Until He Was Gone – Kabanata 25

Kabanata 25

Lilies

Hinatid na ako ni Elijah sa bahay. Walang kibuan. Buong akala ko ay aalis rin siya pero nagulat ako nang lumabas siya sa sasakyan at sinamahan pa ako paakyat ng bahay. Hindi parin ako kumakalma. Naroon parin ang pait sa pakiramdam ko kaya hindi na ako nagsalita. Baka kasi ano pa ang masabi ko.

“Oh, na enrol ka na ba?” Tanong ni mommy pagkakitang pumasok ako sa amin.

Nasa kusina siya at kumukuha ng meryenda para kay Charles. Alas tres na ng hapon at walang pasok si Charles ngayon dahil sembreak kaya malamang ay tulog ang isang ‘yon. Hinalikan ko si mommy nang di siya tinitingnan.

“Hindi pa po. Bukas na lang siguro.” Sabi ko habang nakatingin si Mommy kay Elijah na nasa likod ko.

“By the way, galing dito si Damon at Rafael. Gusto daw nilang lumabas mamayang gabi. Naku!” Ngumuso si mommy.

Umupo si Elijah sa sofa at pinanood kami ni mommy na nag uusap. Nagulat ako sa reaksyon ni mommy. Hindi niya naman ako madalas pinagbabawalang lumabas pero mukhang ngayon ay napuno na siya.

“Wag ka ng lumabas ngayong gabi.” Aniya.

“Huh?”

Hindi naman sa gustong gusto kong lumabas ngayong gabi. Ang totoo niyan ay okay lang sa akin kung dito muna ako sa bahay para magpahinga pero nakapagtataka ang pambabawal ni mommy.

“Mahirap na. Kung gusto ng mga pinsan mo na lumabas. Sa roofdeck na lang kayo, Klare. Ipag luluto ko kayo. Mag gogrocery kami mamaya ng daddy mo, bibilhan ko kayo ng ribs tsaka oorder tayo ng pizza. Name it. Wag lang muna kayong lumabas.”

“Bakit naman po?”

Hindi makatingin si mommy sa akin. Imbes ay tumingin siya sa nakakunot noong Elijah. “Tell your cousins.”

“Opo.” Ani Elijah at kinuha agad ang cellphone niya.

Hindi ko alam kung anong problema ni mommy. Probably just another paranoia attack from parents, huh? Nakita kong nag tatype ng kung ano si Elijah sa cellphone niya.

“Saan ba ‘yong lakad? Kung gusto niyo, kayo na lang. Di ako sasama.” Sabi ko.

“Sabi ni Chanel, magkikita kita lang naman daw tayo bago mag November. Ang sabi niya ay bibigyan niya raw tayo ng tickets para don sa hinohost na Halloween Party ni Silver.”

Oh. Iyon ‘yong sinasabi ni Cherry. Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil naalala ko na naman ‘yong nangyari kanina. Suminghap siya at nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag lapit niya sa akin.

“Kung ayaw mong lumabas, o ayaw mo sila dito, then I will tell Chanel that we won’t come.”

“Elijah, kung gusto mong sumama, edi sumama ka.” Sabi ko.

Umiling siya. Nag angat ako ng tingin sa kanya.

Biglang bumukas ang pintuan ng bahay namin at nabasag ang boses ni Erin. Lumayo agad ako kay Elijah at lumapit na lang sa fridge namin.

“THERE YOU ARE!” Sigaw ni Erin habang tumatawa.

“What?” Tanong ni Elijah sa pinsan namin.

Nakita kong kasama ni Erin si Josiah at si Claudette. Nakatayo si Claudette na parang di makabasag pinggan sa gilid ng aming vase habang umupo si Josiah sa aming sofa.

“Don tayo kina Claudette ngayon. Swimming tayo sa pool na araw-araw iniihian ni Azi!” Tumatawang sambit ni Erin.

“Shut it, Erin. That’s just disgusting.” Maarteng sinabi ni Josiah.

