Until He Was Gone – Kabanata 27

Kabanata 27

Steal

Tulala ako sa elevator. Humihikbi parin ako pero humupa na ang luha ko. Alam kong nakatingin si Elijah sa akin ngunit hindi ko na naman siya magawang tingnan. Natatakot akong umiyak ulit ako pag nagkatinginan kaming dalawa.

Mahinang mahina na ako pagkapasok namin ng bahay. Naka patay na ang ilaw sa sala. Sa pinto na lang iyong may ilaw pa. Wala na ring maingay. Tulog na silang lahat. Dumiretso ako sa loob ng kwarto ko. Alam kong doon rin ang punta ni Elijah ngunit may kung anong demonyo na naman sa tiyan ko ang naghuhuramentado.

That’s bad, Klare. Really bad. Kahit alam mo sa sarili mong wala kayong gagawin na dalawa, at ganon din ang tingin ng mga kamag anak mo dahil mag pinsan kayo, pero ngayong may bahid na ang relasyon niyong dalawa, hindi na talaga pwede.

“D-Do you want me to sleep on your couch o dito na lang sa baba?” Tanong ni Elijah habang hinuhubad ko ang jacket ko.

I’m gonna sleep with this t shirt and my pajamas on. Umiling ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para ituro ang kama ko. He’s polite. Alam niya iyong nararamdaman ko kaya siya na mismo ang nag suggest kung saan siya dapat matulog. But damn, I’m polite too. Hindi siya pwedeng matulog kung saan saan kung may king size bed naman ako dito at wala akong katabi.

We’ve been ‘sleeping together’ simula pa nong tumungtong ako ng college at nagkasundo kami sa gitna ng pag aaway. Una ito nangyari noong nag away kaming dalawa dahil sa ginawa niya sa akin noon sa basketball court kung saan sila nag lalarong pangkatuwaan. Sinadya kong sumama dahil alam kong kasama ko si Eion. Ngunit habang naglalakad ako ay pina gulong niya ang bola sa harapan ko dahilan ng pagkakatalisod ko at pagkadapa ko sa harap ng maraming tao.

I slapped him hard. Lalo lang akong nagalit nang tumawa lang siya. Hindi na kinaya ng mga pinsan ko ang mga pag aaway namin kaya isang gabi ay kinulong nila kaming dalawa sa kwarto ko. Wala namang nangyari. Hindi kami nag kibuan bukod sa panunuya niya sa akin. Wala iyong kahulugan noon para sa akin, pero ngayong may nararamdaman na ako para sa kanya ay nagkaroon ng kahulugan ang lahat.

“You sure?” Nagtaas siya ng kilay habang sinusundan ako ng tingin.

Patungo na akong banyo para mag palit ng pajama. Tumango na lang ako at iniwan siya roon.

Matagal pa bago ako lumabas. Tumunganga lang naman ako sa loob. Nang dinalaw na ako ng pagod at antok saka pa lang ako lumabas. Napansin ko agad na ang lamp na lang ang tanging ilaw at nakahiga na si Elijah sa kama ko nang naka sleeveless shirt. Nakapikit na siya.

Tumikhim ako at nagpasalamat na tulog na siya. Marahan akong umupo sa side ko ng kama at mas binabaan ang ilaw ng lamp sa tabi ng kama. Dahan dahan ko ring ginalaw ang comforter ko na nakapulupot na sa kalahati ng kanyang katawan. I don’t want to wake him up.

Nakatingin ako sa kanya para tingnan kung nagigising ko ba nang unti unti siyang dumilat at tumingin sa akin.

“Oh, sorry. I didn’t mean to wake you.” Pabulong kong sinabi at unti-unti ng humiga.

“I’m just half asleep. Hinintay kitang lumabas.” Napapaos ang boses niya siguro ay dahil na rin sa pagod.

Ngumuso ako at nakipag debate sa aking sarili. Pipikit na ba ako o makikipag usap muna? Hindi ko naman alam kung ano ang pag uusapan namin. At isa pa, pagod na siya dahil hinatid niya ang tatlo kanina, may game pa ito bukas kaya dapat ay tantanan ko na lang siya para makatulog na.

“Did I worry you a lot, Klare?” Halos maramdaman ko ang bawat buga ng kanyang hininga sa aking tainga.

Hindi ko siya nilingon. Nakatingin siya sa akin ngunit ako ay nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko.

“I’m okay. Okay lang ‘yon.” Hindi ko na alam kung ano ang idudugtong ko.

Hindi naman ako nag alala. Nag alala ako pero wala naman akong karapatan. Medyo nag alala lang naman ako. Nag alala ako ng sobra sobra kasi akala ko di siya babalik. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita kaya nakontento na ako sa huling sinabi ko.

“Hindi ‘yon okay sa akin. Gusto kong malaman ang nararamdaman mo.”

I am not sure if being vocal was right. Alam kong hindi, e, pero hindi ko rin siya masisisi kung gusto niyang malaman ang mga iniisip ko. Hindi ko pa kailanman sinabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Not the whole thing, just some little details.

“I’m alright, Elijah.”

“No, you are not, baby.” Aniya at lumapit sa akin.

Oh dammit! Nanigas na ako sa kinahihigaan ko. One move and we are going to touch.

“Look at me.” Utos niyang hindi ko masunod.

Namumuo na naman ang maiinit na luha sa gilid ng aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ‘yong boses niya ang kayang magpaiyak sa akin. Naalala ko na naman ang bigat ng naramdaman ko kanina habang iniisip na hindi na siya babalik. Iyong iniisip na maari niya akong iwan, iwan na wasak.

“Baby, will you please look at me?” Mas lumambing at humina ang boses niya.

Unti unti ko siyang nilingon. Nanginig ang labi ko kaya kinagat ko ito. Lumandas ang luha ko pababa sa mga unan. Nakita kong pinanood niya iyon. Madilim pero alam kong kita niya ang pag kinang ng mga ito.

“Klare, simula nung nalaman mo ang nararamdaman ko para sa’yo, palagi na lang kitang nakikitang umiiyak.” Aniya at sinundan ang tulo ng luha ko para punasan gamit ang kanyang daliri.

Hindi ako umimik. Natatakot akong may tumakas na hikbi sa oras na mag salita ako. I feel so wounded and I don’t even know where I got the wounds.

“Nasasaktan ba kita sa nararamdaman ko para sa’yo?” His voice was husky.

Mas lalo lang nadurog ang puso ko sa tanong niya. Dammit, Elijah. Stop this shit or I’m really going to just self destruct right in front of you.

Umiling ako dahil hindi ko kayang magsalita. Hindi niya ba nakukuha na nasasaktan ako para sa aming dalawa? Dahil hindi kami pwede? Alam kong kayang kaya niyang baliin ang bawat patakaran, pero iyon ang sisira sa aming dalawa. Hindi lang ako ang masisira dito, maging siya, ang pamilya namin. It’s not just about the two of us! I don’t want us to be selfish!

“Good. Now, you rest.” Aniya.

Tumango ako. Hindi parin ko parin kayang magsalita kaya sinubukan kong pumikit.

Kumalma ako lalo na nang binalot niya ng kumot ang katawan ko. He’s so warm that I want him close to me. And it’s wrong. Will always be.

Halos itapon ko na ang lahat ng mga iniisip ko. Hindi ko iyon nagugustuhan. Kung pwede lang ay mamili ng iisipin ay ginawa ko na ngunit hindi, e. Mapilit ang utak kong tinutulak na rin siguro ng puso.

Naramdaman ko ang hinininga niya sa bibig ko. Kumalabog ang puso ko. Mabilis at humahataw lalo na nang naramdaman ko ang ilong niya sa ilong ko. Marahang dampi lang. Iyong hindi mo alam kung tunay ba iyon nangyari o guni guni mo lang. Dumilat ako at nakitang sobrang na ng mukha niya sa akin. His eyes were brooding and sleepy.

“Close your eyes, baby. I’m always here.” Bulong niya.

Siguro ay pagod na pagod na ako kaya mabilis din akong nakatulog. Kumalma na rin ang napapraning kong puso dahil sa kasiguruhang binitiwan niya kagabi. Ito na rin siguro ang unang pagkakataon na naramdaman ko na nasa ligtas akong lugar simula nitong mga nakaraang buwan.

Namulat ako nang nahagip ang kabilang side ng kama at wala doon si Elijah. Napaupo agad ako lalo na nang nakita ko ang mahabang buhok ni Claudette sa aking tukador. Nagsusuklay siya ng buhok habang tinitingnan ako sa salamin.

“Bilin sa akin ni Elijah na pagkagising mo sabihin na umalis siya para kumuha ng damit at sapatos para sa game.” Aniya na parang nasagot ang tanong ko.

Mabilis akong tumayo at naghanap ng mga damit sa kabinet. Nag angat ako ng tingin sa wallclock at nakitang 8:30 na pala ng umaga. Inaantok pa ako pero kailangan ko ng maligo at magbihis.

“Babalik pa ba sila dito?” Tanong ko kay Claudette.

“Oo. Tulog pa si Kuya Azi. Kinuha na lang ni Josiah ‘yong gamit niya sa bahay. Elijah didn’t want to come back, though.”

Nakita ko ang panunuri sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko at natigil sa paghahanap ng mga damit. Bakit ayaw niyang bumalik? Tumikhim ako at kinuha na lang ang damit na napili sana kung sakaling sasama.

“Oh… Uh, sasama ka ba?” Tanong ko.

Dito na lang siguro ako sa bahay. Parang bumaliktad ang sikmura ko sa sinabi niya kanina at ayaw kong makita niya sa mukha ko na naapektuhan ako. I’m not blind. Kita ko kay Claudette na may nararamdaman na siya sa amin ni Elijah. Pero hindi ko isusubo sa kanya ang katotohanan. Kahit na sinabi niya pa sa kanyang cryptic comment na ‘she’s with us’.

“Eion will be there.” Aniya at binalewala ang sinabi ko. “Probably why he didn’t want to take you.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Tumayo siya at nilapag ang brush ko sa mesa. Ngumisi siya sa akin at kumindat.

“But he’ll be here, Klare. Maligo ka na at mag bihis. Bilisan mo.” Wika niya bago lumabas.

Tumunganga pa ako sandali ngunit kumaripas na rin sa banyo ilang segundo ang nakalipas. Kung ayaw ni Elijah na pumunta ako, hindi naman ako mamimilit. Mag eenrol na lang ako sa school. Gusto kong pumunta. Gusto kong manood. Pero hindi ako mamimilit.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na agad ako. Limang minuto na lang bago mag alas nuwebe. Ni hindi ko pa na bo-blowdry ang buhok ko. Basang basa pa ito pagkalabas ko.

Nasa sala silang lahat. Kumakain ng toasted bread si Azi habang minumura nina Josiah dahil sa sobrang bagal.

“Pagong! Letse! Bilisan mo! Bading ‘to!” Trash talk ni Josiah sa kanya.

Tumama agad ang mga titig ni Elijah sa akin. Siya lang itong tumingin na hindi na ulit nawala sa akin. Nag susuklay ako ng basang buhok at binubuksan ang ref para kumuha ng fresh milk. Hindi na ako kakain. Pwedeng toasted bread na lang para makasama ako sa kanila.

“Sama ka, Klare?” Tanong ng inaantok na si Erin habang nililipat ang channel sa TV. “Di sasama si Ate Chanel. Si Clau lang at ako ‘yong girl. Sama ka, please? Don’t tell me mag eenrol ka na?”

“Nope. Wala naman akong gagawin.” Ngumisi ako.

“Ganon? Bakit ka nakabihis? Sasama ka?” Tumawa siya sa akin.

Sumulyap ako kay Elijah na ngayon ay kinakagat ang kanyang labi.

“Kung pwede.” Sabi ko.

“Bakit hindi pwede?” Nakakunot noong tanong ni Erin. “Of course, pwede! Nandon na si Damon at Rafael sa X.E. Tayo na lang ang nandito dahil sa pagong na ‘yan.”

Tumango ako at nilapag ang baso ng ininum kong fresh milk sa counter. “I’ll go!”

“Breakfast first.” Singit ni Elijah.

Umiling agad ako. “Di na. Ma li late lang tayo.”

Tumayo agad siya at lumapit sa counter. Kinuha niya ang iilang toasted bread at ‘yong ham na paunti unting kinakain ni Azi.

“Kuya Azi, you should cut your hair. I really think there is kuto in there.” Sabi ng kapatid kong kakagising lang at umiinom rin ng freshmilk.

Kumunot ang noo ni Azi kay Charles. “Kilala ko ang crush mo. Binasted ka non, diba?”

Kumunot din ang noo ni Charles at malakas na hinampas ang ulo ni Azi.

“Aww!” Sigaw niya sabay inda sa sakit.

Tumakbo si Charles patungo sa CR at nginiwian si Azi. Humagalpak sa tawa si Josiah nang pinakita ni Charles ang kanyang pwet kay Azi.

“Charles!” Sigaw ko habang natatawa sa kabaliwan ng kapatid ko.

Saan niya ba napupulot ito? Mabilis siyang pumasok sa CR at iniwan si Azi na nakalaglag ang panga. Tumawa silang lahat. Sa gitna ng tawanan ay binigay sa akin ni Elijah iyong sandwich na ginawa niya kanina habang nag aasaran si Charles at Azi.

“Uh, thanks.”

“Oh how seet of you!” Tumawang sinabi ni Azi kay Elijah. “Pwede ako rin?”

Binara na lang nila si Azi. Resulta non ay naging late nga kami sa game nila. 9:15 nang dumating kami sa Xavier Estates court. Naroon na silang lahat. Hiyang hiya si Josiah dahil pinaghintay namin sila.

Nakita ko kung sino ang naroon. Si Hendrix Ty kasama ang halos lahat ng varisty player ng Crusaders, ang team ng school namin. Naroon na rin si Eion na may dala-dalang bouquet of flowers.

“O. M. G.” Narinig kong utas ni Erin sa gilid ko.

Nasa bleachers na kami habang diretso sina Elijah sa court. Nakita kong may mga babaeng tumili sa kabilang side. May cheerers! Kumaway kaway si Cherry sa akin nang nakita niya kami. Sila ‘yong cheerers na sinasabi ko. Tatlo lang sila pero parang ang dami nila sa sobrang ingay.

“For you, Klare.” Ani Eion sabay bigay sa akin ng malaking bouquet.

Namilog ang mga mata ko habang pabalik balik na tiningnan si Eion at ang mga bulaklak. “Th-Thank you.”

Matamis siyang ngumiti. “Sorry sa mga nangyari. I’m sorry for being cold. This time I’ll be sweeter.”

Narinig kong tumikhim at nagpigil ng tili si Erin sa tabi ko. Hilaw ang ngiti ko. Mabuti na lang at tinalikuran niya agad ako para lumapit sa kina Elijah na ngayon ay nakapamaywang na pinapanood kami. Hindi ko ulit siya matingnan. Alam kong magui-guilty na naman ako sa oras na titingnan ko siya.

Kailangan tigilan na ito ni Eion. Ngunit hindi ko siya pwedeng tanggihan sa mga bulaklak na ito. Pambabastos iyon. He shouldn’t be treated that way.

“O. M. G!” Tumili si Cherry nang nakalapit na siya sa akin.

Nakatingin silang lahat sa engrande kong bouquet. Nakatingin na lang rin ako roon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito.

Nagsimula na ang game. Mabuti na lang talaga at kinain ko ‘yong sandwich na binigay ni Elijah kanina kundi ay wala akong lakas na tumili ngayon para sa team nila. Hindi naman ito paligsahan talaga. Ginagawa lang nila ito para pagpawisan sila at para na rin mag ‘burn ng fats’. Iyon ang sabi ni Damon sa akin noon. Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi na siya nag bu-burn ng fats ngayon. Nasa bench lang siya at panay ang text. Mukhang walang ganang mag laro kahit na mainit na ang labanan.

Ang gulo nina Cherry sa gilid ko. Magulo rin si Erin ngunit tahimik si Claudette kaya hindi gaanong maingay sa amin.

“Hindi ko alam kung kanino ako! Kina Hendrix ba o kina Elijah!” Tumatawang sambit ni Cherry.

Tumili siya nang naka shoot si Elijah. Nakita ko pang nag yabang si Elijah sa pang limang shoot niya. Well, lamang naman sina Hendrix kaya nanunuya lang ito sa pagyayabang niya. Tumatawa lang siya at si Rafael habang seryoso sa laban si Eion at Azi.

“Yabang mo, Elijah!” Sigaw ko nang nag yabang ulit sa pang anim niyang shoot.

“Gwapo mo, Elijaaah!” Mas matinis at mas malakas na sigaw ni Cherry sa tabi ko. Sinundan niya pa iyon ng nakakabinging tili.

Tumawa ang mga nasa court. Umiling si Elijah pero pinag tutulakan na siya ng mga pinsan at mga kaibigan niya.

“Date raw kayo pag nanalo kami!” Tumatawang sambit ni Rafael sa malayo.

“Manalo matalo, date kami!” Sigaw ulit ng kinikilig na si Cherry.

Bahagyang lumingon ang nakaupong si Claudette sa akin. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Umiling siya at bumaling ulit sa court. Tiningnan ko ang mga bulaklak na binigay ni Eion sa akin nang may biglang kumalabit sa akin.

Naaninag ko agad ang itim at bilog na earing ng isang lalaking may tumatayong buhok. Ngayon ko lang siya nakita ng mas malapitan. Nakaputing jersey siya na may markang Ateneo. Tinuro ni Pierre Ty ang mga bulaklak na nasa lap ko.

“Kanino galing. Manliligaw?” Aniya.

“Uhm…” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. “Kaibigan.”

“Manliligaw parin.” Ngumisi siya.

“Nakapagpakilala na ba ako sa sarili ko sa’yo?”

Umiling ako. Tumango siya at dinilaan ang kanyang labi. Nakita kong lumabas ang maliit niyang dimple sa pisngi sa ginawa.

“Pierre Angelo Ty.” Sabay lahad niya ng kamay.

Tumango ako at tinanggap ang kamay niya. “Klare.”

“Yup. Montefalco.” Aniya.

Tumango ako sa sinabi niya. Nanunuri ang kanyang mga mata sa akin nang biglang may bumagsak na bola sa gitna namin.

Niyugyog ni Claudette ang braso ko at hinila ako palayo kay Pierre. Napatayo kaming lahat. Lumayo rin si Pierre sa akin at tumingin sa court, kung saan nanggaling ang pagbagsak ng bola. Nakita ko ang galit na si Eion sa court. Pawis na pawis siya at nakita kong mukhang tapos na ang laro.

“Pinopormahan mo ba siya?” Diretsong tanong niya kay Pierre.

Tumawa si Pierre. And it was weird. Siya lang ang tumawa at hindi ko alam kung ano ang nakakatawa. Nakakatakot na iyon dahil kitang kita ko ang nag aalab na mata ni Eion. Nilapitan siya ni Hendrix at nilayo roon ngunit hindi siya nag paawat.

“Can’t she be friends with some other guys?” Ani Pierre.

“Nakita mong ako ang nagbigay ng bulaklak sa kanya. Sa dami ng babae dito, siya pa ang nilapitan mo?” Tumaas ang tono ng boses ni Eion.

Inawat na siya ni Josiah dahil sa tono niya ay nag hahamon na siya ng away. Kinabahan na ako. I want to stop them. Ngunit may kamay na nakahawak sa braso ko.

“Oh I would understand if you’re the boyfriend but you are not yet her boyfriend, dude-”

Umamba ng suntok si si Eion ngunit napigilan iyon ni Azi.

Papagitna na sana ako ngunit mas lalong humigpit ang hawak ng kamay na nasa braso ko. Tumili na sa takot sina Cherry at pumagitna na si Erin sa kanila.

“Can I steal?” Bulong ng pamilyar na boses sa likod ko.

Nakita kong hinahawakan ni Elijah ang braso ko. Mali iyon. Kailangan kong pumagitna sa dalawang nag aaway dahil lang sa akin. Ngunit bago ko pa nagawa ang dapat kong gawin ay nadatnan ko na lang ang sarili kong sumasama na kay Elijah pabalik sa bahay.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: