Kabanata 24
With Other Girls
Hindi ko alam kung bakit sumusunod ako kay Elijah sa sasakyan niya. Kahit nakabusangot ang mukha ko ay nagawa ko paring pumasok at mag seatbelt.
This isn’t a date. Kakain lang kami sa labas. Mag lu-lunch. Kung saan pwedeng mag lunch na kaming dalawa lang dahil nakakaasiwa naman talaga pag may ibang taong nakatingin sa amin lalo na pag kilala.
“Saan mo gustong kumain?” Kalmado niyang tanong habang pinapaandar ang sasakyan.
Nakikita ko sa malayo ang mga titig ni Rafael sa sasakyan ni Elijah. Nasa isang bench siya katabi ang dalawang matangkad at magandang babae ngunit ang titig niya ay sa sasakyan ni Elijah. Buti na lang at tinted itong salamin niya, hindi niya makikita kung sino ang kasama ni Elijah sa loob.
Nakita kong tumayo si Rafael nang lumapit na sa benches ang sasakyan ni Elijah.
“Kumakaway si Rafael. Isama natin siya.” Sabi ko nang narealize na magandang ideya ‘yon.
Hindi kami magiging masyadong awkward pag nandyan si Rafael. Ngunit hindi ‘yon pinansin ni Elijah. Halos marinig ko nga ang mura ni Rafael nang nilagpasan lang ni Elijah ang kanyang kaway.
“Gusto niyang sumama.” Sabi ko.
Umiling si Elijah at diretso ang titig sa kalsada. Tinitigan ko rin siya dahil hindi ako makapaniwalang di niya pinansin si Rafael.
Sumulyap siya sa akin pagkaliko, “What?”
“Sana sinama mo si Rafael!” Utas ko.
“I want us to be alone. Hindi ba pwede?”
Oh dammit! Really? I can’t believe this. Tumingin na lang ako sa labas habang nagdadrive siya patungo sa isang mall.
“So… Saan mo ba gustong kumain?” Tanong niya ulit.
“Just… anywhere.” Sabi ko dahil ayaw ko ng mag isip kung saan pwede.
Niliko niya iyon sa isang mall. Humina ang takbo niya dahil namili siya sa mga restaurant sa Rosario Arcade. Do we really need to eat somewhere here?
“Sa Mcdo na lang, Elijah.” Sabi ko nang nakitang papalapit na kami roon.
“Missy Bon Bon.” Utas niya at tinuro ang isang medyo may romantic na ambience.
Oh great God. Tinigil niya ang sasakyan niya sa tapat. Medyo napatango na lang ako kasi nakita kong over crowded ang Mcdo at itong Missy Bon Bon naman ay nasa dalawang tao lang ang nasa loob.
Lumabas na ako sa sasakyan niya at agad na tumungo sa puting pintuan ng Missy Bon Bon. May mga puting tables sa loob at meron din sa veranda nito. Romantic ang ambience at masasabi kong pang ‘date’ ang lugar na ito. Hindi rin masyadong heavy ang mga meals. Bakit niya pa ito pinili?
Binuksan ni Elijah ang pintuan para sa akin. Naunahan niya pa ako. Suminghap ako at pumasok na lang sa loob. Sumunod naman siya. Hinarap ko ang counter para mamili ng pagkain at nasa likod naman siya para mamili din.
“Ham Pesto tsaka juice na lang ‘yong akin.” Sabi ko sabay kuha ng pera sa wallet.
“Keep your wallet and don’t insult me.” Aniya habang nakapamaywang at tinitingnan ang mga pagkain sa menu.
“What do you mean?”
Binaba niya ang tingin niya sa akin. “Find us a seat. Ako ang bahala sa lahat, Klare.”
“Elijah, sa mga pinsan natin halos patayan para lang makakuha ng libre-“
“Hush.” Sabi niya at kinausap na ang babaeng nasa counter.