“We won’t come.” Mariing sinabi ni Elijah.

“Huh? Bakit?” Kinagatan ni Erin ang apple na nasa mesa namin.

Narinig kong bumukas ang kwarto nina mommy at daddy. Lumabas silang dalawa. Naka shorts lang at white t shirt si dad. Habang si mommy naman ay bihis na bihis.

“Hello, tita!” Dinagsa sina mommy at daddy ng mga pinsan ko.

There. Malalaman nilang hindi ako pwede dahil pinagbawalan ako ni mommy.

“Hello, Erin!” Sabi ni mommy habang hinahalikan ang mga pinsan ko. “Narinig ko kay Rafael na kina Dette Dette daw kayo tonight? Sorry, I won’t allow Klare to go?”

“Tita naman. Ang KJ. Bakit po? Is she grounded?” Tanong ni Erin.

“No, she i-isn’t.” Tumingin si mommy kay Dad na kinukuha lang ‘yong newspaper sa mesa. “Kung gusto niyo. Dito na lang kayo sa bahay. Sa roofdeck. Pwede rin kayong mag sleepover. I will provide everything except for your drinks.” Sabi ni mommy.

“Okay lang, Erin. Hindi rin naman gusto masyado ni Kuya sa bahay kasi nauumay siya.” Sabi ni Claudette.

“I’m cool with that, too. Hindi naman ako desperado sa swimming. Kayo lang ni Chanel ang Desperado sa swimming.” Utas ni Josiah.

“It’s decided, then?” Ngumisi si mommy at tumingin sa akin.

Bigo si Erin ngunit mukhang wala siyang magagawa. I’m sorry for her. Okay lang naman talaga sa akin kung pumunta sila doon nang hindi ako kasama.

“Why is tita acting strange? Kina Azrael lang naman tayo.” Bulong ni Erin habang ipinagkibit balikat.

Paalis na sina mommy non. Tumingin siya sa akin bago siya tuluyang lumabas.

“Klare, paki kuha rin nga pala ‘yong inorder kong fresh flowers sa baba. Sa flowershop nina Kristal. Sabihin mo ‘yong lahat ng inorder ko for your lolo’s grave. Ilagay niyo ni Elijah sa pinrepare kong baldeng tubig malapit sa kwarto ni manang.”

Tumango ako. Bumaling si mommy kay Erin.

“Anong mga gusto niyo, Erin? Name it.”

Syempre, naging mas pabor iyon para kay Erin dahil nakakarequest siya ng kahit ano kay mommy para lang mangyari ‘yong gusto nilang hang out. Ayun at nag request nga siya ng mga pagkain.

“The guest rooms are open for everyone. Kayo lang bang magpipinsan?” Tanong ni mommy.

“Hindi po, tita. Some of my friends are coming over at ‘yong manliligaw ho ni Klare na si Eion Sarmiento and some friends of Josiah. Will it be okay?”

Medyo nagulantang si mommy sa sinabi ni Erin.

Kilala na ni mommy si Eion at alam niyang may crush ako dun. Ang hindi niya alam ay ang panliligaw ni Eion.

“Nanliligaw na si Eion sa’yo, Klare?” Tanong ni mommy na hindi ko nasagot.

Tumawa si Erin sa reaksyon ko.

“Okay, nevermind. Well, then. Just make sure na ‘yong girls na guest room ay sa girls lang at ang boys ay para sa boys.”

Umalis din si mommy at humagalpak sa tawa si Josiah at Erin dahil doon. Umiling na lang ako. Paano ko sasabihin sa kanilang tinanggihan ko na si Eion noon sa Camiguin. Tahimik lang si Elijah sa gilid ko. Ni hindi ko siya matingnan.

“Tara na, Elijah. Let’s leave Klare here. Bili tayo ng liquors.” Sabi ni Josiah pagkatapos inoff ang TV.

“No. I’ll stay here.” Aniya.

“Huh? Sige na. We’ll fetch Erin’s friends. Alam mo na, sina Hannah? Tara na, dude!”

“Ikaw na lang, Josiah.”

Nakita kong nalaglag ang panga ni Josiah sa sinabi ni Elijah. Humalakhak si Claudette. Napatingin ako sa kanya kaya tinakpan niya ang bibig niya at hinila si Erin palabas ng bahay.

“Let’s go, Erin. Bibili pa tayo ng liquors. Klare has some errands to do.” Aniya at nagpatianod naman si Erin.

“Where the hell are your balls? Grabe, Elijah, ito pala ‘yong sinasabi ni Azi. Dude! Get a life! Nabigo kaba sa huling niligawan mo?”

Humagalpak sa tawa si Elijah. “Wala akong huling nilagawan, Josiah. Get out of here.”

Nag inisan ang dalawa. Umiling na lang ako at kumaway na si Josiah.

“We’ll be back by five. Bye.” At umalis na.

Bumuntong hininga ako at nilapitan ‘yong sinabi ni mommy na mga balde. Nakita ko nga ‘yon malapit sa kwarto ni manang. Kukunin ko na lang ‘yong mga bulaklak kina Kristal at ilalagay doon.

“Elijah, ba’t di ka sumama kina Josiah?”

Hindi ko maitago ang tabang sa boses ko. This is why everything is so complicated. Alam na alam ko na hindi kami pwedeng dalawa pero ayaw ko namang mapunta siya sa iba? Kung pwede lang maging bulag at bingi sa mangyayari sa kanya pag nakahanap ng iba ay magbabayad ako para lang maging ganon.

I’m jealous and insecure of all the girls who can be with him. Iyon ang hindi ko kailanman maaalis sa sistema ko. Dahil sila, hindi sila related sa kanya. Pwedeng pwede. Ako, mahalin niya man ako, mahalin ko man siya, hindi parin talaga kami pwede. This is a disgrace to the Montefalcos. This is a big slap to our family. Hindi ko kailanman narinig sa mga tita ko na may ganitong nangyari sa aming pamilya. Madalas ay nirereto kami sa mga malalaking pamilya, pero hindi ‘yong nirereto sa isang relative. Never. It’s a disgrace, a stain on our names.

“Bakit ako sasama?” Tanong niya habang sinusundan akong pababa ng building para kunin ang mga bulaklak.

“You’ll find some girls there. You’ll have Hannah or anyone-“

“Klare, pwede bang tigilan mo na ang panunulak sa akin sa ibang babae?” Angal niya. “You’ve been doing that to me for weeks now. Akala mo hindi ko napapansin.”

Hindi na ako nagsalita. Paano ko ‘yon titigilan kung ‘yon ang satingin ko ay tama? I will never give that idea up, of course. Paano ko siya kukumbinsihin na ganon nga dapat? I don’t know.

“Kristal.” Ngumisi sa akin ang isang nasa mid twenties na babaeng naka itim na apron at kulot ang buhok.

Si Kristal ang asawa ng may ari nitong flowershop na nangungupahan sa building namin. Kapag kailangan namin ng bulaklak, dito kami kumukuha sa kanila. Maraming orders ngayon dahil palapit na ang undas. Ngumisi siya sa akin at para bang alam niya agad ang pinunta ko dito.

“Para sa lolo at lola mo?” Tanong niya.

Tumango ako at naghintay sa may counter habang pinapanood siyang kinukuha ang bundle ng mga bulaklak sa baba.

“Hendrix, ‘yong mga lilies ang gusto ng lola mo. You should buy some for her.” Anang isang matigas na boses ng matandang lalaki.

Luminga linga na ako. Narito si Elijah sa gilid ko ngunit pinagmamasdan niya ang isang bundle ng roses sa tabi. Hendrix? Hendrix Ty ba?

“Yes, dad.” Narinig ko ang pamilyar na boses ni Hendrix Ty sa kabilang banda ng flowershop.

“Kuya.” Mas malamig at mas malalim na boses ang tumawag nito sa kanya.

“Huh?”

Tinaas ko ang leeg ko at doon ko nakita na sabay na tumingin si Hendrix at ‘yong kapatid niyang si Pierre sa akin. Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Hendrix habang si Pierre naman ay nakataas noo at poker faced lang na nakatingin sa akin. Silang dalawa ay parehong naka jersey pa.

“Here, Pierre.” Sabay bigay ng isang medyo kasing tanda ni Daddy na filipin-chinese.

He is most probably their dad. Kamukhang kamukha ng daddy niya si Pierre. Hindi sila gaanong chinito ngunit alam mong may lahi silang Chinese dahil sa kutis at dahil na rin sa mga mata.

Natigilan ang matanda sa pagtingin sa akin. Kumunot ang noo ko sa kakatingin sa kanila. Nakita kong nilapitan ni Hendrix ang kanyang ama at mukhang may binulong at parang inalalayan ito palabas ata ng flowershop.

“It’s creepy coz she looks just like me. Like a girl version of me.” Sabi ni Pierre habang nakatingin sa akin.

“Eto na, Klare.”

Halos mapatalon ako sa boses ni Kristal nang binigay sa akin ang bundle ng mga binili ni mommy. Inabot ‘yon ni Elijah at mukhang may pahabol pang binili na mga roses. Nilingon ko ulit sila ngunit lumabas na roon si Hendrix at iniwan ang weird looking na si Pierre doon na may dala dalang mga lilies.

“Miss, bibilhin ko ito.” Sabi niya kay Kristal habang nakatingin parin sa akin.

“Okay po.” Sabi ni Kristal.

“Hey, let’s go.” Wika ni Elijah.

Nakita kong siya na ang may hawak sa mga bulaklak na binilin ni mommy. Kinuha ko ‘yong isang bundle dahil hiyang hiya ako sa kanya ngunit tinuro niya ang isang bouquet sa akin.

“‘Yon ‘yong sayo. ‘Yon na ang dalhin mo.”

Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang mga bulaklak.

Ngumisi ako kay Kristal na nakakunot ang noong nakatingin sa aming dalawa ni Elijah. Hindi na ako kumibo. Ayaw kong may mahalata siya kahit wala naman talaga dapat.

Pagkalabas namin ay naabutan namin si Hendrix at ang kanyang ama na nag uusap. Sabay pa silang lumingon sa akin nang nakanganga. Kumunot lalo ang ulo ko.

“Bro!” Tumango si Hendrix kay Elijah.

Tumango rin si Elijah. “Let’s go.” Mariing sinabi ni Elijah sakin para pumasok na sa elevator ng building.

“Hey, Elijah!” Pahabol ni Hendrix nang nakapasok na ako sa elevator.

“Bakit?” Nakataas ang kilay ni Elijah.

Sinulyapan ako ni Hendrix bago siya nagsalita kay Elijah. “Basketball tayo? Isama mo mga pinsan mo. Sa Xavier Estates. Katuwaan lang.” Ngumisi si Hendrix.

Tumango si Elijah. “Alright.”

“You can go too, Klare.” Sabay tingin ni Hendrix sakin.

“Why?” Agarang tanong ni Elijah.

“Uh…”

“Tsss. Don’t hit on her.” Banta ni Elijah at nag igting ang kanyang panga.

Umiling si Hendrix. “I’m not hitting on her, dude.”

“Deal, then.”

At kanyang sinarado ang pintuan ng elevator. Pabalik balik ang pagkuyom ng kanyang panga at hinarap niya ako. Tagos ang kanyang titig sa akin kaya hindi ko siya matitigan pabalik. Sa baba lang ang mga mata ko habang nasa kandungan ko ang bouquet na binigay niya.

“If they’ll try to hit on you and I’ll hit them too.” Malamig niyang sinabi.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: