Until He Was Gone – Kabanata 26

Kabanata 26

Cold

Dumating nga ang mga pinsan ko kalaunan. Tumulong si Elijah saming dalawa ni Manang sa paghahanda ng tables sa roofdeck. Mabuti na lang at nagpalit ako ng shorts at racerback kasi ang init init habang inaayos ang mga mesa at mga upuan. Naka bun ang buhok ko habang inaayos ang bawat upuan sa aming roofdeck. Let’s say 20 kaming lahat dito mamaya.

Nagulat ako nang pinunasan ni Elijah ang takas na pawis sa leeg ko. Halos mapatalon ako palayo sa kanya. Kumunot ang noo niya sa reaksyon ko.

“Y-You’re giving me a heart attack.” Sabi ko dahil sa gulat.

“I think that’s a compliment. I like giving you heart attacks.” Ngumisi siya na siyang nagpakaba sa akin ng husto.

Nakahalukipkip ako sa sinabi niya. “Don’t flirt with me, Elijah.” Inirapan ko siya at iniwan doon sa kinatatayuan niya.

Narinig ko na lang ang halakhak niya sa malayo habang pinupunasan ko ‘yong monoblock chair sa dulo. Narinig ko ang mga yapak niya papunta sa akin. Hindi ko na hinintay na mapunasan niya ulit ang pawis ko.

Inirapan ko na lang siya. Alam niyang aalis ako paglalapit siya kaya nanatili siya sa kinatatayuan niya at pinagmasdan akong mabuti.

“Why don’t you help instead of just watching me?” Sabi ko nang nasulyapan ang pag lalaro sa ibabang labi niya habang nakatingin sa akin.

“I am trying to help. Pero ayaw mo.” He chuckled.

“No, thanks.”

Kung ang sinasabi niyang tulong na magagawa niya ay ang pag pupunas ng pawis ko ay huwag na lang. Mabuti na lang at umakyat na rin si Manang pagkatapos non. Tumulong si Elijah sa kay Manang habang ako naman ay nagpasyang maligo at magbihis na.

Pagkatapos kong maligo ay nagpasalamat ako sa Diyos dahil nagbihis ako sa loob ng banyo. Dahil kung hindi ay maabutan ako ni Elijah na nakatuwalya lang and that would be truly awkward. Nag iwas ako ng tingin sa kanya habang nagpupunas ako ng buhok.

“Why do you like to hang out inside of my room?” Tiningnan ko ang nakahigang si Elijah sa aking kama sa repleksyon niya sa salamin.

“I like the scent here. I like your scent.” Aniya sa napapaos na boses.

Nagkatitigan kaming dalawa. Matapang akong tumitig dahil repleksyon niya lang naman ‘yon sa salamin. Tumitig din siya gamit ang inaantok na mga mata. Oh, damn! Bumilis ang pintig ng puso ko kaya nag iwas ako ng tingin.

“I think they’re here.” Utas ko nang narinig na umingay sa labas.

Tama ang naging hinala ko. Narito na nga sila. Bumati lang sila sa mommy at daddy ko at agad ng dumiretso sa roofdeck. Nandoon na lahat ng pagkain na nirequest ni Erin.

“Di bale nang di natuloy kina Azi!” Sabi niya at tumawa na lang sa dami ng pagkaing hinanda.

Nilingon ako ni Eion kahit na nasa gitna siya ni Josiah at ‘yong isa pa nilang kaibigan. Ngumisi siya sa akin at lumapit. Sumulyap ako kay Elijah na hinigit na ni Chanel patungo kay Hannah para ireto ang dalawa.

“I heard ‘yong huling dinate mo bago ka nawalan ng gana sa dating ay si Hannah?” Dinig kong sinabi ‘yon ni Chanel.

Nagtawanan sila. Umupo si Eion sa katabi kong upuan kung saan nakaupo si Elijah kanina. Wala akong magawa kundi ang sulyapan siyang kinakausap ni Hannah ngayon. Nilingon niya rin ako nang nakakunot ang kanyang noo. Kinagat ko na lang ang labi ko at hinarap si Eion.

“Kain na tayo.” Sabi ko at tinuro ang mga pagkaing hinanda ni mommy.

Tumango siya sa akin. Umihip ang malamig na hangin sa aming roofdeck. Dahil alam ko namang malamig talaga tuwing gabi dito ay naka jacket na ako. Ganon rin ang mga pinsan ko. Ngunit napansin kong naka sleeveless lang si Hannah sa tabi ni Elijah. May naiisip ako pero sana hindi mangyari iyon.

Nilantakan na namin ang iba’t ibang pagkain na nakalatag sa mesa. Panay rin ang picture namin para daw pang Instagram. Nakisabay na lang ako.

“‘Tol, nag text si Hendrix Ty sa akin. Bukas daw, may laro. Game?” Tanong ni Damon sa mga pinsan ko.

Tumango agad si Josiah. “Last time na naglaro kami, talo, e. Let’s beat the shit out of them this time.” Aniya.

“Anong oras?” Tanong ni Eion.

“Alas nuwebe ng umaga, bukas.”

“Susubukan ko.” Aniya.

Nalaman ko ring hindi raw mag oovernight si Eion at ‘yong mga kaibigan ni Josiah sa amin. Maging ang mga girls ay hindi rin ‘yon gagawin. Anila ay kailangan daw nilang umuwi kasi di sila nagpaalam na mag oovernight. Isa pa, may nalalapit na party na mukhang sasalihan talaga naming lahat dahil organizer at sponsor ang kuya ni Eion doon. ‘Yong Halloween Party na gaganapin sa makalawa.

“Anong sosootin mo, Hannah?” Tanong ni Claudette sa kay Hannah na niyayakap ang kanyang sarili.

Naka spaghetti strap lang siya at shorts samantalang ang katabi niyang si Elijah ay nakaitim na jacket pa at nakahalukipkip na nakatingin sa kausap niyang si Azi.

“Hindi ko alam. Puwede bang mag soot ng Cat Woman outfit don, Eion?” Tumawa si Hannah.

“Ooh. Bagay ‘yan sa’yo.” Medyo namamanyak na hagikhik ni Josiah.

“Shut up, Joss. You are gross.” Utas ni Chanel sa nakababatang kapatid niya.

Nakita kong pumula ang pisngi ni Hannah. For someone as fair and as pretty as her, hindi na nakapagtataka kung ang lahat ng sootin niya ay babagay sa kanya. Maganda ang mga mata niya, tulad kay Elijah na mahaba at makurba ang pilik mata. Makinis din siya at sobrang kintab at itim ng straight na buhok, kaparehas ng kay Claudette.

I can now imagine her in her Cat Woman outfit. Now, what to wear for me?

“Uy, Elijah. Dude, can’t you see? She’s cold.” Saway ni Azi sabay turo sa halos nanginginig ng si Hannah.

Kinagat ko ang labi ko at ininom ang beer sa harap ko. Hindi ko maatim na pagmasdan ang panunukso na naman nila kay Elijah at Hannah.

“Give your jacket to her! Can’t believe you! Akala ko gentleman ka!” Saway ni Azi.

Tumawa si Elijah. “I didn’t know!” At hinubad ang kanyang jacket.

Dammit! It’s okay for him to be a gentleman, of course. I can’t be possessive and jealous all the time. At hindi naman kami. Sa totoo lang, hindi pwedeng kami kaya kahit anong mangyari wala akong karapatan.

Nagtama ang tingin naming dalawa. I sensed it, he feels guilty about it. Hindi siya ngumisi. Bumagsak lang ang ekspresyon niya pagkatapos ibigay sa namumulang si Hannah ‘yong jacket.

“Thanks.” Ani Hannah.

“Sayang, hindi rin mag oovernight sina Hannah ngayon.” Ani Erin.

“Bakit?” Tanong naman ni Chanel.

“Same reason dahil don sa party.” Sagot ni Erin.

“Oo, kaya aalis na kami nina Julia at Liza by ten. Magtataxi lang kaming tatlo.”

“Hear that, Elijah? Ba’t di mo ihatid? Wag na kayong umuwi by ten. Gawin nating twelve since ihahatid naman kayo ni Elijah.”

“What?” Natatawang tanong ni Elijah kay Azi.

“Yes, dude. Saan nga ang inyo, Hannah?”

“Naku! Wag na! Nakakahiya ang layo kaya nung amin!”

“Hindi, may sasakyan naman si Elijah and he’ll be more than willing to do that.”

Luminga na lang si Elijah at umiling sa lahat ng panunukso nila. Patuloy ang tuksuhan lalo na’t nabigyan nila ng mabuting daan si Elijah patungo una sa bahay nina Liza, tapos kina Julia, at huli kina Hannah.

“And we will be very much happy kung di ka na bumalik dito!” Nagtawanan silang lahat. “If you know what I mean.”

