ulo), at si Azi na naka-tux. Siya ang tinutukoy ni Erin sa tanong niya.

“Ano ka ngayong gabi? That’s not a costume.” Ngumiwi si Erin.

“I’m… the boy next door.” Tumawa na lang si Azi at umalis para maghanap ng chics.

Okay. You can’t expect him to say something creative. Luminga ulit ako para maghanap kay Elijah ngunit ang tumambad sa akin ay ang nagha-hyperventilate na naka-sexy nurse costume na si Cherry.

Pinapalibutan siya ng mga kaibigan niya at siya ang center of attention habang may kinukuwento. Nang nakita niya kami ay agad siyang lumapit sa amin at tumawag ng photographer para magpa-picture. Pagkatapos ng picture ay tumingin siya sa akin, o sa likod ko, at tumili na lang ng bigla. Anong mayroon?

“Uyyyy!” sigaw ng mga kaibigan niya.

Tumindig ang balahibo ko. Tumawa sina Erin at Chanel habang tumitingin na rin sa likod ko.

“She can heal your wounds, soldier boy. May nurse kami rito.” Panunuya ng isang kabigan ni Cherry.

“Uy! Ano ba kayo!” Tumitiling saway ni Cherry sa kanyang mga kaibigan.

Unti-unti akong lumingon sa likod ko at nakita ko ang nakatingin sa aking si Elijah. Nag-igting agad ang panga niya pagkakita sa akin. Hindi ko alam kung hindi niya ba nagustuhan ang suot ko o galit siya kasi tinutukso na naman sila ni Cherry.

“Picture kayo ni Nurse Cherry, Elijah!” sigaw ng mga kaibigan niya.

Pinagtulakan silang dalawa at kinunan ng picture. Nasa gilid lang ako kasama si Claudette. Nawala na sina Erin at Chanel. Siguro ay nakakita na ng mga kaibigan.

“More like a hentai nurse,” ani Clau sa akin. “Nakikita ko ang boobs niya mula rito. At ang iksi ng palda niya.”

Pinasadahan ko ng tingin ang suot ni Cherry at napagtantong tama nga si Claudette. She’s a smexy nurse. Hindi ko mapigilan ang pagkaka-disappoint ko. Bukod sa pinagkakanulo na naman ang dalawa ay halos hindi pa ako makalapit kay Elijah.

“Hello, Klare!” Ngumisi si Eion sa akin. “Black Swan?” tanong niya. “Unique.”

Tumango ako. “Thank you.”

Nilingon ko ulit si Elijah na ngayon ay nakatingin sa camera habang pinapalibutan ng mga kaibigan ni Cherry na nagrereto sa dalawa. Gusto ko na lang siyang puntahan doon at kunin. Pero hindi iyon tama. I will be the overprotective girl cousin, na wala dapat karapatan.

“Lika! Papakilala kita sa mga kaibigan ko?” anyaya ni Eion sa akin.

Bago ako tumango ay narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ni Cherry kay Elijah.

“Nag-drunk call ka raw kay Cherry nung isang araw? Eh! Ano? Nililigawan mo na ba ang kaibigan ko, Elijah? Pareho pa kayo ng gym! May nakakita sa inyo kanina!”

“Ayeeeeeeee!”

Nakakabingi ang mga hiyaw nila. Para bang sila lang ang nasa loob ng bar. Napalunok ako at napayuko. May kung anong parte sa sistema ko ang bumagsak.

Nag-drunk call si Elijah kay Cherry? Kailan iyon nangyari? At nagkasama na sila sa gym? Kanina? Hindi ko alam. Bakit… parang… nasasaktan ako?

“Let’s go?” ani Eion at itinuro niya ang daan.

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.