Nakaawang ang bibig ko at hindi na nakapag salita nang nag order na siya at binayaran ang lahat ng iyon. Kung si Azi ang kasama ko dito, siya pa ang mag mamakaawa sa aking manlibre ako sa kanya. Ganun ‘yon dapat, hindi ba? Ugh!
“Klare Montefalco?” May narinig akong excited na boses sa likod ko.
Nakita kong nasa isang malaking table at mag isa ang isang babaeng naka puting loose t shirt at naka shorts lang. Excited niya akong kinawayan kahit na hindi naman kami ganon ka close. Hilaw akong ngumisi kay Cherry.
“Lika dito!” Aniya at naglahad ng upuan sa akin. “Nakakuha ka na ba ng grades mo? Ako hindi pa, e.” Sabay tapik ulit sa upuan.
Seryoso ba siya? Gusto niyang diyan ako umupo sa tabi niya. At isa pa, nandito si Elijah. Ibig sabihin doon kami uupo sa tabi niya?
Ngumisi ulit ako at unti-unting lumapit sa kanya.
“Oo, nakuha ko na kanina.” Sabi ko.
Buti na lang maayos ang grades ko. Maayos din ang kay Elijah. Lagi naman. Napatingin siya sa likod ko at nakita kong namilog ang labi niya nang nakita kung sino ang naroon. The effing swagger is behind me and she’s drooling like an idiot.
“OMG! Dito na kayo umupo!” Sabi niya at ipinakita ang malaking table niya na bakanteng bakante.
Will this be better? Mas maganda nga ba kung may iba kaming kasama?
“Okay.” Sabi ko at umupo sa tabi ni Cherry.
Nag taas ng kilay si Elijah sa akin.
“Actually, Cherry, mas gusto namin ni Klare ang ambience sa labas-“
I cut him off, of course. “Hindi. Okay lang dito, Elijah.”
Nagkibit balikat siya at umupo sa harap namin ni Cherry. Ngiting ngiti si Cherry habang kaharap si Elijah.
“Asan ang ibang cousins niyo?” Tanong niya.
“Sina Azi ba ang tinutukoy mo? Nasa school silang lahat.” Ani Elijah.
“Oh so kayong dalawa lang?”
Tumango si Elijah at tumingin sa akin.
“Galing akong gym. Dito ako kumakain kasi hindi heavy ang meals nila tsaka tamad akong gumawa ng sarili kong meals.” Wika ni Cherry.
“Oh? Saan ka nag g-gym?” Tanong naman ni Elijah.
So, I’ll probably pretend that I’m a ghost? Teka lang. Hayaan mo na ‘yan, Klare. Mas malapit ang dalawa, mas mabuti. Baka mawala na ‘yang kung anong infatuation ni Elijah para sa’yo and things will be back to normal.
“Sa Perfect Line, madalas. Papalit palit kasi ako, e.” Nagkibit balikat si Cherry at hinawi ang takas na buhok sa kanyang tainga.
Tumango si Elijah.
“Bakit? Saan ka ba nag ji-gym?” Tanong ni Cherry at humilig kay Elijah.
Dumating ang pagkain. Ginugutom ako kaya nagsimula akong lumantak doon. Bahala si Elijah kung masyado pa siyang na eentertain kay Cherry at sa usapang gym nila. Ang importante ay makakain ako.
“Sa Atlantis. Kasama ko si Klare, madalas. Pero pagkatapos ng birthday niya, di na siya bumalik.” Tumawa si Elijah.
Pinanood ko lang ang tawanan ng dalawa.
“It’s okay. Maganda na naman ang katawan ni Klare. Ang payat niya nga.”
“Payat ka rin naman.” Elijah said.
Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Alam ko. Wala namang kung ano doon sa sinabi niya pero bakit kaya parang pinipiga ang puso ko. Uminom ako ng juice at nagpatuloy ulit sa pagkain.
“No. Kailangan kong mag cut. I’m paranoid.” Tumawa ulit si Cherry. “Anyway, maganda ba sa Atlantis? Lilipat na ba ako doon?”
“Yup. Maganda doon. Doon na ako noon pa, e. Aside from Sport Zone, noon.”
“Naku! Sige, lilipat ako doon next week.” Ani Cherry. “Anong sched mo?”
Nagpatuloy sila sa pagtatalakan habang kumakain ako. Kumakain din si Elijah pero madalas ay napuputol dahil sa umuulang tanong ni Cherry. Tapos na akong kumain at pinanood ko na lang ang dalawa na nag kakasundo.
Kung wala ako dito, magandang date siguro itong mangyayari sa kanilang dalawa. Pero dahil nandito ako, pigil. I’m not even sure if they’re holding back. Mukha namang hindi.
“Excuse me, powder room lang.” Sabi ko nang naumay na sa usapan nila.
Nag angat ng tingin si Elijah sa akin. Ni hindi ko siya tiningnan ng umalis ako. Dumiretso ako sa CR at nagpasyang pagkalabas ay yayayain ko na siyang umalis o pumasok man lang sa mall para mawala kay Cherry. Bakit ko ba gustong mawala si Cherry? Hindi ba ito naman ‘yong gusto kong mangyari? Ang ma divert ang atensyon ni Elijah kay Cherry?
Pagkalabas ko ay nagulat ako nang nakatayo na ang dalawa malapit sa pinto. Nagtaas ako ng kilay at nagtaka sa kanilang dalawa. Nagtaas din ng kilay si Elijah.
“So, Cherry, we need to go. May pupuntahan lang kami ni Klare sa loob ng mall.” Sabi niya.
“Oh? Manonood kayo ng sine?” Nagningning ang mga mata ni Cherry sa sinabi niya.
“Nope, may bibilhin lang.” Singit ko.
Ayaw kong maisip niyang manonood kami ng sine at sasama siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin ni Elijah sa loob pero gusto ko na lang pumasok at iwan si Cherry dito.
“Oh? Can I hang out with you guys for a little while?”
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kung ako ang nasa lugar niya, hinding hindi ko kayang mag yaya ng ganon.
“Oh, pero kung hindi pwede-“
“No, no, it’s okay.” Sabi ko agad nang nakita ang bigung mukha ni Cherry.
Kumunot ang noo ni Elijah sa akin. Nag iwas na lang ako ng tingin sa kanya at lumabas na kami sa Missy Bon Bon para pumasok sa loob ng mall. Ang totoo ay wala naman talaga kaming bibilhin ni Elijah. Kaya nag isip na lang ako ng maaring bilhin para hindi magtaka si Cherry.
Naisipan kong bumili ng mga ballpen at bagong notebook para sa nalalapit na pasukan ngayong November. Kitang kita na ang mga decoration ng halloween. Tawa nang tawa si Cherry habang tinuturo sa National Book Store ang kani kanilang mga mask para sa halloween.
“By the way, si Silver Sarmiento ay mag ho-host ng Halloween Party sa Club Tilt. Yung proceeds ng party ay pupunta sa mga biktima ng bagyo. Sasama ba kayo? Namimili na ako ng damit. Siguro mag wa-white lady ako o princess. It depends, costume party lang naman ‘yon.”
“Nabanggit nga ni Chanel ‘yon. Maybe I’ll come if she comes.” Sabi ni Elijah sabay turo sa akin.
“Oh? Bakit magkadugtong kayo?” Tumawa si Cherry.
Matalim kong tinitigan si Cherry sa sinabi niya ngunit hindi niya iyon napansin. Binalewala ko na lang iyon. Whatever. Pumila na ako sa counter para bilhin ang lahat ng pinili ko. Nagulat ako nang nakitang ang binili ni Elijah na mga gamit ay halos tulad din ng sa akin. Kinuha niya pa ang mga ‘yon at siya na ang pumila doon.
“I really like this book.” Sabay pakita ni Cherry sa isang librong may erotic cover. Isang babae na mukhang nakagapos at lalaking may dalang latigo. “Sana may magbigay nito sa akin sa birthday ko.”
“Kailan ang birthday mo?” Tanong nI Elijah.
Kinailangan kong lumayo sa kanilang dalawa. I did not like it. Bumigat ang damdamin ko lalo na nang nag yaya si Cherry na pumunta sa Worlds of Fun.
“That’s too corny.” Tumatawa si Elijah.
“Hindi, kasi may gusto akong kunin na stufftoy pero talagang walang nakakakuha nun sa friends ko. Maybe you’ll get it, Eijah.”
Multo na lang ako dito sa gilid ni Elijah. Pasulyap sulyap siya sa akin pero palaging inaagaw ni Cherry ang atensyon niya. Ni wala na akong ganang magsalita dahil sa bigat ng nararamdaman ko sa dalawa.
“I’ll buy the tokens.” Sabi ni Cherry at naglabas ng wallet.
“No need. Won’t let a girl pay for me.” Magarbong sinabi nI Elijah habang bumili ng maraming tokens.
Dammit! Nag wawala ang mga paru-paro sa tiyan ko. Hindi dahil kinikilig ako kundi dahil… Ugh!
Lumapit kami doon sa tinurong booth ni Cherry kung saan naroon ang isang teddy bear na gusto niyang makuha. Natatangi iyon. Kulay pink na nakahalo sa mga kulay white na teddy bear.
“Which stuff toy do you want, Klare?” Tanong ni Elijah at tumingin sa akin kahit na panay na ang turo ni Cherry ng kulay pink na teddy bear.
“Any. Wala namang iba diyan. Pareho naman silang puti.” Malamig kong sinabi.
Kumunot ang noo niya. Maaring narinig niya sa tono ko ang pagkakabanas. I don;t really care.
Hinulog niya ang token at sinubukang kunin ang puting teddy bear na mukhang madaling kunin.
“Hindi ‘yan, Elijah. The pink one.” Utos ni Cherry.
“I know. I’m getting a stufftoy for Klare first.” Aniya.
Naubos ang sampung token at hindi niya pa rin nakuha ang stuff toy na gusto niyang kunin. Okay lang naman ‘yon sa akin. Hindi naman ako desperada para makuha ‘yong stufftoy.
“Elijah. Try the pink one.” Sabi ko nang narealize na hindi siya titigil sa mga puting teddy bear.
“This is frustrating. I don’t like this game.” Aniya.
Tumawa si Cherry at nakita kung gaano ka banas si Elijah sa larong iyon.
Umupo na lang ako sa isang bench at pinagmasdan na sinusubukan ng dalawang kunin ang pink na teddy bear na gusto ni Cherry. Laking gulat ko nang unang subok pa lang ay nakuha niya agad ito! Tumawa si Elijah at napatalon si Cherry.
Napatingin halos lahat ng tao sa kanilang dalawa dahil sobrang saya nila. Kinuha ni Cherry ang stufftoy at niyakap niya si Elijah. Nagulat si Elijah but he didn’t push her away. Bumaliktad na ang sikmura ko at napapaso na ako sa kakatingin sa dalawa.
“Thank you, Elijah! I knew it! Kaya mong kunin ‘yon! Ang galing mo! Sa dami ng nanligaw sakin at pinapakuha ko ‘yon? Ikaw lang talaga ang nakakuha! Thank you so much!” Sabi ni Cherry at pinulupot niya ang kanyang braso sa leeg ni Elijah at hinalikan niya ito sa pisngi.
Natigil na ako sa paghinga. Yumuko na lang ako sa bench na kinauupuan ko at nag dasal na sana kinain na lang ako ng lupa. I didn’t like the picture. Naramdaman ko ang unti-unting pag kulo ng damdamin ko. Nilingon ako ni Elijah ngunit di ko alam kung anong binibigay niyang ekspresyon.
“Thank you!” Patiling sinabi ni Cherry.
“So… I’ll try the white ones for Klare.” Utas ni Elijah at binalingan ulit ang machine.
“Huwag na.” Malamig kong sinabi at tumayo sa kinauupuan ko.
“I will try, Klare.” Mariin niyang sinabi.
“I want to go now.” Sabi ko.
“Bakit, Klare? You okay? Masakit ba ang tiyan mo?” Concerned na tanong ni Cherry.
“Nope. I just want to go.” Sabi ko at tinitigan ang nakakunot noong si Elijah.
“No, I will give you the teddy bear.”
“If you wanna stay, Elijah. Then stay. Uuwi ako.” Sabi ko at hindi na inisip ang sasabihin ni Cherry.
Hindi ko na napigilan ang pag alis doon. Umalis ako ngunit naramdaman ko agad ang mga yapak na mabilis ni Elijah na sumusunod sa akin.
“Klare.” Tawag niya ngunit di ko siya nilingon.
Diretso akong sumakay sa escalator. Sumakay din siya. Hindi ko alam kung kasama niya ba si Cherry o ano. I don’t care. If they want to date then date all you want. Wag niyo akong isama.
“Klare.” Aniya at hinawakan ang braso ko.
Pagkahawak niya ng braso ko ay pakiramdam ko mababasag na ako sa pag iyak. Nasa gilid na ng mga mata ko ang luha at hindi ko na alam kung paano sila papabalikin sa loob. Maraming tao at hindi pwedeng umiyak ako dito. Kung pwedeng tumakbo palabas ay gagawin ko na.
“Klare! If you want to go, then we will go. Just don’t get mad at me.” Sabi niya habang sinusundan niya parin ako. “Wrong way, baby. Nandito ang sasakyan ko sa kabilang pinto.” Aniya nang nakitang nasa South Promenade ako dumaan.
Hinila niya ako nang narealize na hindi talaga ako pupunta sa sasakyan niya. Dammit! I don’t wanna be with you!
Hinarap niya ako at kinaladkad patungo sa kabilang pintuan ng mall. Wala siyang sinabi at hinigit niya lang ako. Hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng luha kong agad kong sinasalo sa mga palad. Hindi niya kailangang makita ang pag luha ko para lang sa mga estupidong rason.
Pumiglas ako sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa pulso ko. Kahit alam kong hindi ko ‘yon mababawi ay sinubukan ko parin.
“Where do you wanna go now?” Tanong niya nang palabas na kami.
Nilingon niya ako at natigilan siya nang nakita ang basa kong pisngi. I looked away. Mga walang hiyang paru-paro. Why were they called butterflies in my stomach. Mas bagay ang demons in my stomach. Butterflies are much cuter. Demons ‘yong dapat. Dahil nanunusok at nagwawala ang mga ito.
Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang kanyang daliri at pinagmasdan niya akong mabuti. Nakatingin lang ako sa baba. Hindi ko siya matingnan.
“I want to go.” Nanginginig kong sinabi.
“Yes. We will go. I’m sorry.” Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
Hinalikan niya ang ulo ko na siyang mas lalong nagpaiyak sa akin. Dammit! I am in love with him and it’s all so wrong. Hindi ko alam kung matatanggap ko ba ang kahibangang ito. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang tanggapin ang lahat ng ito.
“I don’t like you with other girls.” Utas ko nang kinalas niya ang yakap niya sa akin para higitin ako patungo sa sasakyan niya.
Halos matawa siya pero malungkot ang kanyang mga mata. “I don’t like you with other boys, either.”
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]
It’s wrong but I’m with you both.
sayo talaga uuwi elijah!!🥺