Maging si Eion ay natawa. Ngumisi din ako dahil hindi naman pwedeng Biyernesanto ang ipakita ko sa kanila ngayon. Hindi ko lang magawang tumawa kaya pinilit kong ngumisi. Tinatabunan na ni Hannah ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa kilig at kahihiyan. Hindi ko na matingnan si Elijah kahit na nakatingin siya sa akin.

“By the way, Klare. Kailan ka mag eenrol?” Tanong ni Eion sa akin.

“Tatry ko bukas ng hapon.” Sabi ko.

Tumango siya. “Nag enrol na ako kanina. Akala ko mag eenrol ka rin kanina. Di ka na bumalik sa hapon?”

“Uhm, yup. Umuwi na ako dito.” I lied.

Tumango siya, “You want me to come with you tomorrow? After the game, of course.” Aniya. “‘Yon ay kung makakasama pa ako.”

Kinagat ko ang labi ko.

Like I said, I want to be his friend. Kaya lang, kung may feelings pa siya sa akin at patuloy siyang aasa ay hindi ko alam kung mapapaunlakan ko ba ‘yong mga gusto niya.

“I’ll try.” Sabi ko at nag angat ng tingin sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo. “Iniiwasan mo ba ako?”

Umiling agad ako.

Tumango siya. “Nararamdaman ko kasi na lumalayo ka.”

Kinabahan agad ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon ngayon.

“I-It’s just that…” Bulong ko.

Tumawa ng pagkalakas lakas ang mga pinsan ko dahil sa isang joke ng kaibigan ni Josiah. Lumapit pa ng konti si Eion sa akin para marinig ang bulong ko. Umatras ako dahil masyado siyang malapit sa akin ngunit pinagpatuloy niya iyon.

“It’s just that?” Bulong ni Eion sa akin.

“It’s just that… I-I I mean, it’s awkward.” Nanginginig ako dahil hindi ko mahanap ang tamang rason at ang mga tamang salita. “Awkward kasi binasted n-na kita sa Camiguin. I-I think it’s not right.” Untag ko.

Nag igting ang bagang ni Eion sa sinabi ko. “Hindi mo ako binasted kasi nanliligaw parin ako hanggang ngayon, Klare. You were just jealous of me and Cherry.”

Hindi ko na alam. Totoong kung sasama ako kay Eion ay baka maiwasan ko na si Elijah ngunit alam kong mali iyon.

“Pero Eion…”

“Get it, Klare…” Aniya.

“Asussssssss! Itong dalawang ito. Get a room!” Sigaw ng mga pinsan ko sa amin.

Uminit ang pisngi ko sa kantyaw nila. Napatingin ako sa kay Elijah na ngayon ay nakaigting naman ang bagang at tinitingnang mabuti ang isang shot ng vodka sa harap bago ito nilagok. Nag iiwas naman siya ng tingin sa akin.

Nagpatuloy ang kantyawan nila hanggang sa tumatawa na si Erin dahil nagpaalalay na si Hannah patungong CR. Sumenyas pa si Erin na medyo may tama na nga si Hannah. Kitang kita ko rin ang lakad niyang pa ekis ekis na. Umiling si Elijah ngunit tumawa na lang si Julia at Liza.

“Sabing wag inumin ‘yong whiskey.” Umiling si Liza. “Mapilit.”

“Naku! Baka kailangan na nating umuwi niyan.” Sabi naman ni Julia.

Napatingin ako kay Elijah na ngayon ay seryosong nakikinig kay Azi at nanonood ng kung ano sa cellphone niya. Kumunot ang noo ni Elijah at umiling pa ngunit hindi binibigay pabalik ni Azi ang cellphone niya.

“Dammit, Azrael, one move and I’m really going to punch you straight!” Tumayo na si Elijah dahil tumatawa at tumakbo na palayo ang medyo may tama na ring si Azi.

It’s already 1AM. Ang sinabing uuwi sila ng alas dose ay nakalimutan na. Tumatawang hinagis ni Azi ang cellphone ni Elijah sa kanya. Sinalo ‘yon ni Elijah at may tiningnan at napamura siya ng malakas. Nakita kong pumula ang pisngi niya at pinatay agad ang cellphone niya. Tumatawa ng malakas si Azi habang hinahawakan ang kanyang tiyan.

“This is over. Azi’s a mess. Let’s all sleep.” Aniya kay Josiah na ngayon ay pulang pula na at kinakausap na si Liza.

You don’t tell me that he’ll hit on my friend! At wag niyo ring sabihin na maloloko niya si Liza, e, alam na alam niyan ang background ni Josiah na painosente pero isang malaking playboy! Bumungisngis si Liza at umiling si Eion sa tabi ko habang humahalakhak.

“I think Elijah’s right. Uuwi na kami, Klare.”

Tumango ako. “I think you need to.”

Nagsitayuan na kami. Kababalik lang ni Hannah sa CR na inalalayan pa ni Erin. Nakatingin parin si Elijah sa kanyang nakapatay na cellphone nang biglang muntikan ng madapa si Hannah. Kitang kita ko kung paano hinawakan ni Elijah ang kanyang baywang para lang suportahan ito. Kita ko rin kung paano tumama ang dibdib ni Hannah sa dibdib ni Elijah na siyang nagpatili sa mga pinsan ko. Tumawa rin si Eion sa tabi ko at nakisali sa kantyawan.

“Uyyy! And now I’m falling, falling, in love with you…” Korning kinanta ni Azi.

Umiling na lang ako at nag iwas ng tingin. Okay. I couldn’t blame him. I couldn’t blame my cousins! Dammit! But it hurts like hell. Iyong nakikita siyang pinagkakanulo sa iba at para bang nakatadhana parati na may mangyaring ‘kilig moment’ para sa dalawa at sa harapan ko pa.

“Alis na kami.” Sabi ni Eion sa akin.

Kasama niya ang isang kaibigan ni Josiah. Bumaba kami nina Claudette, Erin, Chanel, Josiah, at Elijah para ihatid ang mga kaibigan nila. Si Rafael, Damon (na lasing na lasing rin), at si Azi ay parehong nasa guest rooms na.

Tumango ako kay Eion at pinagmasdan ang pag gulo ni Eion sa kanyang buhok. Nasa loob na ang isang kaibigan ni Josiah sa sasakyan niya. Samantalang nakaalis naman ‘yong iba.

“Remember, I’m not done yet.” Bulong ni Eion sa akin.

Kumalabog ang puso ko sa kaba. I wish you were done, Eion. Kasi hindi ko alam kung paano ulit sasabihin sayong hindi talaga ako pwede. Suminghap ako at pinagmasdan ang pag alis ng kanyang sasakyan. Matama niya akong tinitigan bago iyon pinaharurot.

Nakahilig naman ang nakahalukipkip na si Elijah sa kanyang Trailblazer habang pinapanood ako. Inaayos ni Erin at Claudette si Hannah sa front seat dahil maingay na siya at medyo wala na sa sarili.

Yumuko na lang ako sa titig ni Elijah.

“Akyat na kami. Elijah, kay Klare ka ba ulit matutulog?” Tanong ni Josiah.

“Yeah.” Sagot naman ni Elijah.

“Ay, hindi, hindi ‘yan dito matutulog, Josiah. Baka di na ‘yan umuwi dito dahil maaakit na ‘yan kay Hannah.” Tumatawang sinabi ni Chanel habang pumapasok sa elevator.

Halos mawalan ako ng dugo sa mukha nang sinabi niya ‘yon.

“Oo nga!” Tumawa si Julia.

Hinubaran pa nila ng jacket si Hannah. I didn’t like it. Kung ano man iyong ginagawa nila at sinusubukan nilang gawin ay hindi ko nagugustuhan.

“Ano ba kayo, nakakahiya kay Elijah!” Tumatawang sinabi ni Hannah sa malambing at nakakapang akit na boses.

“Asus!”

Tumatawa ng malambing si Hannah habang tinitingnan si Elijah na sinasarado ang pintuan sa kanyang sasakyan.

“Byee!” Sabi ni Erin at kinawayan na sila habang umaalis ang kanyang sasakyan.

Para akong nabibilaukan habang tinitingnan ang sasakyan niyang umaalis. Malayo-layo pa ang byahe dahil uunahin pa niya si Liza tapos si Julia saka si Hannah.

“Bet you 500 bucks, Elijah won’t be home tonight. Have you seen her ass and her rack? Dammit she’s a bomb.” Tumawa si Erin at humikab.

Pinindot niya ang elevator ngunit nag mura siya nang nakitang hindi iyon bumababa.

“Walang hiya. Niloloko na naman tayo ni Kuya Joss! Pinaglalaruan na naman ang elevator niyo, Klare! Humanda ang unggoy na ‘yon!” At mabilis siyang umakyat sa hagdanan namin.

Naestatwa lang ako doon sa kinatatayuan ko. Kahit na nakajacket ako ay nararamdaman ko parin ang lamig. Nararamdaman ko rin si Claudette sa likod ko na hindi pa umaalis.

“Klare, di ka pa ba aakyat?” Tanong niya.

Umiling ako ngunit di sumagot.

“B-Babalik din ‘yon si Elijah. Sa kwarto ka na lang maghintay.”

Umiling parin ako.

“Dito ka lang?” Tanong niya ulit. “It’s late. Hindi ka ba natatakot.”

Hindi na ako kumibo. Naramdaman kong unti unti na siyang umakyat sa hagdanan. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Tumunganga ako doon at klase klaseng itsura ni Elijah at ni Hannah ang naisip ko.

Gusto kong magtanong. Bakit ako pinaparamdam ng ganito? Bakit kailangan pang magkaganito kung pwede namang normal ang lahat? Gusto kong magtanong kung bakit ako nasasaktan kahit na hindi naman talaga kailangan. He will forever belong to me because we are related, there is no need to make a fuss over him dating another girl. Dapat ay maging masaya na lang ako sa kanya. I need to just let him go. Pero bakit na imbis iyon ang gawin ko ay mas lalo lang akong nahihirapan dito.

Umupo ako sa gutter ng parking lot. Hindi ko na inalintana kung dumikit man sa pantalon ko ang mga alikabok. Nakalagay na ang noo ko sa aking mga tuhod habang iniisip si Elijah. Elijah, Elijah, Elijah, puro na lang talaga siya ang bukang bibig ko.

Maling mali, e. Maling mali.

Titig na titig ako sa wrist watch ko. Bawat segundo, bawat pintig ng kamay ng orasan ay nakatutok ako. He’ll be back. He’ll be here.

Mabilis na bumuhos ang luha ko habang ganon parin ang posisyon ko sa aming parking lot. Thirty minutes and he’s not here. Walang namang traffic kasi madaling araw na. Why is this a big deal for me?

Magkalaban na kami ng sarili ko ngayon. Noon, kakampi kami nito pero ngayon, wala na akong kakampi. Maging ang sarili ko ay itinatakwil ko na dahil sa aking nararamdaman.

He’ll be back. Forty-five minutes and he’s not back!

Nanginginig na ako sa lamig. Wala na gaanong sasakyan ang dumadaan dahil sa lalim ng gabi. Kung meron man ay hindi naman siya. Inangat ko ang ulo ko at humagulhol na. Nakakainis lang! Kasi kahit saan tingnan, talo parin ako dito. I’m in love with him and I feel like hindi na ito matatapos pa. Para bang hindi ko alam kung paano ito tigilan. Pero paano kung isang araw ay tumigil siya sa pagmamahal sa akin? Ngayon pa nga lang ay mahirap na, paano kung dumating na ang araw na iyon? At wala akong karapatan dahil hindi naman talaga kami pwede. Pwedeng pwede niya akong talikuran kahit kailan niya gusto at wala akong panghahawakan kasi hindi naman talaga kami pwede. Palaging may lamang ang ibang babae kumpara sa akin.

Tinakpan ko na ang mukha ko dahil sa paghagulhol ng iyak. Nasilaw ako sa headlights ng sasakyang dumadating. Mabilisan siyang nag park at agad kong narinig ang bagsak ng pintuan non. Bago ko pa makita kung sino ang dumating ay tumambad na sa harapan ko ang nag aalalang si Elijah para yakapin ako.

“What are you doing here?” Medyo galit niyang sinabi.

Hindi ko na mapigilan ang paghagulhol pa lalo at ang pagyakap sa kanya.

Ito ang unang pagkakataon na naiyak ako ng ganito. Iyong hagulhol na may tunog talaga. Iyong bawat paghikbi ay naririnig ko. Mahigpit na mahigpit ang yakap ko sa kanya. Ayaw ko siyang bitiwan. I hated him for leaving but I loved him for coming back. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ang importante ay nandito siya. I don’t care what happened. Kung bakit natagalan siya at kung ano man ang dahilan at natagalan siya, ang importante ay dumating siya.

“Baby, you are so cold.” Bulong niya. “Hush. Stop crying please. You are freaking me out.”

Kinalas ko ang mahigpit na yakap ko sa kanya at inayos ang sarili ko. Dammit, Klare! You messed up again! I need to learn to control my feelings.

“Akala ko di ka babalik.” Nanginginig ang boses ko.

“Kailan ko pinaramdam sayo na hindi ako babalik? I will always come back. I will always be back for you.”

Dammit! If one day he’ll leave, I will probably just self destruct.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading